Share

3

last update Huling Na-update: 2023-11-02 17:17:44

Celine's Point Of View

PAGKARATING ko sa bahay ay agad kong chineck sa kwarto si Cyrille. She's sleeping, probably tired because of her school works. Ilang taong tumigil si Cyrille sa pag-aaral dahil sa sakit niya. Magmula nang ma-diagnosed siya na may Bipolar ay pina-tigil siya ni Doc Almoreno sa pag-aaral dahil maaaring ma-trigger ang mood niya sa environment ng school.

Pero ilang taon ang lumipas ay naging maayos na rin ang kanyang mood. Hindi na paiba-iba ang mood niya unlike noon na masaya siya tapos biglang malulungkot siya.

After checking her, I decided to go downstairs to organize the things that I bought. Kalahating minuto rin ang lumipas bago ako natapos sa pag-aayos ng mga pinamili ko.

Kulang na kasi ang mga stock namin kaya nagdesisyon akong bumili. Kamalas-malasan nga lang ay hindi ko agad nakita kung nasaan ang wallet ko. Kani-kanina ko lang naalala na nasa bag ko pala ang wallet ko.

Sobrang nakakahiya ang nangyari kanina. Hindi ko lubos akalain na mangyayari 'yon sa akin. Mabuti na lang at nandoon si Doc Emman para pahiramin ako ng pambayad sa mga pinamili ko.

Speaking of Doc Emman. Kumusta kaya siya? Ano kaya ang ginagawa niya?

Umiling ako at umakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos ay nag-half bath. Nang matapos ako ay agad akong nagbihis ng pantulog at nag-surf sa internet.

Inistalk ko si Doc Emman subalit gano'n na lang ang lungkot na naramdaman ko nang makita kong naka-private ang i* at f* account niya. Nahihiya man pero desidido kong inadd at finollow si Doc Emman sa f* at i* niya.

May mga pictures naman siya sa f* pero ang ilan do'n ay noong intern pa siya-matatagal na niyang pictures. Akmang tutulog na sana ako kaso biglang may nag-notif sa phone ko dahilan para tignan ko ito.

"Oh my gosh!" Impit na tili ko.

Hindi ako makapaniwala! Totoo ba ito? Did Doc Emman just accepted my friend and follow request?!

I bit my lowe lip while smiling and unconsciously typed on my phone.

(Good evening, Doc! Bukas ko na lang po babayaran 'yong pinambayad mo sa groceries ko po. Thank you for saving me. Stay safe and God bless, Doc!)

Ilang segundo ang lumipas bago ko nakita sa phone ko na kasalukuyan siyng nagta-type. I can't help but to smile while looking at my phone. Kahit pala talaga mukhang masungit, may parte pa rin sa puso niya na napakabusilak.

(Noted.)

Akala ko pa naman din napakahaba ng tina-type niya! Hmp!

Sa kabila no'n ay hindi ko pa rin mapigilang huwag ngumiti. I once again bit my lower lip and thanked him again. Napaka-bastos naman kasi kung ise-seen ko lang siya. Hindi na niya muling sineen ang message ko kaya nagdesisyon na akong humiga sa aking kama.

Ilang minuto ang lumipas bago ko naramdaman ang antok dahilan para sumara ang aking mga mata at makatulog ako.

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising. Agad akong umupo mula sa pagkakahiga at nag-unat. Maaga pa pero kailangan kong asikasuhin ang aking kapatid para sa pag-pasok niya.

Akmang pupunta na sana ako sa kusina upang ipaghanda siya ng kanyang makakain subalit laking gulat ko nang makita ko si Cyrille na kasalukuyang naghahanda ng pagkain sa lamesa.

"Good morning. You woke up late that's why I decided to cook our breakfast," nakangiting aniya habang nilalagay ang mangkok sa lamesa na kung saan ay naglalaman ng kanin.

I smiled at her and opened my arms telling her to hug me. "I'm so proud of your improvements, Cy." I uttered while hugging her.

Nang maipaghiwalay namin ang aming mg katawan mula sa pagkakayakap ay agad niya akong nginitian pagkatapos ay niyaya akong kumain.

Natapos kaming kumain bago kami nagdesisyong maligo't magbihis. Ihahatid ko na siya sa school niya gaya ng ginagawa ko noon. Marunong naman magmaneho si Cyrille dahil tinuruan ko na siya noon ngunit wala nga lang siyang lisensya.

