Home / Fantasy / Tenement Uno / Chapter One

Share

Chapter One

Author: Lady Reaper
last update Last Updated: 2021-11-07 13:50:08

Welcome to Tenement Uno.

"Ano na naman 'to!" Pag-taas ng boses ng aming Editor in-Chief sa Inkfirst Publishing na si Sir Martin.

"Wala na bang bago? Paulit-ulit na lang ang plot na ginagawa mo," dugtong pa ng aking boss bago initsa ang manuscript na ipinasa ko kanina. 

Nakayuko ako habang sinasalo lahat nang masasakit na sinasabi niya.

"Gangster ulit? Ano ba naman 'yan Ardanel." Nai-angat ko ang nakayukyok na ulo kanina pa. Bahagya ko ring nakagat ang pang-ibabang labi sa takot na baka kung ano-ano pa ang lumabas sa bibig ni sir. 

"Uulitin ko na lang po boss," ani ko habang ina-abot ang manuscript na napunta sa may kalayuan na gawi ng lamesa. 

"Isang taon mo nang inu-ulit 'yan. Walang improvement." Pa iling-iling pa ni boss Martin. 

"Sorry boss… Ang hirap kasi na me-mental block ako. Palaging nawawala ang inispirasyon ko sa isang plot na naisip ko," sagot ko sa kanya. 

Tunay naman kasi, ewan ko ba pero parati kong nararamdaman na parang hindi ko naman talaga linya ang pagsusulat. Ngunit parati rin nilang sinasabi na napakagaling ko sa larangan na 'to.

Ba't hindi ko dama?

"That is not my problem anymore Ardanel. Gawan mo ng paraan kung gusto mo pang ipagpatuloy ang pagta-trabaho rito." 

Naglakihan ang aking mga mata sa tinuran ng head namin. Hala! Ipa-fired na ba n'ya ako? 

"Give me one last chance boss. Please," pagsusumamo ko sa kan'ya. With matching cross hands pa. 

Rinig ko ang malalim na pagbuga ni sir ng hangin. "You used to be a very talented writer Feli… It's just that after the accident... You become awful. You've lost your power to write." 

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. Parati na lang na 'yan ang sinasabi niya sa 'kin. Halos kabisado ko na nga.

Ewan, ngunit talagang walang pumapasok sa utak ko. Am I really that good in writting para gan'yan sila kung ma-disappointed sa 'kin?

"You know what, I'm giving you time para maibalik ang lahat sa dati." 

Huh? Anong ibig sabihin ni boss?

"Here take a leave." Inabot ko ang envelop na hawak ni Sir Martin. Binuksan ko na iyon sa harapan niya mismo. 

P-Pera? 

"Ah, Sir para saan po ito?" kabadong tanong ko sa kaniya. Separation pay na ba 'to?

"I'm giving you one month leave. Do some recreational activities or anything, bahala ka basta makatu-tulong sa iyo na maging okay ulit."

Napatango-tango nalang ako sa mga sinasabi niya. Natutuwa ako sa one month leave, pero hindi sa isipin na hindi ako sasahuran sa mga araw na iyon. Lalo pa may inabot na siya sa akin na pera. Paano ang bills ko at monthly dues? May credit card ako na hinuhulugan every 25th of the month. Malaki-laki 'yon at hindi sasapat ang pera na 'to upang mapunuan lahat ng bayarin ko. Wala na rin akong bonggang savings dahil mula ng maaksidente ako ay naubos lang 'yon sa pagbabayad sa ospital after ko magising. 

Wala rin akong maisip na kamag-anak na puwedeng tumulong sa 'kin ng time na naaksidente ako. It was all by myself.

Wala rin balita sa naka-hit and run sa 'kin. Hindi nila nahuli habang nakaratay ako sa Ospital.

"Sige na. Pack your things." Inikot na ni boss ang Swivel chair patalikod sa akin. 

Ganoon ba siya ka upset sa 'kin? Nakasimangot na binuksan ko ang glass door ng office ni Sir at do'n napabuntong-hininga.

Napasandal ako sa pinto't nagmuni-muni. "Ano'ng gagawin ko ngayon?" Sabay kong pagnguso at pag untog-untog ng ulo sa dingding. 

Nakabalik na ako sa department namin na busangot ang itsura. Hindi ko magawang ngitian ang mga bumabati sa akin sa hallway. I'm stressed!

"Oh, bakit nagliligpit ka Felicity? Maglilipat ka ba ng desk?" untag sa akin ng kawork ko na si Dustin. Nakaupo siya sa dulong bahagi ng opisina pero sobrang lakas nang radar niya sa ginagawa ko.

Umiling-iling lang ako bilang tugon sa kanya. 

"Eh, anong gagawin mo?" tanong niyang muli.

"Pinagle-leave ako ni Boss," saad ko habang patuloy pa rin ang pagsasalansan ng aking mga gamit. Isa-isa ko iyon na nilalagay sa mini cart ko.

"Leave? Bakit daw?" sabat ni Monica na lumapit pa sa akin. Kaibigan ko siyang malapit sa office kaya nang marinig niya ang tungkol sa pag-leave ko ay agad niya akong nilapitan. 

"Kailangan kong hanapin ang sarili ko." Tiningala ko si Monica. "Nawawala ba ako, friend?" tanong ko sa kan'ya.

Tumingin s'ya sa kisame, tila nag-isip nang isasagot sa 'kin. "Hmm… Minsan friend, oo." 

Umakto ako na para bagang naiiyak sa harapan niya. Ano ba ang kulang?Ano ang nawawala sa 'kin.

