Home / Fantasy / Tenement Uno / Chapter Eight

Share

Chapter Eight

Author: Lady Reaper
last update Huling Na-update: 2021-11-22 21:26:58

Saved by Gabriel.

Tanging pagbuga nang hangin ang nagawa ko habang nakaupo sa dalawahang upuan ng pampasaherong bus na aking nasakyan. Matapos kong makita ang tunay na anyo ni Cindie ay hindi na ako nagdalawang isip na kumaripas nang takbo palabas ng malaking tarangkahan na 'yon.

Wala na akong pakialam kung matisod o may malaglag man ako sa daan. Ang importante ay makatakas ako sa katakot-takot na lugar na iyon.

Kinuha ko ang cellphone na nakasuksok sa bulsa nang aking bagpack. Siguro dapat  na tawagan ko si Monica, kailangan kong mai-kwento sa kaniya ang ginawa ni Abi sa akin. 

Aba! Patirahin ba naman ako sa lugar na pulos hindi maipaliwanag ang nakatira! 

Ngunit sandali, kung alam ni Abi ang tungkol sa Tenement Uno... Sino o Ano siya?

Ilang beses kong ni-dial ang numero ni Monica ngunit wala akong nahita na sagot.  Lunch time na, panigurado'y kumakain na 'yon. Impossible na hindi niya napapansin ang tawag ko, eh hindi naman niya nabibitawan ang cellphone niya tuwing may pagkakataon.

"Monica, pick-up!" usal ko.

Ngunit sa kasamaang palad ay wala talagang Monica ang sumagot sa akin.

Itinago ko na lang muli ang cellphone at itinuon ang pansin sa daan. Ni-hindi ko nga namalayan na nakatulog pala ako. Nasa terminal na nang ako'y magising. 

"Ay! Kung puwede lang na iwanan ko na 'to rito ginawa ko na eh." 

Ang tinutukoy ko ay ang mga bitbit ko, ang hirap kasi ang sakit-sakit na ng braso ko. 

"Kapag hindi kayo nakisama tignan niyo... I-eevict ko kayo." Tila bata na pinapagalitan ko ang aking mga gamit.

Marahas kong pinaghihila ang de-gulong na lagayan ng damit.

"Miss bili ka tubig," alok sa akin ni Manong na palakad-lakad na nagtitinda ng tubig at yosi.

"Hindi po kuya, salamat." Tanggi ko sa kaniya.

Kailangan kong tumawid sa kanilang lane dahil naro'n ang sakayan ko pauwi sa inuupahang bahay ko, iyong bahay ko talaga ha. 

Lumingon ako sa kaliwa't kanan para makita kung puwede na akong tumawid. Walang stop light sa lugar na 'to kaya ang malas ko.

Kahit traffic enforcer ay wala rin. 

Tumayo ako sa may pedestrian lane, nag-antay nang tiyempo.

"Tara dali! Mala-late na tayo." Nagtulakan sa pagtawid ang dalawang babae sana galing sa likuran ko. Nabundol ako nila dahilan upang dumulas sa kamay ko ang malateng aking bitbit. Gumulong iyong patungo sa gitna.

"Magdahan-dahan kayo," galit kong sabi. Mabuti na lamang at hindi kalayuan ang kinapuntahan nang aking bag ko. 

"Mga kabataan talaga," inis kong sambit. 

Patakbo kong hinabol ang dumulas na maleta sa kamay ko.

Marami pa sana akong gustong sabihin, ngunit wala naman akong mapapala kahit pa magwala ako ngayon. Hinayaan ko na lang, ang tanging inisip ko ay pagmamadali na nakauwi na. 

Mag-a-ala una na ng hapon. Hindi talaga pumayag na hindi maka-alis si Felicity sa lugar na kan'yang napuntahan. 

Hinabol niya ang maletang dumulas sa kaniyang kamay patungo sa kalagitnaan ng mainit na kalsada. Halos nasa gitna na siya ng pedestrian lane, namutawi ang konting inis niya sa nangyari dahilan upang hindi niya na guwardyahan ang kaniyang aksyon. 

Isang rumaragasang sasakyan ang parating sa gawi niya. Bumusina 'yon nang bumusina upang marinig niya ang presensya niyon. Ngunit sa bilis nang pangyayari'y hindi na nagawang kumilos. 

Class three vehicle ang paparating sa gawi niya.