"Kumusta si Dr. Almoreno bilang boss?" Tanong niya.

Kumunot ang aking noo dahil sa tanong niyang 'yon. Wala pang nakakaalam na mas pinili kong maging secretary kaysa ang pagiging nars.

"Ah.. H-ha? A-nong sinasabi mo? Haha." Nauutal na turan ko.

I heard her chuckled then shook her head, "I won't tell mom and dad. You don't have to worry about. Just like how we used to be, no secrets and no lies." Nakangiting saad niya.

I smiled back at her and told her everything. Noong una ay hindi rin siya makapaniwala subalit nang ma-process na sa isip niya lahat ay tinukso niya na ako.

"Ikaw ah! Akala ko ba hindi ka na magkaka-gusto ulit? Bakit na-in love ka kay Doc Almoreno?" Nang-aasar na aniya.

Ngumuso ako at ngumiti bago nagsalita, "Hoy! Crush lang naman. Grabe ka sa in love!" Natatawang wika ko.

Nang makarating na kami sa school ni Cyrille ay agad akong nagpaalam sa kaniya. "Sorry talaga kung hindi kita nasusundo t'wing dismissal mo. Basta ah? Wala kang ibang gagawin. Diretso bahay, okay?" Paalala ko kay Cyrille.

Noon ay natatakot kaming iwan si Cyrille mag-isa dahil maaaring may kung ano siyang bilihin para masaktan niya ang sarili niya pero 'di nagtagal ay natuto kaming pagkatiwalaan siya lalo na ngayong unti unti nang nag-i-improve ang lagay niya.

"Okay, I'll see you when I get home." She uttered then kissed me on my cheek.

"GOOD DAY, DOC!" Nakangiting bati ko kay Doc Almoreno nang makapasok siya sa clinic niya.

Napaaga ako ng twenty minutes kaya naayos ko na agad ang mga gamit ko dito sa desk ko. Magmula ngayon ay heto na ang magiging routine ko: maghahatid kay Cyrille sa school niya every weekend at diretso dito sa Ospital pagkatapos ay magta-trabaho bilang secretary ni Doc Emman.

Hindi naman mahirap dahil nae-enjoy ko ang ginagawa ko. Kahit na tinalikuran ko ang pagiging nars ay naging secretary naman ako ng Doktor. Maliban doon ay nakakatulong pa rin naman ako sa mg pasyente kapag may queries sila sa mga dapat nilang gawin.

"Good morning," seryosong aniya at pumasok na sa loob ng kanyang clinic.

Ang aga aga napakasungit!

Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa viber upang tignan doon ang mga pasyenteng magpapa-konsulta kay Doc Emman at inilista 'yon sa malinis na papel upang hindi ko na ilabas pa ang cellphone ko sa oras ng trabaho.

Minuto ang lumipas ay may pumasok nang pasyente sa loob ng clinic pagkatapos ay agad na binigay sa akin ang sheet na nakuha nila mula sa entrance ng hospital.

"Saglit lang po, Mrs. Alviar." Nakangiting wika ko.

Tumango naman siya at muling bumalik sa couch habang ako naman ay kumatok sa sliding door ni Doc upang tanungin kung okay na ba sa kaniyang magpapasok ng pasyente.

"Doc, narito na po si Mrs. Alviar." Saad ko.

He heaved a deep breath three times and nodded. Tumango na rin lang ako at lumapit na kay Mrs. Alviar pagkatapos ay inalalayan siyang pumasok sa pinaka-loob ng clinic ni Doc.

Gano'n ang naging gawain ko matapos ang ilang oras. Paulit ulit at minsan naman ay nasagot ng tawag mula sa telepono patungkol sa mga nagpapakonsulta.

Breaktime na at agad akong umunat. Last na pasyente na ni Doc ang kausap niya ngayon. Di hamak na mas nakakapagod ang ginagawa ko ngayon kumpara sa dating trabaho ko. Buong magdamag lang kasi akong nakaupo ngayon. Mas nakakapagod para sa akin ng pag-upo kumpara kapag may ginagawa.

Nang makalabas ang pasyente ni Doc ay agad nitong sinabi sa akin ang sunod na balik niya dahilan para isulat ko 'yon sa aking journal.

