WEDDING DAY IN PARIS.Sa isang maliit na simbahan sa Paris, France ay nadedekorasyunan ng mga kulay peach roses ang buong paligid. Peach roses symbolizes gratitude, genuineness, care, sweetness and sincerity na bukod sa love of course ay lahat ng iyon ang nararamdaman ng mga mag iisang dibdib ngayon.Kompleto na ang mga mahahalagang tao sa buhay nila at ilang bisita sa loob ng simbahan ng simulan na ang entourage ng kasal. Naghihintay ang groom na si Anthony sa harap ng altar katabi ang bestman nitong si Enrico ng abutan siya nito ng panyo."Alam kong naluluha ka sa sobrang saya bro, pero itigil mo na yan, hindi kaaya-ayang tingnan at parang nakakatraumang makakita sa isang kasal na may umiiyak na groom para sa aming mga single pa." seryosong pagbibiro ni Enrico sa kanya na hindi napigilan tawanan naman ng mga katabi nilang kaibigan."Darating ang araw na ikaw naman ang aapak sa kinatatayuan ko ngayon at kapag nakita kong tumulo ang luha mo, pagtatawanan din kita Enrico, tanda mo yan!
Lumipas ang isang buwan. Nagkalakas na ng loob si Cherry Lou na dalawin ang kapatid na si Annika sa rehabilitation center. Mula nang ipinasok si Annika sa rehab ay hindi pa niya uli nakita ang kapatid. Ang madalas na dumadalaw kay Annika ay ang kanilang ama na si Mang Frederico kasama ang kanyang inay na natanggap na ang naging pagkakasala noon ng kanilang ama. At dahil sa awa na rin kay Annika ay tinanggap ni aling Lourdes ang anak sa labas ni mang Frederico na dati naman naging malapit sa kanya nung magkaibigan pa ang turingan nila Cherry at Annika. Updated naman si Cherry Lou sa lahat ng nangyayari kay Annika sa loob ng Rehabilitation Center kahit na hindi siya bumibisita roon.Ang hindi alam ni Cherry Lou kaya mabilis ang naging paggaling ng kapatid ay dahil na batid na ni Annika ang lahat sa tulong ng isang lalaking minsan ay dumalaw sa kanya at kumausap.Ipinakita nito ang video record ng ginawang pag amin ni Gabriel dela Vega at ang pagtorture sa apat na lalaki. Pinakita rin k
Kinagabihan hindi niya muna sinabi kay Anthony ang magandang balita. Busy siyang nakikipag group chat sa mga kaibigan niya sa club. Nagpapatulong kase siyang gawan ng surprise si Anthony."Mahal ko, di ba inaya natin ang mga kaibigan ko na magdagat tayo sa resort ninyo sa Quezon. Baka pwedeng ituloy na natin sa linggo please!" paglalambing niya sa asawa."Yun lang pala, sure Love. Sige itatawag ko sa caretaker ng resort na darating tayo sa sunday roon kasama ng mga kaibigan mo. Okay lang ba kung ayain ko ang mga barkada ko na sumama sa atin?" sagot ni Anthony sa kanyang paglalambing."Mas masaya kung kasama nga sila. Tawagan ko lang sina Melai at Layla ha pati sina Inay na rin para makapaghanda sila." masayang saad ni Cherry Lou.SUNDAY SA RESORT nila Anthony sa Quezon, pagkarating nila ay inaya ni Cherry Lou ang asawa sa loob ng silid nila at sinabi niyang masama ang pakiramdam niya at naglambing siya kunwari kay Anthony. Ang hindi alam ni Anthony ay kinasabwat lahat ng asawa niya an
