Azrael POVNatulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang kamukha ni Aingelle. Impossible na hindi ito si Aingelle. Kuhang-kuha nito ang galaw at expression ng babaeng mahal ko."Aingelle, love, buhay ka," ani ko dito. Agad ko itong nilapitan at niyakap. Sobrang miss na miss ko na ito. Tama nga akong buhay pa si Aingelle."Saan ka nagpunta? Hinanap kita.""I am sorry, sir. But I am Aingelle. I am Elizabeth." 'What's going on?'"Elizabeth?" takang tanong ko. Agad ko siyang nilapitan. "Nandito na ako. Wag ka ng magtago sa katauhang iyan. Nandito na ako, mahal."Kanina pa nakaalis ang kasama nito. Kaya kaming dalawa na lang ang nasa opisina ko."Ano bang pinagsasabi mo, sir. Hindi kita maintindihan."Doon ko napagtanto ang lahat. Hindi niya ako kilala."Hindi mo ba ako kilala?" tanong ko sa kanya."Kilala kita, sir." Nabuhay ako ng loob. "Kasi amo kita." Biglang nagunaw ang mundo ko.Kanina pa nakaalis si Elizabeth. Kanina pa din ako dito sa opisina ko. Wala akong magawa, dahil ang i
Azrael POVPagkatapos sa meeting namin ni Mr. Claveria ay kaming bumalik ni Eliza, sa opisina. Napasandal ako sa swivel chair ko. Alam ko ang lahat ng gusto ni Aingelle. Lalo na ang pinaka paborito nito. Hindi kaya nagpapanggap lang si Eliza na hindi siya si Aingelle? Impossible na hindi siya si Aingelle. Madaming magkakapareha silang dalawa.Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Napatingin ako sa orasan ko. Gabi na pala. Kailangan ko pang puntahan si Cade.Nakita ko si Eliza na abala sa mga ginagawa nito."Pwede ka nang umuwi!" Napatingala ito sa akin.Napatitig ako sa mga labi nito na hinalikan ko lang kanina. "Kailangan ko pong tapusin ito," sabi nito.Tango lang ang tanging naisagot ko. "Mauna na ako."Umalis na ako sa harapan nito. Dahil kung magtatagal pa ako, ay baka hindi lang halik ang magagawa ko sa kanya. Kay Aingelle lang ako ganito. Kaya desido na ako na paimbestigahan si Eliza.Nasa isang bar kami ngayon ni Cade. Dito kasi gustong makipagkita ng lalaki."Morthon," tum
Elizabeth POVTulala pa rin ako. Para akong wala sa sarili na naglalakad kanina. Para akong lutang. Dahil iyon sa halik na pinagsaluhan namin kanina. Napahawak ako sa aking mga labi, na kanina ay hinahalikan nito. Napakagat na lang ako sa aking labi. Alam kong mali, pero gusto kong maulit ang halik na iyon. Napatingin ako kay Azrael. May kasama itong babae.Bigla akong nasaktan. Dahil sa nakikita ko. Nakahawak ang babae sa braso ni Azrael. Maganda ang babae, makinis ang balat. Bakit hindi ko naisip na baka may girlfriend ito. Dapat ko na sigurong pigilan ang nararamdaman ko habang maaga pa. Sumunod ang tingin ko sa kanila. Pumasok na ang mga ito sa loob. Napangiti na lang ako ng wala sa oras.Halos manikip ang dibdib ko. Dahil nasasaktan ako. Napatingin akong muli sa pinto ng opisina ni Azrael. Tapos ay iniwas ko ito. At iginugol ko na lang ang sarili ko sa trabaho ko. Hindi ko namalayan ang oras, kung hindi lumabas ang dalawa na nagtatawanan. Panay ang irap ko. Dahil nakakairita ang
Azrael POVNasa opisina ako ngayon, dito sa Isla. May sarili akong opisina sa Isla. Kung saan may mga negosyo din akong itinayo dito. Habang si Elizabeth ay nasa bahay ko. Iniwan ko siya doon. Habang ako ay nagtungo agad sa opisina ko dito sa Isla.Gusto kong mag-isip, ang daming nangyari, ang dami kong nalaman."Maaari na anak ko ang batang iyon."Isinandal ko sa upuan ko ang ulo ko. Habang ang baso na may alak ay pinaglalaruan ko. Kailangan kong mag-isip, kailangan kong mapapunta dito ang anak nito."Nandito ka na pala," ngiting saad nito."Bakit? Anong kailangan mo?""Pwede bang samahan mo ako? Dinner tayo, dating gawi!" ngiting ani nito.Lumiit ang mga mata ko. Dahil alam kong may pinaplano na naman ito."Nandyan ba ang pulis mo?" Galit niya akong tinignan."Wala akong paki alam sa kanya. Gusto ko lang na may kasabay na kumain.""I am sorry, uuwi ako ng bahay. May naghihintay sa akin at doon ako kakain."Gusto ko sanang mag-isip, dito sa hideout namin. Kaso may asungot pala. Ngumu
