Isang oras at kalahati lang ang ibinyahe nila at nakarating sila sa Dau bus terminal. Dahil stop over naman ng mga bus at sasakyan ang lugar ay nakapagpark ng maayos si Anthony. Si aling Joyce at Cherry ang lumabas ng sasakyan at hinintay ang bus na sinasakyan ng ina. Naiwan naman sa loob ng kotse ang mag tito. Dahil nasa likuran nakaupo ang bata ay safe naman ito roon at hindi naiinip dahil iniwan ni aling Joyce ang tablet na ibinigay ni Anthony noon sa ginang na ngayon ay pinanonooran ni Ivan ng cartoons. Nakatingin lang si Anthony sa labas ng kotse. kahit na medyo malayo ang nobya ay tanaw pa rin niya ito.Nakasampung minuto ring naghintay sina Cherry ng makarating ang kanyang inay. Sinalubong niya ng yakap ang ina dahil na miss niya talaga ang kanyang inay. Niyakap din ni aling Joyce ang kaibigan na kahit na may edad na rin tulad niya ay maganda pa rin. Mas kahawig kase ni Cherry ang kanyang ina.Inaya nila si aling Lourdes na pumasok sa isang cafe at doon na lang sila nag usap.
Samantala hindi na mapakali si Anthony sa loob ng sasakyan dahil aninag niya mula sa loob ng cafe na umiiyak si Cherry Lou habang kausap nito ang ina. Nangangati na siyang lapitan ang nobya at tanungin kung bakit ito umiiyak. Na distract lang ang pag aalala niya kay Cherry Lou ng tumawag sa kanya ang mayordoma niyang si manang."Hello Manang, bakit ka tumawag?"( Sir, kase may babae sa labas ng gate hinahanap sina Cherry at aling Joyce. Sinabi namin na wala dito sa bahay pero nagpipilit na pumasok at gusto raw silang makausap. May kasama pong police sa labas, ang sabi ay babawiin daw po ang anak niyang si Ivan na inilayo ng magtiyahin sa kanya.)"Sige manang, hayaan n'yo lang sila sa labas. Ako na ang bahala. Aalis rin ang mga yan mamaya."( Sige po sir Anthony.)Pagka-off niya ng phone ay may hinanap siyang contact number at nang makita niya ay tinawagan niya ang may ari ng numero."Hello, Mrs. Tiangco. I'm Anthony Buenavidez one of the resident in Palo Alto Subdivision. My house num
"Tiyang, alis na po ako, tatawagan kita kapag nagkausap na kami ni itay. Ingat kayo ni baby Ivan." Lumabas siya ng sasakyan ni Anthony na hindi na muling hinarap ang nobyo dahil sa inis niya sa lalaki.Mabilis na naglakad palayo si Cherry Lou hanggang sa makasakay ng bus na hindi man lang lumilingon sa likuran niya."Nagulat ka ba sa nakita mong ugali kanina ni Cherry, huwag kang mag alala dahil kahit naman ako ay nagulat din sa kanya. First time ko siyang nakitang nag outburst Anthony! Unawain mo na lamang ang girlfriend mo, marami kase siyang iniisip na problema ngayon. Kapag nawala na ang inis niya ay sigurado akong magso-sorry din s'ya sayo. Kanina lang kase ay nalaman niyang pinalayas ng inay niya ang kanyang itay sa bahay nila at naghiwalay na nga ang mga magulang n'ya. Nalaman din niyang magkapatid sila ni Annika sa ama, na pamangkin pala niya si Ivan. Muntik ng mapatay ang itay niya ng kinilalang ama ni Annika at masama ang loob ng inay niya sa kanya ngayon, dahil sa mga inili
Pagkatapos ng madramang pag uusap ng mag ama ay tinawagan ni Cherry ang dalawang kapatid niya sa cellphone at sinabihan niyang makipagkita ang mga ito sa kanya sa bayan ng sual. Ibinilin niyang wag muna ipaalam sa kanilang inay na naroon siya.Sa isang sikat na fast food sila ng itay niya nakipagkita sa mga kapatid. Nagulat naman ang dalawa ng makita ng mga ito na kasama niya ang kanilang ama na naghihintay roon. Wala naman galit ang mga kapatid niya sa ama nila kaya maayos silang nagkausap usap. Inilatag niya sa mga ito ang pinaplano niyang paglipat ng mga ito sa Rizal kung saan siya nakakita ng murang bahay at lupa na commercial lot dahil sa pinaplano niyang maliit na negosyo para sa kanyang ina ang magkarenderya dahil mahilig at masarap magluto ang kanya inay. Habang ang ama naman niya ay ibibili niya ng tricycle na pamasada upang hindi na lumayo pa ito ng trabaho, marunong naman magmotor ang ama nila.May malapit ding college school sa lugar sa bayan kaya alam niyang magiging kom