"Salamat, Ma'am." Turan nnag pasyente.

"Naku! Celine na lang po." Nahihiyang sabi ko.

Muli siyang nagpasalamat at lumabas na sa clinic. Ako namab ay inayos ang iba kong gamit na nakakalat sa aking lamesa bago ako nagdesisyong kumatok sa sliding door ni Doc Emman.

"D-doc, about po sa nahiram kong pera sa 'yo. Ibabalik ko na po sana," kamot batok n wika ko.

Tumigil siya mula sa pagsusulat ng kung ano sa isang sheet ng papel pagkatapos ay itinuon ang kanyang pansin sa akin.

"You can bring the money back to me next time. I still have something important to do, Ms. Navarro." Aniya.

Akmang lalabas na sana ako subalit sumagi sa isip ko na breaktime na pala dahilan para magtanong akong muli sa kaniya.

"Doc, may ipapabili ka po ba sa labas?"

"Pocari," tipid na sagot niya.

Tumango ako at nakangiting lumabas mula sa pinaka loob ng clinic niya. Pagkatapos no'n ay nagdesisyon akong pumunta sa SM na kung saan ay nakatayo sa tapat lang ng Ospital.

Tinulungan akong tumawid ng guard dahilan para magpasalamat ako sa kaniya. Nang makarating akong mall ay masaya akong pumasok para bumili ng makakain ko at ng Pocari ni Doc Emman.

Pumunta muna ako sa Burger King at nag-order para roon kumain. Pagkatapos kong kumain ay dali dali akong pumunta ng mall at bumili ng Pocari ni Doc Emman. Akmang bubuksan ko na sana ang glass door ng mall subalit biglang may nagbukas niyo dahilan para lingunin ko kung sino 'yon.

"Doc Sanchez?!" Gulat na tanong ko!

"Ms. Navarro. It's nice seeing you again," nakangiting aniya.

"Kumusta po?" Tanong ko.

Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa Ospital. Hindi ko alam pero napakagaan ng loob ko kay Doc Sanchez. Sobrang cool niya kasing Doktor hindi gaya ni Doc Emman na napaka-sungit at cold. Si Doc Sanchez kasi ay jolly. Hindi ka matatakot na biruin siya as long as hindi below the belt ang biro mo.

"I'm doing good! Ikaw? How are you?" Tanong niya pabalik.

Masaya ako. Sobra. Pero may kung ano sa puso ko na malungkot dahil iba ang Emmanuel na nakasama ko sa mall na kung saan ay tumulong sa 'kin kumpara sa Emmanuel ngayon na pinpakita niya. Marahil ay iba ang pag-trato niya sa tao kapag nasa loob ng Ospital kumpara sa pag-trato niy kapag nasa labas ng Ospital.

"Napaka-sungit ng best friend mo, Doc ano?" I asked him out of consciousness.

"Nahulog ka na ba sa kaniya?"

"Ano po?" Sagot ko.

Hindi ko kasi masyadong narinig ang sinabi niya kanina dahil sa ingay ng kalsada. Malapit naman na kami sa Ospital. Ang inaalala ko lang ay baka hindi na magustuhan ni Doc Emman ang Pocari na nabili ko dahil hindi na gano'n kalamig kumpara nu'ng kinuha ko 'to sa refrigerator.

"Sabi ko, mahuhuli ka na sa work hours. Anng oras na oh," aniya.

Agad akong napatingin sa relo ko at nanlaki ang mga mata! Lagot! 3 minutes na lang start na ng clinic hours!

Nagpaalam agad ako kay Doc Sanchez at nagpasalamat bago ako tumakbo nang mabilis papasok sa clinic ni Doc Emman. Mabuti na lang at wala pang pasyente kaya medyo lumuwag ang kaninang nakabara sa aking dibdib.

"Doc," I uttered while knocking at the sliding door.

Pagkatapos kong kumatok ay binuksan ko na ang sliding door. Agad ko namabg inabot sa kaniya ang Pocari bago siya napatingin sa 'kin at halatang nagdalawang isip pa kung kukunin niya ba ang Pocari na hawak ko.

"Doc, wala po akong nilagay na kung ano sa Pocari mo. Kapag na-in love ka, puso mo ang kusang tumibok sa akin," pang-aasar ko.

He just heaved a deep breath then rolled his eyes. "You may leave," aniya dahilan para umalis ako sa loob ng kanyang clinic.

