August's POV"Misha! Totoo ba ito? Nakabalik na ako?" Halos hindi ko makapaniwalang tanong. Sa naalala ko kasi ay nasa Pandora pa ako at sugatan."Oo August... mabuti at nakabalik ka na. Ang tagal ka namin hinanap." Naiiyak na saad ni Misha."Sorry na, hindi ko naman kasi alam na hihigupin ako patungo sa ibang planeta." Nakangusong saad ko. Pero sa totoo lang masaya ako dahil sa wakas ang nakauwi na ako. I don't belong there anyway."Sana kasi isinama mo ako! Alam mo bang ang hirap ng buhay dito ng wala ka? Halos hindi na ako makalabas ng bahay. May naka-abang na mga gangster sa labas ng school kasi hinahanap ka. Pati yung mga underlings mo, kinakawawa ng ibang grupo." Reklamo nito ulit."Tss, oo na. Pero malay ko ba na mapupunta ako doon? Kung alam ko lang sana eh di sinabihan na kita para picnic tayo doon." Asar na saad ko rito.Talagang nainggit pa ito eh ako nga atat na atat na makauwi. Hindi ko lang talaga inakala na nakauwi na ako. I thought, I will die there in Tierrabithea Tr
August's POVInaayos ko ang higaan ko dahil ngayon na ako makakalabas mula sa hospital. Nakaramdam pa rin ako ng pagtatampo ng hindi man lang talaga bumisita sina Gen. Gaano ba sila ka busy? Ni wala nga akong narinig na balita sa kanila. Or maybe because I am useless to them since I got injured. With that thought, it makes me really sad."August! Nakauwi na ang Elites!" Tili naman ni Alice na humahangos papasok sa kuwarto.Ngumiti naman ako rito. I did not feel any excitement at all dahil mas nangingibabaw yung pagtatampo."Okay." Sagot ko lang rito at inayos ko na ang sarili ko. Minsan itong si Alice insensitive din eh. Napansin naman ni Alice na parang wala ako sa mood kaya hindi na niya ako pa kinulit. She's the only one who stayed by my side when the time I need help. I don't remember anyone went to visit me o nangumusta man lang kung okay lang ba ako o kung buhay pa ako. And now, she's saying they are back. I completely understand that they went in a mission but why do I still f
August's POVPilit kong iniiwasan silang lahat. I stayed in my room o kaya naman ay lumalabas ako at kung saan saan ako ng parte ng Academy tumatambay. Library doon sa may sulok o kaya sa laboratory o sa maze garden. Nagtetake out na rin ako ng pagkain. Ayokong kumain sa pantry dahil makikita ko lang din sila doon. Sa kuwarto na rin ako kumakain.Nandito ako ngayon sa kuwarto ko. Binabalak kong pumunta sa library. Wala naman klase kasi. Pasalamat ko lang. I need to check some books in the restricted section. May access naman ako doon dahil isa akong Elite. Weird, I still have the position even though the real August is back. Pero ano ba ang karapatan niya? I was the one who earned this position at hindi naman siya. I defeated Venna with my own skill kaya wala talaga siyang karapatan dahil kung eepal siya, talagang masasapak ko ang pagmumukha niya.Lumabas na ako ng kuwarto at sa kamalas malasan ay nandoon silang lahat sa baba na tila may hinihintay. I walked held high pero hindi ako n
August's POVKinikilabutan ako habang nakatingin sa matayog na entrada ng Academy. Nakakabinging tunog ang nanggagaling dito dahil na rin sa malakas na pagbunggo ng mga orcs. Hindi ko alam kung ano ang gamit nila para gawin yun. Kahoy o mismong katawan nila? Hindi ko alam."Hindi tatagal ang harang kung patuloy yung pagbunggo nila." Saad ni Kaye na halata ang pag-aalala sa mukha nito."Alam ko. Kahit gaano pa katibay ang pundasyon, mababaklas pa rin yun sa desperadong mga orcs." Saad ko naman na may halong hugot. Ganun talaga eh, anong panama ng maganda sa desperadang malandi? Hahaha.Pero bago pa makapagreak ang iba ay biglang kumalabog ang harang at lumangitngit ito ng malakas kasabay ng pagkatumba nito at lumikha ito ng nakakabinging ingay at makapal na alikabok.Napapikit ako dahil muntikan na akong napuwing. Agad naman na humarang si Angel Grace at gumawa ito ng shield para hindi kami patuloy na tamaan ng mga nakakapuwing na alikabok dahil baka habang nakapikit kami ay umatake na
