Share

Kabanata 02

Author: jang-mi
last update Last Updated: 2022-02-07 23:02:37

M A L I A ' S P O V

Literal na hindi maiguhit ang mukha ni Ashton habang nagmamaneho ng sasakyan. His eyes were too focus on the road. He held the steering wheel tightly, making his prominent veins visible. Nagtatagis ang bagang nito kaya hindi ko nalang pinansin at itinuon nalang ang atensyon sa phone at kalsada.

Tahimik lang akong pasulyap-sulyap sa aking phone at sa daan. I hummed while readying my camera. The most exciting part of the trip is the taking of photos behind each sceneries. I like to capture every moments. I love to have memories while the breathtaking view is behind on me.

I don't know my life span. Mas mabuti nang may maihahabilin akong mga bagay na makikita ng mga mahal ko sa buhay.

Katulad na lamang ng kay Mommy. The only memory of her remained was the polaroid photo of the two of us. Siya ang nagturo sa 'kin sa photography at design.

I can't help myself not to smile while checking my camera. I'm super excited because this trip will gonna be amazing! I love island hopping kaya!

“Ay!” Tili ko ng bigla-bigla nalang niyang ihinto ang sasakyan. Muntik pa akong mauntog sa dashboard! Taas-baba ang aking dibdib habang mahigpit na kumakapit sa seatbelt. Mabuti nalang at hindi ko nakalimutang mag-seatbelt kanina!

What the!

Gulat ko siyang binalingan habang ang aking mga kamay ay nakahawak na ngayon sa aking dibdib. Pinakiramdaman ko ang aking sarili.

"Ano bang problema mo?!" Sa sobrang pagkabigla ay hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses. I couldn't control my voice because of the sudden shock.

Ikaw kaya ang mabigla?!

Sinong hindi magugulat?!

He glared at me. His eyes were dark and were covered with undistinguishable emotions. It was undescribable. Isa lang ang nararamdaman ko sa oras na nagtama ang mga paningin namin.

I swallowed the big chunks on my throat.

Takot...

I'm scared of him.

Napaigtad ako ng bigla niyang hinampas ang steering wheel. Unti-unting namilog ang aking mga mata. I fisted my both hands while my eyes were still hooked on his hands. Nang dahil sa naglilitawang mga ugat niya sa braso't kamay ay dahil ito sa sobrang higpit na pagkahawak niya sa manibela.

Ngayon ay hindi ko na talaga kayang hindi manginig. Nagsimulang balutin ang buong katawan ko ng kakaibang takot. I lip my lower bit, forcing it to stop from shaking.

I glanced at him and caught him staring like anytime he'll hurt me in any way he knows. Mas lalo akong natakot sa paraan ng pagtitig niya. Hindi ko kayang labanan ang kanyang mga mata. Sobrang lawak at lalim nito na para bang hihigupin ka pailalim.

Kahit nanginginig ang aking mga kamay ay dali-dali kong hinalughug ang aking bag at kinuha ang aking headphone. I wore it and turned on the lofi beat music.

I took a deep breath several times and let it out. I do it until I feel like I'm calming down. Panandalian kong ipinikit ang aking mga mata habang taimtim na nakikinig sa musika.

This is the reason why I hate to be with a stranger.

Ilang minuto rin ang nakalipas bago ako nakahinga ng maluwag. Nasa kawalan lang naka-pokus ang aking mga mata habang pina-usad niya ang kotse. Hindi ako gumalaw o kahit sumulyap sa kaniya. Malay ko bang trip niya lang akong takutin tapos natakot naman ako.

My attention was shifted on him when he handed me a bottle of mineral water. Ramdam ko rin ang panunuyo ng lalamunan ko kaya tinanggap ko ito at agad na ininom ngunit walang salita ang lumalabas sa aking bibig.

I pinched myself.

Kinain ko rin ang mga sinasabi ko kanina na kaya kong protektahan ang aking sarili. Kahit kailan hindi ko magagawang pangalagaan ang sarili ko laban sa ibang tao. Sa kaniya nga lang ay nanginginig na ako. What if I'll bump myself who's scarier than him?

“C-can you please stop the car for a while?” I tried my best not to sound afraid of him but deep inside my soul is shaking. Hinubad ko ang aking headphone habang lihim ko siyang pinakiramdaman.

Sobrang lakas sa tainga ko ang malalim niyang buntong-hininga bago inihinto ang sasakyan.

Walang imik akong bumaba ng kotse at tumakbo kasing lakas ng kabayo. Walang ibang laman ang isipan ko kundi mga imahe niyang sinasaktan ako. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong lumayo sa kaniya. Hindi mapapantayan ang takot ko sa mga oras ng aking pagtakbo para lang makalayo sa kaniya. Walang lingon-lingon akong tumakbo papalayo sa kaniya.

What if he's like them? What if sasaktan niya ako kagaya ng ginawa nila sa 'kin? What if pagtangkaan din niya ang buhay ko? My mind was full of what ifs and I can't do a thing but to cry helplessly while running away from him.

