Bumils ang tibok ng puso ni Beateice at namutla ang kanyang mukha. Hindi niya inaasahan na magsasabi si Albert ng ganoong nakakagulat na mga salita.“Albert, ako na ngayon ang ang asawa ng iyong tito Marcus!”“Hindi! Hindi mo kailangang magsinungaling sa akin. Beatrice, alam kong nagdurusa ka.Pinilit lang sa iyo ang lahat ng ito ng tiyuhin ko, hindi ba?Ang aking ina ang nagtulak sa iyo kay tito Marcus at alam mong isa siyang malupit na tao.Wala kang magawa kundi magpanggap na mabait, hindi ba?!Beatrice, hindi ko lang matanggap na kaya mong talikuran nang tuluyan ang tatlong taon nating relasyon!”Pinilit ni Beatrice na kumawala, ngunit hindi niya nagawang makalaya sa pagkakahawak ni Albert. Nagngingitngit din siya sa loob nya: “Albert, naghiwalay na tayo. Matagal na tayong naghiwalay. Ikaw ang tumangging pakinggan ang sinasabi ko nang seryoso sa telepono at tumangging bumalik para ayusin ito nang harapan.”“Hindi! Sa puso ko, hindi pa tayo naghiwalay! Beatrice, mahal kita, at alam
"Oo!" Walang pag-aalinlangan na sagot ni Beatrice, "Napakabuti ng tito mo, napakabuti niya sa akin, at napaka-maaalalahanin niya sa aking damdamin. Magkakapareho kami ng pananaw sa buhay, at marami akong natutunan sa kanya. Mahirap hindi mahulog ang loob sa kanya."Matapos ang isang sandali, tiningnan ni Beatrice si Albert nang taos-puso: "Binitiwan ko na ang nakaraan, at umaasa akong magagawa mo rin iyon. Albert, ang gusto ko lang ngayon ay magsumikap bilang asawa ng tito Marcus mo."Pagkasabi nito, biglang hinawakan ni Albert ang kamay ni Beatrice na parang baliw."Hindi! Hindi ako naniniwala!""Sinasabi mo lang 'yan dahil natatakot kang gumanti siya sa akin, hindi ba?""Siguradong ganoon nga! Beatrice, hindi mo maaaring mahalin ang tiyuhin ko ng ganoong kaikling panahon. Siya ay isang malupit at walang pusong tao na may komplikadong nakaraan. Beatrice, pinakaayaw mo ang mga taong ganoon. Sinabi mo noon na natatakot ka sa tiyuhin ko!"Habang nagsasalita, huminga nang malalim si Albe
Hawak ni Matandang Ginang Villamor ang kanyang kamay at dinala siya sa maliit na balkonahe ng kanilang silid.Mayroong simpleng mesa at mga upuan sa maliit na balkonahe. Kitang-kita na madalas umupo rito ang matandang ginang at ang matandang ginoo upang uminom ng tsaa, magkuwentuhan, at panoorin ang paglubog ng araw tuwing ordinaryong araw.Pagkaupo pa lang nila, tinanong agad ni Matandang Ginang "Beatrice... Kumusta kayong dalawa ng bunso kong anak?"Habang sinasabi ito, malalim siyang bumuntong-hininga at hinaplos ang likod ng kamay ni Beatrice."Hindi ko inakalang mangyayari ang ganito kalaking gulo sa pamilya sa panahong ito!Beatrice, hindi mo ginusto ang magpakasal sa bunso kong anak, at alam kong nagawan kita ng mali. Kung ayaw mo pa rin... maaari pa akong magsabi ng ilang salita, at hinding-hindi kita pipilitin na manatili."Hindi inaasahan ni Beatrice na ganoon kalaki ang malasakit ng matandang ginang sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito at sumagot, "Ma, gusto ko. Handa a
