Share

Chapter 1

"Mom?" mahinang tawag ng batang 5 years old na Celina sa kaniyang Ina. Bumaba ang bata sa kaniyang kama at lumabas ng kaniyang kwarto. Napatigil siya sa paglalakad dahil natatakot siya sa dilim. Wala kasing bukas na ilaw kaya sobrang dilim ng bahay nila.

Dahan-dahan siya sa paglalakad papunta sa kwarto ng kaniyang magulang. Nang bubuksan niya na ang pintuan, ay narinig niya ang malakas na sigaw ng kaniyang ina sa loob ng kwarto.

"Recardo! Buksan mo ang mga mata mo parang awa mo na!" sigaw nang sigaw ang kaniyang ina na imulat ng lalaki ang kaniyang mga mata. Kanina pa rin umiiyak ang ina niya at hindi ito tumitigil.

Unang beses niya pa lang makita na umiiyak ang nanay niya, pero hindi niya inakala na iiyak ito ng malakas at nanginginig.

Nakita ni Celina na nakahilata ang kaniyang ama sa sahig at ang ina niya na nakaluhod sa gilid ng kaniyang ama. Naliligo sa sariling dugo ng tatay niya ang tatay niya kaya napaatras siya sa takot.

"Celina! Isarado mo ang pintuan. Pumunta ka sa kwarto mo!" Hindi naririnig ni Celina ang sigaw ng kaniyang ina dahil nakatuon lang ito sa patay niyang ama. Napansin naman ni Celina na hindi siya susundin ng kaniyang anak. Kaya tumayo siya at pumunta sa harap ng kaniyang anak.

"Makinig ka sa akin, Celina. Pumunta ka sa kwarto mo at hintayin mo ako roon. Pupuntahan kita mamaya." Puno ng dugo ang damit at kamay ng kaniyang ina. Kaya nang hawak siya ng ina niya sa pisngi, ay napahidan din siya ng dugo. "Magiging ok din ang lahat. Tandaan mo, mahal na mahal ka ni Daddy mo."

Pagkatapos sabihin iyon ng kaniyang ina, ay agad siya nitong sinaraduhan ng pinto at iniwan sa labas ng kwarto kung saan napakadilim ng paligid.

Kitang-kita niya ang ilaw sa ilalim ng pintuan ng magulang niya at dahil doon nagkaroon ng trauma si Celina. Nagkaroon ng trauma si Celina sa dilim simula noong nakita niyang patay na ang kaniyang ama.

Pero paano namatay ang kaniyang ama?

Thirteen years later*

"Mom, kailangan ba talagang sumama ako sa inyo? Hindi ba pwedeng dito na lang ako tumira?" tanong ni Celina sa kaniyang ina na nag-iimpake ng kanilang mga gamit para makalipat sila sa kanilang bagong tahanan.

Pinipilit ni Celina si Cecilia ang kaniyang ina na huwag siyang isama dahil hindi naman sila close ng pangalawang asawa ng ina niya. Magiging awkward lang para sa kanila kung sasama siya.

"Manahimik ka, Celina. Sa ayaw o sa gusto mo, sasama ka sa akin. Hindi kita pwedeng iwan dito dahil eighteen years old ka pa lang. Saka hinihintay tayo ng Uncle Mexion mo sa bahay nila. Kaya tapusin mo na ang pag-iimpake mo para makaalis na tayo agad dito." Napabuntong hininga na lang si Celina at agad na umakyat papunta sa kaniyang kwarto.

Nang makapasok siya roon, ay kinuha niya ang kaniyang maleta at nagsimula nang mag-impake.

"Bakit ko ba kailangan sumama? Pwede naman dito na lang ako tumira. Hindi ko rin naman kailangan ng tulong ng iba para mabuhay," inis na sabi ni Celina sa kaniyang sarili.

Lahat ng damit na makita niya, ay inilagay niya sa maleta. Kaunti lang din naman ang mga damit niya dahil hindi naman siya mahilig bumili ng mga damit para sa sarili niya.

Habang nag-iimpake, ay biglang tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya kung sino ang tumatawag, at nang makita niya ang pangalan na Jasmin, ay agad niya itong sinagot.

[So, ang daming nagsasabi na lilipat na daw kayo ng bahay. Totoo ba 'yun?]

"Oo, ayaw kong lumipat, pero wala naman akong choice."

[I can't believe it. Hindi ka masaya na lilipat na kayo? Hindi ba gusto mo nang makaalis sa impyerno niyong bahay? Palagi mong sinasabi sa akin na makikitira ka sa bahay namin dahil ayaw niyo sa bahay niyo. Ano namang nangyare? Bakit ayaw mo nang umalis diyan?]