Humina ang aking pagtakbo ng ramdam ko ang pananakit at panghihina ng aking mga paa. Umiikot ang paligid ko at unti-unti kong naririnig ang mga halo-halong tawa ng hindi ko makikilalang boses. Tumigil ako na hingal na hingal at doon ko na hindi mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Namilog ang aking mga mata nang narinig ko ang busina at biglang pagtigil ng sasakyan sa mismong tapat ko.

"N-no..."

Mabilis pa sa alas kuwarto akong tumakbo kahit sobrang pagod ko na. Nanlalabo na rin ang aking paningin dahil sa mga luha. Namamawis ang buong katawan ko at pabilis nang pabilis ang tambol ng aking dibdib.

D-daddy...

B-bakit niyo po ako pinagkatiwala sa taong 'to?

“Malia!”

I heard him screaming my name from behind. Damang-dama ko rin ang pinaghalong gigil at inis sa boses nito na mas lalong nagpanindig ng mga balahibo ko sa katawan. Hindi ko siya pinansin, takbo lang ako nang takbo. Wala na akong lakas para tumakbo pa ngunit gusto ko siyang layuan kasi natatakot ako sa kaniya.

“Ahh! Let me go!” I yelled when he grabbed me and hugged me without any second thoughts.

I cried out.

May puwersa ang pagkayapos niya sa 'kin na para bang ayaw na niya akong pakawalan. Gusto kong kumalas mula sa pagkayakap niya ngunit sobrang higpit nito kaya wala akong ibang magawa kundi tahimik na pinakawalan ang mga luha't hikbi sa pagitan ng mga bisig niya. Sa sobrang lapit namin ay amoy na amoy ko ang halimuyak ng pabango nito at dinig na dinig ko rin ang tibok ng dibdib nito.

"L-let me go... Please... P-apakasalan... naman k-kita e... J-just... j-just-t... d-dont hurt m-me... P-please-e..." I don't know my voice anymore while still locked in his arms. Basta ang alam ko lang ay nagmamakaawa ako na huwag niya akong saktan.

Paos na paos na ako at pagod na pagod. Wala na akong lakas para makipagtalo sa kaniya. Unti-unti na ring bumigat ang talukip ng aking mga mata. Nangangalay na ang aking mga binti at sobrang tuyo na ng aking lalamunan.

“Shh... I won't,” he said, hushing me to calm down.

“Calm down, Malia... I-I wont hurt you...”

His voice was too soft enough to relieve my anxiousness. Maihahalintulad ko na ang batang hikbi nang hikbi sa dibdib niya habang idinuduyan. Hinigop lahat ng lakas ko sa mga nangyayari sa loob ng maikling panahon. Gusto kong magpahinga kahit saglit lang tiyaka naman harapin siya.

Ilang minuto ang lumipas ay hindi ko alam kung bakit bigla akong kumalma at hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari. Basta pagkamulat ko ay nasa loob na ako ng kotse. May travel pillow na sa leeg ko at may maikling kumot na rin.

Paano ako nakabalik dito?

What happened earlier suddenly popped up in my head. The image of us hugging in the middle of the road made my cheeks heated up. Siguro kung nakikita ko lang ang sarili ko ay daig ko pa ang nakakain ng sili. That's why I pretended asleep.

Ngunit hindi nakalampas iyon sa kaniya nang bigla siyang nagsalita.

“Tss. Stop pretending asleep, Malia. You're sleeping for almost two hours.”

Iminulat ko ang mga mata ngunit nananatiling nakatitig sa malayo. I didn't give him my response. Para saan pa?

I stilled when he touched my forehead.

“May lagnat ka ba?” He simply asked.

“Bakit ang pulang-pula ng mukha mo?”

“H-huh?”

Tumuwid ako ng upo at hinawakan ang sariling noo. Hindi naman ako mainit. I opened the camera of my phone. Napasinghap ako sa nakita. God! Ang pulang-pula ng mukha ko!

“A-ah hindi naman. Okay lang ako. S-siguro dahil sa sobrang p-pagkabigla—”

I couldn't finished what I supposed to say when my hiccups interrupted me.

My attention was shifted on him when he handed me a bottle of mineral water again. Lukot noo ko siyang binigyan ng ligaw na tingin. I wondered how many bottle of mineral water he brought here. Hindi nauubos e.

Pansin kong hindi siya mapakali kaya pasulyap-sulyap ako sa gawi niya. He scratched his nostrils while glancing at me.

He cleared his throat, “I-im s-sorry,” he said.

Napatigil ako sa paglagok ng tubig at napatingin sa gawi niya. He can't looked straightly at my eyes. Hindi ko siya inimikan.

Walang lumabas sa bibig ko hanggang sa marating namin ang destinasyon. Ako ang unang bumaba at kinuha ang mga kagamitan ko sa compartment. I don't want to waste my time checking on him so I ignored him completely.

Sino ba naman siya para pansinin? He awakened my hidden trauma. The trauma sleeping inside of me was now awaken because of him. Sabihin na nating mapagtanim ako ng galit at sama ng loob. Karapatan kong magalit dahil nasasaktan ako.

