Share

16. Makipag date ka sakin

Author: Middle Child
last update Huling Na-update: 2024-12-12 22:07:15

Nais sanang parusahan ni Rico ang babaeng ito, sa paghahabi ng kwento, tungkol sa kanilang dalawa. Subalit nakita niyang tumatawa ang babae, kaya ang galit niya ay medyo humupa, saka naging mahinahon siya.

Noong gabing iyon, naranasan niya sa kauna unahang pagkakataon, na makakilala ng babaeng tulad nito, na mahinahon lang at hindi wild kagaya ng iba.

Kung hindi lang sinabi ng secretary ni Dexter ng araw na iyon na maging bastos sa babaeng ito, baka nagkunwari pa siyang maginoo sa harap ni Sapphire, kahit pa ang goal niya talaga sa babae at sex, at least mag uumpisa silang magdate, at sa tamang proseso sila dadaan.

"Hindi mo maaaring sabihing nagkasala ako. Aminin mo na wala akong ginawa sayo!" iyon lang naman ang kanyang nais, "isa pa.. anong relasyon mo kay Dexter?"

Biglang nahirapang huminga si Sapphire, parang nagkabikig ang kanyang lalamunan. At hindi maitago ang pagdalaw ng lungkot sa kanyang mga mata.

Maya maya pa, ngumisi siya, at patuya itong tinanong, "bakit? hindi niya ba s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   17. Asawa ka ni.. Dexter?

    Hinimas ni Rico ang kanyang baba, at iniisip kung saan ba niya nariinig ang pangalang Sapphire. Parang narinig na niya ito ngayon lang araw.Pagkalipas ng ilang minutong pag iisip, bigla na lang nanlaki ang kanyang mga mata, at nagmamadaling tumakbo palabas upang habulin ang babae. Wala na ito doon.Siya si Sapphire, ibig sabihin, siya ang asawa ni Dexter.----Pagdating ni Sapphire sa kwarto kung saan iyon ang sinabi ni Ezekiel, marami ng empleyado doon, dahil, siya ay nalate.Upang hindi mapagkamalang babaeng nagbebenta ng laman, o babaeng espiya ng ibang tao, at mahusgahan, minabuti niyang manatili sa labas ng koridor upang doon maghintay kay Ezekiel.Pitong minuto, bago ang itinakdang oras, bumukas ang pinto ng hallway, at agad niyang napansin ang dalawang bodyguard na naka escort sa isang lalaki upang safe na makarating sa pupuntahan nito.Tumayo siya agad upang makita siya ng kanyang tito Ezekiel, subalit bigla siyang nanigas ng makita kung sino ang kasunod nito.. si Dexter, na

    Huling Na-update : 2024-12-14
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   18. Pangarap na hindi natupad

    Kinuha ni Ezekiel ang takure at nagsalin ng kape sa kanilang mga tasa.Habang ginagawa niya iyon, narinig niya ang tinig ni Sapphire, "tito, sorry po."Natigilan siya saglit, at tiningnan ang babae, saka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa na parang walang nangyari.Ngumiti siya ng nakakaakit, na parang kapag tumingin ang mga babae sa kanya, ang mga ito ay mababatu- balani. Napakakisig niya, at malambing na nagsalita, "mahirap sumunod kay Dexter, Sapphire, mag iingat ka.." bulong niya dito.Matapos iyon, nagsalita siya, na pakinig na rin ni Dexter, "malapit ng magsimula ang auction, isama mo si Sapphire."Masaya si Dexter ng marinig ang sinabi ni Ezekiel, kaya ngumiti siya at tumugon na hindi man lang nag iisip, "okay tito," matapos magsalita, iniangat niya ang kanyang tasa sa kanyang harapan. Matapos iyon ay tumayo siya, at hinila ang asawa, na parang ayaw umalis na kasama siya.Pagkalabas nila ng opisina ni Ezekiel, agad niyang binitawan ang babae, saka siya humalukipkip, at tiningna

