Napuno ng pagkadismaya ang mga mata ng matandang Villamor.Tiningnan ng matanda ang maitim na bagay sa harapan niya na may halatang pagkasuklam: "Mas mabuti pang itira mo na lang para sa sarili mo."Jacob: …Nahihiyang hinaplos ni Menchie ang kanyang ilong: "Ah… Mahal, mukhang nasunog ko nang sobra. Diretso kong kinremate ang manok."Jacob: …"Pero sa tingin ko hindi naman apektado ang lasa. Bakit hindi mo subukan? Narinig ko na ito ay ang tinatawag na ‘chocolate cremated chicken.’"Jacob: …Sa mga sandaling iyon, itinuro ni Ginoong Villamor si marcus at nagtanong, "Kinakain mo ba ang pakpak ng manok, masarap ba?"Pagkarinig nito, agad na tumayo si Beatrice at naglabas ng inihaw na manok na may lasa ng tsaa mula sa kusina: "Pa, tikman ninyo ito. Gamit din ang parehong pampalasa at paraan ng pagluluto. Natakot akong hindi sapat ang isang manok, kaya nag-ihaw pa ako ng isa pa."Nanlaki ang mga mata ni Ginoong Villamor sa kasabikan at hindi na nag-alala sa pagiging pormal. Agad niyang ki
Matapos ang ilang saglit ng pagkawala sa sarili, bumaling muli si Beatrice kay Albert at matatag na sinabi:"Hindi tayo maaaring maging magkaibigan! Ako ay ang asawa ng iyong tiyuhin, sa madaling salita tiyahin mo na ako.""Beatrice, huwag ka namang maging ganito kalupit sa akin, pwede ba?" Hinawakan ni Albert ang kanyang mukha, punong-puno ng sakit. "Hindi ko kayang paniwalaan na kaya mo akong bitawan nang ganun ganun na lang! Hindi pa ako nakatulog ng maayos kahit isang gabi nitong mga nakaraang araw. Tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata, ang mga alaala natin noon ang palaging bumabalik sa akin...""Albert, kailangan nating harapin ang realidad." Matapos niyang sabihin iyon, tumalikod na si Beatrice upang umalis.Ngunit mabilis na hinarangan ni Albert ang kanyang daraanan."Beatric, alam ko... siguradong naimpluwensyahan ka ng tiyuhin ko.""Inaamin ko, hindi ako naging mabuting tao noon, hindi ko naalagaan nang sapat ang nararamdaman mo!""Pero nakita ko kanina habang kumakain ta
Sandaling nanigas ang ekspresyon ni Marcus at mabilis niyang pinag-isipan kung dapat niyang sabihin kay Beatrice ang tungkol sa kanyang nakaraan.Pero… kung aaminin niyang matagal na siyang may interes kay Beatrice, para na rin niyang sinabi na sinadya niyang pagsamantalahan siya noong gabing parehong nalason sila ng gamot…Hindi naglakas-loob si Marcus na sugalan ito, kaya ngumiti siya nang malumanay at nagtanong, "Bakit mo biglang naitanong ito?""Wala... wala naman, nagtataka lang ako." Mabilis na lumitaw ang bahagyang pag-aalinlangan sa mukha ni Beatrice. "Nagtataka lang ako kung paano mo napapakalma nang husto ang mga tao.""Ikaw lang ang kaya kong pakalmahin, Mrs. Villamor." Sagot ni Marcus bago kinuha ang mga dokumento at umalis.Pagkasara ng pinto, biglang nanlamig ang nakataas na sulok ng labi ni Beatrice.Malinaw niyang nakita ang reaksyon ni Marcus kanina.May minahal siya noon!Parang binuhusan ng malamig na lemonade ang puso niya—maasim at mapakla.Tok, tok.May kumatok s
