*FLASHBACK.*"Pakawalan ninyo kami! sino ba kayo? sino nag utos sa inyong kidnapin kami?" sigaw na paulit ulit ni Gabriel at ng tatlong kasama nito sa isang silid. lahat sila ay mga nakagapos sa bawat sulok na malalayo ang agwat. Mga nakakadena ang mga paa at nakakadena rin pataas ang mga braso nila na talagang sinigurado na hindi sila makakaalis o makakatakas sa pinagpwestuhan sa kanila.May lamesa sa gitnang bahagi at dalawang upuan na naroon. May cctv rin na nakalagay sa loob ng silid para imonitor ang mga bihag kahit walang bantay sa loob ng kwarto."Mga duwag kayo! pakawalan n'yo kami mag one on one tayo ng suntukan, tignan natin kung sino ang malakas sa atin. Mga matatapang lang kayo dahil mga nakakadena kami rito. Pakawalan ninyo kami..! Magpakita kayo..!" aning sigaw naman ng anak ng dating vice mayor, si Julius Serrano na kabarkada ni Gabriel."Tumahimik na kayo, Walang mangyayari sa kakasigaw ninyo, mauubusan lang kayo ng lalakas sa ginagawa ninyong dalawa." pananaway ni Rom
Ilang araw na lang ay malapit na ang pinakahihintay na kasal nila Anthony at Cherry Lou. Si Anthony ang naging punong abala sa kanilang kasal dahil siya ang nakikipag-usap o communicate sa wedding planner na kinuha niya para sa simple but expensive wedding nilang dalawa na halos lahat naman din ng gusto ni Cherry Lou ay sinunod ni Anthony. Except sa lugar kung saan gaganapin ang kanilang magiging kasal, na nung una ay napagtalunan pa nga nilang dalawa. Pero nang maipaliwanag ni Anthony kung bakit ay pumayag na rin ang dalaga. Eh kase naman simpleng kasal nga lang at sila-sila nga lang na pamilya at ilang kaibigan ni Anthony ang makakadadalo pero sa ibang bansa naman. Sa bansang Paris pa talaga sila nais na makasal ni Anthony na ang sabi nito kay Cherry Lou kaya gusto nito sa Paris ay dahil pinangarap na talaga nito noon pa ng unang masilayan ang bansa. Diretso honeymoon na rin kasama ang buong pamilya nila, ang gusto ni Anthony..At dahil nga sa ibang bansa gaganapin ang kasal ng dal
WEDDING DAY IN PARIS.Sa isang maliit na simbahan sa Paris, France ay nadedekorasyunan ng mga kulay peach roses ang buong paligid. Peach roses symbolizes gratitude, genuineness, care, sweetness and sincerity na bukod sa love of course ay lahat ng iyon ang nararamdaman ng mga mag iisang dibdib ngayon.Kompleto na ang mga mahahalagang tao sa buhay nila at ilang bisita sa loob ng simbahan ng simulan na ang entourage ng kasal. Naghihintay ang groom na si Anthony sa harap ng altar katabi ang bestman nitong si Enrico ng abutan siya nito ng panyo."Alam kong naluluha ka sa sobrang saya bro, pero itigil mo na yan, hindi kaaya-ayang tingnan at parang nakakatraumang makakita sa isang kasal na may umiiyak na groom para sa aming mga single pa." seryosong pagbibiro ni Enrico sa kanya na hindi napigilan tawanan naman ng mga katabi nilang kaibigan."Darating ang araw na ikaw naman ang aapak sa kinatatayuan ko ngayon at kapag nakita kong tumulo ang luha mo, pagtatawanan din kita Enrico, tanda mo yan!
