Hindi kalayuan sa likod niya, si Troy, na bumaba mula sa kanyang mamahaling kotse, ay tumigil ng sa unang tingin pa lamang ay napansin na agad nito ang malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan, malaki ang nabawas sa kanyang timbang mula noong huli nilang pagkikita.
Siguro nga ay masyadong mahaba ang limang taon, bigla niyang naramdaman na ang hakbang na ito ay kasinglayo ng pagitan ng langit at lupa, at ramdam na ramdam ang pagiiba nilang dalawa, parang magkakilala na lamang sila sa pangalan.
Walang pagaatubili na inilahad ni Troy ang kanyang kamay kay Cassie, gustong hawakan ang kanyang payat na mga balikat na malapit sa kanya,
Dahil kahit ano pa ang nangyari at kahit limang taon na ang nakalipas, sa papel at mata ng Diyos ay asawa pa rin niya ito at hindi nito matanggap ang pag balewala nito sa kanya.
Sa susunod na segundo, humarap ang babae sa kanyang harapan nang walang pakialam, sadyang iniiwasan ang kanyang paghawak.
Nanginginig ang kanyang mga mata at pilit na inaaninag ang pigura ng lalaki.
Nang magtama ang kanilang mga mata.
Sa sobrang lapit, hindi maitago ang sakit na pilit niyang tinatago sa loob ng limang taon.
Biglang nahabag ang puso ni Troy na hindi naman niya nararamdaman noon para kay Cassie parang sinapian ng kung anong espirito. Binawi niya ang kanyang kamay at tinignan ang Bugatti sa gilid ng kalsada, at walang emosyong nag-utos: “Get in the car.”
Hindi gumalaw si Cassie, at ang kanyang boses ay mahina na parang bulong sa hangin: “Troy, maghiwalay na tayo.”
Biglang nagtangis ang mga panga nito at nanlisik ang mga mata at galit na hinawakan ni Troy ang kanyang pulso at mahigpit na kinurot sa kanyang kamay: “Cassie, alam mo ba na halos mamatay si Chloe sa operating table limang taon na ang nakalipas? Kung hindi dahil sa awa ng Diyos na nakahanap ng donor heart sa tamang oras, namatay na sana siya ng dahil sa’yo.”
Mula sa sinabi ng lalaki,napaisip siya, oo nga naman ano ba naman yung limang taon na pagdurusa niya sa kulungan kumpara sa narasan nila dito sa labas. Ano na naman ba ang mali sa kaniya?
Namumula ang mga mata ni Cassie, at sarkastiko siyang ngumiti: “Oo, buti na lang mabait ang Diyos, kung hindi ay pipilitin mo akong bayaran ang buhay niya, ‘di ba?”
Pilit niyang pinigilan ang kanyang boses na manginig, at sabay nito ay hinila ang kanyang pulso nang may lakas, pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng lalaki.
Sa nakalipas na limang taon, ilang beses na niyang naisip kung paano maghiganti pagkatapos niyang makalaya sa kulungan.
Gayunpaman, nang kumalma siya, ang kanyang pagnanais na makapiling ang anak ay di hamak na mas mahalaga kesa sa sayangin pa ang oras niya sa pakikipag usap sa lalaki.
Mas lalo itong hindi nagustuhan ni Troy, ngunit hindi niya inalis ang kanyang kamay upang pigilan siya: “Alam mo kung ano ang pamilya Olivares, at hindi maganda ang kalusugan ng lola. Hindi kita hihiwalayan.”
“Lola…” Narinig ang lola kaniyang pinakamamahal, naiipit ngayon si Cassie sa pagitan ng sarili at pamilya, ngunit sa wakas ay nakagawa na ng unang hakbang.
Si Troy ang sumira sa kanya, hindi ang pamilya Olivares.
Kahit gustong gusto na niyang makipaghiwalay, dapat siyang bumalik at linawin ang mga bagay-bagay, para hindi na mag-alala ang kanyang lola halos eighty years old na.
Umandar ang kotse.
