Kinuha ni Ezekiel ang takure at nagsalin ng kape sa kanilang mga tasa.Habang ginagawa niya iyon, narinig niya ang tinig ni Sapphire, "tito, sorry po."Natigilan siya saglit, at tiningnan ang babae, saka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa na parang walang nangyari.Ngumiti siya ng nakakaakit, na parang kapag tumingin ang mga babae sa kanya, ang mga ito ay mababatu- balani. Napakakisig niya, at malambing na nagsalita, "mahirap sumunod kay Dexter, Sapphire, mag iingat ka.." bulong niya dito.Matapos iyon, nagsalita siya, na pakinig na rin ni Dexter, "malapit ng magsimula ang auction, isama mo si Sapphire."Masaya si Dexter ng marinig ang sinabi ni Ezekiel, kaya ngumiti siya at tumugon na hindi man lang nag iisip, "okay tito," matapos magsalita, iniangat niya ang kanyang tasa sa kanyang harapan. Matapos iyon ay tumayo siya, at hinila ang asawa, na parang ayaw umalis na kasama siya.Pagkalabas nila ng opisina ni Ezekiel, agad niyang binitawan ang babae, saka siya humalukipkip, at tiningna
Nakatawag na ng attention ang nagpapasubasta. Naglabas siya ng mga items na maaaring ma bid. Ipinakita iyon sa mga guest. "Ang dahilan, kung bakit iyon ang aking inuna, ay sa kadahilanang, hindi iyon kasama sa ipapasubasta. Ang ipapasubasta namin, ay ang kopya o replika lamang ng alahas na iyon, na nagkakahalaga ng 750,000. Kung hindi professionals ang titingin, hindi malalaman kung ano ang kanilang ipinagkaiba. Malapit ng matapos sa pagsasalita ang auctioneer, ng bumulong ng malambing si Emerald kay Dexter. Nginisihan niya at parang inaasar si Sapphire sa anggulong hindi pansin ng lalaki, at ang kanyang tinig ay napakalamyos na parang hindi makabasag pinggan, "Dexter, gustong gusto ko ang alahas na iyon.." Sa itaas na bahagi ng auction room, sa mas mataas na anggulo, isang marangal at eleganteng lalaki ang nakatingin pababa sa eksena habang may hawak na baso ng alak sa isang kamay. Ang kanyang mga tampok sa mukha ay matikas ngunit malamig, at lalo siyang nagiging kaakit-akit kapa
Sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita, muling sumugod si Emerald sa kanya, pilit na inaagaw ang nakakainis na kahon ng alahas. Mabilis na iniwasan ni Sapphire ang atake nito, at sa tamang pagkakataon ay yumuko siya at tinamaan ng tuhod ang malambot na tiyan ng babae, dahilan upang bumagsak ito nang mabigat sa malamig na tiles ng banyo. "Emerald, baka hindi ko kayang talunin si Dexter, pero ikaw, napakadali mo palang talunin." saka siya tumawa ng may pangungutya. Naghihirap sa sakit mula sa pagbagsak si Emerald, hindi siya makapaniwala. Hindi pa siya nakaranas ng ganitong klaseng pasakit sa buong buhay niya, lalo na't ito'y mula mismo kay Sapphire na lagi niyang minamaliit. Agad namula ang kanyang mga mata sa galit, at muling sumugod. Ang dating maganda niyang mukha ay nabalot ng galit at pagkasira. "Sapphire, inuutusan kitang ibigay 'yan sa akin ngayon din! Wag mo ako g galitin! ako pa rin ang ate mo!" Hindi inasahan ni Sapphire na makakabangon ito nang ganoon kabilis. Nakita
