Share

CHAPTER 6

THERE WASN’T A PERFECT TALE in every relationship, marriage and life within the family if it was full of toxicity, lack of love and respect. But little did they know that the outcome of their selfishness and greediness could lead the person suffering from physical, emotional and mental pain. 

Lahat tayo ay mayro’ng kaniya-kaniyang mga problema ngunit ang pagkakapareho lang ay lahat tayo ay umiiyak habang dinadama ang sakit sa ating mga dibdib. Sobrang hirap kapag hindi na natin nagawang labanan at iahon ang ating mga sarili mula sa kinakaharap nating problema. 

We shouldn’t invalidate other’s feelings, because we all didn’t know the impact that might cause in every selfish decision. A simple apology wouldn’t patch up to heal a deep wound in our heart and soul. 

Minsan napapaisip ako kung mayro’n pa bang taong matino sa mundong ito na hindi manloloko, mananakit at tatapakan ang pagkatao ko. Sa totoo lang, nakakatakot sumubok at mahirap ulit masaktan ang taong kagaya ko na mula pagkabata ay halos isuka ng sariling mga magulang.

Napabalik lamang ako sa reyalidad nang mahina akong siniko ni Caridad. Bitbit naming dalawa ang tig-dalawang malaking basket na naglalaman ng tanghalian ng mga nagtatrabaho sa rancho. Ganito pala ang trabaho niya mag-isa araw-araw at simula ngayon ay magiging magkatuwang na kaming dalawa. 

“Ayos ka lang ba, Maryan? Sabihan mo ako kapag pagod ka na at ihahatid kita sa Maid’s Quarters,” nag-aalala niyang turan.

Umihip ang sariwang hangin na sobrang presko. Alam ko sa aking sarili na madali akong makakapag-adjust sa magiging trabaho ko rito sa Hacienda Gosiengfiao lalo na’t puro mga mababait ang mga tao rito. 

“Oo, ayos lang ako. Medyo napaisip lang ako sa ikinuwento mo tungkol sa nangyari kay Señora Jia. Nakakatakot at baka wala nang matinong lalaki na mayro’ng respeto sa babae,” sagot ko. 

“Aguy! Huwag kang panghinaan ng loob. Makakahanap din tayo ng isang matinong lalaki na magmamahal at magrerespeto sa atin. Ngunit medyo napapaisip din ako kung si Señora Jia na sobrang mabait, matalino at mayaman ay naging butter wife, paano na lang ako na purong ganda lang?” aniya,

I couldn’t help but to bite my lip to suppress my laughter. She really had a unique language and sense of humor that definitely would fade all of your problems. Likewise, Señorito Yuji was right that she was the ball of sunshine here in Hacienda Gosiengfiao. 

Bahagya akong tumikhim. “Sino naman ang hindi magmamahal sa kagaya mo, Caridad? Napakasuwerte ng lalaking mamahalin mo at paniguradong ka sasaktan at lolokohin. Medyo nararamdaman ko na hindi basta-basta sa buhay ang lalaking iyon.”

Napanguso naman siya at namula ang kaniyang mukha. “Aguy! Magdilang-anghel ka sana tungkol d’yan, Maryan. Gusto ko talagang matupad ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay. At kung puwede lang ay hindi ko gustong maranasan ng magiging mga anak ko ang hirap ng buhay na dinanas ko noon. Ngunit alam kong malabo iyon mangyari lalo na’t sino ba ang papatol na mayaman sa katulad kong Elementarya lang ang tinapos at purong ganda lang ang maipagmamalaki?”

I shook my head in disapproval about her belittling herself. “Huwag mong maliitin ang iyong sarili. Alam kong mayro’ng magmamahal sa iyo na tatanggapin ang lahat tungkol sa iyo. Ngunit imposibleng walang nagkakagusto sa iyo sa Hacienda Gosiengfiao lalo na’t matagal ka na nagtatrabaho rito ay puro binata.” 

Her cute nose scrunched. “Naku! Kilala ko ang mga lalaki rito sa Hacienda Gosiengfiao at puro mga babaero sa pangunguna ng leader nilang si Rigor. Sa totoo lang, si Señor Yuji lang ang matino rito. Mabait, mapagmahal, walang bisyo at hindi babaero. Kulang na lang ipaampon ko na sarili ko kay Señora Jia para maging kaniyang dogger-in-law.”

I couldn’t help but to chuckle at how adorable she was.

She sighed heavily. “Wrong grahams ako, ‘no? Wala na talaga akong pag-asa talaga kay Señor Yuji kung hindi ako matalino at purong ganda lang.”

“Puwede naman maging maayos ang grammar sa pamamagitan ng pag-aaral ngunit ang bukal na kalooban, pagiging masipag at mapagmahal ay hindi kayang tumbasan ng kahit anong medal,” sambit ko.

“Sobrang masaya talaga ako na mayro’n akong kaibigan na katulad mo na hindi ako hinuhusgahan. Ayaw nila kasi sa aking makipagkaibigan kasi nasasapawan sila ng kagandahan ko,” aniya.