Samantala gabing gabi na ay nasa bar counter pa rin ng bahay niya si Anthony. Mag isang nag iinom at panay ang tingin sa kanyang cellphone naghihintay ng text message o tawag ni Cherry Lou sa kanya.Masama ang loob niya kanina ng singhalan siya ng nobya pero mas nananaig ang pagmamahal niya sa dalaga. Inunawa niya si Cherry Lou dahil iyon ang payo sa kanya ni aling Joyce. Kanina pa siyang naghihintay na magparamdam sa kanya ang kasintahan pero pakiramdam niya ay hindi siya talaga mahalaga kay Cherry Lou ngayon. Ilang oras na rin mula ng talikuran siya nito sa bus terminal. Nakauwi na sila nila aling Joyce at Ivan sa bahay at nagkausap na rin sila ni Ledesma ng hapong iyon. Pero nakapatay pa rin ang phone ni Cherry Lou kaya hindi niya makontak ang nobya. Nang makita niyang active na ang messenger ng dalaga kanina ay hindi man lang nag abalang basahin ang kanyang text message.Nang subukan niyang tawagan muli si Cherry Lou ay naka off na uli ang cellphone nito. Gusto niyang magwala s
"Darating si Annika?" bakit raw, anong gagawin niya rito? paano mo nalaman na pupunta yun dito mamaya?" magkakasunod na tanong ng ginang na biglang kinabahan at napatingin sa bata na tahimik na kumakain.""Tiyang, wag kang matakot hindi niya makukuha ang bata sa atin kaya kumalma ka. Marami akong bala para sa kanya." Kumunot ang noo ng ginang sa sinabi ni Anthony, dahil sa sinabi nitong maraming bala."I mean hawak na ebidensiya na maibibigay sa korte para hindi sa kanya ibigay ng judge ang anak niya. Sapat na para hindi siya pagkatiwalaan.""Bakit anong mga nalaman mo tungkol kay Annika?""Mamaya ko tiyang isisiwalat kapag narito na siya. Paparating na rin si Atty. Advincula. Alam na niya ang gagawin niya kung sakaling may pulis na dala si Annika." aniya na lang sa ginang."Pulis, bakit siya magdadala ng pulis?" usisa pang tanong ni aling Joyce."Tiyang, kahapon galing siya rito may kasamang pulis hinahanap kayo ni Cherry Lou at nagpipilit na pumasok rito. Pinasabi ko sa president n
Nahihirapan ang kalooban ni Cherry Lou ngayon dahil sa mga nalaman niya tungkol kay Annika. Hindi niya akalain na masisira ng tuluyan ang buhay ng dating kaibigan na kapatid pala n'ya sa ama."Annika, pag usapan natin ng maayos ito. Hindi naman kailangan na magkakortehan pa tayo. May pagkakataon ka pang magbagong buhay na kasama kami. Ayusin natin ang lahat ng ito." nakikiusap niyang wika sa kapatid."Sa tingin mo magbabago pa ang buhay ko Cherry? sinikap kong baguhin noon, pero bakit ang nangyare imbes na maging maayos lalo lang ako nasadlak sa mapait na kalagayan ko ngayon!?" paasik na sagot ni Annika sa kanya."Dahil maling landas ang tinahak mo Annika. Kung nakinig ka sa amin ni Cherry, kung tinanggap mo ang anak mo, hindi mo mararanasan ang magnakaw at gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Huwag mong isisi sa amin, lalo na kay Cherry ang masaklap mong buhay dahil ikaw mismo ang gumagawa ng desisyon para sa sarili mo. Mayroon kang pagpipilian pero mas ninais mong masira ang buhay mo.
Nakaalis na si Attorney Advincula pero bago ito umalis ay iniutos ni Anthony sa abogado ang madaliang pagproseso nito para maipasok sa rehabilitation center agad si Annika na tinanguan ni Attorney.Nagpaalam naman na si aling Joyce na babalikan na si Ivan sa room kung saan kasama nito si Liza na nagbabantay sa bata.Matapos nilang maipasok sa isang guest room si Annika na pinahirapan pa silang madala ito roon dahil sa pagpupumiglas nito kanina ay inilock nila ang pinto sa labas para hindi ito makawala. Nagsisigaw ito sa loob ng silid na hinayaan lang nila."Thank you, Anthony! ang dami mo ng nagagawa para sa akin. Samantalang ako, nagawa pa kitang pagtampuhin kahapon. Sorry!" wika ng dalaga ng sila na lang ang nasa sala.Inakbayan ni Anthony si Cherry Lou at idinampi ang labi sa sentido ng nobya. " I miss you!" sambit ng binata na nagpangiti sa dalaga."Ako rin na miss kita. Huwag ka ng magpapakalasing ng husto ha! nakakahiya ka kapag nalasing ng sobra." natatawang pinagsabihan ang no