Share

CHAPTER 2

BEFORE THE SUNRISE, I immediately ran away after having a one-night stand with a hot stranger named Daxton. I took a little cash inside his wallet for my fare going back to Arum. I bet he wouldn’t notice it, especially that his wallet was full of black and gold credit cards and blue bills. 

He was sleeping soundly on the bed when I left the hotel room. No one suspected me, and I didn’t bother to speak to anyone, because all I wanted was to escape as fast as I could.

I’m literally dealing with so much pain from my head to femininity as I hail and ride a taxi heading back to the Arum to get my motorcycle. I had no choice but to endure it or else he would chase me, and I didn’t want another problem to happen.

Safe naman na iwanan ko ang aking motor sa parking lot ng Arum dahil marami akong kakilalang puwedeng magbantay. Wala rin namang magtatangkang magnakaw o gumawa ng kalokohan dito lalo na’t mahigpit ang nagbabantay dito. Nasa loob ng waterproof tail bag ang iba kong gamit kagaya ng wallet at cellphone. 

Habang pauwi ako ay sumagi sa aking isipan ang mga nangyari. Hindi ko pinagsisihan ang pakikipag-one night stand ko kay Daxton. Mas gugustuhin ko pang makuha niya ang virginity ko kaysa sa matandang manyak na bilyonaryong  pinagbentahan sa akin nina Mommy at Daddy.

Kapag naiisip ko ang tungkol do’n ay hindi ko napipigilang manginig sa galit. Sobrang sakit ng ginawa ng aking mga magulang. Alam kong galit sila sa akin ngunit hindi ko naisip na hahantong sa ganito ang lahat na kahit ang sarili nilang anak ay handa nilang ibenta kapalit ng five hundred billion pesos.

‘My life was truly a hell and full of chaos. I pitied myself to have a family like this. Oras na magkaro’n ako ng sarili kong pamilya ay hinding-hindi ko ipaparanas sa aking magiging anak ang mga nararanasan ko.’

I knew that my life had no direction, but still I’m praying and hoping that someday it would change. I didn’t want to be dependent and drag anyone who cares to me in my own miseries and dilemmas. I wanted to be freed and escape from this hell. 

Pinaharurot ko ang aking motor papunta sa gilit ng tulay. Nang hininto ko iyon ay pinanood ko ang bukang-liwayway habang nakaupo sa aking motor. Suot ko pa rin ang aking helmet dahil tinatamad na akong hubarin ito. 

I sighed heavily. It was refreshing to see how the sun would rise in the serene sky. It symbolized a new beginning and hope for a new day. I got my cellphone inside the waterproof  tail bag that was attached to my motorcycle. I turned it on. Likewise, my parents bombarded me with missed calls and messages telling me that they would do everything just to find and bring me to Señor Adolfo. If I wouldn’t obey them, they would hunt and kill my friends that would help me to hide from them. 

The other missed calls and messages were from Kuya Hale telling me to hide and be safe, so that my parents wouldn’t track me. He told me that my parents were really persistent to find me by hiring even goons to abduct me in exchange for two million pesos. As of now, they left our apartment to hide and be safe. I felt guilty and ashamed, because I’m dragging them to danger. 

Mas lalong umapaw ang galit ko sa aking mga magulang. Talagang handa silang magbayad para mahanap ako. Hinding-hindi ako papayag na makukulong ako sa mga kamay ng matandang manyak na bilyonaryo na iyon. 

‘Kung ayaw nina Mommy at Daddy na magkaro’n ako ng masaya at malayang buhay dahil sisiguraduhin kong sisirain ko rin ang buhay nila. Hindi ako papayag na magtagumpay sila sa kasamaang binabalak sa akin. Hihilahin ko rin sila paibaba hanggang sa hindi na sila makaahon.’

After I sent my last message to Kuya Hale, I immediately turned off my cellphone and harshly threw it into the river. I immediately started the engine of my motorcycle, and accelerated it to a place no one could know me. I’m all alone as I face my own battle. I didn’t know what I should do, and where I should go. But no matter what happens, I would still live and fight for my life. 

***

I CURSED UNDER MY BREATH when my motorcycle suddenly stopped, and ran out of gas. I got rid of my helmet letting the cold wind blow my hair as I looked to the unknown place. It wouldn’t be safe if I stayed here. With a heavy heart, I left my precious motorcycle in the middle of the road, and started walking. I couldn’t hug myself. I only have myself and my wallet inside my pocket.