    Huling Na-update : 2024-12-15
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   19. Nagalit siya

    Nakatawag na ng attention ang nagpapasubasta. Naglabas siya ng mga items na maaaring ma bid. Ipinakita iyon sa mga guest. "Ang dahilan, kung bakit iyon ang aking inuna, ay sa kadahilanang, hindi iyon kasama sa ipapasubasta. Ang ipapasubasta namin, ay ang kopya o replika lamang ng alahas na iyon, na nagkakahalaga ng 750,000. Kung hindi professionals ang titingin, hindi malalaman kung ano ang kanilang ipinagkaiba. Malapit ng matapos sa pagsasalita ang auctioneer, ng bumulong ng malambing si Emerald kay Dexter. Nginisihan niya at parang inaasar si Sapphire sa anggulong hindi pansin ng lalaki, at ang kanyang tinig ay napakalamyos na parang hindi makabasag pinggan, "Dexter, gustong gusto ko ang alahas na iyon.." Sa itaas na bahagi ng auction room, sa mas mataas na anggulo, isang marangal at eleganteng lalaki ang nakatingin pababa sa eksena habang may hawak na baso ng alak sa isang kamay. Ang kanyang mga tampok sa mukha ay matikas ngunit malamig, at lalo siyang nagiging kaakit-akit kapa

    Huling Na-update : 2024-12-17
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   20. Baliw na babae

    Sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita, muling sumugod si Emerald sa kanya, pilit na inaagaw ang nakakainis na kahon ng alahas. Mabilis na iniwasan ni Sapphire ang atake nito, at sa tamang pagkakataon ay yumuko siya at tinamaan ng tuhod ang malambot na tiyan ng babae, dahilan upang bumagsak ito nang mabigat sa malamig na tiles ng banyo. "Emerald, baka hindi ko kayang talunin si Dexter, pero ikaw, napakadali mo palang talunin." saka siya tumawa ng may pangungutya. Naghihirap sa sakit mula sa pagbagsak si Emerald, hindi siya makapaniwala. Hindi pa siya nakaranas ng ganitong klaseng pasakit sa buong buhay niya, lalo na't ito'y mula mismo kay Sapphire na lagi niyang minamaliit. Agad namula ang kanyang mga mata sa galit, at muling sumugod. Ang dating maganda niyang mukha ay nabalot ng galit at pagkasira. "Sapphire, inuutusan kitang ibigay 'yan sa akin ngayon din! Wag mo ako g galitin! ako pa rin ang ate mo!" Hindi inasahan ni Sapphire na makakabangon ito nang ganoon kabilis. Nakita

    Huling Na-update : 2024-12-17
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   21. Ang kalituhan ni Dexter

    Si Sapphire ay lumunok nang may kaba sa kanyang dibdib bago niya maingat na tinawag si Ezekiel, "tito.."Ang lalaking nakatalikod sa kanya ay tumigil, at ang kanyang tono ay nanatiling kalmado, hindi nagbibigay ng anumang pahiwatig sa kanyang iniisip, "Bakit?" bahagya pang nangunot ang noo nito, na parang naghihintay ng isang magandang salita mula sa kanya."Pasensya na sa nangyari kahapon." Mahina ang tinig na iyon, subalit sapat na upang marinig nito. Labis ang pagkakonsensiya na nararamdaman niya. Hanggang maaari, ayaw niyang makasamaan ito ng loob. Hindi na baleng hindi sila nag uusap, subalit wag lang itong magagalit sa kanya.Buong determinasyong humingi siya ng tawad, mahigpit na ikinuyom niya ang kanyang mga kamao, tumakbo palapit kay Ezekiel, at tumingin nang diretso sa mga mata ng lalaki na para siyang basang sisiw na nag mamakaawa, "Alam kong ginagawa mo ito para sa ikabubuti ko. Pasensiya ka na talaga..""Sapphire, ito ang buhay mo, hindi mo kailangang humingi ng tawad pa

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   22. Hindi ang asawa ang nagregalo.