Si Sapphire ay lumunok nang may kaba sa kanyang dibdib bago niya maingat na tinawag si Ezekiel, "tito.."Ang lalaking nakatalikod sa kanya ay tumigil, at ang kanyang tono ay nanatiling kalmado, hindi nagbibigay ng anumang pahiwatig sa kanyang iniisip, "Bakit?" bahagya pang nangunot ang noo nito, na parang naghihintay ng isang magandang salita mula sa kanya."Pasensya na sa nangyari kahapon." Mahina ang tinig na iyon, subalit sapat na upang marinig nito. Labis ang pagkakonsensiya na nararamdaman niya. Hanggang maaari, ayaw niyang makasamaan ito ng loob. Hindi na baleng hindi sila nag uusap, subalit wag lang itong magagalit sa kanya.Buong determinasyong humingi siya ng tawad, mahigpit na ikinuyom niya ang kanyang mga kamao, tumakbo palapit kay Ezekiel, at tumingin nang diretso sa mga mata ng lalaki na para siyang basang sisiw na nag mamakaawa, "Alam kong ginagawa mo ito para sa ikabubuti ko. Pasensiya ka na talaga..""Sapphire, ito ang buhay mo, hindi mo kailangang humingi ng tawad pa
Labis ang gulat ni Sapphire ng marinig si Dexter na ipinagtatanggol siya.Kung ito ay naganap, limang taon na ang nakakaraan, malamang, magtatalon pa siya sa tuwa at kilig. Subalit tapos na siya sa ganoong bahagi ng kanyang buhay..Limang taon na siyang nag umpisang magbago, at ngayon nga, siya ay isa ng ganap na manhid at wala ng bakas ng dating Sapphire..Sa gitna ng nakakabinging katahimikan, ngumiti si Ezekiel habang inoobserbahan ang reaksyon ng bawat isa. Pagkatapos, marahan niyang binuksan ang kahon, kinuha ang makinang na alahas mula rito, at pinindot ang isang lihim na mekanismo sa ilalim nito.Ang kanyang galaw ay kakaiba at agad na nakakuha ng atensyon ng tatlong tao. Ang kanyang mahahabang daliri ay mabilis na tinanggal ang base ng hiyas, saka binuksan ang isang pahina ng libro, at itinapat ang base sa liwanag ng araw.Nag-iba ang liwanag ng gem na iyon, at sa ilang kisap-mata, lumitaw ang dalawang salitang Ingles na "dg" na malinaw na naaninag sa pahina. Sa pinakamakapang
"Makinig ka nga, Lola, kung may iba lang akong paraan, hindi ako lalapit sa'yo para humingi ng tulong."Sa kabilang panig ng marmol na mesa, iniunat ni Gaston Del Mundo, ama ni Sapphire, ang kanyang mga kamay, may kahalong awa at kawalang-hiyaan sa kanyang kilos, at maingat na sinabi sa matanda, "Mula nang mag-donate si Sapphire ng bone marrow sa matanda, hindi na naging maganda ang kalusugan niya. Gusto ng asawa ko na bigyan siya ng mga pampalakas, pero ang mahal kasi ng mga iyon..." Humigpit ang pagkakahawak ni Sapphire sa plato, at namula ang kanyang mukha sa kahihiyan.Ayos lang sana kung ang ama niya ang humihingi ng pera sa pamilya Briones, pero ginagamit pa niya ang pangalan niya.Kahit na hindi ito pinapansin ng matanda, kaya ba niyang tiisin na manood na lang habang patuloy na ginagamit ng pamilya niya ang utang na loob na ilang ulit nang naibalik ng pamilya Briones?"Tagapamahala, isulat sa tseke ang gaya ng dati." utos ng matanda.Pinaikot ng matanda ang Buddhist beads sa
Bitbit ang isang maliit na bag na may ilang nakakahiyang bagay, matagumpay na natagpuan ni Sapphire ang silid-aralan kung nasaan si Liam.Umalis na ang lahat ng ibang bata sa klase, tanging si Liam na lang ang naiwan doon, nakaupo nang malungkot sa kanyang upuan, nakapatong ang baba sa kanyang mga kamay, at hindi gumagalaw.Nang makita ang pasa sa maselang mukha ng bata, napangiwi siya dahil sa awa. Pinigil niya ang kanyang emosyon at mabilis na pumasok sa silid-aralan. “Liam, kumusta ka? Masakit ba?” nag aalala niyang tanong dito.“Sapphire!” Agad na napatingala si Liam sa kanya, at nagningning ang kanyang malalaking, maaalon na mata. Tumakbo ito palapit sa kanya gamit ang kanyang maiiksi at maliit na hakbang. “Hindi naman masakit! Bakit ka nandito?”Lumuhod nang bahagya si Sapphire at niyakap ang bata. Maingat niyang hinaplos ang bahagyang namumulang pisngi nito at mahinahong nagtanong, “Sabihin mo sa akin, bakit ka nakipag-away sa mga kaklase mo?”“Humph! Karapat-dapat lang silang