Makalipas ang pitong taon na pananatili ni Annika sa states ay nakapagtapos na siya ng pag aaral at napagtagumpayan din niya ang pagbabagong buhay. Ngayon nga ay isa na siyang certified nurse at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang sikat na ospital sa ibang bansa.At dahil namimiss na si Annika nila Cherry Lou ay pinapagbakasyon na muna nila si Annika sa pinas kahit na isang buwan lang daw.Dahil sa pakiusap ni Anthony na rin sa kanya ay pumayag na rin si Annika sa request ni Cherry Lou. Dahil hindi niya mahindian ang asawa ng kanyang kapatid na siyang dahilan kung bakit siya nasa states at maayos na ang buhay.Nag simula ang magandang samahan nila ng marehab siya noon at lahat ay ginawa nila Cherry at Anthony upang makapagsimulang muli si Annika ng bagong buhay.Natanggap na rin ni Annika si Ivan. Pero hindi na nito binawi pa ang anak sa mag asawa dahil nakikita niya na masaya si Ivan kina Cherry at Anthony at kahit na may mga sarili ng anak ang dalawa ay hindi nagbabago ang pagmamahal
Sakay ng taxi ay nakarating na sa tapat ng bahay nila Cherry at Anthony si Annika.Nagpatulong siya sa taxi driver na ilabas at ibaba ang maleta niya sa compartment ng sasakyan ng makapagbayad na siya ng pamasahe at dinagdagan na lang niya iyon ng tip."Salamat kuya, okay na ko dito. Ingat ka sa byahe.""Salamat ma'am sa tip, malaking tulong na ito sa pamilya ko. Godbless na lang sayo ma'am."Nginitian lang ni Annika ang driver na sumakay na uli ng taxi at umalis.Nakatayo sa harapan ng gate ng bahay nila Cherry si Annika na tinititigan ang gate. Naalala niya ang unang punta niya sa bahay ni Anthony.Nalaman niya ang address ng bahay ni Anthony ng minsang bumalik siya sa apartment na tinitirahan nila aling Joyce at Cherry. Nakita niya si aling Joyce noon na minsang dumalaw sa lugar para hakutin ang ilang gamit na naiwan sa apartment na iniwanan ng magtiyahin, kaya sinundan niya ang ginang at doon niya nalaman na maganda na ang buhay nila Cherry Lou na ikinainggit niya sa kapalaran ni
Kinabukasan ay nagpaalam si Annika kina Cherry Lou na isasama niya si Ivan sa Tarlac para dalawin ang pamilya ng tunay niyang ina. Pumayag si Cherry Lou pero ang gusto ng kapatid niya ay ihatid sila doon at babalikan na lang kapag uuwi na.Pumayag na rin si Annika sa suhestiyon ni Cherry Lou para maging komportable rin si Ivan sa byahe nila. Maaga silang umalis ng bahay ng araw na yun at gabi naman na sila nakabalik ng bahay nila Cherry.Hindi rin kase sila nagtagal sa Tarlac kinumusta lang niya ang pamilya niya at nagbigay ng pasalubong at binigyan lang sila ng ilang oras ni Cherry Lou para makapagkwentuhan pa kasama si Ivan na kinagiliwan ng ina at ate rin ni Annika kanina. Nag abot na lang din siyaLumipas ang isang linggo at nakakaramdam na ng pagkainip si Annika. Sanay kase siyang palaging inaabala ang sarili sa trabaho sa araw-araw. Parang gusto na nga niyang bumalik sa states dahil hindi rin naman niya nakakasama ng matagal ang anak niya dahil maghapon nasa school si Ivan.Kina
Kinaumagahan matapos nilang mag almusal ay inihatid na ni Anthony si Annika sa bahay ng pinsan niyang si Liam sa Alabang.Napakalawak at laki ng modern style na bahay na hinintuan nila ng kanyang bayaw. Maganda rin naman at malaki ang bahay nila Anthony pero masasabi niyang mas malaki ang bahay ng pinsan ng bayaw niya."Hindi mo sinabi na mansyon ang bahay ng pinsan mo, Anthony." "Mansyon ba ang tingin mo sa bahay niya. Normal lang kase para sa akin ang ganyang bahay, Annika." seryosong saad ni Anthony."Wow, Oo na, sige na, kayo na ang mga mayayaman at kami na ang mga mahihirap, Anthony." sarkastikong saad ni Annika na tinawanan lang ni Anthony."Hindi pumasok ngayon si Liam sa opisina dahil gusto ka niyang makita at makilala at maibriefing na rin sa magiging trabaho mo." saad ni Anthony na ipinasok na ang kotse nito sa malawak na bakuran ng bahay ng pinsan nito."And that's good for me. Mas okay sa akin na siya mismo ang makausap at makaharap ko muna bago ang iba." aning sagot ni A