    Labis ang gulat ni Sapphire ng marinig si Dexter na ipinagtatanggol siya.Kung ito ay naganap, limang taon na ang nakakaraan, malamang, magtatalon pa siya sa tuwa at kilig. Subalit tapos na siya sa ganoong bahagi ng kanyang buhay..Limang taon na siyang nag umpisang magbago, at ngayon nga, siya ay isa ng ganap na manhid at wala ng bakas ng dating Sapphire..Sa gitna ng nakakabinging katahimikan, ngumiti si Ezekiel habang inoobserbahan ang reaksyon ng bawat isa. Pagkatapos, marahan niyang binuksan ang kahon, kinuha ang makinang na alahas mula rito, at pinindot ang isang lihim na mekanismo sa ilalim nito.Ang kanyang galaw ay kakaiba at agad na nakakuha ng atensyon ng tatlong tao. Ang kanyang mahahabang daliri ay mabilis na tinanggal ang base ng hiyas, saka binuksan ang isang pahina ng libro, at itinapat ang base sa liwanag ng araw.Nag-iba ang liwanag ng gem na iyon, at sa ilang kisap-mata, lumitaw ang dalawang salitang Ingles na "dg" na malinaw na naaninag sa pahina. Sa pinakamakapang

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   23. Ang makapal na mukha ng kanyang mga magulang

    "Makinig ka nga, Lola, kung may iba lang akong paraan, hindi ako lalapit sa'yo para humingi ng tulong."Sa kabilang panig ng marmol na mesa, iniunat ni Gaston Del Mundo, ama ni Sapphire, ang kanyang mga kamay, may kahalong awa at kawalang-hiyaan sa kanyang kilos, at maingat na sinabi sa matanda, "Mula nang mag-donate si Sapphire ng bone marrow sa matanda, hindi na naging maganda ang kalusugan niya. Gusto ng asawa ko na bigyan siya ng mga pampalakas, pero ang mahal kasi ng mga iyon..." Humigpit ang pagkakahawak ni Sapphire sa plato, at namula ang kanyang mukha sa kahihiyan.Ayos lang sana kung ang ama niya ang humihingi ng pera sa pamilya Briones, pero ginagamit pa niya ang pangalan niya.Kahit na hindi ito pinapansin ng matanda, kaya ba niyang tiisin na manood na lang habang patuloy na ginagamit ng pamilya niya ang utang na loob na ilang ulit nang naibalik ng pamilya Briones?"Tagapamahala, isulat sa tseke ang gaya ng dati." utos ng matanda.Pinaikot ng matanda ang Buddhist beads sa

    Huling Na-update : 2024-12-20
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   24. Pinuntahan si Liam

    Bitbit ang isang maliit na bag na may ilang nakakahiyang bagay, matagumpay na natagpuan ni Sapphire ang silid-aralan kung nasaan si Liam.Umalis na ang lahat ng ibang bata sa klase, tanging si Liam na lang ang naiwan doon, nakaupo nang malungkot sa kanyang upuan, nakapatong ang baba sa kanyang mga kamay, at hindi gumagalaw.Nang makita ang pasa sa maselang mukha ng bata, napangiwi siya dahil sa awa. Pinigil niya ang kanyang emosyon at mabilis na pumasok sa silid-aralan. “Liam, kumusta ka? Masakit ba?” nag aalala niyang tanong dito.“Sapphire!” Agad na napatingala si Liam sa kanya, at nagningning ang kanyang malalaking, maaalon na mata. Tumakbo ito palapit sa kanya gamit ang kanyang maiiksi at maliit na hakbang. “Hindi naman masakit! Bakit ka nandito?”Lumuhod nang bahagya si Sapphire at niyakap ang bata. Maingat niyang hinaplos ang bahagyang namumulang pisngi nito at mahinahong nagtanong, “Sabihin mo sa akin, bakit ka nakipag-away sa mga kaklase mo?”“Humph! Karapat-dapat lang silang

