Share

Kabanata V

Author: mssTRES
last update Last Updated: 2022-07-19 23:54:17

Lucas' POV

        Lumabas ako ng banyo nang suot ang damit pang babae, damit ng mga katulong. Hanggang baba ng tuhod ang haba nito at fit sa baywang ko ang pang itaas. Mas lalo tuloy akong nag mukhang babae. 

        Isa sa mga dahilan kung bakit ako sinasaktan ng tatay ko. Kamukha ko raw ang nanay ko at naiinis siya sa itsura ko kong mukhang babae.

        "Bagay sayo." Hindi ko alam kung mainit ba o sadyang nag init lang ang pisngi ko sa sinabi  niya. Kailan man ay hindi ko narinig ang mga salitang iyon sa kahit na sino. 

        "S-salamat." Kahit na boses ko ay hindi pang lalaki. Hindi na naka pag tatakang mag papakamalan nila akong babae. Lumapit ako nang kaunti sa kaniya. Doon ko lamang napag tanto na maganda din ang katawan niya at may hitsura rin ngunit malaki ang lamang ni master.  

        "Sumunod ka sa 'kin." Agad akong napa tayo nang tuwid at sumunod sa kaniya mula sa likuran. Pag labas namin sa kwarto ay napaka tahimik ng buong daan. May mga katulong ngunit nasa kanilang mga kaniya kaniyang gawain. 

        "Ito ang magiging gawain mo."Tumigil  siya sa isang pinto, kakaiba ito sa mga pintong nadaanan namin kanina. Mas malaki  ito kaysa sa iba at ang kulay ay itim. May kinuha siya sa kaniyang bulsa at ginamit ito upang buksan ang pinto. 

        Nang ito ay mag bukas, isang napaka laking kwarto ang bumungad sa aking harapan. Malaking kama na may mga malalambot na unan, maayos na kumot at mukhang makapal. Naamoy ko rin ang mabango niyang amoy sa buong kwarto. May malaki rin siyang lamesa na mukhang doon siya nag tatrabaho.

        "Ito lang ang gagawin mo, lilinisin mo ang buong kwarto hanggang sa wala ng makitang dumi. Tandaan mo, ayaw ni master ng marumi. Ito ang susi, araw-araw kang pupunta rito pag alis ni master." Huninto siya sa saglit. 

        "Pag ka tapos ng gawain mo ay babalik ka na sa kwarto mo at mag hihintay na dumating si master. Sabay-sabay kayong mga katulong na kakain pag katapos ni master." Pag katapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya. Narito na rin ang ilang pang linis na gagamitin ko. Inilagay ko muna ang susi sa bulsa ng aking uniporme. 

        Mukha namang malinis ang kwarto kaya sa tingin ko ay konting paglilinis lang ang gagawin ko. Kaya nag simula na ako. 

*****

        Ha, tulad ng sinabi ko kaunti lang ang kailangang linisin at tapos na agad ako. Kaya lang ay mabilis din akong napagod. Niligpit ko ang mga kagamitan at lumbas ng kwarto.

        Sinigurado kong naka lock ang pinto bago umalis. Balak ko sanang ibalik ang mga kagamitang pang linis kaya lang ay hindi ko alam kung saan dapat sila ilagay. 

        Mag tatanong sana ako sa mga nakaka salubong kaya lang ay napapa yuko ako sa tuwing titignan nila ako ng masama.

        Mas mabuti pa siguro kung hahanapin ko na lang si sir Fergus. Saan ko naman kaya siya makikita? Napaka laki ng bahay at parang maliligaw yata ako, hindi ko na nga alam kung nasaan ako. 

        Sa sunod kong pag liko ay sa hindi inaasahang pag kakataon ay may nabanggang ako. Agad ko siyang nilapitan at tinulungang tumayo ngunit agad din niyang hinawi ang kamay ko. Namula iyon at humapdi nang kaunti.