Bahagya kong kinagat ang aking pang-ibabang labi pagkatapos ay masayang umupo sa aking pwesto. Muling dumating ang iba niyang mga pasyente kaya naging abala rin ako sa aking trabaho.

Lumipas ang oras bago natapos ang shift ko. Three minutes na lang bago ang out ko kaya inayos ko ang aking table at mga gamit.

Marami akong mga pasyenteng nakita at na-obserbahan. 'Yong iba sa kanila tahimik at ang iba naman ay madaldal. Mabuti na lang ay maayos na ang lagay nila dahil base sa research ko ay mostly sa mga may mental illness ay nagwawala. Kung iisipin ko pa lang na makaka-encounter ako ng gano'n ay hindi ko na kakayanin, paano pa kaya kapag nasa harapan ko na, hindi ba?

I heaved a deep breath before I stand and knocked at Dr. Emman's sliding door. "Doc, aalis na po ako. Salamat po sa araw na ito." Nakangiting wika ko.

He just nodded and brought his eyes back on the paper above his table. Akmang aalis na sana ako subalit nagsalita siya dahilan para matigil ako sa paglalakad paalis.

"We'll be having a medical mission on Nueva Ecija next week. Ngayon pa lang, mag-umpisa ka nang mag-prepara ng sarili at mga gamit mo." He uttered.

"Copy po, Doc!" Nakangiting wika ko pagkatapos ay nakangiting lumabas sa clinic niya.

to be continued

Kaugnay na kabanata

  • The Ambiguous Doctor   4

    Celine's Point Of ViewPAGKAUWI ko sa bahay ay agad akong pinagbuksan ng gate ng mga gwardiya dahilan para businahan ko ang mga ito bilang pasasalamat. Bukas pa ang balik ni Manang Puring dito sa bahay. Kailangan na rin kasi namin ng makakasama dito sa bahay dahil kaming dalawa na naman ulit ni Cyrille ang naririto. Ngayong may trabaho na ako at nag-aaral na si Cyrille ay kailangan ko na talagang mag-aasikaso sa bunso kong kapatid. "Ate!" Turan nito pagkatapos ay tumakbo sa akin at niyakap ako. I hugged her tight and looked at her before I speak, "Kumusta ang bago mong school?" Tanong ko. Ngumiti siya sa akin at masayang nagsalita, "Marami akong naging kaibigan! Nakaka-excite at nakaka-kaba at the same time. Nakaka-excite dahil sa mga subjects na talagang nagustuhan ko at nakaka-kaba dahil may pagkakataong nauutal ako kapag tinatanong ako ng mga propesor upang magpakilala." Kwento niya. She really changed a lot. Bumabalik na 'yong dating Cyrille na nakilala ko noong mga bata pa k

    Huling Na-update : 2023-11-02
  • The Ambiguous Doctor   5

    Celine's Point Of ViewKAGAT LABI akong nagreply sa kaniya at humingi ng tawad. Ngunit kakaantay ko sa reply niya ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Kinaumagahan ay masaya akong gumising. Muli kong chineck ang cellphone ko ngunit wala pa ring reply si Doc Emman. Hindi na ako nag-expect pa at nagdesisyong magsipilyo. Walang clinic si Doc Emman t'wing linggo kaya kahit papaano ay may day off ako. Pagkatapos kong magsipilyo ay nagdesisyon akong bumaba muna sa kusina dahil paniguradong kasama ni Cyrille si Manang Puring. "Oh, Ate? Kumain ka na," nakangiting ani Cyrille habang hawak hawak ang isang mangkok na naglalaman ng ulam. Sunod na lumabas si Manang Puring na dala dala ang malaking bowl na kung saan ay kanin ang nakalagay. "Sakto ang pag-gising mo, Celine. Halina't tayo'y kumain na," ani Manang Puring. Sabay sabay kaming nagsalo-salo lahat sa hapag at masayang kumain. Kung tutuusin ay mas naging magulang pa namin ang mga kasambahay kumpara sa mga magulang namin. Noon,