Nakaupo si Cassie nang tuwid sa passenger seat at nakita ang magandang photo frame sa kanyang harapan.
Larawan iyon ng isang batang babae, mga tatlo o apat na taong gulang, ngiting ngiti sa camera, at ang kanyang mga kilay at mata ay halos katulad ng kay Chloe.
Natigilan siya sa una, at saka naisip ang matagumpay na heart transplant surgery ni Chloe. Paano niya hindi mahulaan na ang batang ito ay bunga ng pag-ibig ng kanyang asawa at kapatid niya?
Limang taon na ang nakalipas, sapat na ang larawang ito upang saktan na naman ang kanyang puso.
Napatingin si Troy sa nakapukaw ng atensyon ng dalaga at dahil dito ay di niya na malayang mapakunot ang noo, at ang banta na matagal na niyang inihanda ay biglang naging mahirap sabihin.
Ng mapansin ni Cassie na pinupukol na sya ng tingin ay walang pakialam na lumihis ng tingin si Cassie sabay sabi ng: “Congratulations Troy, nasayo na yung matagal mo ng pangarap.”
Ang malamig na atmosphere sa kotse ay halos nakakapamanhid dahil sa makahulugang salita na binitawan ni Cassie.
Hinigpitan ni Troy ang kanyang hawak sa manibela. Paano ba naman, hindi siya agad makasagot.
Alam nito na hindi gusto ng lalaki ang kanyang mga pananalita, yung malamig at sarkastiko.
Ngunit wala na siyang pakialam kung gusto niya ito o hindi.
Huminga nang malalim si Troy at sinubukang huwag isipin kung saan nagmula ang lungkot sa kanyang puso: “Hindi pwedeng maging isang illegitimate daughter si Bella na hindi lalaki ng normal gaya ng ibang mnga bata, at alam ko din na hindi papayagan ng lola na maging young lady ng pamilya Olivares si Chloe, kaya nang humanap kami ng isang surrogate mother, ipinahayag ko sa publiko na nagmula siya sayo .”
Hindi agad makapaniwala si Cassie sa lahat ng mga narinig. Matagal siyang nakatitig kay Troy bago niya naunawaan ang ibig niyang sabihin: “Troy, kaya mo talagang gawin ang lahat ng bagay para kay Chloe pero pati ba naman ang ganito?”
Limang taon na ang nakalilipas, sinubukan ni Chloe na maging ina sa hindi pa isinisilang na anak, at limang taon ang lumipas, naging ina siya ng anak ng iba.
Mayroon pa bang mas nakakaloko at nakakatawa pa na pangyayari sa mundong ito bukod sa pinagdaanan niya ngayon?
Nang maisip ito, mapait at walang emosyong tumawa siya: “Troy, hindi ko kailanman aaminin sa harap ni Lola na wala akong kinalaman sa anak mo.”
Malamig ang ekspresyon ni Troy: “Cassie, hindi mo pa alam, ang tatay mo ay may utang na halos 10 milyon sa high-interest loans mula sa pagsusugal sa nakalipas na ilang taon, at umaasa siya sakin para bayaran lahat ng mga pagkakautang at interes nito.”
Mabilis na namutla ang kanyang mukha: “Binablackmail mo ako…”
“Kung ayaw mong masira ang mga magulang mo, at kumapit sa patalim dapat maintindihan mo na nakikipag-negosasyon sa iyo.”
Habang nakaharap sa babaeng hindi niya mahal, walang awang ginamit ang paraan niya sa pakikipag negosyo, at malamig na hinawakan nito ang kanyang jaw: “Hangga’t buhay si Lola, ikaw lang ang maaaring maging tanging young lady ng pamilya Olivares, ina ni Bella, at asawa ko.”
Habang nagsasalita siya, lumitaw ang mansyon ng pamilya Olivares.
Bago pa man makarating ang kotse sa main house, kinuyom ni Cassie ang kanyang mga kamao at nanginginig na sinabi: “Mga magulang din iyon ni Chloe, paano mo natitiis na nakikita mo sialng malungkot dahil sa mga ginagawa mo?”
