Home / Fantasy / The Adventure Journey / Chapter 2: Inside The Yacht

Share

Chapter 2: Inside The Yacht

Author: Daylan
last update Huling Na-update: 2021-10-02 22:13:24

Bahagyang napaungol si Amanda nang pagbalikan na siya ng kanyang malay. Naramdaman niya na medyo masakit ang bahagi ng kanyang leeg na pinisil ng lalaking kidnapper. Kidnapper? Bigla siyang napamulat ng mga mata nang maalala ang mga nangyari. Pagdilat niya ng kanyang mga mata ay agad niyang nabungaran ang tatlong mga kaibigan niya na nakasanding sa dingding habang nakapikit ang mga mata. Agad na namasyal ang kanyang paningin sa loob ng tila storage room na kinaroroonan niya. Bumangon siya sa pagkakahiga at naupo.

"Ay bakla mabuti at gising ka na," agad na sabi sa kanya ni Paulo. Napadilat kasi ito ng mga mata nang maramdaman na gumalaw siya. Nagmulat na rin ng mga mata sina James at Rain na parehong hindi rin natutulog kundi nakapikit lamang ang mga mata.

"Okay ka lang, Amanda?" agad na tanong ni Rain sa kanya.

"Anong nangyari? Nasaan tayo?" magkasunod niyang tanong sa mga kaibigan. Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya't nagpagpag ng mga alikabok na dumikit sa kanyang balat at damit dahil sa pagkakahiga niya sa maalikabok na sahig.

"Heto, kinidnap tayo ng mga lalaking iyon matapos kang patulugin," mabilis na sagot ni Paulo. "Nakatanggap ka nga ng swerte pero may kapalit agad na kamalasan," naiiling na dagdag pa nito.

Alam niya kung ano ang tinutukoy ni James na natanggap niyang swerte at kapalit na kamalasan. Ang swerte ay ang ibinalita niya sa mga kaibigan na hinayaan na siya ng kanyang ama na gawin ang makapagpapaligaya sa kanya samantalang ang kamalasan naman ay ang nangyaring pagkaka-kidnap sa kanila.

"Sorry. Hindi ko ginustong madamay kayo sa nangyaring ito sa akin," mababa ang boses na wika niya sa kanila.

"Tumigil ka nga, Paulo. Huwag mong sisihin si Amanda sa pagkaka-kidnap nating apat. Hindi naman niya ito kagustuhan," saway ni James kay Paulo pagkatapos ay siya naman ang binalingan. "Wala kang kasalanan, Amanda. Kaibigan ka namin kaya dapat sama-sama tayo."

"Truth. We're best of friends. Kaya kung malagay ang buhay mo sa panganib ay natural lamang na tutulungan ka namin," sang-ayon ni Rain sa nobyo nito.

"I'm sorry, Amanda. Hindi naman kita sinisisi sa nangyaring ito sa atin. Alam mo naman ang bibig ko kung ano-ano ang mga lumalabas na b****a kaya pagpasensyahan mo na ang nasabi ko," sinserong paumanhin ni Paulo sa kanya.

Matipid siyang ngumiti. "Thank you guys. Kung hindi dahil sa akin ay hindi kayo makikidnap. Ako lang naman yata kasi ang pakay nila. Pero ano naman ang kailangan nila sa akin para kidnapin pa ako?"

"Pare-parehong hindi natin masasagot ang katanungan mong iyan," ani Paulo.

Magsasalita sanang muli si Amanda ngunit hindi natuloy dahil biglang umuga ang kuwartong kinaroroonan nila.

"Ay ano ba 'yan! Lumilindol ba?" agad na react ni Paulo.

"Hindi yata ito lindol. Para tayong na-" naudlot ang balak niyang sabihin nang muling umuga nang mas malakas ang kinaroroonan nila. Dahil nakaupo at nakasandig ang mga kaibigan niya kaya hindi masydong apektado ang mga ito sa nangyayaring pag-uga sa kinaroroonan nila. At dahil siya ay nakatayo kaya muntik na siyang masubsob sa sahig sa pangalawang pag-uga. Mabuti na lamang at mabilis siyang nahapit sa baywang ng matipunong braso na hindi niya alam kung sino ang may-ari.