Dinamayan ako nila. Si Dustin ay tinatapik-tapik pa ang balikat ko.

"Okay lang 'yan friend—"

Hindi na natapos ni Monica ang sasabihin sa biglang pagsulpot ni Abi sa harapan namin. 

Ang mahiyaan at conservative na si Abi Medroza, co-writer namin. Ngunit napa-awang ang aking bibig nang mapasasadan ko ang itsura niya. She is wearing a red mini skirt, pak ang make up with her red lipstick. Mukhng plinantsa ang buhaghag nitong buhok. And lastly, naka-three inch stilleto siya.

Anyare? 

"You can stay on my old home so you can unwind," biglang sabi niya. 

Napakurap-kurap ako, bukod sa naninibago ako sa aura niya ay nagulat din ako sa pakikipag-usap niya sa 'kin. Never niya akong kinausap no'ng makabalik ako galing Ospital.

"A-eh—" 

"Oh ayun may place ka na pala Feli, e." Tapik pa sa akin ni Dustin. "Hulog ng langit sa'yo itong si Abi," dugtong niya bago sinipat si Abi. 

Ang lagkit nang tingin ng mokong dito, halatang may iniisip na hindi maganda. 

"O-okay lang ba sa'yo? Hindi ba nakakahiya?" kagat-labi ko na tanong sa kan'ya. Hindi ko siya matitigan sa mga mata, para bagang may bumubulong sa kin na ilayo ang titig sa katrabaho. At saka sadyang nakapani-nibago talaga ang itsura niya ngayon. 

"Lumipat na ako sa Condo unit na nabili ko. Kaya walang problema kung mag stay ka ro'n," nakangiti na sabi nito. 

"Ah, sige hindi ko na tatanggihan 'yan Abi ha. Salamat," ani ko na hinawakan pa ang mga kamay niya. 

"Here is the address and the keys." Medyo pilit ang pagkakangiti kong kinuha sa kanya ‘yon. May pag-aalinlangan pa rin kasi ako, slight lang. 

"Salamat." I smiled widely, yung tipong a-abot na sa tainga ang ngiti. 

Tumango lamang siya at saka nagsimula nang maglakad. I was about to continue packing my things nang muli ay nilapitan niya ako. 

"I just have some things to remind you pala. Kailangan mo iyon kapag andoon ka na sa place ko," sabi ni Abi na nilalaro ang konting hibla nang buhok ng kanyang daliri. 

"A-ano 'yun?" medyo kinakabahan ko na tanong. May pa-reminders pa talaga?

"Hmm. 'Wag mo sanang babaguhin ang kahit na anong detalye ng bahay ko. Kung okay lang sa iyo?" 

"O-oo naman. Akala ko kung ano na," sagot ko sa kan'ya.

 "Don't worry hindi ako mangingialam sa mga gamit mo," nakangiti kong dugtong sa tugon sa kaniya kanina.

"Thanks. Then…" 

Hala meron pa? Sa isip-isip ko.

"At the middle of the night, may tila kakatok sa bintana sa salas. Don't mind it. 'Wag mong bubuksan, okay?" aniya na ikinakunot ng aking noo. 

Bakit? Anong mayroon do'n? May aswang ba na pilit pumapasok sa silid niya. Well, that's creepy.

"B-bakit n-naman?" napalunok kong usisa. 

"Sanga lang iyon ng puno baka mahampas ang mukha mo kapag binuksan mo iyon. Bahala ka, ikaw 'rin," ani Abi na seryoso ang aura. She sounds a different version of Abi, pero lahat naman ng tao nagbabago 'di ba? 

"S-sige," kinakaban kong turan. Nakanga-ngatal pa ang makipag-usap sa kaniya ngayon.

"And please don't take the Cr at 3 o'clock in the morning." 

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niyang iyon. Teka, bakit? Bigla akong kinilabutan sa isipin na iyon. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa mga sinasabi niya e. 

Kapag usapang three am ay nakakatakot na para sa 'kin. Ayon kasi sa movies, it's a devils hour… Maraming gumagala na espirito.

"Ano kasi, mawalang galang na Abi. P-pero anong meron sa Cr at three am?" si Monica na ang nagtanong, naririnig pala nito ang sinasabi ng workmate namin. 

"Eh, kasi . . ."

Napalunok ako ng laway. May pabitin epek pa mga 'te.

"Nawawalan ng tubig pag gano’n na oras. Gusto mo ba na mag cr na wala kang pang-flush. 'Di ba nakakatakot 'yon." She laughs sophisticatedly. 

"O-oo nga naman, nakakatakot 'yon Feli," may pagtapik pa sa balikat ko na saad ni Monica. "Kadiri 'yon friend e." 

"O-oo nga." Pilit akong tumawa. Akala ko kung ano na talaga. 

"And lastly, don't trust easily… Sa mga nakatira doon. Choose wisely who will you going to talk to."

 Ha? Bakit may ganito na paalala. Ang weird talaga n'ya, mga masasamang tao ba nakatira doon magnanakaw? Killers? 

Nayakap ko ang sarili sa isipin na iyon. 'Wag naman sana akong mapano ro'n. I still wanted to live, hahanapin ko pa ang kaskasero na nakabundol sa 'kin.

"So ayon lang naman, home sweet home." She smiled at me. At wala nang anu-ano'y iniwan na niya kami pagkasabi no'n. 

"Friend, ang creepy nya," bulong ni Monica.

Tumango-tango ako habang nakanguso. 

Creepy... And weird.

Nakatayo ako sa harapan ng isang babae na takot na takot at puno nang dugo ang mukha at damit. Hindi siya mapakali, palinga-linga at tila naghahanap ng mapagtataguan. 

