Maaga akong nagising, ang sarap ng tulog ko. Pakiramdam ko kumpleto ang tulog ko at nakapagpahinga ako ng tama. Matapos kong gawin ang morning ritwals ko ay bumaba na ako para kumain at pumasok sa office.“Goodmorning.” Halos matulos na ako sa pagkakahakbang ko ng marinig ko ang boses ni Miguel. Kumunot naman ang nook o habang papalapit siya sa akin. “Anong ginagawa mo ng ganito kaaga?” bumeso naman siya sa akin, sinalubong ko naman ito.“Gusto kong mag-breatfast dito.” Hinawakan niya ang kamay ko papasok sa loob ng dining area. “Wow, ang saya ng awra ah. Ano bang meron?”tanong ko sa kaniya.“Wala naman. Masarap daw ang pagkain ngayon dito e.” hinila niya ang upuan at inalalayan akong umupo.“Sino naman ang maysabi sa iyo?” taking tanong ko.“Bayaaaw!” bago pa man siya makasagot ay lumabas na si Ken, papasok siya dito sa dining area.“Anong ginagawa mo dito?” may hand gesture pa silang ginagawa na parang sobrang close talaga nila.“Kunwari ka pa. Maupo ka na at kumain. Kayong dalawa l
“Lunch tayo? Anong oras break mo?” basa ko sa text ni Miguel.Hindi naman ako nagreply dahil hindi ko binuksan ang message niya. Binasa ko lang ito mula sa naka-lock kong cellphone. Madami kasi akong kailangan I-check na Finance budget at mga everyday sales. Inu-audith ko lang dahil medyo matagal din akong nawala. May trust issue talaga ako at hindi ako basta nagtitiwala sa audith ni Raven. Don’t get me wrong. Matalino si Raven ako lang ang may problema sa utak. Hahaha“May sundo ka!” ngumuso pa si Raven sa direksyon ng taong naghihintay sa akin sa pinto.“Lunch? Mukhang busy ka e. Dinala ko na lang ang lunch dito.” Inangat pa niya ang paper bag na dala niya.“Pasok. Medyo nga lang. Ikaw ah, mukhang hindi ka-busy. Pag hindi maayos ang trabaho mo, sasabihin ko talaga kay ate May na pagalitan ka at wag bigyan ng special treatment.” Naglakad kami papasok sa maliit na pantry dito sa loob ng Office.“Veeen! Halika sumabay ka ng kumain.” Alok ko kay Raven. Sa loob ng room na ito ay dalawa l
"Sige na, Mauna na kayo. Ayos lang ako. Tatapusin ko lang ito at uuwi din naman ako. Wag ka ng magaalala sa akin." Paninigurado sa akin ni Raven. Kanina pa kasi naghihintay sa labas ng office si Miguel, hindi naman ako makaalis dahil nagaalala ako kay Raven. Alam kong malakas siyang babae, alam kong hindi lang ito ang unang na-broken siya. " Sigurado ka? Pwede ka naman namin isama ni Migue kung saan kami pupunta e." Pang limang aya ko na sa kaniya ito. Tumayo siya, lumakad at sumandal sa balikat ko. "Ayoko maging thirdwheel. Alam kong nagaalala ka sa akin pero ayos lang talaga ako. Hindi mo kailangan magalala. Isa pa may plano na ako, aattend ako ng kasal para magkaroon kami ng closure. For me to move on. Samahan mo'ko! " Humarap siya sa akin at tinaas-taas pa niya ang kilay. Ngumuso naman ako at kunwari nagiisip. " Kausapin ko si Miguel. Kung papayag siya magiging first travel namin iyon as couple." Kumalas naman siya sa pagkakahawak sa braso ko at naupo ulit. "Wag mo na akong s