“Hoy, Caridad! Tigilan mo na iyan at nagbubuhat ka na naman ng bangko! Dalawa lang ba ang daliri ng paa mo kaya’t ang bagal-bagal mong maglakad? Ang tagal mo at gutom na gutom na ako!” sigaw ni Rigor na hindi namin napansin na nakatayo pala sa tabi ng puno. 

“Pisting yawa! Makasigaw ka wagas, ha! Ang kapal mong makautos sa akin kahit nagpapalaki ka lang ng bayag mo sa rancho!” asik ni Caridad.

Tumaas ang kilay ni Rigor at mayro’ng mapaglarong ngisi sa labi. “Paano mo nalaman na malaki ang bayag ko? Sinisilipan mo ako habang naliligo sa batis, ‘no? Sabi ko na nga ba at mayro’n kang crush sa akin. Nahihiya ka pang aminin sa akin.”

Caridad scoffed annoyingly. “Aguy! Ang kapal mong gago ka! Sino ka para pagnasahan at silipan ko? Mataas ang standards ko, ‘no! Hindi ako magkakaro’n ng crush sa iyo kahit magunaw pa ang mundo!”

“Tigilan mo na ang kakasinghot ng udo ng mga itik, Caridad. There’s a saying that the more you hate, the more you love. Wala namang problema sa akin kung magka-crush ka sa akin at kaya kitang pagtiisan,” mapang-asar na turan ni Rigor.

“Pisting yawa ka! Wala akong alam sa pinagsasabi mong kagaguhan. Absent ako no’ng tinuro iyan sa English kaya’t wala akong pakialam tungkol d’yan. At saka huwag mo akong kausapin, mukha kang udo ng itik!” palaban na buwelta ni Caridad.

Imbes na mainis ay tumawa lang si Rigor. Halatang aliw na aliw siya sa pang-aasar kay Caridad. At hindi naman ako tanga kung hindi ko napapansin na mayro’n siyang gusto rito.

“Pasensiya na at kung natagalan kami, Rigor. Mayro’n lang kaming pinag-uusapan ni Caridad habang naglalakad patungo rito,” singit ko.

Umayos si Rigor at bahagyang isinuklay ang daliri sa kaniyang magulong buhok. “Naku! Ayos lang iyon, binibiro ko lang si Caridad. Akin na at tutulungan na kita sa pagbitbit ng mga basket dahil mukhang nabibigatan ka.”

Agad kinuha ni Rigor mula sa aking mga kamay ang dalawang malaking basket. Napabaling naman ako kay Caridad na suminghal.

“Huwag mong lalandiin si Maryan! Kakalbuhin ko lahat ng mga buhok mo sa katawan kapag pati siya ay isali mo sa iyong kalokohan!” paasik na pagbabanta ni Caridad.

Tumawa naman si Rigor. “Oo na lang kahit wala akong alam sa pagbibintang mo sa akin. Huwag kang mag-alala at ayaw kong magselos ka, Caridad. Ikaw na lang ang lalandiin ko para happy ka.”

Dali-daling binitawan ni Caridad ang dalawang basket na hawak mula sa damuhan at hinubad ang tsinelas para batuhin si Rigor na mabilis na kumaripas ng takbo habang tumatawa bitbit ang dalawang basket na kanina kong dala papasok sa rancho. Napakamot na lang ako sa aking at pinulot ang tsinelas para isuot kay Caridad na namumula ang mukha at halos umusok na ang ilong sa inis kay Rigor.

***

I SMILED AS I SERVED the food to the workers who were old and young men at the ranch. Amidst of their exhaustion, they were still polite and smiling. I could even hear Caridad and them talking and laughing with some silly jokes.

Ngunit ang mas nakakuha ng aking pansin ay si Señorito Yuji na walang kaarte-arteng nakikisalong kumain sa mga ito. Napaka-down-to-earth niyang lalaki kahit na sobrang mayaman. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit siya nagustuhan ni Caridad.

I overheard their conversation on how brilliant Señorito Yuji was in dealing with his work. He told them his secret which was patience and time management to make everything successful. I couldn’t help but to admire him, because except in dealing with the work here in the Hacienda Gosiengfiao, he was also the CEO of the Gosiengfiao Food and Beverages. 

Maraming negosyo ang Gosiengfiao ngunit hinati iyon sa mga anak nina Nǚshì Jialin at Xiānshēng Ruohan. Sa ngayon ay ipinapaasikaso na nila ang mga namanang negosyo sa kani-kanilang mga anak. 

Habang inaayos ko ang ibang lalagyan sa loob ng basket ay pakiramdam ko ay mayro’ng nakamasid sa akin. Hindi ko napigilang lumingon at agad kong nakita si Señorito Yuji na nakatingin sa akin. Nginitian pa niya ako na ikinalabas ng kaniyang isang dimple sa kaliwang pisngi. 

“Ang ganda-ganda mo naman, Ineng. Sino ba ang kamag-anak mo kina Inday Caridad at Juris? Tara, usap tayo sa kubo ko habang nagkakape,” tanong ng isang matandang nag-aalaga ng mga hayop sa rancho na medyo nakakailang tumingin.

