Chapter 3
Three-Headed Snake* * *Gracious Grace MoncatarPUNO ng kaba ang aking dibdib nang malaman kong wala sa loob ng bag ang panyong nakita ko noong nagbakasyon ako sa Nevada Resort. Hindi ko p’wedeng maiwan iyon dahil iyon na lang ang tanging alas ko para matunton ko taong pumatay sa aking ina noon.Napapikit ako at inaalala kung saan ko ito posibleng naiwan. Agad na bumukas ang mata ko nang maalala ko na. Naiwan ko ito sa mesa sa loob ng aking opisina--pangunahing opisina ng Monca.“Sh*t! If my father saw it… no. Uunahan ko ang aking ama. Hindi niya dapat makita ang panyong iyon…”Dahil kong makita niya iyon ay hindi niya ako payagan sa aking mga binabalak.Pinahid ko ang likod ng aking kamay sa pinagpawisan kong noo. Agad kong hinubad ang sapin sa aking paa na mataas ang takong para hindi ako mahirapan sa pagtakbo. Lumabas ako sa aking sasakyan na walang sapin ang paa. Binilisan ko ang aking pagtakbo hanggang sa makarating ako sa elevator, agad ko namang pinindot iyong labinsiyam na numero dahil doon matagpuan ang main office ng Monca.Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang pagkahingal. I was still catching my breath when the elevator opened. Sa wakas narating ko na ang labinsiyam na palapag.I entered my office, still catching some air. There. I saw my father holding the white handkerchief I left, his face was gloomy. I guess, he’s mad.“W-Where did you get this handkerchief, Grace?” bungad ng aking ama nang makapasok ako sa opisina ko, hindi niya ako nilingon. “Gumagawa ka ba ng hakbang na hindi ko alam?”Kahit nakatalikod ito, nakita kong mahigpit ang pagkakahawak niya sa panyo. Nanginginig ang kanyang nakakuyom na kamao. Narinig ko pa ang paglagutok nito.“Nope. I… just picked it on the ground,” I simply replied, swallowing some saliva to lessen my thirst. Kanina pang nanunuyo ang lalamunan ko. Dumagundong ang puso ko sa sobrang kaba na halos lalabas na sa kanyang kalalagyan.Humarap ito sa akin. Hindi pa rin nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha. Madilim pa rin na handa akong sakupin ng kadiliman. I gulped when he looked into my eyes directly, full of authority and seriousness.“Don’t lie to me, Grace. I know you’re not telling the truth.”Halos maupos ako sa aking kinatatayuan. He caught me off guard. I know eyes can’t lie but… I will try to hide the truth. Hindi ko dapat sabihin na naiwan ito sa harap ng pintuan ng silid ko noong nasa Nevada Resort ako.“I’m telling the truth, sir,” I said firmly, without cutting our gaze. Siguro naman sapat na ang ginawa kong pagtitig sa kanya para hindi na siya magduda.“Mouth can easily say some lies but eyes can’t hide the truth.”I know it. I can’t perfectly hide the truth. Damn!Nilabanan ko ang panginginig ng aking tuhod. Lumapit ako sa kanya. Itinukod ko ang aking dalawang palad sa mesa at seryosong tinitigan sa mata ang aking ama.“Dad! I already told you. I saw this handkerchief on the ground. I guess someone dropped it,” I exclaimed.“D-Did you see something suspicious after you picked it? Who left this? Do you have a clue?” Nakita ko ang gulat at takot sa kanyang mga mata na agad niya ring iniwas ang kanyang paningin. Kumunot ang noo ko sa inakto niya.“Why are you so shocked and afraid, Dad? Do you know about this?” my eyebrows narrowed.Huminga siya ng malalim, hindi pa rin tumingin sa akin.“Ace, I know your blood is boiling to investigate this matter but I won’t allow you.”“You didn’t answer my question, Dad. Do you know about the three-headed snake?”“Ace. Leave this matter to me, okay? Don’t get yourself involved.” Humarap ito sa akin pero agad ding umiwas ng tingin pagkatapos niyang sabihin ang kanyang salita na para bang ayaw niyang ipakita sa akin ang kanyang emosyon.Halatang may itinatago siya sa akin. Halatang may alam siya pero hindi niya masabi sa akin.“Why? Dad, I am already involved with this matter,” seryoso kong wika. Kinuha ko agad ang panyo na hawak niya dahil maluwag na ang pagkahawak niya rito. “Kung ayaw mong sabihin ang tungkol sa nakaburda sa panyo, wala na akong choice kundi suwayin ka. Sa ayaw at sa gusto mo, ako ang hahanap ng paraan para malaman ko iyan.”Hindi ko na siya hinintay magsalita, tinalikuran ko na siya. We have nothing to discuss.“Sometimes timing is good. Do you think that handkerchief will lead you to the person who killed your mom… eight years ago?”Napatigil ako sa paglalakad. I scoffed behind his back.“Yes, of course.”“Ace, I’m begging you. Don’t do something stupid.”“Do you think I am stupid, Dad?”