"Darating si Annika?" bakit raw, anong gagawin niya rito? paano mo nalaman na pupunta yun dito mamaya?" magkakasunod na tanong ng ginang na biglang kinabahan at napatingin sa bata na tahimik na kumakain.""Tiyang, wag kang matakot hindi niya makukuha ang bata sa atin kaya kumalma ka. Marami akong bala para sa kanya." Kumunot ang noo ng ginang sa sinabi ni Anthony, dahil sa sinabi nitong maraming bala."I mean hawak na ebidensiya na maibibigay sa korte para hindi sa kanya ibigay ng judge ang anak niya. Sapat na para hindi siya pagkatiwalaan.""Bakit anong mga nalaman mo tungkol kay Annika?""Mamaya ko tiyang isisiwalat kapag narito na siya. Paparating na rin si Atty. Advincula. Alam na niya ang gagawin niya kung sakaling may pulis na dala si Annika." aniya na lang sa ginang."Pulis, bakit siya magdadala ng pulis?" usisa pang tanong ni aling Joyce."Tiyang, kahapon galing siya rito may kasamang pulis hinahanap kayo ni Cherry Lou at nagpipilit na pumasok rito. Pinasabi ko sa president n
Nahihirapan ang kalooban ni Cherry Lou ngayon dahil sa mga nalaman niya tungkol kay Annika. Hindi niya akalain na masisira ng tuluyan ang buhay ng dating kaibigan na kapatid pala n'ya sa ama."Annika, pag usapan natin ng maayos ito. Hindi naman kailangan na magkakortehan pa tayo. May pagkakataon ka pang magbagong buhay na kasama kami. Ayusin natin ang lahat ng ito." nakikiusap niyang wika sa kapatid."Sa tingin mo magbabago pa ang buhay ko Cherry? sinikap kong baguhin noon, pero bakit ang nangyare imbes na maging maayos lalo lang ako nasadlak sa mapait na kalagayan ko ngayon!?" paasik na sagot ni Annika sa kanya."Dahil maling landas ang tinahak mo Annika. Kung nakinig ka sa amin ni Cherry, kung tinanggap mo ang anak mo, hindi mo mararanasan ang magnakaw at gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Huwag mong isisi sa amin, lalo na kay Cherry ang masaklap mong buhay dahil ikaw mismo ang gumagawa ng desisyon para sa sarili mo. Mayroon kang pagpipilian pero mas ninais mong masira ang buhay mo.
Nakaalis na si Attorney Advincula pero bago ito umalis ay iniutos ni Anthony sa abogado ang madaliang pagproseso nito para maipasok sa rehabilitation center agad si Annika na tinanguan ni Attorney.Nagpaalam naman na si aling Joyce na babalikan na si Ivan sa room kung saan kasama nito si Liza na nagbabantay sa bata.Matapos nilang maipasok sa isang guest room si Annika na pinahirapan pa silang madala ito roon dahil sa pagpupumiglas nito kanina ay inilock nila ang pinto sa labas para hindi ito makawala. Nagsisigaw ito sa loob ng silid na hinayaan lang nila."Thank you, Anthony! ang dami mo ng nagagawa para sa akin. Samantalang ako, nagawa pa kitang pagtampuhin kahapon. Sorry!" wika ng dalaga ng sila na lang ang nasa sala.Inakbayan ni Anthony si Cherry Lou at idinampi ang labi sa sentido ng nobya. " I miss you!" sambit ng binata na nagpangiti sa dalaga."Ako rin na miss kita. Huwag ka ng magpapakalasing ng husto ha! nakakahiya ka kapag nalasing ng sobra." natatawang pinagsabihan ang no