Nahihiya akong ngumiti dahil hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko na hindi siya masyadong ma-o-offend dahil medyo matanda na ito. 

“Aguy! Huwag mo na pong alamin, Mang Dodong. Baka magselos ang asawa mo pong si Aling Bebeng,” biglang sulpot ni Caridad at inakbayan ako.

Sinabihan din kasi kaming dalawa ni Manang Juris na itago ang tunay kong pagkatao para na rin sa seguridad ko. Ang tanging nakakaalam lamang sa nangyari ay sina Rigor, Fernan, Caridad, Manang Juris, Señorito Yuji at Señora Jiarah. 

“Gusto ko lang naman malaman kung sino ba siya. Ang ganda-ganda niya kasi at parang hindi ninyo naman kamukha ni Juris o kung sino ba sa inyo ang kamag-anak ng magandang dalagitang ito,” pag-uusig ni Mang Dodong.

Caridad gasped exaggeratedly. “Parang sinabi mo naman po na pangit kaming dalawa ni Manang Juris. At saka malayo ko po siyang kamag-anak.”

“Ha? Paanong nangyari iyon? Baka ampon ka lang, Caridad?” nagtatakang tanong ni Mang Dodong. 

Caridad scoffed annoyingly. “Hindi ba puwedeng nahamugan lang po ako ng konti kaya’t hindi kami masyadong hawig. Sige na po, kumain ka na po at hinahanap ka na po ni Aling Bebeng sa labas.”

Agad namang umalis si Mang Dodong na sobrang kulit. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang dahil do’n lalo na’t hindi ako sanay na kinukulit. 

“Huwag mong pansinin masyado si Mang Dodong. Malakas ang kamandag nito at nakikipagrelasyon sa dalaga. Medyo babaero kasi iyon no’ng kabataan at hanggang ngayon. Ngunit si Aling Bebeng lang ang kinakatakutan dahil muntik na siyang tagain ng itak sa itlog,” pabulong na pagkukuwento ni Caridad.

Medyo nagulat ako nang dahil do’n. Ayaw ko rin naman na madawit kay Mang Dodong. Nang natapos ang mag trabahador kumain ay nagsimula na kaming magligpit. Pupunta kami sa likod ng rancho para maghugas ng mga lalagyan. Sandaling nagpaalam sa akin si Caridad dahil mayro’n siyang nakalimutan sa loob ng rancho.

“Hey, are you alright? Pasensiya na at kinulit ka ni Tatay Dodong. Huwag kang mag-alala at hindi ka niya malalapitan pa,” nag-aalalang turan ng isang baritong boses na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Agad akong napalingon at nakita ko si Señorito Yuji. Ni-hindi ko namalayan na nasa tabi  ko na pala siya habang nakapamulsa.

“Opo, ayos lang po ako, Señorito Yuji.” sagot ko at ipinagpatuloy ang paghuhugas ng mga lalagyan.

He nodded while smiling at me that made his one dimple in the right cheek visible. “Okay, Maryan. Huwag kang mahihiya sa akin. Sabihan mo lang ako kapag mayro’n kang kailangan.”

Hindi ko napigilang ngumiti. “Maraming salamat po, Señorito Yuji.”

Akala ko ay aalis na siya ngunit nanatili siya sa aking tabi habang nakasandal sa lababo. 

“Did you already see Māmā painted in the Art Room?” bigla niyang tanong.

Dahan-dahan akong tumango at bahagyang tumigil sa paghuhugas ng lalagyan. “Ahm. . . Opo, naglinis kaming dalawa ni Caridad ng Art Room at nagsalansan ng mga bagong gamit.’

“I bet she was painting another version of a woman in tears,” he uttered.

My brows furrowed in bewilderment. I’m really curious as to what the model of Señora Jiarah’s painting was. I didn’t want to sneak to it, because I had no permission to do that.

“There are lots of reasons why a woman shed a tear. It might be from happiness, fear and pain. But did you know that all of those reasons were being hidden under a smile just to mask out their true feelings? It’s okay to cry. Hindi kasalanan iyon. But it was a real mistake if you’re not validating your physical, mental and emotional health just to hold and love a person that wasn’t worthy. You deserved to be loved and respected. Runaway from demons that keep chasing you, because they don’t deserve you. Let yourself be freed in the darkness and chaos of the past as you start a new life in the present until the future,” he added.

Hindi ko alam kung bakit siya nag-o-open up ng ganitong bagay sa kagaya kong kakikilala lamang niya. Ngunit hindi ko napigilang tamaan sa mga ito. Parang nababasa niya ang pagkatao ko. Biglang  pumatak ang mga luha sa aking mga mata. 

He took out a handkerchief from the pocket of his rugged jeans. He gently wiped-off my tears. “I can see in your eyes the pain, Maryan. Huwag kang mag-alala. Walang mananakit sa iyo rito. You’re safe here, okay?”

Tumango ako at kinalma ang aking sarili. Nasa harapan ko lamang siya at tinitignan ako nang maigi. Kahit konti ay hindi ako nakaramdam ng pagkailang sa kaniya. “Maraming salamat po, Señorito Yuji. . .”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status