"Hindi ko kilala ang step-dad ko at mas lalong hindi kami close. Kaya maawkward lang ako sa bahay nila. Hindi ko nga alam kung anong klaseng pamilya ang napang-asawa ng nanay ko."

[Sundin mo na lang ang nanay mo dahil ngayon na lang ulit siya naging masaya.]

Tama naman ang sinabi ng kaibigan niya. Simula noong namatay ang tayay niya, ay hindi na nakikitang sumaya ang ina niya. Ngingiti man ito, pero alam ni Celina na hindi ito totoo.

Madami na ang nangyare at problema sa kanilang mag-ina, pero kinakaya nila para lang malampasan ito. Ang daming pagsubok, pero lumalaban sila na hindi naghihiwalay sa isa't isa.

[Nandyan ka pa ba?]

"Yes."

[Anong gagawin mo ngayong bakasyon?]

"Nakakalimutan mo na ba agad? Lilipat na kami ng bahay hindi ba? Masyadong malayo, kaya for sure pati school lilipat ako."

[Paano 'yan? Paano ako?]

"Ano ba ang sinasabi mo? Hindi naman ako papayag na lumipat ako. Kaya huwag ka mag-alala."

[Good, tawagan mo ako kapag lilipat na kayo.]

"Yes, don't worry."

Pagkababa ng phone ni Celina, ay agad na ulit siyang nag-umpisa sa pag-iimpake.

Susundin niya na lang ang nanay niya, dahil iyon ang paraan para maging masaya ito. Kahit mahirap sa kaniya ang umalis sa lugar nila, ay kailangan niyang gawin. Para sa kasiyahan ng nanay niya.

"Ang tagal mo naman? Bilisan mo dahil kailangan na natin umalis. Nandyan na ang sasaktan ng Uncle Mexion mo," pagkatapos sabihin iyon ng nanay niya, ay agad namang isinara ni Celina ang maleta niya at iginulong ito papunta sa labas kung nasaan ang kotse.

Isang Mercedes Benz na kulay itim ang bumungad sa kaniya.

"Good morning, Mam. Ako na po ang bahala sa maleta niyo. Sumakay na po kayo sa loob," sabi ng lalaki na lumapit sa kaniya. Nakaformal itong damit at meron din itong suot sa kaniyang kanang tenga na tube headset earphones.

Hindi niya alam na mayaman pala ang mapapang-asawa ng kaniyang nanay, pero kahit mahirap naman ito, ay ok lang sa kaniya. Ang mahalaga, masaya ang nanay niya.

"Handa na kami para umalis." Nang makapasok si Celina sa loob ng sasakyan, ay agad na narinig niya ang lalaking driver na may kausap.

"Yes, Sir." Nang makasakay ang isang lalaki sa harapan ng sasakyan, ay agad na umandar ang kotse.

Mahabaang byahe ito, at kung saan man sila titira, ay sana mabuti ang pamilya nito at tanggapin sila ng kaniyang ina.

"Sigurado ako na magugustuhan mo ang bago mong pamilya, pero sana huwag ka masyadong malapit sa kanila. Sila ang bago mong pamilya at dapat mo silang respetuhin." Napabuntong hininga na lang si Celina at tumingin sa bintana.

Kung sino man ang magiging tatay niya, ay sana kasing bait ito ng tatay niya. Kahit magkaron siya ng bagong ama, ay wala pa ring tatalo sa totoo niyang ama.

"Alam kong hindi mo pa natatanggap na ikakasal na ako, pero kailangan mong magising sa katotohanan na magkaka-asawa na ako at magkakatatay ka na ulit. Hindi ba ito ang gusto mo? Kaya bakit hindi ka masaya?" Tinignan ni Celina ang nanay niya at nginitian ito.

"Masaya ako para sa'yo, Mom. Hindi lang ako talaga sanay na may bagong tatay dahil hindi ko pa tanggap ang pagkamatay ni Daddy. Huwag ka mag-alala, Mom. Balang araw masasanay din ako. Hindi lang sa ngayon." Ayaw pilitin ni Celina na maging masaya, dahil hindi naman talaga siya sasaya.

Masaya na silang dalawa ng nanay niya tapos biglang may dadating na naman na lalaki sa buhay nila.

Ilang beses na rin kasing sumubok ang nanay niya na magmahal ulit, pero palagi itong nabibigo. Palagi itong nakakahanap ng lalaking sinasaktan siya. Kaya ngayon na nakahanap siya ng lalaking katulad ng asawa niya ay agad siyang nagpakasal kay Mexion Montanelli.

Totoo masaya siya para sa nanay niya, pero hindi pa rin niya makalimutan ang mga luha na lumalabas sa mga mata ng nanay niya sa tuwing nakikipaghiwalay ang kasintahan ng nanay niya sa kaniya. Iyon ang ikinatatakot ni Celina, na iwan ulit ang nanay niya ng isang lalaki.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status