Dalawang araw ang lumipas magmula ng malaman nila ang plano ni Annika kung bakit gusto nitong kunin ang bata. Balak pala nitong ibenta si Ivan sa mga sindikato upang maging mesirable ang buhay ng bata. At gamitin ang perang ibabayad pampiyansa sa kinakasama nitong adik at nagtutulak ng droga na magdadalawang linggo na rin pala sa kulungan na nakakulong.Nakailang sampal si Cherry Lou kay Annika ng hindi niya mapigilan ang bugso ng kanyang damdamin. Naaawa siya sa kapatid pero sa ipinagtapat nito sa kanya ng sarilinan niya itong kausapin sa kung saang silid nila ikinulong si Annika ay nanggigil siya rito, nagpanting talaga ang kanyang mga tenga.Kinahapunan din ng araw na yun ay kinuha na rin ng social worker at staff ng rehabilitation center sa kung saan napili ni Cherry Lou dalhin ang kanyang kapatid. Sa tulong ni Attorney John Paul Advincula ay nagawan nila ng paraan na maipasok ng rehab si Annika kahit na hindi na nagpakita ang ina nitong si Annalyn sa kanila dahil pinagbawalan it
Nagpaalam silang umalis sa mansyon bandang tanghali na rin, dahil hindi pumayag ang mommy ni Anthony na hindi sila magtatanghalian sa bahay nito. Ayaw pa sanang paalisin ni Mrs. Buenavidez ang anak at si Cherry pero sinabi ni Anthony na kailangan na nilang umalis dahil may pupuntahan pa sila ni Cherry Lou at nangako sa mommy niya na babalik sila ni Cherry Lou sa araw ng linggo.Kailangan pa kase nilang magpunta ng mall para bumili ng damit na proper attire na susuotin nilang pareho sa party na pupuntahan nila bukas.Nasabi ng secretary ni Anthony na sa isang private resort sa Cavite pala gaganapin ang party ng anak ni Mr. Roman dela Vega na pagmamay ari ng mga ito. Kaya ang theme ng party ay pang beach attire. At dahil gusto rin ni Anthony na mapagsolo sila ni Cherry Lou ay plano niyang sasaglit lang sila sa party at aalis din agad at mag oover night sila sa kalapit na resort para magkaroon sila ng privacy.Araw ng sabado ay maagang nagpunta ang dalawa sa Cavite, tulad ng plano ay na
Hindi nagpahalata sina Cherry Lou at Anthony at nagpaalam na silang aalis na sa party kina Mr. Roman dela Vega at sa asawa nito. Sinabi na lang ni Anthony na biglang sumama ang pakiramdam ng kanyang fiancee na naintindihan naman ng matandang dela Vega. Sumabay naman na sa kanila si Edgar at iniwan na ang kasama nitong si Nadine na kinakapatid pala ni Anthony.Sumama na sa kanila sa kalapit na resort si Edgar. Dahil kilala naman niya ang kababata at alam niyang wala itong koneksyon kay Gabriel ay kinausap niya ito ng makapasok na sa kwarto nila si Cherry Lou ng sabihin niya rito na magpahinga na at susunod na lamang siya.Sinabi niya kay Edgar ang nangyari kanina sa party. Hindi nakahuma si Edgar ng malaman nito na si Gabriel dela Vega ang maaaring isa sa gumawa ng kahalayan sa nobya ni Anthony at sa kapatid nito.Ikinuwento ni Anthony sa kaibigan ang lahat ng alam niya sa masaklap na nangyari kina Cherry Lou. Humingi siya ng payo kay Edgar kung ano ang gagawin niya para matulungan ang
TRIGGER WARNING: THIS CHAPTER HAS VIOLENCE SCENE THAT'S NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.Pagkauwi naman na niya nadatnan niyang masayang nakikipaglaro si Cherry Lou ng habulan kay Ivan. Hindi muna siya nagparamdam sa nobya. Nakangiti lang siyang pinapanood itong masaya, humahalakhak ng tawa at walang arte na humihiga sa lapag at nakikipagkilitian sa bata."Ang saya niyang pagmasdan noh!, lalo na kapag nakikita mo siyang ganyan kasaya. Matagal na rin ng huli ko siyang makitang ganyan." aning wika ni aling Joyce ng lapitan siya nito."Tama po kayo tiyang, Sana palagi siyang ganyan. Yung walang iniisip na problema at lagi lang nakangiti. Ang makita kong ganyan siya kasaya ay nakakawala ng pagod ko. Mahal na mahal ko siya tiyang." wika ni Anthony na sang ayon sa sinabi ni aling Joyce."Alam naming lahat yun, Anthony. Napakaswerte sa iyo ni Cherry. Sana ay walang magbabago sa inyo. At sana pagkatapos ng kasal ninyo ay magkaroon na agad ng baby rito sa bahay. Yun naman ang gusto naming lahat