Elizabeth POVNagising ako kinabukasan na pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyari kagabi. Napasuklay ako sa aking buhok. Nagpunta ako sa banyo, para magsipilyo at manghilamos. Lumabas agad ako. Mamaya na lang siguro ako maligo.Pagkabukas ko sa pinto ay isang nakangiting Azrael ang bumungad sa akin. Kita kasi mula sa kwarto ko ang kusina. Kaya kitang-kita ko si Azrael na nagluluto. Agad akong pumunta sa kusina. Pinagmasdan ko siya. Akala ko hindi ito marunong magluto."Marami ka yatang niluto?" tanong ko sa kanya."May darating kasi ako na bisita. Kaya nagluto ako, tanghali na kasi sila dadating."Tinignan ko ang orasan. "Maaga pa naman.""Kumain ka na," yaya nito sa akin.Pumunta ako sa may mesa ay umupo na. Dati ay dalawa lang ang upuan ngayon ay apat na."Iyong nakita mo kagabi. . ." Panimula nito. Alam ko na ang gusto nitong sabihin. "I am sorry, about that. Ganun lang talaga si Xianta. Nasanay kasi siya na palagi naming sinasamahan.""No need to explain. . .naiintindihan ko
Elizabeth POVNapanganga ako sa sinabi ni Azrael. Hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa utak nito, ngayon. Gusto ko siyang sundin. But I am his assistant."Azrael, gusto kong mag-usap tayo."Nilingon niya ako. Iniwan niya ang mga kausap niya. Nang makarating na ito sa tapat ko ay kinuha nito ang palapulsuhan ko at hinila ako sa kung saan."Speak!" Nakapamulsa itong nakaharap sa akin. Seryoso ang mukha nito."Ano. . .hmm. . . Iyong gusto mo, hindi pwede iyon. Wala dito ang buhay ng anak ko, Azrael. Ayaw ko siyang nahihirapan."Tinignan niya ako ng masama. Para bang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko."Look, Eliza. Pansamantala lang na nandito kayo ng anak mo. Gusto kong ligtas kayo. Hindi ako basta-bastang tao, Eliza. I need to protect you and your son. Hindi pwedeng masaktan kayo, dahil sa akin."Nagulat ako sa sinabi niya. Napa-atras ako. "Sino ka ba talaga?"Tumayo ito ng tuwid. "I am Azrael Morthon, Eliza. And I am a Mafia Boss."Nanlaki ang mga mata ko. Dahil sa sinabi nito. "
Azrael POVHindi ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Tita Sab."Ang magulang ko ay sobrang yaman, Azrael. Dahil maraming sakim sa mga kamag-anak namin. Kaya pinili naming maging mahirap. Kahit na may pera kami. Hindi naman talaga totally na mahirap. Ibenenta namin lahat ng ari-arian namin. Pinalabas namin na bankrupt kami kaya naging mahirap kami. Doon ay nakilala ko ang Tito Amel mo. Simpleng lalaki lang ang Tito Amel mo. Pero nito lamang nalaman ko na sumali pala siya sa isang sindikato. Para manatili ang yaman namin. Now, tell me. Azrael, papaano ko sasabihin sa pamilya ko na sa pangalan Aingelle inilagay lahat ng yaman ng magulang ko."Napatingin ako kay Tita Sab. Nag-iisip."Actuall, Aingelle Vanguardia, doesn't exist. Nag-exist lang ito nang ipanganak ko si Aingelle. Para kahit pa-paano ay may mag mana sa yaman ng parents ko. Pero mukhang mali ang ginawa ko. Mas lalong lumala ng pinalitan ko ng Aingelle Vanguardia Samonte ang nakalagay na pangalan doon. Kaya nahihirapan akong
