Napangiti si Amanda nang makita niya ang sariling repleksyon sa harapan ng human-sized mirror na nasa loob ng kanyang kuwarto. Bagay lamang sa kanya ang suot na simpleng puting t-shirt na tenernuhan niya ng kulay blue na skinny jeans at itim na signature rubber shoes. Light makeup lamang ang inilagay niya sa mukha dahil nag-aalala siya na baka kapag pinawisan siya ay humulas ang kanyang makeup at madumihan lamang ang kanyang mukha. Ang kanyang mahaba at tuwid na buhok ay itinaas na lamang niya at tinalian ng kulay pink na malambot na panali.
Kaya iyon ang pinili niyang isuot dahil pupunta silang apat na magkakaibigan sa Tayak Hills sa Rizal. Aakyat sila hanggang sa tuktok ng hills na may nine hundred thirty steps. Siguradong papawisan siya kaya kailangan ay talagang light makeup lamang ang ilagay niya sa mukha at kailangan ding comfortable clothes ang isuot niya.
Nang makuntento na siya sa kanyang hitsura ay agad niyang kinuha at isinukbit sa kanyang balikat ang pink niyang shoulder bag. Dinala rin niya ang kanyang yellow jacket dahil baka sobrang init ng araw mamaya ay magkaroon pa siya ng sunburn. At siyempre, hindi rin niya kinalimutan ang kanyang puting sumbrero para naman may panlaban sa araw at ulan ang kanyang ulo sakaling magpaiba-iba ng klima mamaya. Nang masigurong wala na siyang nakalimutan ay saka siya dahan-dahang lumabas sa kanyang kuwarto.
Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib habang maingat at halos walang ingay na naglalakad siya pababa sa mataas na hagdanan ng kanilang bahay. Ayaw kasi siyang payagan ng kanyang daddy dahil exams nila next day. Dapat daw ay mag-review siya ng mga pinag-aralan nila kaysa ang gumala. Ayaw siyang payagang umalis kaya wala siyang choice kundi ang umalis ng palihim. Pagdating na lamang niya haharapin ang galit ng kanyang daddy.
Kahit kailan ay napaka-strict ng kanyang daddy sa pagpapalaki at pagdisiplina sa kanya. Siguro dahil pinalaki siya ng kanyang daddy nang mag-isa. Bata pa lamang kasi siya ay namatay na ang kanyang ina sa panganganak sa kanya at hindi naman na nag-asawa pang muli ang daddy niya kaya mag-isa lamang siyang itinaguyod nito. Hindi siya katulad ng ibang mga bata na malayang nakakapaglaro sa labas ng bahay nila. Siya kasi'y kung hindi ang pag-aaral sa pagbasa at pagsulat ng language ng ancient Greece na tinatawag na "Mycenaean" ay tungkol naman sa pagdi-decipher ng mga codes na nakatago sa mga salita o letra ang ginagawa niya. Palibhasa ay isa itong matinik na professor sa Greece International School Of Language kaya naman nais nitong maging katulad siya nito. Ang GSOL ay ang nag-iisang paaralan sa Pilipinas na nagtuturo ng salitang Greek na siyang main language ng school. At tanging mga mayayamang tao lamang ang kayang mag-aral sa napakamahal na school na ito.
Hindi niya alam kung bakit siya pinipilit ng daddy niya na matutunan ang mga bagay na 'yon samantalang naiisip niya na wala naman iyong kinalaman sa kursong kukunin niya kapag nakatapos na siya ng senior high school. Nursing kasi ang kursong kukunin niya sa college. At ilang buwan na lamang ay ga-graduate na siya sa senior high at mako-kolehiyo na siya. Siguro naman ay mababawasan na ang pagiging strict nito sa kanya lalo pa at malapit na siyang umabot sa tamang gulang. Pero sa ngayon ay wala siyang magagawa kundi sundin ang daddy niya dahil menor de edad pa siya at ang maaari lamang niyang gawin ang umalis ng hindi nagpapaalam dito katulad ngayon.
"Where do you think you're going, Amanda?"
