Sa bahay ng mga Reece Kanina pa nga hindi mapakali si Hailey at panay gulong niya sa kama. Hindi kasi siya dinadalaw ng antok lalo na't wala pa roon ang kan'yang asawa. Ayaw naman niyang tawagan ito kasi alam niyang busy ang asawa sa mga kaibigan nito. Pero, ayon lang nga ba ang pangamba niya. Lalo na't narinig niya about sa babae na dating mahal ng asawa. Heto na ba ang ikinakatakot niya na sana hindi na lang sila nagkita pang muli. Ayaw niyang masaktan ang kambal kung sakaling mas mahal pa nito ang babae. Halo halong emosyon ang pumapasok sa isipan niya ng mga sandaling 'yon at natatakot na rin siya. Kaya napabangon siya at ang kanina pang pagpipigil na tawagan ito at hindi na niya napigilan. Dinial niya ang cellphone number nito at sumagot rin naman kaagad ito sa kan'ya. Napangiti at napanatag siya ng malaman na pauwi na rin pala ito. Hindi siya ganitong klaseng babae na pabebe sa lalaki pero, pag dating kau Xavier he has an exemption. Kaya nitong pagselosin siya kahit wala
GELEEN POV Buong akala ko ng muli kaming magkita ng kaisa isang lalaking minahal ko ng higit pa sa buhay ko ay magiging masaya na ako. Mali pala ako, dahil huli na ang pagbabalik ko. May asawa at anak na siya pero,. ewan ko ba kung bakit nasabi ko na handa akong maging kabit niya para lang mahalin niya ulit ako. Ganito na ba talaga ako ka desperada para lang sa sarili ko na handa akong manira ng masaya at maayos na pamilya?? Mga tanong na umuukil sa aking isipan ng mga oras na 'yon. Tama bang makihati ako sa lalaking may nagmamay-ari na. Habang nag-iinom ako ng wine biglang nagring ang cellphone ko at nang i-check ko kung sino ang natawag. Si Herlene pala, wala sana akong balak na sagutin ang tawag nito at alam ko naman na makiki balita lang 'yon sa mga nangyari kagabi. Paano ba naman kasi nilayasan niya kami kasama niya ang boyfriend niya. Akalain ba namin na magkakaroon ng relasyon ang dalawa na alam naman naming lahat na aso't pusa noong Highschool kami. Xernan is always teasi
Habang nag-uusap ang mag-asawa sa loob ng opisina ni Xavier. Nakaupo ito at naka kandong naman si Hailey sa kan'ya. Naglalambingan sila hanggang sa napunta na sa paghimas at pisil ni Xavier sa mabilog niyang hita bagay na nakikiliti si Hailey. "Ney, hwag muna dyan." wika niya sa paos na boses at tila naubusan siya ng energy sa ginagawa nito sa kan'ya. "Ney, bakit naman? Gusto ko pa naman na lambingin ka kaso mukhang wala ka sa mood today. May problema ka ba?" tanong niya rito. "Wala naman Ney, medyo masama lang talaga pakiramdam ko lately. Hwag mo na akong intindihin pa, kaya ko 'to" sagot niya. Hindi niya rin kasi talaga maintindihan ang kan'yang nararamdaman. "Are you sure Ney, magla scheduled na kaya tayo ng check-up. Baka kasi kung ano na yan para maagapan natin." yakag niya. Medyo natatakot kasi si Xavier lalo na't nakausap pa niya si Geleen. Ayaw niyang may mangyaring masama sa asawa niya. "Oo naman Ney, okay lang ako. Wait, I brewed your coffee na lang muna hintayin mo