“You’re not. Pero…hindi basta-basta ang pumatay sa iyong ina. Hindi mo pa kayang kalabanin iyon. Hindi sapat ang iyong lakas at galing. At ayokong mawala ka rin sa akin.”May alam nga si Daddy pero hindi niya kinuwento sa akin. Sinasabi ko na nga ba. Hindi siya basta-basta pumigil kung wala siyang alam.Napaharap ako sa kanya. “So, you knew the person who killed my mom but you never shared it with me. I am your daughter, Dad. Why you didn’t share it with me?”“Because I don’t want you to get involved.”“Lame excuses. Ang gusto mo lang sabihin na sarilihin mo lang ang lahat ng problema dahil wala kang tiwala sa akin.”“Ayaw ko lang na mapahamak ka, Ace. Sana maintindihan mo ako.”I laughed with sarcasm. Mapahamak ako? Marami na ang delikadong misyon na binigay niya sa akin tapos sabihin niyang ayaw niya akong mapahamak? Wow. Naisip niya pa pala iyon?“Anong k’wenta ng pag-train mo sa akin? Anong k’wenta ng pagbigay mo ng delikadong misyon sa akin? Anong k’wenta ng organisasyong nabuo natin kung ayaw mo akong mapahamak?”Malakas niyang ibinagsak ang kanyang kanang kamao sa mesa na sobrang ikinagulat ko. Matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin na nagbigay ng lamig sa buong sistema ko.“We have nothing to discuss. Dismissed.”Hinakbang nito ang kanyang paa palapit sa akin na hindi binasag ang titigan namin. Nakahinga ako ng maluwag nang malampasan niya ako. Dumiretso siya sa daan papuntang B.E.O headquarters pero bago siya lumisan ay may sinabi siya sa akin na ikinatigil ng pintig ng puso ko.“Starting today, you’re going home. No more condominiums.”W-What? No way! Paano ako makapag-imbestiga nito kung sa bahay ako tutuloy? This is bad. He will monitor me. I know it.Agad akong napahawak sa talim ng mesa para humingi ng suporta. Kanina ko pa naramdaman ang panginginig ng aking binti. Mas lalo pang nanginig dahil sa sinabi ng aking ama.Kahit seryoso akong sumagot sa aking ama, may kaunting takot pa rin ako sa kanya pero hindi ko lang pinapakita.Hindi niya sinabi ang tunay na rason kung bakit ayaw niyang sabihin ang tungkol sa nakaburda sa panyo. Tapos pauwiin niya na ako sa bahay simula ngayon. Damn it!I sat down at the table to relax my body and soul but I couldn’t. My heart kept racing like there was no tomorrow. Grabe ang epekto sa akin ni Daddy. Hindi pa rin naka-recover ang buong sistema ko. Alam ko kung paano siya magalit kaya takot ako sa possible niyang gawin.Kinuyom ko ang aking kamao na may hawak na panyo. I also gritted my teeth until my fear faded.Malalaman ko rin ang ibig sabihin nito at kung sino ang nagmamay-ari nito. Gagawa ako ng paraan kahit sa bahay pa ako tumuloy. No one can stop me, even you, Dad.* * *KINAGAT ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa sobrang irita sa pagmumukha ni Amir. Magkaharap kaming dalawa ngayon. Pumunta siya sa bahay dahil nalaman niyang hindi na ako sa condominium tumutuloy. Sermon lang naman ang pinunta niya sa bahay.“Ace, sundin mo kasi ang sinasabi ng iyong ama. Huwag matigas ang ulo.”“P’wede ba, Amir? Kung sermon lang naman ang pinunta mo rito sa bahay, mabuti pang umalis ka na. Kanina ka pa! Napipikon na ako sa ‘yo. I want peace. Can you leave me alone?” naningkit ang mata kong wika.“Sabi ko nga hindi na kita sermunan. Ito naman, oh. Makataboy wagas. Chill ka lang,” nangisi niyang tugon sabay kagat sa cookies na nasa mesa. “Hmm, yummy. You should eat these cookies I made, Ace. It can cool you down.”Dala niya, kain niya. Luto niya, promote niya pa. Saan ka pa?“Wala bang gayuma ito?” taas-kilay kong tanong sabay kuha sa cookies.“If I say yes, you will grab some?” may ngiti sa labi niyang tanong.“No. I won’t.” Binalik ko ang kinuha kong cookies. Ayaw kong magayuma, no.“Why?”“You’re not my type.”“Ouch. Ang sakit, ha?” arteng wika niya sabay hawak sa kanyang dibdib.Napangiwi ako sa drama niya. Yuck. Bakit naging bestfriend ko ang isang ito na puno ng kadramahan? Dinaig pa ako.“Hindi bagay sa’yo ang maging aktor. Umayos ka nga. May gayuma ba ito o wala? Sagutin mo ako.”“Oo, sinasagot na kita. Tayo na. I love y--”Inis kong nilagyan ang bunganga niya ng dalawang cookies at sinamaan siya ng tingin. Oh, sige dada pa.Nakasimangot niyang kinuha ang cookies na nasa bunganga niya. Pabagsak niyang nilagay sa mesa ang cookies na galing sa kanyang bunganga. Nakasimangot pa rin itong tumingin sa akin.“Oh, hindi mo pa ba sagutin ang tanong ko?” I lifted my left eyebrow.