Tumingin si Abby sa ibang tao sa tindahan at nagsalita nang may drama:"Mga kasama, kayo na ang humusga. Ang ate ko ay nakapangasawa ng isang mayamang tao at nakatira sa isang malaking btahay sa Forbtes. Ako ang nakababatang kapatid niya, at ito ang tunay niyang ina. Sobra ba naman ang humingi ng ilang pirasong damit?"Pagkarinig nito, muling nagbulungan ang mga mayayamang ginang sa paligid."Forbes! Mas mahal pa ‘yon kaysa sa isang mansyon!""Oo nga, ang isang malaking bahay sa Forbes ay katumbas ng tatlo o apat na suburban villas!""Ibig sabihin, hindi pala sila walang pera—nagpapanggap lang silang mahirap para hindi bumili para sa pamilya niya!"Nang makita ni Abby na lumalakas ang opinyon ng publiko laban kay Beatrice, lumapit siya rito nang mayabang."Ate, kita mo? Wala nang kumakampi sa’yo! Hindi ko pinaniniwalaang hindi ka binibigyan ng pera ni kuya Marcus! Bilisan mo na at bayaran mo na ‘to, para hindi ka na mapahiya."Sumingit din si Lucy, pinalalambot ang boses:"Oo nga, pin
Nang makita ng ibang mayayamang ginang na nagsalita na ang asawa ni Mr. Salazar, agad silang sumali sa usapan."Tama! Hindi namin inaasahan na ganito kakapal ang mukha ng mag-inanyg iyan!""Oo nga! Sa tuwing namimili kami ng mga damit dito, isa o dalawang piraso lang ang pinipili namin para sa sarili namin. Hindi tulad ng mag-inang ito—kuha nang kuha nang hindi naman sila nagbabayad!""Totoo! Parang naghahanap lang sila ng taong lolokohin!""Sinasabi mong ikaw ang kanyanyg ina! Anong klaseng ina ang niloloko ang sarili niyang anak ng ganito?""Ako rin ang panganay sa pamilya! At ang hindi ko matanggap ay ‘yung sinasabi nilang ang panganay dapat na umako sa lahat! Tipong lahat ng gastusin sa pamilya, sagot ng panganay! Kailangang bayaran ang kasal ng kapatid—kaya ang panganay nagiging tanga sa mata ng lahat!"Lumapit ang asawa ni Mrs. Salazar kay Beatrice, hinawakan ang kanyang braso, at mas lalong natuwa sa kanya."Beatrice, napakaganda ng sinabi mo—may dahilan at may basehan. Mapagm
Lucy: "Sa totoo lang, mahirap ding sabihin. Wala naman sa atin ang nakakita ng marriage certificate ng ate mo!"Nag isip ng mabuti si Lucy: "Noong una, si Carlos ang nagsabi na pupunta siya sa bahay natin para kunin ang household registration booklet. Sinabi nya na siya ay kumakatawan sa kanyang boss at sa Villamor family, kaya't wala kaming nagawa kundi ibigay ito sa kanya.""Nang ibalik ang household registration booklet, napansin namin na inilipat na ang household registration ng ate mo! Wala na rin kaming paraan para malaman kung kasal na nga siya."Pinagmasdan ni Abby ang kanyang ina at bahagyang inipit ang kanyang mga mata: "Mommy—sabihin mo sa’kin, may ganitong posibilidad kaya? Baka nga nagsabwatan lang ang ate ko at si Marcus at gumawa ng dahilan para ilipat ang household registration niya. Hindi pala sila kasal!""Kaya’t hindi ibinigay ang mga dote, at yung lupa... puro kalokohan lang. Hindi nga natin siya nakilala!""Oo!" Napaisip si Lucy, pero pagkatapos ay nagduda siya a