Biglang napatigil si Amanda sa balak na pagpihit ng doorknob nang marinig niya ang boses na iyon ng kanyang daddy. Napapikit siya at napakagat ng mariin sa kanyang mga labi. Pagkatapos ay huminga ng malalim bago humarap sa ama na may naka-plaster na matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
"Oh, hi Dad! Good morning. Why did you wake up early?" nakangiting tanong niya rito. Nakita niyang nakaupo ito sa mahabang sofa at tahimik na nagbabasa ng news paper. Kung bakit kasi dere-deretso lamang siyang naglakad papuntang pintuan. Usually kapag mga ganoong oras ay hindi pa ito gising kaya naman hindi na siya nag-abalang alamin pa kung gising na ba ito o kung tulog pa.
"It's because I know you, Amanda. Alam kong tatakas ka para lamang matuloy ang lakad ninyo," walang kangiti-ngiting wika ng ama niya.
Ang kanyang matamis na ngiti ay napalitan ng pagsimangot. "For sure, isa sa mga magulang ng mga kaibigan ko ang nagsabi sa'yo na may lakad kami."
Wala naman kasi siyang sinasabi rito na may lakad nga silang magkakaibigan dahil natitiyak niya na hindi siya nito papayagang umalis.
Hindi sumagot ang daddy niya sa kanyang sinabi sa halip ay iba ang sinabi nito. "Do you think I'm too strict to you?"
Saglit siyang natigilan sa tanong nito. May sakit ba ito? Sa unang pagkakataon ay hindi siya nito pinagalitan. Madalas kasi kapag nahuhuli siyang tumatakas ay palaging sermon ang inaabot niya mula rito.
"Are you okay, Dad?" hindi napigilang tanong niya rito.
Tumango ito ng tatlong beses bago nagsalita. "I just realized that in a few months you will be in college school. Magiging adult ka na rin at hindi na sa lahat ng oras ay kaya kitang bantayan."
"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan, Dad? Is there something wrong?" hindi niya napigilang mag-alala. Baka may inililihim na sakit ang kanyang daddy sa kanya tapos heto siya't puro sakit ng ulo lamang ang ibinibigay niya rito. "May inililihim ka ba sa akin, Dad? May malalang sakit ka ba?"
"Silly," natatawang wika nito. "Wala akong sakit. Gusto ko lang sabihin sa'yo na hahayaan na kitang gawin kung ano ang gusto mo at kung ano ang magpapaligaya sa'yo. Basta't ipangako mo lamang na iingatan mo ang sarili mo at hinding-hindi mo pababayaan ang iyong pag-aaral."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Biglang siyang napalapit dito. "Talaga, Dad? Totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo? Wala ng bawian 'yan."
Nang tumango ito ay napatalon siya sa tuwa at agad niyakap ng mahigpit ang kanyang ama. Kahit na super strict ito ay love na love pa rin niya. Kung hindi nga lang ito sobrang strict sa kanya ay talagang the best daddy na ito. Pero ngayong binigyan na siya ng kalayaan na gawin ang anumang gusto niya ay talagang the best daddy na ito sa buong mundo.
"Mag-iingat ka sa lakad ninyo," bilin nito matapos siyang kumawala sa pagkakayakap dito.
"Yes Dad. Thank you so much. And I love you, Dad," paalam niya bago masayang lumabas ng pintuan ng kanilang bahay.
Paglabas niya sa mataas na gate ng bahay nila ay agad niyang nakita ang kotse ng kaibigang si Rain na naka-park sa tapat lamang ng gate nila. Patakbo siyang lumapit sa kotse ng kaibigan na agad namang nagbukas ng bintana nang makita siyang palapit.
"Mukhang ang saya mo ngayong nakatakas ka," nakangising tudyo ni Rain sa kanya.
"Excuse me, hindi ako tumakas dahil pinayagan na ako ni Daddy na gawin ang ano mang bagay na makapagpapasaya sa akin as long as hindi ko pinapabayaan ang studies ko, okay?" nakangiting pagbabalita niya rito. Pagkatapos ay nagmamadaling sumakay na siya sa passenger seat, nasa harapan naman ito nakaupo katabi ang boyfriend na si James na siyang nagsisilbing driver nila.
"Congrats, Amanda! Finally, you are free as a bird! Puwede ka nang manglalaki ngayon," nakangising biro ng bading nilang kaibigan na si Paula kapag gabi at Paulo naman sa araw. Bading kasi ito at tanging silang apat na magkakaibigan lamang ang nakakaalam ng tunay nitong katauhan. Kaya kapag silang apat lamang ang magkakasama at nasa lugar sila kung saan ay walang nakakakita at nakakakilala sa kanila ay todo ladlad ito sa tunay nitong kulay.