“Kakain ba ako kung may gayuma? Ano ‘yan ginayuma ko lang ang sarili ko? Kumain ka na, ang init ng dugo mo sa akin. ‘Di naman kita inaano, ah.”Sa tono ng kanyang pananalita, halatang nagmamaktol. Naputol ang drama kasi. I don’t care. He’s always like that. Minsan makulit, minsan saksakan ng yabang at minsan seryoso. Bipolar ang gag*!I rolled my eyes before grabbing one piece of cookie. Wala na akong hinintay na pasko, kumagat agad ako at nginuya. Napangiti akong tumingin sa kanya dahil masarap nga. Kunsabagay, kailan pa hindi naging masarap ang luto nito?Bukod magaling humawak ng baril. Magaling siyang magluto. Ito ang specialty niya bilang lalaki. Makakain lang ako sa luto niya, magbabago na ang modo ko. Parang luto niya ang happy pill ko.“I really love all the food you’ve cooked. Thank you for these cookies,” nakangiti kong sambit sabay lamon sa cookies na dala niya para sa akin.“Alam ko naman, eh. Luto ko lang ang mahal mo... pero ako, hindi mo mahal.”“Don’t ruin my mood, Amir. Just eat if you want.”Wala itong magawa kundi kainin ang cookies na nilagay ko kanina sa bunganga niya. Nakasimangot pa rin itong ngumunguya. Napangiti na lang ako sa hitsura niya.“Huwag mo akong ngitian kung ayaw mo rin akong mahalin. Paasa ka.”Whatever, feeling actor.Dumighay ako pagkatapos kong uminom ng dalawang basong soft drink bilang panulak sa kinain kong cookies. Nagsalin ako sa isang baso at binigay kay Amir.“Oh, drink it. Payment for your cookies.”“Thanks,” maikling tugon niya. Inimon niya agad ito, halatang uhaw na uhaw.“Want some?” I asked.“Yes, please.”Agad kong sinalinan ang kanyang baso. Pagkatapos ay walang pasabing nilagok.“Hinay-hinay lang. Makaasta ka parang alak ang ininom mo.”Hindi ito umimik. Inagaw niya sa akin ang bote at sa bote na lang uminom. Naubos niya ang half liter na soft drinks. Dumighay rin ito pagkatapos sabay hawak sa kanyang tiyan.“Amir, help me. You’re good at electronic devices, right? Can you hack something?” panimula ko. Seryosong tingin ang binigay ko sa kanya. Gano’n din ito sa akin.“Ace, susuwayin mo naman ba ang iyong ama?” naningkit na tanong nito. “If he knows about this, he won’t forgive you.”Naningkit din ang mata kong sinalubong ang kanyang mata. “I don’t care. Decide right now, are you willing to help me or not? If not, go home.”“Who said that I am going home? I’m willing to risk everything just to help you, baby.” He flattened his back on the chair, also putting his both arms on his nape. His lips curved and winked at me.Baby? The fudge! This man has a lot of air in his mind. I put my right hand on my mouth and let out a laugh.“Your tricks won’t work on me. Keep trying, dude.” I stopped laughing and stood up. “Let’s go. Follow me.”Nagsimula na akong maglakad patungong k’warto ko, hindi ko alam kung sumunod siya sa akin. Nasa balkonahe kasi kami ng k’warto ko nag-uusap. Dito lang ang alam ko na walang kamera. Hindi ako nagpalagay sa k’warto ko ng kamera. I need privacy for damn’s sake.Nausisa ko naman ang lahat ng aking gamit kung may naka-tap na voice recorder o ‘di kaya’y sekretong kamera. I saw nothing. Umarko ang labi ko dahil hindi pinakialaman ng aking ama ang gamit ko rito sa k’warto ko. Nothing changed. Kung ano ang pag-iwan ko, gano’n din ang pagbalik ko.I left home when I was twenty years old at ngayon lang ako nakabalik. Malayong lugar kasi ako nag-aral ng kolehiyo. Nagtrabaho ako sa kompanya ni Daddy bilang pantustos ko sa gastusin. Hindi ko tinatanggap ang perang binigay ng aking ama. I just want to be an independent woman just like my mom.“Are you sure about this? Gagawa ka ng hakbang na ikinagalit ng iyong ama?”Napapikit akong tumigil. Hinarap ko siya na may inis sa aking mukha.“Do you think I am joking?”“Sabi ko nga, halika na. Tulungan na kita,” nakangising wika niya.Nauna itong dumiretso sa harap ng computer. I rolled my eyes in irritation. Napabuga ako ng hangin.This man made me sick. Sobra akong na-stress sa lalaking ito. Isa na lang talaga, malilintikan talaga ang isang ito.Padabog akong lumapit sa kanya na seryosong kumakalikot sa keyboard ng computer. Nanatili akong nakatayo sa kanyang likuran. Hindi ko alam kung saang site siya pumunta. Sa pagkakaalam ko ay hindi ito G****e.“What should I search, young lady?” pormal niyang tanong na para bang butler ko siya. Nilingon niya pa ako na may ngiti sa labi.“Search about the three-headed snake and what is the meaning behind those animals,” mabilis kong tugon.“Your wish is my command, young lady.” Binalik niya na ang tingin sa computer at nagsimulang pinindot ang letra sa keyboard.Ang pintig ng puso ko ay bumilis na rin dahil kinakabahan ako sa aking malaman. At the same time, I am eager to know the truth behind my Dad’s secrets. Kung bakit hindi niya masabi sa akin ang tungkol sa tatlong ulo na ahas na nakaburda sa panyong nakita ko.