"Ms. Aira, may gusto pong kumausap sa inyo." Katok ng isang employee namin. Ako lang ang nandito sa office namin ni Raven. Hindi siya pumasok pero nagmessage naman ako sa kaniya na magpahinga lang siya, ako na muna ang bahala dito. "Ah. Sino daw?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kaniya. " Ako!" Nagulat ako sa boses na pamilyar kaya agad kong tiningnan ito. Nakita ko ang lalaking dahilan ng lahat. Ang lalaking gahaman at ganid sa pangyarihan. Kinabahan ako pero nilabanan ko ito agad. Ayokong makita niyang natatakot pa din ako sa kaniya, makalipas ang halos isang taon. "Maiwan mo na kami Mau. Paki-lock ng pinto. Salamat" Agad naman umalis at tulad ng sinabi ko ni-lock nga niya ang pinto. " Anong dahilan bakit napasadya ka dito?" Walang galang kong tanong. Mula noong araw na pinagbantaan niya ako nawala na lahat ng paggalang at respeto ko sa kaniya kahit pa siya ang ama ni Miguel. Si Mr. Martin Santiago ang nasa harapan ko ngayon. "Nabalitaan kong kayo na naman pala ng anak ko. H
"Nakapagleave ka na ba?" Tanong ko kay Miguel. " Hindi pa. Kailangan approval ng ate mo, mukhang mahihirapan ako dahil sumabay si Ken mag file." Kinuha niya ang kamay ko at tumingin sa akin. "Kung sakali man na hindi ako payagan, papasamahin ko si Mama. Alam mo naman na kailangan kong pagtrabahuhan tiwala ng ate mo. " tumango naman ako. "Nakakalungkot lang, akala ko first travel natin together. Although kasama sila" Tukoy ko kay Raven at Ken. "Well, hindi naman ito ang unang lipad namin dahil- ah wala hayaan mo na. Basta naimagine ko na, ikaw ang katabi ko sa eroplano. Matutulog sa balikat mo at sabay tayong makikinig ng music sa iisang headset. Simple di ba? Pero ang sweet no'n." Nakatingin pa ako sa malayo habang inaalala. " Umaasa na lang tayo na payagan ng ate mo. Ilang days ba tayo doon?" "Depende kay Raven. Kung kailangan niyang umuwi agad, kailangan natin siyang samahan. Sana naiintindihan mo iyon. Mahalagang tao na sa akin si Raven. Handa akong samahan siya sa kung anong p
"Ah. Ganoon po ba? Magpapaalam po muna ako kay Mom and Dad. Kung papayag po sila makakarating ako ngunit kung hindi, wala na po akong magagawa. Siguro naman po ay mauunaaaan niyo ako. Maraming salamat po sa imbitasyon." Magalang kong sagot sa aking Ina. " Oo naman. Nauunawaan ko. Gusto ko lang nama na formal ipakilala ang mga anak ko sa isa't isa. Pasensya ka na din kung hinihingi ko sa iyo ang ganitong bagay" Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa mata ko.Kita ko ang sinsiridad sa mata niya at wala akong karapatan na husgahan siya. Ang nais niya lang naman ay magkakilala ang mga anak niya ng maayos. "Salamat sa pagpunta mo dito. Malaking bagay na napatawad mo ako. Pasensya na sa lahat-lahat anak. Alam kong huli na pero hayaan mo akong bumawi sa iyo. Kung ano man ang lahat nv kailangan mo nandito ako handang tumulong" Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon.Nakauwi na siya galing DUBAI. Ang kwento niya doon siya nagapply bilang DH hanggang sa nakilala niya ang pinoy businesman
"San si Daddy? Nagpagamot na daw ba siya?" Tanong ko kay Meriam na naabutan ko sa sala. "Ewan!" "Kahit kailan ka talaga." Inis kong sabi sa kaniya. Agad akong bumalik sa taas para silipin siya. Bago ko madaanan ang opisina niya, nadaanan ko muna ang kwarto nila Ate Shane at Kuya Jan. Nakita kong nakabukas ito kaya sisilip sana ako. " Walang nangyari sa amin! Bakit ba hindi ka maniwala sa akin. Ako ang asawa mo!" Paliwanag ni kuya Jan kay ate Shane. Nakaupo si kuya sa dulo ng kama habang may kinukuhang gamit sa kabinet si ate Shane. "Hindi ako tanga. Alam ko ang nakita ko. Wag mo ng dagdagan ang kasinungalingan mo." Binato pa ni ate ang mga damit na nakuha niya sa nakabukas na maleta sa sahig. Nagsisigawan silang dalawa kaya hinanap ng mata ko ang bata. Umiiyak ang bata na nasa krib. Hindi na ako nakapigil dahil mukhang wala silang balak asikasuhin ang batang umiiyak sa tabi nila. Ni-hindi nga nilang napansin na buhat ko na ang bata. " Hindi ko alam ang nangyayari. Ayoko din m