*FLASHBACK.*"Pakawalan ninyo kami! sino ba kayo? sino nag utos sa inyong kidnapin kami?" sigaw na paulit ulit ni Gabriel at ng tatlong kasama nito sa isang silid. lahat sila ay mga nakagapos sa bawat sulok na malalayo ang agwat. Mga nakakadena ang mga paa at nakakadena rin pataas ang mga braso nila na talagang sinigurado na hindi sila makakaalis o makakatakas sa pinagpwestuhan sa kanila.May lamesa sa gitnang bahagi at dalawang upuan na naroon. May cctv rin na nakalagay sa loob ng silid para imonitor ang mga bihag kahit walang bantay sa loob ng kwarto."Mga duwag kayo! pakawalan n'yo kami mag one on one tayo ng suntukan, tignan natin kung sino ang malakas sa atin. Mga matatapang lang kayo dahil mga nakakadena kami rito. Pakawalan ninyo kami..! Magpakita kayo..!" aning sigaw naman ng anak ng dating vice mayor, si Julius Serrano na kabarkada ni Gabriel."Tumahimik na kayo, Walang mangyayari sa kakasigaw ninyo, mauubusan lang kayo ng lalakas sa ginagawa ninyong dalawa." pananaway ni Rom
"Liam, pwede na wag muna natin pag usapan yan?" "Hindi ka ba komportable? okay sige, hindi na muna." tanong at saad ni Liam.Idiniretso na ni Liam si Ivan sa bahay nila Cherry at Anthony dahil mas malapit ang way kesa sa bahay nila Liam at may pasok pa si Ivan bukas.Saglit lang silang nagkamustahan nila Cherry Lou at Anthony at umuwi na rin sila sa bahay ni Liam.Inayos na muna ni Annika si Miley upang makatulog ng maayos ang bata.Nang gabi iyon ay binawian ni Liam si Annika dahil hindi ito pumayag na walang mangyaring love making sa kanilang dalawa kahit pa pagod ang lalaki.Sa loob ng banyo habang naliligo si Annika ay pinasok siya ni Liam at doon ay ilang minuto rin nilang inangkin ang isa't isa. Lumipat lang sila sa kama ng makaraos silang sabay sa loob ng banyo.Mag aalas dos na ng madaling araw ng papagpahingahin ni Liam ang katawan ni Annika. Halos lahat na ata ng position sa pakikipagt*lik ay ginawa nilang dalawa. Kung hindi pa sumuko si Annika ay hindi pa rin siguro siya
Tanghali na ng magpasyang umalis sina Liam sa bahay. Silang tatlo lang nila Miley ang magkakasamang umalis.Nagtaka si Annika ng ihinto ni Liam ang sasakyan nito sa tapat ng school nila Ivan at nagulat din siya ng makita niyang lumabas ang anak niya sa gate ng school."Anong ginagawa natin dito, bakit lumabas ng school si Ivan?" tanong ni Annika ng papalapit si Ivan sa kotseng kinalululanan nila.Lumabas ng kotse si Liam at sinalubong si Ivan para kuhanin ang dalang bag ng bata."Hi Ma, kanina pa kayo? sorry dumaan pa kase ako ng banyo bago ako tuluyang lumabas ng school." bati ni Ivan kay Annika na humalik pa sa pisngi ni Annika bago umayos ng upo sa loob ng kotse."Kararating lang namin, anak." sagot ni Annika kay Ivan."Ipinagpaalam ko si Ivan kina Anthony at Cherry kanina. Sila ang tumawag sa school para payagang makalabas ng maaga si Ivan." paliwanag ni Liam kay Annika ng ito naman ang makabalik ng upo sa drivers seat."Buti napapayag mo?" wika ni Annika."Sinabi kong kasama kita