“Done. Do you want me to read it for you?”Done. After hearing those words, my heart kept racing, an endless race that no one can beat.At last, malalaman ko na ang hindi masabi ni Daddy sa akin.“Hey! Ace, are you okay?”“Can you leave me alone for a bit? Just give me some privacy. Can you?”“Ace, Why--”“I will call you if I need you. Okay? Please, Amir…”Nagkibit-balikat lang siyang tumayo sa upuan. I gave him a timid smile. His eyes softened when he saw my reaction.“Okay, take your time. Call me if you need me, okay? I will just go downstairs and cook food for you.”Tumango lang ako sa kanya. Bago siya lumabas ng k’warto binigyan niya ako ng matamis na ngiti. As usual. His kindness was always written on his smiles. That’s why I love this man, as my best friend. He’s the only man who taught me how to smile. Also told me that smiling is the easiest way to cover up your sadness.Kumaway siya bago sinirado ang pinto. Gano’n na lang din ang ginawa ko. Nang makaalis na siya ay agad akong umupo upuang nakaharap sa computer. Sa isang site lang matagpuan ang lahat tungkol sa tatlong ulo na ahas.“Snake is the symbolism of the Sabio Family because they are venomous, boastful, and ambitious.”Sabio Family… this surname is well-known in politics in our old place--Samarra City. But I do not care. I don’t know them. I just know their surname.“Three-headed snake means three people: the father, the son, and the daughter.”Father, son, and daughter? One root. Two successors.Three-headed snake. ‘Yon ang tattoo ng mga lalaki noon. Kitang-kita ko iyon. Sila ang dahilan kung bakit ako nawalan ng ina. Managot sila sa akin.Kung buhay ang kinuha, buhay rin ang kabayaran.Kung may pinatay ka, patay ka rin sa huli. Maghintay ka lang.Bilang assassin, hindi na ako takot mamatay. Handang-handa na ang buhay ko bilang kabayaran sa mga pinatay ko.Dahan-dahan kong kinuyom ang aking kamao. Pinikit ko rin ang aking mga mata para pakalmahin ang sarili. Gusto ko nang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ina. At malapit na. Nangangati na ang mga kamay ko.May sumagi sa isip ko ngayon. Narinig ko dati ang pagtatalo ng aking magulang tungkol sa pamilyang Sabio. Hindi kaya konektado ito?Think, Ace. Think more. Hinilot-hilot ko ang aking ulo. Napapikit ako dahil sa aking ginawa.~~~“Graciella, bakit mo tinanggap ang misyon? You’re a spy, not a bodyguard. At sa dinami-daming p’wedeng bantayan bakit ang pamilyang Sabio pa? Hindi ako papayag,” matigas na wika ng aking ama.“Gerard… hon… I am a spy of the El Justice Organization. At ang pagiging bodyguard ko sa pamilyang Sabio ay dahil nga maniktik ako. I will do this for the organization,” malumanay na wika ng aking ina.“Delikado. Kung mabuko ka nila, buhay mo ang kukunin nila. I am afraid to lose you and our daughter, honey. Think about the safety of our daughter. Delikado ang misyon na iyan. Can you decline it?”“No, honey. I’ve decided. Maging safe naman ang anak natin dahil may proteksiyon siya galing sa organisasyon. Nand’yan ka na--”~~~“Ace, are you okay?” narinig ko ang boses ni Amir na siyang dahilan na naputol ng pag-iisip ko.Oh, sh*t! The mission of my mom... and my father knew it all along. Konektado sa pamilyang Sabio.My body froze and tears started to fall. Nanginginig ang labi ko dahil sa aking naalala, nanginginig rin ang aking kamay na tinakpan ang aking mukha.Sabio family…Sila nga ang pumatay sa aking ina.At pinatay nila ito dahil...…natuklasan nila ang pag-e-ispya ng aking ina.“Ace! Are you okay? Why are you crying?” niyugyog niya ang aking balikat kaya napatingin ako sa kanya na may luha pa rin ang aking mga mata.Agad akong napayakap kay Amir at humugulhol sa kanyang balikat. Alam kong naintindihan niya ako. Gusto ko lang ipalabas ang bigat sa aking dibdib na kanina pang bumigay dahil sa mga natuklasan.Naramdaman kong hinaplos niya ang aking likod. “So, hugging and crying on my shoulder is your plan after knowing the truth? Sabihin mo lang kasi kung gusto mo akong yakapin. Pagbibigyan naman kita, eh. Hindi ako madamot kahit halik pa ang hilingin mo sa akin.”Nang mapagtanto ko ang kanyang sinabi ay agad naman akong napatigil sa pag-iyak, itinulak ko siya palayo. Napakahangin ang gag*!Mabilis kong pinahid ang luha ko sa aking mata at pisngi. Ang matang galing sa pag-iyak ay napalitan ng matalim na pagtingin.“Gag*!” inis na sambit ko. “Umalis ka na nga.”“Ito naman hindi mabiro. Ang bilis mo namang makabawi ng mood. Kanina umiyak-iyak ka pa tapos may yakap pang bonus tapos ngayon para kang tigre na kumakain ng apoy. Ano ka ba talaga?”