"Natalie… Natalie… Nasaan ka na? Lumabas ka na r'yan." Malalim na boses iyon ng isang lalaki. "Gutom na si Serpentina."

Sino si Serpentina?

Napakunot ang noo ko. Out of nowhere ay bigla ngang sumulpot ang isang lalaki na naka all black na long suit. Para siyang 'yung napanood ko sa English movie na wizards. 

Hindi na nakatakas pa ang babae, nataranta ito at natumba na lamang sa lupa. 

"Natalie, anong ginagawa mo r'yan. Halika." Inilahad ng lalaki ang kamay sa kanya. Ngunit ayaw iyon abutin ng babae, pag-iyak lamang ang ginawa nito.

Tila nag-fastforward ang pangyayari sa harapan ko. 

Nakahandusay na at walang buhay ang babae sa lupa. Punong-puno nang dugo ang lugar kung saan siya'y nakahilata. Naka posisyon na ang ahas na kanina ay nakapulupot sa ginoo na naka-itim.

Ngunit hindi iyon natuloy nang may isang nilalang na naman ang sumulpot sa kung saan. Medyo blurred na ang rumi-rehistro sa aking paningin. 

"Bitiwan mo siya Evergreen," turan ng babae na pilit kong sinisipat kung sino. "Akin ang kaluluwa niya," dugtong nito. 

"Hmmp. Nagpapatawa ka Mari, nakipagkasundo siya sa akin." Tumayo ang lalaki at binalingan ang babae na biglang dumating.

"Siguro nga ngunit, tinatawag niya ang isang pangalawang buhay. Nakiki-pagkasundo siya sa akin ngayon..." Sumilay sa labi nito ang ngiti. Malabo man ngunit alam ko na nakangiti siya. 

"Ako na ang bahala sa kanya." 

"Ha!" asik ng ginoong naka-itim. "Malaki ang oras at kapangyarihan ang inilaan ko sa isang 'yan kaya bakit ko siya ibibigay sa 'yo, hindi ako papayag," kalmadong anas nang lalaki na may alagang ahas. 

Ano ba ang ginagawa nila? Sino-sino sila bakit pinagtatalunan nila ang walang buhay na babae na ito? 

Muli ay tinitigan ko ang nakahandusay na katawan.

Nasapo ko ang aking dibdib, tila'y may winawarak na parte sa puso ko. 

Bakit bigla akong nakaramdam nang guiltiness to something I don't know? 

I shouted in pain, my heart is aching right now. Kasunod niyon ang panghihina ng aking mga tuhod. Napaluhod ako hanggang sa natumba ako at tuluyan nang napahiga.

Nahuli nang aking mga mata ang kabuuan ng kalangitan sa aking harapan. 

This scene seems familiar. 

"S-sana..." I begin to utter.

Then, everything just gone dark. 

Bumaba na ako sa Taxi nang makarating kami sa destinasyon na nakasaad sa address na binigay ni Abi. 

Sitio Paraiso, Tenement Uno . 3rd floor. Unit 17.

Hila ko ang aking maleta, nakasukbit ang bagpack at paunti-unti’y lumalapit sa palapad na pader na siyang humaharang upang mapasok ko ang loob niyon.

Hindi ko nga matanaw ang loob gawa nang napakalaki at napakataas na gate. Grabe naman ang arkitekto at engineer na nagsanib puwersa sa paggawa ng tarangkahan na 'to. Ang lakas ng pundasyon. At mukhang ayaw ata magpapasok ng may-ari ah.

Lumapit ako ro'n at akmang pipindot na sa doorbell nang biglang may kumalabit sa aking likuran.

"Miss, anong gagawin mo r'yan?" 

Nagulat ako sa tinanong ng nabungaran kong matandang babaeng may bitbit na bilaong may kakanin.

Papasok ako, hindi po ba halata? 

"Ah, dito ako tutuloy 'nay, b-bakit po?" tanong ko sa kaniya.

"Ay Diyos ko po! Ano'ng gagawin mo riyan ineng. Eh, haunted mansion 'yan!" nangingilabot pa ang matanda sa sinabi niya.

"A-ano p-po?" nauutal ko ring tanong sa kan'ya. Napakurap-kurap ako ng ilang beses sa ideyang 'yon. Paano naging haunted ang tinuluyan ni Abi dati?  

"Sige. Bahala ka, mag-ingat ka na lang sa loob." Dali-dali nang umalis ang matanda't naiwan ako mag-isa.

Muli'y tiningala ko ang mataas na pader. Totoo kaya ang sinabi ng manang na 'yon?

Ilang beses na paglunok ng laway ang ginawa ko. Biglang sumiksik sa utak ko ang pagdadalawang-isip na tumuloy ro'n. 

Ilang sandali pa'y naitulak ko na ang maleta ko paatras. Ngunit kasabay no'n ay ang pagbukas ng gate na kanina'y nakaharap ko na. 

Napaawang ang ulo ko sa dahan-dahan na pagbukas n'yon. 

Hala! Automatic! 

Mayamaya pa'y lumantad na sa 'kin ang kabuuan nang nasa likuran ng matibay na tarangkahan. Aywan kung bakit tila may sariling isip ang aking mga paa. Nag-uunahan pa ang mga ito na makapunta sa pagitnang bahagi ng lugar. 

Literal na napabilog ang aking bibig sa magandang tanawin ibinigay sa aking mga mata.

Tatlong palapag na konkretong istruktura ang aking nabungaran sa aking pagpasok sa malaking gate na 'yon. Ang unang palapag ay may pinturang dilaw. Ang ikalawa't ikatlo ay napintahan naman ng asul at berde. 

