"Ah. Ganoon po ba? Magpapaalam po muna ako kay Mom and Dad. Kung papayag po sila makakarating ako ngunit kung hindi, wala na po akong magagawa. Siguro naman po ay mauunaaaan niyo ako. Maraming salamat po sa imbitasyon." Magalang kong sagot sa aking Ina. " Oo naman. Nauunawaan ko. Gusto ko lang nama na formal ipakilala ang mga anak ko sa isa't isa. Pasensya ka na din kung hinihingi ko sa iyo ang ganitong bagay" Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa mata ko.Kita ko ang sinsiridad sa mata niya at wala akong karapatan na husgahan siya. Ang nais niya lang naman ay magkakilala ang mga anak niya ng maayos. "Salamat sa pagpunta mo dito. Malaking bagay na napatawad mo ako. Pasensya na sa lahat-lahat anak. Alam kong huli na pero hayaan mo akong bumawi sa iyo. Kung ano man ang lahat nv kailangan mo nandito ako handang tumulong" Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon.Nakauwi na siya galing DUBAI. Ang kwento niya doon siya nagapply bilang DH hanggang sa nakilala niya ang pinoy businesman
"San si Daddy? Nagpagamot na daw ba siya?" Tanong ko kay Meriam na naabutan ko sa sala. "Ewan!" "Kahit kailan ka talaga." Inis kong sabi sa kaniya. Agad akong bumalik sa taas para silipin siya. Bago ko madaanan ang opisina niya, nadaanan ko muna ang kwarto nila Ate Shane at Kuya Jan. Nakita kong nakabukas ito kaya sisilip sana ako. " Walang nangyari sa amin! Bakit ba hindi ka maniwala sa akin. Ako ang asawa mo!" Paliwanag ni kuya Jan kay ate Shane. Nakaupo si kuya sa dulo ng kama habang may kinukuhang gamit sa kabinet si ate Shane. "Hindi ako tanga. Alam ko ang nakita ko. Wag mo ng dagdagan ang kasinungalingan mo." Binato pa ni ate ang mga damit na nakuha niya sa nakabukas na maleta sa sahig. Nagsisigawan silang dalawa kaya hinanap ng mata ko ang bata. Umiiyak ang bata na nasa krib. Hindi na ako nakapigil dahil mukhang wala silang balak asikasuhin ang batang umiiyak sa tabi nila. Ni-hindi nga nilang napansin na buhat ko na ang bata. " Hindi ko alam ang nangyayari. Ayoko din m
“Sure ka bang pwede akong sumama? Baka naman nakakahiya.” Nagaalangang tanong ni Miguel sa akin.Nasa sasakyan na kasi kami patungo sa restaurant na bi-nook ni mama para sa amin. Pumayag naman sila Dad na makipagkita ako sa kanila.“Wala akong kakilala doon, baka ma-out of place lang ako kung sakali man magisa lang ako. Mabilis kaming nakarating at natanaw ko naman agad si Mama mula sa labas. Agad akong pumasok at nakipagbeso. “Hello po. Alam ko naman na magkakilala na po kayo pero ipapakilala ko po kayo ng formal. Si Miguel po ang boyfriend ko, si Mama ang tunay kong ina.” Nakangiti kong pagpapakilala sa kanila. Nakipagbeso naman sila sa isa’t isa.“Nasaan po pala ang mga anak niyo?” tanong ko habang umuupo. Hinila din ni Miguel ang upuan katabi ko. “NagCR lang sila sandali, Oh! Ayan na pala sila.” Lumingon kami pareho ni Miguel sag awing itinuro ni Mama.Nakita ko ang dalawang babae na sobrang gaganda. “Ang tagal niyo. Kanina ko pa kayo hinihintay. Nandito na pala si Aira, ang ate ni
Nakakapagtaka lang kung bakit hindi niya ako nakilala gayong nagkausap naman kaming dalawa noon sa mall. Hindi kaya nagpapanggap lang siyang hindi niya ako kilala? Hays, ewan. Ayokong isipin dahil ayokong masira ang mood ko. Nandito ako para makilala ang mga anak ni Mama.Masaya silang nilalaro ang bata. “Punta muna ako sa Cr ah.” Bulong sa akin ni Miguel. Tumango lang naman ako sa kaniya. Ilang sandali lang ay umalis din si Abby. Gusto ko sana siyang sundan dahil may pakiramdam ako na magkikita sila ni Miguel. Pinikit ko na lang ang mata ko at bumuntong hininga dahil ayokong pagisipan ng masama si Miguel. Magtitiwala ako sa pagmamahal niya para sa akin.“Ang lalim no’n ah. May problema ka ba?” nagaalalang lumapit sa akin si Mama.“Wala naman po. Nasobraha lang siguro ako ng kain ng seafoods.” Tanging tugon ko.“Bakit allergy ka ba doon? Sa pagkakatanda ko ay wala ka naman allergy sa mga seafoods ah. Anong nangyari?” nagaalalang tanong niya.Ngumiti ako. “Simula noong nabuntis ako at
