Pagkatapos ng dinner date namin ni Miguel ay nag-aya na akong umuwi. Hindi ko alam kung anong mayroon kung bakit kaunting galaw ay napapagod ako at sumasakit ang ulo. Sinabi sa akin ni Miguel lahat, kung paano niy nakilala si Abby, kung paanong naging tatay siya ng anak ni Abby. "Noong nakita ko ang bata, sobrang saya ng puso ko kasi nasa isip ko ikaw at ang magigng anak ko. Sobrang nangungulila kasi ako sa inyo noong mga oras na iyon. Naawa akong lalaki ang bata ng walang kinikilalang tatay kaya sabi ko pwede akong maging tatay niya pero hindi ibig sabihin noon ay magsasama kami bilang pamilya. Noong nalaman kung magkakaanak na tayo sobra ang saya ko, excited ako sa lahat ng gagawin niya pagkalabas niya dito sa mundo. Gusto ko ako ang magtuturo sa kaniya ng lahat ng gusto niyang matutunan. Kaya pwede ba? Wag mong isipin ang ibang bagay, sa akin ka manila ako ang pakinggan mo dahil ginawa ko lang iyon para sa bata kasi nakikita ko ang anak natin sa kaniya." Mga salitang paulit ulit
Aira Jane’s Point of View“Ma, kailangan ba talagang umabot sa ganito? Bakit hindi na lang natin hayaan siyang matuto.” Naiirita ding wika ni Lily kay Mama, biological mother ko.“Hayaan? Paano kung may mangyaring masama sa kaniya? Paano kung masiraan siya ng bait? Paano-.” Natataranta si Mama kaya hinawakan siya ng pangatlong kapatid kong babae.Nauunawaan ko naman si Mama, naiintindihan ko kung bakit siya natataranta ng ganyan. Katulad niya, takot na din akong mawalan ng anak.Pinatawag nila ako dahil sa nangyayari kay Abby. Nagwawala si Abby at nagbabanta na magpapakamatay kung hindi ipapakasal kay Miguel. Lahat kami ay nabulabog maski si Mama ay nahihirapan dahil dalawa kami ng anak niya ang nagmamahal kay Miguel. Ngunit hindi katulad ni Abby, hindi ako obsess kay Miguel. Ngunit hindi ko kayang ibigay o ipaubaya na lang si Miguel sa ibang tao kahit sa kapatid ko pa. Si Miguel lang ang may kakayahan na mamili kung sino ang mamahalin niya. Hindi ko siya pwedeng diktahan.“Mawalang g
Aira Jane’s Point of View“Sorry na, pero hindi ako pupunta doon ng magisa.” Nagmamatigas na sabi ni Raven.Raven and I are having an argument since I met her new so called boyfriend. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan niyang mag-boyfriend para lang may dalhin sa harapan ng parents ng hindi ko malaman kong ex niya.Hindi ako sang ayon na gumamit siya ng tao para lang hindi mapahiya. “Hayaan mo na siya, sa ganoon paraan niya gustong ipakita na she know her worth so be it.” Payo sa akin ni Miguel.Tiningnan ko siya ng masama. Hindi ko akalain na kakampi siya kay Raven. Bumuntong hininga ako. “Hays, ikaw bahala. Basta kung mas masaktan ka sa gagawin mo..” isang malakas na buntong hininga ulit ang binitawan ko. “Nandito lang kami para sa iyo. Subukan mong magisa makakatikim ka sa akin. Halika na nga iwan na natin silang dalawa. Gusto niya iyan e.” Agad akong tumayo at umalis sa restaurant.“Salamat bestfriend! I love you.” Sigaw niya. Wala talagang kahihiyan kahit nasa mamahaling rest
Aira Jane’Point of View“Nasaan na ba siya?”“Hindi pa ba siya sumasagot ate?” nagaalalang tanong ni Ken sa akin. Nandito na kasi kami ngayon sa airport kung saan ay naghihintay kami sa oras ng aming flight. “Can’t be reach siya hanggang ngayon. Maging si Mama ay hindi nagrereply.”“Kailangan na natin pumasok doon kundi maiiwan tayo ng eroplano.” Sabi ng lalaking kasama ni Raven. Tiningnan ko naman siya ng masama. “Kung hindi mo kayang sumama ng hindi kasama ang boyfriend mo edi magpaiwan ka na lang. Kaya naman na naming ito ni Vanessa.” Dagdag pa niya.Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Mukhang may balak siyang masama sa kaibigan ko. Agad kong kinuha ang bagahe ko at nagsimulang maglakad papunta sa boarding. “Anong tinatayo-tayo niyo dyan? Halika na.” Inirapan ko pa ang lalaking nakabuntot na agad kay Raven.Nagaalala ako kung anong nangyari kay Miguel pero mas nagaalala ako kung hahayaan ko si Raven kasama ang lalaking hindi katiwa-tiwala. Sa palagay ko may gagawin siyang hindi t