Nagmistula siyang estatwa panandalian sa punto na 'yon.

Ngunit bukod sa lahat isang pangyayari ang hinding-hindi sumagi sa isipan niya na mangyayari. 

Dumating si Gabriel at hinigit siya sa beywang. Tila nag slow-mo ang lahat. Maski ang pagharap niya sa binata'y naging tila kagaya ng sa mga pelikula. 

Para bagang tumigil ang oras nila. Nakatingala siya ng kaunti sa binatang kalmadong nakatungo sa kaniya. There were just small space between their noses. 

Napakurap-kurap ang maliliit na mata ni Felicity. She can't even let out her breath, ilang segundong pinigilan niya 'yon. 

"Are you okay?" That was the time she returned from her air castling.

.

Doo'y bumitaw siya sa pagkakahawak nito. "O-okay lang ako, teka! Anong ginagawa mo rito?" tanong n'ya sa matipunong landowner ng Tenement Uno.

"Naglalakad-lakad lang," sagot niya.

"Wow! Dito mo talaga napiling maglakad-lakad?" 

"Yes," matipid niyang sagot. Nakapasok na ang mga kamay nito sa dalawang pakete ng kaniyang kupasing pantalon na itim. 

Tumango-tango na lang si Felicity bago nagpaalam na aalis na. Tinalikuran na niya ang lalaki't sinimulang hilahin ang kaniyang maleta. 

Ngunit hindi niya naituloy ang lahat nang mabungaran ang kalsadang kaniyang tatawiran. Maging ang mga building ay hindi pamilyar sa kaniya. Ang mga nakasulat sa bawat entrada ng gusali'y hindi niya mabasa.

"T-teka, a-ano 'to?" nangunot ang noo niya.

May mga tao na dumaraan sa gawi nila't nagsasalita nang kakaiba. Maging ang mga suot nila'y malayong malayo sa Pilipino-style.

 

Namuo ang labis na pagtataka sa isipan niya ngunit nang maalala na may kasama siyang kakaiba'y nawala lahat ang kaniyang masamang naiisip.

Mabilis niyang binalingan ito't hinarap. "Sabihin mo, kagagawan mo 'to? N-nasa'n tayo?" Tensiyonado ang kaniyang boses.

"Ah. Kailangan kasi nating makaalis kanina do'n kaya dinala na lang kita rito," kalmadong paliwanag ni Gabriel. Ngunit kahit na gano'n ay mababakas sa mga mata niya ang konting sigla. Bahagya kasing umangat ang sulok nang kaniyang labi.

"So, n-nagteleport tayo rito?" 

Gabriel chuckled. "Ang pangit mo pala magulat." 

"Aba! At may sinasabi ka pa talaga ha!" Singhal ni Felicity kay Gabriel.

"Ayaw mo ba rito? This is the land of Oppas'." 

Ngayo'y si Felicity naman ang tumawa nang tumawa. Hinampas-hampas pa niya ang braso ni Gabriel.

"Land of Oppas'? Ang baduy mo!" She just keep on laughing. Pero makalipas ang isang minuto'y natigilan siya. Tinignan niyang muli si Gabriel. 

"Y-you mean... N-nasa Korea t-tayo?" Uutal-utal niyang tanong. 

"Yes, absolutely."

Natural na napanganga siya ng bibig. Hindi makapaniwala si Felicity na nakatungtong siya sa Seoul nang gano'n kadali. Ilang beses siya nag-apply for passport kahit 'yong pangtravel lang ngunit hirap siyang makakuha.

At ngayon, narito siya. Ommo! 

Natuwa siya dahil possibleng makita niya ang mga paborito niyang Oppa na sina Seo In-Guk, Lee Jong-Suk and +99 others.

A kiss with Gong Yoo under while having a coffee date is superb.

"Pero kailangan na nating bumalik."

Lumaylay kusa ang kaniyang mga balikat nang marinig ang tinuran ni Gabriel.

"Ang KJ mo 'no?" Sinimangutan niya ang binata.

"Kailangan na talaga nating umalis,"aniya.

"Ano ba 'yan wala pa nga akong Oppa na nakikita man lang. Iwanan mo na ako rito." Suhestiyon ni Felicity sa kaniya.

"Hindi p'wede, magiging kapalit pa kita sa Uno." Nilapitan na siya ni Gabriel at hinigit. 