    Huling Na-update : 2023-11-07
  • The Ambiguous Doctor   6

    Celine's Point Of ViewKINAUMAGAHAN ay nagising ako nang biglang kumalabog ang pintuan. Agad akong naabalikwas ng bangon at nagulat nang makita kong wala akong saplot!Ibinaling ko ang aking paningin sa paligid ko at laking gulat ko nang hindi pamilyar sa akin ang kwartong tinulugan ko."Oh my gosh! What happened?" Takang tanong ko. Dali dali akong tumayo at naglakad subalit biglang sumakit ang gitnang bahagi ng aking mga hita dahilan para matigil ako sa paglalakad. "Shocks!" I groaned in pain. Hirap 'man, nagmadali pa rin akong naglakad papunta sa pintuan upang buksan ito. After opening the door, Shamae immediately spat out. "Success??" Nakangiting tanong niya. Akmang magsasalita na sana ako subalit muling nagsalita si Shamae dahilan para matigil ako sa pagsasalita. "Oh, no need to answer that. Both of you obviously enjoyed each other's company last night." Kinikilig na aniya at umupo sa kama na kung saan ay hinihigaan ko kani-kanina lang. Saktong paglingon ko kay Shamae ay nam

    Huling Na-update : 2023-11-22
  • The Ambiguous Doctor   7

    Celine's Point Of ViewANONG ORAS na subalit hindi pa rin ako makatulog dahil sa pag-amin ni Demion sa akin few hours ago. Hindi ako makapaniwala! Gusto nga ba talaga ako ni Demion?!I gently ruffled my hair then bit my lower lip. Hindi sa gusto ko rin siya pero, kaibigan siya ng taong mahal ko. Hindi lang basta kaibigan, kung tutuusin ay parang tunay pa nga silang magkapatid eh. "You kept on moving, Celine. Magpatulog ka naman!" halatang naiinis na ani Lyka dahilan para humingi ako ng paumanhin. Kanina pa kasi ako pabali-baliktad ng higa kaya siguro siya nagising. Nagdesisyon na lang ako na ibaling ang aking paningin sa kisame pagkatapos ay nagbilang na lang ng mga tupa hanggang sa tuluyan akong makatulog. Kinaumagahan ay nagising ako nang yugyugin ako ni Stephanie. Papikit pikit akong sumilip habang nag-uunat pagkatapos ay nagsalita. "Anong oras na ba?" Inaantok pa'ng tanong ko. "Madam, alas tres na po ng umaga. Alaahanin mo po, mayroon pa tayong aayusing mga kagamitan para sa

    Huling Na-update : 2024-01-26
  • The Ambiguous Doctor   8

    Celine's Point Of ViewNANG MAKARATING kami sa Amanpulo ay gano'n na lang ang pagpalit ng inis na nararamdaman ko. Kung kanina ay naiinis ako ay grabeng saya ang lumukob sa buo kong pagkatao. Napakasaya ko! I looked at Doc Emman and saw him looking at me while smiling. Hindi ko na pinansin pa 'yon at naglakad papalapit sa tabing dagat. Ito na yata ang pinakamasayang pangyayari sa buong buhay ko. "Thank you so much, Doc!" Maluha-luhang sigaw ko upang marinig niya. Kasalukuyan niyang kausap ang ibang staff. Nagmadali kasi akong pumunta sa tabing dagat kaya mag-isa siyang nakikipag-usap sa mga empleyado rito. It's been a long time since I felt this kind of feeling: freedom and happiness. I never knew that I'll experience this kind of jubilation again in my entire life. Mabuti na lang at pinaramdam sa akin ni Doc Emman ang mga estrangherong pakiramdam na ito. "Enjoying the view?" Natigil ako sa pag-sipat ng paligid nang marinig kong magsalita si Doc Emman sa aking likuran. Agad ko

    Huling Na-update : 2024-01-29
  • The Ambiguous Doctor   9

    Celine's Point Of ViewKINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising nang maramdaman ko ang labi ni Emman sa aking pisngi. "Good Morning, baby doll." He uttered while I was opening my eyes. "Good Morning, Emman." I greeted him. Sabay kaming tumayo ni Emman at nagsipilyo bago nagdesisyon na mag-swimming sa beach. Naninibago rin ako sa relasyon namin ni Emman. Kami na ba talaga? Mahal niya na rin ba talaga ako? I decided to cover myself using this robe because I am wearing a two-piece. Well, ayos lang naman daw kay Emman na mag-suot ako ng ganito. Emman, calling him Emman makes me want to scream in exhilaration. Now, I can say that he's mine and I am his. Parang noon ay hanggang tanaw lang ako sa kaniya pero ngayon ay nahahawakan at nahahalikan ko na siya. "Come over here, Celine. Don't just look at the waves!" Sigaw niya. Kasalukuyan siyang nasa gitnang bahagi ng dagat. Agad kong hinubad ang aking roba at walang ano-ano'y naglakad papalapit sa kaniya. Hindi malamig ang temperatura ng daga

