Home / Fantasy / The Adventure Journey / Chapter 3: Underwater Creatures

Share

Chapter 3: Underwater Creatures

Author: Daylan
last update Huling Na-update: 2021-10-04 22:43:30

Pagkatapos ng ilang oras na paglalayag nila sa dagat ay dumaong din sa wakas ang yate na sinasakyan nila. Mayamaya lamang ay pumasok si Alex sa kinaroroonan nilang silid at inanunsiyo sa kanila na bababa na sila. Pagkatapos siyang titigan ng mga ilang minuto ay lumabas na rin ito nang silid. Mabilis naman niyang ginising ang wala pa ring malay na si Paulo.

"Paulo, gising! Gumising ka na at baka tuluyan ka ngang ipakain sa mga pating kapag hindi ka pa tumayo diyan," malakas na niyugyog niya ang balikat ng kaibigan hanggang sa tuluyan na itong pagbalikan ng malay.

"Amanda? Buhay pa ako? Buo pa ba ang mga body parts ko?" tarantang tanong nito sabay tayo sa kinahihigaang sahig. Natawa sila nang pati ang private part nito ay sinuri kong intact pa ba. "Thank God. It's still there."

"Puro ka talaga kalokohan, Paulo. Nasa panganib na nga ang buhay natin ay nakakaya mo pang magbiro," naiiling na wika ni Rain. Sasagot sana si Paulo ngunit biglang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang tauhan ni Professor Ricafort na si Ador.

"Lumabas kayong lahat at bababa na tayo. 'Wag kayong magtatangkang tumakas kung ayaw ninyong hindi na makauwi ng buhay sa mga pamilya ninyo," mapanganib ang boses na babala nito sa kanila.

Nagkatinginan lamang silang apat at pare-parehong nanahimik. Nang lumabas si Ador ay sumunod silang apat sa kanya. Nasa ibaba na pala ng yate si Mr. Ricafort at naghihintay sa kanilang pagbaba

"Handa ka na ba sa pag-akyat natin sa bundok, Amanda?" nakangiting tanong ng professor nang makalapit na sila rito.

"Wala naman akong choice kundi ang ihanda ang sarili ko," nakaismid niyang sagot. Naningkit ang mga mata ng may edad na lalaki sa pabalang na pagsagot niya rito. Lalapitan sana siya nito ngunit mabilis na humarang dito si Alex.

"Mas mabuting mag-umpisa na tayong maglakad para pagdating ng dilim ay nasa bundok na tayo, Sir," ani Alex na nakatingin sa amo nito.

Saglit na nag-isip ang professor, pagkatapos siyang tapunan ng masamang tingin ay tinalikuran na siya. Agad naman siyang nilapitan ni Alex at mahigpit na hinawakan sa kanyang braso.

"Puwede bang pigilan mo iyang pagiging matalas ng dila mo, Amanda? Sundin mo na lang siya para makauwi kayo ng buhay sa mga pamilya ninyo," mahina ang tinig na wika nito sa kanya.

"Bakit? Sa tingin mo ba ay bubuhayin pa kami ng taong iyan kapag natagpuan na niya ang hinahanap niyang kayamanan?" nakaismid niyang sagot dito.

Napahugot ng marahas na buntong-hininga si Alex. " I promise I will let all of you go home safe and sound after this journey," ani Alex pagkatapos ay bigla na siyang tinalikuran. Naiwan siyang naguguluhan sa mga mga inaakto nito. Bakit parang concern ito sa kanila? Hindi ba't isa ito sa mga taong dumukot at nagdala sa kanila sa lugar na iyon?

"Amanda let's go. Gusto mo bang maiwan diyan?"

Naputol ang pag-iisip niya nang marinig ang tinig na iyon ni Rain. Dali-dali siyang humabol sa paglalakad at baka nga maiwan siya't maligaw pa siya sa lugar na iyon.

Halos isang oras din ang nilakad nila bago nakarating sa isang malawak na ilog. Kaagad siyang nilapitan ni Professor Ricafort at ipinakita sa kanya ang code na nakasulat sa clay tablet.

"Isipin mo kung ano ang ibig sabihin niyan," utos nito sa kanya.

Kumunot ang kanyang noot at saglit na nag-isip.

"Tubig na daanan sa ilalim ng lupa," banggit niya matapos basahin sa ancient language ang code na nakasulat at pagkatapos ay trinanslate niya sa Tagalog.

"Yes. Tubig na daanan sa ilalim ng lupa. Ano sa tingin mo ang ibig sabihin niyan?"

Dahil isa itong professor sa GSOL kaya nakakabasa ito ng ancient Greece language pero mahina ang utak nito pagdating sa mga codes.