“Sure ka bang pwede akong sumama? Baka naman nakakahiya.” Nagaalangang tanong ni Miguel sa akin.Nasa sasakyan na kasi kami patungo sa restaurant na bi-nook ni mama para sa amin. Pumayag naman sila Dad na makipagkita ako sa kanila.“Wala akong kakilala doon, baka ma-out of place lang ako kung sakali man magisa lang ako. Mabilis kaming nakarating at natanaw ko naman agad si Mama mula sa labas. Agad akong pumasok at nakipagbeso. “Hello po. Alam ko naman na magkakilala na po kayo pero ipapakilala ko po kayo ng formal. Si Miguel po ang boyfriend ko, si Mama ang tunay kong ina.” Nakangiti kong pagpapakilala sa kanila. Nakipagbeso naman sila sa isa’t isa.“Nasaan po pala ang mga anak niyo?” tanong ko habang umuupo. Hinila din ni Miguel ang upuan katabi ko. “NagCR lang sila sandali, Oh! Ayan na pala sila.” Lumingon kami pareho ni Miguel sag awing itinuro ni Mama.Nakita ko ang dalawang babae na sobrang gaganda. “Ang tagal niyo. Kanina ko pa kayo hinihintay. Nandito na pala si Aira, ang ate ni
Miguel’s Point of View Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya na pumayag si Aira na magpakasal sa akin ngunit hindi kami maikakasal ngayong taon. Ang gusto kasi ng parents niya ay engrandeng kasalan. Isa din kasi iyon selebrasyon ng merging ng dalawang malaking company. Ang Villanueva Group of Company at ang Santiago Enterprise. Anong magagawa ko kung sa iyon ang nais nila. Isa pa ayaw nilang maging negative ang maging comment ng mga tao sa kasalan namin dahil sa pinost ni Abby ng kasal namin dalawa. Makukuha no’n ang atensyon ng tao kaysa sa kasal namin. “Wag ka nang malungkot dyan! Ikakasal din naman tayo, hindi ngayon pero sigurado akong ikakasal ako sa iyo lang at walang iba.” Aira cheered me. Ngumiti naman ako sa kaniya. “Basta sa akin ka lang huh? Sa aking ka lang magpapakasal ah. Walang iba?” Paninigurado ko sa kaniya. Tinaas naman niya ang kamay niyang may singsing. “This is not a simple ring. This was a promise ring, this symbolize our promise wedding.” Hinali
Miguel's point of View Aira and I was lying on my bed. Nakahiga siya sa braso ko habang hinahaplos ko ang mga buhok niya. This feelings i never imagine that happened again. Hindi ko akalain na darating kaming muli sa puntong ito ng buhay namin. Kaming dalawa muli ang magkasama at hindi iniisip ang ibang problema. Siguro sasabihin ng iba masyadong tipikal ang naging relasyon naming dalawa. Mula sa hindi magkasundong pamilya, produkto ng broken family at anak kami pareho sa labas ng aming Ama pero hindi iyon naging hadlang. Naging daan pa ito na mas lalo namin maunawaan ang isa't isa. "Ilang anak ang gusto mo?" Aira's asked me while looking at me. Ngumiti ako sa kaniya at pawang nagisip. "I want more than 4 i think. Gusto ko madami sila, ayoko maranasan nila ang magisa at walang kalaro gusto ko ang bestfriend nila ang isa't isa." Masaya kong sagot. Sumimangot naman siya na kinataas ng kilay ko. " I told you already na ayoko magkaroon ng madaming anak. Bukod sa hindi ako siguradong