Hirap na hirap ako sa paghila ng mga bagahe ko at ayoko rin siyang abalahin kaya bahala siya sa buhay niya. In the first place, this is my plan and my trip. Nakiki-apid lang siya kaya bahala siya.

“Ma'am, Sir welcome po sa Camp B Natural Beach Resort!” Hyper kaagad na bati ng usherette sa main door.

“Ma'am, you need help?” She asked while staring at my baggages.

I smiled and shook my head.

Parang nagdadalawang-isip pa ito kung kaya ko ba talaga. She looked at my back and automatically her cheeks becomes red. Hindi ko na kailangan tanungin kung sino ang rason. Sa charisma at tindig ng kasama ko alam kong kahit ako ay mapapakasingpula ng kamatis na hinog kung hahayaan ko ang sarili.

“No thanks. I can manage.” I said before I unbelievably gaped on her and the reason why she is blushing.

I rolled my eye balls.

Yikes! Masyadong halata! Eww!

Alam kong may kagwapuhan itong mapapangasawa ko kuno ngunit mas malakas talaga ang kagaguhan.

Gwapo siya. Given na 'yon.

Gwapo nga. Gago naman.

Tss.

Dumiretso ako sa front desk para i-check ang booking ko in advance. I booked online because of my hectic sched. I also took a tour digitally and I simply like the location so I did give it a try. Hindi ko lang alam na sasama pala itong unggoy na 'to.

Binigyan lang nila ako ng all access card sa isla. Mabuti nalang at libre rin ang transportation papuntang isla. Connected kasi ang beach resort sa isla. Kumbaga isang sakayan ng bangka.

The island is underrated. I saw their website once and it took my attention. Unang tingin palang alam kong magugustuhan ko ang islang pupuntahan ko. Malawak at hindi masyadong crowded. A perfect place for ambivert who wants to enjoy.

“You can't access your phone in the island ma'am. Wala pong signal doon. But if it's urgent you can use your card naman po,” informed by the front desk lady.

“Okay thanks.”

Siguro isa sa mga aspeto kung bakit hindi masyadong click sa mga turismo ay ang kawalan ng signal or may signal man ngunit hindi naman gaanong malakas. Iyon na kasi ang basihan ng bawat tao ngayon. Even the smallest thing about them was shared on different social media platforms. You can still happy naman even without letting the whole world know.

“Ako na magdadala nito,” I automatically raised my eyebrows when he suddenly offered to help. Hindi ako gumalaw. Tingnan natin kung sino ang mas matigas sa ating dalawa. Kahit nangibabaw ang takot sa kaibuturan ko ay isinawalang bahala ko iyon.

Still, my hands were on the handle of each baggages. My body wants him to help but my pride won't! Ang sakit-sakit nang kamay ko sa kakahila ngunit mas lalo itong sasakit kung hindi ko man lang napanindigan na ignorahin siya.

I gave him a fake smile.

“I don't need your help. If you don't want to be here then go home! Walang pipigil sayo!” I said right in front of his face, still smiling like I was saying good words to him while trying to stop my real voice to come out.

Wala akong pakialam kung talsik laway ako. Masyadong mahal ang laway ko. Hindi niya afford.

He didn't move. His gazed becomes darker and darker. Hindi sinadyang napunta ang tingin ko sa leeg niya at sinubaybayan ng tingin ang paggalaw ng lalagukan niya habang sumabay ito sa kaniyang paglunok. Napalunok din tuloy ako.

Damn it! What's wrong with me?!

I stilled when he moves closer. Rinig ko ang pigil hiningang tili ng mga babae kaya mas lalong napataas ang kilay ko. I won't let him win. My pride rin ako and I wasn't born to be a loser.

“Are you challenging me, Ms. Malia Ferreira...,” he paused and make it thrilled. Parang alam ko na kung ano ang susunod nito.

“Campbell...” He said softly.

Sobrang lapit na namin sa isa't isa kaya pati ako ay hindi rin makahinga ng maayos. Sinalakay ng hindi makilalang tibok ang dibdib ko kaya halos nawalan ako ng lakas sa pagtayo.

“W-what do you—,”

Naiwan akong nakanganga. He didn't let me finish! Inis kong tinapunan ng nakakamatay'ng tingin ang likod niya habang hila-hila niya ang aking mga bagahe.

Buwiset!

Arghh!

I hurriedly follow him without minding my actions. And because of that, I tripped. Kung mamalasin ka nga naman.

“Arghh!” I hissed. I feel stucked! Hindi agad ako makagalaw!

“Ma'am are you okay!?” Nag-uunahan kaagad sa pagtakbo ang mga usherettes at nag-aalalang sinuri kaagad ang aking paang natapilok.

“D-don't worry-y! I'm fine!” Kumbinsi ko sa kanila sabay ngiti ng hilaw.

I tried to stand up but I can't! I tried it three times without their help but I failed! Pinagmasdan lang nila ako at hindi iyon alintana sa 'kin. I affirmed myself that I can do it but I failed again.