"Infairness ang bongga ng lugar na ito. Bet," bulong ko.

"Ba't sabi ni nanay kanina, haunted mansion 'to? Eh, ang ganda-ganda kaya ng place." 

Sinisipat ko ang bawat maabot ng aking paningin, kasabay naman no'n ang pagkagulat ko sa pagsarang muli ng gate. 

Automatic nga!

"Magandang Umaga. Welcome sa Tenement Uno." Isang guwardiya ang lumapit sa akin at masigla akong kinausap. 

May puti na ang buhok n'ya, siguro'y nasa sisenta pataas na ang edad ni manong. Nakasuot ng puting uniporme't sapatos na balat. Maayos pa ng tindig ni tatang kahit bakas na sa mukha niya ang katandaan. 

Ginantihan ko rin siya ng ngiti bago sumagot sa kaniyang pagbati.

"Magandang Umaga rin po Manong Costavio?" 

'Yon kasi ang nabasa ko na apelyido sa kaniyang unipormeng suot. 

Napakamot sa batok ang mabait na gwardiya.

"Kuya Costav na lang," sabi niya bago tumawa."Nga pala, bisita ka rito?" pagtatanong niya. 

"Ah, opo Kuya Costav. Pinahiram sa akin ni Abi ang unit niya sa… Room 17," turan ko na ipinakita pa sa kaniya ang papel na pinagsulatan ni Abi ng address. 

"Isa ka palang VIP guest," salita niya habang nakatuon ang mga mata sa pinakita kong pruweba.

Sasagot pa sana ako kay kuya ng biglang tumunog ang kaniyang 'walky talky'. Pinindot iyon ni Kuya Constav, at mula sa kabilang linya'y nagsalita ang isang lalaki.

"Samahan mo na siya." 

"Copy, sir," pagsagot naman ng butihing gwardiya sa tumawag sa kaniya. 

"Tara na," pag-aya niya sa akin. "Teka ano nga pala ang pangalan mo?" Kuya Costav asked me.

"Felicity po, p'wede niyo 'kong tawaging Feli." 

"Ah, gano'n ba? Oh, siya Feli halika na nang makapagpahinga ka pa." 

Nagsimula nang maglakad ang matanda. Sumunod na rin ako sa kaniya't nakipag-kwentuhan nang konti. 

Paminsa'y sinusulyapan at nginingitian ko rin ang makasalubong namin na mga taong naroon sa paligid. 

Bisita ako, kaya kailangan kong makisama sa kanila. Kumbaga ay dayo ako. 

Pero sa kasamaang palad ay walang tumugon kahit sa ngiti ko na lamang. Imbes ay malagkit na mapanuring tingin ang nakuha ko sa kanila.

Do'n naalala ko ang habilin sa akin ni Abi, na piliin ko kung sino ang kau-usapin. 'Wag basta-basta maniniwala, kailangang mag-ingat ako.

Killers nga ata talaga mga tao rito o baka nag-iisip lang ako ng masama.

"Narito na tayo, Feli," deklara ni kuya Costav nang makarating kami sa third floor. Ngayo'y nasa harap kami ng pintuang may nakaukit na twenty-seven sa taas na bahagi niyon.

Hindi ako nakasagot man lang sa tinuran ni Kuya Costav. Hinapo kasi ako sa pag-akyat mula first hanggang third floor.  Ang hirap pala, walang elevator dito. 

"So, maiwan na kita rito, Feli. May mga gagawin pa kasi ako. Kung kailangan mo nang tulong  at may problema pa tawagan mo lang ako," magiliw na saad ni Kuya Guard sa 'kin.

"Salamat po kuya Costav—"

Hindi ko naituloy ang sasabihin nang may biglang sumulpot sa peripheral view ko. Napalingon ako sa bilis nang pangyayaring 'yon.

"Oh, bakit Feli? Anong problema?" tarantang tanong ni Kuya Costav sa akin. Tila'y napansin nito ang pagkagulat na rumerhistro sa mukha ko ngayon lang.

"P-parang may dumaan kasi kuya," sagot ko. 

Nagpalinga-linga rin siya upang tignan ang kabuuan ng hallway. Kami lang ngayon ang narito, walang kahit na sinong tenant ang naka-tambay sa labas ng third floor.

"Nako, naninibago ka lang siguro sa lugar, Feli. Ang mabuti pa pumasok ka na't magpahinga. Paniguradong, ipapatawag ka ng Landlord isa sa araw ngayong linggo."

Ay, oo nga pala kailangan ko pa ring abisuhan ang nangangasiwa sa Tenement na 'to sa pagdating ko. Mahirap na baka mapagbintangan pa akong tresspaser.

Pero kasi nakita ko talagang may dumaan, eh. 

"S-sige po kuya Costav. Salamat ulit." Pagyukod ko pa. 

Tinanaw ko si kuya guard hanggang sa makababa siya sa hagdan. Hindi muna ako pumasok at mataman pang pinakatitigan ang carvings ng numero bente-siyete sa pintuan. 

Simula sa araw na ito'y mag-u-unwind ako at walang ibang iisipin kundi ang magrefresh ng utak. Kailangang maging kapakipakinabang ang staycation na 'to. I need to be productive. 

"Fighting Feli. You can do it!" pakikipag-usap ko sa aking sarili.

Kinapa ko na ang susi sa aking bulsa, handa na akong suungin ang bagong yugto ng aking buhay ngayon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay isang nakai-intrigang sigawan ang pilit dinadala ng hangin sa aking mga tainga.

