Share

Chapter 64

Pagkaalis ni Anthony ay tinawagan ni Cherry Lou ang kanyang inay. Nag usap sila at sinabi niyang magkita na lang sila ng inay niya sa terminal ng bus sa Dau, Pampanga kung saan nag i stop over ang mga bus patungong probinsya at papuntang manila.

Pinilit niya ang ina niya na sabihin na sa kanya kung ano ang problema nito, pero nais talagang pag usapan nila ng personal ang problema.

Dahil hindi niya mapilit ang ina ay sinabi nga niyang sa Dau na lang sila mag usap para mas malapit lang at hindi na masyadong mahirapan ang kanyang inay sa byahe.

"Tiyang, may alam po ba kayo sa problema ni inay? ayaw niya talagang sabihin sa akin eh kahit anong pilit ko." tanong niya sa ginang ng makalapit na siya sa mag lola na naglalaro na uli sa may pool.

"Tinatanong ko nga rin pero ayaw namang magsabi ng inay mo." aning wika ni aling Joyce.

"Anong sinabi mo sa iyong inay saan kayo magkikita at mag uusap?" tanong pa ng ginang.

"Sa Dau tiyang, sa may terminal ng bus, sa stop over. Kasama ko kayo tiyang,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status