Daig ko pa ang nagpipinetensiya. Pawis na pawis ako sa gutom at pagod habang naglalakad. Malapit na ring lumubog ang araw at wala pa rin akong makita na puwedeng tuluyan. Medyo nagdidilim na rin ang aking paningin kaya’t natumba ako at napahiga sa lupa. 

‘Ito na ba ang katapusan ko? Ngunit hindi pa ako handang mawala sa mundong ito.’

Hanggang sa mayro’n akong narinig na tunog ng makina. Mayro’n akong naaninag na liwanag ngunit hindi ko kayang panatalihing nakadilat ang aking mga mata. Nakarinig ako ng mga mabilis na yabag at malakas na singhap. 

“Aguy! Aguy! Aguy! Mayro’ng patay sa gitna ng daan!” bulalas ng isang matinis na boses ng babae. 

Mayro’ng umayos sa akin mula sa pagkakahiga at pinulsuhan ako. 

“Maryosep! Pinapatay mo na agad ang buhay pa! Kumalma ka nga, Caridad! Mukhang nahimatay ang dalagang ito sa daan,” sita ng matandang babae. “Mas mainam kung dalhin natin siya sa hacienda para matignan agad ni Doktora Shakira.” 

“Halatang dayo siya, Manang. Ngunit ano kaya ang nangyari sa kaniya at bakit siya nandito sa gitna ng daan?” tanong ng isang binatilyo.

“Aguy! Pinasakit mo pa ang ulo namin sa pagiging chismoso mo. Mahina pa ang signal ng chismis kaya naman wala akong alam tungkol d’yan, Rigor.” malditang patutsada ng babaeng mayro’ng matinis na boses na nagngangalang Caridad.

“Oh, ikalma mo ang iyong sarili at baka umunat ang kulot mong buhok. Nagtatanong lang naman ako ngunit ang init-init ng mo ulo sa akin. Baka sa kakagan’yan mo ay maging crush mo na ako,” pang-aasar ng binatilyong nagngangalang Rigor.  

“Pisting yawa! Hindi kita crush, ‘no! Malabong mangyari na magkagusto ako sa kagaya mo na babaero. Kulang na ay patusin mo ang mga alagang hayop sa hacienda. At saka mataas ang standards ko pagdating sa lalaki! Ang crush ko ay ang tipo ni Señorito na mabait, matipuno at hindi bastos!” asik ng babaeng mayro’ng matinis na boses na nagngangalang Caridad na halatang napipikon.

Nakarinig ako ng tawa at paniguradong sa binatilyong nagngangalang Rigor. “Sa sobrang taas ng standards mo ay hindi mo na maabot iyan. Tigilan mo na ang kakasinghot ng udo ng mga itik at nahihibang ka na sa panaginip mo. Hinding-hindi magkakagusto si Señorito sa iyo kahit na gayumahin mo pa—Aray! Huwag mo akong sabunutan!”

“Kakalbuhin talaga kita, Rigor!” nanggigil na sigaw ng babaeng matinis ang boses na nagngangalang Caridad na paniguradong sinasabutan ang buhok ni Rigor. 

“Tumigil na nga kayong dalawa sa inyong bangayan. Baka tuluyan nang mamatay ang dalagang ito sa tagal ng bangayan ninyo!” sita ng matandang babae.

It was a relief that kind-hearted people saw me in this situation. I bet that they were bewildered by who I am. However, they didn’t even think twice to help me amidst me being a stranger to them.

“Kami na po ang magbubuhat ni Fernan sa kaniya para maisakay natin sa wooden trailer ng traktora, Manang. Ihihiga ko na lang po muna siya sa mga dayami na nando’n,” suhestiyon ng isang binatilyo.

“Mas mainam, Rigor. Huwag mo na ngang asarin si Caridad at sisilay pa iyan mamaya kay Señorito. Tara na’t magmadali at baka mapaano pa ang dalagang ito. Hindi makakaya ng konsensiya ko na mayro’ng mangyaring masama sa kaniya,” nagmamadaling turan ng matandang babae. 

Hinayaan ko na lang silang dalhin ako kung saan man nila ako dadalhing lupalop hanggang sa tuluyan nang nilamon ng dilim ang aking diwa. 

Mga Comments (422)
goodnovel comment avatar
MA RY AnNe LaNe-Monferrer
800 salamat sa diyos at hindi ka pa rin nya pinabayaan
goodnovel comment avatar
MA RY AnNe LaNe-Monferrer
799 pwede ka na ulit lumaban Mary Anne
goodnovel comment avatar
MA RY AnNe LaNe-Monferrer
798 bukas bagong buhay at bagong pag Asa na ata
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status