         "Ang tanga mo naman! Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita na dadaan ako?! " Pagalit niyang singhal sa akin kaya hindi ko maiwasang mapa yukong muli. Ngunit hindi ko inaasahang hahawakan niya nang mahigpit ang baba ko at pinilit na itaas dahilan para mapa tingin ako sa mukha niya. 

        "P-patawad, 'di kita nakita kanina." Likuan ang daanan kaya sadyang hindi ko siya makikita, kahit naman siguro siya ay hindi ako nakita. Hindi ko lang kasalanan ang nangyari ngunit hindi ko rin naman magawang sabihin sa kaniya ang mga salitang nasa isip ko. 

        "Saan ka naman pupunta? Tapos ka na ba sa gawain mo? " Tumango ako sa kaniya bilang sagot na agad niyang ikina simangot.

        "Ha, at ano  naman ang mga nagawa mo na?"

        "Nag linis ng kwarto ni master." Mahina kong utal sa kaniya. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa baba ko at mas lalo ring sumakit. 

        "Yun lang? Yun lang ang ginawa mo? Tapos ka na? Ano naman ang balak mong gawin ngayon, mag libot sa buong bahay?" Umiling ako ng sunod sunod.

         " Gawin mo 'to." Ibinigay niya sa akin ang bitbit niyang mga damit. " Labahan mo ang mga 'yan, kailangan ay tapos ka na bago umuwi si master. Sumunod ka sa akin." 

        Tahimik ako sumunod sa kaniya habang tinutulak ko ang mga lalagyan ng pang linis at sa ibabaw ng takip nito ay ang basket ng mga maruruming damit. 

        Pumasok kami sa isang kwarto na may mga makina. Tinuro niya sa akin kung paano ito ginagamit. Noong una ay nagalit pa siya dahil nalaman niyang hindi ako marunong gumamit nito pero kalaunan ay tinuro niya rin. 

        Iniwan niya ako rito at saka lang ako nag simula. 

*****

        Hindi rin ako umabot ng hapon at natapos ko na rin ang mga labahin. Pagod na ang aking katawan ngunit kailangan ko pa itong isampay. Iyon ang bilin niya sa akin. Itinuro rin niya kung saan ko ito isasampay, sa likurang bahagi ng bahay. 

        Nang malakabas ako ay agad kong sinampay ang mga ito ng maayos. Maingat kong pinagpag bago ilagay sa hanger at isabit sa mahabang tali. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago buhatin ang basket at lumakad pabalik sa loob ng bahay.

        Naalala kong hindi ko  pa pala naibabalik ang mga kagamitang pang linis. May naka salubong akong isang babae. Natatakot mang mag tanong ay sinubukan ko pa rin.

        "Saan ko ibabalik ang mga kagamitang pang linis?" Isang masamang tingin muna ang binigay niya bago niya ituro kung saan. Nag pasalamat ako bago umalis sa harap niya. 

        Nang maibalik ko na ang lahat sa ayos ay tumungo ako pabalik sa kwarto. 'Yon ang bilin ni sir Fergus kanina sa akin. Pag karating ko sa loob ay naroon na ang iba, narito na rin ang nag utos sa akin kanina. 

        Tahimik akong umupo sa aking pwesto at ramdam ko ang tensyon sa kanilang mga titig. Anong problema sa akin? Mukha yatang may galit silang lahat sa akin dahil sa masasamng tingin nila sa akin mula pa kanina. Natatakot naman akong mag tanong at baka bigla nila akong sunggaban. 

        Biglang bumukas ang pinto, " Nariyan na ang master."  Tumayo  ang lahat kaya tumayo rin ako. Hindi ko alam ang gagawin kaya gagayahin ko na lamang ang ano mang gagawin nila. Naka pila silang lumabas sa kwarto. Ako ang nasa pinaka dulo. 

         Tumigil sila sa pag lakad sa harap ng isang mahabang lamesa. Sa dulo ay naroon ang master. Mag isa lamang siyang kumakain ngunit napaka haba naman ata ng lamesa?