    Huling Na-update : 2024-01-29
  • The Ambiguous Doctor   10.1

    Celine's Point Of ViewNAGISING AKO nang marinig kong may nagsalita sa aking gilid. Agad kong tinignan ang mukha nang mga taong nasa paligid ko. Hindi sila pamilyar. I heard them talking and freaking out but I still feel groggy that's why I didn't mind them. Agad na nagsilapitan sa akin ang mga Doktor at chineck ang mga vital signs ko. Nagtanong din sila ng ilang mga tanong at agad ko naman iyong sinagot. "Ate!" Ani isang babae. "Who are you?" Kunot-noong tanong ko. Malungkot na tumingin ang babaeng tumawag sa akin sa isang Doktor dahilan para roon din bumaling ang aking paningin. "Doc Demion, why can't she recognize me?" Halatang nag-aalalang tanong nu'ng babaeng nagsasabing kapatid niya ako. "It's because of the traumatic experience of her brain from the plane crash. We'll check her time by time. For now, I'll give you some privacy to talk." Turan nu'ng Doc Demion. Nang makaalis 'yong Doktor ay agad na lumapit sa akin nag tumawag sa akin na kapatid ko raw pati na rin ang babae

    Huling Na-update : 2024-02-01
  • The Ambiguous Doctor   10.2

    Celine's Point Of View"What are your plans after that?" Tanong ni Shamae habang naka-harap ako sa vanity mirror ko rito sa aking kwarto. I looked at her and smiled, "Napakasaya ko, Shamae. Demion was the one who stayed by my side despite uncertainties and accepted me for who I am." Maluha-luhang wika ko habang tinitignan siya sa vanity mirror. I saw Shamae rolled her eyes and looked at me intently in my eyes in the mirror. Well, alam ko naman na hindi gusto ni Shamae si Demion para sa akin. Mas boto siya kay Emman, Emman the evil. There are times that I feel a bit mad at her because it seems like she's pushing me to Emman. Pushing me despite the bad things he did to me. "Really, huh? Sure ka ba sa feelings mo?" Aniya dahilan para kunit-noo ko siyang hinarap. "Why can't you just be happy, Shamae? I'm sure about my feelings for Demion. I love him!" Naiiritang turan ko. She flicked her tongue inside her mouth then raised her hands as if she's giving up. "Fine, fine! Congrats to the

    Huling Na-update : 2024-02-05

Pinakabagong kabanata

  • The Ambiguous Doctor   SPECIAL CHAPTER

    Emmanuel's Point Of View"I like you, Celine."Fvck you, Demion!If only I could tell him those words, I won't think twice telling him! Kung hindi lang maraming tao ay kanina ko pa siya nasuntok! Maski ako ay hindi alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. This feeling is so strange, I've never felt this even with Kristine. I know the feeling of being in love. But, d*mn! This is different, far different from the feelings that I had towards Kristine. And how dare him kiss Celine without even asking her?! "I'm very territorial, Ms. Navarro. You're mine, only mine."I didn't know that I can be this territorial. She's not even my property but why did I act that way? Why did those words came out from my mouth?Ang gusto ko lang naman ay mahulog siya sa bitag ko pero bakit parang ako ang natalo? I decided to bring her here in Amanpulo to be with her without that fvcking Demion but who the hell is this guy? How dare him talk to my territory?They were about to shake hands but I immediat

  • The Ambiguous Doctor   EPILOGUE

    Emmanuel's Point Of View My life was fine. It was fine but not good at the same time. Not until Celine came and changed not just my ideals and beliefs in life, but also my life as a Psychiatrist and as an individual. All my life it revolved around with Kristine, until I finally had the chance to love someone else and I never knew that loving someone new would feel like building myself again: new experiences, new feelings, new life, and new knowledge. I didn't even know why I moved on so fast when I should be breaking and hurting so bad upon our break up. But loving someone isn't easy, we may experience heartaches and even trials that may affect us in just a snap. She forgot her past..... including me. That's what hurts me the most. I tried to reach out to her but I was banned. What's worse is she was being bumped by a car and I feel like it was my fault. Celine got an amnesia and our child was died.I was judged, misunderstood, and being left behind. Demion, took Celine away from