Azrael POV"Amel Samonte, wants her daughter to be dead.""What?!" sabay-sabay nilang sambit.Napaahon din si Rozen sa kanyang upuan. Tila ba hindi ito makapaniwala sa nalalaman."Anong klase siyang ama!" sigaw ni Xianta."Ano daw ang dahilan, Azrael. Para gawin iyon ni Amel sa anak niya?" –Rozen."Si Aingelle ay hindi basta-basta lang. Nalaman ko sa ina nito na mas mayaman pala si Aingelle sa atin.""Oh my God.""Ayaw ko sanang sabihin sa inyo. Dahil nakapangako ako kay Tita Sab. Kaso, hindi ko kaya na mag-isang po-protektahan si Aingelle at ang anak namin. Kailangan ko ang tulong ninyo.""Cade, siguraduhin mong hindi na makakaapak si Amel Samonte na iyon dito," utos ni Rozen kay Cade."Areglado, boss.""Don't worry, Azrael. Po-protektahan natin ang mag-ina mo. Safe sila dito. Pero mas safe sila sa labas.""What the f*ck, Rozen."Tinignan nito ng masama si Xianta na nagmumura."Naiintindihan ko, Rozen.""Hindi sa ayaw kong nasa Isla sila, Azrael. Mas malawak ang labas ng Isla. Makaka
Anastacia POV"Anastacia, please!" sigaw nito."Pwede ba. Tantanan mo ako, Clyde. Hindi ako uuwi.""But dad need you.""Sabihin mo kay dad. I am happy sa buhay ko ngayon. Masaya ako, dahil may nagmamahal sa akin. Mahal nila ako, kung sino ako.""But, they didnt know you. For god sake, Anastacia.""Iyon nga ang gusto ko eh. Mahal nila ako bilang si Stacy Aragon. Hindi si Anastacia Morthon Miller."Hindi ito nagsalita. Kaya iniwan ko na ito. Papunta kasi ako sa kumpanya na pinagta-trabaho-an ng asawa ko. Yes, I am married. Kasal ako sa lalaking mahal ko at mahal ako.Nang makarating ako sa kumpanya at agad akong dumiretso sa elevator. Hindi na ako dumadaan sa reception. Dahil kilala naman nila ako."Hi, Milley, si Kurt nandyan ba?"Nagulat si Milley nang makita niya ako. Para ba itong nakakita ng multo. Kumunot ang noo ko. Tumingin ako sa pinto ng opisina ng asawa ko. Dahil alam ko na ang klaseng tingin ni Milley sa akin."Who is this time, Milley?" tanong ko sa kanya."Anak ng isa sa b
Maria Lyn POVNasa gilid lang ako. Nagbabasa ng magazine at tinitignan ang pag te-therapy ni Ezekeil. He had an improvement. Determinado talaga itong makalakad muli.For 8 month since his therapy. Walong buwan din ang ginugol nito upang makalakad talaga ng maayos. Ngayon na tapos na ang session nito at maayos na ang lakad nito ay natutuwa ako."This is your last session, Mr. Miller. You are such an obedient patient. I hope I can see more patients like you.""Thank you, too. Doc. Sanchez."Tumayo na ako. Dahil alam ko na aalis kami ngayon at kakain sa isang restaurant. We will celebrate now. Dahil nakakalakad na talaga ito ng maayos ngayon."Let's go, baby.""Sure, love."Hinawakan nito ang baywang ko at pinatakan ng halik ang aking ulo."I miss you, you know.""Ezekiel, kailangan nating pumunta sa restaurant na nireserved ng pamilya natin.""I miss you.""Nakailan ka kagabi? Hindi mo ako pinatulog."Ngumuso ito. Totoo naman talaga na hindi niya ako tinantanan kagabi. Sobrang lakas ng
Maria Lyn POVNasa tabi ako ni Ezekiel. Limang buwan na kami dito at hangganv ngayon ay hindi pa rin siya gumigising. Pero ang sabi ng doktor ay may chance na gumising ito."Love, winter na dito. Sobrang ginaw. Hindi kaba giniginaw? Ang haba na nang tulog mo. Gising ka na. Gusto na kitang makasama. Gusto ka na naming makasama."Araw-araw iyon ang ginagawa ko. Kausapin siya. Dahil sabi ng doktor ay nakakatulong daw iyon. Para sa progress nito. Kaya araw-araw. Kinakausap ko ito."Alam mo bang si Leigh ay magaling sa klase? Palaging kinakausap ka din noon. Pag kagalinh sa school. Hindi ko na din naaalagaan ng maayos ang mga anak natin. Please, gumising ka na. We need you. I need you."Hindi ko mapigilan ang umiyak. Dahil sa sitwasyon namin ngayon. Noong nakaraang buwan lang ay may pumasok dito ay nag code blue si Ezekiel. Buti na lang at nahuli ang salarin. Ayon dito, may nag utos daw sa kanya at hindi namin nakuha ang pangalan ng totoong may sala. Dahil namatay na lang bigla ang lalaki.