"Erica!""Erica!"Bago pa matapos magsalita si Erica, dalawang boses ang sabay na sumingit.Isa ay mula kay Albert, at ang isa naman ay kay Minda, na dali-daling lumapit.Bago pa man makalapit si Minda, hinila na ni Albet si Erica sa gilid at mahina siyang sinermunan, "Ano ang gusto mong sabihin kay Beatrice kanina? Ni hindi mo pa nga alam kung ginagamit lang siya ni tito Marcus o hindi. Kung sasabihin mo ang lahat ng ito ngayon, hindi ba’t lalo lang siyang mahuhulog kay tito Marcus at itutulak mo siya sa apoy? Gusto mo bang maranasan din niya ang sakit ng pag-ibig na pinagdaanan mo?"Nanigas ang mukha ni Erica at napaisip. Tama ang sinasabi ng kuya nyang si Albert.Matapos marinig ang pagsusuri ng kanyang kapatid kagabi, naramdaman niyang kakaiba nga ang tiyuhin nya.Baka nga totoo na nilalambing lang niya si Beatrice para makuha ang ilang shares."Hintayin muna natin!" May bahagyang guilt sa mga mata ni Albert at binaba niya ang boses. "Kapag nakasiguro na akong walang masamang bal
"Pak!"Ginamit ni Minda ang kanyang buong lakas at pinakawalan ang isang malakas na sampal.Ngunit bago pa iyon tumama kay Beatrice, mabilis na humarang si Albert sa harapan ni Beatrice at siya ang tumanggap ng sampal."Aray—" Napaatras si Albert habang hawak ang kanyang mukha.Nagulat si Minda nang makita ang duguang gilid ng mukha ng kanyang anak. Bigla siyang nakaramdam ng matinding pag-aalala. "Anak, ayos ka lang ba? Hindi ko sinasadya!""Mom—wala itong kinalaman kay Beatrice." Hawak pa rin ni Albert ang pisngi niya, ramdam ang sakit lalo na kapag gumagalaw ang kanyang bibig."Mom, umalis ka na muna. May kailangan pa kaming pag usapan ni Beatrice." Tumingin siya kay Beatrice. "Sasamahan kita. May hihilingin akong tulong mula sa’yo."Napailing si Beatrice, napabuntong-hininga.Dati, sabik siyang makausap si Albert nang harapan.Pero ngayon, ito na ang pinaka-ayaw niyang marinig—ang linyang "May sasabihin ako sa’yo" mula kay Albert!Nagbago na ang relasyon nila. Hindi na maganda ku
234Ang lalaking nakaitim ay iniunat ang kanyang kamay upang hawakan ang braso ni Beatrice.Umatras ng isang hakbang si Beatrice, at hinagod ng tingin ang mga taong nasa harapan niya: "Anong kailangan niyo?""Wala nang satsat! Sumama ka na lang sa amin!" sabi ng lalaking nakaitim na halatang naiinip.Ngumisi si Beatrice: "Sa liwanag ng araw, sa harap mismo ng gate ng paaralan, gusto niyong mangdukot ng tao nang harapan? May batas pa ba kayong kinikilala?""Batas? Anong batas ang nagsasabing krimen ang pagpunta ng isang ama upang makita ang kanyang anak?" Kinuha ng pinuno ng mga lalaking nakaitim ang isang magaspang na lubid at ngumisi nang may bahid ng pananakot. "Sabi ng amo, kung hindi makikipagtulungan ang kanyang anak, itali na lang siya. Wala nang pakialam kung nakakahiya o hindi!"Habang sinasabi iyon, kumindat siya sa kanyang kasamahan: "Ano pang hinihintay niyo? Hulihin siya, itali, at ihatid sa amo."Nagdilim ang mga mata ni Beatrice, at agad siyang napuno ng matinding galit.
