Si Sapphire ay lumunok nang may kaba sa kanyang dibdib bago niya maingat na tinawag si Ezekiel, "tito.."Ang lalaking nakatalikod sa kanya ay tumigil, at ang kanyang tono ay nanatiling kalmado, hindi nagbibigay ng anumang pahiwatig sa kanyang iniisip, "Bakit?" bahagya pang nangunot ang noo nito, na parang naghihintay ng isang magandang salita mula sa kanya."Pasensya na sa nangyari kahapon." Mahina ang tinig na iyon, subalit sapat na upang marinig nito. Labis ang pagkakonsensiya na nararamdaman niya. Hanggang maaari, ayaw niyang makasamaan ito ng loob. Hindi na baleng hindi sila nag uusap, subalit wag lang itong magagalit sa kanya.Buong determinasyong humingi siya ng tawad, mahigpit na ikinuyom niya ang kanyang mga kamao, tumakbo palapit kay Ezekiel, at tumingin nang diretso sa mga mata ng lalaki na para siyang basang sisiw na nag mamakaawa, "Alam kong ginagawa mo ito para sa ikabubuti ko. Pasensiya ka na talaga..""Sapphire, ito ang buhay mo, hindi mo kailangang humingi ng tawad pa
Labis ang gulat ni Sapphire ng marinig si Dexter na ipinagtatanggol siya.Kung ito ay naganap, limang taon na ang nakakaraan, malamang, magtatalon pa siya sa tuwa at kilig. Subalit tapos na siya sa ganoong bahagi ng kanyang buhay..Limang taon na siyang nag umpisang magbago, at ngayon nga, siya ay isa ng ganap na manhid at wala ng bakas ng dating Sapphire..Sa gitna ng nakakabinging katahimikan, ngumiti si Ezekiel habang inoobserbahan ang reaksyon ng bawat isa. Pagkatapos, marahan niyang binuksan ang kahon, kinuha ang makinang na alahas mula rito, at pinindot ang isang lihim na mekanismo sa ilalim nito.Ang kanyang galaw ay kakaiba at agad na nakakuha ng atensyon ng tatlong tao. Ang kanyang mahahabang daliri ay mabilis na tinanggal ang base ng hiyas, saka binuksan ang isang pahina ng libro, at itinapat ang base sa liwanag ng araw.Nag-iba ang liwanag ng gem na iyon, at sa ilang kisap-mata, lumitaw ang dalawang salitang Ingles na "dg" na malinaw na naaninag sa pahina. Sa pinakamakapang
"Makinig ka nga, Lola, kung may iba lang akong paraan, hindi ako lalapit sa'yo para humingi ng tulong."Sa kabilang panig ng marmol na mesa, iniunat ni Gaston Del Mundo, ama ni Sapphire, ang kanyang mga kamay, may kahalong awa at kawalang-hiyaan sa kanyang kilos, at maingat na sinabi sa matanda, "Mula nang mag-donate si Sapphire ng bone marrow sa matanda, hindi na naging maganda ang kalusugan niya. Gusto ng asawa ko na bigyan siya ng mga pampalakas, pero ang mahal kasi ng mga iyon..." Humigpit ang pagkakahawak ni Sapphire sa plato, at namula ang kanyang mukha sa kahihiyan.Ayos lang sana kung ang ama niya ang humihingi ng pera sa pamilya Briones, pero ginagamit pa niya ang pangalan niya.Kahit na hindi ito pinapansin ng matanda, kaya ba niyang tiisin na manood na lang habang patuloy na ginagamit ng pamilya niya ang utang na loob na ilang ulit nang naibalik ng pamilya Briones?"Tagapamahala, isulat sa tseke ang gaya ng dati." utos ng matanda.Pinaikot ng matanda ang Buddhist beads sa