Agad niyang tinakpan ang kan'yang mga mata ng kamay para hindi makita ang hubad nitong katawan. Ngunit napaka pilyo ng kan'yang asawa at inalis lang ito para lalo niyang masilayan pa. Hinawakan pa nga nito ang kan'yang kamay at nilapat sa dibdib nito pababa ng abs nito na namumutok. "Ano ba, Xavier magtigil ka nga sa mga kamanyakan mo dyan." saway niya pero, aminado naman siyang naliligayahan siya sa ginagawa nito. "Ayaw mo ba ney? Galit ka parin ba sa nakita mo. Look, uulitin ko pa ulit na hindi ko siya hinalikan siya ang humalik sa akin. Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?" tanong niya at hindi na rin niya alam kung paano pa susuyuin ito gayong mukhang wala naman na ito sa mood kausapin pa siya. Nagpunas na lang siya ng basang katawan gamit ang towel. Hindi na niya pinansin pa ito. Gustuhin man niyang paandarin ang sasakyan kaso medyo baha na rin sa lakas ng buhos ng ulan. Ang kailangan na lang ay maka alis sila at makahanap ng tutulugan ngayong araw at malapit na rin kasing ma
Nagising silang mag-asawa na parang niyayanig ang kanilang higaan. Mas lalong lumakas ang hangin at maya maya lang nawalan na ng kuryente at sobrang dilim. "Ney, nasaan ka?" tanong ni Hailey na takot na takot. "Nandito lang ako ney, hwag kang matakot." sagot naman niya at kinakapa ang table kung saan nito nilapag ang kan'yang cellphone. Nang makapa niya ito agad niyang binuksan ang flashlight nito para magkaliwanag sa kanilang paligid. "Ney, magtatagal ba ito?" natatakot na tanong niya. "Hindi ko rin alam ney, makinig na lang tayo ng balita." sagot niya. At ganon na nga ang kanilang ginawa. Hanggang sa narinig nila na aabutin pa raw hanggang bukas ang pananalasa ng bagyong Enteng kaya naman pinalilikas na rin ang mga tao na malapit sa mga dagat. "Ney, kamustahin mo naman ang mga bata baka hinahanap na rin nila tayo." aniya at sobrang nag-aalala siya sa mga anak niya..Hindi siya sanay na mawalay sa mga ito. "Sige ney, saglit lang tatawag ako." sagot niya at nagsimula
Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Hailey nang marinig ang sinabi ng kan'yang asawa. Kanina nagmamadali pa naman siyang magtungo sa room nito ng ipaalam ng nurse na pwede na niyang bisitahin ang kan'yang asawa ngunit ang sakit lang marinig mula sa labi nito ang mga katagang; "Sino ka Miss, anong ginagawa ko rito? Ano 'to? Bakit may mga ganito ako? Tanggalin niyo 'to. Ano ba, tang ina naman!!" sigaw nito na may kasama pang mura. Hindi malaman ni Hailey kung bakit nagkakaganon ang kan'yang asawa. Sobra siyang nasasaktan na makitang ganito ito at wala siyang magawa. Naghi hyterical na ito kaya agad tinarakan ng pampakalma kaya unti-unti rin itong kumalma hanggang sa nakatulog na rin. "Doc hindi ko ho maintindihan?" tanong ko sa doktor na tumitingin sa asawa ko. "Misis mas mabuti sa opisina ko na lang kayo kakausapin." ani nito. Iniwan ko muna ang asawa ko at sumunod ako sa doktor paglabas nito. Pumasok kami sa isang kwarto at doon niya ako pinaupo. "Misis tatapatin na kita
Makalipas ang isang linggo. Medyo nakaka recover na si Xavier pero, hindi parin siya nito maalala. Umalis muna siya para umuwi sa kanilang bahay. Pinauwi na muna siya ng byenan niya para makapag pahinga siya. Lately kasi para siyang laging hilo dahil na rin siguro sa puyat niya. Nang makarating siya sa bahay agad siyang nilapitan ng mga anak niya. Nagtanong ito sa kan'ya na; "Mommy, you look tired. What happened?" tanong ni Harvey. Matalino ang anak niya kaya wala siyang maitatago rito pero, ayaw niya munang ipaalam rito ang tungkol sa daddy nila lalo na't wala itong maalala. Masasaktan lang ang kambal kung katulad niya pagtatabuyan sila ng sarili nilang daddy kagaya niya. Mas matitiis niya pa kung sa kan'ya pero, kung sa anak niya na ibang usapan na 'yon. Kayat hangg't kaya niya pang itago ang tungkol sa kalagayan ng daddy nila itatago niya ito. "Okay lang ang Mommy anak. Medyo pagod lang ako sa work. Siya nga pala nasaan ang kambal mo?" tanong niya rito. Para maiba ang usapan n