"Sige." Pinagdiinan ni Oscar ang kanyang mga daliri, ramdam na nawala na sa kanya ang kontrol ng pag-uusap—hawak na ito ng kanyang anak."Alam mo namang ang sahod ko sa eskwelahang ito ay 20,000 pesos lang kada buwan."Si mama, hinihiling na magbigay ako ng 10,000 pesos para sa gastusin sa bahay. Wala akong reklamo—sapagkat tungkulin kong maging mabuting anak sa inyo."Tuwing Bagong Taon at iba pang okasyon, binibigyan ko kayo—ikaw, si mama, at si Abby—ng pulang sobre. Hindi ba tama?"Hindi alam ni Oscar kung bakit biglang binanggit ito ng kanyang anak, kaya't tumango na lang siya at sumagot: "Oo.""Si mama rin, laging gusto akong bumili ng kung anu-ano para kay Abby. Isipin mo, natitira na lang sa akin ang 10,000 pesos bawat buwan. Madali ba ito para sa akin?""Hindi madali, hindi madali." Agad na sumang-ayon si Oscar, sumasabay sa daloy ng sinasabi ni Beatrice.Alam niyang ang anak niya ngayon ay may suporta ng Marcus Villamor at hindi basta-basta pwedeng galawin. Mas mabuting suman
"Pffft——" Direktang sumirit ang tsaa mula sa bibig ni Oscar. "Anong sinabi mo?!"Hinawakan ni Beatrice ang malamig na kamay ng ama at seryosong sinabi:"Papa, kakasabi mo lang na ang pamilya ko ang pinakamalakas kong sandigan, at tutulungan mo ako. Talagang naantig ako.""Plano kong tumakbo bilang Vice Chairman ng Caring for Women’s Association Foundation."Ang daan upang makasali sa eleksyon ay ang mag-donate ng limang milyong piso para sa foundation.""Papa, hindi ba mas makabuluhan ang gumawa ng mabuti at suportahan ang aking kandidatura?"Tumango ang tagapamahala ng Cherry Blossoms Teahuse at sumingit:"Oo nga, mas may kabuluhan ito kaysa sa pag-attend sa isang klase ng mga sosyal."Matapos magsalita, tiningnan niya si Oscar na may bahagyang pagkabalisa sa kanyang mga mata:"Talagang napakapalad ni Mrs. Villamor na magkaroon ng isang ama na patas at walang pinapanigan."Ang mayroon ang nakababatang kapatid, dapat mayroon din ang nakatatanda."Matapos ang insidenteng ito, siguradon
"Oo, kasal kami." Tahimik ang ekspresyon ni Marcus, ngunit bahagyang tumaas ang kanyang mga kilay, nagpapakita ng konting pagmamalaki.Ang curious na supervisor ay lumaki ang mga mata sa gulat: "Kasal na talaga kayo! Narinig ko na ang tsismis dati, pero akala ko peke lang yun. Mr. Villamor, wala ka pang wedding ring!"Medyo naguluhan su Marcus at saka niya naalala nyang nabilhan nya ng singsing si Beatrice ngunit nakalimutan nyang bumili para sa sarili niya.Binigyan siya ng manufacturer ng ka match na singsing noon, pero hindi niya ito sinuot dahil hindi sakto ang sukat sa kanya, kaya tinanggal niya ito."Carlos, maghanap ka ng mga sample book ng men's wedding ring at ipadala mo sa asawa ko, hayaan mo siyang pumili, tapos ipadala para maipagawa.""Opo masusunod po boss," sagot ni Carlos.Ang ilang mga supervisor ay nagsimula siyang purihin."Congrats, Boss""Congrats, Mr. Villamor.""Siguradong maasikaso at mabait ang asawa mo Mr. Villamor!""Malaking suwerte ang makasunod kay Mr. Vi
"Imposible... hindi..." Napayuko si Beatrice , sinusubukang magtago ng pag-aalala. "Okay naman siya dati."Sinabi ni Mrs. Salazar, gamit ang boses ng isang tao na nakaranas na ng ganito: "Dati na yun.Sabihin ko sa'yo, ang mga lalaki parang mga pusa, at ang mga babae ay parang mga isda. Wala namang pusa na ayaw kumain ng isda, maliban na lang kung gusto, pero hindi kayang gawin."Sinang-ayunan naman ito ni Genna, halos hindi makapaniwala: "Tama, paano niya hindi ginawa 'yun hanggang sa huli matapos makita ang maid costume!"Tumango si Mrs. Salazar, at tila eksperto sa bagay na ito: "Minsan kasi, may malaki siyang pressure sa trabaho at bigla na lang hindi kaya.Meron din namang ibang klase, tulad ng kay Marcus, na may malubhang aksidente sa sasakyan dati at naapektuhan na talaga.Bukod pa diyan, hindi siya kumain ng karne dati, tapos nang natikman niya, hindi na niya nakontrol ang sarili, kaya ubos na siya agad!""At saka si ba nalason nga siya dati!"Parang hindi pa rin kumbinsido si