Nakakunot ang noo na napasinghap ako. 

"Ano 'yon?" 

Naglakad ako't lumapit sa sementadong railings ng palapag. Dumungaw ako sa ibaba't hinanap ang komosyon na narinig ko. 

Okay naman ang mga tao ro'n. May nagwawalis na ginang, naglalabang dalaga sa isang area kung sa'n may nakatayong poso. May nag gagardening na matanda at mga batang naglalaro. Isang tipikal na senario sa isang matiwasay at walang gulong Tenement. 

Babalik na sana ako sa pagpasok sa aking silid ng biglang may lumabas mula sa hallway ng first floor na babaeng hinahabol ng isang lalaking nakatopless lang. Napunta sila sa gitang bahagi ng bakuran. 

Naningkit ang aking mata sa katititig sa kanila. Napaupo ang babae sa lupa, habang ang lalaki ay nakapameywang sa harapan nito. At sa kamay niyang may hawak siyang tila latigo? Sandali, anong gagawin ng lalaki na 'yon sa kaawa-awang babae? 

Hindi ko na naririnig masiyado ang usapan nila. Pero kita ko ang pagluhod ng babae at pagsusumamo sa harapan ng lalaki. Umiiyak na ito. 

"Sinasaktan ba no'n ang asawa niya?" 

Inilabas ko ang aking cellphone, balak ko na videohan ang eksena't isumbong sa pulis ang ginagawa niya sa ginang. 

Itinutok ko 'yon sa kanila at sinimulang i-play. Nakuhaan naman kahit may kalayuan na. Ngunit ilang segundo pa'y nagulat ako sa biglang pagloloko ng cellphone ko. Nag black-out 'yon. Pinilit ko pang buksan, pinukpok-pukpok ko gamit ang aking kamay. 

"Ano ba 'yan, full battery 'to ng umalis ako sa bahay kanina, ah." 

Mukhang wala na akong magagawa sa nangyari. Ibinalik ko na ang cellphone sa aking bulsa't muling binalingan ang nangyayari sa baba.

Ngunit ang pagdungaw ko na 'yon ay isa atang pagkakamali. Lahat ng mata nilang nakatuon sa 'kin. Nakatingala sila lahat at seryosong nakatingin mula sa kanilang kinatatayuan.

Sh*t!

Napaupo ako upang ikubli ang aking sarili sa kanilang lahat. Naisabunot ko pa ang aking mga kamay sa ulo. 

"Ba't nakatingin silang lahat sa 'kin?" 

Nakapikit akong um-awit ng mununting dasal at nagsumamo na sana'y mali ang aking nakita. 

Ang creepy!

"Masasanay ka rin." 

Nanlakihan ang mga mata ko sa isa na namang boses na hinatid sa aking tainga. 

At sa pagmulat ng aking mga mata'y isang pares ng binti't sapatos ang bumungad sa 'kin. Dahan-dahan akong tumingala upang sipatin kung sino 'yon.

Isang lalaki na nakasandig sa pader ang naroon. Diresto siyang nakatingin sa harapan. 

"Sooner or later matatanggap mo rin sila. And you should be," anito bago bumaling na sa akin. 

Napaupo na ako ng tuluyan sa sahig sa pagkagulat sa aking nasaksihan. Ano ba ang lugar na 'to? Ba-bakit kakaiba ata ang mga nakatira. 

Pagapang na tumayo ako at tinungo ang pintuan. Dali-dali kong isininuksok ang susi na kanina ko pa dapat ginawa. Nangangatal ang mga kamay ko kaya hindi maayos na mabuksan ang pintuan. 

"Ako na." 

Malamig na mga kamay ang nagpabuhay sa pagkabalisa ko. Ang lalaki kasi kanina ay nasa tabi ko na, kinuha niya ang susi sa akin at siya na ang nagsuksok no'n sa doorknob. 

Gusto kong himatayin ngunit hindi puwede. Kailangan ko munang makapasok sa loob. 

"Okay na."

Wala na akong time magpasalamat, kasing bilis ng kidlat na nakapasok ako sa loob. Hinila ko ng isahan lahat ng aking dala at pabalang na sinara ang pintuan. Napasandig pa ako ro'n na hinahabol ang hininga.

"Diyos ko po, haunted nga ata ang lugar na 'to." 

Gusto ko na rin maiyak sa takot na namuo sa dibdib ko. Ano'ng gagawin ko ngayon. 

Muli'y naalala ko ang aking mga nakita. Magmula sa mga mata ng aking kapitbahay na nakatungo sa 'kin kanina hanggang sa mata ng lalaki na. . . tanging puti lamang ang makikita.

Nasa’n ang eyeballs niya?

Related chapters

  • Tenement Uno   Chapter Two

    Hi! New Friends. Napabalikwas ako ng bangon. Nakaririndi ang pagsigaw ng aking alarm clock. Pinatay ko na kanina ‘yon, ha. Ano't nagwawala na naman? Pabalang ako na bumangon at kinapa sa side table ang naghu-hurumintadong orasan. “Badtrip! Inaantok pa ako.” Ilang beses akong napayu-yukyok habang nakaupo. Sabog na sabog ang buhaghag kong buhok sa aking mukha. “Tinatamad ako,” bulong ko sa sarili. Ngunit kasing bilis nang pagdating ng sahod ang ginawa kong pagbangon ng maalala ang tungkol sa kwentong sinusulat ko. Kailangan ko na palang matapos ‘yon bago matapos ang isang buwan. Dahil kung hindi ay patatalsikin na ako ni boss sa kumpanya. Dali-dali kong nilinisan ang sarili’t nilagyan ng laman ang kumakalam na tiyan. Napakadali ko lang naubos ang dalawang pirasong toasted bread with strawberry jam at chocolate milk na tinimpla ko. Gano’n nga talaga siguro kapag matakaw.&nbs