Lumipas ang isang buwan. Nagkalakas na ng loob si Cherry Lou na dalawin ang kapatid na si Annika sa rehabilitation center. Mula nang ipinasok si Annika sa rehab ay hindi pa niya uli nakita ang kapatid. Ang madalas na dumadalaw kay Annika ay ang kanilang ama na si Mang Frederico kasama ang kanyang inay na natanggap na ang naging pagkakasala noon ng kanilang ama. At dahil sa awa na rin kay Annika ay tinanggap ni aling Lourdes ang anak sa labas ni mang Frederico na dati naman naging malapit sa kanya nung magkaibigan pa ang turingan nila Cherry at Annika. Updated naman si Cherry Lou sa lahat ng nangyayari kay Annika sa loob ng Rehabilitation Center kahit na hindi siya bumibisita roon.Ang hindi alam ni Cherry Lou kaya mabilis ang naging paggaling ng kapatid ay dahil na batid na ni Annika ang lahat sa tulong ng isang lalaking minsan ay dumalaw sa kanya at kumausap.Ipinakita nito ang video record ng ginawang pag amin ni Gabriel dela Vega at ang pagtorture sa apat na lalaki. Pinakita rin k
Kinagabihan hindi niya muna sinabi kay Anthony ang magandang balita. Busy siyang nakikipag group chat sa mga kaibigan niya sa club. Nagpapatulong kase siyang gawan ng surprise si Anthony."Mahal ko, di ba inaya natin ang mga kaibigan ko na magdagat tayo sa resort ninyo sa Quezon. Baka pwedeng ituloy na natin sa linggo please!" paglalambing niya sa asawa."Yun lang pala, sure Love. Sige itatawag ko sa caretaker ng resort na darating tayo sa sunday roon kasama ng mga kaibigan mo. Okay lang ba kung ayain ko ang mga barkada ko na sumama sa atin?" sagot ni Anthony sa kanyang paglalambing."Mas masaya kung kasama nga sila. Tawagan ko lang sina Melai at Layla ha pati sina Inay na rin para makapaghanda sila." masayang saad ni Cherry Lou.SUNDAY SA RESORT nila Anthony sa Quezon, pagkarating nila ay inaya ni Cherry Lou ang asawa sa loob ng silid nila at sinabi niyang masama ang pakiramdam niya at naglambing siya kunwari kay Anthony. Ang hindi alam ni Anthony ay kinasabwat lahat ng asawa niya an
Makalipas ang pitong taon na pananatili ni Annika sa states ay nakapagtapos na siya ng pag aaral at napagtagumpayan din niya ang pagbabagong buhay. Ngayon nga ay isa na siyang certified nurse at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang sikat na ospital sa ibang bansa.At dahil namimiss na si Annika nila Cherry Lou ay pinapagbakasyon na muna nila si Annika sa pinas kahit na isang buwan lang daw.Dahil sa pakiusap ni Anthony na rin sa kanya ay pumayag na rin si Annika sa request ni Cherry Lou. Dahil hindi niya mahindian ang asawa ng kanyang kapatid na siyang dahilan kung bakit siya nasa states at maayos na ang buhay.Nag simula ang magandang samahan nila ng marehab siya noon at lahat ay ginawa nila Cherry at Anthony upang makapagsimulang muli si Annika ng bagong buhay.Natanggap na rin ni Annika si Ivan. Pero hindi na nito binawi pa ang anak sa mag asawa dahil nakikita niya na masaya si Ivan kina Cherry at Anthony at kahit na may mga sarili ng anak ang dalawa ay hindi nagbabago ang pagmamahal
Sakay ng taxi ay nakarating na sa tapat ng bahay nila Cherry at Anthony si Annika.Nagpatulong siya sa taxi driver na ilabas at ibaba ang maleta niya sa compartment ng sasakyan ng makapagbayad na siya ng pamasahe at dinagdagan na lang niya iyon ng tip."Salamat kuya, okay na ko dito. Ingat ka sa byahe.""Salamat ma'am sa tip, malaking tulong na ito sa pamilya ko. Godbless na lang sayo ma'am."Nginitian lang ni Annika ang driver na sumakay na uli ng taxi at umalis.Nakatayo sa harapan ng gate ng bahay nila Cherry si Annika na tinititigan ang gate. Naalala niya ang unang punta niya sa bahay ni Anthony.Nalaman niya ang address ng bahay ni Anthony ng minsang bumalik siya sa apartment na tinitirahan nila aling Joyce at Cherry. Nakita niya si aling Joyce noon na minsang dumalaw sa lugar para hakutin ang ilang gamit na naiwan sa apartment na iniwanan ng magtiyahin, kaya sinundan niya ang ginang at doon niya nalaman na maganda na ang buhay nila Cherry Lou na ikinainggit niya sa kapalaran ni
Kinabukasan ay nagpaalam si Annika kina Cherry Lou na isasama niya si Ivan sa Tarlac para dalawin ang pamilya ng tunay niyang ina. Pumayag si Cherry Lou pero ang gusto ng kapatid niya ay ihatid sila doon at babalikan na lang kapag uuwi na.Pumayag na rin si Annika sa suhestiyon ni Cherry Lou para maging komportable rin si Ivan sa byahe nila. Maaga silang umalis ng bahay ng araw na yun at gabi naman na sila nakabalik ng bahay nila Cherry.Hindi rin kase sila nagtagal sa Tarlac kinumusta lang niya ang pamilya niya at nagbigay ng pasalubong at binigyan lang sila ng ilang oras ni Cherry Lou para makapagkwentuhan pa kasama si Ivan na kinagiliwan ng ina at ate rin ni Annika kanina. Nag abot na lang din siyaLumipas ang isang linggo at nakakaramdam na ng pagkainip si Annika. Sanay kase siyang palaging inaabala ang sarili sa trabaho sa araw-araw. Parang gusto na nga niyang bumalik sa states dahil hindi rin naman niya nakakasama ng matagal ang anak niya dahil maghapon nasa school si Ivan.Kina