May kumatok na utusan sa pintuan."Madam, may isang babaeng nagngangalang Chona Mendoza sa labas ng pintuan. Mukhang kasamahan siya ni senyorito Albert. Sinabi niyang gusto ka niyang makita."Naputol ang nagkakabit-kabit na mga imahe sa isip ni Beatrice dahil sa pagdating ng utusan.Galit na kumaway ang Matandang Ginang at nagsabing "hindi." Tumayo siya, kinuha ang isang berdeng jade bracelet, at isinuot ito kay Beatrice.Nang magtatangkang tumanggi si Beatrice, hinaplos ni Matandang Ginang ang jade bracelet sa kanyang payat na pulso at napabuntong-hininga: "Beatrice, bagay na bagay ito sa iyo. Huwag mong tanggihan, ito ay regalo mula sa iyong ina at nakalaan din ito para sa asawa ng bunso kong anak. Kaya tama lang na tanggapin mo ito."Nakita ni Beatrice na ang jade bracelet ay malinaw at matingkad na berde, kaya nagustuhan niya ito, at bahagyang ngumiti."Salamat, Mama. Pero may isa pa akong bagay na sasabihin sa iyo. Tungkol ito sa aking medical examination report..."Pinutol siya
Natigilan si Chona, at pagkatapos ay humagulgol nang parang kaawa-awa."Ate Bea, alam kong kinamumuhian mo ako at sinisisi mo ako ngayon, naiintindihan ko...""Tama na! Tama na!Wala na akong anumang kaugnayan kay Albert!Ang tiyuhin ni Albert na si Marcus at ako ay kasal na at may marriage certificate na kami. Kaya masasabi kong tiyahin na ako ngayon ni Albert.Anong drama na naman yang gusto mong gawin? Pwede ba iba na lang, huwag ako! Wala akong oras sa ganyang mga bagay!"Natulala si Chona at hindi niya alam kung paano tutugon."Ito... Paano ito naging posible? Ate Bea, hindi mo ba ako niloloko, hindi ba?"Magaan na kumibot ang balikat ni Beatrice: "Hindi kita niloloko. Hindi na ako sagabal sa'yo ngayon."Habang sinasabi iyon, sadya niyang itinaas ang jade bracelet sa kanyang pulso: "Ito ay ibinigay lang sa akin ng biyenan ko—isang patunay na ako ang asawa. Kung pakakasalan mo si Albert balang araw, pakiusap, tawagin mo akong tita kapag nakita mo ako, okay?"Tumango rin ang Matan
"Kung ganoon, gumawa ka ng kasulatan ng pagkakautang."Malamlam ngunit matigas ang boses ng Matandang Ginang, at parang tinamaan ng kidlat si Chona —halos hindi siya makatayo.Habang sinasabi iyon, nilingon ng matanda ang isang lingkod at inutusan, "Pumunta ka, tawagin ang isang abogado. Sa harap ng abogado, tutulungan natin ang may prinsipyo raw na si Binibining Chona Mendoza na gumawa ng isang legal na kasulatan ng pagkakautang."Nanlamig ang buong katawan ni Chona , at namutla siya.Isang milyon! Isang milyon ito!Sa kinikita niya, kailan niya pa iyon mababayaran?At ang perang iyon ay ginastos na ng kanyang pamilya—bakit siya ang kailangang magbayad?Pinagsisisihan niya ngayon ang kanyang ginawa. Hindi na sana niya binuksan ang paksang ito.Samantala, palihim na natawa si Beatrice. Talagang iba pa rin ang mga matatanda!Dahil may sariling abogado at doktor ang pamilya Villamor, hindi nagtagal at dumating ang mga ito.Sinimulan ng abogado na ipagawa kay Chona ang kasulatan ng utang
"I... Hindi ko alam." Umiling si Albert at pabagsak na umupo sa upuang gawa sa kahoy na mahogany.Bahagyang tumaas ang boses ng ama nyang si Robert, "Ikaw mismo ang may ginawa, paano mo masasabing hindi mo alam?"Nataranta si Albert at patuloy na umiling."Ako... Talagang wala akong maalala kahit ano."Narinig ito ni Chona at piniga ang ilang patak ng luha sa kanyang mata dala ng hinanakit."Sir, paano mo nasabi ang ganyang bagay? Malinaw mong nakita ang bedsheet nang umagang iyon... Ako, isang inosenteng dalaga, sumama sa iyo, at ni hindi ka man lang nagpalowanag sa akin."Naasar si Albert sa kanyang pag-iyak at nakadama ng pagkasuklam.Noon, palagi niyang inisip na ang junior assistant nyang babae ay kaawa-awa, parang si Cinderella, naiiba sa mga lumaki sa mayayamang pamilya, kaya nais niya itong tulungan hangga’t kaya niya.Pero pagkatapos ng insidenteng ito, naramdaman niyang hindi dalisay ang isipan ng taong ito!Hindi na nagsalita si Albert. Marahil ay may nahulaan ang Matandang
