Maaga pa lang nakatanggap na ng tawag si Hailey mula sa secretary ni Mr. Reece at pinapasabi nitong may meeting ang buong board since ang asawa niyang namatay ay malaki ang shares sa company kailangan niyang pumunta roon. Nag asikaso lang siya ng sarili bago umalis ng Mansyon nagpahatid ulit siya sa driver nila at wala siya sa mood na magdrive pa. Medyo malapit lang naman ang company ng mga Reece sa company nila ng namayapa niyang daddy. Malayo pa siya sa company medyo parang hindi na siya mapalagay sa loob ng kan'yang sasakyan. Iniisip niya na baka may mangyaring hindi maganda. Nag-a-alangan siyang tumuloy kaso lang ayaw naman niyang mapahiya ang pangalan ng namayapang asawa. Habang si Xavier naman ay kanina pa naghihintay sa pagdating nito. Hindi rin mapakali sa kan'yang kinauupuan at kapag naaalala niya ang tagpo sa Mall bumabalik yong nararamdaman niyang inggit at inis sa lalaking kasama nito na dapat ay siya. This time hindi na siya papayag na hindi nito ipakita ang kanil
At dahil sa takot ni Hailey na gawin nito ang banta niya. Wala siyang magawa kundi ipakilala na ang kambal sa totoong daddy nila. Binigyan lamang siya nito ng ilang araw para makapag paliwanag sa mga anak nila. Habang nasa kwarto ang kambal pumasok siya sa loob at huminga ng malalim. Pagkatapos tinantya niya muna kong nasa mood ang dalawa. Nang makita niyang nagbabasa ng libro si Harvey habang si Harris naman ay nanunuod. "Son, did I disturb you..?" bungad na tanong niya agad sa dalawa. Nakita niyang nag-angat ng ulo si Harvey at ibinaba ang librong hawak nito. Habang si Harrison naman ay nanatiling nanunuod nang telivision kaya hindi na niya muna ito inabala. Alam niya kasi na may mood ito na ayaw na ayaw naiistorbo lalo na't nanunuod. Nang lumapit si Harvey sa kan'ya niyakap niya agad ito at hindi napigilang mapa iyak. "Mom, are you alright?" tanong agad nito ng mapansing naiyak siya. Agad niyang pinunasan ng mabilisan ang luha niya bago pa nito makita. "Yes, anak, wal
Pagkatanggap ni Xavier ng text galing kay Hailey hindi na siya mapakali ng sandaling 'yon. Gusto na niyang hilahin ang oras para sa pagkikita nila ng kan'yang anak. Ang tagal niyang hinintay ang pagkakataong ito. Suguro nga kaya hindi pa siya nag-aasawa dahil may dahilan at ayon ang mga anak niya na kamakailan lamang niyang nalaman na nagbunga ang isang gabi nila. Nang sumapit ang alas onse umalis na siya ng bahay at nagdrive patungo sa lugar kung saan sila magkikita. Habang sina Hailey naman at mga anak niya ay naka alis na rin ng Mansyon. Hindi nila alam na ngayon ang pagkikita nila ng kanilang daddy. Wala siyang sinabi basta ang pinaalam niya lang may pupuntahan silang tatlo na mahalaga. Kaya hindi na rin pa nagtanong ang dalawa. Nagpahatid sila sa driver at baka maligaw kasi kong siya pa ang magda drive. Hindi nga niya akalain na darating ang araw na ito. Hindi niya talaga inasahan dahil ang akala niya wala namang pakialam ang daddy ng mg ito sa kambal niya. Handa naman si
Nang nakarating sila sa Mall kanina pa ni Hailey napapansin ang pag-aalaga ni Xavier sa kanilang anak. At sa mga oras na 'yon hindi niya maiwasang humanga sa daddy ng kambal niya. At kung pagmamasdan mo ang mag-aama ng sandaling 'yon hindi mo mababanaag na sila'y ngayon lamang nagkita dahil sila'y nakakasundo at masaya. Ngunit sa pagkakataon 'yon nahahati rin ang kan'yang damdamin. Masaya para sa kambal niya na sa wakas ay buo na ang kanilang pagkatao, hindi na niya kailangan magtagpi tagpi pa ang mga istorya para lang sabihin wala silang daddy. Pagkalungkot at pagkatakot sapagkat hindi niya gustong may kahati sa atensyon ng kambal. Hinayaan lang niya ang mga ito na maglaro habang siya'y nakaupo at nakamasid lamang sa kanilang mga ginagawa. Maya maya lang nagulat na lang siya sa paglapit ng mag-a-ama niya sa kinaroroonan niya at parang nagtuturuan pa nga. "W-What???" tanong niya na nagtataka. Narinig na lamang niya na bubulong bulong si Harrison. "Sige na dad, give it to my Mo
