Maya-maya, pumasok ang isang kasambahay na may dalang malilinis na damit. Dahil tila kalmado ang atmospera sa silid, kinuha niya ang isa sa mga bago at maayos na kamiseta at sinabi kay Sapphire bilang pagpapakitang-gilas. “Young Madam, nahulog po ito mula sa inyong bag noong isang araw. Nilabhan ko na po ito para sa inyo.” “Ano ang sinabi mo?” Biglang pinukpok ni Dexter ang mesa at tumayo, galit na galit, pakiramdam niya’y tila niyurakan ang lahat ng kanyang pagsisikap. Iniputan yata siya ng asawa niya sa ulo. Napatigil din si Sapphire at tinitigan ang kamiseta. Noon niya lang naalala na ito ang suot niyang kamiseta noong isang gabing pinatuloy siya ni Ezekiel sa bahay nito matapos siyang uminom. Bago siya umalis, lihim niyang kinuha ang kamisetang isinuot niya, balak sanang labhan muna ito bago isauli. Ngunit dahil sa dami ng mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw, hindi niya ito naasikaso at tuluyang nakalimutan. Hindi niya inasahan na mapupulot ito ng kanilang kasamba
Nais sanang magsalita ni Sapphire, subalit si Rico ay umawat sa kanya, "sandali.. ano ba ang nangyayaring ito? nais ko lang namang makipag meeting, bakit parang nag aaway kayo?" napapailing na sabi ni Rico, "Secretary Emerald, maaari bang iwanan mo muna kami ni Miss Del Mundo, mag uusap lang sana kami ng sarilinan?""Sige Mr. Robledo, aalis muna ako," Masayang tumingin si Emerald sa tasa ng kape na hawak ni Rico, at maingat na naglakad palayo habang suot ang mataas na takong.Bahagya niya pang sinulyapan si Sapphire."Anong tinitingin tingin mo?" pasupladang tanong nito sa kanya."Wala naman, nais lang kitang tingnan, masama ba?" nakangisi si Emerald kay Sapphire na parang nag iinis."Oo, masama, gusto mo, samain ka rin sakin? baka nakakalimutan mo ang insidente sa CR?"Naalala niya bigla ang mga alahas at ang pananakit nito sa kanya. Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.Nang isara ang pinto, sinadyang niyang ikandado iyon, at itinaboy ang ilang empleyado na nasa tabi ng kanyang opis
"Nais din naming makipaglapit sayo, Sapphire. Wag naman puro si tandang Jacob na lang ang pinapansin mo," nagtatawang sabi ng isa nilang kaharap na lalaki."Kalma lang, kalma lang. Hindi ko siya sasarilinin, grabe naman kayo. Ganoon na ba kamanyak ang tingin niyo sa akin?" napapailing na natatawa si Jacob sa dalawa.Ang lahat ng naroroon ay mga bihasang tao na matagal nang nasa kanilang mundo. Bagama’t opisyal na assistant lang si Sapphire na tumutulong sa mga kontrata, sa tamang pera at kapangyarihan, wala silang babaeng hindi makukuha. At marahil, iniisip nila na siya ay isa sa mga babaeng masisilaw ng salapi at yaman.Ramdam niya ang may pagnanasang tingin ng mga ito sa kanya, subalit nanatili siyang kalmado, at magalang. Ayaw niyang bastusin ang mga taong ito. "Sir Jacob, dahil maganda naman ang pakikitungo ko sa inyo, maaari bang irate mo ako ng mataas?"Pagkasabi niya nito, ang dating mainit at maayos na usapan ay biglang naging malamig.Ang ratings ay isang performance kung saa