"Gising ka na pala," mahina ang boses na wika ng isang baritong boses sa kanyang likuran.

Teka, pamilyar sa kanya ang boses nito. Pabigla siyang lumingon sa lalaking nagsalita at nagmamay-ari ng matipunong bisig na tumulong sa kanya para huwag siyang masubsob sa sahig. Paglingon niya ay natuklasan niya na malapit pala ang mukha nito sa likuran niya kaya halos isang dangkal na lamang ang naging pagitan ng kanilang mga mukha.

He's very handsome. Isa ba talaga siya sa mga kidnaper na dumukot sa amin? Hindi niya napigilan ang itanong iyon sa kanya sarili. Mukha kasi itong artista. Sa mukha, tinding at porma ay papasa itong action star. Guwapo naman ito. Maganda ang mga mata na kasing-itim ng gabi ang kulay, matangos ang ilong at mapula ang manipis na mga labi. Bakit hindi na lang ito nag-audition pafa maging artista kaysa ang maging masamang tao at kaaway ng batas. Hindi niya maintindihan kung bakit tila nakadama siya ng panghihinayang sa kanyang dibdib sa klase ng trabaho nang lalaking nasa harapan niya.

"Welcome aboard, Ms. Amanda!It's really nice to meet you," malakas ang boses na wika ng isang lalaki mula sa nakabukas na pintuan.

Hindi niya naramdaman ang presence nito dahil nakatuon lamang sa lalaking kaharap ang kanyang buong atensyon. Kahit nga ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ng kaharap ay hindi rin niya naramdaman kanina.

Aboard! Naglalayag ba sila? Nasa loob ba sila ng isang barko o yate?

"If you want yourself and your friends to be safe just follow whatever he wants you to do," mahinang bulong ng lalaking kaharap bago pasimple siyang itinulak palayo rito.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ako ipinakidnap at pagkatapos ay idinamay mo pa ang mga kaibigan ko?" matapang  niyang tanong nang makalapit na sa kanya ang lalaking kapapasok pa lamang sa pintuan. May kasama itong dalawang lalaki na maaaskad ang mga hitsura. Base sa nakikita niyang katawan ng dalawa na mukhang mga wrestler ay nahuhulaan na niyang ito ang dalawang lalaking kasamahan ng guwapong lalaki na kumidnap sa kanila.

"Just call me, Mr. Ricafort, Amanda. And just like your father, I am also a professor in GSOL," pakilala nito sa sarili. "At alam mo ba, katulad mo ang gusto ko sa isang babae. Prangka, walang paligoy-ligoy at matapang," nakangising sabi ng lalaking matangkad ngunit mukha namang butete sa laki ng tiyan. "Mas maganda ka pala sa personal kaysa sa litrato, 'di ba, Alex?"

"Yes, Boss Ricafort!" mabilis na sagot ng lalaking guwapo.

Alex pala ang pangalan niya. Sayang at pinili niya ang maruming trabaho kaysa ang magtrabaho ng malinis at marangal, hindi napigilang komento niya sa kanyang isip.

"Ka-trabaho mo pala ang daddy ko tapos nagawa mong ipa-kidnap ang anak ng kasamahan mo sa trabaho? At ano ba ang kailangan mo sa akin?" matigas ang tono at walang halong takot sa kanyang boses na tanong niya sa lalaking parang butete sa laki ng tiyan

Ngumisi ito bago sinagot ang kanyang tanong. "Simple lang. I need your service."

Sinenyasan nito ang isang tauhan na lumapit dito. Natutok ang paningin niya siya dalang box ng tauhan nito.

"A-ano 'yan?" kinakabahan niyang tanong. Baka may ituturok ito sa kanya na tulad ng ipinagbabawal na gamot. Talagang magwawala siya. Mas gugustuhin pa niyang pahirapan ng kaharap na butete kaysa ang tumikim ng ipinagbabawal na gamot.