Bitbit ang isang maliit na bag na may ilang nakakahiyang bagay, matagumpay na natagpuan ni Sapphire ang silid-aralan kung nasaan si Liam.Umalis na ang lahat ng ibang bata sa klase, tanging si Liam na lang ang naiwan doon, nakaupo nang malungkot sa kanyang upuan, nakapatong ang baba sa kanyang mga kamay, at hindi gumagalaw.Nang makita ang pasa sa maselang mukha ng bata, napangiwi siya dahil sa awa. Pinigil niya ang kanyang emosyon at mabilis na pumasok sa silid-aralan. “Liam, kumusta ka? Masakit ba?” nag aalala niyang tanong dito.“Sapphire!” Agad na napatingala si Liam sa kanya, at nagningning ang kanyang malalaking, maaalon na mata. Tumakbo ito palapit sa kanya gamit ang kanyang maiiksi at maliit na hakbang. “Hindi naman masakit! Bakit ka nandito?”Lumuhod nang bahagya si Sapphire at niyakap ang bata. Maingat niyang hinaplos ang bahagyang namumulang pisngi nito at mahinahong nagtanong, “Sabihin mo sa akin, bakit ka nakipag-away sa mga kaklase mo?”“Humph! Karapat-dapat lang silang
Noong panahong iyon, kakakasal lamang niya kay Dexter, dahil ipinagkasundo siya dito ng lolo nito. Alam niyang hindi maganda ang kalusugan ni Dexter, kaya't nagsikap siyang magluto upang makapagbigay sa lalaki ng mainit at masarap na pagkain kapag umuuwi ito sa madaling araw galing sa trabaho.Ngayon, kapag inaalala niya iyon, natutuklasang kumakain nga si Dexter ng kanyang mga "midnight snack" kasama ang kanyang kapatid, sa hatinggabi. Sa madaling salita, ang kanyang kabutihan ay wala ring saysay mula umpisa hanggang katapusan. Dahil ang lalaking pinaglalaanan niya ng pagkain, ay iba naman ang nais kainin, at hindi siya iyon, kundi ang kanyang kapatid.Isang oras ang lumipas, dalawang putahe ng lutong bahay na may magandang hitsura, amoy, at lasa ang inilabas sa eleganteng marmol na mesa sa dining area, at dito, nagsalo silang kumain ni Liam habang masayng nagkukwentuhan."Subukan mo muna ito, matagal ko nang pinraktis ang lugaw na ito, at ito ang especialty ko." anyaya niya sa bata
Dahan-dahang itinaas ni Ezekiel ang manggas ng kanyang kamiseta, at naalala ang malungkot na sulyap ni Sapphire matapos ang kanilang usapan. Ang kanyang ngiti ay may lalim at may kahulugan,"Hindi ko alam kung masarap,pero tiyak na magugustuhan ko ito,"bahagya niya pang kinindatan ang babae, na pinamulahan ng mukha.Pagkatapos kumain, naghugas na si Sapphire ng mga hugasin. Habng nasa lababo, hindi niya maiwasang ngumuso at maalala kung bakit pinahihintulutan ni Ezekiel na bullyhin ng ibang bata si Liam. Kung siya ang ina ng bata, hindi siya makakapayag sa ganoong senaryo."Galit ka pa ba?" tinig iyon ni Ezekiel na nakayuko sa kagandahang nasa kanyang harapan. Inilalagay ni Sapphire sa dishwasher ang mga hugasan na natanggalan na niya ng mga kanin. Habang si Ezekiel naman ang nag angat ng ibang gamit na nakalagay sa mataas na kabinet.Nahihiya si Sapphire habang nagpapasalamat, subalit hindi maitatago sa kanyang lukot na mukha ang hitsura ng isang dismayadong babae.Kung binigyan niy
"Kung tatanungin ni Kuya Dexter, sabihin mo na lang na aksidente akong nagkasakit at nilagnat habang naliligo, kaya kailangan mong manatili dito para alagaan ako." suhestiyon ng bata sa kanya, "nais din naman kitang makasama. Saka base sa hitsura mo, mukhang ayaw mo namang umuwi sa kanya.""Hindi, hindi, hindi. Malulungkot ako kung magkaka-sipon ka," kahit kunwari lang iyon, ayaw niya yung isipin, tinakpan niya ng kumot ang maliit na bata at hinawakan ang ilong nito na may ngiti. "Salamat sa kabutihan mo, pero tulad ng sabi ng daddy mo, may mga bagay na kailangang harapin mo mag-isa, at walang silbi ang pagtakas."Bukod pa rito, kailangan niyang maging mapagpakumbaba upang makuha ang tiwala ni Dexter at maging opisyal nitong assistant, at hanapin ang pagkakataong makuha ang file ni Dr. Romualdez.Sinipsip ni Liam ang kanyang daliri, nag-isip sandali, at bahagyang tumango nang may pag-aatubili, "Kung gano’n, hayaan na lang si Daddy na ihatid ka pauwi. Para safe ka na makarating sa baha