"Ganun ba?" Bahagyang itinaas ni Sapphire ang kanyang baba, at ang mga mata niya ay parang mga karayom na tumutusok sa puso ni Dexter, "Kung lahat ng ginawa ko ay isang uri ng pagpapahiya sa sarili, iyon ay akin nang problema, bakit ka galit na galit? Wala ka ng pakialam don. Gawin mo ang ibig mo, gagawin ko ang nais ko, simple as that."Oo, hindi mahal ni Dexter si Sapphire. Bakit nga ba siya galit na galit?Hangga’t asawa niya ito, walang lalaking maaaring magkulong sa babaeng ito sa kanilang mga braso, dahil para sa kanya, pag aari niya ang asawa niya.Hindi niya matanggap na ibababa ni Sapphire ang kanyang mga mata at ngingitian ang ibang lalaki. Sa pag-iisip niya, ito’y simpleng pagiging possessive lamang. Wala itong kinalaman sa pagmamahal. Hindi niya ito mahal, at dahil lang iyon sa nakakabait sa babaeng ito ang kanyang pangalan. Subalit hindi naman alam ng nakararami na ito ay asawa niya.Nang maunawaan ito, naramdaman ni Dexter na mas kalmado na siya.Ngunit ang kanyang kat
"Huwag mo siyang alalahanin, nagpapanggap lang siya," sagot ni Liam.Naiinis si Liam dahil parang tanga ang kanilang kasambahay na mas inuna pang lapitan ang nagkukunwaring si Ara sa halip na tumawag ng doctor. Binilinan niya si Sapphire bago siya tuluyang umalis, "dito ka lang, alam ko kung saan nakatira ang family doctor, malapit lang iyon dito, tatawagin ko lang siya," saka nagmamadali siyang tumakbo palabas ng bahay."Huwag kang tumakbo, hindi naman ganoon kasakit." pahabol ni Sapphire sa bata.Habang pinapanood ang maliit na pigura na mabilis na nawala sa corridor, lumambot ang puso ni Sapphire para kay Liam.Paano niya magagawang tratuhin nang masama ang isang mabait at mahinahong bata?Sa pag-iisip na ito, dahan-dahang ibinalik ni Sapphire ang kanyang tingin at nagtama ang kanilang mga mata ng kasambahay, na tila nag-aalala na parang nakaharap sa isang malaking problema.Ngumiti siya nang may pag-unawa, "Tungkol sa ganitong eksenang, may ibinilin ba sayo si Dexter?""Opo, youn
Naging seryoso ang ekspresyon ni Sapphire ng makita iyon at dali-daling dumaan kay Dexter.Agad siyang lumapit, yumuko, at niyakap ang bata. Ang kanyang mga mata ay tila matatalas na kutsilyo. "Dexter, walanghiya ka!, kung sasaktan mo siya ulit, ipaglalaban ko ito hanggang kamatayan," aniya.Tinitigan niya ito na parang kaharap ang isang malaking kaaway, dahilan upang tumigil si Dexter at manigas sa kinalalagyan niya.Habang nakayuko, tinitingnan niya ang mahigpit na yakapan ng dalawa. Biglang sumagi sa isip niya kung paano kaya ang eksena ngayong araw kung hindi namatay ang anak nila limang taon na ang nakararaan.Sayang, ang mga namatay ay hindi na maibabalik pa. Nanghihinayang lang siya dahil lalaki ang batang iyon. Isa pa, marahil, hindi ganito ang kinahinatnan ng mga buhay nila.Pero sa kabutihang palad, alam niyang si Sapphire ay likas na may malambot na puso. Sa tingin niya, hangga't magsisikap si Ara na magpakitang-gilas at maging kaakit-akit sa harapan ng babae, hindi niya ma
Ang mga mata ni Ezekiel ay sandaling tumigil sa mukha ni Sapphire, bago siya humakbang papalapit kay Ara na nasa kama, sinusuri ang kanyang reaksyon mula sa itaas.Si Ara, sa kabila ng pagtangging gumalaw, ay pinagpapawisan ng malamig. Ang kanyang mga kamay at paa na nakatago sa ilalim ng kumot ay bahagyang nanginginig.Hindi ito tumigil hanggang halos maiyak na siya nang marahan nang alisin ni Ezekiel ang kanyang malalim na titig na parang bangin at nagsimulang maghanap.Dahil sa kanyang personal na ugali, bihira siyang magdala ng alahas. Sa pagkakataong iyon, kinuha niya nang walang pakundangan ang isang napakagandang tie clip at inilagay ito sa kanyang palad, itinutok iyon kay Ara.Sa ilalim ng marangyang liwanag ng kristal na lampara, ang liwanag na nagmumula sa diyamante ay sumilay sa nanginginig na pilikmata ni Ara.Bahagyang itinaas ni Ezekiel ang kilay habang nakangiti at sinadya pang tumingin kay Dexter. Sa mababa at magnetikong boses, sinabi niya, "Kung babangon na ngayon si