Masyado yatang na sprained and paa ko. Maikling maong short ang suot ko at itim na cardigan top kaya makikita talaga ang pamumula ng tuhod ko dahil sa aking pagkatumba. Paano na 'to?! Baka mapostpone ang island hopping ko nito?!

Buwiset ka kasing Ashton ka!

“Hey, what happened?”

Unti-unting umangat ang tingin ko sa nagtanong. Para siyang kabute na kung saan-saan lang sumusulpot.

Galit ko siyang binigyan ng tingin.

His voice were soft and I hinted worries on it. Hindi mo akalaing si Ashton ang kaharap mo ngayon dahil sa expression niya habang sinusuri ang aking paa. Nagtagis ang bagang niya ngunit hindi ako nagsalita. Hindi ko siya pinansin.

“Just leave me here,” blanko kung saad ngunit para akong nakipag-usap sa sariling anino ko.

He touched my feet and twisted it a little making me groaned in pain.

“W-what the hell are you doing?!” Galit kong pigil-sigaw sa kaniya.

“You want me to leave you with this feet?” Bumalik na naman sa pagiging arogante ang boses nito habang blanko akong pinagmasdan.

“Why the hell are you wearing heels?” Dagdag niya pa. Inis niyang inusisa ang aking paa at pinagsabihan ako ng para bang anak niya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Hindi mo naman kailangang magpaka-gentleman sa harap ng mga babaeng 'yan! Just leave me here—ayy!”

Gumuho ang dibdib ko sa biglang ginawa niya. Hindi ko mapigilang hindi mapatili sa biglang pagbuhat niya sa 'kin. My mind went blank, literally. Wala akong maaninag. Tumigas bigla ang katawan ko't nanginig.

“Stay still and relax, will you?” He ordered.

Pinaupo niya ako sa couch at hinubad ang heels ko. Ako nama'y wala sa sariling pinanood lang ang mga ginagawa niya. Blankong-blanko ang sarili ko. I can't say the exact word for what just happened. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Kay bilis ng pangyayari. Parang isang pitik lang ng orasan. Pinagmasdan ko lang siyang tumayo at lumapit sa mga babae. Napipi ako bigla.

Walang'yang Ashton ka!

“Excuse me Miss. Do you have a cold compress here?” Tanong niya doon sa babaeng pulang-pula na ang mukha sa kakatitig sa kaniya. Kulang nalang hinubaran niya sa isipan si Ashton.

Tss.

Tumango-tango lang ito ngunit hindi pa rin kumilos.

“Ahm Miss pwede pakidalian naman. Na sprain kasi asawa ko,” aniya bago siya lumingon sa 'kin mismo.

Nabitawan ko kaagad ang tumbler sa narinig. Mabuti nalang at hindi ko pa ito nabuksan.

Where did he get that idea?! Seriously?! He called me his wife kahit hindi pa kami kasal?!

Too pretentious!

Inabot ko ang aking tumbler ngunit sobrang layo nito. Inis kong kinamot ang leeg ko ng hindi ko kayang abutin ang tumbler. Masyadong malayo ang nahulugan nito at nauuhaw na ako! Bakit ba lagi akong nauuhaw ngayon?!

Feeling ko kahit isang drum ng tubig ang inumin ko ngayong araw ay hindi mapapawi ang uhaw ko sa mga nangyayari.

Bumalik ang mga mata ko kay Ashton ngunit agad na kumunot ang noo ko ng hindi ko ito tanaw sa kinatatayuan nito kanina lang. Saan 'yon nagpunta? Kainis naman oh!

Kung kailan ko kakailanganin, tiyaka pa mawawala.

Tss.

I want to ask help but everybody is busy. Bagsak balikat kong tinitigan ang tumbler ko.

I'm so thirsty...

“Why are you so clumsy?” Mahinang tanong nito ngunit klarong-klaro pa rin ang pagiging arogante.

Kailan kaya ito magsasalita ng hindi galit at inis ang boses?

He picked it up. May dala siyang tsinelas at cold compress. Inilapag niya muna iyon sa couch. Binuksan niya muna ang tumbler bago binigay sa 'kin.

“T-thanks...”

“Tss.”

Sinimulan niyang hilutin ang paa ko kaya ramdam na ramdam ko ang kaunting gaspang nito sa kamay. Uminit bigla ang mukha ko. Nakakapang-ilan na 'to sa 'kin ngayong araw. Kanina lang sinigawan niya ako at niyakap. Ngayon naman ay hinilot ang aking paa.

“Just tell me if it hurts,” aniya.

I just nodded and watched him what he's doing.

“Dahan-dahan lang...” Sabi ko ng biglang kumirot ang paa ko. Masyadong malakas ang pagkatapilok ko yata. Halos wala ng lamig ang cold compress at pakiramdam ko hindi bumuti ang paa ko.

“This won't do,” saad niya.

Umangat ang tingin ko ng bigla siyang tumayo.

“Can you walk?”

I slowly shook my head.

He took a deep breath before putting my heels and my tumbler inside the eco bag. Nagtataka kong sinundan lahat ng kilos niya.