Sabay na tumingin sina Robert at Jacob Kay Marcus: Huwag mo namang gawing sobrang halata ang panonood mo ng drama!Maging si Beatrice ay nakaramdam ng kaunting hiya at hinila ang manggas ni Marcus.Pero parang walang nangyari, isinubo lang ni Marcus ang buto ng pakwan kay Beatrice: "Tikman mo, masarap itong buto ng pakwan."Lahat: ...Paulit-ulit na naputol ang emosyon ni Chona, at pakiramdam niya ay mababaliw na siya!Matapos magpigil ng matagal, tumingin siya kay Albert na may luha sa mata: "Sir, ayaw mo ba talaga sa batang ito?""Oo, alisin mo yan! Isang aksidente lang ang batang iyan!" diretsong sagot ni Albert.Dahil sa matinding emosyon, halos mag-iba ang boses ni Chona: "Pero Albert! Isa itong buhay, anak natin ito!""Hindi ko siya gusto!" matigas na tugon ni Albert."Hindi pa buo ang batang iyan, kaya hindi pa siya maituturing na buhay! Ang ibang bata ay ipinapanganak na may pagmamahal at pagpapala.Pero ang batang iyan, hindi. Kung gano'n, bakit pa siya ipapanganakpara lang
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Pakiramdam ni Beatrice ay wala na siyang maidadahilan."Hindi?" Dumikit si Marcus sa kanyang ilong, hinalikan ang kanyang tainga, "Kung hindi... bakit ka panay ang sulyap sa kama kanina?"Nahuli sa akto, namula ang mga tainga ni Beatrice: "Hindi totoo 'yan, huwag kang mag-imbento.""Sige, ako na ang nag-iimbento. Pero Mrs. Villamor, nandito na lang rin tayo, bakit hindi natin subukan ang kama na 'to? Sayang naman ang bayad."Gumalaw si Marcus, at nagsimulang umalon ang water bed, ikinagulat ito ni Beatrice kaya mahigpit siyang kumapit kay Marcus.Doon lang siya natauhan.Mula pa nang sabihin ni Marcus na kukuha siya ng kwarto para magpaliwanag, ito na pala talaga ang plano niya."Ah, oo nga pala." Sumandal si Beatrice sa balikat ni Marcus, "May itatanong ako sa'yo, may Marian Monteclaro ka ba—"Bago pa niya matapos ang tanong, hinalikan na siya ni Marcus sa labi."Mrs. Villamor, hindi mo ba naiisip na ang pangit naman ng usapan natin sa ganitong ora
"Hindi rin niya alam?"Napailing ng bahagya si Beatrice, na para bang isang munting puting kuneho na hindi pa nasusubukan ang mga bagay sa mundo, halatang halata sa kanyang mukha ang lahat ng emosyon.Nagniningning ang mga mata ni Marcus sa tagumpay habang nagsalita siya na parang nagtatamasa ng green tea: "Oo, labis ang pag-aalala ng pangalawang kuya ko sa paa ko kaya kahit siya ay sinisi nito sa kanyang problema, hindi ko sinabi sa kanya. At hindi rin alam ng panganay kong kuya at ng nanay ko.""Bakit? Kaya't tanging si Papa lang ba ang nakakaalam na ayos lang pala ang paa mo?"Sa sandaling iyon, umupo na si Marcus nang tahimik sa tabi niya."Mas kaunti ang nakakaalam na ayos lang ang paa ko, mas maganda. Kapag hindi nila alam, mas totoo ang magiging reaksyon nila at mas madali nating malinlang ang mga tagalabas. Hindi rin talaga alam ni Papa, nakakita lang siya ng pagkakataong sumailalim ako sa rehabilitasyon."Pagkatapos ng ilang sandali, ipinaliwanag ni Marcus, "Ilang taon na ang