Aira’s Point of ViewMatapos ang kasal ni Angela, hindi muna kami umuwi. Desisyon ko na din iyon dahil mas gusto ko munang magpahinga. Ayokong problemahin ang problema sa pinas. Iniwasan kong isipin ang mga bagay na makakapag-stress sa akin. Alam ko sa sarili kong may malalim siyang dahilan at kung hindi niya gustong makisawsaw ako doon edi wag. Sino ba naman ako sa kaniya di ba?“Ate, sigurado ka bang umuwi?“May trabaho kaming naiwan. Isa pa, sigurado naman akong kaya ko ang sarili ko. Natuto na ako. Hindi ako bata.” Simpleng sagot ko habang nagaayos ng gamit. Naglilinis kami bago umalis ng hotel na pinag-stayan naming sa loob ng halos isang linggo.“Wag ka ng magaalala Ken, kaya na ng ate mo iyan. Kung sakali man nandito tayo para sa kaniya. Tulad kung paano siya nandito para sa akin. Hindi ko lang din maalala kung anong nagawa kong mabuti at pinili niya akong samahan kahit ang totoo hindi niya gusto dahil wala si Miguel.” Lumapit pa si Raven sa tabi ko upang yakapin ako mula sa li
Meriam’s Point of View“Alam ba ito ni Ate Aira?” tanong ko sa mga kapatid ko na kasama ko dito sa sala. Hindi ko din alam kung bakit sabay-sabay kaming nandito habang wala ang dalawa. Si Ken kasi ay laging kasama nila Raven at Ate Aira. Si ken talaga ang close sa kanila. Halos magkaedad kasi silang dalawa.“Malamang hindi.” Simpleng sagot ni Ate May.“Bakit kung kailan magta-travel sila saka nagkaroon ng ganito? Pinayagan kong mag-leave si Miguel dahil ang sabi niya ito na lang ang oras niya para makabawi kay Aira. Hindi ko naman akalain na magpapakasal siya sa iba kaya siya nag-leave. Nakakairita siya, tinanggap siya ng buo ni Dad at pinagkatiwalaan.” Infairness ang haba magsalita ni ate ngayon. This is so unusual.“Kung hindi lang ako pinigilan ni May, sinugod ko na sana siya ngayon.” Nag-ngingitngit si Dyson na nakaupo katabi ni Ate May. Hindi ko gusto kayabangan ni Dyson pero anong magagawa ko kung siya lang ang pinili ni Dad para maging partner ni ate May.Naiinis ako, lahat na
Aira’s Point of View“Sinabi ko di ba? Walang aabala sa akin kailangan ko ng pahinga. Ano bang mali doon?” sigaw ko mula sa kwarto ko. Mayroong isang tao na naman kasi ang kumakatok sa kwarto ko.“Pinapasabi niya, nandito daw siya. Kung pwede daw kausapin mo siya. Wag mo akong sigawan ginagawa ko lang sa tingin ko ay tama. Masyado mainit ang ulo mo. Kung ayaw mo siyang kausap sabihin mo sa kaniya ng personal. Napakaarte mo.” Boses ni Meriam na nangingibabaw sa pagsigaw. Rinig ko pa ang pagdabog ng mga paa niya. Napabuntong hininga na lang ako.“Nasaa- Miguel?” gulat ko ng buksan ko ang pintuan ng kwarto ko.“Anong ginagawa mo dito?” tanong kong muli sa kaniya.“Pwede bang huminahon ka muna? Magusap tayo ng maayos.” Kalmado niyang sabi.“Pumasok ka.” Naglakad ako papasok sa kwarto ko. “I-lock mo.”“Aira, Sorry!” panimula niya.“Saan ka nagso-sorry? Sa hindi mo pagsama sa amin o saan?” mataray kong tanong.“Sa lahat.” Dugtong niya.“Ang mga tao, nagsosorry dahil hindi nila sinasadya. Sa
Aira’s Point of View“Hooy!! Gisiiiing!” sigaw koLahat sila kasi nakatulog sa sala ng condo. Alas dose na kasi ng tanghali. Monday ngayon kaya sigurado akong may mga trabaho kami lalo na si Dyson at Ken.“Malalagot kayo kay ate May.” Sabi ko ng bumangon sila habang nagkukuskos ng mata. Dali-dali naman naglakad si Dyson para kuhain ang cellphone niya sa lamesa sa kusina. “Ay p*ta! Bakit hindi niyo ako ginising ng maaga. Mayayare ako sa ate niyo. Jusko po! Another dakdak day!!”“What’s dakdak day?” simpleng sagot ni Raven na kalalabas lang sa Cr. “Bakit hindi mo ako ginsing. Mukhang kanina ka pa pala gising.”“Kagigising ko lang. Masyadong marami tayong nainom kaya naligo agad ako upang hindi masyadong mainit, kalagkit kasi. Ikaw maligo ka na para habang pinapagalitan ka ng asawa mo edi fresh ka.” Pang aasar ni Raven.Agad naman tumakbo sa Cr si Dyson habang si Ken naman ay hayahay. Tiningnan ko siya ng masama. “Hayaan mo na, kay Daddy na lang ako magpapaliwanag. Ayokong kainin ng buo