Maria Lyn POVHindi kami pwedeng tumigil. Dahil alam ko na hinahabol niya kami. Akala ko talaga ay napatay na ito. Pero hindi pala. Napatay niya pala ang kanyang tauhan."Takbo, Maria Lyn, Ezekiel. Maabutan ko din kayo!" sigaw nito."Tumigil muna tayo, Maria Lyn. Pagod na ako.""Hindi pwede, Ezekiel. Kaya tumayo ka.""Iwan mo na ako. Tumakas ka na.""No, hindi kita iiwan."Humihingal din ito. Dahil kanina pa kami tumatakbo. Nanghihina na din ako. Dahil nakikipaglaban pa ako kanina kay Mezzy.Nasa kagubatan kami ngayon. Pinag-aralan din namin ang kagubatan na ito."Malapit na tayo sa labasan. May nag-aantay sa atin doon. Kaya, lalaban tayo," sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nito.Tumayo ito at tumakbo kaming muli. Alam ko na malayo pa ang bukana ng kagubatan na ito. Pero kailangan namin makipagsapalaran. Lalo na ngayon na alam ko na naghihintay sa amin ang mga anak namin. Patuloy lang kami sa pagtakbo. Hanggang sa makita ko ang bukana ng kagubatan. Ngunit bago pa kami makaratin
Maria Lyn POVLumayo ako sa kanya. Pero hindi pa man ako nakakaupo ng maayos ay binangga ang aming sasakyan. Kaya tumilapon ako sa isang bahagi ng sasakyan. Huling naalala ko at nakita ko at pilit na inilalabas ng sasakyan ang nanghihina na si Ezekiel."Ezekiel!" tawag ko sa kanya."Hindi ka na sana nakialam. Ngayon, mauuna kang mama–"Isang putok ng baril ang narinig ko bago ako nawalan ng malay.Nagising ako na masakit ang ulo ko. Buong katawan ko. Nagmulat ako ng mga mata at tumambad sa akin ang mga mukhang ng mga taong malapit sa akin. Alam kong nag-alala sila sa akin."I am okay." assurance ko sa kanila."Okay? Look at you. Nandito ka sa hospital, nakaratay. Ilang araw na walang malay. Tapos sasabihin mong okay ka lang!" galit na sambit ni Kuya kier.Ngumiti na lang ako. Dahil alam ko na sobrang nag-alala ito sa kalagayan ko."Mom, please, don't do it again.""Okay."Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Kompleto lahat ng pamilya ko. Pero isang tao ang gusto kong makita."Si Eze
Maria POV"Who are you?" Iyon agad ang tanong ni Ezekiel sa akin. Matapos naming kumain ng agahan. Dito kami sa isang restaurant sa baba ng condo na inuukupa nito."Can we talk that in private?" saad ko."No, dahil once na mapag-isa tayo. Iba ang nararamdaman ko. Gusto kitang angkin ng paulit-ulit."Ngumisi ako. Dahil ganun din naman ako."Actually, I am your wife. At hindi si Mezzy ang asawa mo."Hindi agad ito napagsalita. "I am sorry, Ezekiel. Kung nagsinungaling ako sa iyo. Noong una, hindi ko naman talaga na ikaw ang business partner ko. Until my secretary. She took you a photo at pinakita niya iyon sa akin. Alam ko na hindi ako makakagalaw ng mabuti sa Paris. Dahil alam kong nandoon si Mezzy. Kaya pinalabas ko na gusto kitang makausap dito sa Pinas. For 10 years. Akala ko nawala ka talaga sa amin. I feel like dying. Pero naging matatag ako. Dahil sa mga anak nating dalawa."Hindi agad ito nakapagsalita. Nakatitig lang ito sa akin."How can I be sure na nagsasabi ka ng totoo.""C