"Ayan ka na naman! Sabing ayoko nga nang inaalok mo." Pinameywangan niya ang lalaking kaharap. 

"Bakit ba ayaw mong subukan Felicity? Subukan mo lang. Tignan mo kung kaya mo ang alok ko, kapag hindi, okay tatanggapin ko," seryosong saad ni Gabriel sa kaniya.

 Desperado talaga ang Landlord na makahanap nang hahalili sa kaniya. Gustong-gusto niyang mamuhay ng normal. Gusto niyang ma-reincarnate.

Si Felicity nama'y marahang nag-isip. Oo nga, bakit hindi niya subukan? Okay naman pala sa kaniya kung hindi niya tanggapin ang alok nito. Kaso, nakakatakot sa Tenement hindi niya ata maatim na bumalik ro'n gayong alam niya na hindi mga normal na nilalang ang nakatira ro'n.

"Okay, sige pag-iisipin ko. Pero hindi ko sinasabing gusto ko nang alok mo. Mahirap mabuhay nang matagal Gabriel. Parang nakakalungkot 'yon." 

"Oo alam ko. Alam ko ang pakiramdam nang gano'n. Salamat. Subukan mo lang, may isang buwan pa naman ako..."

"Isang buwan?" Kunot-noo na tanong ni Felicity.

"Oo, isang buwan ko pang nanamnamin ang sakit at kalungkutan."  

Sinserong tinitigan ni Feliciry ang binata. Gusto niyang tulungan na maibsan ang dinaramdam nito ngunit

paano? Isakripisyo niya ang  sarili para rito? Eh, ni-hindi niya nga lubos pang kilala ang lalaki.

"Ang drama mo na, sige na umalis na tayo baka magbago pa ang isip ko magpapaiwan talaga ako rito," natatawa niyang sabi.

"Okay. Sa Tenement?"

"Hindi no!" mabilis niyang pagputol sa sinasabi nito. "Sa apartment ko."

Your POV.

Ano Gabriel, okay ka lang ba sa bahay ni Felicity? First time mo 'to na makapasok sa tirahan ng iba. Sa loob nang mahigit tatlong daang taon, ginugol mo lang ang buhay mo sa pagpapalakad sa Tenement. Wala kang ibang inisip kundi ang kapakanan ng tenants mo at kung magkano ang ibabayad nila sa 'yo.

Tanggap mo naman sa sarili mo na isa kang gahaman at sakim pagdating sa pera, hindi ba? Kaya mo nga nakuha ang sumpa na nasa 'yo ay dahil sa kahibangan mo na umangat agad sa buhay noong panahong normal na tao ka lang.

Ngayon, kaya mo kayang paamuhin si Felicity upang saluhin ang kaluluwa mo? 

"Sige lang. Feel at home, Gabriel," sigaw na sabi ni Felicity sa 'yo. Iniwanan kaniya sa sala't tulak-tulak niya ang kaniyang gamit sa kuwarto. 

"Tinawag mo na rin ako sa pangalan ko," tugon mo habang nililinga mo ang iyong paningin sa mga litrato sa may TV.

"Natural, may hihilingin ako eh," anya nang makalabas sa kaniyang silid.

"Hiling?" nagulumihanan mong tanong sa kaniya.

"Oo, nextime punta tayo sa Paris ha."

Nagulat ka sa tinuran niya. Kaya naman mula sa pagkakatayo sa may telebisyon ay naglaho ka't lumitaw sa kaniyang kaliwa. Napatili siya nang i-angat niya ang ulo mula sa pagkakadukwang sa ref. Kamuntik pa niyang mabitawana ang pitsel na may tubig.

Nagkasalubong ang iyong mga kilay na nagsalita. "User ka ano?"

"Hoy! 'Wag ka ngang judgemental. At saka makapagsalita ka, ba't ikaw hindi? "Kumuha siya ng baso't nagsalin ng tubig. "Hindi malamig, pakibuksan mo nga ang fridge. Minimum lang." 

Umiling-iling ka bago i-tap nang isang beses ang ibabaw ng kaniyang refrigirator. Umugong iyon at nagsimulang magpalamig ng laman.

Napangiti si Felicity sa ginawa mo.

"'Wow! Bet ko ang powers mo, pero hindi ang paggiging Landowner." Then she laughed.