"Yehey! hindi na aalis si Nurse Annika." masayang turan ni Miley ng ipaalam nila sa bata na hindi na muna aalis si Annika pero agad rin nalungkot ng sabihin ni Annika na kailangan pa rin niyang bumalik sa States."Wag kang mag alala baby Miley, babalik din ako agad. Hindi ako magtatagal doon, may mga kailangan lang talaga akong gawin na importante sa States." paliwanag niya sa bata at napatingin siya kay Liam na tahimik lang sa isang sulok."Promise mo yan, Nurse Annika?""Promise, baby. Babalikan kita.""Okay, thank you po, nurse Annika." masigla ng wika ng bata."Kailan ka aalis?" tanong ni Liam."Gusto ko sanang makasama muna si Ivan bago ako mag flight sa sunod na araw. May ticket na ko Liam, sayang naman kung hindi ko gagamitin hindi ko naman marerefund ang naibayad ko na.""Sasama kami sayo ni Miley." saad ni Liam na seryoso pa rin na nakatingin sa kanya."What?!" bulalas na tanong ni Annika."I said, sasama kami ni Miley sayo sa states.""Are you serious, Liam?""Ayaw mo?" tano
Kinabukasan ng umaga ay magkakasabay na nag almusal sina Annika, Liam at Miley sa dining room. "Liam, baby Miley, sasamantalahin ko na ang oras na ito para makapagpaalam na sa inyong dalawa. Sa isang araw na ang balik ko sa states. Ito ang araw na last day ko ng makakasama kayo. Bukas ng umaga ay aalis na ako, may mga kailangan kase akong gawin bago ako mag flight sa isang araw." aning wika ni Annika na ikinatigil ni Liam sa pagsubo at napasulyap ng tingin kay Annika."I-iiwanan mo rin ako, nurse Annika?!" nalulungkot na tanong agad ng anak ni Liam."I'm sorry baby Miley, kailangan kong bumalik sa states dahil may trabaho akong naiwan doon." paliwanag niya sa bata."Wag mo kong iwan, nurse Annika, please.. Ayokong umalis ka. Daddy, do something ayokong umalis si nurse Annika. Ayokong iwan niya tayo, Daddy..." naiiyak ng wika ni Miley sa kanila.Nagkatinginan sina Liam at Annika."Hindi na ba talaga mababago ang desisyon mo?" seryosong tanong ni Liam kay Annika na hindi na nakakain at
Magdadalawang linggo na ang araw na lumipas.Nakailang bisita na rin kay Annika sina Cherry at Ivan kasama ang mga anak ni Cherry Lou at Anthony na ikinasasaya ng batang si Miley dahil nagkakaroon ito ng kalaro.Naging mas malapit pa ang bata kay Annika. Madalas din si Annika na sa tabi ng bata nakakatulog sa gabi dahil binabasahan niya ito palagi ng story book.Isang gabi ay dumating si Liam na malalim na ang gabi at naisipan niyang silipin na muna ang kanyang anak sa silid nito. Ilang araw din kase siyang nagpakabusy sa work kaya nawalan na naman siya ng panahon kay Miley. Isa pang dahilan ay gusto rin niyang iwasan muna si Annika dahil ramdam niyang nahuhulog na ang loob niya sa hipag ng pinsan niya.Nung nakaraang gabi ay nakipagkita siya kay Anthony sa labas. Tinanong niya ang pinsan niya tungkol kay Annika. Inalam niya ang lahat-lahat sa buhay ng dalaga at inamin niya kay Anthony na may nararamdaman na siyang special kay Annika.Wala namang inilihim si Anthony sa kanya. Dahil an
Tunog ng cellphone ang narinig nila Annika at Manang Lumeng na nasa bulsa pala ng ginang. Mabilis na kinuha ni Manang Lumeng sa bulsa nito ang cellphone at agad ding sinagot ng makita kung sino ang tumatawag."Si Miley, gising na." pagpapabatid muna ng ginang kay Annika."Miley, narito ako sa labas ng silid mo." wika ni Manang Lumeng sa kausap sa cellphone at binuksan ang pintuan sa tabi ng silid ni Annika."Sumunod ka sa akin, Annika." utos sa kanya ng matandang babae."Manang, sino po siya?" tanong ng batang titig na titig sa mukha ni Annika."M-Mommy?!" sambit ng bata na nakatitig pa rin kay Annika.Napatitig na rin si Manang Lumeng kay Annika na napakunot ang noo dahil sa tinawag siyang mommy ni Miley.Napangiti si Manang Lumeng na marealize nitong kahawig niya ang ina ng bata."Kaya naman pala, kahawig mo Annika si Mylene kapag natitigan ka ng matagal." ang sabi sa kanya ni Manang Lumeng."Miley, siya si Miss Annika, ang bago mong nurse. Hindi siya ang mommy mo." saad ng ginang s