"Tubig na daanan sa ilalim ng lupa," muling banggit niya sa code. "Hindi kaya underground water cave ang tinutukoy sa code?"

"Gotcha! You're right! Mukhang underground water cave nga ang tinutukoy sa code. Talagang hindi ako nagkamali sa pagpapadukot sa'yo. You're much better than your dad," nagliliwanag ang mukha na wika nito. Mukhang ipinakita na nito sa kanyang daddy ang codes ngunit hindi rin na-decipher ng kanyang ama kung ano ang ibig sabihin niyon. Or talagang hindi lamang sinabi rito ng kanyang daddy ang ibig sabihin ng code. Imposible naman kasing hindi alam ng kanyang daddy ang meaning ng code na iyon dahil ito ang nagturo sa kanya kaya natural na mas magaling itong mag-decipher ng codes kaysa sa kanya. Kung anuman ang dahilan at hindi nito sinabi sa kasamahan nitong professor ang meaning ng code ay ito lamang ang nakakaalam.

Inutusan ni Professor Ricafort ang ilang mga tauhan nito na maghanap ng mga taong nakatira sa lugar na iyon na maaari nilang pagtanungan. Eksakto namang may dumaong na dalawang lalaki na nakasakay sa dalawang maliit na bangkang de-motor. Agad na nilapitan ng professor ang dalawa at sinabi ang sadya.

"Papunta kayo sa bundok ng Biringan? Naku, huwag n'yo nang ituloy dahil mahiwaga ang bundok na iyon. Ang bundok na iyon ay napapaligiran ng tubig kaya madalang ang nakakapunta roon. At lahat ng mga taong umakyat sa bundok na iyon ay hindi na nakabalik. Hinala namin ay kinuha na sila ng mga engkanto at isinama sa kanilang kaharian," pagkukuwento ng isa sa dalawang lalaking napagtanungan ng professor.

"Huwag mo na kaming alalahanin at kami na ang bahala sa sarili namin. Bibilhin ko ang dalawang bangka ninyo para aming masakyan papunta sa bundok ng Biringan," bago pa makatanggi ang dalawang katutubo ay naglabas na ng isang bugkos na salapi ang professor at ibinigay sa dalawang katutubo na parehong nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa pera. "Kunin niyo na ang perang ito kapalit ng dalawang bangka."

Siguro ngayon lang nakakita ng maraming pera ang dalawa kaya agad na ibinigay ang kanilang mga bangka. Dahil dalawa ang bangka ay nagdalawang grupo sila. Sa isang bangka ay siya, si Professor Ricafort, Ador at tatlo pa nitong tauhan ang mga sakay samantalang sa isa ay ang tatlo niyang kaibigan, si Alex at tatlo ring tauhan ng professor naman ang nakasakay.

Halos isang oras din silang nagpaikot-ikot sa ilog na iyon bago nial natagpuan ang nakatago sa mga matataas na damo ang isng underground water cave nakatulad sa nakasaad sa code. Lahat sila ay napahanga pagkapasok ng sinasakyan nilang bangkang de-motor sa loob ng underground water cave. Sa halip kasi na magdilim ang buong paligid dahil hindi na naaabot ng sinag ng araw ang loob ng kuweba ay nagliliwanag iyon dahil sa mga yellow green color luminous algae na nakadikit sa pader at ceiling ng kuweba.

"Wow! Beautiful. Hindi ko akalain na may nakatago na ganito kagandang tanawin pala sa Pilipinas," hindi napigilang bulalas ni Paulo. Agad nitong kinuha ang cellphone at kinuhanan ng litrato ang magandang tanawin.

"I-post mo sa f******k mo para ma-discover ng Department of Tourism," suhestiyon ni Rain.

"Correct ka diyan. Pasasalamatan pa nila ako sa bagong discovery na ito."

Habang nag-uusap ang dalawang kaibigan ay tahimik lamang si Amanda. Kahit na maganda ang tanawin na kanyang nakikita ay hindi niya maintindihan kung bakit kinakabahan siya. Iba ang pakiramdam niya sa lugar na iyon. Pakiramdam niya ay mga maliliit na mata ang mga umiilaw na algae at nakatingin sa kanila.

"Ay! Ang cellphone ko nahulog sa tubig!" malakas na tili ni Paulo. Habang kinukuhaan kasi nito ang mga umiilaw na algae ay biglang dumulas sa kamay nito ang cellphone na hawak.

"Puwede bang tumahimik ka kung ayaw mong ipalaglag kita sa tubig at isama sa nahulog mong cellphone?" sita ni Professor Ricafort kay Paulo. Sa takot naman ng kaibigan niya na baka totohanin ng professor ang banta nito ay bigla itong nanahimik at nagsumiksik sa dalawa pa niyang mga kaibigan.