Noong panahong iyon, kakakasal lamang niya kay Dexter, dahil ipinagkasundo siya dito ng lolo nito. Alam niyang hindi maganda ang kalusugan ni Dexter, kaya't nagsikap siyang magluto upang makapagbigay sa lalaki ng mainit at masarap na pagkain kapag umuuwi ito sa madaling araw galing sa trabaho.Ngayon, kapag inaalala niya iyon, natutuklasang kumakain nga si Dexter ng kanyang mga "midnight snack" kasama ang kanyang kapatid, sa hatinggabi. Sa madaling salita, ang kanyang kabutihan ay wala ring saysay mula umpisa hanggang katapusan. Dahil ang lalaking pinaglalaanan niya ng pagkain, ay iba naman ang nais kainin, at hindi siya iyon, kundi ang kanyang kapatid.Isang oras ang lumipas, dalawang putahe ng lutong bahay na may magandang hitsura, amoy, at lasa ang inilabas sa eleganteng marmol na mesa sa dining area, at dito, nagsalo silang kumain ni Liam habang masayng nagkukwentuhan."Subukan mo muna ito, matagal ko nang pinraktis ang lugaw na ito, at ito ang especialty ko." anyaya niya sa bata
Matapos pindutin ang screen, isang piraso ng lokal na balita ang agad na tumambad sa kanyang mga mata."Isang babaeng turista sa kamay ni Hesus ang biglaang nawalan ng malay, at muntik nang magdulot ng trahedya ang kanyang asawa habang dinadala siya sa ospital. Mabuti na lamang at walang ibang masamang nangyari ng mga oras na iyon."Sa ilalim ng matapang at itim na pamagat, makikitaDexter na buhat-buhat siya at nagmamadali. Kahit ang mga turista sa paligid na hindi sanay kumuha ng mga litrato ay malinaw na nakita ang butil-butil na pawis sa noo ng lalaki, pati na rin ang hindi maitatagong pagkabalisa at tensyon sa kanyang mga mata.Simula nang makilala ni Sapphire si Dexter, hindi pa niya ito nakitang ganito kaatubili at wala sa kontrol, maliban na lamang limang taon na ang nakalilipas noong nasa bingit ng kamatayan si Emerald dahil sa kanyang pagkakatulak.Mula sa ilang salita ng reporter, bahagya niyang naimagine ang sitwasyon noong panahong iyon.Matarik ang hagdanan doon, at kaila
Matapos ang isang simpleng almusal sa ospital, si Ezekiel na mismo ang nagmaneho upang ihatid sina Sapphire at Liam sa kindergarten, nang walang kasamang driver.Dahil sa napakagandang hitsura ni Liam, malaki ang impluwensya niya sa kanilang paaralan. Pagkapasok pa lang niya, agad siyang naging sentro ng atensyon.Sa gitna ng mga batang nagkakagulo, ilang paslit na may mga galos sa mukha ang lumapit nang mayabang. Tumingin sila sa kotse na nasa sampung metro ang layo, gumawa ng mga nakakatawang mukha, at nang-asar, "Liam, siguradong ang tatay mo na naman ang dadalo sa parent-teacher meeting mo. Tama nga ako, wala ka talagang mommy!""Tama! Isa kang ligaw na bata na iniwan ng mommy mo. Kung mang-aaway ka ulit, hindi na kami magpapatawad."Biglang nawala ang magandang mood ni Liam sa umagang iyon. Tinitigan niya nang masama ang mga kaaway sa harapan niya, ngunit pinigilan ang sarili dahil ayaw niyang makipag-away sa harap ni Sapphire.Bago pa makakilos si Ezekiel, biglang bumukas ang p