“Stay still,” utos niya bago ako binuhat. Ilang beses kaya akong nagulat ngayong araw. Hindi nalang ako umangal at nananatiling tahimik habang lihim na pinagmasdan ang unti-unting pamumuo ng pawis sa noo nito.

I couldn't imagine myself being tie to someone especially when it's Ashton Campbell. I am already anticipating the agony he could give. Mapait akong ngumiti habang nakatitig sa malamyos na lawiswis ng alon pagkalapag ni Ashton sa 'kin sa bangka.

If it is meant to happen and I couldn't do anything about it. Then let it be.

Related chapters

  • The Badboy's Wife   Kabanata 03

    M A L I A ' S P O VJust what I guessed, the island is more quite and serene. It was a combination of the color blue and green. Mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang nagpuputian at kumikintab na mga buhangin. Parang ang sarap kaagad humilata doon habang basa ang katawan. My swimming cell is now too excited to get soak under the dark blue water. Ang laki ng ngiti ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng isla.I am too excited that I forgot my sprained feet. I attempted to stand up and get off the boat but I instantly flinched and get back to my previous position. Agad na nawala ang ngiti ko habang nakatingin sa aking paa."Badtrip ka naman oh!" Bulong ko sa sarili.Ginalaw-galaw ko ito at hinilot para naman kahit papaano ay makapaglakad na ako at ma-enjoy ko ang tanawin. Masakit talaga. Literal. Pinipigilan ko lang ang mukha ko na hindi gumawa ng kahit na anong reaksyon."Pwede pong patulong sa mga gamit namin, Manong?" My attention was shifted on Ashton as he asked Manong fo

    Last Updated : 2022-03-08
  • The Badboy's Wife   Kabanata 04

    MALIA'S POV"We can talk later. Take a rest first." I managed to submerge myself in a deep sleep before anxiety and overthinking will take over. Siguro sa sobrang pagod ay nakatulog kaagad ako ng mahimbing. Nararamdaman ko iyon dahil isang tahimik at matiwasay na paglalakbay ang matulog pagkatapos mapagod ng sobra. Sleeping is everyone's temporary escape from all the chaos of reality but why does no one wants to sleep forever?When I opened my eyes, that's when I realized that I am facing my painful reality. I had sleep for a long time but I am still restless. Tulala akong napatitig sa kisame ng kuwarto habang iniisip kung ano na ang susunod na mangyayari. Parang kay bilis lumipas ng araw at napakaraming pangyayari kaagad ang naganap.Kahit ang bigat ng pakiramdam ko sa katawan ay kinaya ko paring tumayo at lumabas ng kuwarto. Unang bumungad sa 'kin ang nakakasilaw na liwanag ng araw. Ang init. Sobrang init. Nagtataka lang ako sa paligid dahil sobrang tahimik nito. I saw Ashton and t

    Last Updated : 2022-05-02
  • The Badboy's Wife   Kabanata 05

    MALIA'S POV"Condolence."Everywhere I go. Every step I take. Every move I make. Halos lahat ng kilos ko, isang salita lamang ang aking naririnig mula sa mga tao sa paligid ko."We're sorry for your loss.""Nakikiramay kami.""Lubos kaming nakikiramay.""Condolence."Walang katapusan iyon gaya ng pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. Gusto ko nalang mabingi para hindi iyon marinig kasi bawat bigkas ng salitang iyon ay ang unti-unti akong ginising sa katotohanang wala na si Daddy.Wala na ang kaisa-isang taong kasama ko dito sa mundo.Wala na ang kaisa-isang taong kaya akong intindihin.Wala na ang kaisa-isang taong mahal ako."D-daddy..." Hindi ko na halos marinig ang sariling boses. Naubos na yata sa ilang araw kong pag-iyak. Akala ko kasi nagbibiro lang si Ashton. I thought it was a prank to make me mad at him but it turned out real."D-daddy...""Malia..." Ashton's soft voice made me turned my head and looked at him. He sighed while handing me a glass of water. Kanina pa nanunuyo

    Last Updated : 2022-05-12
  • The Badboy's Wife   Kabanata 06

    MALIA'S POV Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan at nagtungo sa kuwarto pagkatapos kong patayin ang tawag ni Ashton. Kagagaling ko lang sa kompanya nila at hindi pa nga ako nakapagbihis ay agad siyang tumawag. Tss. I won't marry him. It's my final decision.Ngayong wala na si Daddy ay wala na rin akong dahilan para pakasalan pa si Ashton. Nasa kanila na rin naman ang pangangalaga ng kompanya namin na hindi ko lubos maisip kung bakit iyon ginawa ni Daddy. What's the use of marriage? Hinding-hindi ako maghahabol kahit gaano pa kalaki ang pamanang iniwan ni Daddy para sa 'kin. Kahit na nasasaktan ako sa ginawa niyang ito.Napabangon ako bigla mula sa kama at agad na binuksan ang aking phone. It's been a while since I opened my social media accounts. Hindi na ako magtataka kung umuulan ng notifications ang phone ko. Isa na ang nagpaulan ng messages sa F******k at I*******m ay ang best friend ko na si Melizza. "Sana maganda ang kalalabasan ng meet-up niyo hehe." Napan

