Nang nakarating sila sa Mall kanina pa ni Hailey napapansin ang pag-aalaga ni Xavier sa kanilang anak. At sa mga oras na 'yon hindi niya maiwasang humanga sa daddy ng kambal niya. At kung pagmamasdan mo ang mag-aama ng sandaling 'yon hindi mo mababanaag na sila'y ngayon lamang nagkita dahil sila'y nakakasundo at masaya. Ngunit sa pagkakataon 'yon nahahati rin ang kan'yang damdamin. Masaya para sa kambal niya na sa wakas ay buo na ang kanilang pagkatao, hindi na niya kailangan magtagpi tagpi pa ang mga istorya para lang sabihin wala silang daddy. Pagkalungkot at pagkatakot sapagkat hindi niya gustong may kahati sa atensyon ng kambal. Hinayaan lang niya ang mga ito na maglaro habang siya'y nakaupo at nakamasid lamang sa kanilang mga ginagawa. Maya maya lang nagulat na lang siya sa paglapit ng mag-a-ama niya sa kinaroroonan niya at parang nagtuturuan pa nga. "W-What???" tanong niya na nagtataka. Narinig na lamang niya na bubulong bulong si Harrison. "Sige na dad, give it to my Mo
Nang mapago ang kambal sa bonding nila tulog na tulog na ang mga ito sa loob ng sasakyan. Hinayaan na lang nilang matulog ito habang nagda drive si Xavier. Kitang kita sa mga labi nito ang saya panay ngiti kasi at kanta pa siya bagay na hindi naman niya ginagawa palagi. Pakiramdam niya buong buo siya ng araw na 'yon. Pasimplen niyang sinilip si Hailey sa backseat katabi ang mga anak nila. Napapangiti siya nang masulyapan niya ito. Napakaganda naman talaga kasi ng maamong mukha nito kapag natutulog maliban na nga lang kapag gising ito at naka angil. Nang gumalaw ito ibinalik niya ang mga mata sa pagda drive. At hindi nga niya namalayan na malapit na sila sa bahay nito. Medyo pamilyar naman sa kan'ya ang Mansyon ng mga Montecillo. Hindi niya rin akalain na dito parin nakatira ito gayong ang alam niya na may asawa na rin ito. Pero, hindi na mahalaga pa 'yon para sa kan'ya ang mahalaga nakakasama na niya ang mga anak niya at payag na rin si Hailey na ipakilala ang kambal sa lolo't-lola
Sa Mansyon ng mga Reece abala ang ginang sa paghahanda para sa pa welcome party nito sa mga apo niya. Walang kaalam alam si Xavier sa ginagawa ng kan'yang Mommy miski ang mga handaang ito. Kahit nga ang mga katulong sa Mansyon ay labis rin na nagtataka pero, sunod sunuran lamang sila sa utos ng ginang. "Tere, nasaan na ang steak??" tanong nito sa katulong nila. "Nandito na po madam." mabilis na sagot ni Tere ng kanilang katulong. Sa tagal niya sa Mansyon at paninilbihan sa mga Reece kilala na niya ang ugali nito. Medyo strict ang madam pero, mabait naman ito. "Salamat." ani nito ng maiabot sa kan'ya ang hinihingi. Habang si Xavier naman ay nanaginip pa yata. At walang kaalam alam sa pa welcome party nito sa mga apo. Nagising lamang siya sa pag ring ng cellphone kaya kahit antok pa napilitan siyang bumangon. Hindi nga niya pinansin kung sino nga ba ang natawag. Basta sinagot na lamang niya ito at kinausap. Napabalikwas siya ng bangon ng marinig ang boses ni Hailey. "Hello,
Wala ng nagawa si Xavier kundi sakyan ang gusto ng kan'yang Mommy. Kaya naman iniwan niya muna sa pangangalaga nito ang kambal at pumanhik siya sa kwarto niya para makapagpalit ng damit at nang hindi naman nakakahiya sa mga bisita ng kan'yang Mommy lalo na't may mag reporter pa. Ano na lang ang sasabihin sa kan'ya na ang sikat na business tycoon napakasimple lang. Hindi naman kasi niya alam na may pa party ang Mommy niya dahil hindi rin sila sa napagka usap man lang. Ang expected nga niya isang family dinner lamang kaya nabigla siya sa nasaksihan kanina. At halata naman na naiilang ang isa niyang anak kumpara sa isa pa na si Harrison. Pagbalik niya nasa harapan na ng maraming tao ang kan'yang anak at nagulat na lang siya ng tawagin siya ng Mommy niya. "Let us all welcome, my unico hijo Mr. Xavier Reece. And meet my grandchildren Harvey and Harrison." ani ng ginang na abot langit yata ang saya ng mga oras na 'yon. Ang iba ay nagulat sa kanilang narinig at nagpalakpakan na rin n