Aira’s Point of ViewTahimik ang nangingibabaw sa pagitan naming ngayon ni Abby. Matapos ko siyang papasukin sa loob ng mansion, nandito kami ngayon sa garden.“Ma’am may kailangan pa po ba kayo? Tawagan niyo lang po ako.” Dinalhan niya kami ng mga meryenda namin.“Pwede mo bang dalhan kami ng maliit na electric-fan? Para lang hindi lamukin ang bata.” Tumango naman siya at agad na tumalima.Kumuha ng juice si Abby bago nagsalita. “Pasensya ka na kung biglaan ang punta ko dito kahit kakatapos lang natin magkita. Hindi kasi kita makausap ng masinsinan kanina sa harap ni Mommy, wala din kasi silang alam at ayoko naman na malaman pa nila. Nakakahiya kasi.”“Bakit ano ba iyon?” alanganin kong tanong.“Hindi ko alam kung tama ba na sa akin mo unang malaman pero hindi kasi ako papatahimikin ng isip ko, alam mo na after gift birth postpartum.” Panimula niya at kumuha ng juice. “Nakakahiya pero gusto kong malaman mo na si Miguel ang tumatayong tatay ng anak ko. Sorry, hindi ko naman gustong ma
Aira Jane’ Point of ViewIlang minute pa lang ang nakakalipas nang umalis si Abby. Nanatili ako sa garden, iniisip kung isa bang banta o pakikiusap ang ginawa niyang pagsabi sa akin ng katotohanan.“Anong ginagawa ng babaeng iyon sa iyo?” biglang sulpot ni Meriam. Tiningnan ko lang naman siya at hindi sinagot. “Kilala ko siya, siya ang babaeng kerida ni Ice noong wala ka. Anong ginagawa niya dito ngayon?” muling ulit niya sa tanong. Bumuntong hininga ako at humarap sa kaniya.“Nabalitaan kong nabuntis siya pero hindi si Miguel ang Ama. Pinaako niya iyon kay Miguel, alam mo ba iyon?” Tumayo na lang ako at nagsimulang maglakad.“Ang arte mo! Dinadamayan ka na nga ganyan ka pa!” mataray na sigaw niya sa akin dahil medyo nakakalayo na ako. “Half-sister ko siya!”Tuluyan na akong lumakad palayo sa kaniya at papunta sa kwarto ko. Ayoko ng isipin pa ang nangyari o ang mangyayari. Hindi ko obligasyon ang nararamdaman ng kapatid ko. Kung gusto niya ng buong pamilya hanapin niya ang tunay na ta
Aira Jane's Point of View "Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Miguel. Tumawag kasi siya sa akin habang nagpapahinga ako. Pinagayos niya ako at sinundo. Sinabi ko nga na isama namin si Mama ngunit ayaw niya. Oras daw iyon para sa amin dalawa. "Malalaman mo din pagdating natin doon" Simpleng sagot niya habang nagdadrive. Pinagsuot ako ni Mama ng simpleng dress na white. May mga gamit pangbabae sa room kung saan ako nagpahinga sa bahay nila. Lahat ng gamit doon ay para daw sa akin na inipon ni Miguel. Sakto naman sa akin ang size kahit ang mga heels ay tugma din sa paa ko. "May kasalanan ka ba? Ang dami mong pakulo e." Pabirong banat ko. Tiningnan ko siya, nakita ko ang pagbabago ng expression niya pero agad niyang binawi ng mapansin niyang nakatingin ako. " Wala ah. Gusto ko lang makapag-date tayo bago ang lahat. Romantic date tulad ng mga couples. Alam kong ang corny kaya wag mo akong tawanan." Sita niya sa akin ng mapangiti ako. Hindi ko naman siya tinatawanan. Hindi ko
Pagkatapos ng dinner date namin ni Miguel ay nag-aya na akong umuwi. Hindi ko alam kung anong mayroon kung bakit kaunting galaw ay napapagod ako at sumasakit ang ulo. Sinabi sa akin ni Miguel lahat, kung paano niy nakilala si Abby, kung paanong naging tatay siya ng anak ni Abby. "Noong nakita ko ang bata, sobrang saya ng puso ko kasi nasa isip ko ikaw at ang magigng anak ko. Sobrang nangungulila kasi ako sa inyo noong mga oras na iyon. Naawa akong lalaki ang bata ng walang kinikilalang tatay kaya sabi ko pwede akong maging tatay niya pero hindi ibig sabihin noon ay magsasama kami bilang pamilya. Noong nalaman kung magkakaanak na tayo sobra ang saya ko, excited ako sa lahat ng gagawin niya pagkalabas niya dito sa mundo. Gusto ko ako ang magtuturo sa kaniya ng lahat ng gusto niyang matutunan. Kaya pwede ba? Wag mong isipin ang ibang bagay, sa akin ka manila ako ang pakinggan mo dahil ginawa ko lang iyon para sa bata kasi nakikita ko ang anak natin sa kaniya." Mga salitang paulit ulit