haha
Hindi agad bumalik sa dati ang pagsasama ni Mithi at Kallahan. But they working on their relationship. Alam ni Kallahan na naiilang at mailap pa rin si Mithi sa kaniya pero hindi gaya dati na halos itulak siya nito palayo.Mithi is civil with him. She can smile at him and even converse ngunit ganoon pa man, may haligi pa rin sa pagitan nila.“It takes times bago niya ako tanggapin ulit.” Sabi ni Kallahan sa sarili niya.2 months after, mas halata na ang baby bump ni Mithi. Si Shamcey naman ay sumama kay Kelleon at hindi nila alam saan nagtungo ang dalawa.But Mithi is complacent na ayos lang ang kaibigan niya.Si Francheska ay hindi stay in sa bahay nila. Pero madalas siya sa manatili dahil tinutulungan nito ang mama niya na makarecover ng mabilis.Habang pinapanood ni Mithi ang mama niya, napangiti siya ng makita na mabilis na magresponse ang utak nito sa simpleng usapan.Naglalakad na rin ang mama niya sa loob ng bahay, at kaya na rin nitong magbuhat ng mga bagay-bagay. Her fine moto
Pinagsingkitan ng mata ni Francheska ang dalawa ng bumaba ang mga ito na magkasiklop na ang mga kamay. Hindi naman siya bitter. Matapos ang dalawang buwan na napapansin niya kung saan ay naiilang si Mithi, ngayon e sobra na kung makakapit sa braso ni Kallahan. “Ma, lalabas po muna kami ni Kallahan.” Paalam ni Mithi sa mama niya. “Ayos lang po ba kayo dito kasama ni Francheska?” “Oo naman. Mabait si Francheska.” Saad ni Angel at ngumiti. Tumingin siya kay Kallahan. Nagkatitigan sila sandali. Pagkaraan ay ngumiti si Angel dito. “Uwi kayo ni Mithi ha?” “O-Opo.” Nahihiyang sagot ni Kallahan. Gusto niyang humingi ng tawad kay Angel pero alam naman niyang hindi pa siya naaalala nito. Ngumiti si Mithi at tumingin kay Fracheska. “Si mama—" “Ako na bahala sa kaniya.” Sabi ni Francheska at nag thumbs up pa sa kaniya. Hindi sila close. Ramdam niyang ayaw ni Mithi sa kaniya pero they are civil. Tumango si Mithi at tuluyan na silang umalis ni Kallahan. "Tara na, kain na tayo An
Kinagabihan, nasa sala si Mithi at Kallahan. Nakakandong si Mithi sa kaniya habang nag-uusap sila. Kanina pa pinapakalma ni Kallahan si Mithi dahil hindi pa rin ito nakakamove-on sa naging harapan nila ni Annaliese sa resto. "Ang kapal talaga ng babaeng yun. Matapos nilang perahan si papa, ngayon babalik sila kasi hindi sila nagtagumpay na maging kasapi ng Yeon?"“Do you want me to fire them sa resto na yun?” he suggested.“No.” Sabi ni Mithi. “Baka mamaya e magkaroon pa sila ng oras para hanapin si papa. Hayaan mo sila doon na magtrabaho.”Mas lalong hinigpitan ni Kallahan ang pagyakap sa kaniya. Kung siya ang nasa kalagayan ni Mithi, sinisante na niya si Anneliese at Analia pero kung tutuusin, hindi rin naman mali ang naisip ni Mithi.Mas mabuting maging abala si Annaliese at Analia para hindi na nito maisip na hanapin si Michael.Maya-maya pa ay biglang naisip ni Mithi ang mama at papa niya. Hindi pa nila sinasabi sa papa niya na buhay ang mama niya. “Sa tingin mo ba, ito na ang
“Naaalala mo ‘ko?” hindi makapaniwalang tanong ni Kallahan kay Angel. “Oo. Ang mga naaalala ko ay yung nasa Venice na ako. Hindi ba gusto mong tawagin kitang Antonio?" “B-Bakit hindi mo sinasabi kay Mithi?” “Hindi sa ayaw kong sabihin sa kaniya. May gusto lang akong itanong. At alam kong hindi niya ako sasagutin ng tapat dahil kilala ko ang anak ko.” Agad na tumalima si Kallahan. Bigla rin siyang kinabahan. “Anong nangyari sa anak ko no’ng naaksidente ako?” Bakit niya tinatanong… Kallahan wondered. “Anong ginawa ng ama niya? Anong naging buhay ni Mithi noon?” Agad na may naisip si Kallahan na dahilan kung bakit nagtatanong si Angel sa kaniya ng ganito pero hindi lang siya sigurado kung tama ba ang hinala niya. May alam ba siya sa nangyari sa buhay ng asawa at anak niya no’ng naaksidente siya? “Si Mithi… nakapag-aral siya at nakapagtapos.” He vaguely said. “Si Michael? Anong ginawa niya?” Nakagat ni Kallahan ang pang ibabang labi niya. Hindi niya alam kung anong isasagot niy