Si Ezekiel ay nakatayo sa pintuan, tahimik na pinagmamasdan mula sa malayo sina Liam at Sapphire na nagiging malapit sa isa’t isa, habang may hindi maipaliwanag na emosyon sa kanyang mga mata. May bahid ligaya doon na hindi kayang itago kung titingnan sa malapitan.Pumikit ng bahagya si Liam, hinubad ang kanyang sapatos, at umakyat sa kama. Maingat at masunuring sumandal siya sa tabi ni Sapphire, at kinuha ang isang aklat ng mga kuwento mula sa kanyang bag, "Paano kung ikuwentuhan kita ng isang kwento? Ano ang gusto mong marinig, Sapphire?"Inangat ni Sapphire ang kanyang kamay at niyakap ang malambot at maliit na katawan ni Liam. Bahagyang nabasag ang kanyang boses, "Kahit ano ay okay. Basta ikaw ang magbabasa."Napakahina niya, nakakalungkot isipin na kailangan pa niyang asahan ang isang munting bata para muling makahanap ng lakas upang ipagpatuloy ang buhay. Malakas ang impact ng batang ito sa kanya. Ang mainit na balat ng bata ay parang gamot sa kanyang nanghihinang puso."Sige,
"Lola, huwag mo naman pong sabihin 'yan." saway ni Sapphire sa matanda.May luha rin sa mga mata ni Sapphire, at namumula ang kanyang mga mata habang kagat-labi siyang nagsalita, "Bata pa si Ara at hindi niya naiintindihan na ang ginagawa niyo lola ay para sa ikabubuti niya. Balang araw, mauunawaan din niya ang mga sakripisyo at pagsisikap niyo.""Sabi nga nila, makikita na ang ugali ng isang bata mula pa lang sa edad na tatlo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa batang ito. Bukod sa hindi siya kasing-bait mo noong bata ka, kahit noong bata pa si Dexter, hindi naman siya naging ganyan kasama. Hindi ko alam kung anong ugali meron kay Ara.." sagot ng matanda sa kanya.Malalim na napabuntong-hininga ang matandang babae, saka muling nagsalita "Sa huli, nais kong makakita pa ng apo sa tuhod na mas maayos at mahusay. Hindi iyong parang basta na lang lumaki. Kanino kaya nagmana ang batang iyon at ganoon katindi ang ugali.."Pagkasabi nito, agad na naintindihan ni Sapphire ang gustong ipar
Nang sinabi niya iyon kay Dexter, parang natauhan ang lalaki na totoo ang kanyang sinasabi.Ang tensyonadong atmospera kanina ay biglang naging kakaiba. Tumayo na si Sapphire at nagtangkang umalis, "kung wala ka ng nais pang sabihin, aalis na ko.""Sinabi ni Lola kaninang umaga na napanaginipan niya si Lolo. Pupunta siya sa kamay ni Hesus mamaya para sumamba at magsindi ng kandila. Kailangan mong sumama sa kanya." bilin ni Dexter sa kanya.Sagrado katoliko ang matanda, kaya marami itong pinupuntahang mga simabahan.Nang hapong iyon, napilitan si Sapphire na sumakay sa sasakyan ni Dexter, at tahimik na nagpunta ang dalawa sa kanilang destinasyon kung saan naroroon ang matanda. Ilang oras din silang nagbiyahe.Maraming tao sa lugar na iyon, at nagsisiksikan ang mga tao. Puno ang lugar dahil mahal na araw."Lola, nasaan ka na po ngayon?" Tanong ni Sapphire habang tumatawag sa isang tahimik na sulok. Maingat siyang sumulyap kay Dexter, umaasang iwan siya nito at umakyat nang mag-isa. Ayaw
Napagtanto ang mga bagay na unconsciously niyang iniisip, bahagyang dumilat si Sapphire sa gulat, at pagkatapos ay napailing na lang habang bahagyang pinagtatawanan ang sarili. Bakit ba kasi parang nagkakagusto siya sa lalaking iyon?Bukod pa roon, malamang na tinatrato lang siya ng kanyang tito bilang bata, at ang masalimuot na kapalaran nila ni Dexter, na hindi madaling maresolba, ay matagal nang sumira sa kanyang kakayahang magmahal. Hindi niya kayang magmahal.Dahil dito, nagawa niyang mapanatili ang ganap na kalmado at kaliwanagan sa kabila ng nakakaakit na presensya ni Ezekiel. Subalit kapag nag iisa na siya at naaalala ang lalaki, hindi niya maiwasang maging masaya.Sa oras ng trabaho, muling bumalik si Sapphire sa sekretarya ni Dexter, ang teritoryo ni Emerald.Marahil ay nagbigay na ng abiso ang kanyang asawa, kaya nag-sick leave ng isang linggo ang kanyang kapatid simula ngayong araw. Sa wakas, hindi siya agad tinarget nito ngayong umaga.Habang palihim na tumitingin ang iba
