Azrael POVNitong mga nakaraang araw ay abala ako sa mga kailangan kong gawin. Lalo na sa pagpasok ko sa Casa. Kahit na may mga koneksyon na ako ay mas kailangan ko pa ng maraming koneksyon. Dahil sa isang taong babangga-in ko."Azrael, this you final task. Para tuluyan ka na talagang kaanib ng Casa," ayon kay Kainer.Pinagbihis lang naman nila ako ng isang pantalon ay walang pang itaas. Kailangan ko daw magsayaw sa ibabaw ng entablado. Kahit na nakakahiya ay gagawin ko na lang. Isang taon na din kami dito ni Angel. Halos gabi-gabi ay may nangyayari sa amin. Lalaki lang din ako at may pangangailangan. Sa tuwing nagdadala ako ng babae sa bahay ko ay laging sumusulpot si Angel.Pero kailangan matigil na iyon. Hindi na pwedeng may mangyari ulit sa amin. Kapatid siya ni Aingelle, siya ang pumatay sa babaeng mahal ko. Galit ang nararamdaman ko sa kanya at iyon lang dapat ang maramdaman ko.Gumiling ako sa ibabaw ng entablado ng bar ni Kainer. Kahit na ayaw ko ay wala akong magagawa. Hangga
Azrael POVInisang lagok ko ang alak na hawak-hawak ko ngayon. Matapos ang pagsasayaw ko kanina ay agad akong nagpunta sa counter ng bar ni Kainer at nag-order ng hard drink. Inisang bote ko na at nasa dalampasigan ako ngayon. Umiinom mag-isa, gusto kong mapag-isa.Siguro, hindi iyon si Aingelle. Isang ilusyon lang iyong nakita ko kanina. Namimiss ko lang siguro si Aingelle. Kaya kung ano-ano na lang ang nakikita ko. Tinunga ko ulit ang bote ng alak.Ngayong nakapasok na ako sa Casa El Mafia ay pagbabayarin ko ang lahat ng may sala sa akin. Isang taon din ang hinintay ko. Para makapasok lang sa Organisasyon ni Rozen. Inisang lagok ko ang alak na hawak ko. Pasuray-suray akong naglakad papuntang resthouse ko. Nang makarating ako sa resthouse ay bumukas ang pinto."Az," tawag nito sa pangalan ko."Wag mo akong hawakan!" sigaw ko dito. Napatalon ito sa biglaan kong pagsigaw. "Kalimutan mo na iyong nangyari sa atin, Angel. Di dapat nangyari iyon sa atin. Nakakadiri, nandidiri ako."Nakita
Azrael POVRinig na rinig ko ang daing ni Angel sa pagpapahirap sa kanya. Ngayong nalaman ko na ang totoo nitong motibo, kaya nakikipaglapit ito sa akin ay kinasusuklaman ko siya.Akala siguro ni Angel na makakaligtas siya sa akin. Pwes, nagkakamali siya."You will kill her, Morthon," sambit ni Xianta sa akin."Then, she will killed. Para naman mapagbayaran niya ang ginawa niya sa babaeng mahal ko.""Bakit?!" Hinarap ako ni Xianta. "Hindi mo ba siya minahal?" tanong nito sa akin.Tinignan ko ito nang walang emosyon. "Hindi, Xianta. Kahit kailan ay hindi ko minahal si Angel. Parausan ko lang siya.""Remember this, Morthon, we need her."Doon lang ako namulat. Kailangan pala namin siya. Kaya hindi muna siya mamamatay.Pumasok ako sa kwarto kung saan tino-torture si Angel. Nakita ko sa mga mata nito ang sakit, paghihirap. Humihingal din ito."Kill me, Azrael. Para mapagbayaran ko na ang nagawa ko sa kakambal ko!" sigaw nito sa akin.Unti-unti akong lumapit dito. Hinawakan ko ng mahigpit
Elizabeth POVNagmamadali ang mga tao sa kumpanya na pinagta-trabaho-an ko. Dahil ngayon daw darating ang CEO ng kumpanya. After 5 years ay nakabalik na ito.Dalawang taon na ako sa kumpanya na ito at ngayon ay makikilala ko na ang CEO ng aming kumpanya. Abala ang lahat. Dahil ayon sa mga kasamahan ko ay masyado daw stricto ang CEO."Eliza, halika. Tulungan mo akong ipaghanda ang si Sir Azrael."Bigla akong kinabahan. Dahil first time kong makaharap si Sir Azrael. Noong marinig ko ang pangalan ng boss namin ay akala ko ay iisa sila ng lalaking nakilala ko, 5 years ago. Pero mukhang hindi naman. Wala din akong makitang larawan ng boss namin. Pero ngayon, bigla akong kinabahan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko."Wag kang kabahan. Hindi naman sobrang masama si Sir Azrael. Mabait naman iyon, talagang stricto lang iyon. Gusto kasi noon, tapos agad ang trabaho." Ngumiti na lang ako. "Mas naging strict si Sir Azrael, nang mamatay ang fiancee nito."Nalungkot ako bigla. Dahil sa nalaman ko.