Ilang daang metro ang layo sa driveway, bahagyang napahatsing si Sapphire.Lumingon si Ezekiel sa kanya, kinuha ang kanyang suit jacket at walang kahirap-hirap na paraan, at ipinatong ito sa mga balikat ng babae sa tulong ni Liam.Ang tela na may init mula sa katawan ng lalaki ay mainit at malambot, na lubos na kabaligtaran ng malamig at walang emosyon niyang ugali.Nahihiya si Sapphire na tumanggi sa harap ni Liam, kaya’t bahagya na lamang siyang tumango kay Ezekiel. Mahigpit niyang hinawakan ang mga lapel ng jacket gamit ang kanyang manipis at mahahabang daliri, sinisikap panatilihin ang init na iyon nang kaunti pang sandali.Hindi ipinakita ni Ezekiel na naapektuhan siya ng pasasalamat ni Sapphire, ngunit may bahagyang ngiti sa kanyang malalim na maiitim na mata na tila naglalaman ng hindi masambit na damdamin. Hindi siya sanay maglabas ng emosyon sa harapan ng ibang tao.Pagbalik sa pribadong tahanan niya, tinulungan ng babae ang masayang-masayang si Liam na maligo nang maayos at
"Hindi sa hindi ako kumakain, wala lang talaga akong gana."Nakasandal sa upuan ng pasahero na may mabigat na damdamin, bahagyang kumurap ang mahahabang pilikmata ni Sapphire dahil sa labis na pagkakonsensiya, "At mukha lang akong payat, pero sa totoo lang malusog naman ako, kaya huwag kang mag-alala sa akin, tito."Pagkasabi nito, napagtanto ni Maureen na ito ang laging sinasabi niya para paikutin ang matanda kamakailan. Lagi niyang sinasabing maayos siya at malakas, kahit ang totoo ay hindi.Ngunit parang hindi naaangkop na gamitin ang mga salitang ito kay Ezekiel, lalo na't hindi niya alam kung talagang nag-aalala ang lalaki para sa kanya. Ang ganitong sagot ay parang masyadong nagpapaka-assume. Parang feeling niya, may malasakit ito sa kanya."Ah," bahagyang nahiya si Sapphire at ipinaliwanag ang sarili, "Hindi ko naman sinasabing nag-aalala ka sa akin tito.. wala ka namang.."Pinaibis ni Ezekiel ang sports car, tumingin sa unahan at dahan dahang binilisan ang pagpapatakbo, bahagy
Si Dexter ay napilitang alisin ang kanyang pagtatago at pagkukunwaring walang malay. May magulong ekspresyon sa kanyang mukha. Umupo siya at tumingin sa nakatatanda niyang tiyuhin, na bihirang magpakita ng emosyon, "Tito, paano mo nalaman?"Hindi siya nakapagsalita ng maraming araw, at ang kanyang boses ay tuyot at paos, na nagpapakita ng mga senyales ng paggaling mula sa isang matinding sakit.Hindi pinansin ni Ezekiel ang kanyang tanong at tiningnan siya nang mababa, "Paano ka ba inagrabyado ni Sapphire para pahirapan mo siya nang ganito? Anong naging kasalanan nung tao sayo? Bakit parang masaya kang nahihirapan siya?""Wala naman.." mahina niyang itinanggi iyon, "Tito, hindi ko lang talaga gustong mawala siya sa akin. Kung hindi dahil sa aksidenteng ito, baka talagang hindi na maibalik ang relasyon namin. Bak iwanan na niya ako ng tuluyan. Mahalaga siya sa akin.""Ang pagpapanggap na patay ay paraan mo para makuha siya ulit." Lalong tumindi ang kunot sa noo ni Ezekiel, "Hindi mo b