“Sinabi mo nang tigre ako na kumakain ng apoy, bakit mo pa natanong? Hindi ka ba nakainom ng gamot mo?” tugon ko na puno ng pag-uuyam. “Makaalis na nga, panira kang bruho ka! Epal ka sa iniisip ko.”Tinalikuran ko na siya, tinungo ko ang pintuan. May gagawin na akong hakbang. I need to get some information about the Sabio family in my father’s study room. Alam kong may mga impormasyon siyang tinatago.Wala pa siya sa bahay kaya pagkakataon ko na ito.“Where are you going?” narinig kong tanong ni Amir ng buksan ko ang pinto nga k’warto ko.“Assassination time. Why? Gusto mo bang ikaw ang unahin ko?”* * *Chapter 4His Plan* * *Victorino Tinsmith SabioI CUSSED when I woke up because of a knock. Inis kong binaon ang kabilang tainga sa unan at tinakpan naman ng aking kamay ang kabila. This is what I hate, disturbing my sleep every morning.“Damn it! What is it? Stop knocking on my door. Just spill it out,” may pagtitimping wika ko na nakapikit pa rin ang mata.“Young master, nandito ang ina niyo. Naghihintay siya sa sala. Hinihintay kayo,” narinig kong tugon sa labas.Nang marinig ko iyon ay agad akong bumangon. Lumagutok ang mga buto ko nang mahigpit kong kinuyom ang aking kamay. Napangisi ako nang wala sa oras. Alam ko naman kung ano ang pinunta niya sa bahay ko.“Tell her, I’m coming.”“Yes, young master.”Nagsuot ako ng pang-itaas na damit dahil iyon ang kulang sa sarili ko. Lumabas na lang ako ng k’warto at bumaba na. Kahit nasa hagdan pa lang ako ay kitang-kita ko na ang aking ina na prenteng nakaupo sa kulay pulang sofa. Ang mga mata nito ay kinikilatis ang nasa loob ng bahay ko
Chapter 5Assassin’s Mission* * *Gracious Grace MoncatarWE GATHERED inside the Convention Hall of Black Eagle Organization. Kanya-kanya kaming humila ng upuan namin na nasa harap ng mahabang mesa. Pagkatapos ay inayos ng bawat isa ang microphone na nasa harap ng bawat upuan. The long table is filled with skillful assassins. The four corners of the room were filled with tensions of silence. Ang mga beteranong assassins lang ang pinatawag kaya may disiplina sa sarili at ugali. Hindi tulad ng mga baguhan na kuda at reklamo lang ang alam. Hindi naman maayos ang trabaho, palaging palpak.I don’t have a clue why the leader of the organization called us here. May importante raw itong sasabihin at kailangang grupo ang gagawa ng misyon, iyon ang narinig kong usap-usapan kanina. The mission is very important and need to do it as soon as possible. Interesting.Sino kaya ang nagpa-request? At sino ang i-assassinate na kailangang grupo ang gumawa? This is new to me.Hindi ko alam kung bakit duma
Chapter 6Preparation* * *Gracious Grace Moncatar“ACE, IF YOU want to assassinate Don Victorino badly, I have a deal for you.”Napalingon ako sa aking likuran dahil doon nanggaling ang boses. Nasa main office na ako ng Monca, hindi ko napansin na sinundan niya ako rito.“What kind of a deal?” I asked curiously. Kinakabahan ako sa sobrang seryoso ng hitsura at boses niya.Kinakabahan ako sa magiging deal niya pero hindi ko pinahalata. Nanatili akong matapang na sinalubong ang seryoso niyang titig sa aking mga mata.“If you failed to assassinate Don Victorino… the pillar of Black Eagle Organization will be fallen forever.”Halos tumigil ang oras ko dahil sa narinig. Pabalik-balik lang sa utak ko ang sinabi niya at hindi na mawawala. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi, nakakuyom na rin ng aking kamao dahil sa sinabi ng aking ama.Hindi ako makapaniwala na gamitin niya ang organisasyon para i-blackmail ako. I love the organization we built. I treated it as my second home and the m
Chapter 7Assassination Time* * *Gracious Grace MoncatarISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko ulit tinitigan ang kabuuan ko sa salamin. I’m wearing an ebony tight-fitting sleeveless shirt, cargo pants, and a pair of ebony knee-high boots that are filled with daggers inside the small secret pockets.I felt that I was sweating beneath the black mask I was wearing right now.I hate wearing masks during the mission because it’s too hot. Maging sagabal din siya sa aking paghinga at hindi makita ang taglay na ganda ko. Pero, wala akong maggagawa dahil kailangan kong magsuot nito habang hindi pa ako nakapasok sa mansion ni Don Victorino.Hinagod ko ang tuwid at mahaba kong buhok na naka-ponytail bago nagpakawala ulit ng malalim na buntong-hininga. Kanina pa tumitibok ng mabilis ang puso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Hindi naman ako ganito kung ako lang mag-isa ang gagawa ng misyon. Hays!I should go now. Malapit na rin kasi mag-alas-k’watro ng hapon.