    Last Updated : 2022-05-18
  • The Badboy's Wife   Kabanata 07

    MALIA'S POV I don't know the reason why they bullied me. Maybe because I chose to hide my identity. Hindi ko pinaalam sa kahit sino ang totoo kong pagkatao. I don't want a nuisance. Ayokong paligiran ako ng mga pekeng tao dahil lang sa aking apelyido."Malia? Are you okay?"Ang malambing na boses ni Mommy ang pumukaw sa 'kin. Agad akong tumango at sinubo ang aking pagkain. Ayoko ring pag-aalahanin ang mga magulang ko."Did something happened? May nanggulo ba sayo sa school?" Ngayon naman ay si Daddy ang nagtanong. I can sense his eyes were suspecting my moves that's why I make my voice more convincing.I immediately shook my head and smiled, "Wala po Mommy, Daddy. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko kasi maraming activities kanina sa school. Pwede po bang mauna na po akong magpahinga?" "Of course, baby!" Mommy agreed. I gave them both a kiss and a hug before climbing up to my room. Masakit halos ang buong katawan ko ngayon dahil kami ang naglilinis ng room at dahil sa kakatakbo. I

    Last Updated : 2022-06-10
  • The Badboy's Wife   Kabanata 08

    MALIA'S POVMy eyes can't stop blinking as waves of memories flashed in my head. My knees were shaking so bad habang nakatitig sa kaniya na mapayapang natutulog. Maamo ang mukha at hinding-hindi mo akalaing gagawa siya ng mga masasamang bagay. Hindi ko rin inaakala na kaya niyang isugal ang sariling buhay para sa 'kin.It was supposed to be me. Para sa akin dapat ang balang iyon. Ako ang target ng mga taong iyon ayon sa imbestigasyon ng kapulisan at wala pa silang nakilalang suspek at wala silang makitang motibo maliban sa isa akong anak na kilalang Maximus Ferreira."So, it was you. Ashton Campbell," I whispered to myself. That's why his presence was familiar the whole time. Hindi ko lang matukoy. Natatakot akong lumapit sa kaniya dahil baka kung ano ang kaya niyang gawin para sa 'kin. Pero mas nangingibabaw ang utang na loob ko kaniya. Utang ko sa kaniya ang aking buhay."Natatandaan mo na ba?" His howling voice and predatory eyes keeps interrogating me. I took a step backward.I swa

    Last Updated : 2022-07-01
  • The Badboy's Wife   Kabanata 09

    MALIA'S POVI don't know what happened next. Pagkamulat ko ay sinalubong ako ng amoy panlalake at bumungad sa 'kin ang maabong kulay ng kisame. Nakapulupot ang buong katawan ko sa comforter.Ang sakit ng ulo ko! Parang minartilyo at biniyak kapag igagalaw ko ito! Ano bang ginawa ko last night?! Bakit ang sakit ng ulo ko?!W-wait... Nasaan nga pala ako? Kaninong kuwarto ito? Paano ako napunta dito? Naguguluhang sunod-sunod na tanong ko sa sarili.Kahit ang sakit-sakit ng ulo ko ay dahan-dahan akong tumayo at lalabas na sana nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang mukha ng taong hindi ko inaasahang makikita ko sa umaga. Hindi ako makagalaw at agad na namilog ang mga mata. I checked myself only to witness how this big shirt of his suited well on my body. Hanggang above the knee ko iyon at wala akong ka-ideya-ideya kung paano ko nasuot 'yon! Wala akong matandaan!I immediately covered myself. I crisscrossed my arms on my chest to protect myself. Just in case."A-anong ginawa mo

    Last Updated : 2022-08-02
  • The Badboy's Wife   Kabanata 10

    “W-wait... W-what do you mean na tumakas ka mula kay Ashton? W-where are you now?” Gulat at sunod-sunod na tanong ni Melizza. Magkasalubong ang kilay nito kahit bakas sa mukha ang pagod. Ala una na ng hapon dito sa Pilipinas kaya mag-uumaga na rin sa kanila.“Are you married with him, right?”Dahan-dahan akong tumango sa tanong niya. Kasal na parang hindi. Kasal sa papel. Pinakasalan ko lang naman siya para makuha ang kung ano ang akin.“Then why did you leave him?! Did he treat you like a slave?”Agad naman akong umiling. Isang kasinungalingan. Hindi maganda ang relasyon namin sa isa't-isa. Hindi ko rin malilimutan ang mga panahong pisikal niya akong sinasaktan. Sa mga panahon na 'yon, gustong-gusto ko ang lumayo sa kaniya. “Then why?!” “B-because I don't like to be with him!” Tumaas ang boses ko na kaagad ding sinaway ng may-ari ng computer shop. Thinking what happened that night, I can't looked straightly at Melizza. I was ashamed to admit that I have been disliking Ashton while I