Matapos pindutin ang screen, isang piraso ng lokal na balita ang agad na tumambad sa kanyang mga mata."Isang babaeng turista sa kamay ni Hesus ang biglaang nawalan ng malay, at muntik nang magdulot ng trahedya ang kanyang asawa habang dinadala siya sa ospital. Mabuti na lamang at walang ibang masamang nangyari ng mga oras na iyon."Sa ilalim ng matapang at itim na pamagat, makikitaDexter na buhat-buhat siya at nagmamadali. Kahit ang mga turista sa paligid na hindi sanay kumuha ng mga litrato ay malinaw na nakita ang butil-butil na pawis sa noo ng lalaki, pati na rin ang hindi maitatagong pagkabalisa at tensyon sa kanyang mga mata.Simula nang makilala ni Sapphire si Dexter, hindi pa niya ito nakitang ganito kaatubili at wala sa kontrol, maliban na lamang limang taon na ang nakalilipas noong nasa bingit ng kamatayan si Emerald dahil sa kanyang pagkakatulak.Mula sa ilang salita ng reporter, bahagya niyang naimagine ang sitwasyon noong panahong iyon.Matarik ang hagdanan doon, at kaila
Matapos ang isang simpleng almusal sa ospital, si Ezekiel na mismo ang nagmaneho upang ihatid sina Sapphire at Liam sa kindergarten, nang walang kasamang driver.Dahil sa napakagandang hitsura ni Liam, malaki ang impluwensya niya sa kanilang paaralan. Pagkapasok pa lang niya, agad siyang naging sentro ng atensyon.Sa gitna ng mga batang nagkakagulo, ilang paslit na may mga galos sa mukha ang lumapit nang mayabang. Tumingin sila sa kotse na nasa sampung metro ang layo, gumawa ng mga nakakatawang mukha, at nang-asar, "Liam, siguradong ang tatay mo na naman ang dadalo sa parent-teacher meeting mo. Tama nga ako, wala ka talagang mommy!""Tama! Isa kang ligaw na bata na iniwan ng mommy mo. Kung mang-aaway ka ulit, hindi na kami magpapatawad."Biglang nawala ang magandang mood ni Liam sa umagang iyon. Tinitigan niya nang masama ang mga kaaway sa harapan niya, ngunit pinigilan ang sarili dahil ayaw niyang makipag-away sa harap ni Sapphire.Bago pa makakilos si Ezekiel, biglang bumukas ang p
Si Ezekiel ay nakatayo sa pintuan, tahimik na pinagmamasdan mula sa malayo sina Liam at Sapphire na nagiging malapit sa isa’t isa, habang may hindi maipaliwanag na emosyon sa kanyang mga mata. May bahid ligaya doon na hindi kayang itago kung titingnan sa malapitan.Pumikit ng bahagya si Liam, hinubad ang kanyang sapatos, at umakyat sa kama. Maingat at masunuring sumandal siya sa tabi ni Sapphire, at kinuha ang isang aklat ng mga kuwento mula sa kanyang bag, "Paano kung ikuwentuhan kita ng isang kwento? Ano ang gusto mong marinig, Sapphire?"Inangat ni Sapphire ang kanyang kamay at niyakap ang malambot at maliit na katawan ni Liam. Bahagyang nabasag ang kanyang boses, "Kahit ano ay okay. Basta ikaw ang magbabasa."Napakahina niya, nakakalungkot isipin na kailangan pa niyang asahan ang isang munting bata para muling makahanap ng lakas upang ipagpatuloy ang buhay. Malakas ang impact ng batang ito sa kanya. Ang mainit na balat ng bata ay parang gamot sa kanyang nanghihinang puso."Sige,
"Lola, huwag mo naman pong sabihin 'yan." saway ni Sapphire sa matanda.May luha rin sa mga mata ni Sapphire, at namumula ang kanyang mga mata habang kagat-labi siyang nagsalita, "Bata pa si Ara at hindi niya naiintindihan na ang ginagawa niyo lola ay para sa ikabubuti niya. Balang araw, mauunawaan din niya ang mga sakripisyo at pagsisikap niyo.""Sabi nga nila, makikita na ang ugali ng isang bata mula pa lang sa edad na tatlo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa batang ito. Bukod sa hindi siya kasing-bait mo noong bata ka, kahit noong bata pa si Dexter, hindi naman siya naging ganyan kasama. Hindi ko alam kung anong ugali meron kay Ara.." sagot ng matanda sa kanya.Malalim na napabuntong-hininga ang matandang babae, saka muling nagsalita "Sa huli, nais kong makakita pa ng apo sa tuhod na mas maayos at mahusay. Hindi iyong parang basta na lang lumaki. Kanino kaya nagmana ang batang iyon at ganoon katindi ang ugali.."Pagkasabi nito, agad na naintindihan ni Sapphire ang gustong ipar
