August's POVIt is all weird, I can say. Nahihirapan ako sa mga bago kong kasama. Paano ba naman kasi, ang iingay kala mo nasa divisoria ang mga ito lagi at tuwing nakikita nila ako ay akala mo nakakakita sila ng tikbalang o manananggal sa itsura nila na hindi ko maintindihan. Napaisip na tuloy ako kung ganun ba ako kapangit sa paningin nila.Isa pa itong si Gen na tuwang tuwa pa dahil nagiging close na daw ako sa grupo like what the fuck?! Nasaan ang closeness doon? Awkwardness malamang meron! At isa pa itong si Lucas na akala mo parang linta dikit ng dikit. Nagsawa na rin ako sa kakataboy dito at hinayaan ko na lang. Ewan ko kung anong trip nito parang bata na ewan."Hoy Hulyan! Ibalik mo nga sa akin yan!" Malakas na sigaw ni Franco na nagtatakbo habang hinahabol nito si Jules."Ha! Parang ang ganda naman ng pangalan mo Franco boy! Tunog basag ulo!" Sigaw naman ni Jules na hindi pa rin tumitigil sa pagtatakbo. Hindi ko alam kung ano ang pinag-aagawan nilang dalawa pero hanggang nga
August's POV"The fundamentals of making an energy ball is through mind. Concentration and talent is needed. You have to concentrate your energy on your hand until it will develop a ball of energy..." Saad ng Power Manipulation Teacher namin.Kahit wala akong kapangyarihan ay kailangan ko pa rin na sumalang dito dahil yun ang nasa curriculum. Since alam naman ng mga professor dito na wala akong kapangkayarihan ay pinapagawa na lang nila ako ng case study ayon sa development ng bawat classmates ko. For short, para akong secretary dito na nagrerecord sa kanilang improvement day by day.Nandito kaming lahat sa training room kung saan ay may barrier para hindi umalpas kung may magkamali man. Dahil ang pinakadelikado sa may kapangyarihan ay ang mga baguhan dahil hindi pa ito marunong magcontrol ng kapangyarihan. Minsan nga ay natatakot ako para sa aking kaligtasan dahil yung impression ko sa kapangyarihan nila eh para itong bomba, kung magkamali, sasabog at tatamaan ako at mamamatay. But s
August's POVIlang araw na ba ang lumipas? Right, tatlong araw na laging sira ang araw ko. Paano ba naman kasi lagi akong nadedetention! Like littering, curfew, sleeping inside the class. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may nakabantay sa akin na gumawa lang ng mali at detention na kaagad ako. Yung totoo, may spy camera bang nakasunod sa akin? Ha! Imposible naman yun dahil hindi uso dito ang drones o spy camera. Oo may cellphone pero hindi ganun ka techie ang technologies dito."August, ano ba ang nangyayari sayo? Ginagawa mo ng bahay ang detention room." Puna ni Gen sa akin. Naiinis akong napakamot sa batok ko. "Ewan ko ba Gen, feeling ko eh under surveillance ako. Konting mali ko lang detention slip na kaagad." Sagot ko naman rito. Nakakabanas lang eh, kasi parang ako lang ng ako yung napapatawan ng detention. May nakikita naman akong iba na lumalabag pero bakit walang detention slip? May galit ba ang guidance councilor sa akin?"Iwasan mo na lang kasi yung mga bawal, kasi i
August's POVHindi ko maipaliwanag ang bigat ng aking nararamdaman. Hindi ko alam kung nalulungkot ako o nagagalit. Isa lang ang alam ko. Masama talaga ang aking loob. Ilang araw na ang lumipas at ginawa ko ang lahat para iwasan o ang di man lang makasalubong sa daan si Cayden. Ni hindi na ako sumasabay sa hapag. Nagiging doble pa ang effort ko gumigising talaga ako ng maaga para sa pantry na ako mag-agahan tapos umuuwi din ako ng maaga at nag-e-early dinner din ako.Sina Gen at Lucas naman kahit hindi nagtatanong alam ko na curious ang mga ito kung ano talaga ang nangyari. Ramdam ko na gusto nila akong tanungin pero hindi nila ginagawa. Ayoko naman din pag-usapan ang nangyari dahil sumisikip lang yung dibdib ko. Hindi ko rin maintidihan yung sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi naman kasi ako yung tipong nagtatanim ng galit. Oo mapang-asar ako pero hindi ako nagtatanim ng galit. Mas gugustuhin ko pa lng magtanim ng palay dahil may pakinabang pa yun kesa galit ang it