"Kapag ginawa niya iyan ay tiyak na kulong sa loob ng bahay ang aabutin niya. Parang ikaw, kapag nalaman ng daddy mo na isa kang dalagang Pilipina ay tiyak na ipapatapon ka niya sa Basilan para maging tunay kang lalaki," pang-aasar ni James kay Paula bago pinaandar ang kotse paalis sa tapat ng bahay nila.
"Ay ano ba 'yan! Ayoko ng barilan. My gosh! Baka hindi pa pumuputok ang baril ko ay nauna nang pumutok ang baril ko sa ibaba sa sobrang takot. Mas gusto ko pang magtahi ng sako at gawing bestida para rito kay Amanda," nakapilantik ang mga daliring sagot nito kay James.
Natawa silang tatlo sa sinabi at ikinilos ng kaibigan nila. Kahit kailan talaga ay ito ang nagpapasaya sa grupo nila. Si Paula kasi ang nagsisilbing joker sa kanilang grupo. Ngunit ang masaya nilang tawanan ay nauwi sa malakas na pagtili nila ng sabay-sabay nang biglang nag-preno si James dahil biglang may humarang na itim na van unahan ng kotse ni Rain. Mabuti na lamang at mabilis ang kilos ni James kaya agad itong nakapag-preno upang hindi sila bumangga sa likuran ng itim na van.
"Ano ba 'yan? Hindi ba marunong tumawid ang driver ng van na iyan at bigla na lamang tumawid sa bakod natin?" galit at nakataas ang kilay na wika ni Paula. Agad nitong inayos ang medyo nagulong buhok pati ang makeup. Nasubsob kasi ang mukha nito sa likuran ng upuan at nagulo rin pati ang makeup kaya nagalit ang lola nila
"Ayos lang ba kayo, guys?" nag-aalalang tanong ni James sa kanilang tatlo.
"Oo ayos lang kami," mabilis niyang sagot. Katulad ni Paula ay inayos rin niya ang medyo nagulo niyang buhok dahil napasubsob din siya sa likuran ng upuan.
Sabay-sabay silang napatingin sa tatlong lalaking bumaba sa itim na van na pare-parehong may hawak na baril at mabilis na lumapit sa kotse nila't tinutukan sila ng baril.
"Ay ano ba 'yan may baril! My God! Ano ba ang nangyayari? Katatapos pa lamang nating banggitin ang salitang baril kanina tapos ngayon meron na naman. At totoong baril pa. Ayoko pang ma-tsugi. Hindi ko pa nga naipapakalat ang mga binhi ko tapos matsu-tsugi na kaagad ako," nagpapanik na wika ni Paula. Kahit natatakot ay hindi pa rin maalis ang kabaklaan nito sa pagsasalita.
"Lumabas kayo riyan kung ayaw ninyong barilin namin kayo," matigas na utos sa kanila ng lalaki na parang miyembro ng WWW sa laki ng mga muscles na nag-uumalpas sa suot na puting sando. Ang WWW ay pangalan ng sikat na tournament kung saan ginaganap ang pakikipag-wrestling ng isang tao sa kanilang kapwa wrestler din. Mukha talaga itong wrestler. Nakakatakot.
Walang silang nagawa kundi ang lumabas sa sinasakyan nilang kotse sa takot na baka totohanin nga nito ang banta sa kanila.
"A-ano ang k-kailangan n'yo sa amin?" lakas-loob niyang tanong kahit na tinatambol ng kaba ang kanyang dibdib.
"Sino sa inyo si Amanda Tuazon?" nakakatakot ang tono ng boses na tanong ng lalaking nasa tabi niya. Katulad ng nakaputing sando na lalaki ay mukha ring wrestler ang isang ito.
"Ay bakla, ikaw pala ang hinahanap at hindi kami kasama," bigla sabi ni Paula sabay hampas sa kanyang balikat.
"Shut up, Paula!" galit na saway ni James sa nabiglang kaibigan.
"Opps! I'm sorry. Nataranta lang ako," agad na paumahin ni Paula sa kanya.
"Kung gano'n ay ikaw pala si Amanda Tuazon," pagkumpirma ng lalaking nasa tabi niya.
