Share

CHAPTER 3

I GROANED AS I FLUTTERED MY EYES OPENED. I’m completely bewildered waking up in an unfamiliar room. I mentally noted to myself that I’m nowhere to be found by my parents and their hired men. I also needed to disguise myself for my safety and also for me to have a new life. 

“Aguy! Aguy! Aguy! Mabuti naman at gising ka na. Sobra kaming nag-alala sa iyo,” biglang sulpot ng babaeng matinis ang boses na sa pagkakantanda ko ay Caridad ang pangalan. 

Napatitig ako sa kaniya. Morena ang kaniyang kutis at kulot ang buhok niya. Filipina beauty talaga ang taglay niyang kagandahan.

“Ahm. . . Nasaan na pala ako?” tanong ko at bahagyang umupo.

Agad niya akong dinaluhan para alalayang makaupo nang maayos. “Ako nga pala si Caridad. Nandito ka ngayon sa Maid’s Quarters kung saan nag-stay ang mga maid sa Hacienda Gosiengfiao. Pinatignan ka namin kay Doktora Shakira. Mabuti na lang at nakita ka agad namin dahil kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa iyo.”

Hindi pamilyar sa akin ang Hacienda Gosiengfiao. Mukhang malayo na ako sa siyudad na talagang sadya kong mangyari. 

“Maraming salamat sa inyong tulong, Caridad. Ikinagagalak pala kitang makilala. Ako naman pala si Maryan Aperin, ” nakangiti kong pasasalamat.

Mabuti na lang at medyo marunong akong magsalita ng Tagalog. Paniguradong magdududa sila sa akin kapag nagsalita ako ng Ingles. 

“Aguy! Medyo kinabahan nga ako dahil akala ko ay patay ka na, eh. Nakahandusay ka kasi sa gitna ng daan. Pasensiya na kung medyo feeling close ako ngunit paano ka napunta rito? Halatang dayo ka kasi ngayon lamang kita nakadaupang-palad,” madaldal niyang turan.

“Dinukot kasi ako ng mga hindi ko kilalang tao. Ibebenta nila sana ako sa sindikato ngunit nakatakas ako. Kung saan-saan ako nakapuslit para maki-angkas hanggang sa napadpad ako rito,” pagsisinungaling ko.

She gasped loudly. “Aguy! Pisting yawa! Mabuti naman at ligtas ka kahit gano’n ang nangyari sa iyo. Hiling ko ay karmahin ang mga hayop na sindikatong iyon. Ngunit mo ba tatawagan ang iyong mga magulang? Baka nag-aalala na sila sa iyong kalagayan.”

I smiled sadly. “Sana nga, Caridad. . . Ulila na kasi akong lubos. Ako na lang mag-isa ang bumubuhay sa aking sarili. Hindi ko alam na mapapadpad ako rito nang dahil sa insidenteng iyon. Pasensiya na pala sa abala, ha?”

‘Though I somehow like an orphan, because my parents didn’t care about my existence. I needed to tell white lies to everyone here in Hacienda Gosiengfiao just to hide my real identity for the sake of my safety. And at the same time, I wanted to live a new life without thinking any demons would chase me.’

Hinawakan niya ang aking kamay. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Tipid akong napangiti at bahagyang yumuko. 

‘F*ck! I’m not a Drama Queen, but I needed to unleash it, so that everyone wouldn’t doubt me.’

“Ngunit paano ka na n’yan, Maryan? Huwag ka na bumalik sa lugar na pinanggalingan mo at baka tambanga ka pa ng mga hayop na iyon,” nag-aalala niyang turan.

I sighed heavily as tears glistened in my eyes. “Sa totoo lang, hindi ko na alam, Caridad. .  . Natatakot na ako at baka hanapin ako ng mga sindikato. Wala na rin akong alam na puwede kong puntahan na hindi ako mahahanap ng mga sindikatong iyon.”