"Relax. This is not what you think," anang kaharap na tila ba nabasa nito ang kanyang iniisip. Kinuha nito ang laman ng kahon na dalawang dangkal yata ang taas at lapad. "I'm sure you already knew this, right?"

A sun-dried clay tablet? Saan kaya niya nakuha ang sun-dried table na 'yan? Tunay ba 'yan o peke?

"Ang ayoko sa lahat ay iyong kinakausap ko ang isang tao pero hindi nakikinig," pagalit na wika ni Mr. Ricafort pagkatapos ay hinawakan nang madiin ng isang kamay nito ang kanyang baba at bahagyang iniangat para magpantay ang kanilang mga paningin.

Hindi inaasahan ni Amanda ang ginawang iyon ng lalaking tinawag ni Mr. Ricafort. Nagpapaliwanag kasi ito kung bakit siya ipinakidnap ngunit ang kanyang isip ay nasa ancient Greece language na nakasulat sa sun-dried clay tablet.

"Narinig ko ang mga sinabi ko," nahihirapan niyang sagot. Nasasaktan kasi siya sa mahigpit na pagkakahawak ng kamay nito sa kanyang baba. "At hindi ko gagawin ang gusto mo. Bakit hindi ka na lang mag-hire ng isang professional translator? Bakit sa isang bata pa na katulad ko?"

Ang gusto ni Mr. Ricafort ay i-decipher niya ang ilang codes naa nakasulat sa clay tablet ng ancient Greece language at isama siya sa pag-akyat ng Bundok ng Biringan para hanapin ang pinaniniwalaan nitong kinalalagyan ng nakatagong kayamanan na ewan kung saan nito narinig.

"Ginawa ko na 'yan pero lahat sila ay mga bobo. Wala ni isa sa kanila ang naka-tuklas sa code na nakasulat diyan kaya pinatay ko sila. At kung hindi mo susundin ang gusto ko ay isa-isa kong ipapakain sa alaga kong mga pating ang mga kaibigan mo,"nanlilisik ang mga matang sabi nito sa kanya pagkatapos ay binalingan ang mukhang wrestler nitong tauhan. "Ador, itapon mo sa dagat ang baklang iyan para naman mapakinabangan ng mga pating."

"Areglado,boss!" nakangising sagot ni Ador na agad tumalima sa ipinag-uutos ng amo

"Oh my God! Ipapakain n'yo talaga ang beautiful kong body sa mga pating?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Paulo habang nasa mukha ang malaking takot. At pagkatapos ay bigla na lamang bumulagta sa lapag bago pa man ito malapitan at mahawakan ni Ador.

"Ano pa ang hinihintay mo, Ador? Itapon mo na ang katawan ng baklang iyan para maging vitamins ng mga isda," muling utos ni Mr. Ricafort sa tauhan.

"Huwag! Gagawin ko na ang gusto mo," bigla siyang napasigaw nang akmang bubuhatin na ni Ador ang walang malay na katawan ng kanyang kaibigan.

"Madali ka naman palang kausap,"nakangising wika nito sa kanya. "Sige, maghanda kayo at pagdaong natin ay mag-uumpisa ang ating paghahanap sa kayaman."

Pagkatapos magsalita ni Mr. Ricafort ay binitawan na siya at may ngiting tagumpay sa mga labi na tinalikuran siya't naglakad palabas ng kinaroroonan nilang kuwarto. Agad namang nagsipagsunuran dito ang mga alipores nito. Panghuling lumabas si Alex na sumulyap muna sa kanya ng ilang segundo bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

"Ayos ka lang, Amanda?," tanong sa kanya ni Rain nang sila na lamang ang nasa loob ng kuwarto. "Napakawalahiya talaga ng buteteng iyon. Bakit hindi na lang siya ang magpakain sa mga pating dahil siya naman ang butete?"

Hindi napigilang mapangiti ni Amanda sa tinuran ng kaibigan. "Truth. Isa siyang napakalaking butete. By the way, kumusta ang pakiramdam mo, James? May sugat ka sa ulo 'di ba?"