Nang sinabi niya iyon kay Dexter, parang natauhan ang lalaki na totoo ang kanyang sinasabi.Ang tensyonadong atmospera kanina ay biglang naging kakaiba. Tumayo na si Sapphire at nagtangkang umalis, "kung wala ka ng nais pang sabihin, aalis na ko.""Sinabi ni Lola kaninang umaga na napanaginipan niya si Lolo. Pupunta siya sa kamay ni Hesus mamaya para sumamba at magsindi ng kandila. Kailangan mong sumama sa kanya." bilin ni Dexter sa kanya.Sagrado katoliko ang matanda, kaya marami itong pinupuntahang mga simabahan.Nang hapong iyon, napilitan si Sapphire na sumakay sa sasakyan ni Dexter, at tahimik na nagpunta ang dalawa sa kanilang destinasyon kung saan naroroon ang matanda. Ilang oras din silang nagbiyahe.Maraming tao sa lugar na iyon, at nagsisiksikan ang mga tao. Puno ang lugar dahil mahal na araw."Lola, nasaan ka na po ngayon?" Tanong ni Sapphire habang tumatawag sa isang tahimik na sulok. Maingat siyang sumulyap kay Dexter, umaasang iwan siya nito at umakyat nang mag-isa. Ayaw
Napagtanto ang mga bagay na unconsciously niyang iniisip, bahagyang dumilat si Sapphire sa gulat, at pagkatapos ay napailing na lang habang bahagyang pinagtatawanan ang sarili. Bakit ba kasi parang nagkakagusto siya sa lalaking iyon?Bukod pa roon, malamang na tinatrato lang siya ng kanyang tito bilang bata, at ang masalimuot na kapalaran nila ni Dexter, na hindi madaling maresolba, ay matagal nang sumira sa kanyang kakayahang magmahal. Hindi niya kayang magmahal.Dahil dito, nagawa niyang mapanatili ang ganap na kalmado at kaliwanagan sa kabila ng nakakaakit na presensya ni Ezekiel. Subalit kapag nag iisa na siya at naaalala ang lalaki, hindi niya maiwasang maging masaya.Sa oras ng trabaho, muling bumalik si Sapphire sa sekretarya ni Dexter, ang teritoryo ni Emerald.Marahil ay nagbigay na ng abiso ang kanyang asawa, kaya nag-sick leave ng isang linggo ang kanyang kapatid simula ngayong araw. Sa wakas, hindi siya agad tinarget nito ngayong umaga.Habang palihim na tumitingin ang iba
Nasa kalagitnaan ng tahimik na gabi ang isip ni Sapphire nang marinig ang mababa at magnetikong boses ng lalaki: "Hindi ako makatulog." Gusto sana niyang umiwas nang maayos, ngunit tila naglaho ang mga salitang dapat niyang sabihin. Masyadong makamandag ang alindog ng lalaking ito at nababatu balani siya sa bawat bigkas ng salita nito. Isang manipis na kumot ang biglang bumagsak mula sa kung saan at binalot siya. Dumaan si Ezekiel sa harap niya, ang kanyang matangkad at payat na pigura ay puno ng awtoridad, "Sumunod ka sa akin." Kung hindi dahil kay Ezekiel, hinding-hindi malalaman ni Sapphire na may napakalaking game room na nakatago sa ilalim ng villa na iyon. Nang buksan ang mga ilaw, tumambad sa kanya ang iba't ibang arcade machines, dalawa rito ay mga collector’s edition na sikat noong bata pa siya. Tumigil siya sa harap ng isang racing machine at dahan-dahang hinaplos ang makinang na pulang shell nito. Napaisip siya habang inaalala ang pagkahilig niya sa ganitong klase ng l