(Angel after leaving Venice)Nakatingin si Angel sa phone niya kung saan may sinend si Annaliese sa kaniya na isang video. It’s a sex video of Annaliese and Michael.Hindi niya sigurado kung lasing ba ang asawa niya sa video but the fact na nakipagtalik ito sa iba, ay labis na sakit ang dala sa kanya.Handa na ang maleta niya dahil aalis na siya ng Venice. Alam niyang pupuntahan na naman siya ni Kallahan mamaya pero hindi na niya mahihintay ito dahil sa laki ng problema ng pamilya niya.Kagabi pa yan nasend sa kaniya. Kaya agad siyang nagparush ng ticket dahil gusto na niyang umuwi.Tumayo na siya at handa ng aalis.Napatingin siya sa liham at relo na bigay ni Kallahan. Gusto niya yung iwan sa hotel pero ayaw niyang masaktan ang bata. Kaya dinala niya yun pabalik ng Pinas.Panay na ang chat ni Annaliese sa kaniya na nagsasama na sila ni Michael. Na hindi magtatagal e makikipaghiwalay na si Michael sa kaniya.Hindi rin matawagan ni Angel ang asawa niya kaya nag-aalala na siya para kay
“Mithi,” napatingin si Mithi kay Francheska nang tawagin siya nito. Nasa botanical garden si Mithi, ang isa sa parte ng bahay nila ni Kallahan na hindi niya masiyadong napupuntahan dahil bahay-trabaho lang naman siya noon. “Francheska..” Ibinaba niya ang kaniyang tea na walang halong caffeine sa mesa. “Pwede ba kitang makausap?” “Sure. Tungkol ba ito kay mama?” “Oo.” “Anong tungkol sa kaniya? May problema ba?” “Alam mo bang nakakakaalala na ang mama mo?”Nawala ang ngiti sa labi niya kasabay ng pamimilog ng mata. “Lahat ba ay naaalala na niya?” “Oo.” Francheska said. “That’s why I’m here dahil may gusto sana akong sabihin sayo. Ang mama mo ay nakakulong pa rin sa nakaraan niya. And it’s given lalo’t half of her life ay nakaratay lang siya sa hospital. Aside from our physical attributes, pati pag-iisip at mentalidad natin ay nagbabago rin. Pero sa kaso niya ay hindi. She’s still living in the past dahil iyon ang timeline na iniwan niya bago siya macomatose.” Nag-alala ang mukha
Dahan-dahan ng nababago ang lahat. Matapos maalala ni Angel ang nakaraan niya, hindi na siya kailanman nilulubayan ni Mithi. Halos kada oras ay magkasama ang dalawa.“Ma! Nasaan ka?”“Ma?”“Ma anong ginagawa mo?”“Nasaan si mama?”“Nakita niyo ba si mama?”“MA!”Natatawa nalang si Angel na halos kada minuto e walang maririnig sa bahay kun’di boses ni Mithi na hinahanap siya. Hindi naman siya nagri-reklamo.“Kal, nakita mo ba si mama?” napatingin si Kallahan kay Angel at natawa.“She’s here wife!” Sigaw ni Kallahan. Nasa sala sila at si Angel ay nakaupo sa harapan niya para manood ng palabas habang si Kallahan naman ay nagta-trabaho.Hindi na rin awkward kay Kallahan ang presensya ni Angel dahil pinaparamdam ni Angel sa kaniya na wala siyang dapat na ikahiya. Dahil anak lang naman ang pagtingin niya dito.And now, he’s treating her like his mother buhat sa siya ang ina ng asawa niya.“Lagi ka niyang hinahanap ma,” natatawang sabi ni Kallahan. Tita talaga ang unang tawag niya dito pero s
Pagdating ni Mithi sa bagong bahay ng papa niya, sinalubong siya kaagad ni Michael sa labas pa lang. Dahan dahan lang ang paglalakad niya dahil mabigat na ang tiyan niya.Nakaalalay naman si Kallahan sa kaniya. “Papa!” Malaki ang ngiti sa labi ni Mithi habang nagmamadali papunta kay Michael. “O dahan-dahan…” Sabi ni Michael at kinuha ang kamay niya at inakay papasok sa loob ng bahay. Ni hindi nito pinansin si Kallahan. Na para bang hindi niya ito nakita.Tahimik lang si Kallahan. Alam niyang hindi maganda ang relasyon nila ni Michael pero hindi niya pwedeng iwanan ang asawa niya kahit pa paalisin siya nito. “Gusto mo ba ng tubig anak?” “Opo papa.. Nauhaw ako.” Natawa si Michael at agad na kumuha ng tubig para ibigay kay Mithi. “Salamat pa..” Umupo si Michael at agad na tinabihan ang anak niya. Gusto niya itong kamustahin. Gusto niyang malaman kung kamusta na ito sa bahay ni Kallahan. Buong akala niya e naging priso ang anak niya. Ilang ulit na siyang nakiusap na magkita sila ni