Tahimik ang lahat habang binabagtas ng kanilang bangka ang may kahabaang underground at tanging ang tunog lamang ng makina ang maririnig sa paligid. Mayamaya lamang ay sabay na biglang huminto ang makina ng kanilang mga bangka.

"Ano ang nangyari? Bakit huminto ang mga makina ng mga bangka natin?" nagtatakang tanong ni Professor Ricafort. "Ador, check mo nga ang ilalim at baka sumagi tayo sa bato. Check mo rin ang bangka ninyo Lito."

Agad namang kumilos ang dalawang tauhan nito na inutusan. Pero hindi pa man nakakababa sa tubig si Ador ay bigla nang may bumundol ng malakas sa bangka nila mula sa ilalim ng tubig. Sa lakas ng pagbundol sa bangka nila ay bigla iyong tumagilid. At dahil biglang na-off balance ang bangka ay pare-pareho silang lahat na mga sakay ng bangka na nahulog sa tubig. Napatili naman siya ng malakas nang mahulog siya sa malamig na tubig.

Oh God! Am I going to die in here? Tanong niya sa kanyang isip habang pinipilit na ipadyak paitaas ang kanyang mga paa. Ngayon niya pinagsisihan kung bakit tumanggi siya nang sabihin ng kanyang daddy na mag-aral siyang lumangoy. Tinanggihan niya ang kanyang daddy dahil takot siya sa malalim na tubig. Ngunit heto siya ngayon at nagi-struggle sa malalim na tubig para lamang pumaibabaw at makalanghap ng hangin.

Sabay na nanlaki ang kanyang ulo at mga mata nang makita niya ang may kalakihang mga isda na umiilaw ang mga buntot katulad ng kulay nang mga algae na nakadikit sa paligid ng kuweba. At biglang nanindig ang kanyang mga balahibo nang makitang may matatalas na pangil ang mga isda at tila lahat ay nakatingin sa kanya na para bang naghahandang sumugod sa kanya. Parang mga piranha ang mga ito ngunit may pagkakaiba. Hindi naman kasi umiilaw ang buntot ng mga piranha. 

Pakiramdam ni Amanda ay biglang nanigas ang kanyang mga paa at hindi na niya magawang maipadyak ang mga iyon paitaas. Unti-unti na ring bumibigat ang kanyang dibdib senyales na nauubusan na siya ng hangin sa kanyang baga. Nagdidilim na rin ang kanyang mga paningin kaya kusa na lamang niyang ipinikit ang kanyang mga mata at hinayaang tangayin siya ng tubig pailalim.

Ramdam niya ang paggalaw ng mga kasamahan niyang nahulog din sa tubig at naririnig din niya ang nag-aalalang boses ng mga kaibigan niya. Ngunit ito na yata ang katapusan niya. Mukhang hindi na niya makikita pang muli ang kanyang daddy. Ano na ang mangyayari sa kanya ngayon? Magiging pagkain ba siya ng mga kakaibang isda na ito na ngayon lamang niya nakita sa tanang buhay niya?

Kaugnay na kabanata

  • The Adventure Journey   Chapter 1: Kidnapping Amanda

    Napangiti si Amanda nang makita niya ang sariling repleksyon sa harapan ng human-sized mirror na nasa loob ng kanyang kuwarto. Bagay lamang sa kanya ang suot na simpleng puting t-shirt na tenernuhan niya ng kulay blue na skinny jeans at itim na signature rubber shoes. Light makeup lamang ang inilagay niya sa mukha dahil nag-aalala siya na baka kapag pinawisan siya ay humulas ang kanyang makeup at madumihan lamang ang kanyang mukha. Ang kanyang mahaba at tuwid na buhok ay itinaas na lamang niya at tinalian ng kulay pink na malambot na panali.Kaya iyon ang pinili niyang isuot dahil pupunta silang apat na magkakaibigan sa Tayak Hills sa Rizal. Aakyat sila hanggang sa tuktok ng hills na may nine hundred thirty steps. Siguradong papawisan siya kaya kailangan ay talagang light makeup lamang ang ilagay niya sa mukha at kailangan ding comfortable clothes ang isuot niya.Nang makuntento na siya sa kanyang hitsura ay agad niyang kinuha at isinukbit

    Huling Na-update : 2021-10-02
  • The Adventure Journey   Chapter 2: Inside The Yacht

