"Naipadala mo na?" Tanong ko kay Dyson. " Yes boss. Baka ngayon hinahanap na nila sino ang nagpadala ng mga papeles na iyon!" Sagot niya sa kabilang linya. "Mabuti. Sa ngayon baka nagwawala na siya sa takot na may nakakaalam ng mga pinagagawa niya." Sagot ko naman. Ibinaba ko ang tawag at nag-focus ako sa trabaho ko."Ma'am Mr. Santiago was looking for some schedule. What time do you prefer?" Tanong ni Ms. Pen sa akin. Napangiti naman ako. Ang bilis naman niyang malaman na ako ang may kagagawan ng lahat." Give him the 2pm tomorrow." Sagot ko. "Dyson! I need you tomorrow at 2pm!" Text ko kay dyson. Hindi na ako nagaksaya pang tingnan ang ibang messsages ng phone ko. Kung tungkol sa trabaho kay Ms. Pen makukuha ang sagot. Kung sa personal things naman ay hindi ako nag intertain ng iba unless ako ang may kailangan. Nag store visit ako pagkatapos ng work ko sa office. Mamayang gabi naman balak kong pumunta sa barr. After many months ngayon lang ako nagkaroon ng chance na bisitahin
Nagising ako ng liwanag na nagmumula sa labas ng bintana. Mataas na pala ang araw, sa wari ko'y tanghaling tapat na. Bumangon ako kaya napansin ko na wala ako sa sarili kong condo. Inikot ko ang aking mata at doon ko na pagtanto na nasa bahay pala ako ng mag Asawang Angela at Raven. Siya siguro ang naguwi sa akin mula sa bar. Ang dapat celebration namin ay nauwi sa wala. Pakiramdam ko bumabalik ako sa pagkabata. Bumabalik ako sa panahon na ako lagi ang inaalagaan ni Raven. "Gising ka na pala. Halika na kumain na tayo!" aya sa akin ni Angela. Tumango naman ako dahil hindi ko maibuka ang bibig ko, pakiramdam ko kasi amoy alak pa rin dahil hindi pa ako nagtotoothbrush. May nakita ako towel, bagong toothbrush sa maliit na sofa dito sa kwarto. Siguro ay pinasok nila kanina habang tulog pa ako. Kaya naman nagmadali na akong magasikaso ng katawan, nakita ko sa cabinet dito na may mga new undies at damit kaya hindi na ako nahiyang gamit. Lumabas ako ng kwarto at nadatnan ko sa dining tab
"Kung nakipagmeeting ka for personal things, hindi ito ang inaasahan ni Ai- ni Ms. Aira na meeting. If you want to talk personal things about you or her. May i know what's your relationship with her?" maangas na sagot ni Dyson. Hindi ko naman siya pinigilan dahil hindi ko naman alam paano sisingit sa usapan nila. Ayoko pagusapan ang bagay tungkol sa akin lalo na kung sa kaniya. Hindi siya parte ng buhay ko mula noong hindi niya kami napanindigan ng kaniyang magiging Ina. "I am her ex Boyfriend." Kita ko ang taas noo ni Miguel. "Ex? Means her past so? " tanong ni Dyson. "I just want to know what happ-"What happened ? saan?" Putol ni Dyson. "My child." rinig ko ang lungkot sa boses ni Miguel o baka nag expect lang ako na malulungkot siya pag pinaguusapan ang kaniyang magiging anak."For what reason?" tanong ni Dyson. Hindi nagsalita si Miguel, ganoon din naman ako dahil sa kaba hindi ko na nagawang magsalita pa. "I just wanna ask kung nasaan ang anak ko. Hindi niyo naman siguro
Naging lasingero ako at babaero simula umalis si Aira at nagannounce sila Daddy ng kasal namin ng kapatid niyang si Meriam. Gabi-gabi nasa barr ako na pagmamayari ni Aira para uminom at kumuha ng babaeng maikakama ko pag sobrang lasing na ako. Dala na din siguro ng alak ang pagiinit ng katawan ko. Doon ako nagwawalanghiya para pag nalaman niya maawa siyang bumalik sa akin. Ngunit ilang buwan na ang nakalipas ni anino niya hindi nagpakita sa akin kaya mas lalo akong nagalit, nainis at sumama ng loob. Sabi niya mahal niya ako? Sabi niya dati kung ano man ang mangyari sa amin mananatili kami sa isa't isa. Ngunit bakit simpleng away lang namin iniwan niya ako.Inaway at nasigawan ko lang naman siya for the baby's safety. Akala ko kasi umiinom siya ng alak ng gabing iyon. Alam kong mali na sinigawan ko siya at pinahiya sa mga tao sa sarili niyang barr at humihingi ako ng tawad sa pagiging padalos-dalos ko. Hindi ko naman akalain na iyon na pala ang huli namin pagkikita. Akala ko noong
