Share

CHAPTER 4

THE LOUD CROWING of the rooster awakened me. I slowly opened my eyes, and stretched my arms and legs as I looked in the dark silhouette of the room that I occupied. 

Binuksan ko ang lampshade sa nightstand na nasa gilid ng kamang kinahihigaan ko. At napatingin ako sa dingding kung nasaan nakalagay ang Grandfather’s Clock. 

It was almost five in the morning. It really sunk in inside my mind that I’m already in a new place where I would hide for this moment, and also a new beginning in my life. 

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal sa lugar na ito. Ngunit sa ngayon ay gusto ko munang sulitin ang pagkakataon na ito na malaya ako at walang iniisip na problema.

Sobrang nag-e-enjoy ako habang kasama ko si Caridad sa nakalipas na tatlong araw na pamamalagi ko sa Maid’s Quarters. Pinagpahinga nilang dalawa ako ni Manang Juris hanggang sa talagang naging maayos na ang aking pakiramdam. 

Marami baon na kuwento at pagpapatawa si Caridad kaya’t hindi ako nababagot. Napakamasiyahin niya at minsan nagsasalita siya ng ibang lengwahe kapag nagagalit o hindi kaya ay kinikilig.

Caridad was bubbly and full of spirit. Somehow, she resembled my best friend, Mitzie. 

Kahit hindi ako lubusang kilala ni Caridad ay inalagaan at sinamahan niya ako. Handa rin niya akong tulungan na makapasok bilang maid sa mansyon.

Actually, I knew how to do chores. At the age of fifteen, I lived independently. I just lived in a boarding house when I was still studying, and then afterI graduated, I lived with my friends. 

Marami akong natutunan sa buhay. Hindi ako nagpakita ng kahinaan kapag hinihila ako pababa. Hindi ako sumuko at patuloy akong lalaban para sa aking kalayaan at kasiyahan.

Napabalik ako sa reyalidad nang nakarinig ako ng katok mula sa pinto at bumukas iyon. Sumilip si Caridad na halatang nakaayos na at mayro’ng ngiti sa labi.

“Magandang umaga, Maryan!” matinis na boses niyang pagbati sa akin. “Mabuti at gising ka na. Maaga pa lang kasi ay dapat nakagayak na at makapag-ayos sa mansyon. Gusto mo na bang sumama o maiiwan ka muna rito?” 

“Magandang umaga rin, Caridad. Sasama na ako papunta sa mansyon para makapagsimula na sa trabaho. Nakakahiya na rin kung magtatagal ako rito kahit maayos na ang pakiramdam ko,” nakangiti kong turan.

Habang nagpapahinga kasi ako sa Maid’s Quarters ay sinabihan na ni Manang Juris sina Señora at Señorito tungkol sa pagpasok ko bilang maid sa kanilang mansyon na agad nilang inaprubahan.

“Sige, ikaw ang bahala. Mag-ayos ka na ng iyong sarili. Ihahanda ko lang ang uniporme na susuotin. At pagkatapos nito ay sabay tapos mag-almusal at didiretso sa mansyon. Nauna na kasi si Manang para magluto at manduhan ang ibang kasambahay sa kanilang trabaho sa mansyon. Kapag natapos tayo sa ating gawain ay ipapasyal kita sa paligid ng Hacienda Gosiengfiao,” aniya.

“Sige, maraming salamat, Caridad. Bibilisan ko ang pag-aayos para hindi tayo mahuli,” nakangiti kong turan. 

I felt the gush of excitement all over me. I would do my best to do my duty as a maid here in the Hacienda Gosiengfiao.

***

MY BREATH HITCHED as I looked at the mesmerizing view of sunrise in the sky. The leaves of the trees danced in the cold morning breeze. My shoulder length jet-black hair with curtain bangs slightly moved which made me close my eyes and smiled.

‘This would definitely be the start of a new life to me. I wanted this kind of freedom, because I’m out of nowhere in the sight of the demons chasing me.’

Hinihiling ko na lang na sana ay ligtas ang aking mga kaibigan. Alam ko naman na kayang-kaya nila ipagtanggol ang kanilang sarili. Ngunit hindi ko pa rin mapigilang mag-alala lalo na’t paniguradong nag-utos ng mga tauhan sina Mommy at Daddy para hanapin ako. 

Funny it was that my parents were eager to find me amidst their disgust about my existence. After all, they only cared for money, power and reputation.

I wouldn’t forgive them to what they did to me. I felt betrayed and wrecked after they sold me to a Billionaire who was an old pervert in exchange for five hundred billion pesos. But no matter what happens, I wouldn’t let myself suffer in the hands of that old pervert for being his soon-to-be sixth wife. 

Ayaw ko silang maging mga magulang. Mas masahol pa sila hayop. Kung ayaw nila sa akin, mas ayaw ko rin sa kanila. Ikinahihiya nila ako bilang anak, ikinahihiya ko rin sila bilang aking mga magulang.