Isang linggo bago siya bumalik ng ospital. Umaasa siyang magiging okay na lahat. Maaga siyang umalis ng bahay at hindi siya gumamit ng sasakyan at baka bumalik ang hilo niya kaya natatakot siya. Nagtaxi na lamang siya patungong ospital. Wala siyang kaalam alam na may maabutan siyang wawasak ng kan'yang puso. Hindi niya alam kung bakit sa loob ng taxi pa lang ay hindi na siya mapalagay hanggang sa makarating siya ng ospital. Hindi na siya nagdial ng cellphone number ng Mommy nito at baka busy na rin kasi ito. Bumaba siya ng taxi pagkatapos niyang magbayad. Naglakad siya sa loob at gumamit ng elevator para maka akyat siya ng 2nd floor. Naroon kasi ang room nito. Pagbukas nito lumabas rin siya kaagad at naglakad patungo sa kwarto ng asawa. Pipihitin niya sana ang doorknob kaso bukas na pala ito. Pagkatulak niya ng pintuan naririnig niya ang tawa ng asawa. "Tama na ayoko ng kumain. Ilapag mo na lang yan dyan." mariing wika nito. Hindi niyq alam kung sino ang sinasabihan ng asawa ng gan
Pagkatapos ng graduation ng kambal diretso kami sa resort. Dito namin napagkasunduan na icelebrate ang kanilang graduation celebration. Alam ko naman na gustong gusto nila ang dagat lalo na ang baby Xaviah. Pagkarating namin ng resort kanya kanya baba na ang kambal kasama si ate Havannah sumunod naman sa kanila si baby Xaviah. Hindi pa nga nagpapalit ng kanilang pang swimming attire ang apat nagtampisaw na agad sa dagat kaya hindi na rin namin pinigilan pa at hinayaan naming i-enjoy nila ang kabataan nila. Hinawakan ng asawa ko ang kamay ko sabay ngisi. Alam ko na yang ngisi niya pero, hindi pa pwede at marami pa kaming gagawin. "Ney, ilabas muna ang ilang gamit ng mga bata para maayos ko na rin sa mga kwarto nila. At balak naming dito na muna gayony bakasyon naman na ng mga bata. "Okay, Ney." sagot ng asawa ko na lulugo lugo akala mo naman nalugi ang kumpanya niya. Natatawa na nga lang ako kung minsan rito. Aba'y habang natanda e, parang bumabalik sa pagkabata niya kung mag
REECE MANSION Lahat kami ay abala ngayon dahil ito ang araw ng pagtatapos sa Senior High School ng aming Kambal na sina Harvery at Harrison. Nakalatuwa lang pa graduate na sila sa senior highschool gayong parang kailan lang naman ng isinilang ko sila sa mundo, mahirap maging single Mom hanggang sa bumalik ang daddy nila. Hindi rin naging madali ang buhay na magkakasama kami, maraming pagsubok ang pinagdaanan namin at ilang beses at narin kaming nagkawalay sa bawat isa. Ang akala ko nga hindi na kami magkakabalikan pa. "Ney, tara na hindi ka pa ba dyan tapos?" tanong ng aking asawa na kanina pa katok ng katok. "Oo, ney saglit lalabas na rin ako." sagot ko. Pagbukas ko ng pintuan nakita kong napatulala ang asawa ko kaya napa snap ako sa harapan niya. "Hoy, ney! Are you okay?" tanong ko para kasi siyang bigla na lang napatulala na di ko maintindihan. "Hmmm! Wala ney, akala ko anghel na bumaba sa langit." pabirong sagot nito. At ayan naman siya sa pang bobola niya sa akin.