"Kuya, ano ba ang pinag-uusapan natin?!" Halos gusto ni Erica na iumpog ang ulo ng kanyang kuya para makita kung anong meron sa loob!"Ang punto ko ay sobrang kapal ng mukha ng mag-ina na 'yon!" Sumabog na si Erica sa galit."Erica, walang masamang magulang sa mundo! Ang isang magaling na tao ay dapat marunong makisama sa pamilya.""Alam ko na maganda ang relasyon ni Abby sa kanyang pamilya. Mahal ito ng mga kapatid nya, at maganda rin ang trato sa kanya ng kanyang mga magulang.""Matagal ko nang hinihiling na sana si Beatrice ay magkaroon ng mas maganda at maayos na relasyon sa kanyang pamilya. Pagbalik ko, makikipag-usap ako sa kanya ng maayos.""Kuya! Walang ka na talagang pag asa!, Basta, mula ngayon, makinig ka sa akin! Turuan kita kung paano ligawan si Ate Beatrice! Huwag mong pakinggan ‘yung pabebe na ‘yon!"Pagkatapos niyang sabihin ito, napansin ni Erica ang matalim na mukha ng tiyuhin mula sa gilid ng kanyang mata, kaya’t mabilis niyang pinatay ang tawag at hindi niya alam k
Bahagyang binuka ni Beatrice ang labi, ngunit itinaas ni Marcus ang kamay upang pigilan siya."Ako na lang ang pagpapaliwanag."Ang dalawang simpleng salita ay nagbigay ng pakiramdam ng kalmadong lakas.Puno ng init ang puso ni Beatrice. Sa pamilya nya, walang nagsabi ng ganitong mga salita sa kanya.Kapag may nangyaring hindi maganda, walang kahit isa sa kanila ang tumayo sa kanyang harapan upang ipagtanggol siya.Tumango si Marcus nang magaan sa kanya at tinukoy ang upuan sa isang gilid: "Sa pamilyang ito, ako ang nakatatanda, ako ang magpapaliwanag."Inutusan ni Marcus si Erica na maghanap ng upuan at maupo. Nang makaupo si Erica, narinig niya si Marcus na nagsabi sa isang pa utos na tono:"Pumunta ka sa West District bukas ng umaga para sunduin ang isang tao para sa akin."Nagulat si Erica: "Pero, Tito Marcus, may appointment ako bukas kasama ang isang celebrity at gusto ko siyang kunan ng picture.""Hindi, pumunta ka at sunduin sya para sa akin bukas." Tumugon si Marcus ng may di
"Bata?" May bahid ng inis ang lumabas sa mga mata ni Marcus, at iniabot ang kamay upang hawakan ang tiyan ni Beatrice na parang hindi makapaniwala.Makikita sa kanyang ekspresyon na hindi siya excited sa ideya ng bagong "little guy"!"Biro lang ba 'to? Kakakasal lang natin, at ayaw ko munang maging monghe, okay?!"Hinila ni Beatrice ang kamay ni Marcus mula sa kanyang tiyan, medyo namumula ang kanyang mga pisngi, at mahinahong nagbigay-linaw:"Hindi, hindi ako buntis. Naisip ko lang na habang tinuturuan mo si Erica, iniisipnko na ang galing mo bilang isang nakatatanda. Kung magkakaroon tayo ng anak balang araw, sigurado akong magiging mabuti kang magulang at aalagaan mo sila ng maayos."Ang pamilyang pinanggalingan ni Beatrice ay laging nagdudulot ng sugat sa kanyang puso.Kaya't siya'y nangarap na mag-asawa nang maaga, magkaroon ng sariling masayang pamilya, at magka-anak, upang mapalaki ang mga anak na puno ng pagmamahal at tiwala sa sarili.Ngunit hindi ito ang inaasahan ni Marcus.