Afterall, they didn’t deserve to be called as parents. They were a bunch of selfish demons hiding under their facade full of lies and pretensions.

Ako ang sisira at tatapos sa lahat ng mga plano ng aking mga magulang. Hindi ko sila hahayaan na sirain at diktahan ang buhay ko nang gano’n na lang. 

‘For now, I would hide myself in disguise being Maryan Aperin, and I would be one of the maids here in the Hacienda Gosiengfiao.’

Napabalik ako sa reyalidad nang bahagya niyang pinunasan ang aking luha na hindi ko namalayang pumatak mula sa aking mga mata gamit ang kaniyang daliri. “Huwag kang matakot na umiyak. Ilabas mo lamang ang lahat ng lungkot at sakit na iyong nararamdaman mo sa iyong puso habang nakatingin sa bukang-liwayway sa kalangitan. Mayro’n mang umalis sa buhay mo, mapapalitan iyon ng mga bagong taong yayakap at magmamahal sa iyo kahit sino ka man.”

Kahit palabiro siya ay talagang tagos bumato ng salita. Damang-dama ko iyon. Tila hinaplos ang aking puso na sa kabila ng mga pinagdaanan ko ay mayro’n pa ring tatanggap  at magmamahal sa akin.

‘I might not be able to feel the love from my parents, but still, I could feel the love that I yearned for through my friends. Talikuran at kamuhian man ako ng aking mga magulang at mga taong malapit sa kanila ngunit yayakapin ako ng aking mga kaibigan nang buong-buo. I treasured my friends even more, and they were my family.’

Hinawakan ang aking kamay habang mayro’ng ngiti sa labi. “Balang araw, mawawala rin ang mapait na alaala at mapapalitan ng bagong pag-asa at mga alaala na magpapasaya sa iyo. Tandaan mo, hindi ka nag-iisa sa mundong ito at dapat patuloy ka lamang lalaban sa buhay.”

“Maraming salamat, Caridad. . . Sobrang masaya ako na nakilala kita,” buong puso kong pasasalamat.

Napanguso naman siya. “Aguy! Huwag kang magpaiyak, Maryan. Natutuwa nga ako at nakilala kita. Nagsasawa na rin ako sa mga pagmumukha ng mga tao rito na inaaway ang kagandahan ko. Masyado silang na-i-intermediate sa akin.”

I couldn’t help but to chuckle. “Huwag mo silang pansinin. Na-i-intimidate lang sila sa iyo, Caridad.”

Naputol ang aming usapan nang nakarinig kami ng mga yabag. Wala sa sariling napalingon ako kung saan nanggaling iyon. Nakita ko ang mga kalalakihan na hubad-barong nakasakay sa kani-kanilang kabayo na halatang nagkakasiyahan. Lahat sila ay nakasuot lamang ng kupas na maong na pantalon na pinaresan ng boots. 

It seemed that they were racing and showing-off their skills in riding a horse. I couldn’t help but to admire how cool they were, because equestrian was really difficult, especially that you needed to be physically and mentally fit, have patience, and most of all have knowledge in taming a horse. 

Ngunit naagaw ang aking atensyon ng isang lalaking mabilis magpatakbo ng kulay itim na kabayo. Nahabol pa niya ang mga nauna sa kaniya. 

He had fair white skin, and a slightly muscular body. His jet-black hair was perfectly styled in a man bun. I could see from afar his glistening gold chain around his neck. 

Tumigil sila sa ilalim ng malaking puno na malapit kung nasaan kami nakatayo ni Caridad. Unti-unting dumako ang kanilang tingin sa aming direksyon. Ngunit ramdam ko na matagal nila akong tinitigan lalo na’t dayo ako sa kanilang lugar. 

Nakarinig ako ng isang impit na tili at napakagat ako sa aking labi nang naramdaman ko ang pagkurot ni Caridad na daig pa ang bulateng inasinan habang titig na titig sa mga kalalakihan. 

“Aguy! Aguy! Aguy! Sobrang ganda naman ng umaga ko na masilayan si Señorito. Ngunit mas masarap na mayro’ng pasilay nang matagal sa mga pandesal. Lami kaayo!” kinikilig na bulalas ni Caridad at mayro’n pang kasamang paghampas sa aking braso.

“Hoy, Caridad! Kumalma ka lang sa pagsilay ng aking katawan at baka tumulo ang iyong laway!” sigaw ng isang lalaki na mayro’ng nakakalokong ngisi sa labi. Nakasakay siya sa kulay brown na kabayo. 

Caridad scoffed annoyingly. “Pisting yawa! Uurong sa pagtulo ang laway ko kapag ikaw ang nakabalandra sa aking harapan, Rigor! Panira ka kahit kailan ng araw!” 

“Huwag ka nang mahiya at magsinungaling dahil lumalaki ang butas ng iyong mga ilong, Caridad. Alam kong pinagpapantasiyahan mo ako lalo na sa iyong panaginip,” pang-aasar ng lalaking nakangisi na nangngangalang Rigor. 