    Last Updated : 2021-11-07
  • Tenement Uno   Chapter Three

    To the cursed scenario, in the past. Puting kisame. ‘Yon ang bumungad sa ‘kin pagdilat ng aking mga mata. Ini-upo ko ang aking sarili, hindi naman masakit ang katawan ko. Mas lalong wala akong maalala na may nangyari like nabagok ba ako o nasaksak para dalhin sa Ospital. “Anong nangyari?” tanong ko sa aking sarili. Pinakaisip-isip ko ang mga pangyayari kanina. Mula sa pagising, pagkain at sa pagkakilala ko kila Cindie. Okay naman lahat. Niyaya nila akong kumain sa Tapsihan sa basement pagkatapos ay— Wait! Mayroong mga armadong lalaki ang nang bomba at nakapasok dito. Naitakip ko ang mga kamay sa aking bibig. Nasaan sila Cindie? Hindi kaya? Oh my gosh! Dali-dali akong bumaba’t hinanap ang sapin ko sa paa. Kailangan ko silang hanapin, baka kung ano ang nangyari sa kanila. “Nasa’n ba ang doll shoes ko?” Hinanap ko ‘yon sa ilalim at gilid ng nahihigaan ko ngunit hindi ko nakita. “Ano’ng hinahanap mo?” Napatalon ako sa gulat nang malaman may ibang tao sa loob ng silid. Nili

    Last Updated : 2021-11-07
  • Tenement Uno   Chapter Four

    The Party with my Neighbors Ripped jeans at pink t-shirt na pinatungan ng gray hoodie jacket ang isinuot ko paglabas ng unit. It was 8pm already, siguro ay nagsimula na sila sa party 'kuno' sa Tenement. Actually, na shocked talaga ang aking kaluluwa nang imbitahan ako ng Landlord namin sa piging na gagawin nila mamaya. Pero dahil bago ako rito ay kailangan ko'ng makisama. Gusto ko sanang magmukmok na lang sa silid at matulog dahil para baga akong napagod sa maghapon, kahit wala naman akong ginawa. Mag-isa lang ako na bumababa sa matarik na sementadong hagdan ngayon, siguro'y nando'n na silang lahat. Pinakiramdam ko ang aking paligid, tahimik ang bawat sulok ng third floor. I started humming para maiwasan ang kaba sa dibdib ko. Medyo takot kasi ako sa dilim at sa paglalakad sa gabi mag-isa. But as I was about to take my last step sa palapag ng second floor ay may narinig akong lumagabog sa taas. Na estatwa pa ako saglit, pinakiramdaman kung ano iyon. Ngunit wala namang lumitaw na

    Last Updated : 2021-11-18
  • Tenement Uno   Chapter Five

    The Supernaturals. Gabriel leaned his arms to the falling body of Felicity. He caught her before the girl's back touched the floor. Felicity is unconscious right now. She fell asleep as Darren hypnotized him with his brownish eyes. "Leave her alone, or you'll leave my place," he told Darren the moment he came to his front. It's just as fast as seconds, the Landlord pushes Darren away from the girl. The man landed five meters away from him. He broke some pots and plants on the mini garden as his butt touched the cold surface. The crowd became loud and messy. They didn't expect the scene they'd watched. The landlord signaled the company of Cindie to go and get Felicity to her. He instructed them to bring the lady to her room. "Why so angry Gabriel?" tanong ni Darren habang nakangising naglalakad papalapit sa kaniya. "Get off your fang to my guest, find some other food Vamir. She's a limit," Gabriel spoke to Darren. "Is she an exception now? You never let a human enter the

    Last Updated : 2021-11-20
  • Tenement Uno   Chapter Six

    Victoria, the Witch Doctor. "Aray! Ang sakit ng ulo ko." Nasapo ko iyon nang mapamulat ako ng aking mga mata. Nabigla rin ang gising ko nang may kumatok sa pintuan. Walang lakas kong sinulyapan ang wall clock sa mini table na katabi ng kama. 8 o'clock in the morning. Puwede pa dapat ako matulog nito, eh. Muli ay narinig ko ang katok mula sa labas. "Saglit lang," pagsigaw ko bago kapain ang sapin sa paa. Sigaw ako nang sigaw akala mo maririnig ako mula rito sa silid. Marahan kong tinampal-tampal ang mag-asawang pisngi ko bago binuksan ang pintuan. "V-Victoria?" Bungad ko sa magandang babae na nakatayo sa likod ng binuksan kong pintuan . "Hi! Breakfast tayo?" Pag-aaya niya. Pinasasadan ko s'ya ng tingin. Bagay sa kaniya ang suot niyang maluwag na t-shirt at embudo-type na pantalon. Nakalugay ang kulay abo niyang buhok at nababalot nang matingkad na kulay pula ang labi niya. Pero ang