Napakurap-kurap sina Beatrice at Gilbert, natulala sa nangyari.Sa totoo lang, ang eksenang lumuhod ang bakal na loob ng Big boss ng Kamaynilaan ay talagang nakakatakot.Ang pagkatao at reputasyon ni Marcus ay kilala ng lahat, kaya ang bigat ng tagpong ito ay hindi madaling balewalain!Maging si Marcus mismo ay natigilan.Naaksidente lang siya—hindi pa siya sanay maglakad matapos ang mahabang panahong nakaupo sa wheelchair.Nanatili lang silang tatlo sa kanilang kinatatayuan, hindi makagalaw. Hanggang sa huli, si Beatrice ang unang natauhan, hinawakan niya ang kamay ni Marcus at mahina ang tinig na sinabi,"Tumayo ka na.""Hindi." Lumingon si Marcus sa ibang direksyon at sinadyang ipabigat ang katawan.Tutal, nakaluhod na rin lang siya.Hindi pwedeng masayang ito!Nanlaki ang mga mata ni Beatrice, nag-iisip kung sinadya ba ito ni Marcus.Lumuhod siya para humingi ng tawad?Kasunod nito, nagsalita si Marcus na may bahagyang hinanakit, "Kung hindi mo ako patatawarin, hindi ako tatayo. P
"Hi-Hindi, Hindi ito maaari!" Sigaw ni Monica, tila nawalan na ng kontrol sa sarili. "Hindi! Hindi mo maaaring pakasalan ang isang babaeng katulad niya!""Hindi! Ang unang ginang ng Kamaynilaan ay dapat ako lamang, si Monica Cristobal! Ako at wala nang iba!""Hindi, peke ito! Dapat peke ka lang! Niloloko mo ako! Ang Marcus na kilala ko ay hindi isang duwag!""Hindi ito pagiging duwag, ito ay respeto sa asawa." Sagot ni Marcus nang walang pag-aalinlangan.Nang marinig iyon, lalo lang nilamon ng matinding selos si Monica.Hindi ba ito ang relasyon na matagal na niyang pinapangarap?Isang Big boss na may kapangyarihan sa labas ngunit sumusunod sa kanya sa loob ng bahay.Pero bakit lahat ng ito napunta sa malanding si Beatrice?!Sa sobrang galit ni Monica, pakiramdam niya ay parang dudugo na ang kanyang bibig.Samantala, tumango si Beatrice nang may kasiyahan habang pinagmamasdan ang mukhang gustong pumatay na si Monica Cristobal."Bago ako pumunta rito, hindi ko maintindihan kung bakit b
Pagdating naman kay Monica, nang makita niya si Marcus, agad siyang nabighani at nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso.Ang dahilan? Napaka-kaakit akit ni Marcus! Lalo na ngayon—nakatayo siya!Matangkad at tuwid ang tindig, may malakas na presensya. Nakasuot siya ng navy blue na suit na may dark pattern, maayos na plantsado. Isang kamay ang nakasuksok sa bulsa ng pantalon habang nakasandal sa pintuan.Sa ilalim ng malamyang ilaw, lalong lumutang ang kanyang elegante at kaakit-akit na mukha. Ang mahahabang pilik mata sa likod ng kanyang salamin ay punong-puno ng pang-aalipusta.Pero imbes na panghinaan ng loob, lalo pang ninais ni Monica na masakop siya. Gustung-gusto niyang angkinin si Marcus!"Marcus Villamor, nandito ka na." Pinaglaruan ni Monica ang kanyang mahabang buhok at ang boses niya ay puno ng pang-aakit.Lumakad siya paharap nang may kumpiyansa: "Ito ang paborito mong maid outfit. Marcus, sa pagkakataong ito, hindi na ako mahihiya."Habang sinasabi iyon, buong sigas
Nabigla sandali si Beatrice, at ang unang pumasok sa isip niya ay gusto na namang manggulo ni Monica.Talagang bilib siya rito—kahit namaga ang mukha niya noong huli, nakalimutan na agad niya?Kung tungkol lang sa ibang bagay, maaaring magduda siya, pero pagdating sa "pagtataksil" ni Marcus sa ibang babae, siguradong-sigurado siya—hindi ito mangyayari.Nakita ni Monica ang natulala niyang ekspresyon at lalo pang lumapad ang kanyang mapulang ngiti."Ano? Wala kang lakas ng loob na manood?""Manonood! Libre ang palabas, bakit hindi?" sagot ni Beatrice nang kalmado, habang maingat na inoobserbahan ang paligid sa video.Naglalakad pa rin si Monica, hawak ang kanyang cellphone at patuloy na nakikipag-usap habang naglalakad.Nasa isang hotel siya—malinis ang pasilyo, walang ibang tao sa paligid.Pagdating sa dulong silid, sinwipe ni Monica ang room card at binuksan ang pinto.Dahil sa detalyeng ito, nakita ni Beatrice ang logo ng hotel at ang numero ng kwarto.Ipinatong ni Monica ang kanyan