“Ayoko talagang malungkot si Chloe.” Tinapakan ni Troy ang preno, lumingon sa kanya nang may ngiti, at bumulong na parang demonyo: “Kaya nakasalalay sayo ang ikakabuti o ikakapahamak ng pamilya mo, at isa pa wala akong balak sabihin kay Chloe ang kahit anong bagay tungkol dito.
Tama iyon.
Mahal na mahal niya si Chloe, kaya natural lamang na isasaalang-alang niya ang lahat para sa babaeng mahal niya.
Nanginginig si Cassie sa galit, nakatitig sa gwapong lalaki sa tabi niya nang may pagkamuhi.
“Hayop ka,” puno ng galit niyang isinigaw ang mga salita yon: “Hindi dahil lang sa minahal kita noon, ay may karapatan ka na na pahirapan ako sa loob ng limang taon. HIndi pa sapat sayo na namatay ang anak ako, para kahit papano ay makaramdam ka man lang ng kahit kaunting awa. Dun ka kay Chloe, mahalin mo siya ng buong buo, magsama kayong dalawa hanggang sa gusto niyo. At huwag na huwag na kayong magpapakita sakin habang buhay?”
Ang mga salitang tungkol sa kanya at sa kanyang patay na anak ay puno ng hinanakit ang pagkamuhi, na ikinagulat ni Troy sandali, na nagparamdam sa kanya ng kahihiyan na mababkas sa kanyang mukha.
“Master, Madam, matagal na kayong hinihintay ng Seniora.”
Binuksan ng mayordoma ang pinto ng kotse, mabilis na pinunasan ni Cassie ang mga luha sa sulok ng kanyang mga mata, at bumaba ng kotse nang hindi lumilingon.
Sa hardin, dalawang bata ang naghahabulan at naglalaro.
Ang lahat ay tila napakaganda sa araw, at nakaramdam si Cassie ng halo-halong emosyon.
Kusang sumunod ang kanyang mga mata sa masigla at napakagwapong batang lalaki kalaro. Kung ligtas na lumaki ang kanyang anak, malamang na kasing edad niya ito.
Ng marinig ang kanilang pagdating, nagmamadaling lumabas ng silid si Madam Cynthia. Pinadala niya ang isang tao upang hawakan ang maliit na batang babae na parang prinsesa, at mapagmahal na itinuro si Cassie na ilang metro ang layo: “Bella, hindi ba’t gusto mo ng makita ang mommy mo? Bakit hindi ka lumapit sa mommy mo?”
Ang banta ni Troy ay sumasagi pa rin sa kanyang isip. Huminga nang malalim si Cassie at sinikap niyang pilitin ang isang ngiti.
Tinitigan ni Bella si Cassie mula ulo hanggang paa gamit ang kanyang mapupungay na mga mata. Nang makita niya ang kanyang magaspang na damit, kinagat niya ang kanyang mga labi. Hindi niya pinansin ang mga salita ng kanyang lola, dinilaan lamang siya nito at biglaang tumalikod at tumakbo patungo sa villa.
Kung ganun lamang sana ang naging kilos ng bata, ayos lang ito, ngunit nang lumingon siya, tinulak niya ang batang lalaking kasama niya, at hindi man lang siya humingi ng paumanhin.