FIVE YEARS LATER.. Nakapag patayo ako ng sarili kung company at ako ang C.E.O. Isa itong cosmetic business. Akalain ko bang mahihilig ako sa pagme make-up at kailan lang rin kinilala ako sa pinaka may matayog na cosmetics business sa iba't-ibang panig ng bansa. Mayaman ang asawa ko at ang pamilya ko, ngunit ayoko lang makilala ako dahil doon. Gusto kung makilala ako sa sarili kung pangalan. Sayang naman ang pinag aralan ko, diba kung hindi ko magagamit ang lahat ng natutunan ko sa professor ko kung paano mag tayo ng negosyo at magpatakbo nito. Talino at determinasyon ang sangkap para maabot mo ang ninais mo. Hindi ako naniniwala na mayaman lang ang may kaya nito kahit na mahirap na tao katulad ko ay magagawa ito. Basta magsikap lang at maging mabuting tao, higit sa lahat wala kang tatapakang ibang tao para makuha mo lang ang nais mo. Naimbitahan ako sa isang sikat na prestigious events. Nakilala kasi ang mga make-up ko na ginagamit ng karamihan lalo na ang mga sikat na tao sa
After two- Months. Isinilang ko ang baby Xaviah namin. Akalain mo 'yun, babae pala ang ipinag bubuntis ko. Lagi kasi akong masungit at madalas ngang ayaw ko siyang nakikita at kapag nawawala naman siya sa paningin ko ay nagagalit ako. Ay! Ewan, hindi ko rin maintindihan ang sarili napaka moody talaga. Nang ipanganak si baby Xaviah, masayang masaya ang ate Havannah niya na excited agad na makalaro ang kapatid. Akalain mo iyon tatlong taon na pala ang anak namin parang kailan lang..XAVIER POV Katulad ngayon kanina pa niya kinukulit ang Mommy niya. "Mom, I want to play with baby Xaviah, please." pakiusap nito with matching pout pa ng kanyang lips. Napapangiti ako, dahil parang ako lang ang anak ko. "Uhm! Not now ate, she's too young para mag play kayo. Hayaan mo kapag malaki na siya, makakapag play kayo." paliwanag ng Mommy niya, habang ako ay nakikinig lang sa'kanila. "Really Mom. I can't wait na makapag play kami together." excited na wika nito. "Yes! Ate, but before that kayo
Pag dating namin sa venue. Marami na ring tao ang dumating at nag sisimula na ang party. Nagkaroon muna nang guessing game tungkol sa bagong kasal. "Are you ready?" tanong ng host. "Readyyy!" sigaw ng crowd. "Game.. "First question. Ilang taon ang bride nang nagkita sila ng first time ng groom? Tahimik ang lahat hanggang sa nag taas ng kamay si Alleli. "Stand up pretty Lady." wika ng host. "30 years old." sagot ni Mina. "30 years old. It's correct." wika ng host. Nice. Siguro bestfriend 'to ng bride." biro ng host. "Actually yes, but now she's my Tita." sagot ni Mina. Nagulat naman ang ilang taong naroon na nakiki Maritess. "Next question.. "Anong edad naman nang groom nang magka kilala sila ng bride?" tanong ng host. This time ang boyfriend ko ang nag taas. "Yes. Handsome, biro ng host. Kaya napa ismid ako. "31 years old." proud na sagot nito. "31 years old, is correct." nakangiting sagot ng host. Mas umingay gawa ng bulong bulungan ng mga bisita. It's trully
KINABUKASAN Nagising siya na may ngiti sa'kaniyang mga labi. Nagtataka man siya at wala naman katao tao sa Mansyon. Nilibot na kasi niya ang loon as in walang tao at siya lang. Anong meron? Nasaan sila? Hanggang sa masagot ang tanong ko sa pag dating ni Mang Pedro. "Ma'am, pinasusundo na po kayo." ani niya. "Nino?" tanong ko. "Mamaya na lang ma'am. Sumakay po muna kayo.. "Sige. Clueless man, sumama ako kay Mang Larry. After One week. Ang renewal of vows nila ate Hailey at kuya Xavier ay mangyayari na kung saan ako ang napiling maid of honor at best man naman ang aking boyfriend. Yes! After One week na ligawan sinagot ko rin si Steven. Baka makawala pa sabi nila. Actually, hindi pa rin ako sanay na in a relationship na ako at kahapon lang nag celebrate pa kami ng pagkakasagot ko raw sa'kaniya, ewan ko ba bakit may ganon' pa, hinayaan ko na lang siya, dahil ayon ang gusto niya. Natatawa na nga lang nga ako, but at the same time sobrang kinikilig ako, dahil sa dami ng effort a