"May problema ba?" tanong agad ni Anthony ng isara ni Liam ang pintuan ng opisina nito sa bahay."Sure ka bang nurse yang hipag mo?"Natawa si Anthony sa tanong ni Liam."Dean's lister at with honor si Annika ng mag graduate sa america, Liam. Sure akong nurse siya dahil licensed nurse din ang hipag ko. Why? hindi ba halata sa kanya?""The way she talk to me, hindi ko gusto kung paano niya ako kausapin, Anthony." angal ni Liam sa pinsan.Muling natawa si Anthony sa sinabi ni Liam na akala mo ay ngayon lang ito nasagot ng pabalang."So ayaw mo siyang mag alaga kay Miley? hanap ka na lang ba ng iba? Kase sa akin naman ay okay lang dahil ang totoo ay ayaw sana siyang payagan ni Cherry na magtrabaho dahil sayang ang araw na bakasyon ni Annika dito sa atin. 3 weeks na lang ay babalik na rin siya sa states. Napakiusapan ko lang talaga siya kaya siya pumayag.""Babalik pa pala siya ng states." komento ni Liam."Yes, sinabi ko naman sayo kagabi na pansamantala lang siyang magkicaregiver kay Mi
"Liam, pwede na wag muna natin pag usapan yan?" "Hindi ka ba komportable? okay sige, hindi na muna." tanong at saad ni Liam.Idiniretso na ni Liam si Ivan sa bahay nila Cherry at Anthony dahil mas malapit ang way kesa sa bahay nila Liam at may pasok pa si Ivan bukas.Saglit lang silang nagkamustahan nila Cherry Lou at Anthony at umuwi na rin sila sa bahay ni Liam.Inayos na muna ni Annika si Miley upang makatulog ng maayos ang bata.Nang gabi iyon ay binawian ni Liam si Annika dahil hindi ito pumayag na walang mangyaring love making sa kanilang dalawa kahit pa pagod ang lalaki.Sa loob ng banyo habang naliligo si Annika ay pinasok siya ni Liam at doon ay ilang minuto rin nilang inangkin ang isa't isa. Lumipat lang sila sa kama ng makaraos silang sabay sa loob ng banyo.Mag aalas dos na ng madaling araw ng papagpahingahin ni Liam ang katawan ni Annika. Halos lahat na ata ng position sa pakikipagt*lik ay ginawa nilang dalawa. Kung hindi pa sumuko si Annika ay hindi pa rin siguro siya
Tanghali na ng magpasyang umalis sina Liam sa bahay. Silang tatlo lang nila Miley ang magkakasamang umalis.Nagtaka si Annika ng ihinto ni Liam ang sasakyan nito sa tapat ng school nila Ivan at nagulat din siya ng makita niyang lumabas ang anak niya sa gate ng school."Anong ginagawa natin dito, bakit lumabas ng school si Ivan?" tanong ni Annika ng papalapit si Ivan sa kotseng kinalululanan nila.Lumabas ng kotse si Liam at sinalubong si Ivan para kuhanin ang dalang bag ng bata."Hi Ma, kanina pa kayo? sorry dumaan pa kase ako ng banyo bago ako tuluyang lumabas ng school." bati ni Ivan kay Annika na humalik pa sa pisngi ni Annika bago umayos ng upo sa loob ng kotse."Kararating lang namin, anak." sagot ni Annika kay Ivan."Ipinagpaalam ko si Ivan kina Anthony at Cherry kanina. Sila ang tumawag sa school para payagang makalabas ng maaga si Ivan." paliwanag ni Liam kay Annika ng ito naman ang makabalik ng upo sa drivers seat."Buti napapayag mo?" wika ni Annika."Sinabi kong kasama kita