Nakitang malapit nang mabuwal ang bata, tumakbo si Cassie at sinalo ang maliit na katawan: "Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?"Sa malapitan, mas makikita na napakaamo at gwapo ng batang lalaki at bagay na bagay sa kanya ang suot niyang beige suit. Para siyang si Cedie ang munting prinsipe.Ang batang buhat buhat niya ay hindi man lang natatakot o nahihiya sa kanya, Tinitigan lamang siya nito at ngumiti: "Okay lang po ako, si Levi Zachary "Akie big boy" Olivares na at di natatakot sa sakit."Matapos sabihin iyon, biglang bumilog ang mga nito at idinungaw ang muka sa balikat ni Cassie: "Papa, ang lapit mo na po kay ate, she is so pretty."Ngumiti si Cassie, ibinaba ang bata at lumingon, at hindi sinasadyang nahuli ng isang pares ng itim at mapungay na mga mata na kasing lalim ng kalangitan sa gabi kung makatitig.Sa init na sikat ng araw ng hapong iyon, hindi pa rin maiipagkaila ang kagwapuhan ng lalaki iyon na nasa kanyang harapan.Ang distansya nila sa isa't-isa ay napakalapit na
Sa kwarto, kakalagay lang ni Cassie ng kanyang cellphone sa drawer nito at lumingon nang may sarkastiko na ekspresyon: "Bakit, nandito ka ba para parusahan ako dahil nagsumbong sayo yang anak mo?""So what??""Nang niloko mo si Lola, talaga bang naisip mo makakasama ko ang anak mo araw-araw?""Cassie, kahit bigyan kita ng pagkakataon na saktan si Bella, alam nating dalawa na hindi ka ganoong klaseng babae." Malamig na ngumiti si Troy at hindi pinansin ang banta ni Cassie: "Gaano man katindi ang galit mo kay Chloe at sa akin, alam ko na sa amin ka lang galit at hindi kayang saktan ang isang inosenteng bata."Sinabi niya ito nang may kasiguraduhan, na lalong nagpakasakit sa puso ni Cassie na hindi niyang inaasahang makakapagpangiti sa kanya. Ano itong nararamdaman nya?Niloko ka niya, sinaktan ka niya, at pinaniwala ka niya, tapos ngayon mapapauto ka naman dahil lang sa sinabi niya na hindi ka ganun kasamang babae, na hindi ganun kasama ang puso mo? O dahil totoong uto-uto ka na pati a
Ang maselan na mukha ni Akie ay kumunot, saka tumingin kay Cassie na walang kamalay-malay, at palihim na kumindat sa hagdanan, at dahan-dahang tinulak siya papunta sa kwarto: “Alam ko, nahihirapan si Tita Pretty sa pagpili, at hindi alam kung aling set ng damit ang pipiliin.”Kumurap si Cassie nang hindi maipaliwanag, sinundan ang tingin ni Akie sa hagdanan, at biglang naunawaan ang nasa isip nito.Tunay ngang magkakaugnay ang puso ng mag-ina.Kahit wala ang presensya ni Chloe dito, hindi naman siya bibigyan ng anak nito ng kahit isang saglit na kapayapaan.“Hay!”Si Bella, na nagtatago sa hagdanan at palihim na nagmamatyag, ay napatalon sa galit nang makita niyang natuklasan siya, at dali-daling bumaba sa hagdanan.“Naku, pupunta sigurado siya kay Tito Troy para magsumbong.” Mangiyak-ngiyak at humikbi si Akie, sumunod kay Cassie sa kwarto at sinamahan siya sa paglilibot sa walk-in closet: “Magaling ang taste ni Papa, maganda ang lahat ng ito sayo Tita Pretty.”“Papa?” Naguluhan si Cas