Caridad scoffed again annoyingly as she raised dauntlessly her middle finger, especially to Rigor. 

Tawa naman nang tawa ang mga kalalakihan sa bangayan nina Rigor at Caridad na parang sanay na sanay na sila.

The man riding the black horse slowly went towards our direction. He effortlessly jumped-off, and landed perfectly on the grass while holding the reins of the horse while looking at us with a smile. 

Singkit ang kaniyang mga mata at mayro’n siyang isang dimple sa kaliwang pisngi. Kumikinang ang gintong kwintas sa kaniyang maputing leeg.

“Magandang umaga, Señorito Yuji!” kinikilig na pagbati ni Caridad na daig ang bulateng inasinan. 

Agad akong napabaling kay Caridad. Nagulat ako na ang lalaking kaharap ko ngayon ay ang apo ng at tagapagmana ng buong Hacienda Gosiengfiao.

“Magandang umaga rin sa inyong dalawa, Caridad.” nakangiting turan ni Señorito Yuji. “Siya ba ang sinasabi ni Manang na bago mong makakasama sa mansyon? Masaya ako at maayos na ang kaniyang lagay. Napakagaling mo talagang mag-alaga, Caridad.”

Nahihiyang inipit ni Caridad ang kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tainga. “Aguy! Magaling po talaga akong mag-alaga, Señorito. Baka gusto mo po ikaw naman po?”

Señorito laughed in amusement. “Hindi talaga kumpleto ang araw ko kapag hindi ko naririnig ang pagbibiro mo, Caridad. You’re always the ball of sunshine here in Hacienda Gosiengfiao.”

Napanguso naman si Caridad ngunit agaw pansin ang pamumula ng kaniyang pisngi at pananahimik.

Bumaling sa akin si Señorito Yuji habang nakalahad ang kamay. “Hello, I’m Yuji.”

Tinanggap ko ito. “Magandang umaga po, Señorito Yuji. Ako po pala si Maryan Aperin. Maraming salamat po sa pagtanggap po sa akin kahit na dayo lang po ako rito.”

“It’s alright, Maryan. Masaya ako at ligtas ka. I’m really proud of the people around here in Hacienda Gosiengfiao who were caring and helpful. Make yourself at home in here. Huwag kang mahihiya sa amin kapag kailangan mo ng tulong,” nakangiting turan ni Señorito Yuji. 

I couldn’t help but to smile at how genuine and generous they were to help a stranger like me. “Maraming salamat po, Señorito Yuji. Sobrang malaki po ang aking pagpapasalamat sa mga taong tumulong sa akin lalong-lalo na po si Caridad na hindi ako pinabayaan at inalagaan po ako no’ng mga nakaraang araw.”

Humagikhik si Caridad habang yakap ang “Aguy! Wala iyon, masaya akong magkaro’n ng bagong kaibigan na katulad mo.”

“Hoy, Caridad! Ipakilala mo naman kami sa magandang dilag na iyong kasama!” sigaw na pagtawag ng lalaking nangngangalang Rigor.

Caridad scoffed loudly as she possessively hugged my arm. “Manigas ka, Rigor! Hinding-hindi kita ipakikilala kay Maryan!”

Gulat akong napabaling kay Caridad na nanlaki ang mga mata at napatakip sa bibig. 

Malokong kumisay-kisay si Rigor. “Salamat, Caridad. Mahal na mahal mo talaga ako at hindi natitiis. Bilang gantimpala, i-kiss mo ang puwet ko.”

Humagalpak ang ibang kalalakihan nang dahil do’n.

“Pisting yawa! Sasakalin talaga kita, Rigor!” asik ni Caridad habang pinapakit ang nakayukom na kamao sa direksyon nila Rigor.

Bahagya kong siniko si Caridad at mahinang bumulong. “Kalma lang, nasa harapan mo si Señorito Yuji. Huwag mo muna ipakita ang pagiging dragon mo at dapat maging isang maamo kang tupa.”

Agad nagbago ang timpla ni Caridad na parang hindi nagalit nang bumaling kay Señorito Yuji na nakangiting nakatitig sa amin. 

“Ahm. . . Pasensiya na po ngunit mauuna na po kaming dalawa ni Maryan, Señorito. Baka hinahanap na po kami ni Manang sa loob ng mansyon,” nahihiyang paalam ni Caridad sabay hatak sa aking braso papumta kung saan. Hinayaan ko na lang siya lalo na’t hindi ko naman kabisado ang paligid ng Hacienda Gosiengfiao. 

Comments (1020)
goodnovel comment avatar
MA RY AnNe
1477 kaya ganyan pa. madilim
goodnovel comment avatar
MA RY AnNe
1476 maaga pa kz Mary..
goodnovel comment avatar
MA RY AnNe
1475. cgurado magiging ka Mary kz d sanay
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status