"Nagamot na ako. Kanina habang wala kang malay ay binigyan ako ng first aid nang lalaking tinawag na Alex. Mukhang hindi naman talaga siya masamang tao," sagot ni James

"Para sa akin ay masamang tao pa rin siya dahil isa siya sa mga taong dumukot sa atin," nakasimangot niyang sagot kay James. Ngunit sa kaloob-looban ng kanyang puso ay gusto niyang maniwala na hindi nga masamang tao si Alex. Na may mabigat na dahilan kung bakit nito nagawang sundin ang ipinag-utos dito ni Mr. Ricafort.

"Kaya pala biglang umuga kanina dahil nasa loob pala tayo ng barkong naglalayag sa karagatan. At ano na ang mangyayari sa atin ngayon, Amanda? Susundin mo ba talaga ang kagustuhan ng buteteng iyon? Masyadong mapanganib ang bundok Biringan dahil maraming mga engkanto ang nakatira sa bundok na iyon, 'di ba?" kapagdaka'y tanong ni Rain.

"Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa atin. Pero kailangan ko siyang sundin dahil kapag hindi ko siya sinunod ay kayo naman ang mapapahamak. Ayokong mapahamak kayo nang dahil sa akin."

Hindi niya alam kung anong panganib ang kakaharapin nila sa gagawing pag-akyat sa bundok ng Biringan. Balita kasi na ang sino mang tao na umaakyat sa bundok ng Biringan ay hindi na nakakabalik pang muli. Matulad din kaya sila sa mga taong nagtangkang umakyat sa misteryosong bundok na iyon na hindi na nakabalik pang muli? At ano nga ba ang mas mapanganib sa kanila? Ang mga engkanto sa bundok ng Biringan o ang mga taong katulad ni Mr. Ricafort na halang ang kaluluwa at gagawin ang lahat makita lamang ang hinahanap nitong kayamanan?

Kaugnay na kabanata

  • The Adventure Journey   Chapter 3: Underwater Creatures

    Pagkatapos ng ilang oras na paglalayag nila sa dagat ay dumaong din sa wakas ang yate na sinasakyan nila. Mayamaya lamang ay pumasok si Alex sa kinaroroonan nilang silid at inanunsiyo sa kanila na bababa na sila. Pagkatapos siyang titigan ng mga ilang minuto ay lumabas na rin ito nang silid. Mabilis naman niyang ginising ang wala pa ring malay na si Paulo."Paulo, gising! Gumising ka na at baka tuluyan ka ngang ipakain sa mga pating kapag hindi ka pa tumayo diyan," malakas na niyugyog niya ang balikat ng kaibigan hanggang sa tuluyan na itong pagbalikan ng malay."Amanda? Buhay pa ako? Buo pa ba ang mga body parts ko?" tarantang tanong nito sabay tayo sa kinahihigaang sahig. Natawa sila nang pati ang private part nito ay sinuri kong intact pa ba. "Thank God. It's still there.""Puro ka talaga kalokohan, Paulo. Nasa panganib na nga ang buhay natin ay nakakaya mo pang magbiro," naiiling na wika ni Rain. Sasagot sana si Paulo ngunit biglang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang tauha

    Huling Na-update : 2021-10-04
  • The Adventure Journey   Chapter 1: Kidnapping Amanda

    Napangiti si Amanda nang makita niya ang sariling repleksyon sa harapan ng human-sized mirror na nasa loob ng kanyang kuwarto. Bagay lamang sa kanya ang suot na simpleng puting t-shirt na tenernuhan niya ng kulay blue na skinny jeans at itim na signature rubber shoes. Light makeup lamang ang inilagay niya sa mukha dahil nag-aalala siya na baka kapag pinawisan siya ay humulas ang kanyang makeup at madumihan lamang ang kanyang mukha. Ang kanyang mahaba at tuwid na buhok ay itinaas na lamang niya at tinalian ng kulay pink na malambot na panali.Kaya iyon ang pinili niyang isuot dahil pupunta silang apat na magkakaibigan sa Tayak Hills sa Rizal. Aakyat sila hanggang sa tuktok ng hills na may nine hundred thirty steps. Siguradong papawisan siya kaya kailangan ay talagang light makeup lamang ang ilagay niya sa mukha at kailangan ding comfortable clothes ang isuot niya.Nang makuntento na siya sa kanyang hitsura ay agad niyang kinuha at isinukbit