  • The Ambiguous Doctor   23

    SIARGAO WAS the place they chose. Nakakatuwa lang dahil hindi ko lubos akalain na mangyayari pa pala ito. Na makakasama ko ang mag-ama ko sa isang bakasyon. Buong akala ko kasi ay hindi ko na mae-experience ang ganito. Amanpulo was the best vacation spot for me and Emman as a couple but I guess Siargao would be the best place for us as a family, hopefully?While we are walking, there are lots of people eyeing Emman that made me pout. I was holding Levi's hand while Emmanuel's hand was intertwined with mine. "Daddy, this place is so beautiful!" Nakangiting sabi ni Levi habang naglalakad kami papunta sa villa namin. "And now even more beautiful because my handsome son and my pretty slash hot mama's soon to be wife is here." Nakangiting pambobola niya. Inirapan ko si Emman at agad naming tinungo ang loob ng villa namin. Mamaya ay susunod daw ang pamilya't malalapit na kaibigan ko sabi ni Emman. Buong akala ko nga ay kami lang kaya gano'n na lang ang pagtataka ko nang biglang kasama pa

  • The Ambiguous Doctor   22

    NAKAAYOS NA ang higaan na tutulugan namin nina Levi at Emman. Nagdesisyon akong sa couch na lang humiga mamaya. Ang awkward kasi kung magkatabi kaming tatlo. Baka mamaya sugurin ako ng girlfriend nitong si Emman at ipahiya sa maraming tao. Lagot ako kina Mommy no'n dahil masisira ang imahe nila sa maraming tao at mga kapwa nila engineers at businessmen. Alas dos na ng madaling araw nang makarating si Emmanuel. Nakatulog na rin si Levi kaya pinipilit ko siyang 'wag nang dumiretso rito kaso mapilit siya. Maliban do'n ay gusto niya ring makasama sa pagtulog ang kaniyang anak. Hindi ko na siya pinigilan pa at nang makarating siya ay agad ko siyang inalalayan papunta rito sa loob ng mansyon. "Hey," nagulat kaming dalawa ni Emman nang makapasok kami sa loob ng bahay dahil biglang bumungad sa amin si Cyrille na mayroon pang white facemask sa kaniyang mukha. "Naglabalikan na kayo?" Muling tanong niya dahilan para agad akong umiling. "Not yet-""No!" I cut Emman off. Nang makaramdam ako

  • The Ambiguous Doctor   21

    WILL I GREET him after all the bad things he did? Wala na akong ibang ginawa kun'di ang i-greet siya dahil napaka unprofessional naman kung idadamay ko ang past namin sa trabaho. "Good evening, Doc." Labag sa loob na pagbati ko sa kaniya. He nodded and quickly brought back his gaze to Ma'am Medina. Nag-usap sila ulit habang ako naman ay naglakad papunta sa gilid ni Ma'am Medina upang makalabas na ng ospital. I don't know why I feel so embarrassed with his actions towards me. The way he acts, it seems like I'm nothing but a stranger to him. I just shrugged and looked at my watch. It's 10:55 PM and I need to go to our house before 12:00 AM. They're all planning to surprise Mommy with a simple celebration before she leaves the Philippines again. Nandito pa sa loob ng sasakyan ang gift namin ni Levi for her. Shamae and Levi were outside. The food that they bought were probably the food we're gonna eat at Mommy's celebration. Ilang minuto ako nagmaneho bago nakarating sa bahay. Nagpa