        Tahimik ang lahat at tanging kalansing lang ng mga kobyertos niya ang naririnig sa buong silid. 

        Napatayo ako nang tuwid nang bigla siyang tumingin sa direksyon ko, naramdaman yata niya ang pag titig ko sa kaniya.

        Bigla akong kinabahan ng tumayo siya mula sa kinauupan niya at nag simulang mag lakad ngunit tumigil din siya sa katabing upuan. Hinila niya ito at muling tumingin sa direksyon ko.

        Ang mga mata niyang tila pagod ay naka tingin sa akin. Napalunok ako ng mag salita siya, "Sit." Kalamado itong muli. Anong sit? Sino? 

Related chapters

  • The Alpha's Chase   Kabanata VI

    Lucas' POV Sino ang tinutukoy niya? Si Fergus ba? O may nilalang akong hindi nakikita ng aking mga mata? Pero bakit naka titig pa rin siya sa akin? Tumingin ako sa katabi ko pero naka yuko lang siya gayon din ang iba. Wala naman akong ibang katabi pa. "I said sit." Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko kahit na ang mga paa ko dahil sa kaba, malay ko kung ako ang tinatawag niya. Pero mas lalo akong kinabahan nang lumakad siya papunta sa direksyon ko at bumulis ang tibok ng puso ko nang tumigil siya sa harap ko. Alam kong naka titig siya sa akin pero hindi ko magawang itaas ang ulo ko para tignan siya. "When I told you to sit, you will sit." Ako ba? Muli kong naramdaman ang mainit niyang palad sa balat ko. Hinila niya ako papunta sa mahabang lamesa at pina upo sa upuang hinila niya. Nang umupo siya sa upuan niya ay nagsimula na siyang muling kumain. Anong gagawin ko? Nanatili akong naka yuko habang siya ay kumakain, hindi niya ako binigyan ng per

    Last Updated : 2022-07-23
  • The Alpha's Chase   Kabanata VII

    Lucas' POV Ayaw ko namang suotin ang uniporme at baka madumihan iisa lang ang uniporme ko. Huminga ako nang malalim bago ibinaluktot ang tuhod sa isang gilid at pinikit ang mga mata. Sanay na ako rito, wala lang ito sa akin. ***** Gumising ako ng hindi pa man lumiliwanag sa labas. Tinignan ko ang sarili at mukhang natuyo nga ang aking damit, lumbas ako ng banyo para kunin ang uniporme ko. Dahan-dahan sa pag lakad upang hindi ko maistorbo ang mga tulog nila, alam kong pagod silang lahat. Pumasok akong muli sa banyo upang mag linis ng katawan at mag bihis, dimiretso ako sa labas. Pasikat pa lang ang araw at tiyak na natutulog pa si master, napag desisyunan kong pumunta sa sala at sumilip sa hardin mula sa bintana. Napaka ganda ng mga bulaklak tulad ng inaasahan ko. Magaganda ang kulay at mukha ring mababango. Wala sa sarili akong nag lakad at lumapit sa mga bulaklak. Umupo ako nang dahan dahan at pinag masdang maigi ang mga bulaklak. "H

    Last Updated : 2022-07-24
  • The Alpha's Chase   Kabanata VIII

    Lucas' POV Pigil hininga ako habang naglalakad siya patungo sa upuang mahaba na mukhang malambot. Normal lang ba na ang ginagawa niya? Hindi ba parang masyado ata kaming malapit sa isa't isa? Ibinababa niya ako sa upuan at tunay nga itong malambot. Napaka komportableng upuan. "A-ahm, hindi pa ako tapos mag linis ng sahig." Mahina kong ani. " Kilangan ko ng tapusin ang trabaho ko." Dagdag ko pa nang hindi siya gumalaw sa kaniyang kinatatayuan ngunit imbes na siya lumayo sa akin dahil sigurado akong amoy pawis na ako ay umupo pa siya sa tabi ko at halos walang espasyo sa pagitan naming dalawa. "Why are you in a hurry? Do you have a date with that boy?" Huh? Date? Boy? Si Ethan ba ang tinutukoy niya? "So you really have a date with him." Nagbago ang tono ng boses niya pero ang tingin niya ay pareho pa rin, parang tinatamad siyang tumingin sa paligid niya. "H-hindi po, master. Wala kaming ganong plano. Balak ko po sanang panoorin ang mga bulaklak p