Azrael POVNatulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang kamukha ni Aingelle. Impossible na hindi ito si Aingelle. Kuhang-kuha nito ang galaw at expression ng babaeng mahal ko."Aingelle, love, buhay ka," ani ko dito. Agad ko itong nilapitan at niyakap. Sobrang miss na miss ko na ito. Tama nga akong buhay pa si Aingelle."Saan ka nagpunta? Hinanap kita.""I am sorry, sir. But I am Aingelle. I am Elizabeth." 'What's going on?'"Elizabeth?" takang tanong ko. Agad ko siyang nilapitan. "Nandito na ako. Wag ka ng magtago sa katauhang iyan. Nandito na ako, mahal."Kanina pa nakaalis ang kasama nito. Kaya kaming dalawa na lang ang nasa opisina ko."Ano bang pinagsasabi mo, sir. Hindi kita maintindihan."Doon ko napagtanto ang lahat. Hindi niya ako kilala."Hindi mo ba ako kilala?" tanong ko sa kanya."Kilala kita, sir." Nabuhay ako ng loob. "Kasi amo kita." Biglang nagunaw ang mundo ko.Kanina pa nakaalis si Elizabeth. Kanina pa din ako dito sa opisina ko. Wala akong magawa, dahil ang i
Azrael POVPagkatapos sa meeting namin ni Mr. Claveria ay kaming bumalik ni Eliza, sa opisina. Napasandal ako sa swivel chair ko. Alam ko ang lahat ng gusto ni Aingelle. Lalo na ang pinaka paborito nito. Hindi kaya nagpapanggap lang si Eliza na hindi siya si Aingelle? Impossible na hindi siya si Aingelle. Madaming magkakapareha silang dalawa.Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Napatingin ako sa orasan ko. Gabi na pala. Kailangan ko pang puntahan si Cade.Nakita ko si Eliza na abala sa mga ginagawa nito."Pwede ka nang umuwi!" Napatingala ito sa akin.Napatitig ako sa mga labi nito na hinalikan ko lang kanina. "Kailangan ko pong tapusin ito," sabi nito.Tango lang ang tanging naisagot ko. "Mauna na ako."Umalis na ako sa harapan nito. Dahil kung magtatagal pa ako, ay baka hindi lang halik ang magagawa ko sa kanya. Kay Aingelle lang ako ganito. Kaya desido na ako na paimbestigahan si Eliza.Nasa isang bar kami ngayon ni Cade. Dito kasi gustong makipagkita ng lalaki."Morthon," tum
Elizabeth POVTulala pa rin ako. Para akong wala sa sarili na naglalakad kanina. Para akong lutang. Dahil iyon sa halik na pinagsaluhan namin kanina. Napahawak ako sa aking mga labi, na kanina ay hinahalikan nito. Napakagat na lang ako sa aking labi. Alam kong mali, pero gusto kong maulit ang halik na iyon. Napatingin ako kay Azrael. May kasama itong babae.Bigla akong nasaktan. Dahil sa nakikita ko. Nakahawak ang babae sa braso ni Azrael. Maganda ang babae, makinis ang balat. Bakit hindi ko naisip na baka may girlfriend ito. Dapat ko na sigurong pigilan ang nararamdaman ko habang maaga pa. Sumunod ang tingin ko sa kanila. Pumasok na ang mga ito sa loob. Napangiti na lang ako ng wala sa oras.Halos manikip ang dibdib ko. Dahil nasasaktan ako. Napatingin akong muli sa pinto ng opisina ni Azrael. Tapos ay iniwas ko ito. At iginugol ko na lang ang sarili ko sa trabaho ko. Hindi ko namalayan ang oras, kung hindi lumabas ang dalawa na nagtatawanan. Panay ang irap ko. Dahil nakakairita ang
Azrael POVNasa opisina ako ngayon, dito sa Isla. May sarili akong opisina sa Isla. Kung saan may mga negosyo din akong itinayo dito. Habang si Elizabeth ay nasa bahay ko. Iniwan ko siya doon. Habang ako ay nagtungo agad sa opisina ko dito sa Isla.Gusto kong mag-isip, ang daming nangyari, ang dami kong nalaman."Maaari na anak ko ang batang iyon."Isinandal ko sa upuan ko ang ulo ko. Habang ang baso na may alak ay pinaglalaruan ko. Kailangan kong mag-isip, kailangan kong mapapunta dito ang anak nito."Nandito ka na pala," ngiting saad nito."Bakit? Anong kailangan mo?""Pwede bang samahan mo ako? Dinner tayo, dating gawi!" ngiting ani nito.Lumiit ang mga mata ko. Dahil alam kong may pinaplano na naman ito."Nandyan ba ang pulis mo?" Galit niya akong tinignan."Wala akong paki alam sa kanya. Gusto ko lang na may kasabay na kumain.""I am sorry, uuwi ako ng bahay. May naghihintay sa akin at doon ako kakain."Gusto ko sanang mag-isip, dito sa hideout namin. Kaso may asungot pala. Ngumu