Nang akmang hahawakan na siya ng lalaki ay bigla na lamang siyang hinila sa braso ng pangatlong lalaki malapit dito. Malaki rin katawan nito at mga muscles ngunit nasa tamang lugar ang mga iyon at magandang tingnan. Hindi katulad ng dalawang kasamahan nito na nakakatakot ang dating.
"Ako na ang bahala sa babaeng ito," mabilis na wika ng lalaking humila sa kanya nang makitang aalma sana ang lalaking katabi niya.
"Bitiwan mo ako!" piglas niya nang akmang hihilahin na siya ng lalaki papunta sa itim na van.
"Kung ayaw mong dito pa lang ay mamatay ka na'y sumunod ka na lamang sa ipagagawa sa'yo," mahinang bulong nito sa likuran ng kanyang tainga.
Hindi maintindihan ni Amanda kung bakit tila nakadama siya ng kakaibang kiliti nang maramdaman niya ang pagtama ng mainit na hininga ng lalaki sa likuran ng kanyang tainga. My God, Amanda! Wake up! He is a bad guy!
"Saan mo dadalhin ang kaibigan namin?" lakas-loob na tanong ni James. Akmang lalapitan siya nito nang bigla na lamang itong pukpukin ng baril sa ulo ng lalaking katabi nito. Tulog na bumagsak ito sa kalsada.
"Mga walang hiya kayo! Ano ba ang kailangan ninyo sa amin?" umiiyak na tanong ni Rain habang dinadaluhan ang boyfriend na walang malay at dumudugo ang ulo habang nakahiga sa semento.
"Tumahimik ka kung ayaw mong isunod kita," bulyaw kay Rain ng lalaking pumukpok sa ulo ni James. Bigla namang natahimik ang kaibigan niya at tahimik na lamang na umiyak.
"Nakakatakot naman kayo. Magmula ngayon ay hindi na ako magkakagusto sa mga lalaking malalaki ang muscles," hindi napigilang sambit ni Paula nang makita nito ang ginawa sa kaibigan nila.
"Gusto mo bang isunod kita?"matigas na tanong ng lalaki sabay tutok ng baril nito sa sentido ng ulo ni Paula. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan niyang bakla at pagkatapos ay bigla na lamang itong hinimatay sa sobrang takot. Bumagsak pa ito sa ibabaw ng walang malay na katawan ni James.
"Bitiwan mo ako! Hindi ako sasama sa inyo!" malakas niyang sigaw sa lalaking nakahawak pa rin sa kanyang braso. "Saklolo! Tulungan n'yo ka—" Hindi na niya naituloy ang kanyang paghingi ng tulong dahil bigla na lamang nagdilim ang paningin niya matapos pisilin ng lalaki ang sensitibong bahagi ng kanyang leeg. Hindi na niya alam kung may mga tao bang nakarinig at nakapansin sa ginawa niyang pagsigaw at panghingi ng tulong dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Bahagyang napaungol si Amanda nang pagbalikan na siya ng kanyang malay. Naramdaman niya na medyo masakit ang bahagi ng kanyang leeg na pinisil ng lalaking kidnapper. Kidnapper? Bigla siyang napamulat ng mga mata nang maalala ang mga nangyari. Pagdilat niya ng kanyang mga mata ay agad niyang nabungaran ang tatlong mga kaibigan niya na nakasanding sa dingding habang nakapikit ang mga mata. Agad na namasyal ang kanyang paningin sa loob ng tila storage room na kinaroroonan niya. Bumangon siya sa pagkakahiga at naupo."Ay bakla mabuti at gising ka na," agad na sabi sa kanya ni Paulo. Napadilat kasi ito ng mga mata nang maramdaman na gumalaw siya. Nagmulat na rin ng mga mata sina James at Rain na parehong hindi rin natutulog kundi nakapikit lamang ang mga mata."Okay ka lang, Amanda?" agad na tanong ni Rain sa kanya."Anong nangyari? Nasaan tayo?" magkasunod niyang tanong sa mga kaibigan. Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya't nagp