Hindi siya nagulat sa kung paano niya nagawa ang lahat. Sa katunayan, ang sinumang nakakakilala kay Xander ay hindi magugulat sa kanyang mga nagawa at kaya pang gawin.Nagulat lang siya kung bakit determinado siyang iwan ang pamilya Olivares.Ngunit dahil din dito, itinatago ng buong pamilya Olivares, mula sa itaas hanggang sa ibaba, ang sekreto.“Lola, huwag po pagalitan si Papa.”Tahimik na tumayo si Akie, may matamis na ngiti upang itago ang lungkot sa kanyang ekspresyon, at mahinang sinabi: “Sabi ni Papa, may kailangang gawin si Mommy ngayon. Sa tingin ko, love na love niya kami ni Papa, at nag try siya harder everyday para makasama kami nang mas maaga.”Kahit gaano pa kalakas ang galit ng matanda, hindi niya magawang maging malamig kay Akie, at huminga ng malalim: “Napakabait ni Akie to the point na nakakapagtaka kung kanino nagmana. I don't care what reasons and secrets you have with that woman, basta ayaw kong maging malungkot si Akie.” Tumango si Xander,bahagyang kumikislap a
Pagdating ng lahat sa kanilang pwesto, madilim na ang kalangitan.Bilang isang espesyal na tao na personal na inutusan ni Troy, si Cassie ay natural na mag-aayos para sa pinakamahalagang bisita ngayong gabi.Sa harap ng Angel Club, bumaba si Cassie mula sa sasakyan at naglakad diretso papasok, pilit na iniiwasan ang sakit sa kanyang paa.Ang banayad na makeup ay nagtago sa kanyang kahinaan at pagod, ang mahaba niyang buhok na hanggang baywang ay maluwag na nakatali, at ang off-shoulder na damit ay nagpalutang ng kanyang natatanging ganda at alindog. Ang ngiti sa gilid ng kanyang labi ay may tamang timpla ng kalayaan. Sa ilang dosenang metrong distansya, siya na agad ang naging tanging pokus ng mata ng lahat."Huminto."Sa likod niya, ang madilim na anino ng Hummer ay sumanib sa gabi at tahimik na huminto sa labas ng mga tao.Ibinaba ang one-way window, na nagbigay daan sa matikas na profile ng lalaki sa loob ng sasakyan.Ang payat na pigura ay sumagi sa gilid ng liwanag, ibinalik ni X
“Ganun ba?”Mababa ang boses ni Xander, at nakakurba ang kanyang mga labi sa isang paraang mahirap sabihin kung masaya siya o galit.Sa susunod na sandali, ang tunog ng mga kamao at malapit na kontak ay kasing bingi ng kulog, halo-halo sa malutong na tunog ng mga nabaling buto.Biglang nagbago ang anyo ng kaninang arogante na lalaki, at sa isang kisap-mata ay sumigaw siya at bumagsak sa lupa.“Sir, kami…”Natakot ang dalawang bodyguard, nagkatinginan sila at hindi nangahas na humakbang, sadyang iniyuko ang kanilang mga ulo.Ang babaeng kanilang hawak ay hindi na isang babaeng paglalaruan ng kanilang binatang amo, ngunit isang mainit na pigura na magdadala ng kapahamakan.“Get out.”Ang dalawang lalaki ay parang nakaligtas, at agad silang lumayo ng limang metro, at tumahimik kasama ang Sir na nasa problema.Huminto siya sa harap niya, at sa kanyang madilim at itim na mga mata, naroon lang ang kanyang nahihiyang pigura.Mula sa kanyang mga mata, si Cassie ay namumula, at wala siyang map
Hindi naman talaga perpekto ang sagot na iyon.Gayunpaman, siya lang ang minahal ni Troy sa loob ng maraming taon.Pumikit si Troy, parang pinipilit ang sarili na paniwalaan ang mga salita ni Chloe.Inilayo niya ang kanyang mga mata kay Chloe nang may masamang tingin, at isinara ang pinto nang hindi lumingon.Sa kwarto, natakot si Chloe sa malakas na tunog ng pagsara ng pinto, at nanginginig ang buong katawan niya, at mahigpit na pinindot ng kanyang mga daliri ang kanyang palad.Mula maramdaman nila na love at sight sila sa isa’t isa, maliban sa ilang araw nang nakakulong lang si Cassie limang taon na ang nakalilipas, hindi pa siya kailanman naging ganoon kalamig at walang pakialam sa kanya.Magkakilala at nagmamahalan na ang dalawa sa loob ng maraming taon, at hindi siya ganoon kahina upang hindi matanggap ang anumang pagbabago.Hindi lang niya matanggap ang bawat pagbabagong ginagawa niya sa kanya, at lahat ito ay may kinalaman kay Cassie.Nang gabing iyon, bumalik si Troy sa lumang