    Last Updated : 2022-07-26
  • The Alpha's Chase   Kabanata IX

    Lucas' POV Isang malalim na pag hinga ang ginawa ko bago ko napag desisyunang sagutin ang tanong niya, isa lang akong alipin na dapat sumagot sa bawat tanong ng master. "Hindi ako lumaki sa isang bahay kung saan may nanay at tatay. Meron lang akong tatay na lasinggero at manunugal. Nagsimula iyon noong mamatay ang nanay ko, sa tuwing titignan niya ako ay naalala daw niya ang asawa niya. " Tumigil ako saglit para huminga. "Para bang biglang may naputol na kung ano sa isip niya at biglang nag dilim ang lahat para sa kaniya. Binugbog niya ako nang araw na 'yon at naulit pa nang naulit hanggang sa sinubukan kong tumakas pero nahuli pa rin niya ako." Walang galit o halong inis man lang sa boses ko, patay naman na siya, hindi na niya ako gagambalain pa. "Simula noon ay kinadena na niya ang paa ko na limitado lamang sa loob ng kwartong walang bintana at hindi napapasukan ng sinag araw. Walang higaan o kumot kaya tanging malamig na sahig lang ang pag pipilian ko, kung

    Last Updated : 2022-08-15
  • The Alpha's Chase   Kabanata X

    Lucas' POV Umalis ako ng kusina nang hindi nag aalmusal, may mga naka tingin sa akin kaya hindi ako komportable, ayos lang naman ang malipasan ako ng gutom ngayong umaga sanay naman akong hindi nakapag aalmusal. Noon nga ay isang buong araw akong walang akin, hindi naman ako namatay. Dumiretso ako sa kwarto kung nasaan ang mga kagamitan panglinis. Tulad kanina ay nariyan pa rin ang mga bulungan nila. Tulak-tulak ko ang lagayan ng mga panglinis nang makasalubong ko si master. Mukhang aalis ata siya dahil bihis na bihis. "M-magandang umaga, master." Tumigil siya at tinignan ako. Siguro ay dahil hindi ko suot ang aking uniporme kaya napayuko ako sa hiya. "Did you already had breakfast?" Tumaas ang tingin niya sa mukha ko ng may ngiti sa labi. Marahan akong tumango bilang sagot sa tanong niya. "Mauuna na po ako." Nilagpasan ko siya ngunit sa likod ko ay mga yabag na magaan pero alam kong sa kaniya ang mga 'yon. Bakit niya ako sinusundan? Wala b

    Last Updated : 2022-08-26
  • The Alpha's Chase   Kabanata XI

    Lucas' POV Nilabas niya lahat ng pagkaing laman ng basket at isa isang binuksan. Lumantad sa aking harap ang iba't ibang pagkain na nagpakalam sa tiyan ko. Napatingin sa akin si Fergus at bahagyang natawa dahil tumunog ang tiyan ko. Hindi pa ako nag aalmusal, natural lang ang bagay na 'yon pero nakakahiya pa rin. "You must be really hungry." Hindi maalis ang ngiti niya na para bang pinag kakatuwaan ako. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa hiya, mukhang hindi siya titigil. "Here, you can eat first." "S-salamat." Kinuha ko ang platong na sa kamay niya at nagsimula na akong kumain. Sa sandaling ito ay biglang naglaho ang mga nangyari kanina ng parang bula. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na naiisip ang nakaraan. Wala akong maisip na iba kundi ang mga tanawing nasa harap ko. Walang sing ganda. "Eat until you're satisfied, tell me when you want to go home." Tumingin ako sa kaniya at tumango, puno ang b