Pagkatapos ng ilang oras na paglalayag nila sa dagat ay dumaong din sa wakas ang yate na sinasakyan nila. Mayamaya lamang ay pumasok si Alex sa kinaroroonan nilang silid at inanunsiyo sa kanila na bababa na sila. Pagkatapos siyang titigan ng mga ilang minuto ay lumabas na rin ito nang silid. Mabilis naman niyang ginising ang wala pa ring malay na si Paulo."Paulo, gising! Gumising ka na at baka tuluyan ka ngang ipakain sa mga pating kapag hindi ka pa tumayo diyan," malakas na niyugyog niya ang balikat ng kaibigan hanggang sa tuluyan na itong pagbalikan ng malay."Amanda? Buhay pa ako? Buo pa ba ang mga body parts ko?" tarantang tanong nito sabay tayo sa kinahihigaang sahig. Natawa sila nang pati ang private part nito ay sinuri kong intact pa ba. "Thank God. It's still there.""Puro ka talaga kalokohan, Paulo. Nasa panganib na nga ang buhay natin ay nakakaya mo pang magbiro," naiiling na wika ni Rain. Sasagot sana si Paulo ngunit biglang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang tauha
Pagkatapos ng ilang oras na paglalayag nila sa dagat ay dumaong din sa wakas ang yate na sinasakyan nila. Mayamaya lamang ay pumasok si Alex sa kinaroroonan nilang silid at inanunsiyo sa kanila na bababa na sila. Pagkatapos siyang titigan ng mga ilang minuto ay lumabas na rin ito nang silid. Mabilis naman niyang ginising ang wala pa ring malay na si Paulo."Paulo, gising! Gumising ka na at baka tuluyan ka ngang ipakain sa mga pating kapag hindi ka pa tumayo diyan," malakas na niyugyog niya ang balikat ng kaibigan hanggang sa tuluyan na itong pagbalikan ng malay."Amanda? Buhay pa ako? Buo pa ba ang mga body parts ko?" tarantang tanong nito sabay tayo sa kinahihigaang sahig. Natawa sila nang pati ang private part nito ay sinuri kong intact pa ba. "Thank God. It's still there.""Puro ka talaga kalokohan, Paulo. Nasa panganib na nga ang buhay natin ay nakakaya mo pang magbiro," naiiling na wika ni Rain. Sasagot sana si Paulo ngunit biglang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang tauha
Bahagyang napaungol si Amanda nang pagbalikan na siya ng kanyang malay. Naramdaman niya na medyo masakit ang bahagi ng kanyang leeg na pinisil ng lalaking kidnapper. Kidnapper? Bigla siyang napamulat ng mga mata nang maalala ang mga nangyari. Pagdilat niya ng kanyang mga mata ay agad niyang nabungaran ang tatlong mga kaibigan niya na nakasanding sa dingding habang nakapikit ang mga mata. Agad na namasyal ang kanyang paningin sa loob ng tila storage room na kinaroroonan niya. Bumangon siya sa pagkakahiga at naupo."Ay bakla mabuti at gising ka na," agad na sabi sa kanya ni Paulo. Napadilat kasi ito ng mga mata nang maramdaman na gumalaw siya. Nagmulat na rin ng mga mata sina James at Rain na parehong hindi rin natutulog kundi nakapikit lamang ang mga mata."Okay ka lang, Amanda?" agad na tanong ni Rain sa kanya."Anong nangyari? Nasaan tayo?" magkasunod niyang tanong sa mga kaibigan. Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya't nagp
Napangiti si Amanda nang makita niya ang sariling repleksyon sa harapan ng human-sized mirror na nasa loob ng kanyang kuwarto. Bagay lamang sa kanya ang suot na simpleng puting t-shirt na tenernuhan niya ng kulay blue na skinny jeans at itim na signature rubber shoes. Light makeup lamang ang inilagay niya sa mukha dahil nag-aalala siya na baka kapag pinawisan siya ay humulas ang kanyang makeup at madumihan lamang ang kanyang mukha. Ang kanyang mahaba at tuwid na buhok ay itinaas na lamang niya at tinalian ng kulay pink na malambot na panali.Kaya iyon ang pinili niyang isuot dahil pupunta silang apat na magkakaibigan sa Tayak Hills sa Rizal. Aakyat sila hanggang sa tuktok ng hills na may nine hundred thirty steps. Siguradong papawisan siya kaya kailangan ay talagang light makeup lamang ang ilagay niya sa mukha at kailangan ding comfortable clothes ang isuot niya.Nang makuntento na siya sa kanyang hitsura ay agad niyang kinuha at isinukbit