Labis ang pagkagulat ni Beatrice ng sabihin iyon ni Albert.Ang kanyang mukha ay namutla ng husto. Hindi maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.Naghalong pagka sorpresa, gulat at pagkahiya ang kanyang nararamdaman..Si Erica, na hindi napansin ang tensyon sa paligid, ay sumigaw nang masaya: "Kuya, nakuha mo na! Kuya, nag-blush si ate!"Habang patuloy siya sa pagkasabik, hindi niya napansin ang malamig na aura na umiiwas kay Marcus.Matapos ang ilang sandaling pagkawala ng composure, kinaa\ilangan ni Beatrice harapin ang nangyayari.".Huminga sya ng malalim, indekasyon na nag iisip sya ng sasabihin kay Albert habang nakkinig sina Marcus at Erica."Albert, salamat. Pero wala na akong pakialam sa mga sinabi mo. Sinabi ko na sa'yo noon na ako'y kasal na.""Kasal? Imposible!""Kasal? Imposible!"Magkasabay na sinabi nina Albert at Erica ang parehong bagay, at ang kanilang mga boses ay puno ng kasiguraduhan.Beatrice:...Si Erica, na naroroon, ang unang nakapag-react at nag-abot ng kamay ka
"Si tita mo." Nakatitig si Marcus kay Beatrice habang itinuturo sya ni Marcus..Naging mapait ang mukha ni Beatrice at pakiramdam nya ay pinipilit syang galitin ni Erica.“ Tito, pwede bang tigilan na natin ang usapan tungkol sa kasal kasal na iya” napairap si erica.Nang makita at maramdaman ni Erica na magaglit na si Marcus sa kanya, agad nyang nilaptan si Beatrice at agad na hinila palabas “ Ate labas tayo. Ako naman ang manlilibre sa iyo ng lunch. Pasensa ka na if pinakialaman ko ang mga gamit mo ha”Dahil sa malapit na din naman ang oras ng lunch, hindi na tumanggi pa si Beatrice sa paanyaya ni Erica..Naglakad lang siya palabas ng bahay at inayos ang lunch.“Mar…….” Bago pa makaagsalita si Beatrice, ay agad na syang hinila nito papalayo sa bahay.Sa daan habang naglalakad ay pinagsabihan ni Erica si Beatce “ Ate, bakit mo naman ginamit si Tito Marcus upang pagselosin si Kuya”"Sinasabi ko sa'yo, pagkatapos ng aksidente ni tito, hindi na siya kasing lakas ng dati, kaya mas madali
Hindi nasira ang mga strap ng damit ni Beatrice, at nanatili siyang kaakit-akit sa entablado.Sa sandaling iyon, tumingin si Rommel Cristobal sa anak nyang si Monica at sinenyasan siyang pindutin ang remote control button.Mahigpit na tumango si Monica.Sa pagkakataong ito, agad niyang kinuha ang remote control, itinutok ito kay Beatrice sa entablado, at pinindot ito nang may matalim na titig.Ngunit walang nangyari!Natigilan si Monica, at kumunot ang noo ni Rommel Cristobal."Imposible!" Napaatras si Monica sa gulat at pinindot pa ito nang ilang beses, ngunit nanatiling maayos ang mga strap ng damit ni Beatrice, walang kahit anong problema.Dismayado, binuksan ni Monica ang remote control, sinuri ang baterya, muling kinabit ito, at mariing pinindot muli habang nakatutok kay Beatrice.Umandar ang ilaw ng remote control, ngunit nanatiling mahigpit ang suot ni Beatrice sa kanyang katawan—walang kahit anong pagbabagong nangyari."Paano nangyari ito?" Hawak pa rin ni Monica ang remote co
"Oh, may mali ba sa sagot ko?" Tanong ni Beatrice na may ngiti.Sandaling natigilan ang celebrity, pagkatapos ay itinuro ang malaking screen nang may pananabik: "Hindi ba ito isang malaking problema? May babaeng tumawag sa’yo upang humingi ng tulong, ngunit tinanggihan mo siya nang walang awa.Ang babaeng ito ay malamang na buntis. Ang pagtanggi mo ay katumbas ng pagtanggi sa dalawang buhay!Masyado mong minamaliit ang buhay ng tao! Napakalupit mo!""Sandali lang," pinutol ni Beatrice ang celebrity habang nakangiti, "Huwag kang magmadaling husgahan na ito ay kalupitan.Una sa lahat, nang matanggap ko ang tawag na ito, hindi pa ako nahahalal bilang pangalawang tagapangulo, kaya walang sitwasyon kung saan may mahihinang grupo na lumapit sa akin para magtanong at ako ay tumanggi.Pangalawa, wala akong pagtutol sa sinabi mo. Totoo ngang buntis ang babaeng ito. Gusto niyang ituloy ang pagbubuntis, ngunit may ibang opinyon ang ama ng bata. Kaya, ako ba ang mali?Ang bagay na ito ay usapan s