    Last Updated : 2021-11-20
  • Tenement Uno   Chapter Seven

    Run, Felicity. Madali kong inimpake ang mga damit ko sa maleta. Itinago ang laptop at kinuha ang mga amenities ko sa kusina't banyo. Kamuntik-muntik pa akong madapla sa kamamadaling mai-ayos ang lahat. Kailangan ko nang makaalis ngayon mismo. Mababaliw ata ako sa lugar na 'to. "Ano pa ba ang nakalimutan mo, Felicity?" tanong ko sa sarili. Inisa-isa ko ulit ang mga gamit ko kahit pa gulo-gulo na at tila isinuka na sa bag ko. "Okay, gora na tayo self." Isinukbit ko ang bag at hinila ang maleta. Malalaking hakbang ang ginawa ko para makalabas agad sa lugar na 'to. Baka kapag tumagal pa ako'y hindi na ko abutin ng buhay dito. Nagsalpukan ang gulong ng aking maleta sa pababang hagdan na siyang nagka-cause ng maingay na tunog. Duo'y napukaw ko tuloy ang pansin nang ilang tenants na malapit sa hagdanan. "Oh, Felicity sa'n ang punta mo?" It was Mrs. Youngster. Nakasalubong ko siya way down

    Last Updated : 2021-11-21
  • Tenement Uno   Chapter Eight

    Saved by Gabriel. Tanging pagbuga nang hangin ang nagawa ko habang nakaupo sa dalawahang upuan ng pampasaherong bus na aking nasakyan. Matapos kong makita ang tunay na anyo ni Cindie ay hindi na ako nagdalawang isip na kumaripas nang takbo palabas ng malaking tarangkahan na 'yon. Wala na akong pakialam kung matisod o may malaglag man ako sa daan. Ang importante ay makatakas ako sa katakot-takot na lugar na iyon. Kinuha ko ang cellphone na nakasuksok sa bulsa nang aking bagpack. Siguro dapat na tawagan ko si Monica, kailangan kong mai-kwento sa kaniya ang ginawa ni Abi sa akin. Aba! Patirahin ba naman ako sa lugar na pulos hindi maipaliwanag ang nakatira! Ngunit sandali, kung alam ni Abi ang tungkol sa Tenement Uno... Sino o Ano siya? Ilang beses kong ni-dial ang numero ni Monica ngunit wala akong nahita na sagot. Lunch time na, panigurado'y kumakain na 'yon. Impossible na hindi niya napapansin ang tawag ko,

    Last Updated : 2021-11-22
  • Tenement Uno   Chapter Nine

    Welcome back! Mabangong amoy ng piniritong bacon at itlog ang nagsumiksik sa aking ilong. Napatagilid ako nang aking pagkakahiga, paharap sa pintuan. Nakapagtatakang nakapasok sa loob ng silid ko ang nag-a-alab na amoy na 'yon. Wala namang open area ang kuwarto ko na nagdudugsong sa aking kusina. "Ang bango..." Niyakap ko nang mahigpit ang aking unan at makulit na pinagpantasyahan 'yon. "Good Morning, Love." Kunwari'y may body touch kami ni In-guk ngayon. Hindi ko siya nagawang masilayan nang mapadpad kami ni Gabriel sa Korea kahapon. Kaya kahit sa panaginip ko na lang ay mayakap ko siya. My one true love! "Talaga mabango ako?" "Oo, Gukshi ko." Hinigpitan ko pa lalo ang yakap sa unan. "Nice," he answered. Ngunit nalito ako sa sinabi niya. At nagsasalita ang aking unan? Tsk. Grabe na talaga ata ang pagkahumaling ko kay In-Guk maging sa daydrean ay nag

    Last Updated : 2021-11-23

Latest chapter

  • Tenement Uno   Chapter 140

    After 100 years."So, paano ba 'yan? Mauna na muna kami? Kailangan ko ng humabol sa enrollment nitong si Letizia. Ikaw na muna ang bahala rito ha." Ginawaran ni Felicity ng halik sa pisngi ang kaibigang si Cindie. Pinakiusapan niya ang kaniyang kaibigan na siya na munang mamahala sa Apartment na pagmamay-ari niya. Kailangan niyang samahan ang anak sa bago nitong papasukang paaralan."Oo na, ako na ng bahala rito. Enjoy kayo ni baby girl, okay?" Pinisil pa ni Cindi nag matambok na pisngi ng kaniyang inaanak kay Felicity. "Ninang naman eh. Malaki na

  • Tenement Uno   Chapter 139

    Dumating ang dalawang bampira sa Council building. Sapilitan ang kanilang ginawang pagpasok sa pribadong lugar ng mga supernaturals. Pinatumba pa nila ang mga security na nagbabantay sa buong paligid. Handa si Darren sa magiging kaparusahan sa ginagawa niyang karahasan ngayon, ang tanging goal lamang niya ay ang tulungan at bumawi kay Felicity. 'Yon lang. Ilang nagbabantay ang naibalibag at napatulog niya sa bawat bigwas na kaniyang ginawa. Pasulyap niya na tinatapunan ng tingin si Felicity. Bago lang sa kaniya ang bagay na 'to, at kakailanganin pa nito ng gabay. Ngunit sa pinapakita niya ngayon ay mukhang hindi na niya kailangan ng gano'n. Katulad niya'y marami na rin itong napabagsak na mga nakaitim na tagapangalaga ng kapayapaan sa loob ng Council. Tuluyang lumabas ang pangil na pinipigilan ni Felicity, na-triggered lang ng may biglang sumakal sa kaniya. Ang guwardiyang 'yon ng naging kauna-unahang nilalang na nakagat niya. Kumapit ng mapulang dugo sa kaniyang ngipin at labi.