"Marami ka pang makikitang kakaiba, Felicity. Just accept it."

"Luh. Biglang may gano'n?" natatawa niyang sabi sa 'yo.

"Magugustuhan mo rin 'yon," sabi mo. 

"Tsk. In your dreams, Mr. Landowner. Titignan ko ang ginagawa mo bilang may-ari no'n pero alam ko na kasi ang sagot ko sa 'yo. Ayoko talaga! Ngunit nakiusap ka at tinulungan mo rin ako kanina... Bigyan kita nang chance wala namang masama eh." Pagsasalita pa niya habang naghahalukay sa cabinet.

"Sabi mo eh," matipid mong tugon sa kaniya.

"May preferred ka ba na gustong kainin?" tanong niya sa 'yo.

"Ikaw." 

Namula ang magkabilang pisngi ni Felicity sa sinabi mo. "T-tanga ka! A-anong ako?"

"Ikaw na ang bahala." Iyon lang at umalis ka't nagtungo sa sofa't prenteng naupo.

Naiwanan mo naman si Felicity na napatunganga sa kawalan. Naisabunot niya ang mga kamay sa kan'yang buhok. Sinilip-silip ka niya habang nakaupo ro'n. Naisipan pa nga niyang batuhin ka nang sahod dahil sa kalokohang sinabi mo. 

"Malagyan nga nang asin ang lulutuin kong noodles," aniya bago binuksan ang kalan.

"Narinig ko talaga 'yon." 

Muli'y sinilip ka niya. "Grabe, matalas din pandinig mo?" 

Nilingon mo naman siya bago nagsalita. "Gusto ko ng Pochero." 

"Hala siya! Hindi ako marunong no'n. Grabe nagdedemand ka pa talaga?" Pagsusungit sa'yo ni Felicity.

"Kanina tinatanong mo 'ko, ngayon sinagot ko ayaw mo naman." Akalain mo 'yon marunong ka rin palang magreklamo, Gabriel?

"Ano ba 'yan!" Kinuha ng dalaga ang cellphone na nakaipit sa kaniyang pantalon at nag-dial. "Magpadeliver na lang tayo..." sambit niya.

"Pizza gusto ko at saka chicken siguro sabayan mo na rin nang soda," sunod-sunod mong request sa kaniya. 

Naisipan mong kuhain ang remote control at binuksan 'yon. Tumambad sa 'yo ang patalastas nang isang ice cream brand kaya nagka-ideya ka.

"Felicity, sabayan mo na rin nang gan'to." Itinuro mo nga ang laman ng telebisyon

"Hoy! Gabriel, empleyado lang ako hindi Manager na kung makahiling ka wagas!" Pagmamaktol niya. Nilapitan ka niya't pinamaywangan.

"Siguro dapat umuwi ka ma sa Tenement, do'n ka na lang kumain. Kairita ka." Ang dami-daming sinasabi ni Felicity ngunit tila hindi ka naman nakikinig. 

Nanatiling nakatutok ang mga mata mo sa tv. 

"Hoy!" Tinapik ni Felicity ang balikat mo. Hindi ka na kasi sumagot mula kanina. 

Na-curious naman ang dalaga kaya sinulyapan din niya ang pinanonood mo. 

Nakadikit ang iyong mga mata sa isang variety show na kung saa'y may tatlong nakaupo sa harapan ng sa table. Mga jugdes sila, alam mo 'yon. 

"Gabriel, okay ka lang?" 

Hindi ka pa rin umiimik, bagkus ay nagkasalubong pa ang iyong mga kilay. Namuo ang apoy sa 'yong dibdib. Naikuyom mo rin na kagaya ng isang baseball ang iyong mga kamay.

"Gab-" hindi na natapos ni Felicity ang sinasabi dahil tinangay na ng hangin presensiya mo. 

Naglaho ka't naiwan siya mag-isa; takang-taka.

Tanging ang pagpatay-sindi na lang nang mga ilaw ang kumaway sa dalaga. 

Nalikom ang galit sa iyong dibdib, Gabriel. Paano'y nakita mo siyang muli. Hindi-hindi ka puwedeng magkamali. Si Fernando 'yon... Ang dating nangangalaga sa Tenement Uno bago ikaw.