Hinimas naman ni Caridad ang aking kamay na hawak niya. “Gusto mo bang dumito ka na lang? Puwede kang magtrabaho rito. Makikiusap ako kina Señora at Señorito na tanggapin ka, Maryan.”

Pumatak ang aking luha habang nakatitig sa kaniya. “N-Nakakahiya, Caridad. . . Ni-hindi mo ako kilalang lubusan ngunit handa mo akong tulungan. . .”

Umiling-iling siya habang hawak pa rin aking kamay. “Aguy! Huwag kang mahiya sa akin, Maryan. Nararamdaman ko na mabait ka at hindi mapagsamantala. Nakikita ko rin ang lungkot at sakit sa iyong mga mata.”

Napalunok ako ng aking laway at bahagyang napayuko para umiwas sa kaniyang mga mata. Masyado siyang mabait. Nagtitiwala agad siya kahit kakakilala lamang niya.

“Sa ayaw at gusto mo ay tutulungan talaga kita sa abot ng aking makakaya. Dinala ka ng tadhana rito sa Hacienda Gosiengfiao nang walang dahilan. At saka mas ligtas ka kung dito ka mananatili,” aniya.

Naputol lamang ang aming usapan nang bumukas ang pinto kaya’t napabaling ang aming atensyon do’n. Nakita ko ang isang matandang babae na nakapusod ang puting buhok at nakasuot ng uniporme.

Lumapit ang matandang babae na mayro’ng ngiti sa labi. “Oh! Gising ka na pala, Ineng. Kumusta ang iyong pakiramdam? Ako nga pala si Manang Juris,” isa sa mga nakakita at nagdala sa iyo rito.”

“Maraming salamat po pala sa pagligtas sa akin. Maayos na po ang aking pakiramdam. Ako po pala si Maryan Aperin po,” nahihiya kong turan.

“Manang, puwede po ba natin tulungan si Maryan na makapagtrabaho po rito? Wala na po kasi siyang mauuwian dahil ulila na po siya. At saka dinukot po pala siya ng mga sindikato para ibenta ngunit nakatakas hanggang sa napadpad dito. Gusto ko po sanang pakiusapan sina Señora at Señorito tungkol dito,” pangungumbinsi ni Caridad kay Manang Juris.

Mukhang hindi ko na kailangang ulitin ang alibi ko dahil si Caridad na ang aking spokesperson. 

Malakas na napasinghap si Manang Juris habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Titig na titig siya at bakas ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. “Mahabaging langit! Mabuti na lang at nakatakas ka mula sa mga masasamang sindikatong iyon. Tamang-tamang lamang na napadpad ka rito dahil wala nang makakapanakit sa iyo, Ineng.”

“Aguy! Iyan din po ang sinabi ko sa kaniya, Manang. Mas mabuting dito na lang po siya manatali kaysa sa bumalik sa pinanggalingan niya lalo na’t paniguradong mahahanap ka agad ng mga sindikato,” singit ni Caridad.

Bahagya akong napailing. “Nakakahiya pa rin. . . Ni-hindi ninyo pa ako kilala ngunit nagtitiwala agad kayo sa akin.”

“Huwag kang mahiya sa amin, Ineng. Handa kaming tumulong sa mga taong nangangailangan ng aming tulong. At isa pa, kung masamang tao ka ay dapat gumawa ka na agad ng bagay na hindi kaaya-aya,” malumanay na turan ni Manang Juris.

“Tumpak ang punto mo po, Manang!” bulalas ni Caridad. Nilingon niya ako nang mayro’ng ngiti sa labi. “At saka hindi ka naman mukhang masamang tao, Maryan. Mukha ka ngang poridyer, eh! Ang kinis-kinis ng maputi mong balat at mukha kang yayamanin.”

Kinakabahan akong natawa. Hindi ko naman kasi matatago at maipagkakaila ang aking itsura na halatang hindi lumaki sa hirap. Ngunit kahit gano’n ay kaya ko naman makipagsabayan sa simpleng pamumuhay lalo na’t hindi ako maarte at marunong akong makibagay sa ibang tao na sa palagay ko ay mabuti at hindi pakitang tao lamang. 