August's POVHanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. First, nag-away kami ni Cayden and second nagsorry siya sa akin. So is that mean na bati na kami? And I can't even put away the memory of his face when saying sorry to me. It's legit and I feel like it is some sort of an omen and a bad sign.I don't want to accept his apology but damn, my tongue betrayed me at nasabi ko pa na pinapatawad ko na siya. I just can't believe myself. Tila may sarili itong utak.Nandito ako ngayon sa kuwarto ko. Napalingon ako sa cabinet ko when I remembered something. Tumayo ako at binuksan ko yun and there I saw, my back pack na medyo madungis na dahil hindi ko man lang ito nalabhan. Kinuha ko ang bag ko at dinala ko ito sa kama. Agad ko itong binuksan at nakita ko ang mga notes ko. Pati mumurahin na cellphone na patay na ngayon dahil hindi ito na charged. Bigla naman akong may naalala na isang bagay. Right, the medallion ay nasa bag ko kaya agad ko na kinapa ang secret compartm
August's POVAng haba ng naging biyahe namin pero sulit. Nandito na kami sa isla ng Snow Fall at lahat kami ay laglag ang panga sa kagandahan ng lugar. Like the fuck? Totoo ba ito? I am seeing this type of resort sa maldives or punta cana. Pero hindi ko inaasahan na sa lahat ng out dated, ito talaga ang pinaka the best. Pagkapasok pa lang namin sa private resort ay tumambad kaagad sa akin ang infinity pool na sobrang linaw ng tubig at over looking view ng karagatan at mga isla. Sa gilid nito ay parang isang bar dahil may mga upuan doon at winery."Totoo ba talaga ito o baka naman ilusyon lang ito?" Di makapaniwalang tanong ni Gen at yung mga mata niya ay busog na busog sa ganda ng lugar."Try slapping your face, it may wake you up." Walang emosyon na saad ni Cayden at patuloy na itong naglakad patungo sa isang Grand Villa.Ngumuso naman si Gen dahil sa iniasal ni Cayden. "Ang sungit talaga kahit kailan." Pusta ko minumurder na ni Gen si Cayden sa isipan nito. Halatang halata kasi sa m
August's POV"We need to wear glasses, para cool." Suhestiyon ni Alice at kumuha ito ng tatlong aviator glasses at binigyan kami isa-isa."Can you remind me why do we have to wear glasses?" Tanong ko naman. Cool ba ang hinahanap niya? Eh bakit hindi pa siya nagsuot kanina?"Duh, nakaka-insecure ka naman kasi that's why we have to wear glasses para mabawasan naman yang ganda mo." Sagot pa nito with as a matter of fact tone.Napataas naman ang kilay ko. "So kasalanan ko pa ngayon?""Ay syempre hindi. Unfair lang talaga itong mundo." Ngising sagot ni Alice sa akin.Napailing naman si Gen. "Tumigil na nga kayo. Sige na baba na tayo baka ano pa isipin ng mga boys sa baba.Patamad kong isinuot ang glasses. Yung totoo ay hindi ako sanay magsuot nito. I have a 20/20 vision at hindi naman din ako fashionista dahil hindi ko naman afford yun.Nagsimula na kaming maglakad pero parang tinutubuan ako bigla ng hiya. Ewan ko ba at kinakabahan ako na ewan. Yung totoo ay nahihiya talaga ako dito sa suo
August's POVIlang beses na akong nagpabiling biling sa aking hinihigaan pero hindi pa rin ako makatulog. Kahit anong gawing pikit ko ay para naman abnormal itong utak ko na nagsisilabasan ang mga isipin na talo ko pa talaga ang nakadilat. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nilulubayan ng mga pangyayari kanina.Isa pa itong si Cayden na pilit kong binabalik sa kanya yung T-shirt na pinahiram niya sa akin pero ayaw naman niyang tanggapin at sa akin na raw yun. Like the fuck? Who would dare to wear that kind of thing with a too flashy print? Baka mapatay lang ako ng mga fan girls ni Cayden. At sino din ang matutuwa kung ganun ang print? But the most creepy part is, parang natutuwa pa ako na yun ang ipinasuot sa akin ni Cayden! The fuck!? What is happening to me? I am sure that I hate him to the core, but what the fuck? And the hell, nakatupi pa talaga ng maayos yung t-shirt sa bag ko na para bang ayaw kong magusot yun. Napailing na lang ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung ano