Kaugnay na kabanata

  • Tenement Uno   Chapter Nine

    Welcome back! Mabangong amoy ng piniritong bacon at itlog ang nagsumiksik sa aking ilong. Napatagilid ako nang aking pagkakahiga, paharap sa pintuan. Nakapagtatakang nakapasok sa loob ng silid ko ang nag-a-alab na amoy na 'yon. Wala namang open area ang kuwarto ko na nagdudugsong sa aking kusina. "Ang bango..." Niyakap ko nang mahigpit ang aking unan at makulit na pinagpantasyahan 'yon. "Good Morning, Love." Kunwari'y may body touch kami ni In-guk ngayon. Hindi ko siya nagawang masilayan nang mapadpad kami ni Gabriel sa Korea kahapon. Kaya kahit sa panaginip ko na lang ay mayakap ko siya. My one true love! "Talaga mabango ako?" "Oo, Gukshi ko." Hinigpitan ko pa lalo ang yakap sa unan. "Nice," he answered. Ngunit nalito ako sa sinabi niya. At nagsasalita ang aking unan? Tsk. Grabe na talaga ata ang pagkahumaling ko kay In-Guk maging sa daydrean ay nag

    Huling Na-update : 2021-11-23
  • Tenement Uno   Chapter Ten

    Chapter 10"May pa-don't underestimate ka pang nalalaman diyan. Canton at nilagang itlog lang pala ang lulutuin mo," pangangantiyaw ni Feliciy kay Gabriel. "'Yon ang pinkamadali Felicity, at saka wala ako sa mood para magpa impress sa 'yo," sagot niya sa dalaga habang inilalapag ang pinggan sa lamesa."Impress talaga?" "Oo. Para tanggapin mo ang alok ko sa 'yo," anito at ang baso naman ang ipinuwesto sa hapag nila.Tinawanan ng babae si Gabriel. Ilang beses niyang klinaro rito na wala talaga sa isipan niya ang tanggapin ang alok na pagpapatakbo sa Tenement."Sabi mo'y susubukan mo.""Oo sinabi ko nga 'yon... Pero deep inside sa puso ko, ayaw ko talaga. But then, dahil I owe you something... Okay, let's see kung magutushan ko nga ang pagiging Landowner," Felicity also stated while putting on the hard boiled egg on the center of the table. "I'll do anything just to change your mind." Gabriel pulled Felicity's chair and signed her to sit down. Nginitian siya ni Felicity with matching

    Huling Na-update : 2021-11-25
  • Tenement Uno   Chapter Eleven

    Disclaimer: Contains some scenes with 'SLIGHT' of Violence.A short update for now. Cold breeze hugged and kissed me. I opened my eyes and and tried to lift my body. But, to my surprise I can't move even an inch. What happened? I am lying on the dirty and cold floor. May hands and feet were being handcuffed my a thick rubber straw. I began to untie it but nothing happened. It's just to tight to unlock. "Anybody there?" I shouted but my voice just echoed to the dark building. "Ano ba ang nangyari? Nasa'n ako?" pagtatanong ko sa aking sarili. All I can remember is that I was with Mrs. Youngster to fetch her daughter Farrah. I also remember waving at here... then nothing. It's empty. "Someone please answer me!" I cried for help. Sino'ng walang puso ang kumidnap sa akin. Wala naman silang matatawagan na kamag-anak para ipa

    Huling Na-update : 2021-11-26
  • Tenement Uno   Chapter Twelve

    "Hindi mo ba ako puwedeng patawarin na? Hindi ko naman alam ang tungkol sa mga 'eklabush' na gate o kung ano pa man na mayro'n kayo?" pagpapaliwanag ko sa kaniya habang inaalis niya ang tali ko sa kamay at paa. Ang sakit nang katawan ko na nagasgas ata sa kahihila niya sa akin kanina. Dikit iyon sa sahig kaya ang walang saplot na bahagi ay humapdi. Hindi tiles ang building na ito, ang low nang budget. Pero, ang pinaka tanong sa lahat. Nasa'n nga ba ako? Ang sakit pa ng ulo ko dahil sa ginawa ng babae na 'yon sa akin. He tortured my head, tila nakalkal ang pinakaloob-looba ng utak ko. Nasapo ko pa 'yon dahil kumikirot din. "Ma'am... I am so sorry sa nangyari sa anak mo. Hindi ko talaga alam ang nangyari." I tried and tried to explain to her na sana'y maintindihan niya naman. "Shut up! Wala na ang anak ko. Ano pa ang saysay nang lahat? Pero- syempre, hindi ako papayag nakikita kang nabubuhay pa habang ako naglu