Nasa kalagitnaan ng tahimik na gabi ang isip ni Sapphire nang marinig ang mababa at magnetikong boses ng lalaki: "Hindi ako makatulog." Gusto sana niyang umiwas nang maayos, ngunit tila naglaho ang mga salitang dapat niyang sabihin. Masyadong makamandag ang alindog ng lalaking ito at nababatu balani siya sa bawat bigkas ng salita nito. Isang manipis na kumot ang biglang bumagsak mula sa kung saan at binalot siya. Dumaan si Ezekiel sa harap niya, ang kanyang matangkad at payat na pigura ay puno ng awtoridad, "Sumunod ka sa akin." Kung hindi dahil kay Ezekiel, hinding-hindi malalaman ni Sapphire na may napakalaking game room na nakatago sa ilalim ng villa na iyon. Nang buksan ang mga ilaw, tumambad sa kanya ang iba't ibang arcade machines, dalawa rito ay mga collector’s edition na sikat noong bata pa siya. Tumigil siya sa harap ng isang racing machine at dahan-dahang hinaplos ang makinang na pulang shell nito. Napaisip siya habang inaalala ang pagkahilig niya sa ganitong klase ng l
Ilang daang metro ang layo sa driveway, bahagyang napahatsing si Sapphire.Lumingon si Ezekiel sa kanya, kinuha ang kanyang suit jacket at walang kahirap-hirap na paraan, at ipinatong ito sa mga balikat ng babae sa tulong ni Liam.Ang tela na may init mula sa katawan ng lalaki ay mainit at malambot, na lubos na kabaligtaran ng malamig at walang emosyon niyang ugali.Nahihiya si Sapphire na tumanggi sa harap ni Liam, kaya’t bahagya na lamang siyang tumango kay Ezekiel. Mahigpit niyang hinawakan ang mga lapel ng jacket gamit ang kanyang manipis at mahahabang daliri, sinisikap panatilihin ang init na iyon nang kaunti pang sandali.Hindi ipinakita ni Ezekiel na naapektuhan siya ng pasasalamat ni Sapphire, ngunit may bahagyang ngiti sa kanyang malalim na maiitim na mata na tila naglalaman ng hindi masambit na damdamin. Hindi siya sanay maglabas ng emosyon sa harapan ng ibang tao.Pagbalik sa pribadong tahanan niya, tinulungan ng babae ang masayang-masayang si Liam na maligo nang maayos at
Ang mga mata ni Ezekiel ay sandaling tumigil sa mukha ni Sapphire, bago siya humakbang papalapit kay Ara na nasa kama, sinusuri ang kanyang reaksyon mula sa itaas.Si Ara, sa kabila ng pagtangging gumalaw, ay pinagpapawisan ng malamig. Ang kanyang mga kamay at paa na nakatago sa ilalim ng kumot ay bahagyang nanginginig.Hindi ito tumigil hanggang halos maiyak na siya nang marahan nang alisin ni Ezekiel ang kanyang malalim na titig na parang bangin at nagsimulang maghanap.Dahil sa kanyang personal na ugali, bihira siyang magdala ng alahas. Sa pagkakataong iyon, kinuha niya nang walang pakundangan ang isang napakagandang tie clip at inilagay ito sa kanyang palad, itinutok iyon kay Ara.Sa ilalim ng marangyang liwanag ng kristal na lampara, ang liwanag na nagmumula sa diyamante ay sumilay sa nanginginig na pilikmata ni Ara.Bahagyang itinaas ni Ezekiel ang kilay habang nakangiti at sinadya pang tumingin kay Dexter. Sa mababa at magnetikong boses, sinabi niya, "Kung babangon na ngayon si