    Last Updated : 2022-08-27
  • The Alpha's Chase   Kabanata XII

    Lucas' POV Maaga akong nagising kahit na medyo gabi na rin akong nakatulog. Naka mulat lang ang mga mata ko at nakahiga pa rin ako. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumayo at mag palit ng uniporme, buti na lang at mero na. Dahan-dahan ulit ang kilos upang hindi magising ang iba. Sigurado akong tulog pa si master, wala rin naman akong magawa mag lilinis na lang ako ng bahay. Kinuha ko mga kakailanganing kagamitan at nag simula ako sa sala. Naglampaso ako ng sahig at walis pag katapos ko punasan ang lahat ng kailangang punasan, nilampaso ko rin ang bawat palapag ng hagdan pag karating ko sa pinaka taas ng hagdan ay naka salubong ko ang babae kahapon sa malaking hardin. "Move, peasant." Tumabi ako para makadaan siya pero sinadya niya akong banggain na muntik ko nang ikahulog sa hagdan kung hindi lang ako nakakapit agad. Hindi siya lumingon man lang na para bang wala siyang paki alam kung mahulog ako o hindi. Bumalik ako sa paglilinis nang makita

    Last Updated : 2022-08-29
  • The Alpha's Chase   Kabanata XIII

    Lucas' POV Hindi ako makatulog, ilang ikot na ang ginawa ko pero parang hindi sanay ang katawan ko sa kama kahit na ilang araw na akong natutulog dito sa kamang ito. Wala akong kasama sa kwarto, lahat ata sila ay nasa pagdiriwang na sinasabi ni Nala. Isang katok ang bumulabog sa pinto ng kwarto kaya agad akong napatayo sa pag aakalang sinmaster ito o isa sa mga katulong. Hindi ko naman inilock ang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isang batang lalaki na werewolf, may mga gintong mata rin ngunit hindi kasingtingkad ng kay master. Itim rin ang kaniyang balahibo sa tainga at buntot. M-magandang gabi." Siguro ay nakababatang kapatid ni master, hindi pa naman siyab kasal kaya imposibleng anak niya ang batang ito. "Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Lumuhod ako para maging kapantay ko siya sa taas namin. "Do you know where my brother is? He is not in his room so I went here in the maid's quarters."Kapatid nga ni master! "B-b

    Last Updated : 2022-08-29

Latest chapter

  • The Alpha's Chase   Kabanata XCVIII (Finale)

    Lucas' POV Living a life that I prayed for before those big guys dragged me here is really a bliss. Dati ay nasa imahnasyon ko lang lahat at iniisip kung kailan mangyayari ang mga bagay na nasa aking isipan. I was just a lonely and pitiful child before I met these guys and let me in their lives. I am really grateful to them. "I now now announce you husband and husband. May the blessing of heaven give you eternal love. " Nagpalakpakan ang mga bisita at may narinig pa akong sumipol. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Fenrill na ngayon ay nasa aking harapan at nakangiting lumuluha. Inangat ko ang aking kamay at pinunasan ang kaniyang luha na patuloy sa pagdaloy sa kaniyang namumulang pisngi. Kahit ako ay hindi makapaniwala na aabot kami sa ganitong level ng relasyon. "I really love you, Lucas, my baby. " Ngumiti ako sa kaniya at inabot ang kaniyang labi upang gawaran siya ng halik. "I know, and I also love you.... Like crazy." Niy

  • The Alpha's Chase   Kabanata XCVII (Warning 18+)

    WARNING: This chapter includes content that might not be suitable for young ages. Strictly for 18 and above! Third Person's POV Lucas moaned loudly when Fenrill licked his ears. His body shudders in every Fenrill's touch, he feels like it is their first time making love again. He can't even remember the last time they had sex. Fenrill's hand travelled Lucas body as if he is in a new paradise. He missed how warm Lucas's body is when they are making love together. The sensation that he was longing for is now right in front of him. The reason why he is losing his mind. He wants to devour Lucas right now. "Ugh hmp Y-yes." Fenrill undressed Lucas and pulled his legs up as soon as he is done taking off Lucas' pants. He planted small kisses on Lucas' legs. "Ah! Hmp, Fenrill, that hurts!" Fenrill bit Lucas' inner thigh and licked it. He smirked when Lucas yelled at him with his flushed face. He left multiple marks on Lucas' thigh. He is even