    Huling Na-update : 2024-12-20

Pinakabagong kabanata

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   39. Magsama tayong Muli

    "Lola, huwag mo naman pong sabihin 'yan." saway ni Sapphire sa matanda.May luha rin sa mga mata ni Sapphire, at namumula ang kanyang mga mata habang kagat-labi siyang nagsalita, "Bata pa si Ara at hindi niya naiintindihan na ang ginagawa niyo lola ay para sa ikabubuti niya. Balang araw, mauunawaan din niya ang mga sakripisyo at pagsisikap niyo.""Sabi nga nila, makikita na ang ugali ng isang bata mula pa lang sa edad na tatlo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa batang ito. Bukod sa hindi siya kasing-bait mo noong bata ka, kahit noong bata pa si Dexter, hindi naman siya naging ganyan kasama. Hindi ko alam kung anong ugali meron kay Ara.." sagot ng matanda sa kanya.Malalim na napabuntong-hininga ang matandang babae, saka muling nagsalita "Sa huli, nais kong makakita pa ng apo sa tuhod na mas maayos at mahusay. Hindi iyong parang basta na lang lumaki. Kanino kaya nagmana ang batang iyon at ganoon katindi ang ugali.."Pagkasabi nito, agad na naintindihan ni Sapphire ang gustong ipar

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   38. Ang pagpapahula

    Nang sinabi niya iyon kay Dexter, parang natauhan ang lalaki na totoo ang kanyang sinasabi.Ang tensyonadong atmospera kanina ay biglang naging kakaiba. Tumayo na si Sapphire at nagtangkang umalis, "kung wala ka ng nais pang sabihin, aalis na ko.""Sinabi ni Lola kaninang umaga na napanaginipan niya si Lolo. Pupunta siya sa kamay ni Hesus mamaya para sumamba at magsindi ng kandila. Kailangan mong sumama sa kanya." bilin ni Dexter sa kanya.Sagrado katoliko ang matanda, kaya marami itong pinupuntahang mga simabahan.Nang hapong iyon, napilitan si Sapphire na sumakay sa sasakyan ni Dexter, at tahimik na nagpunta ang dalawa sa kanilang destinasyon kung saan naroroon ang matanda. Ilang oras din silang nagbiyahe.Maraming tao sa lugar na iyon, at nagsisiksikan ang mga tao. Puno ang lugar dahil mahal na araw."Lola, nasaan ka na po ngayon?" Tanong ni Sapphire habang tumatawag sa isang tahimik na sulok. Maingat siyang sumulyap kay Dexter, umaasang iwan siya nito at umakyat nang mag-isa. Ayaw

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   37.Nagseselos si Dexter

    Napagtanto ang mga bagay na unconsciously niyang iniisip, bahagyang dumilat si Sapphire sa gulat, at pagkatapos ay napailing na lang habang bahagyang pinagtatawanan ang sarili. Bakit ba kasi parang nagkakagusto siya sa lalaking iyon?Bukod pa roon, malamang na tinatrato lang siya ng kanyang tito bilang bata, at ang masalimuot na kapalaran nila ni Dexter, na hindi madaling maresolba, ay matagal nang sumira sa kanyang kakayahang magmahal. Hindi niya kayang magmahal.Dahil dito, nagawa niyang mapanatili ang ganap na kalmado at kaliwanagan sa kabila ng nakakaakit na presensya ni Ezekiel. Subalit kapag nag iisa na siya at naaalala ang lalaki, hindi niya maiwasang maging masaya.Sa oras ng trabaho, muling bumalik si Sapphire sa sekretarya ni Dexter, ang teritoryo ni Emerald.Marahil ay nagbigay na ng abiso ang kanyang asawa, kaya nag-sick leave ng isang linggo ang kanyang kapatid simula ngayong araw. Sa wakas, hindi siya agad tinarget nito ngayong umaga.Habang palihim na tumitingin ang iba