    Huling Na-update : 2021-11-28
  • Tenement Uno   Chapter Thirthteen

    Chapter 13 'Vamir' "Ilabas mo na agad siya Vamir!" Sigaw ni Gabriel sa lalaki na kaniyang kasama. Nakalapit na siya sa babae ngunit nakatitig lang 'to ro'n; habang kinakapos na nang hininga ang dalaga'y nagmumuni-muni pa siya. "VAMIR!" Dumagundong ang malakas at buong-buo na boses ni Gabriel sa silid. Gusto niyang takbuhin na ang kinaroroonan nag dalaga ngunit hindi niya magawa. Mas inisip niya na baka makatakas pa sa kaniya si Hermina. Tila tulog na biglang naalimpungatan si Darren sa pagtawag muli ni Gabriel sa kaniya. Idinamba niya nang pagkalakas-lakas ang matibay at makapal na salaming aquarium. Sa loob nama'y hirap na hirap na si Felicity. Wala nang hangin ang pumapasok sa respiratory system niya. Konti na lamang ay tubig na ang papasok sa kaniyang ilong. Sa hindi i

    Huling Na-update : 2021-11-28
  • Tenement Uno   Chapter fourtheen

    Year 1650. Hingal na hingal na ako sa katatakbo. Tingin sa kaliwa, sa kanan nailigaw ko na yata ang mga guwardya na kanina pa tumutugis sa akin. Kamatayan ang sasapitin ko sa oras na ako'y mahuli nila. Kailangan kong makahanap nang mapagkukublian. Nagpalinga-linga ako. Naagaw nang pansin ko ang isang malaking mansion. Kahit na mataas at makapal ang pader ay lumitaw pa rin ang parteng itaas na palapag ng bahay. "Mukhang mayaman ang may-ari. Marami akong makukuha na kagamitang p'wede ibenta." Sumilay ang nakakalokong ngiti sa aking mga laba. Hindi ko naisakatuparan ang planong pagnanakaw sa tahanan ng mga Perez dahil nahuli agad ako nang mga guwardya. Dito na lamang ako babawi. Tinungo ko ang tarangkahan, inestima kung saan may ma-a-akyatan. Ngunit hindi pa man din ako nakasasampa ay bumukas na ang malaking pintuang pang-labas. Napaatras ako sa gulat.Mayamaya pa ay iniluwa ni

    Huling Na-update : 2021-11-29
  • Tenement Uno   Chapter 15

    "Hey, Felicity come down!" Inagapan namin ang pupungas-pungas na si Felicity. Nabigyan ko na siya nang paunang lunas mula nang makauwi sila ni Darren sa Tenement.Karga ng bampira na mainitin ang ulo si Felicity sa aking silid. Inilublob ko siya sa tubig upang mas maging mabisa ang aking power to heal.Naalis ko na ang excess water na nakapasok sa kaniyang katawan. Muli'y binuhat siya ni Darren at dinala sa sarili niyang kuwarto. Doon na namin hinantay na magkamalay siyang muli.At habang nag-aantay ay nalaman ko ang buong pangyayari sa kaniya. Si Mrs. Pattinson ang may gawa kung ba't siya biglang nawala. Hindi niya pa rin matanggap ang pagkawala nang kaniyang anak kaya'y idinadaan niya sa paghihiganti kay Felicity ang nangyari.Inayos kong mabuti ang kaniyang higaan kanina. Nagkaroon siya nang ilang gasgas sa braso. May hiwa rin nang nabasag na salamin sa kaniyang pisngi. Maliit lang naman 'yon ngunit nakababahala pa rin.Naubo s