  • The Alpha's Chase   Kabanata XCVI

    Third Person's POV Nang makarating sila sa mansyon kasama si Ambriel ay una niyang pinaayusan ito sa isang katulong sa loob ng kwartong personal pang inayos ni Lucas para sa pagdating ni Ambriel. Malaki ito at maganda ang mga kagamitan. Mukha ring mamahalin, maging ang mga damit na nasa loob ng kabinet ay bago sa kaniyang paningin. Ngunit ang talagang naka-agaw ng kaniyang tingin ay ang napakalaking kama na mukhang napakalambot talaga. Maraming unan at malaking kumot. Maganda ang kulay at mga disenyo. Ang kaniyang bintana ay malaki rin at napakataas. Hindi niya tuloy alam kung tama ba ang kanilang pinasok na kwarto, kung kaniya ba talaga ang silid na ito. Habang siya ay tnutulungan ng katulong ay hindi siya mapakali dahil hindi naman siya sanay sa ganitong trato. Kahit na minsan ay walang gumawa ng mga bagay na ito para sa kaniya habang siya ay nasa loob ng ampunan. Ngunit sa kaniyang loob ay masaya siya dahil nararanasan niya ang mga b

  • The Alpha's Chase   Kabanata XCV

    Third Person's POV Matapos ang preparasyon nilang apat ay agad din silang nagtungo sa ampunan upang sunduin si Ambriel at iuwi sa bago niyang tahanan. Malayo-layo ang kanilang biyahe dahil medyo liblib ang lugar at hindi talaga madaling matahak ng kahit na sino maliban na lamang kung alam mo ang lugar at may mataas kang ranggo sa mundong ito. Si Fenrill ang nagmamaneho ng sasakyan nila habang nasa likod naman ang dalawa at sa tabi naman ni Fenrill si Lucas. Tahimik at nakangiting pinanonood ang tanawin mula sa kaniyang gilid na bintana. Tahimik ding pinagmamasadan ng dalawang binata ang daang kanilang tinatahak at pinag-aaralang mabuti ang mga nililikuang kalsada. Dahil sa hindi sila pamilyar sa daan ay gusto nila itong memoryahin para sa dagdag kaalaman nila, iniisip nilang maaaring magamit ang lugar na ito ay kahit mabanggit man lang sa mga susunod pa nilang usapin kasama ang mga matatandang kasosyo. Bukod sa puro puno ang makikita sa

  • The Alpha's Chase   Kabanata XCIV

    Third Person's POV Nang matapos si Lucas sa paglilinis ng mga sugat ni Fenrill ay hinayaan niya muna itong magpahinga at matulog habang ang dalawa naman ay pinauwi muna niya upang tingnan ang kalagayan sa kanilang manor. Si Lucio naman ay dumiretso sa kaniyang kuya upang ipaalam na ayos lamang ang kaniyang kalagayan. Nagpahinga na rin siya habang naroon at nakipaglaro sa kaniyang pamangkin habang nasa trabaho ang kaniyang kuya at abala naman sa pagtulong sa kusina ang kaniyang sister-in-law. Naging komportable ang buong katawan ni Lucio nang siya ay mahiga sa kaniyang higaan sa manor ng kaniyang kuya. Nawala lahat ng kaniyang pag-aalala kanina at tuluyang nakatulog matapos maghapunan dahil sa pagod na natamo ng kaniyang katawan. Iyon lang din ang kaniyang naging pahinga matapos ng kaguluhang nangyari. Gulat din ang kaniyang kuya Licensio dahil wala silang kaalam-alam na may kaganapan hindi maganda. Hindi rin naibalita ni Norte sa mga ranggo an