    Huling Na-update : 2021-10-02

Pinakabagong kabanata

  • The Adventure Journey   Chapter 3: Underwater Creatures

    Pagkatapos ng ilang oras na paglalayag nila sa dagat ay dumaong din sa wakas ang yate na sinasakyan nila. Mayamaya lamang ay pumasok si Alex sa kinaroroonan nilang silid at inanunsiyo sa kanila na bababa na sila. Pagkatapos siyang titigan ng mga ilang minuto ay lumabas na rin ito nang silid. Mabilis naman niyang ginising ang wala pa ring malay na si Paulo."Paulo, gising! Gumising ka na at baka tuluyan ka ngang ipakain sa mga pating kapag hindi ka pa tumayo diyan," malakas na niyugyog niya ang balikat ng kaibigan hanggang sa tuluyan na itong pagbalikan ng malay."Amanda? Buhay pa ako? Buo pa ba ang mga body parts ko?" tarantang tanong nito sabay tayo sa kinahihigaang sahig. Natawa sila nang pati ang private part nito ay sinuri kong intact pa ba. "Thank God. It's still there.""Puro ka talaga kalokohan, Paulo. Nasa panganib na nga ang buhay natin ay nakakaya mo pang magbiro," naiiling na wika ni Rain. Sasagot sana si Paulo ngunit biglang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang tauha

  • The Adventure Journey   Chapter 2: Inside The Yacht

    Bahagyang napaungol si Amanda nang pagbalikan na siya ng kanyang malay. Naramdaman niya na medyo masakit ang bahagi ng kanyang leeg na pinisil ng lalaking kidnapper. Kidnapper? Bigla siyang napamulat ng mga mata nang maalala ang mga nangyari. Pagdilat niya ng kanyang mga mata ay agad niyang nabungaran ang tatlong mga kaibigan niya na nakasanding sa dingding habang nakapikit ang mga mata. Agad na namasyal ang kanyang paningin sa loob ng tila storage room na kinaroroonan niya. Bumangon siya sa pagkakahiga at naupo."Ay bakla mabuti at gising ka na," agad na sabi sa kanya ni Paulo. Napadilat kasi ito ng mga mata nang maramdaman na gumalaw siya. Nagmulat na rin ng mga mata sina James at Rain na parehong hindi rin natutulog kundi nakapikit lamang ang mga mata."Okay ka lang, Amanda?" agad na tanong ni Rain sa kanya."Anong nangyari? Nasaan tayo?" magkasunod niyang tanong sa mga kaibigan. Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya't nagp

  • The Adventure Journey   Chapter 1: Kidnapping Amanda

    Napangiti si Amanda nang makita niya ang sariling repleksyon sa harapan ng human-sized mirror na nasa loob ng kanyang kuwarto. Bagay lamang sa kanya ang suot na simpleng puting t-shirt na tenernuhan niya ng kulay blue na skinny jeans at itim na signature rubber shoes. Light makeup lamang ang inilagay niya sa mukha dahil nag-aalala siya na baka kapag pinawisan siya ay humulas ang kanyang makeup at madumihan lamang ang kanyang mukha. Ang kanyang mahaba at tuwid na buhok ay itinaas na lamang niya at tinalian ng kulay pink na malambot na panali.Kaya iyon ang pinili niyang isuot dahil pupunta silang apat na magkakaibigan sa Tayak Hills sa Rizal. Aakyat sila hanggang sa tuktok ng hills na may nine hundred thirty steps. Siguradong papawisan siya kaya kailangan ay talagang light makeup lamang ang ilagay niya sa mukha at kailangan ding comfortable clothes ang isuot niya.Nang makuntento na siya sa kanyang hitsura ay agad niyang kinuha at isinukbit

DMCA.com Protection Status