Miguel Point of ViewMasaya akong umuwi sa bahay ng maihatid ko si Abby sa isang facility. Ang anak naman niya ay dinala ko sa mama niya. Hindi ko pinaalam kay Aira ang nangyayari dahil gusto ko siyang surpresahin. Nagulat si Tita ng dumatinf akong dala ang anak ni Abby. Akala nila itinakas ko kaya agad nila itong pinuntahan sa doon. Sobrang pasasalamat ni tita dahil sa wakas natauhan ang anak niya. Sa wakas pinili nitong maging okay ang sarili at magpalaya ng tao. Kahit medyo mahirap ang nangyayari laging pasalamat ko na sa wakas ay natapos din. Sa ngayon ang kailangan ko na lang asikasuhin ay ang company ni Daddy. Hindi ko alam ang nangyayari sa loob ng pamilya niya. Ang tanging sinabi sa akin ni Cheska ang madalas pagaaway ni Daddy at ng Mommy niya na kahit siya hindi alam ang rason. Lahat inihanda ni Dad bago siya sumuko sa mga pulis. Naihanda din ang paglipat sa pangalan ko ng mg shares niya. Mayroon ding shares ang naiwan kay Cheska. Ang mga buildings, farms at small business
Miguel Ice's Point of View "Mamaya mo na iyan ituloy, kumain ka na muna." Pasok ni Abby dito sa office ko sa bahay niya. Hindi ko gusto pero para sa ikakatahimik ng isip ng mama ko ginawa ko ang gusto niya. Malambot ang puso ni Mama lalo na sa mga anak na nagmamakaawa. "Busog pa ako." Simula ng tumira ako dito, ni hindi ko man lang siya nagawang tingnan. Nahahawakan niya ako pero gustong-gusto ko siya itulak para palayuin ngunit hindi ko magawa dahil sa awa. Maayos siya pag nandito sa bahay, maasikaso at nakakapagalaga ng anak niya. Kung noon tuwang tuwa akong makipaglaro sa anak niya. Tito-daddy pa nga ang pagpapakilala niya sa akin. Masaya akong makipaglaro sa bata pero noong pinakasalan ko siya dahil sa pananakot niya nawala ang amor nilang magina sa akin. Sabihin na natin na dapat hindi idamay ang bata pero siya ang malaking dahilan bakit pumayag at nagmakaaawa sa akin si Mama. " Hanggang kailan ka ba ganito? Asawa mo ako pero parang tauhan lang ako sa posporo kung ituring mo
Aira Jane’s Point of ViewMatapos ang nangyari sa amin ni Miguel ay wala na kaming sunod na pagkikita. Umalis ako ng gabing iyon habang natutulog siya, hindi na din ako nagpaalam pa kay Mama.“Paano kung malaman ng half-sister mo iyan? Mas magkakagulo lang Aira!” anya ni Raven sa akin. Masakit ang ulo ko ng pumasok ako, ang hirap din pala magpanggap na ayos lang ang lahat.“Paano naman niya malalaman kung walang magsasabi sa kaniya? Malamang hindi rin sasabihin ‘yon ni Miguel.” Wika ko habang nakasapo ang ulo kong nakapatong sa lamesa.“Ay nako! Hindi ka na talaga nadala! Kung hindi mo naman ipaglalaban si Miguel edi sana hindi ka nagpapadala dyan sa damdamin mo. Ang unfair mo sa totoo lang.”“Bakit ako? Bakit ako pa ngayon ang unfair? Hindi ba siya?” gulat kong tanong sa kaniya.“Tsk.” Napairap na lang si Raven ng hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.“Imagine, tinanggap mo lang mga paliwanag nila without saying what’s inside you! Sa tingin mo ba tama iyon? Sa tingin mo ba h
Aira Jane’s Point of ViewHindi ako nauwi sa mansion. Hindi naman nila ako hahanapin. Dito ako matutulong sa bahay ni Mama. Wala naman siyang kasama, isa pa napagod kaming dalawa na mag-shopping at gumala sa mall. 11pm na ng kami ay nakauwi.“Hays, ito ang pangatlong araw ko sa kwarto na ito, pangalawang beses ko matutulog dito.” Bulong ko sa sarili ko ng sumalampak ako sa malambot na kami.“Aira, iha?” katok ni Mama sa pinto ng kwarto. Bumangon naman ako pero nakapasok na si Mama sa loob ng kwarto. “Gusto ko lang malaman kung kakain ka pa ba? Kasi kung oo ipagluluto kita. Ano bang gusto mo? Uuwi kasi si Miguel dito kaya nagluto ako ng sabaw, lasing nung tumawag e.” napabalikwas naman ako.“Ma, pwede bang umuwi ako?” tanong ni Mama.“Bakit? Iniiwasan mo ba si Miguel.” Bigla akong natameme sa tanong ni Mama. Hindi ko alam pero hindi ko kasi kayang makasama si Miguel ng may ibang tao na nakakita. Pakiramdam ko kasi ginagamit naming sila ni Miguel para lukuhin si Abby, which is I don’t w