"Sige, gusto kong itanong, ano ang layunin ng pagtatatag ng Caring for Women Association?""Ito ay upang alagaan ang mga kababaihang nasa mahirap na kalagayan sa Pilipinas!Kung nais mong magpakita ng malasakit sa kanila, dapat ay marunong kang umunawa sa kanilang sitwasyon upang maabot mo ang kanilang damdamin.Ang isang taong may dalang bag na nagkakahalaga ng higit sa tatlong milyong piso ba ay kayang umunawa sa isang taong kinakailangang pagkasyahin ang tatlong libong piso sa loob ng isang buwan?""Sa palagay ko, hindi!"Matapos magsalita ni Beatrice, ang direktor ng Women's Federation ang unang tumango bilang pagsang-ayon at nagsabi, "Tama."Ang asawa ni Mr. Salazar ang unang pumalakpak, at agad namang sinundan ng malakas at masiglang palakpakan mula sa buong lugar.Makalipas ang ilang sandali, isang pangalawang socialite ang nagtaas ng placard upang magtanong.Siya ang socialite na may retokadong mukha—ang parehong taong humarang kay Beatrice kanina."Ms. Aragin, ayon sa aking k
"Oh, siya nga pala, may gusto pa akong idagdag. Ngayon, wala nang anumang koneksyon sa pagitan naming dalawa."Saglit na tumigil si Marcus, tila may naalala, at biglang napangiti.“Sapat na sa akin ang asawa ko, baka kasi magselos pa iyon kung may mga babaeng umaligid pa Sa akin. Hehehe selosa kasi yun”.Nagkagulo ang lahat sa takot at pagkabigla.Ano ang nangyari sa mahiyaing ngiti ng big boss kanina???Bakit bigla na lang nakakatakot?Ganito ba ang itsura ng taong in love?"Sige. Naipaliwanag ko na nang malinaw. Kung ilang boto ang makukuha ni Miss Cristobal ngayon, wala na akong kinalaman doon."Matapos niyang sabihin ito, itinulak na ni Carlos si Marcus pabalik sa tabi ni Rommel Cristobal.Hindi maipinta ang mukha ni Rommel Cristobal sa sobrang sama ng pakiramdam.Ngunit bahagyang lumingon si Marcus at tinanong siya, "Maganda ba ang palabas?"Malamig na humumpak si Rommel Cristobal. "Hindi pa ito ang rurok ng kwento. Maghintay ka lang!""Sige." Sagot ni Marcus nang walang alinlan
Si Monica Cristobal, na nuoy nakatayo sa entablado, ay nakaramdam ng matinding lamig sa buong katawan, at parang dumaloy ang dugo niya patungo sa kanyang noo.Sinabi ng kanyang kutob na hindi niya magugustuhan ang sasabihin ni Marcus.May isang tinig sa kanyang puso na sumisigaw: Hindi, hindi ako naniniwala rito!Hindi, ayokong ipaliwanag mo ito sa ganitong okasyon!Gayunpaman, bumalik ang kanyang katinuan. Mas malakas ang sitwasyon kaysa sa tao, kaya't napilitan siyang ngumiti nang pilit. "Mr. Villamor, may punto ka."Itinaas ni Marcus ang kanyang salamin na may gintong gilid at bahagyang ngumiti sa isang mahinahong paraan. Kinuha niya ang mikropono at tumingin sa lahat, ang kanyang boses ay banayad.**"Hindi ko alam kung sino ang nagpakalat ng tsismis na may relasyon kami ni Ms. Monica Cristobal .Marahil ay naging masyado akong mabait nitong mga nakaraang taon, kaya iniisip ng lahat na hindi ko kayang humawak ng malaking kutsilyo?"**Parang isang batong inihulog sa tubig ang kanyan