Chapter 7.1Assassination Time* * *Gracious Grace MoncatarI SMIRKED after what I heard. I thought my father wouldn’t tell them about our deal. Thank God, they know. Wala rin akong balak na sabihin iyon sa kanila. Mabuti ‘yon na sinabi ng aking ama sa kanila.At alam ko kung ano ang nasa isip nila ngayon. It’s either they will stop me and they will take over my task or they will help me to take action. I know they love the organization. Pero mas higit ang pagmamahal ko sa organization. Ayaw ko rin itong mawala lang bigla, pero alam kong seryoso ang aking ama. Once he said it, there was no nullification.“Don’t worry. I will accomplish this mission so the organization won’t fall.” My word was firm like a stone.“Don’t be so arrogant, Ace. Hindi mo pa lubos na kilala ang taong ipapatay sa atin. He’s the mayor of Samarra City. At hindi basta-basta patayin ang isang mayor. He has a lot of bodyguards.” Precious said bluntly.Arrogant? Wow. Nagsasalita ang hindi arogante. Kahit libo-libo p
Chapter 8Cornered* * *Gracious Grace Moncatar AROMATIC CANDLE scent welcomed me when I entered Don Victorino's huge room. My jaw dropped when I realized that I entered the wrong room. It isn't Don Victorino's room but an indoor pool. I cursed because of my damn error. Sa blueprint ito ang k'warto ni Victorino. I'm sure of it but why it became an indoor pool?Inilibot ko ang aking mata sa loob hindi para ilarawan ang k'warto kundi hanapin ang taong hinahanap ko.The entire room was filled with aromatic candlelights added by the two chandeliers hanging on the ceilings that made the room apparent. The glass window is wide open. The black thin curtain swayed when the wind hit it. The indoor pool is full of rose petals floating above the water. The pool is located amid the four corners of the room surrounded by five big pair pillars.May nakita akong isang malaking kama na napalibutan ng maninipis na kurtina sa kabila ng pool na hindi layuan sa kinatatayuan ko. Parang may nakita akong b
Chapter 8.1Cornered* * *Gracious Grace MoncatarNANGINIG ang buo kong katawan, napamaang ang aking labi at hindi makagalaw sa ginawa niya. Damn! I am an assassin for damn’s sake but I’m weak when it comes to this guy. I can’t even slit his throat.He took advantage of my weakness. Siya mismo ang nagpaputok sa baril na hawak ko hanggang sa maubos ang bala. Binitiwan ko na ang baril dahil wala nang k’wenta.Sh*t! Maalarma ang mga g'wardiya sa ginawa niya.Pumikit ako, kinuyom ko ang aking kamao para kumuha ng lakas. Buong p’wersa ko siyang tinulak kaya nalaglag ito sa kama pero nahawakan niya ang braso ko dahilan na napasama ako sa paglaglag.Nanlaki ang mata ko at halos tumigil ang aking paghinga nang aksidenteng lumapat ang aming labi. I felt my blood rise on my cheeks, even my heart kept pumping like crazy.Oh. My first... kiss. At napunta lang sa lalaking hindi ko kilala?I woke to my fantasy. I clenched my fist. Malakas kong pinagbangga ang noo naming dalawa dahilan na mabitiwan
Chapter 9Intruders* * *Gracious Grace MoncatarAFTER HEARING his words, I felt my blood on fire when it ran through my veins until it got up in my head, making me furious while gazing at him. I fastened the grip on the handle of the gun using my both hands. I was shaking because I couldn’t control my anger anymore and I was ready to fire the bullet on his head but there was a side of me not to pull the trigger. I can’t believe it. How come? Don Victorino is old in the picture I saw. The information we get, he’s old. How come he became young? Is this a trap? And this man, I guess, he just buying my time so that Don Victorino has time to escape.I still don’t get it. Mali ba ang binigay na impormasyon ng kliyente sa amin? Mali ba ang impormasyong nakalap ng tracer ng B.E.O? Mali ba ang impormasyong binigay ni Amir sa akin? May alam ba sila tungkol dito kaya gano’n na lang ang kuda nila kanina? Hindi maari.Napaisip din ako, laking himala talaga kung ang kliyente mismo ang magbigay ng