Maya-maya, pumasok ang isang kasambahay na may dalang malilinis na damit. Dahil tila kalmado ang atmospera sa silid, kinuha niya ang isa sa mga bago at maayos na kamiseta at sinabi kay Sapphire bilang pagpapakitang-gilas. “Young Madam, nahulog po ito mula sa inyong bag noong isang araw. Nilabhan ko na po ito para sa inyo.” “Ano ang sinabi mo?” Biglang pinukpok ni Dexter ang mesa at tumayo, galit na galit, pakiramdam niya’y tila niyurakan ang lahat ng kanyang pagsisikap. Iniputan yata siya ng asawa niya sa ulo. Napatigil din si Sapphire at tinitigan ang kamiseta. Noon niya lang naalala na ito ang suot niyang kamiseta noong isang gabing pinatuloy siya ni Ezekiel sa bahay nito matapos siyang uminom. Bago siya umalis, lihim niyang kinuha ang kamisetang isinuot niya, balak sanang labhan muna ito bago isauli. Ngunit dahil sa dami ng mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw, hindi niya ito naasikaso at tuluyang nakalimutan. Hindi niya inasahan na mapupulot ito ng kanilang kasamba
Si Dexter ay napilitang alisin ang kanyang pagtatago at pagkukunwaring walang malay. May magulong ekspresyon sa kanyang mukha. Umupo siya at tumingin sa nakatatanda niyang tiyuhin, na bihirang magpakita ng emosyon, "Tito, paano mo nalaman?"Hindi siya nakapagsalita ng maraming araw, at ang kanyang boses ay tuyot at paos, na nagpapakita ng mga senyales ng paggaling mula sa isang matinding sakit.Hindi pinansin ni Ezekiel ang kanyang tanong at tiningnan siya nang mababa, "Paano ka ba inagrabyado ni Sapphire para pahirapan mo siya nang ganito? Anong naging kasalanan nung tao sayo? Bakit parang masaya kang nahihirapan siya?""Wala naman.." mahina niyang itinanggi iyon, "Tito, hindi ko lang talaga gustong mawala siya sa akin. Kung hindi dahil sa aksidenteng ito, baka talagang hindi na maibalik ang relasyon namin. Bak iwanan na niya ako ng tuluyan. Mahalaga siya sa akin.""Ang pagpapanggap na patay ay paraan mo para makuha siya ulit." Lalong tumindi ang kunot sa noo ni Ezekiel, "Hindi mo b
Matapos pindutin ang screen, isang piraso ng lokal na balita ang agad na tumambad sa kanyang mga mata."Isang babaeng turista sa kamay ni Hesus ang biglaang nawalan ng malay, at muntik nang magdulot ng trahedya ang kanyang asawa habang dinadala siya sa ospital. Mabuti na lamang at walang ibang masamang nangyari ng mga oras na iyon."Sa ilalim ng matapang at itim na pamagat, makikitaDexter na buhat-buhat siya at nagmamadali. Kahit ang mga turista sa paligid na hindi sanay kumuha ng mga litrato ay malinaw na nakita ang butil-butil na pawis sa noo ng lalaki, pati na rin ang hindi maitatagong pagkabalisa at tensyon sa kanyang mga mata.Simula nang makilala ni Sapphire si Dexter, hindi pa niya ito nakitang ganito kaatubili at wala sa kontrol, maliban na lamang limang taon na ang nakalilipas noong nasa bingit ng kamatayan si Emerald dahil sa kanyang pagkakatulak.Mula sa ilang salita ng reporter, bahagya niyang naimagine ang sitwasyon noong panahong iyon.Matarik ang hagdanan doon, at kaila