Hindi natural na pinapasok si Cassie sa kwarto, iniiwasan ng nanay niya ang kanyang mga mata at patuloy na nagreklamo: “Ikaw na bata, bakit hindi ka tumawag bago ka umuwi? At saka, hindi pa umuuwi si Chloe kagabi. May kinalaman ka ba doon? Kakaopera lang niya sa puso. Huwag mo na siyang saktan ulit, narinig mo ba ako?”Pagkatapos ng limang taon, si Chloe pa rin ang nag-iisa na karapat-dapat sa pag-aalaga at pagmamahal sa pamilyang ito.Tumigil si Cassie na nakatalikod sa kanyang ina, at parang sinaksak ang kanyang puso.Mula pagkabata hanggang sa pagtanda, matagal na siyang nasanay sa ganitong pagtrato sa kanya ng kanyang pamilya, ngunit sa bawat pagkakataon ay hindi niya maiiwasan ang kalungkutan ng na parang nababasag ang mga buto niya. “Huwag kang mag-alala, mahal na mahal mo si Chloe, paano ko naman siya sasaktan?” Pinipigilan ang hikbi sa kanyang lalamunan, tiningala ni Cassie ang marangyang sala sa kanyang harapan, na may pakiramdam ng nakaangat-angat sa bukas. Naisip ang sampu
Pagkasabi niya ng mga salitang ito, ang lahat, kasama na ang mga katulong ng pamilya Olivares, ay natahimik.Namangha si Chloe at napanganga, at pagkatapos ay dali-daling ibinaba ang kanyang ulo, na naramdaman na nawala ang kanyang pagpipigil, na may hindi kapani-paniwalang labis na kagalakan na sumilay sa kanyang mga mata.Hindi niya maisip na ang sinabi ni Cassie ay totoo, ngunit ano ang espesyal sa file na iyon na sulit ipagpalit sa pagiging first lady ng pamilya Olivares?Bahagyang natigilan din si Ysa, at ang kanyang mga mata ng paghamak at pagkasuklam ay naging pagbabantay at pagsusuri, nagtataka kung may alam si Cassie at sadyang pinipigilan siya sa harap ng lahat.Sa harap ng lahat ng uri ng mga matang nakatingin sa kanya, ang payat na katawan ni Cassie ay bahagyang nanigas, at ang kanyang ekspresyon ay nanatiling walang pakialam, na parang may sinabi lamang siyang walang nakakasama.Ang katahimikang ito ay tumagal ng halos dalawa o tatlong minuto, hanggang sa ibinaling ni Bel
"Really?" suminghot si Akie. Kung ikukumpara sa karaniwang katalinuhan at kakulitan niya, sa sandaling ito ay mas mukha siyang isang limang taong gulang na bata. Ikiniling niya ang kanyang maliit na ulo at nakipag-usap kay Cassie: "Pero ayoko ng mga injection at pag-inom ng gamot. Huwag na tayong magpatingin sa doktor at huwag nating sabihin kay Papa, okay?""Syempre hindi." Natatawang sabi ni Cassie. Hindi niya inaasahan na ang maliit na bata ay matatakot din tulad ng mga ordinaryong bata: "Pero prpmise ko na matamis ang mga gamot. Hayaan mo si Mr. George na mag-injection. Hindi ba't sinabi mo na napakagaling niya at hindi masakit ang injection?""Papuri ko lang iyon kay Tito George. Gusto ko lang na maging gentle siya kay Papa." Walang sigla si Akie. Ibinuka niya ang kanyang maliliit na kamay at inihagis ang kanyang sarili sa mga bisig ni Cassie. Ang kanyang maliit na ulo ay nakapatong sa kanyang balikat. Lumingon siya at nakita ang isa pang maliit na pigura na sumusugod papunta sa