    Huling Na-update : 2021-11-30
  • Tenement Uno   Chapter 16

    Ano'yon? May pa 'let's meet at 7pm ang lolo mo. Nagpagulong-gulong ako sa malambot na kama habang iniisip ang sinabi ni Gabriel kanina.Nalilito ang utak ko kung bakit may pa gano'n na effect pa siya. Okay na 'yong sorry niya eh.Muli'y gumulong ako pakanan dahilan para malaglag ako sa higaan. Hindi ko namalayang konti na lang pala ang agwat ko sa dulong bahagi ng kama."Aray ko po!" Bulalas ko.Hinila ko ang sapin sa kama sa inis, para akong bata na nagwal dahil naagawan ng kendi.Mayamaya ay naisipan ko nang tumayo mula sa papag. Tinignan ko ang aking itsura sa salamin.Marahan kong dinampian ang bruise na nasa may pisngi ko. Doo'y bumalik ang pangit na pangitaing nangyari sa akin."Hayaan mo ba Felicity, maganda ka pa rin naman." Pagpapa-amo ko sa aking sarili."Breath some fresh air, girl. Lumabas ka at kalimutan ang nangyari. You need to move on." Mukha mang tanga

    Huling Na-update : 2021-12-02

Pinakabagong kabanata

  • Tenement Uno   Chapter 140

    After 100 years."So, paano ba 'yan? Mauna na muna kami? Kailangan ko ng humabol sa enrollment nitong si Letizia. Ikaw na muna ang bahala rito ha." Ginawaran ni Felicity ng halik sa pisngi ang kaibigang si Cindie. Pinakiusapan niya ang kaniyang kaibigan na siya na munang mamahala sa Apartment na pagmamay-ari niya. Kailangan niyang samahan ang anak sa bago nitong papasukang paaralan."Oo na, ako na ng bahala rito. Enjoy kayo ni baby girl, okay?" Pinisil pa ni Cindi nag matambok na pisngi ng kaniyang inaanak kay Felicity. "Ninang naman eh. Malaki na

  • Tenement Uno   Chapter 139

    Dumating ang dalawang bampira sa Council building. Sapilitan ang kanilang ginawang pagpasok sa pribadong lugar ng mga supernaturals. Pinatumba pa nila ang mga security na nagbabantay sa buong paligid. Handa si Darren sa magiging kaparusahan sa ginagawa niyang karahasan ngayon, ang tanging goal lamang niya ay ang tulungan at bumawi kay Felicity. 'Yon lang. Ilang nagbabantay ang naibalibag at napatulog niya sa bawat bigwas na kaniyang ginawa. Pasulyap niya na tinatapunan ng tingin si Felicity. Bago lang sa kaniya ang bagay na 'to, at kakailanganin pa nito ng gabay. Ngunit sa pinapakita niya ngayon ay mukhang hindi na niya kailangan ng gano'n. Katulad niya'y marami na rin itong napabagsak na mga nakaitim na tagapangalaga ng kapayapaan sa loob ng Council. Tuluyang lumabas ang pangil na pinipigilan ni Felicity, na-triggered lang ng may biglang sumakal sa kaniya. Ang guwardiyang 'yon ng naging kauna-unahang nilalang na nakagat niya. Kumapit ng mapulang dugo sa kaniyang ngipin at labi.

  • Tenement Uno   Chapter 138

    Hindi maramdaman ni Felicity ang paa niya na sumasayad sa lupa. Napakabilis ng pangyayari, bigla niya na lamang nadama ang pagbilis nang tibok ng kaniyang puso. Punong-puno siya ng adrenalin, matapos n matikman ang dugo ng kaniyang mga kaibigan ay para ba siyang nabuhayan. Tuluyan nang naintindihan ni Felicity kung ano ang mga kakatwang tunog na naririnig niya. Naging klarado ang mga bagay na 'yon sa babae. Sa kaunting panahon ay natutunan niya ang teleportation, bumilis din ang kilos niya, specifically, sa pagtakbo.Masarap sa pakiramdam ngunit nakakatakot dahil sa kabila nito'y hindi nito alam ang iba pang rules ng pagiging isang bampira. Lalo na ang tungkol sa pag-inom ng dugo, 'yon ang pangunahing pinagkukunan nila ng lakas. Ngayon ay inisip lang niya na pupunta siya sa T

  • Tenement Uno   Chapter 137

    Eight in the Evening."Master. Master." Niyugyog ng house elf nang paulit-ulit ang nakahandusay na si Felicity. Naikilos naman ni Felicity ang kaniyang kaniyang ulo pabaling bilang sagot sa house elf. Mayamaya ay binuhay na nito ang kaniyang amo patungo sa malambot na sofa. Pinaypayan at inabutan muli ng tubig. Naubos niya ang lamn niyon ngunit wala pa ring epekto. Nanghihina na ang kaniyang katawan, sa hindi niya malamang dahilan."Master. Narito na sila." Doon lang nagmulat ng kaniyang mata si Felicity, hirap ngunit pinilit pa rin niya. Eksaktong sa paglinaw ng kaniyang paningin ay ang pagdating ng mga kaibigan niya galing sa Tenement. Sina Victoria, Cin