  • Tenement Uno   Chapter 138

    Hindi maramdaman ni Felicity ang paa niya na sumasayad sa lupa. Napakabilis ng pangyayari, bigla niya na lamang nadama ang pagbilis nang tibok ng kaniyang puso. Punong-puno siya ng adrenalin, matapos n matikman ang dugo ng kaniyang mga kaibigan ay para ba siyang nabuhayan. Tuluyan nang naintindihan ni Felicity kung ano ang mga kakatwang tunog na naririnig niya. Naging klarado ang mga bagay na 'yon sa babae. Sa kaunting panahon ay natutunan niya ang teleportation, bumilis din ang kilos niya, specifically, sa pagtakbo.Masarap sa pakiramdam ngunit nakakatakot dahil sa kabila nito'y hindi nito alam ang iba pang rules ng pagiging isang bampira. Lalo na ang tungkol sa pag-inom ng dugo, 'yon ang pangunahing pinagkukunan nila ng lakas. Ngayon ay inisip lang niya na pupunta siya sa T

  • Tenement Uno   Chapter 137

    Eight in the Evening."Master. Master." Niyugyog ng house elf nang paulit-ulit ang nakahandusay na si Felicity. Naikilos naman ni Felicity ang kaniyang kaniyang ulo pabaling bilang sagot sa house elf. Mayamaya ay binuhay na nito ang kaniyang amo patungo sa malambot na sofa. Pinaypayan at inabutan muli ng tubig. Naubos niya ang lamn niyon ngunit wala pa ring epekto. Nanghihina na ang kaniyang katawan, sa hindi niya malamang dahilan."Master. Narito na sila." Doon lang nagmulat ng kaniyang mata si Felicity, hirap ngunit pinilit pa rin niya. Eksaktong sa paglinaw ng kaniyang paningin ay ang pagdating ng mga kaibigan niya galing sa Tenement. Sina Victoria, Cin

  • Tenement Uno   Chapter 136

    Dinala ng apat na kalalakihan si Gabriel sa Council. Binitbit na lang nila basta-basta ang landowner ng Tenement Uno. May kumalat na balita patungkol sa pagkamatay ng pantas na si Dessalonia- at si Gabriel ang idinidiin nilang may gawa ng pagpasyal. Paghihiganti kuno ang motibo. Pagkapasok pa lang ay idineretso na nila si Gabriel sa silid ng pagpupulong. Naroon, nakaupo sa kani-kanilang mga silya ang mga deities na may iba't ibang katungkulan. Ang matandang si Lusarias, ang diyosa ng Klima't Panahon na nakaupo sa pinakadulong bahaging upuan.Si Andromeda, ang diyosa ng Kagandahan ay naroon din. &n

  • Tenement Uno   Chapter 135

    KINAUMAGAHAN ay nagpasya na kami ni Gabriel na umuwi na. Tiyak matutuwa si Fifi kapag nalaman niya na nakabalik na kaming dalawa. Pinahiram na lang kami ni Kira ng kotse para hindi na kami mahirapan pa sa pag-uwe. Pinadalhan niya pa kami ng mga pagkain at ilang souveniers daw sa pagtungo namin sa kaniyang resort. Tuwang-tuwa ako ro'n sa unan na may nakaprint na mukha ni Kira. Ano't gano'n ang souvenier niya? Hindi man lang print ng kaniyang resort, eh. Kumaway ako kay Kira nang nagsimulang paandarin ni Gabriel ang sasakyan. He also waved back to us, hanggang sa tuluyan kaming makaalis.

  • Tenement Uno   Chapter 134

    Hindi pa rin matapos-tapos ang pangungilit ko kay Gabriel hanggang sumapit ang gabi. Nagpaka-clingy ako sa kaniya. Inaya ko siyang sa silid ko matulog para makanood kami ng movies at kumain ng popcorn. Nasa kusina kami ngayon ni Gabriel habang siya ang kitchen master at ako ay nakaupo lang at nakatunganga sa kaniya. Binabantayan ko ang bawat kilos na ginagawa niya. Simula sa pagbukas ng gas stove hanggang sa paglalagay ng mga rekado sa lutuan. Ang sabi niya'y magluluto raw siya ng pasta, 'yong mas masarap daw sa iniluto ni Darren. Medyo natawa ako sa sinabi niyang 'yon. Nabanggit pa talaga niya si Darren? "Masarap ba talaga 'yan?" tanong ko sa kaniya ng ilagay na niya ang cream sa pan.

  • Tenement Uno   Chapter 133

    Masaya lang ako buong maghapon na kasama si Gabriel. Ngayon araw ay nagkaroon na kami ng pagkakaunawaan, ngayon kung kailan huli na. Kumain kami, naglakad-lakad at nagpabalik-balik sa pag-swimming. Pinahiram kami ng kaibigan niyang si Kira ng speedboat. Nakakatakot dahil first time kong makasakay do'n pero dahil kasama ko naman si Gabriel ay walang naging problema. Actually, naging masayang masaya lang kami. Magkahawak ang kamay, magkayakap at nahahalikan ko siya, bilang siya. Ilang beses kong tinititigan si Gabriel kapag may pagkakataon, kitang-kita ko rin sa kaniya ang kaligayahang na nabubuo sa kaniyang mga mata.

  • Tenement Uno   Chapter 132

    Chapter 132"Good morning." Nakangiti at masaya kong bati kay Gabriel nang magising siya. Kanina pa ako nakatitig sa kaniya. Hindi na ako nagulat na narito siya sa tabi ko, walang suot na kahit ano at tanging ang puting kumot lang ang nagtatakip sa kaniyang katawan--ah hindi! Sa aming dalawa pala. Nakapatong ang baba ko sa palad ko, kung saan nakatukod naman ang siko ko sa higaan. Iginalaw niya ang kamay at ipinatong sa aking ulo. He becane to caress my hair. "I hope you have a good sleep," sabi ko.

DMCA.com Protection Status