Hanggang sa sandaling iyon, nalaman ni Troy na gusto niyang tawagin siya ni Cassie sa ganoong paraan, na parang ang lahat ng nangyari limang taon na ang nakalipas ay isang ilusyon lamang, siya ang kanyang nag-iisang lehitimong asawa, at hindi na niya kailangang mag-alala kung paano haharapin sina Bella at Chloe.Lumipas ang oras sa pagtatalo, itinaas ni Cassie ang kanyang mga pulang mata at sumulyap kay Troy, iniisip na marahil ay hindi niya narinig nang malinaw ang kanyang mga salita: "Troy, maghiwalay na tayo.""Gusto mo akong hiwalayan, dahil ba kay Chloe, o para kay Xander?" Tila natatakot na marinig niya ang parehong bagay nang paulit-ulit, tiningnan niya ito na may malamig na kilay at pinutol siya ng isang maliwanag at nakasisilaw na ngisi sa sulok ng kanyang mga labi: "Binigyan ka ba ng iyong tiyuhin ng kaunting magandang trato, at nakalimutan mo ang pagkatao mo at kung paano ka nakasal sa pamilya Olivares?"Ibinaba ni Cassie ang kanyang mga mata, biglang naalala ang dugo sa ka
"Ma, let me tell you the truth."Nang makita ang lumalaking hidwaan sa pagitan ng kanyang ina at ni Cassie, nag-alinlangan sandali si Troy at kinailangang ulitin ang pangako ng matanda sa kanya: "Ang pamilya Olivares ay nagbabayad ng utang na loob, at nabayaran ko na ang pabor sa ngalan ni lolo. How could he possibly treat me badly when I inherited the wealth of this family?""So there is such a thing." Pagdating sa ari-arian, kumislap ang mga mata ni Ysa: "Ikaw na bata ka, bakit hindi mo sinabi kaagad? Sige, alam ko na ang ibig mong sabihin. Bago mo manahin ang pamilya Olivares, magbubulag-bulagan na ako kay Cassie. Kapag minana mo na ang yaman ng pamilya Olivares, huli na para paalisin ang nakakainis na babaeng iyon."Wala nang nagawa si Troy at gusto na lang muna suyuin ang kanyang ina: "Oo, oo, tama po kayo, ako..."Bago pa siya matapos magsalita, isang katulong ang kumatok sa pinto: "Ma’am, Sir, narito po sina Ma’am Cassie at Sir Xander."Kumunot ang noo ni Troy nang hindi namama
Pagkaraan ng ilang segundo, nanginginig siya nang husto, nakatuon ang kanyang mga mata sa kanyang mukha, at nasasaktan siya at biglang umiyak at pinagpawisan ng malamig: "Xander, ang kamay mo."Sabi niya, balewala sa pagtutol ng lalaki, at dahan-dahang kinuha ang kanyang kanang kamay mula sa kanyang bulsa, humanap ng isang panyo mula sa kanyang katawan at nanginginig para pigilan ang pagdurugo.Ang sugat ay nakapangingilabot, at pagkatapos ng walang ingat na paggamot ng may-ari, sapat na ito para magkaroon ng bangungot ang mga ordinaryong tao buong gabi.Ang sitwasyon ay napaka-kritikal kaya ginamit ng lalaki ang kanyang kanang kamay para harangin ito nang hindi nag-iisip.Kung napinsala ang kanyang kamay, mas gugustuhin niyang hindi siya nagpakita rito ngayong gabi, at mas gugustuhin pa niyang sirain ang kanyang mukha ng mga taong inupahan ni Chloe.Hindi nagkomento si Xander, ibinaba niya ang kanyang mga mata para tingnan ang kanyang pagkatakot, at ngumiti nang may pagkalibang: "Kun
Nang marinig ang pag-iyak ng ina ni Cassie, inayos ni Xander ang buong kwento, at ang lamig sa kanyang mga mata ay unti-unting lumalim.Nang sa wakas ay sinabi sa kanya ni Martha ang lokasyon kung saan umalis si Cassie bago mawalan ng komunikasyon, agad siyang nagdesisyon at mabilis na naglakad papunta sa sasakyan.Sa gilid, si George Fernandez, ang kanyang pinagkakatiwalaang sumama sa kanya, ay bahagyang kumunot ang noo, at ibinaba ang kanyang boses sa kanyang likuran at maingat na sinabi: "Sir Xander, narito po kayo. Kung aalis po kayo ngayon, mahihirapan pong ipaliwanag kay Ma’am Ysa. Ang relasyon niyo po sa kanya ay medyo tensyonado na. Bakit hindi po muna tayo pumasok at bumati?"Natigilan sandali si Xander at malamig na sinulyapan siya: "Hayaan mo siya hindi natatakot sa kanya."Naintindihan ni George at agad na isinara ang kanyang bibig, nagtataka kung sino ang Cassie na ito, na maaaring makaakit ng atensyon ng kanyang amo.Para sa resulta, gayunpaman, ang pangalawang master ay