Aira Jane’s Point of View“A-anong oras na?” rinig kong tanong ni Miguel.“Hapon na, magala-singko na. Kamusta tulog mo? Nagugutom ka na ba?” nagaalalang tanong ko.Nakaiglip din ako habang pinagmamasdan siya pero dahil sa sobrang init ay hindi ko magawang matulog ulit. Ito naman si Miguel grabe ang sarap ng tulog, halatang pagod siya. “Pasensya ka na kung naabala kita.” Hinging pasensya niya sa akin.“Wala iyon, basta huli na ito.” Tumayo na ako mula sa tent ng pigilan niya ako. “Maupo ka muna, magusap tayo.” Tiningnan ko siya saka nagsimulang maupo ulit.“Pwede bang umuwi ka sa bahay, samahan mo si Mama.” Nagulat naman ako sa tanong niya.“Bakit may nangyari ba kay Mama?” nagaalala kong tanong.“Wala naman, nagaalala lang akong wala siyang kasama doon, palagi akong nasa trabaho kung umuuwi naman ako palagi sa bahay na binili ni Abby. Kilala mo naman siya di ba? Ang gusto palagi pinapagod ang sarili niya.”“Parang ikaw.” Bulong ko na kinataas ng kilay niya. “Sige, subukan ko siyang i
Aira Jane’s Point of View“Mukhang maaliwalas mukha natin ngayon ah. Nagkabalikan na ba kayo?” Salubong na tanong sa akin ni Meriam.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa dining area. Hindi ko siya pinansin dahil ayoko ng kung anong kumosyon sa magandang umaga ko. Magaan ang gising ko, pakiramdam ko nawala lahat ng pagaalala ko. Hindi ko sigurado kung dahil ba sa nalaman ko na totoong mahal ako ni Miguel at ako pa din ang taong pahinga niya o dahil nakasama ko siya halos magdamag kagabi.“Alam mo bang trending ka na naman? Alam mo, simula ng nagkaroon kayo ng relasyon ni Miguel hindi ka na nawala sa social media. Ikaw na lang lagi ang topic.” Sumunod siya sa akin habang sinasabi ang lahat ng iyon. Humarap ako sa kaniya bago nagsalita. “Alam mo Meriam, sa haba ng panahon na nabubuhay tayo, hindi ka pa ba sanay na pinaguusapan ng ibang tao? Their opinion is still not matter to me unlike you.” Mataray na sagot ko kaniya, hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin.“Talaga ba? Paan
Aira’s Point of ViewPagkalipas ng tatlong linggo,“Anong sinabi mo?” tanong kong muli kay Ken. May binalita kasi siya sa akin na hindi ko halos paniwalaan.“Oo. Umalis na si bayaw sa kompanya dahil tutulungan daw ang kapatid niyang si Cheska sa pagpapatakbo ng sarili nilang company dahil sumuko sa mga pulis ang tatay nila. Hindi ko alam ang ibang dahilan ngunit isang bagay ang sigurado ko, iniwan na tayo ni bayaw.” Malungkot na wika ni Ken sa akin.“Wala akong ibang magagawa doon. Kung gusto niya iyon edi doon siya sa kanila. Maganda nga iyon e, madami na siyang alam sa company natin na pwede niyang gamitin sa company nila o kaya naman gamitin niya iyon para mapasama tayo.”“Hindi ganoon si Bayaw ate. Alam mo iyan!” nagkibit balikat lang ako saka naglakad palabas ng mansion.Wala siyang utang na loob. Pagkatapos siyang tanggapin ng buo ni Dad iiwan niya lang basta para lang sa taong dahilan ng problema namin noon. Siguro nga sinusubukan ko ng kalimutan ang nangyari but it doesn’t mean