"Yehey! hindi na aalis si Nurse Annika." masayang turan ni Miley ng ipaalam nila sa bata na hindi na muna aalis si Annika pero agad rin nalungkot ng sabihin ni Annika na kailangan pa rin niyang bumalik sa States."Wag kang mag alala baby Miley, babalik din ako agad. Hindi ako magtatagal doon, may mga kailangan lang talaga akong gawin na importante sa States." paliwanag niya sa bata at napatingin siya kay Liam na tahimik lang sa isang sulok."Promise mo yan, Nurse Annika?""Promise, baby. Babalikan kita.""Okay, thank you po, nurse Annika." masigla ng wika ng bata."Kailan ka aalis?" tanong ni Liam."Gusto ko sanang makasama muna si Ivan bago ako mag flight sa sunod na araw. May ticket na ko Liam, sayang naman kung hindi ko gagamitin hindi ko naman marerefund ang naibayad ko na.""Sasama kami sayo ni Miley." saad ni Liam na seryoso pa rin na nakatingin sa kanya."What?!" bulalas na tanong ni Annika."I said, sasama kami ni Miley sayo sa states.""Are you serious, Liam?""Ayaw mo?" tano
Kinabukasan ng umaga ay magkakasabay na nag almusal sina Annika, Liam at Miley sa dining room. "Liam, baby Miley, sasamantalahin ko na ang oras na ito para makapagpaalam na sa inyong dalawa. Sa isang araw na ang balik ko sa states. Ito ang araw na last day ko ng makakasama kayo. Bukas ng umaga ay aalis na ako, may mga kailangan kase akong gawin bago ako mag flight sa isang araw." aning wika ni Annika na ikinatigil ni Liam sa pagsubo at napasulyap ng tingin kay Annika."I-iiwanan mo rin ako, nurse Annika?!" nalulungkot na tanong agad ng anak ni Liam."I'm sorry baby Miley, kailangan kong bumalik sa states dahil may trabaho akong naiwan doon." paliwanag niya sa bata."Wag mo kong iwan, nurse Annika, please.. Ayokong umalis ka. Daddy, do something ayokong umalis si nurse Annika. Ayokong iwan niya tayo, Daddy..." naiiyak ng wika ni Miley sa kanila.Nagkatinginan sina Liam at Annika."Hindi na ba talaga mababago ang desisyon mo?" seryosong tanong ni Liam kay Annika na hindi na nakakain at
Magdadalawang linggo na ang araw na lumipas.Nakailang bisita na rin kay Annika sina Cherry at Ivan kasama ang mga anak ni Cherry Lou at Anthony na ikinasasaya ng batang si Miley dahil nagkakaroon ito ng kalaro.Naging mas malapit pa ang bata kay Annika. Madalas din si Annika na sa tabi ng bata nakakatulog sa gabi dahil binabasahan niya ito palagi ng story book.Isang gabi ay dumating si Liam na malalim na ang gabi at naisipan niyang silipin na muna ang kanyang anak sa silid nito. Ilang araw din kase siyang nagpakabusy sa work kaya nawalan na naman siya ng panahon kay Miley. Isa pang dahilan ay gusto rin niyang iwasan muna si Annika dahil ramdam niyang nahuhulog na ang loob niya sa hipag ng pinsan niya.Nung nakaraang gabi ay nakipagkita siya kay Anthony sa labas. Tinanong niya ang pinsan niya tungkol kay Annika. Inalam niya ang lahat-lahat sa buhay ng dalaga at inamin niya kay Anthony na may nararamdaman na siyang special kay Annika.Wala namang inilihim si Anthony sa kanya. Dahil an
Tunog ng cellphone ang narinig nila Annika at Manang Lumeng na nasa bulsa pala ng ginang. Mabilis na kinuha ni Manang Lumeng sa bulsa nito ang cellphone at agad ding sinagot ng makita kung sino ang tumatawag."Si Miley, gising na." pagpapabatid muna ng ginang kay Annika."Miley, narito ako sa labas ng silid mo." wika ni Manang Lumeng sa kausap sa cellphone at binuksan ang pintuan sa tabi ng silid ni Annika."Sumunod ka sa akin, Annika." utos sa kanya ng matandang babae."Manang, sino po siya?" tanong ng batang titig na titig sa mukha ni Annika."M-Mommy?!" sambit ng bata na nakatitig pa rin kay Annika.Napatitig na rin si Manang Lumeng kay Annika na napakunot ang noo dahil sa tinawag siyang mommy ni Miley.Napangiti si Manang Lumeng na marealize nitong kahawig niya ang ina ng bata."Kaya naman pala, kahawig mo Annika si Mylene kapag natitigan ka ng matagal." ang sabi sa kanya ni Manang Lumeng."Miley, siya si Miss Annika, ang bago mong nurse. Hindi siya ang mommy mo." saad ng ginang s