Matapos ang isang simpleng almusal sa ospital, si Ezekiel na mismo ang nagmaneho upang ihatid sina Sapphire at Liam sa kindergarten, nang walang kasamang driver.Dahil sa napakagandang hitsura ni Liam, malaki ang impluwensya niya sa kanilang paaralan. Pagkapasok pa lang niya, agad siyang naging sentro ng atensyon.Sa gitna ng mga batang nagkakagulo, ilang paslit na may mga galos sa mukha ang lumapit nang mayabang. Tumingin sila sa kotse na nasa sampung metro ang layo, gumawa ng mga nakakatawang mukha, at nang-asar, "Liam, siguradong ang tatay mo na naman ang dadalo sa parent-teacher meeting mo. Tama nga ako, wala ka talagang mommy!""Tama! Isa kang ligaw na bata na iniwan ng mommy mo. Kung mang-aaway ka ulit, hindi na kami magpapatawad."Biglang nawala ang magandang mood ni Liam sa umagang iyon. Tinitigan niya nang masama ang mga kaaway sa harapan niya, ngunit pinigilan ang sarili dahil ayaw niyang makipag-away sa harap ni Sapphire.Bago pa makakilos si Ezekiel, biglang bumukas ang p
Si Ezekiel ay nakatayo sa pintuan, tahimik na pinagmamasdan mula sa malayo sina Liam at Sapphire na nagiging malapit sa isa’t isa, habang may hindi maipaliwanag na emosyon sa kanyang mga mata. May bahid ligaya doon na hindi kayang itago kung titingnan sa malapitan.Pumikit ng bahagya si Liam, hinubad ang kanyang sapatos, at umakyat sa kama. Maingat at masunuring sumandal siya sa tabi ni Sapphire, at kinuha ang isang aklat ng mga kuwento mula sa kanyang bag, "Paano kung ikuwentuhan kita ng isang kwento? Ano ang gusto mong marinig, Sapphire?"Inangat ni Sapphire ang kanyang kamay at niyakap ang malambot at maliit na katawan ni Liam. Bahagyang nabasag ang kanyang boses, "Kahit ano ay okay. Basta ikaw ang magbabasa."Napakahina niya, nakakalungkot isipin na kailangan pa niyang asahan ang isang munting bata para muling makahanap ng lakas upang ipagpatuloy ang buhay. Malakas ang impact ng batang ito sa kanya. Ang mainit na balat ng bata ay parang gamot sa kanyang nanghihinang puso."Sige,
"Lola, huwag mo naman pong sabihin 'yan." saway ni Sapphire sa matanda.May luha rin sa mga mata ni Sapphire, at namumula ang kanyang mga mata habang kagat-labi siyang nagsalita, "Bata pa si Ara at hindi niya naiintindihan na ang ginagawa niyo lola ay para sa ikabubuti niya. Balang araw, mauunawaan din niya ang mga sakripisyo at pagsisikap niyo.""Sabi nga nila, makikita na ang ugali ng isang bata mula pa lang sa edad na tatlo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa batang ito. Bukod sa hindi siya kasing-bait mo noong bata ka, kahit noong bata pa si Dexter, hindi naman siya naging ganyan kasama. Hindi ko alam kung anong ugali meron kay Ara.." sagot ng matanda sa kanya.Malalim na napabuntong-hininga ang matandang babae, saka muling nagsalita "Sa huli, nais kong makakita pa ng apo sa tuhod na mas maayos at mahusay. Hindi iyong parang basta na lang lumaki. Kanino kaya nagmana ang batang iyon at ganoon katindi ang ugali.."Pagkasabi nito, agad na naintindihan ni Sapphire ang gustong ipar
Nang sinabi niya iyon kay Dexter, parang natauhan ang lalaki na totoo ang kanyang sinasabi.Ang tensyonadong atmospera kanina ay biglang naging kakaiba. Tumayo na si Sapphire at nagtangkang umalis, "kung wala ka ng nais pang sabihin, aalis na ko.""Sinabi ni Lola kaninang umaga na napanaginipan niya si Lolo. Pupunta siya sa kamay ni Hesus mamaya para sumamba at magsindi ng kandila. Kailangan mong sumama sa kanya." bilin ni Dexter sa kanya.Sagrado katoliko ang matanda, kaya marami itong pinupuntahang mga simabahan.Nang hapong iyon, napilitan si Sapphire na sumakay sa sasakyan ni Dexter, at tahimik na nagpunta ang dalawa sa kanilang destinasyon kung saan naroroon ang matanda. Ilang oras din silang nagbiyahe.Maraming tao sa lugar na iyon, at nagsisiksikan ang mga tao. Puno ang lugar dahil mahal na araw."Lola, nasaan ka na po ngayon?" Tanong ni Sapphire habang tumatawag sa isang tahimik na sulok. Maingat siyang sumulyap kay Dexter, umaasang iwan siya nito at umakyat nang mag-isa. Ayaw