  • Tenement Uno   Chapter 136

    Dinala ng apat na kalalakihan si Gabriel sa Council. Binitbit na lang nila basta-basta ang landowner ng Tenement Uno. May kumalat na balita patungkol sa pagkamatay ng pantas na si Dessalonia- at si Gabriel ang idinidiin nilang may gawa ng pagpasyal. Paghihiganti kuno ang motibo. Pagkapasok pa lang ay idineretso na nila si Gabriel sa silid ng pagpupulong. Naroon, nakaupo sa kani-kanilang mga silya ang mga deities na may iba't ibang katungkulan. Ang matandang si Lusarias, ang diyosa ng Klima't Panahon na nakaupo sa pinakadulong bahaging upuan.Si Andromeda, ang diyosa ng Kagandahan ay naroon din. &n

  • Tenement Uno   Chapter 135

    KINAUMAGAHAN ay nagpasya na kami ni Gabriel na umuwi na. Tiyak matutuwa si Fifi kapag nalaman niya na nakabalik na kaming dalawa. Pinahiram na lang kami ni Kira ng kotse para hindi na kami mahirapan pa sa pag-uwe. Pinadalhan niya pa kami ng mga pagkain at ilang souveniers daw sa pagtungo namin sa kaniyang resort. Tuwang-tuwa ako ro'n sa unan na may nakaprint na mukha ni Kira. Ano't gano'n ang souvenier niya? Hindi man lang print ng kaniyang resort, eh. Kumaway ako kay Kira nang nagsimulang paandarin ni Gabriel ang sasakyan. He also waved back to us, hanggang sa tuluyan kaming makaalis.

  • Tenement Uno   Chapter 134

    Hindi pa rin matapos-tapos ang pangungilit ko kay Gabriel hanggang sumapit ang gabi. Nagpaka-clingy ako sa kaniya. Inaya ko siyang sa silid ko matulog para makanood kami ng movies at kumain ng popcorn. Nasa kusina kami ngayon ni Gabriel habang siya ang kitchen master at ako ay nakaupo lang at nakatunganga sa kaniya. Binabantayan ko ang bawat kilos na ginagawa niya. Simula sa pagbukas ng gas stove hanggang sa paglalagay ng mga rekado sa lutuan. Ang sabi niya'y magluluto raw siya ng pasta, 'yong mas masarap daw sa iniluto ni Darren. Medyo natawa ako sa sinabi niyang 'yon. Nabanggit pa talaga niya si Darren? "Masarap ba talaga 'yan?" tanong ko sa kaniya ng ilagay na niya ang cream sa pan.

  • Tenement Uno   Chapter 133

    Masaya lang ako buong maghapon na kasama si Gabriel. Ngayon araw ay nagkaroon na kami ng pagkakaunawaan, ngayon kung kailan huli na. Kumain kami, naglakad-lakad at nagpabalik-balik sa pag-swimming. Pinahiram kami ng kaibigan niyang si Kira ng speedboat. Nakakatakot dahil first time kong makasakay do'n pero dahil kasama ko naman si Gabriel ay walang naging problema. Actually, naging masayang masaya lang kami. Magkahawak ang kamay, magkayakap at nahahalikan ko siya, bilang siya. Ilang beses kong tinititigan si Gabriel kapag may pagkakataon, kitang-kita ko rin sa kaniya ang kaligayahang na nabubuo sa kaniyang mga mata.

  • Tenement Uno   Chapter 132

    Chapter 132"Good morning." Nakangiti at masaya kong bati kay Gabriel nang magising siya. Kanina pa ako nakatitig sa kaniya. Hindi na ako nagulat na narito siya sa tabi ko, walang suot na kahit ano at tanging ang puting kumot lang ang nagtatakip sa kaniyang katawan--ah hindi! Sa aming dalawa pala. Nakapatong ang baba ko sa palad ko, kung saan nakatukod naman ang siko ko sa higaan. Iginalaw niya ang kamay at ipinatong sa aking ulo. He becane to caress my hair. "I hope you have a good sleep," sabi ko.

DMCA.com Protection Status