At dahil sa nangyari hindi na nakabalik ang kambal sa party medyo late na rin kaya inihatid na sila ni Xavier. Sa buong byahe tahimik lamang sila at tanging maingay lang ay ang kambal na si Harrison dahil tulog na si Harvey na nakahiga sa lap ng Mommy niya. Nang makarating sila ng Mansyon gigisingin pa sana ni Hailey ito kaso iaawat siya ni Xavier. "Hwag na ako na ang magbubuhat sa kan'ya." ani nito. Sabay labas ng sasakyan. Kaya naman umiwas na siya at baka maulit na naman ang halik na hindi sinasadyang mangyari sa pagitan nilang dalawa. Nang mabuksan nito ang pintuan pinangko agad ang anak niya sabay lakad na papasok ng Mansyon diretso sa taas papasok naman sa kwarto ng kambal habang nakasunod silang dalawa ng anak niyang si Harrison. Binuksan niya ang pintuan para makapasok si Xavier sa loob at maingat nitong ibinaba sa kama ang bata. "Paano mauuna na ako ha. Babalik na lang ako bukas." wika ni Xavier. Hindi niya masyadong naintindihan ang sinabi nito at medyo mahina kasi
Araw ng Sabado napag kasunduan ng dalawa na magkita at hindi nila kasama ang kambal ngayon. Ayaw sana ni Hailey ngunit pumayag na rin siya nang 'di kalaunan. Gusto rin kasi niyang makilala pa ng lubos ang daddy ng mga anak niya gayong isang beses lang naman ang nangyari sa kanila at hindi nga sila magkakilala pa. Malapit na si Xavier sa Mansyon nila at siya rin naman ay bihis na. Nakita nga siya ng isa sa kambal na si Harvey. At nagtanong ito sa kan'ya na; "Mom, where are you going?" "I met a special someone." sagot niya. "I see. Okay, Mom take care always." sagot naman ng anak niya. "Thank you son." sagot niya ulit. Paalis na nga sana siya ng dumating ito. Heto na naman ang walang tigil niyang kaba at kabog na malakas ng kan'yang dibdib. Lalo na nang lumapit ito sa kan'ya sabay lahat ng braso niya para kapitan niya. "Shall we go??" magalang na tanong nito sabay kapit sa braso nito. Inalalayan siya nito hanggang sa makasakay ng front seat katabi ng driver seat. "Than
Reece Corporation Pasipol sipol at pakanta kanta pa si Xavier ng pumasok sa loob ng opisina niya hindi niya tuloy napansin ang naka upo niyang pinsan na si Sandro. Nagulat siya ng biglang may pumalakpak. "Wow! Ang galing mo palang kumanta bro. " pang-aasar pa nito. "Asshole! Bakit ka nandito?" tanong niya sabay upo sa swivel chair niya. Wala siyang time para makipag asaran dito ngayon, dahil masayang masaya siya sa pagpayag ni Hailey na ligawan niya na ito. "Ay! Ang saya mo yata ah. Balita ko naka dalawang anak ka agad. Hindi mo naman sinabi na sharp shooter ka pala bro. Hahaha." dagdag na pang-aasar nito. "Shut up! Saan mo naman nalaman yan?" tanong niya. "Malamang sa Znews. Kalat na kalat kaya ang balita sa pa welcome party ni Tita sa mga anak mo." sagot niya. "I see. Kaya ka ba nandito para makiusyoso sa akin? Pwes, wala kang malalaman. Sige na makaka alis ka na at marami rin akong gagawin ngayon." pagtataboy niya sa kan'yang pinsan. "Okay, chill! Aalis na nga p
Pagkatapos magpahangin ni Xavier. Dinukot niya ang kan'yang cellphone at sinubukang idial ang numero ni Hailey kaso out of coverage area naman ito. Kaya naisipan niya na lang nadaanan ito sa opisina nito pihado naman na naroon parin 'yon ngayon. Hindi na siya bumalik ng opisina at nag-iwan na lamang siya ng messages sa secretary niya diretso na siya elevator at pinindot ang ground floor patungong parking lot kung saan naroon ang sasakyan niya. Agad siyang lumabas ng elevator pagkabukas nito. Madali lang naman niyang nahanap ang sasakyan niya sapagkat may sarili siyang space roon. Sumakay siya agad at pinasibat ito papalayo. Nakatating siya ng Montecillo Corp. Hindi na siya nag abalang maghanap ng parking at madali lang naman ito dahil kilala na siya. Pagbaba niya ng sasakyan agad siyang kinawayan ng guard sabay sabi na; "Mr. Reece, kung si ma'am Hailey ang sadya niyo kanina pa po naka alis." ani ng guard. "I see. Thank you.." sagot naman niya at hindi na pumasok pa sa loob at pin