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   36. Kilig to the bones si Sapphire

    Nasa kalagitnaan ng tahimik na gabi ang isip ni Sapphire nang marinig ang mababa at magnetikong boses ng lalaki: "Hindi ako makatulog."Gusto sana niyang umiwas nang maayos, ngunit tila naglaho ang mga salitang dapat niyang sabihin. Masyadong makamandag ang alindog ng lalaking ito at nababatu balani siya sa bawat bigkas ng salita nito.Isang manipis na kumot ang biglang bumagsak mula sa kung saan at binalot siya. Dumaan si Ezekiel sa harap niya, ang kanyang matangkad at payat na pigura ay puno ng awtoridad, "Sumunod ka sa akin."Kung hindi dahil kay Ezekiel, hinding-hindi malalaman ni Sapphire na may napakalaking game room na nakatago sa ilalim ng villa na iyon.Nang buksan ang mga ilaw, tumambad sa kanya ang iba't ibang arcade machines, dalawa rito ay mga collector’s edition na sikat noong bata pa siya.Tumigil siya sa harap ng isang racing machine at dahan-dahang hinaplos ang makinang na pulang shell nito. Napaisip siya habang inaalala ang pagkahilig niya sa ganitong klase ng laro

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   35. Ang kahilingan ni Liam

    Ilang daang metro ang layo sa driveway, bahagyang napahatsing si Sapphire.Lumingon si Ezekiel sa kanya, kinuha ang kanyang suit jacket at walang kahirap-hirap na paraan, at ipinatong ito sa mga balikat ng babae sa tulong ni Liam.Ang tela na may init mula sa katawan ng lalaki ay mainit at malambot, na lubos na kabaligtaran ng malamig at walang emosyon niyang ugali.Nahihiya si Sapphire na tumanggi sa harap ni Liam, kaya’t bahagya na lamang siyang tumango kay Ezekiel. Mahigpit niyang hinawakan ang mga lapel ng jacket gamit ang kanyang manipis at mahahabang daliri, sinisikap panatilihin ang init na iyon nang kaunti pang sandali.Hindi ipinakita ni Ezekiel na naapektuhan siya ng pasasalamat ni Sapphire, ngunit may bahagyang ngiti sa kanyang malalim na maiitim na mata na tila naglalaman ng hindi masambit na damdamin. Hindi siya sanay maglabas ng emosyon sa harapan ng ibang tao.Pagbalik sa pribadong tahanan niya, tinulungan ng babae ang masayang-masayang si Liam na maligo nang maayos at

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   34. Mapagkunwaring Bata

    Ang mga mata ni Ezekiel ay sandaling tumigil sa mukha ni Sapphire, bago siya humakbang papalapit kay Ara na nasa kama, sinusuri ang kanyang reaksyon mula sa itaas.Si Ara, sa kabila ng pagtangging gumalaw, ay pinagpapawisan ng malamig. Ang kanyang mga kamay at paa na nakatago sa ilalim ng kumot ay bahagyang nanginginig.Hindi ito tumigil hanggang halos maiyak na siya nang marahan nang alisin ni Ezekiel ang kanyang malalim na titig na parang bangin at nagsimulang maghanap.Dahil sa kanyang personal na ugali, bihira siyang magdala ng alahas. Sa pagkakataong iyon, kinuha niya nang walang pakundangan ang isang napakagandang tie clip at inilagay ito sa kanyang palad, itinutok iyon kay Ara.Sa ilalim ng marangyang liwanag ng kristal na lampara, ang liwanag na nagmumula sa diyamante ay sumilay sa nanginginig na pilikmata ni Ara.Bahagyang itinaas ni Ezekiel ang kilay habang nakangiti at sinadya pang tumingin kay Dexter. Sa mababa at magnetikong boses, sinabi niya, "Kung babangon na ngayon si