Chapter 18Knowing the Truth* * * Gracious Grace Moncatar “BELIEVE me, my family did not kill your mother. We are victims too. Believe me, please...”Napaikot ang aking mata tuwing maalala ko ang sinabi ni Victorino sa akin. Paano ako maniwala kung puro kasinungalingan na ang nakapaligid sa akin? Pagod na akong maniwala sa kasinungalingan. Pagod na akong umikot sa palad ng mga sinungaling na tao. Gusto ko lang naman ng katotohanan at hustisya sa pagkamatay ng aking ina. Bakit kay hirap abutin at tila ipinagkait sa akin? I just want to know everything.One week passed and I decided to go home. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago ako sumakay ng itim kong motorsiklo. Inayos ko rin muna ang itim kong helmet sa ulo bago ko pinaandar ang makina. Napatingin ako sa wristwatch ko.“It’s already 10 p.m. It’s time to go home.” I smirked. Agad kong pinaharurot ang motorsiklo patungong Leseria City.Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa mansion pero isa lang ang
Chapter 17.1Worthless Clash * * * Gracious Grace Moncatar INATAKE KO siya gamit ang dagger, lumaban naman siya sa bawat kumpas ng aking bawat kamay. Pero napapangiwi siya tuwing masugatan ko siya ng matalim na dagger. Pareho kaming namapalayo sa isa’t isa nang malakas naming pinagbangga ang aming noo para makawala sa kamay ng bawat isa. Sa pagkakataong ito, siya naman ang umatake sa akin. I almost fell when she gave me a strong punch in my stomach. She added a punch to my fresh wound that I couldn’t oppose. I groaned in distress. I tried to endure the pain and fight her. I gave her a strong sidekick, aiming his feet, and made her stumble on the floor. Pareho kaming habol-habol ang hininga at pawis na pawis. Naglalagablab din ang tingin namin sa isa’t isa, parehong ayaw magpapatalo sa laban. Ramdam ko ang panginginig ng sugat ko, ramdam ko ring malapit nang maubos ang enerhiya ko. This is bad. Sabay sana kaming aatake pero napalayo kami sa isa’t isa dahil may humagis sa amin na h
Chapter 17 Worthless Clash * * * Gracious Grace Moncatar NAPANGISI akong tumingin sa kapatid ni Victorino na inis na inis dahil malapit na siyang mawalan ng bala. Magaling siyang tumira pero mas magaling akong umiwas. Halos maubos niya na ang isang magasin pero hindi niya pa rin ako natamaan. Parang mabingi na rin ako sa sunod-sunod na putok ng kanyang baril. Umuusok din ang iba’t ibang bagay na matamaan ng bala, maging ang paligid. Hindi talaga titigil ang bruha. Dahil lang binaril ko ang hita niya, babarilin niya rin ang hita ko? She is stupid and childish. “Oh, sh*t!” mura ko sabay tago nang mabilis sa haligi nang putukan niya ang kinaroroonan ko. Umalingaw-ngaw pa rin sa tainga ko ang putok ng baril. Muntik na ako. Damn! She hits me but just a strand of my hair and my long jacket. Pasalamat ako dahil maraming haligi at mga gamit na maging panangga ng bala kung barilin ako ng kapatid ni Victorino. Kung lumalapit siya sa kinaroroonan ko, lumalayo naman ako at umiwas hanggang
Chapter 16.1Saved?* * *Victorino Tinsmith SabioSH*T! This woman has a lot of tricks. Kinakabahan ako para kay Grace. Paano kung natalo siya ni Henrick? May tama pa siya ng bala at kulang ang pahinga niya, hindi niya kakayaning lumaban.“Don’t ever dare! Let go of me, Victorina!” I yelled, kept trying to break or loosen the rusty chain on my wrist but I couldn’t.“Okay. I will let you go temporarily and won’t touch her if your assassin wins my game.”“What the fvck are you trying to do?”“You will know it later if your trusted guard arrives together with your assassin.” Lumakad siya papunta sa basag na wasak na bintana na nakadungaw sa grahe.I felt so useless right now. I can’t even escape with this stupid abduction. Hindi ako takot sa gagawin ni Victorina sa akin. Takot ako sa gagawin niya kay Grace. Kung malaman ng aking kapatid ang tunay na pagkatao ni Grace, alam kong isusumbong niya iyon kay Tito Erickyl–kapatid ni Daddy na nasa kabilang bansa ngayon. Sh*t!Alam kong ginagamit
Chapter 16Saved?* * *Victorino Tinsmith Sabio“VERY GOOD, Henrick! Siya mismo ang lumapit diyan. May atraso sa akin ang babaeng iyan. How dare she shoot my thigh? I will do the same for her. Bring her to me, now!” Victorina ordered over her phone. Her voice filled the entire area. Halata sa boses niya ang galit.She is talking to my guard, Henrick, the person whom I trust and she is referring to Grace. She’s now in my mansion? Sh*t! What is she doing there? If she fights Henrick, wala siyang laban. Henrick is a black belter master, his footwork is good too. He is the one who trained me of course he is good at fighting using his strength. Wala na ring tao ang mansion maliban kay Henrick. Pinasama ko ang mga tauhan ko kay Tita Ciella sa kabilang mansion, ang mga nagpaiwan sa akin ay alam kong pinatay na sila ng mga alagad ni Victorina.I thought Grace got hospitalized because someone shot her before they took me away. Gladly, she’s fine. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may ma