Napagtanto ang mga bagay na unconsciously niyang iniisip, bahagyang dumilat si Sapphire sa gulat, at pagkatapos ay napailing na lang habang bahagyang pinagtatawanan ang sarili. Bakit ba kasi parang nagkakagusto siya sa lalaking iyon?Bukod pa roon, malamang na tinatrato lang siya ng kanyang tito bilang bata, at ang masalimuot na kapalaran nila ni Dexter, na hindi madaling maresolba, ay matagal nang sumira sa kanyang kakayahang magmahal. Hindi niya kayang magmahal.Dahil dito, nagawa niyang mapanatili ang ganap na kalmado at kaliwanagan sa kabila ng nakakaakit na presensya ni Ezekiel. Subalit kapag nag iisa na siya at naaalala ang lalaki, hindi niya maiwasang maging masaya.Sa oras ng trabaho, muling bumalik si Sapphire sa sekretarya ni Dexter, ang teritoryo ni Emerald.Marahil ay nagbigay na ng abiso ang kanyang asawa, kaya nag-sick leave ng isang linggo ang kanyang kapatid simula ngayong araw. Sa wakas, hindi siya agad tinarget nito ngayong umaga.Habang palihim na tumitingin ang iba
Nasa kalagitnaan ng tahimik na gabi ang isip ni Sapphire nang marinig ang mababa at magnetikong boses ng lalaki: "Hindi ako makatulog." Gusto sana niyang umiwas nang maayos, ngunit tila naglaho ang mga salitang dapat niyang sabihin. Masyadong makamandag ang alindog ng lalaking ito at nababatu balani siya sa bawat bigkas ng salita nito. Isang manipis na kumot ang biglang bumagsak mula sa kung saan at binalot siya. Dumaan si Ezekiel sa harap niya, ang kanyang matangkad at payat na pigura ay puno ng awtoridad, "Sumunod ka sa akin." Kung hindi dahil kay Ezekiel, hinding-hindi malalaman ni Sapphire na may napakalaking game room na nakatago sa ilalim ng villa na iyon. Nang buksan ang mga ilaw, tumambad sa kanya ang iba't ibang arcade machines, dalawa rito ay mga collector’s edition na sikat noong bata pa siya. Tumigil siya sa harap ng isang racing machine at dahan-dahang hinaplos ang makinang na pulang shell nito. Napaisip siya habang inaalala ang pagkahilig niya sa ganitong klase ng l
Ilang daang metro ang layo sa driveway, bahagyang napahatsing si Sapphire.Lumingon si Ezekiel sa kanya, kinuha ang kanyang suit jacket at walang kahirap-hirap na paraan, at ipinatong ito sa mga balikat ng babae sa tulong ni Liam.Ang tela na may init mula sa katawan ng lalaki ay mainit at malambot, na lubos na kabaligtaran ng malamig at walang emosyon niyang ugali.Nahihiya si Sapphire na tumanggi sa harap ni Liam, kaya’t bahagya na lamang siyang tumango kay Ezekiel. Mahigpit niyang hinawakan ang mga lapel ng jacket gamit ang kanyang manipis at mahahabang daliri, sinisikap panatilihin ang init na iyon nang kaunti pang sandali.Hindi ipinakita ni Ezekiel na naapektuhan siya ng pasasalamat ni Sapphire, ngunit may bahagyang ngiti sa kanyang malalim na maiitim na mata na tila naglalaman ng hindi masambit na damdamin. Hindi siya sanay maglabas ng emosyon sa harapan ng ibang tao.Pagbalik sa pribadong tahanan niya, tinulungan ng babae ang masayang-masayang si Liam na maligo nang maayos at