    Last Updated : 2022-10-19

Latest chapter

  • The Badboy's Wife   Wakas

    ASHTON'S POINT OF VIEW“What the hell are you doing with your life, Ashton?!” My Mom's angry voice greeted me as I step my foot inside our house. Here we are again. I just shrugged and went straight to my room. Nabalitaan niya kasing halos bagsak ko lahat ng subject ko ngayong school year. Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso nalang ako sa paghakbang papunta sa loob ng aking kuwarto. Isang mahabang litanya na naman ‘to. Ang tagal pa naman niyang tumigil. I just wonder how mothers can't be tired of rebuking all throughout the day or even the whole night! Ako nga ay napapagod sa simpleng pagsasalita lalong-lalo na kapag nagpapaliwanag.“Wala na ngang ambag ang ama mo sa pamilya natin! Pati ba naman ikaw?!” habol niya pa. Tss. Hindi ko na kasalanan ‘yon. Hindi ako ang pumili sa kaniya bilang kabiyak ko. Bakit kasi pinili mo siya? E wala naman siyang kwenta bilang isang asawa at ama!Pagod kong ibinagsak ang aking katawan at ipinikit ang mga mata para magpahinga ngunit naudlot iyo

  • The Badboy's Wife   Kabanata 32

    ASHTON'S POINT OF VIEW “And now you're acting like an independent woman when in fact you're just a spoiled brat,” walang emosyong saad ko. I was so caught up with her clumsiness! Ang daming kaartehan sa katawan. Just earlier she ran away from me and with all my strength I ran after her. Though part of it was my fault because I scared her. I was scared that something might happen to her and the blame will put all on me. Hindi lang ama niya ang papatay sa akin pati na rin ang pamilya ko lalong-lalo na si Mommy! Baka itakwil pa nga ako no’n! And now, she sprained her foot, I carried her all the way here. Tapos ngayon ituturing niya akong personal assistant niya?! Hindi man lang marunong mag-please or whatever. Tss!“Excuse me! Anong sabi mo?!” malakas at matinis na boses na namang sigaw niya. Kailan ba hihinahon ang boses nito kapag kaming dalawa lang?“Tss. Spoiled brat na umaasa lang sa ama,” dagdag na pang-iinis ko pa bago ko siya tinalikuran at umalis sa harapan niya. I knew I hit h

  • The Badboy's Wife   Kabanata 31

    ASHTON'S POINT OF VIEW “Ashton!”Hindi ko pa nga naimulat ang mga mata ko ay ang malakas na sigaw na kaagad ang narinig ko mula kay Mommy. Kahit nakakarindi ang boses ni Mommy ay ganyan naman talaga siya. Wala na akong magagawa tungkol diyan. Kadalasan ay hindi ko nalang siya pinapansin.“Ayaw mo talagang gumising?!” rinig na rinig ko ang matinis na boses nito ngunit wala akong sapat na lakas para imulat ang aking mga mata. Masyado akong pagod sa mga nangyayari tapos ang tagal pa namin umuwi kagabi dahil kung ano-ano pa ang pinag-uusapan nilang detalye tungkol sa kasal namin.“Ouch! Mom! That hurts!” Hiyaw ko ng hinampas niya ng unan ang ulo ko. “Mom!” I almost screamed when she never stopped.“Bakit ba?! Ang aga-aga pa!” malakas na reklamo ko. “Maaga? My God Ashton! It's already eight!” she exclaimed in a very sharp noise.“So what?!”Umilag ako nang magtangkang hahampasin na naman niya ako ng unan na hawak niya pa rin. Inis na inis na itong nakatitig sa 'kin habang nakapameywang

  • The Badboy's Wife   Kabanata 30

    ASHTON'S POINT OF VIEWWhen reality strikes, it strikes really hard to the point of giving up what you should not. Katulad na lamang ng sitwasyon namin ngayon. I have my own plans about my life. I already have a plan to marry the only woman I have been loving in my whole life but then reality broke in. The reality destroyed my plans and I hate to admit that my dearest intruder, reality, is the toughest opponent I have. No matter how strong I am. I just couldn't bring reality down. “What?!” I exclaimed the moment when I heard all Mom's plan about my marriage to a stranger. What the fucking hell is she thinking?!“Ashton, this is the only option we have or else we'll lost our company!” Mom's voice thundered on the other line. She had been explaining this for a very long time enough why should I have to do this. Kulang nalang i-recite ko lahat ng mga pinagsasabi nito sa ilang beses ng inulit-ulit sa akin. She repeated it a million times every time she called me. I combed my hair throug

  • The Badboy's Wife   Kabanata 29

    “Mama!” isang matinis na boses ang bumungad sa tainga namin pagkapasok namin sa bukana ng bahay. Nasa pintuan palang kami ay tumakbo na kaagad si Maia papunta sa amin para salubungin kami. And because I am not allowed yet to carry heavy things, she ended up hugging my knees. Nalungkot ako na hindi ko na siya makarga kagaya ng dati. Hays, miss na miss ko na ang aking panganay. Napagtanto kong mga ilang araw na rin kaming hindi nakapagbonding. “Pakilagay nalang sa kuwarto namin ni Ashton, Rouger. Thanks!” I ordered him in the most friendly way. He just nodded and made his way to upstairs, ignoring Trisha in his front. I think pati si Ashton ay napansin kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa ni Trisha. Ashton gave him a tap on his shoulder when he passed him. Akala ka ‘yon na ‘yon pero nang makita ko siyang lumabas para kuhanin ang natitirang mga bags sa kotse ay tila mas lalo akong nahulog sa kaniya. Habang tumatagal ang pagsasama namin ay mas lalo ko siyang nakilala o ‘di kaya’y nat