"Hindi—Robert, huwag mo ako kayang tratuhin nang ganito kalupit." Tatayo sana si Minda pero pinigilan siya ng bantay sa kulungan."Robert, Robert, maniwala ka sa akin. Sa pagkakataong ito, wala talaga akong kinalaman dito." Lubusang natakot si Minda.Tinalikuran na siya ng kanyang pamilya, at kung hiwalayan pa siya ni Robert, wala na talaga siyang matitira.Ipinatong ni Robert sa mesa ang ilang kasulatan ng pag-amin: "Inamin ng schhold head na ikaw ang nag-utos sa kanya na papuntahin si Beatrice sa Cavite para sa isang educational trip.Inamin din ng pekeng guro sa pagtanggap na ikaw ang nag-ayos nito.Ang teleponong iniwan sa sasakyan ng tumakas na drayber ay may mga record ng tawag mula sa iyo.Paano mo ito itatanggi?"Namutla si Minda at galit na pinukpok ang mesa."Hindi ito maaari! Hindi ko kilala ang drayber! Paano ko siya matatawagan?"Biglang may naisip si Minda, at tila natulala siya."Si monica Cristobal! Noong kumakain kami, sinabi niyang naubos ang battery ng kanyang telep
"Alana Monteverde." Unang beses na narinig ni Beatrice ang pangalang ito at agad siyang nakaramdam ng pag-ayaw.Si Mrs. Salazar, ang asawa ng pangulo, ay hindi mahilig magpaligoy-ligoy at laging nagsasalita nang direkta."Hindi ko alam ang tungkol sa Marian Monteclaro na bagay.Alam mo naman, si Marcus ay isang taong hindi madaling maunawaan, at hindi siya nagpapaliwanag ng kahit ano kaninuman.Noon, dalawa lang ang babaeng napabalitang may kaugnayan kay Marcus sa buong Pilipinas—si Monica Cristobal at si Alana Monteverde.Hindi ko kailanman paniniwalaan ang sinabi ni Monica, at pinatunayan naman iyon ni Marcus kahapon.""Kaya si Alana Monteverde na lang ang natitira. Nasaan siya ngayon?" tanong ni Beatrice na may kaba sa puso."Nasa ibang bansa."Pagkarinig nito, lumakas ang kabog ng dibdib ni Beatrice. Lahat ng piraso ay nagtagpo!"Baka sya nga. Sinabi sa akin ni Albert na may taong nakatago sa puso ni Marcus."Bahagyang kumunot ang noo ni Mrs. Salazar. "Siya naman talaga. Noong nak
Bago pa matapos ni Chona ang kanyang sasabihin, biglang pinutol siya ng kanyang kapatid."Nahuli na ng pulis ang matandang lalaki, at inamin niya ang lahat."Lalong nanghina ang mga binti ni Chona, nanlamig ang kanyang labi habang nanginginig na nagtanong, "Ano ang inamin niya? Na... naitapon ang test tube ni Albert, kaya ibang sample ang nagamit?""Hindi." Matigas ang sagot ng kanyang kapatid. "Wala namang gamit ang matandang iyon para gawin ang artificial insemination.""Kung gano’n... paano ako nabuntis?!" Halos pasigaw na tanong ni Chona.Pagkatapos niyang isigaw iyon, agad siyang napalingon sa paligid. Mabuti na lang at walang ibang tao.Habang pinag-iisipan niya ito, unti-unting lumilinaw ang isang nakakapangilabot na posibilidad.Noon pa man, ayaw niyang gawin ito dahil sa duda niya sa maliit at mukhang ilegal na klinika.Nagkaroon ng mahabang katahimikan bago muling nagsalita ang kanyang kapatid. "Inamin ng matanda sa pulis na... habang nasa impluwensya ka ng pampamanhid at wa