Nangingilid ang luha sa mga mata ni Mrs. Salazar habang tinatanaw si Beatrice, at unti-unti siyang nakakaramdam ng higit pang awa para sa kanya.Paano ba naman, paano naging ganito ang isang ina—ganito kabagsik at kasuklam-suklam?Si Beatrice ay hindi nagulat, at bahagyang umangat ang mga labi niya habang muling binanggit ang pangalan ng isang lalaki."Kevin Baltazar."Nang marinig ito, nanginginig si Lucy at labis na nagulat: "Wala akong kinalaman sa kanya! Huwag mo akong gawing salarin! Walang anumang namamagitan sa amin ni Kevin Baltazar! Huwag mong gawing gamit ang bagay na ito para takutin ako!""Oo, siguro nga wala kayong ginagawang masama ni Kevin Baltazar sa katawan, pero paano naman ang isipan?"Lumingon si Lucy, at nag-iba ang kulay ng kanyang mukha, naging maputla. "Anong ibig mong sabihin?""Oh Kevin, ikaw ang nagbigay liwanag sa aking buhay.""Kevin, mas masaya akong kasama ka kaysa sa asawa ko.""Kevin, sana nakilala kita noon pa..."Binasa ni Beatrice ang ilang messages
"Mama——"Itinaas ni Beatrice ang kanyang palda, itinulak ang pinto ng sasakyan at lumabas.Pinili niya ang isang mahabang damit na may burdang disenyo, tinerno ng isang maikling jacket na may balahibo ng tupa, na nagbigay sa kanya ng isang eleganteng at magarbong hitsura.Nang makita siya ng mga reporter, napatigil ang lahat dahil sa kakaibang karisma at aura na taglay niya.Matapos lumabas si Beatrice mula sa sasakyan, sumunod din sina Mrs. Salazar at Genna na parehong lumabas ng sasakyan.Lumalapit si Beatrice at niyakap si Lucy sa harap ng mga reporter: "Mama! Nandiyan ka na! Kumusta ka? May nararamdaman ka bang hindi maganda? Nakakatakot naman."Habang nagsasalita, kumaway siya sa abogado: "Ito po ang abogado ng pamilya Villamor. Pinili ko po siyang tawagin para matulungan kayo, kung maaari po ba niyang mapababaan ang inyong parusa, pero hindi ko po inaaasahan na makakalabas na kayo."Sa oras na iyon, iniabot ni Genna ang isang bouquet, kinuha ito ni beatrice at ipinasok sa mga ka
Hinawakan ni Beatrice ang batok ni Marcus at hinila ito pabalik. "Asawa ko, huwag mo siyang pansinin!"Gusto ni Marcus ang pagiging masigasig ni Beatrice, ngunit mas mahalaga ang sitwasyon sa ngayon, kaya't ngumiti siya nang may paghingi ng paumanhin. "Mahal ko, hindi pwede."Habang sinasabi iyon, tumingin siya sa screen ng kanyang telepono at agad na nag-alerto ang kanyang katawan. "Si Carlos!"Walang pag-aalinlangan, sinagot ni Marcus ang tawag.Makalipas ang ilang segundo, muling dumilim ang kanyang mukha. "Pupunta na ako agad. Manatili ka lang kalmado."Sa sandaling natapos ang usapan, mabilis na tumayo si Marcus at nagbihis. Habang isinusuot ang kanyang damit, hindi niya nakalimutang ipaliwanag kay Beatrice. "Mahal ko, matulog ka na muna. Kailangan kong mag-overtime ngayong gabi."Bahagyang tumayo si Beatrice, tinakpan ang sarili ng kumot, at nagtanong. "Malala ba?"Narinig niya ang seryosong tono ni Marcus kanina, kaya hindi maiwasang makaramdam ng kaba.Hinaplos ni Marcus ang k