  • The Ambiguous Doctor   20

    KASALUKUYAN KONG hawak hawak si Levi. Narito kami ngayon sa mall habang naghahanap ng mabibili naming regalo para kay Mommy. Birthday niya kasi ngayon. "Levi, be careful!" Nag-aalalang sambit ko. Agad naman siyang hinabol ni Zaijan na siyang naging dahilan ng pagsapo ko sa aking noo at bahagyang pag-ngiti. He is now 6 years old. Aaminin ko, inantay kong bumalik si Emman no'ng ika-apat na taon niya sa Canada but things turned out the way I never expected it to be. Hindi siya bumalik at ayon ang lalong nakapagpa-tibay sa akin na kaya kong palakihin ang anak ko mag-isa sa tulong ng mga mahal ko sa buhay. "I told you many times not to run, Levi. The floor is slippery." I uttered then fixed the towel that is placed underneath his shirt. "Heto naman. Talagang magkukulit 'yan, Celine. Kaya nga bata, eh." Bulong ni Zaijan pagkatapos ay muling hinabol ni Zaijan si Levi na ngayon ay papasok na sa isang restaurant. "Mom, I want to eat." Nakangusong aniya. I smiled and held him on his chee

  • The Ambiguous Doctor   19.2

    Celine's Point Of View KINAUMAGAHAN AY agad kaming nag-usap usap nina Zaijan at Shamae pagkagising namin. Dito sila sa kwarto ko natulog dahil kailangan naming magplano tungkol sa anak ko. "Pvtang ina, paano kung masuntok ako ni Tito?" Halatang kinakabahang sambit ni Zaijan. "He won't. In fact, magiging masaya pa 'yon!" Nakangiting wika ko. I heard him heaved a deep breath then spoke, "Alright, alright! Bago tayo mag-usap ulit, can we eat first? I'm sorry but I'm starving... seriously." Zaijan uttered. Pagkababa namin ay sinalubong agad kami ni Manang Puring. Cyrille probably went to her work already. "You can join us, Manang," nakangiting wika ko habang sina Zaijan at Shamae ay abala sa pagkain. "Naku! Nakakain na kami, Celine. Kumain na kayong tatlo upang magkaroon kayo ng lakas tatlo." Nakangiting sambit ni Manang Puring. Tumango ako at nagpaalam naman na si Manang Puring. I looked at my tummy and couldn't help but to smile. I'll become a mother soon. Lumipat sina Shamae a

  • The Ambiguous Doctor   19.1

    Celine's Point Of View I AM PREGNANT and I don't know what to do. Isang buwan na ang nakalipas subalit hindi pa rin ako nagkakaroon. I looked at the pregnancy test that I was holding a while ago and quickly called Shamae while I was shaking. "Really?! Wait for us. Zaijan and I will be there in a bit." Aniya. Mangiyak-ngiyak akong tumango na animo'y kausap ko harapan si Shamae at hinayaang maputol ang tawag namin sa isa't isa. Ilang minuto ang lumipas bago nakarating sina Shamae at Zaijan dito dahilan para lumapit ako sa kanila at nagmamadaling ipinakita sa kanila ang pregnancy test nang masiguro kong nakasarado na ang pintuan ng kwarto ko rito sa mansyon. "Oh my gosh!" Sambit ni Shamae habang ang kaniyang palad ay nakatakip sa kaniyang bibig. Zaijan on the other hand moved closer to me and gently hugged me. "I'm going to be a godfather. I really can't believe it." Sambit niya. Nang matapos akong yakapin ni Zaijan ay agad kaming nag-usap. Kaming tatlo pa lang ang nakakaalam sa

  • The Ambiguous Doctor   18.2

    Celine's Point Of View KINAUMAGAHAN AY maaga akong nagising. Masakit ang ulo ko at medyo nasusuka ako. Marahik ay dahil sa pag-inom namin ni Shamae ng alak kagabi kaya ganito. Nahihilo man subalit pinilit ko ang sarili ko na tumayo at bumaba sa kusina. Naabutan ko sina Cyrille at Manang Puring na naghahanda ng makakain namin. "You were drunk last night. Here, sip some coffee." Turan ni Cyrille. Buong akala ko ay tatanungin niya ako kung bakit ibang iba ang ugali at galaw na ipinapakita ko sa kanila these past few days pero nagkamali ako. Ni isang tanong ay wala akong narinig mula sa kanila. "Was I really totally wasted?" I asked the moment I finished sipping the coffee. "Super." Iiling iling na ani Cyrille. "Normal 'yan sa mga taong nasa edad mo, Celine. At tsaka, ngayon ka lang namn ulit uminom ng ganyan. Enjoy lang nang enjoy." Nakangiting sambit ni Manang Puring. I smiled at them and right after that, I decided to prepare myself for my work. Nakahanda na ang gagamitin kong

DMCA.com Protection Status