Nang makabalik kami ng Mansyon ibinalita kaagad nito ang baby number four na darating, hindi naman talagang halatang excited siya at hayan nga inunahan pa akong mag-sabi. "Wow! That's the greatest news I've ever heard today, " sambit ni Tiya Minerva na dumating pala galing US. "Me, too, Mom." sang-ayon naman ni Mina ang pinsan ni Xavier na anak ni Tiya Minerva. "So, tito and tito have a new baby again?" excited namang tanong ni Vienna ang anak ng pinsan niya. "Yes!" reply ni Mina sa anak niyang, hindi man lang nauubusan ng kaka tanong. Medyo sumakit ang ulo ko sa pagod kaya nagpaalam muna ako sa'kanilang lahat. "Ney, Tiya, Mina mauna muna ako sainyo, medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon." ani ko. "Sige," sagot ni ate Mina. Naglakad na ako patungong hagdan. Nang bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo kaya'y napakapit muna ako sa grills ng hagdan at napatigil. Mabuti na nga lang sumunod ang aking asawa kaya't ako'y kaniyang naalalayan. "Ayos ka lang ba N
Nang mailipat na ako sa recovery room. Pinatawag kung muli ang asawa ko sa isang staff na nag lipat sa'akin. Para kasi akong ewan na nag hahanap na naman nang asawa. At nang pumasok ito sa loob naluha siyang bigla at nang lumapit ito sa kinaroroonan niya kaagad niya itong niyakap. Nagtaka man ito pero walang pakialam si Alex nang sandaling 'yon, kundi gantihan rin ng mahigpit na yakap ang kaniyang asawa. "Ney, bakit? May problema ka ba?May masakit ba sayo? Tell me, para mapa check-up natin habang nandito pa tayo." wika niya. "Wala, okay lang ako Ney," sagot ko. Habang patuloy pa rin sa pag patak ang mga luha sa mga mata ko na hindi ko mawari. "Ssssh! Tahan na Ney, nandito na ako, sorry kung nainis ka kanina sa'akin." wika nito. Hindi ko naman gustong mainis ka," dagdag pa niya. "Okay na! Hwag muna lang ulitin pa. Sobrang nainis mo ako," wika ko. Sabay pagpapalo ko rito sa braso. Sinalag naman niya ang mga palo ko habang yakap yakap pa rin niya ako. Hindi niya na ako binitiwan
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ni Hailey at nagsunod sunod pa ang pagiging mainitin niya ng ulo, iniisip niya na baka dala lang ng stressed, pagod o 'di kaya 'yung mens niya na hanggang ngayon ay wala pa rin. Never pa naman siyang na delayed kaya bigla na lang siyang natigil sa pag-iisip at natutop ang bibig. Hindi kaya??? Nagmamadali siyang tumakbo sa comfort room. Nag bukas siya ng ilang cabinet para mag check kung may nabili ba siyang pregnancy test, ngunit nasapo niya na lang bigla ang ulo niya na maalala na bakit pala siya magkaka stock ng gano'n. Kaya naman lumabas na lang siya ng comfort room at nag-i-isip kung paano ba siya makakabili ng pregnancy test na hindi malalaman ng asawa niya. Pero, sana mali ang sapantaha ko, hindi sa ayaw ko pang magka baby, ngunit parang gano'n na din lalo na't maliit pa si Baby Havannah gusto ko munang i-enjoy ang pagiging Mommy ko sa'kanila at sulitin ang mga nawalang panahon. Kung ipapahintulot ng itaas ay buong pusong tatanggapin ko, sapagk