  • The Badboy's Wife   Kabanata 28

    “Grabeng morning exercise ‘yan. Talagang umagang kay ganda,” Trisha uttered out of the blue while she was waiting for me in the staircase. How did she know? My face immediately heated up because of what just she said, remembering what happened earlier insides our room. “Sorry, I made you wait.”“Nah, no problem,” she giggled habang sinabayan niya ako pababa ng hagdanan. Napagpasiyahan naming isama sana si Maia kaso ang himbing nang tulog nang sinilip namin sa kaniyang kuwarto. “Napagod po yata kahapon, Ma'am. May outdoor activities kasi silang ginagawa sa school,” imporma sa akin ni Ate Lea habang naglilinis siya sa kuwarto ni Maia. Nalungkot ako sa ibinalita niya. Hindi naman pwedeng gisingin ko siya para lang sa shopping session namin kaysa pagpahingahin. She needs to rest. Gusto ko pa siyang ipasyal sa mall at bilhin lahat ng mga magugustuhan niya roon. Minsan lang naman kasi ‘to. Kahit kailan hindi ko pa nabili ang mga gusto niya siguro iyong iba na mga mura lang sa kanto lalong

  • The Badboy's Wife   Kabanata 27

    Ang tahimik ng paligid. Pagkadilat ko ay sumalubong sa akin ang sobrang sakit sa mata na liwanag na nanggagaling sa kisame. I couldn't help to let out a groan when I felt my body aching. “Hey, you're now awake,” Ashton caressed my hand while staring at me. “Hmmm,” bumaling ako sa kaniya na nasa tabi ko lang. Mukhang kakagising niya lang din. Anong oras na ba? “Anong oras na ba?” tanong ko sa kaniya.He looked at his watch, “It’s five in the morning.” Ang aga pa pala kaya tulog na tulog pa si Maia at Trisha sa couch. Mabuti nalang at malaki ang couch. Nakayang pagkasiyahin si Maia at Trisha na ngayon ay himbing na himbing sa pagtulog. Dahil nga sobra akong napagod kagabi ay hindi ko namalayang bumalik ako sa pagtulog. Nagising nalang ako sa ingay ng paligid. Nandito pala ang lahat except sa mga magulang ni Ashton. Trisha and Rouger were here. Hmm, I smell something fishy the way they looked and interacted at each other. Okay lang, bagay naman silang dalawa. Natawa nalang ako haban

  • The Badboy's Wife   Kabanata 26

    Today was a long day. Sobra akong napagod kaya hindi na ako magtataka kung pag-uwi namin ay humiga kaagad ako. No wonder after I lounged myself in my soft bed, I immediately drowned in a deep sleep. Kinabukasan, maaga na namang umalis si Ashton. Mukhang ang dami niyang aasikasuhin ngayon. Wala akong magawa kundi ang bumuntong-hininga pagkatapos kong maghilamos. Ang tahimik ng condo paglabas ko ng kuwarto. Pagtingin ko sa orasan, mag-a-alas diyes na pala ng umaga. Kapag ganitong oras ay nasa paaralan si Ate Lea. Binabantayan si Maia. Mag-isa na naman ako ngayong araw. Alas singko pa kasi ang uwian ni Maia at Ate Lea habang si Ashton naman ay alas otso o ‘di kaya ay mag-o-over time na naman siya ngayon. Palagi nalang. Mukhang marami talaga silang tatrabahuin ngayon. Kitang-kita ko kasi sa mukha at kilos niya na marami siyang trabaho. Dagdag pa na narinig ko talaga ang pag-uusap nila ni Rouger kagabi. Malalim akong humugot ng hininga nang mapagtantong sa sobrang busy niya ay halos wala n

  • The Badboy's Wife   Kabanata 25

    “Can we talk?” si Melizza. I glared at Ashton beside me. I clearly told him that I don't want to see and to talk to Melizza but he insisted! He just smiled before leaving us inside the room. Melizza walked and stood beside me. Her eyes surveyed my situation. I looked at her blanky and with indifference. I still couldn't believe that the two of there were married while Ashton and I were married too. How come it happened?!“I-im sorry, Mals—,”“Don’t you dare call my name again, Melizza. You broke the strings that ties us together the moment you married Ashton,” with cold voice, I warned her when I saw Ashton leaving the room. I scoffed at his confidence leaving me alone in this room together with Melizza. Melizza is my best friend before. That was before. She's not my best friend anymore and I don't want her to become my friend again. I don't know anymore what she's capable of. Baka kaya akong saktan ng babaeng tinuring ko na kapamilya. Tumungo siya at tumitig sa sahig. Hindi man lang

DMCA.com Protection Status