  • The Alpha's Chase   Kabanata XCIII

    Third Person's POV The four them are having their moment meanwhile Boral is sitting in a corner with a paper and a pen on his hands, writing an information about Amira's recovery. Boral is so busy that he doesn't give a care about the four of them hugging in front of them. There's a long silence between the four of them that it became awkward. "Let go of me already." Ilang beses namang sunod-sunod na napapikit ang tatlo bago dahan-dahang bumitaw kay Lucas mula sa kanilang mga yakap. Hindi pa man tuluyang nakakalayo si Fenrill mula sa yakap niya kay Lucas ay bumagsak na ang kaniyang katawan sa sahig. "Fennrill!" Agad na dumalo si Lucas kay Fenrill. Lumuhod siya at hinawakan ang mukha ni Fenrill habang suot ang nag-aalala niyang expression sa mukha. "What? What happened?" Nag-aalalang saad ni Lucas kay Fenrill. "I think, I'm out of strength now. My whole body is aching that I feel numb." Even though Fenrill is in pain, he is still smiling. An un

  • The Alpha's Chase   Kabanata XCII

    Lucas' POV Sigh. I want to lay down and sleep for the whole day today until tomorrow. Ah! But I'm worried for those werewolves. I want to see Fenrill right now but he is still busy with his stubbornness. He was critically hit earlier by Luce's attack and I know that it will be painful. He took the whole damage by himself, of course that would hurt so bad. "My Lord, would you like me to ready the bath for you?" A bath would be nice but I'll take one with Fenrill later. "I will prepare it myself later." He bowed once and then left. Ah, I would really want a cuddle right now from Fenrill. Pakiramdam ko kasi ay matagal kaming hindi nagkita. My body is in a mess and so the situation but I'm feeling horny right now. Wow, I think I'm really pent up for not having sex for awhile now. What an embarrassing thoughts I'm having right now. When are they coming? They should have finished it already since it's been like half an hour now. O

  • The Alpha's Chase   Kabanata XCI

    Lucas' POV "What do you think is happening outside?" I know that he has his army. But those are just small fries. Students he managed to influence with his hypnosis. Those kids are all weak compare to those two young werewolves. "I know what you did, Luce. And I know what you're trying to do." He just want me to open this smoke and directly go to Amira. If he successfully stole Amira's memories then he will be able to learn the secret behind the spells that Amira has. Even though she's still weak and incompletely awoken, she still knows how to release her power but unable to do that since her energy is not as powerful as the spell requires her to be. The reason must be because she needs to learn the business of her father in order to rise again from the mud. Poor thing, she's unable to enjoy the youth that most kid enjoyed using their abilities. "Blood Bits." Mula sa mga usok na nakapalibot sa amin ay may mga lumabas na maliliit na bil

  • The Alpha's Chase   Kabanata XC

    Lucas' POV Mas humigpit pa ang yakap ni Fenrill nang may malakas na pagsabog akong narinig. Ramdam ko rin ang kaunti niyang panginginig. Nang mawala ang liwanag ay tumingala ako para tignan ang mukha niya ngunit parang sinasaksak ang puso ko dahil sa mga ngiti niya kahit na ramdam ng mga daliri ko ang basa niyang likod. "You fool." Nakangiti pa rin siya sa akin at hindi nagsasalita. Nakatingin sa aking mukha habang nakangiti na para bang satisfied siya sa kaniyang ginawa. "What did you do?" Kumalas ang kaniyang mga braso mula sa pagkakayakap sa akin. "Don't get hurt." At mabilis namang bumagsak ang kaniyang katawan pababa na agad ko namang sinundan para abutin siya at ilapag nang maayos. "Baby." Hinaplos ko ang kaniyang pisngi nang marahan, takot na baka mas lalo ko siyang masaktan. "I'm okay. Go and don't hold back, baby." Nilapit ko ang aking labi sa kaniyang noo at ginawaran siya ng magaang halik bago ako tumayo at bum

DMCA.com Protection Status