Cayden's POVAgad akong tumakbo ng mabilis ng makita ko si King Laurent na patungo kay August para saksakin ito. Alam kong maaabutan ko ito kaya agad kong niyakap si August at tangkang magteteleport sana pero nakarinig na lang ako ng ungol mula sa aking likuran. Napahinto ako at hindi kaagad ako nakagalaw."Pity, you saved your ............love, while he saved his love. My death, is not for nothing after all. I may be dead, but still............. I............won." Dinig kong saad ni King Laurent sa nanghihinang boses. Dinig ko na may bumagsak at may sumunod din."August!" Nahindik na tili ni Gen. Nakita ko na nagtangkang tumakbo si Gen pero pinigilan ito ni Lucas.Parang biglang nanlamig ang katawan ko. May biglang pumasok sa utak ko at nababalot ako ng takot ng hindi ko siya makita sa grupo nina Gen."Oh my god..." nahindik din si August na ngayon ay nakatingin sa likuran ko.Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na akong lumingon para tingnan ang nangyayari. Horror filled my
A/N: I created something that will visualize the twins. I hope you will like it. August's POVMy eyes were trained to a certain point where the chaos is going on. Wala ni isa sa amin ang nakagalaw sa gulat. Ang mga mata ko ngayon ay nakatingin sa isang pigura na namumukod tangi mula sa mga halimaw. He has red cape and a crown but he doesn't look human. May palagay na ako kung sino ito, and the fact na may ideya ako kung sino ito ay inaatake na ako ng kaba.That thing is the king of Orcs. King Laurent. He is ridding a war carriage na imbes na kabayo ay dalawang hell hounds ang humihila rito. He looks demonic at kinikilabutan ako tuwing napapatitig ako sa mukha ni King Laurent."Hahahahahahahahaha!" Halakhak ni King Laurent habang papalapit ito sa amin. Parang gusto ko naman umatras pero pinigilan ko ang sarili ko, but my instinct is screaming that he is dangerous! Alam kong hindi rin kaya ng kapasidad ko ang labanan ito. "You manage to somehow, defeat my frontline.." nakangising saad
August's POVKinikilabutan ako habang nakatingin sa matayog na entrada ng Academy. Nakakabinging tunog ang nanggagaling dito dahil na rin sa malakas na pagbunggo ng mga orcs. Hindi ko alam kung ano ang gamit nila para gawin yun. Kahoy o mismong katawan nila? Hindi ko alam."Hindi tatagal ang harang kung patuloy yung pagbunggo nila." Saad ni Kaye na halata ang pag-aalala sa mukha nito."Alam ko. Kahit gaano pa katibay ang pundasyon, mababaklas pa rin yun sa desperadong mga orcs." Saad ko naman na may halong hugot. Ganun talaga eh, anong panama ng maganda sa desperadang malandi? Hahaha.Pero bago pa makapagreak ang iba ay biglang kumalabog ang harang at lumangitngit ito ng malakas kasabay ng pagkatumba nito at lumikha ito ng nakakabinging ingay at makapal na alikabok.Napapikit ako dahil muntikan na akong napuwing. Agad naman na humarang si Angel Grace at gumawa ito ng shield para hindi kami patuloy na tamaan ng mga nakakapuwing na alikabok dahil baka habang nakapikit kami ay umatake na
August's POVPilit kong iniiwasan silang lahat. I stayed in my room o kaya naman ay lumalabas ako at kung saan saan ako ng parte ng Academy tumatambay. Library doon sa may sulok o kaya sa laboratory o sa maze garden. Nagtetake out na rin ako ng pagkain. Ayokong kumain sa pantry dahil makikita ko lang din sila doon. Sa kuwarto na rin ako kumakain.Nandito ako ngayon sa kuwarto ko. Binabalak kong pumunta sa library. Wala naman klase kasi. Pasalamat ko lang. I need to check some books in the restricted section. May access naman ako doon dahil isa akong Elite. Weird, I still have the position even though the real August is back. Pero ano ba ang karapatan niya? I was the one who earned this position at hindi naman siya. I defeated Venna with my own skill kaya wala talaga siyang karapatan dahil kung eepal siya, talagang masasapak ko ang pagmumukha niya.Lumabas na ako ng kuwarto at sa kamalas malasan ay nandoon silang lahat sa baba na tila may hinihintay. I walked held high pero hindi ako n
August's POVInaayos ko ang higaan ko dahil ngayon na ako makakalabas mula sa hospital. Nakaramdam pa rin ako ng pagtatampo ng hindi man lang talaga bumisita sina Gen. Gaano ba sila ka busy? Ni wala nga akong narinig na balita sa kanila. Or maybe because I am useless to them since I got injured. With that thought, it makes me really sad."August! Nakauwi na ang Elites!" Tili naman ni Alice na humahangos papasok sa kuwarto.Ngumiti naman ako rito. I did not feel any excitement at all dahil mas nangingibabaw yung pagtatampo."Okay." Sagot ko lang rito at inayos ko na ang sarili ko. Minsan itong si Alice insensitive din eh. Napansin naman ni Alice na parang wala ako sa mood kaya hindi na niya ako pa kinulit. She's the only one who stayed by my side when the time I need help. I don't remember anyone went to visit me o nangumusta man lang kung okay lang ba ako o kung buhay pa ako. And now, she's saying they are back. I completely understand that they went in a mission but why do I still f