“Naku! Gluta Soap lang iyan, Caridad. Pure Filipina ako at hindi banyaga. Laki rin ako sa hirap at malayo sa karangyaan,” pagsisinungaling ko.

Napataas ang kilay ni Caridad at bahagyang itinagilid ang ulo habang titig na titig sa akin. “Aguy! Pasensiya na, Maryan. Mukha ka kasi talatang poridyer. Nakakainggit ang ganda at kinis mo. Sa tingin mo ba kapag gumamit ako ng Gluta Soap ay magiging mukha na ba akong prinsesa? Gusto ko kasi mapaibig si Señorito.”

“Ewan ko sa iyo, Caridad. Malapit mo nang gawing porridge o lugaw ang foreigner,” natatawang sita ni Manang Juris kay Caridad.

Napakamot sa ulo si Caridad. “Aguy! Nagbago na po pala iyon. Pasensiya na po, masyadong mahina po ang signal kaya naman po ay hindi po ako nakasagap agad.”

Napailing na lang si Manang Juris. “Nagpapalusot ka pa. Hindi ka magugustuhan ni Señorito kapag pinapareho mo ang pagkain sa tao, Caridad.”

Napanguso naman si Caridad.  “Huwag ka naman po kontra usog, Manang. Malay mo at magustuhan po ako ni Señorito. Hindi po talaga kita iimbitahan oras na ikasal po kaming dalawa ni Señorito sa hinaharap.”

Naiiling na tumawa si Manang Juris. “Nagluto ako ng Kalderetang Baka, Pansit at Leche Flan. Mas mabuting sabayan mong kumain si Maryan para mas ganahan siya dahil mayro’ng kasama. At saka masama sa iyong malipasan ng gutom at kung anu-anong naiisip mong kalokohan, Caridad.”

Nalilibang akong panoorin sila. Kitang-kita ko sa kanila na matibay ang kanilang samahan at 

Napabusangot lang si Caridad na ikinatawa naming dalawa ni Manang Juris. Bumaling si Manang Juris sa akin. “Sanay ka naman siguro sa gawaing bahay, ’no? Puwede kang pumasok na kasambahay kagaya namin sa loob ng mansyon.”

Tumango naman ako. “Opo, sanay naman po ako sa hirap. Kakayanin ko po ang mga trabaho na ibibigay ninyo basta’t ang kapalit po nito ay magkaro’n ako ng maayos at ligtas na tirahan.”

Ngumiti sa akin si Manang Juris. “Makakaasa kang bukas ng umaga ay kakausapin ko sina Señora at Señorito tungkol sa pagpasok mo bilang kasambahay. Kaya naman ay paglakas ka muna at magpahinga, Ineng.”

Tila hinaplos ang aking puso nang dahil do’n. Isa talagang magandang pagkakataon na mapunta ako sa lugar na ito dahil nakakilala ako ng mga mabubuting tao na kagaya nila.

“Maraming salamat po, Manang.” buong puso kong pasasalamat.

Nakangiting tumango si Manang Juris at nagpaalam dahil magpapahinga na siya dahil inatake ng rayuma. Nang nakaalis na si Manang Juris at naiwan kaming dalawa ni Caridad ay agad niya akong inlalayan sa bawat kilos ko. Talagang inasikaso niya ako at kinuwentuhan na parang matagal na kaming magkakilala. Hindi ko napigilang ngumiti dahil mukhang magkakaro’n ako ng bagong kaibigan sa lugar na ito. 

Comments (820)
goodnovel comment avatar
MA RY AnNe
1460. sana ito na simula sa bagong kabanata sa buhay mo.
goodnovel comment avatar
MA RY AnNe
1459 hanggang mapalagay na loob mo at maging maayos ka
goodnovel comment avatar
MA RY AnNe
1458. kaya kwentuhan muna kayo n Caridad
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status