"Frank, totoo ang limang daang libo."Habang sinusubukan niyang manatiling kalmado, isa sa kanila ang nag-inspeksyon ng perang dinala ni Cassie at umungol ng kontento: "Sige, Frank, ibigay mo na sa kanya ang bagay, tapos na ang transaksyon."Matagal na nanahimik ang lalaking nagngangalang Frank, at lumubog ang puso ni Cassie, na may manipis na patong ng pawis sa kanyang mga palad."Kael, dahil pumayag si Sir Tyler sa usapan, ibig sabihin na ang maliit na bagay na ito ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa 500,000 yuan. Ibalik na lang natin ito sa kanya, di ba?""Tumigil ka nga sa kalokohan." Ang lalaki na nagsalita ay tila may mataas na katungkulan sa maliit na grupo. Agad niyang sinabi ng malamig na boses: "Sinabi din ni Sir Tyler na dapat tayong maging tapat at magsagawa ng ating tungkulin. Nakalimutan mo na ba ang kapalaran ng mga walang silbi o gusto mong sundan ang yapak nila?"Tumigil na agad si Frank, at may pagkalungkot na kinuha ang isang maselang at maliit na kahon mula sa kany
Sa kabilang dulo ng telepono, malinaw at kaaya-aya ang boses ng isang lalaki: "Nabalitaan ko sa mga walang kwentang kapatid na iyon na may mga kondisyon ka at gusto mong makipag-usap sa akin."Hindi namalayang itama ni Cassie ang kanyang postura sa upuan, at mabilis na nalunok ang kabang nararamdaman: "Oo, nais kong bilhin pabalik ang bagay na iyon ng 500,000, sa tingin ko kaya ba?"Heh," tumawa ang lalaki nang may katusuhan: "Hindi ako tulad ng mga tanga na hindi alam ang halaga ng mga bagay, at alam kong hindi bababa sa walong numero ang halagang iyon, kaya...""Hindi kayo pumapayag," nakakunot ang noo ni Cassie: "Kung gusto ninyo ng mas malaking pera, natatakot akong hindi ko ito makukuha sa maikling panahon.""Huwag kang mag-alala, walang problema ang 500,000." Tila nasisiyahan ang lalaki sa laro ng pusa at daga, pinaglalaruan ang emosyon ni Cassie: "Pero ikaw lang ang pwedeng magdala ng cash sa transaksyon. Kung magtangka kang tumawag ng pulis o magdala ng ibang tao, magiging inv
Hindi pa rin siya pinansin ni Ysa at hindi man lang tumingin sa pagkaing inilagay niya sa plato.Lumipas ang kalahating oras sa ganitong sitwasyon, hanggang sa nagpaalam na ang matandang babae upang magpahinga, iniiwan ang mga mas nakababata para makipag-usap kay Ysa."Cassie, don't you have anything to say to me as a mother?" Pagkaalis pa lamang ng matandang babae sa mesa, bumaling si Ysa at ibinagsak ang kanyang kutsara at tinidor sa mesa, nakatitig kay Cassie na may malamig at nakakasakit na tingin: "O sa tingin mo ba na kapag wala ako sa bansa, hahayaan ka ng pamilya Olivares na gawin ang kahit anong gusto mo?"Kumalabog ang puso ni Cassie, at inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mga tuhod at yumuko: "Pasensya na po.""Nasaktan na nga ang anak ko sa pagpapakasal sa isang babaeng katulad mo. What qualifications do you have to let him get hurt for you?"Hindi pinansin ni Ysa ang mga mata ni Troy at lumakas nang lumakas ang kanyang boses, na nakakuha ng atensyon ng mga katu