Maria Lyn POVNagsisimula na ang party. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay nasa akin–hindi nasa kasama ko. Dahil masquerade ang theme ng party ay madaling naitago ang mukha ni Ezekiel. Tiyak, lalabas sa news ang balitang ito."Ms. Mothor—no Mrs. Miller, who is with you?"Alam kong napatingin si Ezekiel sa akin. Pero kailangan kong magsalita."He is just my business partner.""Oohh, really? Baka naka move on ka na sa namayapa mong asawa.""No, I love him. No one can replace him in my heart.""Is that said so."Hinayaan na kami ng mga reporter. Halos lahat ng mga mata sa akin ang tingin."Maria, Can I talk to you.""Excuse me, Ezekiel."Sumunod ako kay Nicole.Pumasok kami sa isang kwarto."Are you sure about your plan, Maria?""Yes, Kuya Kier. Gusto kong mapalabas sa lungga ang babaeng iyon. All this year. She hide Ezekiel from me. Kaya ito na ang tamang panahon, upang maningil. I need to help, Ezekiel, too. Kailangan na bumalik na ang mga ala-ala nito.""I see from him. That he is
Ezekiel POV"Sir," nag-angat ako nang tingin nang nasa harapan ko ang sekretary ko."Yes?" tanong ko dito."May meeting po kayo with Ms. Maria Lyn.""Sige, Erwin, salamat," nakangiti kong sambit dito."Sir, gusto po sana ni Ms. Maria Lyn sa personal.""Okay, papuntahin mo na lang siya dito. Make her an appointment.""Pero sir, kung pwede daw sa Pilipinas. Kasi po busy po siya at hindi agad makabalik dito sa paris. Para po makapagpirmahan na kayo ng kontrata."Napaisip ako. Papaano ko ba lulusutan ito, na hindi malalaman ni Mezzy."Wag mong bangitin ito kay Mezzy. Sabihin mo na lang na may meeting ako aboard. Wag sabihin sa kanya na sa Pinas ako pupunta.""Sige, sir."Napasandal ako sa sandalan ng swivel chair ko. Alam ko na mali ang gagawin ko. Sa paglilihim kay Mezzy tungkol sa pagpunta ko sa Pinas. Pero kailangan. Dahil alam ko na nandoon din ang kasagutan sa bawat tanong ko."Hi, baby!" nakangiting mukha ni Mezzy ang bumungad sa akin. "I bring a food for you. Lunch na din kasi.""W
Maria Lyn POVAgad kong inihinto ang kotse ko. Lumabas ako at kinuha ang bulaklak. Upang ilagay doon. Isinuot ko din ang dark shade ko."It's been a while, love. 10 years to be exact. Pero bakit ganun. Kahit sampung taon na ang lumipas mula nang iwan mo kami ay parang kahapon lang iyon nangyari? Alam mo bang malalaki na ang quadruplets. Maasahan na sila sa lahat ng bagay. Lalo na sa pagbabantay sa bunso natin."Hindi ko mapigilan ang umiyak. Dahil kahit na matagal na nangyari ang masalimo-ot na nangyari sa buhay ko ay para bang kahapon lamang iyon nangyari.Nandito ako ngayon sa isang warehouse kung saan kasama si Ezekiel sa pagsabog. It is his 10 years death anniversary. Kaya taon taon akong pumupunta dito. Tuwing death anniversary nito. Inilagay ko ang bulaklak doon.Tumunog ang cellphone ko at agad ko iyong sinagot."Yes, pumunta lang ako sa pinangyarihan noon. I know, Nic. Thanks for your concern. Pero alam mo naman na hindi matatahimik ang kaluluwa ko pag hindi ako nakadalaw. Don