Nang mapago ang kambal sa bonding nila tulog na tulog na ang mga ito sa loob ng sasakyan. Hinayaan na lang nilang matulog ito habang nagda drive si Xavier. Kitang kita sa mga labi nito ang saya panay ngiti kasi at kanta pa siya bagay na hindi naman niya ginagawa palagi. Pakiramdam niya buong buo siya ng araw na 'yon. Pasimplen niyang sinilip si Hailey sa backseat katabi ang mga anak nila. Napapangiti siya nang masulyapan niya ito. Napakaganda naman talaga kasi ng maamong mukha nito kapag natutulog maliban na nga lang kapag gising ito at naka angil. Nang gumalaw ito ibinalik niya ang mga mata sa pagda drive. At hindi nga niya namalayan na malapit na sila sa bahay nito. Medyo pamilyar naman sa kan'ya ang Mansyon ng mga Montecillo. Hindi niya rin akalain na dito parin nakatira ito gayong ang alam niya na may asawa na rin ito. Pero, hindi na mahalaga pa 'yon para sa kan'ya ang mahalaga nakakasama na niya ang mga anak niya at payag na rin si Hailey na ipakilala ang kambal sa lolo't-lola
Sa Mansyon ng mga Reece abala ang ginang sa paghahanda para sa pa welcome party nito sa mga apo niya. Walang kaalam alam si Xavier sa ginagawa ng kan'yang Mommy miski ang mga handaang ito. Kahit nga ang mga katulong sa Mansyon ay labis rin na nagtataka pero, sunod sunuran lamang sila sa utos ng ginang. "Tere, nasaan na ang steak??" tanong nito sa katulong nila. "Nandito na po madam." mabilis na sagot ni Tere ng kanilang katulong. Sa tagal niya sa Mansyon at paninilbihan sa mga Reece kilala na niya ang ugali nito. Medyo strict ang madam pero, mabait naman ito. "Salamat." ani nito ng maiabot sa kan'ya ang hinihingi. Habang si Xavier naman ay nanaginip pa yata. At walang kaalam alam sa pa welcome party nito sa mga apo. Nagising lamang siya sa pag ring ng cellphone kaya kahit antok pa napilitan siyang bumangon. Hindi nga niya pinansin kung sino nga ba ang natawag. Basta sinagot na lamang niya ito at kinausap. Napabalikwas siya ng bangon ng marinig ang boses ni Hailey. "Hello,
Wala ng nagawa si Xavier kundi sakyan ang gusto ng kan'yang Mommy. Kaya naman iniwan niya muna sa pangangalaga nito ang kambal at pumanhik siya sa kwarto niya para makapagpalit ng damit at nang hindi naman nakakahiya sa mga bisita ng kan'yang Mommy lalo na't may mag reporter pa. Ano na lang ang sasabihin sa kan'ya na ang sikat na business tycoon napakasimple lang. Hindi naman kasi niya alam na may pa party ang Mommy niya dahil hindi rin sila sa napagka usap man lang. Ang expected nga niya isang family dinner lamang kaya nabigla siya sa nasaksihan kanina. At halata naman na naiilang ang isa niyang anak kumpara sa isa pa na si Harrison. Pagbalik niya nasa harapan na ng maraming tao ang kan'yang anak at nagulat na lang siya ng tawagin siya ng Mommy niya. "Let us all welcome, my unico hijo Mr. Xavier Reece. And meet my grandchildren Harvey and Harrison." ani ng ginang na abot langit yata ang saya ng mga oras na 'yon. Ang iba ay nagulat sa kanilang narinig at nagpalakpakan na rin n
At dahil sa nangyari hindi na nakabalik ang kambal sa party medyo late na rin kaya inihatid na sila ni Xavier. Sa buong byahe tahimik lamang sila at tanging maingay lang ay ang kambal na si Harrison dahil tulog na si Harvey na nakahiga sa lap ng Mommy niya. Nang makarating sila ng Mansyon gigisingin pa sana ni Hailey ito kaso iaawat siya ni Xavier. "Hwag na ako na ang magbubuhat sa kan'ya." ani nito. Sabay labas ng sasakyan. Kaya naman umiwas na siya at baka maulit na naman ang halik na hindi sinasadyang mangyari sa pagitan nilang dalawa. Nang mabuksan nito ang pintuan pinangko agad ang anak niya sabay lakad na papasok ng Mansyon diretso sa taas papasok naman sa kwarto ng kambal habang nakasunod silang dalawa ng anak niyang si Harrison. Binuksan niya ang pintuan para makapasok si Xavier sa loob at maingat nitong ibinaba sa kama ang bata. "Paano mauuna na ako ha. Babalik na lang ako bukas." wika ni Xavier. Hindi niya masyadong naintindihan ang sinabi nito at medyo mahina kasi