Nang marinig ang boses, halos maiyak ang emcee.Unang beses pa lang niyang maging host, bakit naman siya nakatagpo ng ganito karaming gulo!Muling lumingon ang lahat patungo sa entrada at nakita si Carlos na dahan-dahang tinutulak si Marcus papasok sa venue, kasunod ang maraming executive na nais ding manood ng palabas.Pagkapasok ng mga executive, agad silang kinawayan ng kanilang mga asawa, senyales na may nakalaan nang upuan para sa kanila.Mabilis silang yumuko, tila nais bawasan ang kanilang presensya, at agad na tumakbo papunta sa tabi ng kanilang mga asawa, handang "kumain ng melon."Ang saya nito!Mula sa panonood ng drama sa video conference hanggang sa live na panonood ng eksena sa harapan nila!Malalantad na ba ang asawa ng Big Boss nilang si Marcus Villamor?!Bumulong ang mga executive sa kanilang mga asawa."Narito si Mr. Villamor upang suportahan ang kanyang kasintahan!"Dahil iniisip nilang lihim na kinasal ang kanilang big boss at hindi niya nais itong ipaalam sa publi
Habang nagsasalita si Monica, hindi niya inalis ang tingin kay Beatrice, at mayabang na nakataas ang sulok ng kanyang mapulang labi.Ngunit hindi rin nagpakababa si Beatrice—nakangiti niyang sinalubong ang titig ni Moniva.Napairap si Monica at muling bumulong sa kanyang ama:“Dad, ang tanga pa rin niya. Hindi pa rin niya alam na naloko na siya!Mamaya, mahuhubaran siya mismo sa entablado—at ang kapal pa ng mukha niyang titigan ako! Hmph, ang mga mahihirap talaga, ignorante at mahilig sa libre.”Dumilim ang mga mata ni Rommel Cristobal."Sige, aantayin ko ‘yan.""Sino mang magtatangkang bumangga sa pamilya Cristobal—sisiguraduhin kong hindi na makakalabas nang hindi napapahiya."Nagtaas ng baba si Monica at mayabang na naglakad patungo sa election waiting area.Simula ng HalalanIsa-isang dumating ang mga direktor ng foundation at naupo sa kanilang mga pwesto.Pinangunahan ni Mrs. Salazar, asawa ng Pangulo ng foundation, ang unang hanay—napapaligiran ng mga iginagalang na miyembro.Ka
Napakalakas ng boses nina Abby at Ian, kaya agad silang napansin ng mga taong nasa paligid.Ngunit kalmado lang na binati sila ni Beatrice, sabay ngiti. "Nandito ako para tumakbo bilang vice chairman.""Sino’ng nagbigay sa’yo ng kumpiyansa?!" Pasigaw na tanong ni Ian, na lalo pang nakatawag ng pansin sa paligid.Medyo naiinis si Beatrice, kaya ibinaba ang boses at mahinahong nagpayo, "Nasa publiko tayo. Pwede bang magpakita ka naman ng kahit konting breeding?"Pagkatapos ay tumingin siya nang makahulugan kay Lucy. "Isang guro na nagngangalang Kevin Baltazar ang nagbigay sa akin ng kumpiyansa.At sinusuportahan din ako ng Papa ko, hindi ba? Ang limang milyong piso para sa admission qualification, siya ang nagbigay!"Pagkarinig sa pangalang “Kevin Baltazar," biglang nanlamig ang likod ni Lucy, at namutla siya.Samantala, hindi rin mapakali si Oscar nang mabanggit ang "limang milyon."Nagulat sina Ian at Abby, sabay napabulalas:"Papa, binigyan mo talaga ng limang milyon si Beatrice?!""
Diretsong lumapit si Minda kay Beatrice.Napakunot ang noo ni Beatrice, iniisip kung bakit parang ang malas niya ngayon—lahat na lang ng tao ay ginugulo siya.Ngunit sa ikinagulat niya, sa halip na siya ang lapitan, dumaan lang si Minda sa tabi niya at huminto sa harap ni Chona. Sa galit, mariing sinabi nito, "Malandi ka!"Kasabay noon, tiningnan niya si Albert na may pagsisisi sa kanyang mukha. "Bakit mo siya dinala rito!"Nakayuko si Albert, halatang nahihiya. "Sinabi ni Papa na dapat akong maging responsable. Nagsabi si Chona na nababagot siya sa bahay, kaya dinala ko siya rito para maglibang.""Gago!" Napapadyak si Minda sa sobrang pagkadismaya at matalim na tiningnan si Chona. "Saan ka ba galing? Lumayas ka! Hindi ito lugar para sa isang probinsyanang tulad mo!"Namutla si Chona at biglang ibinagsak ang baso na hawak niya.Pak!Napalingon ang lahat sa paligid.Sa isang iglap, nagmukhang takot na takot si Chona kay Minda. Nanginginig pa ito at may luha sa kanyang mga mata nang sab