MIGUEL'S P.O.VContinuation of chapter 53Nang makarating ako sa probinsya ay hindi ko alam paano at saan ko makikita ang farm.Medyo malalayo ang pagitan ng mga bahay kaya nahihirapan akong magtanong. "Saan po makikita ang farm na ito?" tanong ko sa aleng nakasalubong ko. "Bakit iho? Bibili ka ba ng gulay sa kaniya? Sobrang daming naani noon ngayong araw. Ang alam ko madami pa naman maani ngunit baka sa isang araw pa. May anak kasi siyang magtatayo daw ng restaurant na healthy sa manila kaya dito sila kumukuha ng fresh na gulay. Tulong na din sa mga tao dito at sa mama niya." masayang sabi ng ale na may punto pa sa kaniyang pagsasalita. "Ayos lang po. Gusto ko po muna siyang makausap." magalang na sabi ko. "Ay siya. Ikaw ay aking pasasamahan sa apo ko baka maligaw ka sa kagubatan medyo malayo kasi iyo dito at bundok pa ang aakyatin mo bago makarating. Kayo'y magmotor ng di kayo masyadong mapagod" nagaalalang sabi ng ale sa akin. Nagpasalamat ako sa kaniya bago ako sumakay sa mot
Aira' P.O.VNasabi sa akin ni Dyson na may isang tao daw ang palihim na naghahanap kay Mom. Hindi niya sinasadya pero narinig niya na may nagtatanong daw kaya agad niyang pinaalam sa akin. Pakiramdam kasi ni Dyson may kinalaman dito ang tatay ni Miguel. Pagkatapos ng mga trabaho namin nauna na kami ni Dyson pumunta kung nasaan si Mom. Kung may taong naghahanap sa kaniya malamang delikado siya ngayon. "Mom, paakyat na kami dyan? Nasaan ka?" tanong ko kay Mommy Mitch. Kanina ko pa kasi siyang tinatawagan ngunit hindi siya sumasagot."Nandito lang sa farm, madaming nagorder ng gulay at prutas kaya medyo busy. Bakit pala biglaan ang punta niyo dito Nak?" sagot naman niya sa akin. "Wala lang po. Gusto po muna namin dyan magstay for two weeks or a month. Masyado po kasing mainit sa manila." pagdadahilan ko. "Okay sige. Magiingat kayo paakyat!" bilin naman ni Mama. Medyo nakahinga na kami dahil alam naming ligtas siya. Ilang sandali naman ay nakarating na kami sa bahay kubo ni Mom. A
Miguel's P.O.V "Hindi mo naman kailangan magalit. Alam kong bugso lang ng damdamin ang ginawa mo kanina pero hindi pa din tama na napagsalitan mo sila ng masasakit na salita." Nandito pa din kami sa bundok. Sa farm ng aking ina. Si mama at Aira ay naguusap sa loob habang nagluluto. Hindi ko naman sinasadya ang lahat ng sinabi ko. Alam ko sa sarili ko na gusto ko silang yakapin dalawa noong una ko silang makita. Dala na din ng gutom, takot at sama ng loob nakapagbitaw ako ng hindi nararapat na salita. "Noong nawala ang anak niyo hindi nakayanan ni Aira ang lahat. Halos magpakamatay na iyan sa sama ng loob. Kung wala ang mama mo sa tabi namin baka matagal na siyang sumuko. Ibinigay at pinaramdam ng mama mo ang pagiging isang ina kay Aira. Hindi ka kinalimutan ng dalawang babae sa buhay mo, ginawa lang nila ang bagay na sa tingin nila magiging ligtas ka. Pareho kayong tatlo na ang gusto ay kaligtasan para sa taong mahal niyo. " pagkukwento ni Raven. "Siguro inihadya na din ng may ka
Nasa iisang lugar lang kami ni Miguel ngunit hindi kami nagkikibuan. Hindi ko siya inapproach at ganoon din naman siya. Kanina habang nagluluto kami ni Mom ng pagkain napagusapan namin si Miguel. Kahit nandito na si Miguel desido pa din si Mom na ibalik si Miguel kung saan talaga siya. Tinanong ko din siya kung alam ba ni Miguel na may sakit talaga siya. Makikita ang gulat sa mukha ni Mom ngunit hindi niya iyon tinanggi sa akin. Hindi naman sumama ang loob ko sa kanya bagkus naawa ako dahil sa sitwasyon namin kailangan niyang ilihim ang nararamdaman niya. Nakiusap siya sa akin na hayaan ko siyang- siya mismo ang magsabi sa kaniyang anak ng tunay na ng nangyari at ang tungkol sa sakit niya. Hindi naman Cancerous ang sakit ni Mom. Ngunit delikado pa din ito dahil nangangailangan ng operasyon. Hindi nakakatakot ang gamutan ang nakakatakot ang operasyon dahil hindi ka sigurado kung magiging mabuti ba ito sayo o hindi. Kung gigising ka pa ba pagkatapos o mananatiling tulog.Hanggang hind