A/N: I created something that will visualize the twins. I hope you will like it. August's POVMy eyes were trained to a certain point where the chaos is going on. Wala ni isa sa amin ang nakagalaw sa gulat. Ang mga mata ko ngayon ay nakatingin sa isang pigura na namumukod tangi mula sa mga halimaw. He has red cape and a crown but he doesn't look human. May palagay na ako kung sino ito, and the fact na may ideya ako kung sino ito ay inaatake na ako ng kaba.That thing is the king of Orcs. King Laurent. He is ridding a war carriage na imbes na kabayo ay dalawang hell hounds ang humihila rito. He looks demonic at kinikilabutan ako tuwing napapatitig ako sa mukha ni King Laurent."Hahahahahahahahaha!" Halakhak ni King Laurent habang papalapit ito sa amin. Parang gusto ko naman umatras pero pinigilan ko ang sarili ko, but my instinct is screaming that he is dangerous! Alam kong hindi rin kaya ng kapasidad ko ang labanan ito. "You manage to somehow, defeat my frontline.." nakangising saad
Cayden's POVAgad akong tumakbo ng mabilis ng makita ko si King Laurent na patungo kay August para saksakin ito. Alam kong maaabutan ko ito kaya agad kong niyakap si August at tangkang magteteleport sana pero nakarinig na lang ako ng ungol mula sa aking likuran. Napahinto ako at hindi kaagad ako nakagalaw."Pity, you saved your ............love, while he saved his love. My death, is not for nothing after all. I may be dead, but still............. I............won." Dinig kong saad ni King Laurent sa nanghihinang boses. Dinig ko na may bumagsak at may sumunod din."August!" Nahindik na tili ni Gen. Nakita ko na nagtangkang tumakbo si Gen pero pinigilan ito ni Lucas.Parang biglang nanlamig ang katawan ko. May biglang pumasok sa utak ko at nababalot ako ng takot ng hindi ko siya makita sa grupo nina Gen."Oh my god..." nahindik din si August na ngayon ay nakatingin sa likuran ko.Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na akong lumingon para tingnan ang nangyayari. Horror filled my
Currently in PandoraLady August's POVNapakatahimik ng gabi, mga huni ng kuliglig lamang ang aking naririnig. Bukas na nakatakda ang aking kasal kay Prince Cayden at bukas din siya kokoronahan bilang Emperor ng Veneesha.Dapat masaya ako dahil ikakasal ako sa taong mahal ko at mahal din ako, pero habang tumatakbo ang oras ay parang pinapatay na ako sa sakit at kalungkutan.Bumuntong hininga na lang ako at naglakad ako papuntang lawa sa harap ng aking marangyang silid. Walang mga kawal na nakabantay kaya malaya akong nakakapaglakad sa bakuran. Narating ko ang maliit na lawa na pinapaligiran ng mga kulay puting lutos at napatingin ako sa puno ng sa gilid ng lawa na nililiparan ng mga alitaptap.Ang ganda ng paligid. Parang puno ng mahika ang lawa kasabay ng hangin. Pero kahit gaano pa kaganda ang paligid ay di maalis alis ang kalungkutan sa aking puso.Kinapa ko ang aking dibdib at nahawakan ko ang medalyon. Ito ang bigay sa akin ng Prinsipe, palatandaan na ako ang babaeng kanyang paka
Currently in Earth...August's POV"Nasaan na ba yun?" Usal ko habang nakayuko ako sa damuhan at hinahanap ko ang gift certificate na nilipad ng hangin kanina. Sa sobrang tuwa ko kasi ng nakatanggap ako ay di ko na nilubayan ng tingin ang GC at hangang sa nilipad ito ng hangin at nandito na ako sa tagong bahagi ng parke."Kailangan kong mahanap ka, sayang naman, gagamitin kita para sa grocery." Usal ko ulit. Don't be shock. Sanay ako na magsalita mag-isa. "Ouch, my back hurts." Daing ko at napahawak ako sa bewang ko."May nauna na pala sa 'tin." Dinig ko na saad ng isang lalaki.Di ko na sila pinansin pa. They don't worth my time at mas mahalaga sa akin ang GC. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap at di ko tinapunan ng tingin ang kung sino mang bagong dating."Tsk. Miss, bastos mo naman para di kami pansinin." Saad nito.Di ko alam kung ano ang kailangan nito ba't kailangan ko pa silang pansinin kaya tumigil ako sa paghahanap at humarap ako sa kanila. Tiningnan ko lang sila. Di ako umimi