Chapter 15.1Suspicious* * *Gracious Grace MoncatarSA WAKAS narating ko na ang bahay ni Victorino. Pinarada ko ang sasakyan sa tapat ng gate nila. Ikinubli ko ang kabang naramdaman ko ngayon. Pumikit ako at huminga ng sobrang lalim. I hope I find something useful later.Inayos ko muna ang sarili, seryoso akong tumingin sa salamin na nasa harapan ko. Dumagdag lalo sa kadiliman ng aking mata ang eyeliner na nilagay ko. My thin red lips curved when I saw a man, wearing a formal black suit. He opened the gate wide and gave me a signal to let my car inside the manor. I thought all the bodyguards and maid were wiped out last night. Oh. Right, walang kasiguraduhan ang sagot ni Victorino sa akin.Napakagat ako sa aking labi dahil namamanhid naman ang sugat ko sa likod at nakaramdam na rin ako ng panghihina. Sh*t! I felt exhausted. I’m just lucky that I woke up early even though I got a gunshot. Hindi naman kasi sa lethal part tumama ang bala at laking pasasalamatan ko iyon. Kunsabagay hin
Chapter 15Suspicious* * *Gracious Grace MoncatarNARANIG KO ang pagtawag nilang lahat sa akin pero hindi ko sila pinansin. Hinintay ko na tawagin ng aking ama ang pangalan ko pero wala. Hindi niya ako tinawag kaya nagpatuloy akong lumabas ng Convention Hall. Mabigat ang loob ko na lumabas sa convention. Habang lumalakad sa daan patungong labasan ng B.E.O headquarters ay naninikip ang dibdib ko, kinagat-kagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pinigilan ang sarili na hindi umiyak.Why would I cry for those shits?Nang makarating ako sa pangunahing opisina ng Monca ay agad akong nagwala. Sigaw ako nang sigaw habang itinapon ang mga gamit sa sahig. Lahat ng gamit na makita at mahawakan ko ay itinapon ko iyon sa sahig. Wala na akong pakialam kung magulo ang opisinang ito. Ang gusto ko lang ay mailabas ang galit ko. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang malaking picture frame na nakasabit sa dingding, kaming dalawa ng aking ama ang nasa litrato. Walang awa ko itong itinapon sa sahig.
Chapter 14.1Cutting the Threads* * *Gracious Grace Moncatar“ACE, LOOKS like your father was upset. You should not do that, alam mo namang kinansel na ang request ng kliyente. Don Victorino isn’t our target anymore…” bulong ni Amir sa akin.“Y-yeah. A-Ace, don’t be stubborn. It’s fine with us if the organization won’t work again. Look… he is scary like hell,” nanginginig ang labi na sambit ni Angela.“A-Ace, it’s okay. It’s his decision. Let him be. T-tanggap na namin. Just withdraw your words. Don’t make your father upset,” Precious said, holding my arm gently, and giving me a reassuring smile.No. Umiling-iling ako.I know he’s upset but how about me? I’m pissed off. Kanina pang pilit kong pinakalma ang sistema ko. Hindi pa ako nakabawi sa nangyari kanina. My rage is still raging inside my veins that can’t be wiped out if I can’t tuck my dagger into someone’s flesh. That’s my creepy mood.“No way! Hindi ko maintindihan. Bakit nagbago naman ang isip niyo?” irita kong tanong. Agad k
Chapter 14Cutting the Threads* * *Gracious Grace Moncatar“ACE! ACE!” tawag ni Precious akin pero hindi ko siya pinansin. Nanatili pa ring nakakunot ang noo ko dahil sa mga naglalaro sa isipan ko.“Ace! Say something. Why you didn’t utter any words? We are done speaking our perspective, it’s your turn now,” segunda ni Angela.“Ace, the organization is in your hands. If you don’t speak, the leader will continue the closing ceremony,” seryosong wika ni Amir.If I say what I’ve heard at the hospital, the leader will be interested but everyone will know. It should be a secret. There’s still a traitor inside the organization, I shouldn’t spill it out.What method should I use then? Argh!Oh. The only solution is… I must assassinate Victorino. Siguro naman mapabago pa ang isip ng lider. Pero, kinansel na ang request. Ang ipinagtataka ko dahil hindi man lang binawi ang pera, hindi naman charity ang organisasyon namin.Pinagtripan ba kami ng kliyente? Unang pagkakamali niya ay ang litrato n