    Bahagyang napaungol si Amanda nang pagbalikan na siya ng kanyang malay. Naramdaman niya na medyo masakit ang bahagi ng kanyang leeg na pinisil ng lalaking kidnapper. Kidnapper? Bigla siyang napamulat ng mga mata nang maalala ang mga nangyari. Pagdilat niya ng kanyang mga mata ay agad niyang nabungaran ang tatlong mga kaibigan niya na nakasanding sa dingding habang nakapikit ang mga mata. Agad na namasyal ang kanyang paningin sa loob ng tila storage room na kinaroroonan niya. Bumangon siya sa pagkakahiga at naupo."Ay bakla mabuti at gising ka na," agad na sabi sa kanya ni Paulo. Napadilat kasi ito ng mga mata nang maramdaman na gumalaw siya. Nagmulat na rin ng mga mata sina James at Rain na parehong hindi rin natutulog kundi nakapikit lamang ang mga mata."Okay ka lang, Amanda?" agad na tanong ni Rain sa kanya."Anong nangyari? Nasaan tayo?" magkasunod niyang tanong sa mga kaibigan. Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya't nagp

    Huling Na-update : 2021-10-02

Pinakabagong kabanata

  • The Adventure Journey   Chapter 3: Underwater Creatures

    Pagkatapos ng ilang oras na paglalayag nila sa dagat ay dumaong din sa wakas ang yate na sinasakyan nila. Mayamaya lamang ay pumasok si Alex sa kinaroroonan nilang silid at inanunsiyo sa kanila na bababa na sila. Pagkatapos siyang titigan ng mga ilang minuto ay lumabas na rin ito nang silid. Mabilis naman niyang ginising ang wala pa ring malay na si Paulo."Paulo, gising! Gumising ka na at baka tuluyan ka ngang ipakain sa mga pating kapag hindi ka pa tumayo diyan," malakas na niyugyog niya ang balikat ng kaibigan hanggang sa tuluyan na itong pagbalikan ng malay."Amanda? Buhay pa ako? Buo pa ba ang mga body parts ko?" tarantang tanong nito sabay tayo sa kinahihigaang sahig. Natawa sila nang pati ang private part nito ay sinuri kong intact pa ba. "Thank God. It's still there.""Puro ka talaga kalokohan, Paulo. Nasa panganib na nga ang buhay natin ay nakakaya mo pang magbiro," naiiling na wika ni Rain. Sasagot sana si Paulo ngunit biglang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang tauha

  • The Adventure Journey   Chapter 2: Inside The Yacht

    Bahagyang napaungol si Amanda nang pagbalikan na siya ng kanyang malay. Naramdaman niya na medyo masakit ang bahagi ng kanyang leeg na pinisil ng lalaking kidnapper. Kidnapper? Bigla siyang napamulat ng mga mata nang maalala ang mga nangyari. Pagdilat niya ng kanyang mga mata ay agad niyang nabungaran ang tatlong mga kaibigan niya na nakasanding sa dingding habang nakapikit ang mga mata. Agad na namasyal ang kanyang paningin sa loob ng tila storage room na kinaroroonan niya. Bumangon siya sa pagkakahiga at naupo."Ay bakla mabuti at gising ka na," agad na sabi sa kanya ni Paulo. Napadilat kasi ito ng mga mata nang maramdaman na gumalaw siya. Nagmulat na rin ng mga mata sina James at Rain na parehong hindi rin natutulog kundi nakapikit lamang ang mga mata."Okay ka lang, Amanda?" agad na tanong ni Rain sa kanya."Anong nangyari? Nasaan tayo?" magkasunod niyang tanong sa mga kaibigan. Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya't nagp

  • The Adventure Journey   Chapter 1: Kidnapping Amanda

    Napangiti si Amanda nang makita niya ang sariling repleksyon sa harapan ng human-sized mirror na nasa loob ng kanyang kuwarto. Bagay lamang sa kanya ang suot na simpleng puting t-shirt na tenernuhan niya ng kulay blue na skinny jeans at itim na signature rubber shoes. Light makeup lamang ang inilagay niya sa mukha dahil nag-aalala siya na baka kapag pinawisan siya ay humulas ang kanyang makeup at madumihan lamang ang kanyang mukha. Ang kanyang mahaba at tuwid na buhok ay itinaas na lamang niya at tinalian ng kulay pink na malambot na panali.Kaya iyon ang pinili niyang isuot dahil pupunta silang apat na magkakaibigan sa Tayak Hills sa Rizal. Aakyat sila hanggang sa tuktok ng hills na may nine hundred thirty steps. Siguradong papawisan siya kaya kailangan ay talagang light makeup lamang ang ilagay niya sa mukha at kailangan ding comfortable clothes ang isuot niya.Nang makuntento na siya sa kanyang hitsura ay agad niyang kinuha at isinukbit

DMCA.com Protection Status