August's POV"Misha! Totoo ba ito? Nakabalik na ako?" Halos hindi ko makapaniwalang tanong. Sa naalala ko kasi ay nasa Pandora pa ako at sugatan."Oo August... mabuti at nakabalik ka na. Ang tagal ka namin hinanap." Naiiyak na saad ni Misha."Sorry na, hindi ko naman kasi alam na hihigupin ako patungo sa ibang planeta." Nakangusong saad ko. Pero sa totoo lang masaya ako dahil sa wakas ang nakauwi na ako. I don't belong there anyway."Sana kasi isinama mo ako! Alam mo bang ang hirap ng buhay dito ng wala ka? Halos hindi na ako makalabas ng bahay. May naka-abang na mga gangster sa labas ng school kasi hinahanap ka. Pati yung mga underlings mo, kinakawawa ng ibang grupo." Reklamo nito ulit."Tss, oo na. Pero malay ko ba na mapupunta ako doon? Kung alam ko lang sana eh di sinabihan na kita para picnic tayo doon." Asar na saad ko rito.Talagang nainggit pa ito eh ako nga atat na atat na makauwi. Hindi ko lang talaga inakala na nakauwi na ako. I thought, I will die there in Tierrabithea Tr
August's POVHalos dinaig pa ng paligid ko yung school ground namin dahil sa linis. Hindi rin ako sigurado sa mangyari, basta mainit ulo ko gusto kong manapak kaya dito sa mga tuyong dahon ko ibinunton ang inis ko at pinagsisipa ang mga yun.Natipon na kasi ata yung asar ko. Una, doing a mission without any concrete plans. Second, we are looking for something that we don't even have any idea what is it. There are no even clues, no evidence gathered. Tapos ako yung taong tipong susugod kung meron ng mga nakalap na impormasyon. Sa palagay niyo, hindi ako sasabog? Ilang beses na akong nagreklamo sa loob ng utak ko. Pinilit kong hindi magreklamo dahil alam ko naman na may sarili silang paraan pero nakakabanas ng sobra lang. Talo pa namin ang mga baguhan eh.Napatingin naman ako sa mga medyo hindi naman kalakihang mga puno kumpara sa iba. Anong nangyari sa mga ito? Bakit nabuwal ang mga ito? Pinilit kong alalahanin kung nabuwal na ba ito bago ako dumating. Pero hindi ko talaga maisip! Hind
August's POVI didn't know how was I able to sleep last night. Last night was a nightmare. We did not do anything but just sit and waited to those ghost fade away and their screeching scream is nerve wrecking. I bet, I already have another set of bags under my eyes.Lumabas ako sa tent and I saw everyone how busy they were. But I was stopped by the wild grumbling in my stomach. Tama, ni hindi ko magawang kumain kagabi kahit nagutom ako. Sino ba naman kasi ang makakaramdam ng gutom kung napalibutan ka na ng multo. May pagkain naman pero hindi ko mapilit ang sarili ko na kumain. It's hard for me. My fear with ghost is way more than my hunger.Biglang nanubig na lang ang bagang ko ng makaamoy ako ng inihaw na isda. Agad kong sinundan ang amoy na parang may sariling isip itong mga paa ko at talagang alam na alam ng instinct ko kung saan galing ang amoy. And there I saw my group they are in circle and grilling with a man made bonfire."Hey, it's good that you are awake. This is almost done
August's POVNawala ang tugtog na narinig namin ng marating namin ang parang isang mga batong ruins na may mga baging pa. Pero halos hindi naman kami nakagalaw ng sabay na may tumutok sa aming mga sinat. Agad namin nakita ang mga tribo na maiitim ang mukha. Uso na sa kanila ang clay mask? Pero imposibleng clay mask ito dahil alam ko na hindi. Parang pinagsasampal yung mukha nila ng puwet ng caldero."Mga dayuhan! Anong pakay niyo at naligaw kayo sa aming teritoryo?!" Matapang na tanong ng isang malaking lalaki na nakabahag lang na may dalang sibat at parang ano man maling galaw na gagawin namin ay itatarak nito ang sibat sa amin.Hindi ko magawang magsalita! Tila nabato na ako sa kinatatayuan ko. We might be strong be we are totally out numbered. I am hesitating if I have to move or not. Pero akmang gagalaw na sana ako at tatalon ng may pumugil sa akin. Agad kong nilingon at nakita ko kaagad na nakatingin sa akin si Cayden at umiling ito ng konti, giving me signal to not do whatever I