"May problema ba?" tanong agad ni Anthony ng isara ni Liam ang pintuan ng opisina nito sa bahay."Sure ka bang nurse yang hipag mo?"Natawa si Anthony sa tanong ni Liam."Dean's lister at with honor si Annika ng mag graduate sa america, Liam. Sure akong nurse siya dahil licensed nurse din ang hipag ko. Why? hindi ba halata sa kanya?""The way she talk to me, hindi ko gusto kung paano niya ako kausapin, Anthony." angal ni Liam sa pinsan.Muling natawa si Anthony sa sinabi ni Liam na akala mo ay ngayon lang ito nasagot ng pabalang."So ayaw mo siyang mag alaga kay Miley? hanap ka na lang ba ng iba? Kase sa akin naman ay okay lang dahil ang totoo ay ayaw sana siyang payagan ni Cherry na magtrabaho dahil sayang ang araw na bakasyon ni Annika dito sa atin. 3 weeks na lang ay babalik na rin siya sa states. Napakiusapan ko lang talaga siya kaya siya pumayag.""Babalik pa pala siya ng states." komento ni Liam."Yes, sinabi ko naman sayo kagabi na pansamantala lang siyang magkicaregiver kay Mi
Kinaumagahan matapos nilang mag almusal ay inihatid na ni Anthony si Annika sa bahay ng pinsan niyang si Liam sa Alabang.Napakalawak at laki ng modern style na bahay na hinintuan nila ng kanyang bayaw. Maganda rin naman at malaki ang bahay nila Anthony pero masasabi niyang mas malaki ang bahay ng pinsan ng bayaw niya."Hindi mo sinabi na mansyon ang bahay ng pinsan mo, Anthony." "Mansyon ba ang tingin mo sa bahay niya. Normal lang kase para sa akin ang ganyang bahay, Annika." seryosong saad ni Anthony."Wow, Oo na, sige na, kayo na ang mga mayayaman at kami na ang mga mahihirap, Anthony." sarkastikong saad ni Annika na tinawanan lang ni Anthony."Hindi pumasok ngayon si Liam sa opisina dahil gusto ka niyang makita at makilala at maibriefing na rin sa magiging trabaho mo." saad ni Anthony na ipinasok na ang kotse nito sa malawak na bakuran ng bahay ng pinsan nito."And that's good for me. Mas okay sa akin na siya mismo ang makausap at makaharap ko muna bago ang iba." aning sagot ni A
Kinabukasan ay nagpaalam si Annika kina Cherry Lou na isasama niya si Ivan sa Tarlac para dalawin ang pamilya ng tunay niyang ina. Pumayag si Cherry Lou pero ang gusto ng kapatid niya ay ihatid sila doon at babalikan na lang kapag uuwi na.Pumayag na rin si Annika sa suhestiyon ni Cherry Lou para maging komportable rin si Ivan sa byahe nila. Maaga silang umalis ng bahay ng araw na yun at gabi naman na sila nakabalik ng bahay nila Cherry.Hindi rin kase sila nagtagal sa Tarlac kinumusta lang niya ang pamilya niya at nagbigay ng pasalubong at binigyan lang sila ng ilang oras ni Cherry Lou para makapagkwentuhan pa kasama si Ivan na kinagiliwan ng ina at ate rin ni Annika kanina. Nag abot na lang din siyaLumipas ang isang linggo at nakakaramdam na ng pagkainip si Annika. Sanay kase siyang palaging inaabala ang sarili sa trabaho sa araw-araw. Parang gusto na nga niyang bumalik sa states dahil hindi rin naman niya nakakasama ng matagal ang anak niya dahil maghapon nasa school si Ivan.Kina