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   33. Ang babaeng makapal ang mukha

    Naging seryoso ang ekspresyon ni Sapphire ng makita iyon at dali-daling dumaan kay Dexter.Agad siyang lumapit, yumuko, at niyakap ang bata. Ang kanyang mga mata ay tila matatalas na kutsilyo. "Dexter, walanghiya ka!, kung sasaktan mo siya ulit, ipaglalaban ko ito hanggang kamatayan," aniya.Tinitigan niya ito na parang kaharap ang isang malaking kaaway, dahilan upang tumigil si Dexter at manigas sa kinalalagyan niya.Habang nakayuko, tinitingnan niya ang mahigpit na yakapan ng dalawa. Biglang sumagi sa isip niya kung paano kaya ang eksena ngayong araw kung hindi namatay ang anak nila limang taon na ang nakararaan.Sayang, ang mga namatay ay hindi na maibabalik pa. Nanghihinayang lang siya dahil lalaki ang batang iyon. Isa pa, marahil, hindi ganito ang kinahinatnan ng mga buhay nila.Pero sa kabutihang palad, alam niyang si Sapphire ay likas na may malambot na puso. Sa tingin niya, hangga't magsisikap si Ara na magpakitang-gilas at maging kaakit-akit sa harapan ng babae, hindi niya ma

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   32. Ang napunit na sugat

    "Huwag mo siyang alalahanin, nagpapanggap lang siya," sagot ni Liam.Naiinis si Liam dahil parang tanga ang kanilang kasambahay na mas inuna pang lapitan ang nagkukunwaring si Ara sa halip na tumawag ng doctor. Binilinan niya si Sapphire bago siya tuluyang umalis, "dito ka lang, alam ko kung saan nakatira ang family doctor, malapit lang iyon dito, tatawagin ko lang siya," saka nagmamadali siyang tumakbo palabas ng bahay."Huwag kang tumakbo, hindi naman ganoon kasakit." pahabol ni Sapphire sa bata.Habang pinapanood ang maliit na pigura na mabilis na nawala sa corridor, lumambot ang puso ni Sapphire para kay Liam.Paano niya magagawang tratuhin nang masama ang isang mabait at mahinahong bata?Sa pag-iisip na ito, dahan-dahang ibinalik ni Sapphire ang kanyang tingin at nagtama ang kanilang mga mata ng kasambahay, na tila nag-aalala na parang nakaharap sa isang malaking problema.Ngumiti siya nang may pag-unawa, "Tungkol sa ganitong eksenang, may ibinilin ba sayo si Dexter?""Opo, youn

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   31. Ang bastos na bata.

    "Ganun ba?" Bahagyang itinaas ni Sapphire ang kanyang baba, at ang mga mata niya ay parang mga karayom na tumutusok sa puso ni Dexter, "Kung lahat ng ginawa ko ay isang uri ng pagpapahiya sa sarili, iyon ay akin nang problema, bakit ka galit na galit? Wala ka ng pakialam don. Gawin mo ang ibig mo, gagawin ko ang nais ko, simple as that."Oo, hindi mahal ni Dexter si Sapphire. Bakit nga ba siya galit na galit?Hangga’t asawa niya ito, walang lalaking maaaring magkulong sa babaeng ito sa kanilang mga braso, dahil para sa kanya, pag aari niya ang asawa niya.Hindi niya matanggap na ibababa ni Sapphire ang kanyang mga mata at ngingitian ang ibang lalaki. Sa pag-iisip niya, ito’y simpleng pagiging possessive lamang. Wala itong kinalaman sa pagmamahal. Hindi niya ito mahal, at dahil lang iyon sa nakakabait sa babaeng ito ang kanyang pangalan. Subalit hindi naman alam ng nakararami na ito ay asawa niya.Nang maunawaan ito, naramdaman ni Dexter na mas kalmado na siya.Ngunit ang kanyang kat

DMCA.com Protection Status