Napatalon si Chona sa takot, nanginginig ang kanyang katawan. "Hi-hindi... wala akong ginawa...""Wala? Kung wala kang ginawa, anong ginagawa mo sa silid-aklatan ng asawa ko?" Lumapit si Beatrice, ang tingin niya ay matalim at nanunuot.Halos lumabas ang puso ni Chona sa kaba.Alam niya kung gaano kabigat ang salita ni Marcus sa pamilyang ito."Shh, ate Bea, hinaan mo ang boses mo. Ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo." Hinila ni Chona si Beatrice palabas ng koridor upang magkausap sila nang pribado.Napangisi si Beatrice. "Ikabubuti ko? Talaga?""Oo! Ate Bea, iniligtas mo ang buhay ng dalawa kong anak ngayon, kaya gusto kitang suklian." Sambit ni Chona nang may buong sinseridad.Tiningnan siya ni Beatrice na tila inaaral ang kanyang bawat kilos. "Pero hindi mo pa sinasabi kung ano ang ginawa mo sa silid-aklatan?"Bahagyang bumuka ang labi ni Chona.Sa totoo lang, ang pakay niya ay palitan ang kontraseptibong gamot ni Marcus.Inutusan sya ni Albert upang alamin kung ano ang ginagawa
Dagliang lumapit si Monica kay Beatrice, pilit na hinablot ang bag mula sa kamay ni Beatrice, at binuksan ito. Nang makita ang laman, nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkagulat!"Ano ‘to?!""Damit?" sagot ni Beatrice na may ngiti."Alam kong damit ‘yan! Ang tinatanong ko, anong klaseng damit ‘yan?!" sigaw ni Monica habang halos mapatalon sa inis.Nananatili pa ring kalmado si Beatrice, nakatingin kay Monica na parang sinasadyang asarin ito."Anong klaseng damit? Hindi mo ba nakita? Miss Cristobal, kung hindi mo yan ibabalik, maari akong tumawag ng pulis at kasuhan ka sa salang pagnanakaw."Hindi pinansin ni Monica ang sinabi ni Beatrice at patuloy siyang tinanong nang may matinding emosyon:"Itatanong ko ulit, para saan ito, at bakit mo ito binili? Maid outfit?! Ang kapal ng mukha mo!""Paano naman naging makapal ang mukha ko ro’n? Konting pampasaya lang sa pagitan naming mag asawa. Miss Cristobal, single ka pa rin yata, kaya mukhang hindi mo naiintindihan ‘to." Ngumiti si Beatrice at
Namutla ang mukha ni Albert, parang tinusok siya nang direkta sa puso.Hindi napigilan ng bagong intern nurse ang sarili at bumulong sa tenga ni Beatrice: "Ate, ano’ng relasyon mo sa ama ng bata?"Ngumiti si Beatrice at sumagot, "Ex-relationship."Nanlaki ang mata ng nurse sa gulat: "Pucha, parang eksena sa drama!"Habang sinasabi ito, tinitigan niya si Albert na parang isang "walang kwentang lalaki" at napailing nang may pang-aasar.Si Albert, na isang iskolar na may matibay na moralidad, ay biglang namula sa kahihiyan. Napayuko siya at hindi naglakas-loob na tumingin sa nurse at doktor.Hinila ng babaeng doktor pababa ang damit ni Chona upang simulan ang B-ultrasound. Agad na umiwas ng tingin si Albert.Ngumiti nang mapanukso ang nurse at bumulong muli kay Beatrice: "Hmp, Ate, huwag kang paloloko. Nagpapaka-inosente lang ‘yan sa harap mo! Hindi ako naniniwalang hindi pa niya nakita ‘yan. Aba, kung hindi pa niya nakita, paano siya nakabuntis?"Albert: …Napaka-laking pagkaka-inosente
Pagkasara pa lang ng pinto ng elevator, nakatanggap ng tawag si Beatrice mula kay Chona."Ate Bea, tulungan mo ako... Nakikiusap ako, iligtas mo ang anak ko."Nang marinig ang tungkol sa bata, walang malay na nagtanong si Beatrice, "Bakit anong nangyari?""Gusto ni Abert na ipalaglag ang anak ko. Ate Bea, pwede ka bang pumunta sa ospital? Tulungan mo akong makiusap kay Albert ko. Ikaw lang ang pinakikinggan niya..."Pagkarinig sa dahilan, matigas na tumanggi si Beatrice, "Pasensya na, pero ito ay isang bagay sa pagitan ninyo ni Albert. Kung gusto mo talagang ituloy ang pagbubuntis, wala siyang karapatan na pilitin kang salungatin ang nais mo. Kung pinipilit ka niya, pwede kang tumawag sa pulis imbes na tawagan ako."Matapos magsalita, ibinaba ni Beatrice ang telepono at lumabas ng elevator.Ilang hakbang pa lang ang nalalakad niya nang muling tumunog ang telepono.Huminto si Beatrice sa harap ng isang malaking Christmas tree at sinagot ang tawag na may inis na tono."Chona, tapos ka n