(Venal POV)Agad na yumuko ang mga kasamahan kong tauhan ng dumating si Master Dryzen. Kakalabas lang kanina ni Miss Dahlia at ibig sabihin nag-cross ang landas nila kanina. Yun kung napansin nga niya si Miss Dahlia, dahil base sa nakikita ko sa kanyang mukha, di maganda ang kinalabasan ng conference.Di ko lang inaasahan ng pinalipad niya sa harapan ko ang hawak niyang mga papel.Oo, ganyan ka-maldito ang princippi ng mga dragon.“Wag mo sa akin sasabihin na hindi mo siya nakumbinsi tangapin ang kontrata.” Alam kong para sa akin ang sinabi niya. Agad siyang sumalpak sa upuan, at isinandal ang likuran niya saka ipinikit ang kanyang mga mata. Ibig lang sabihin napansin niya ang presensya nga ni Miss Dahlia sa kompanya niya.Walang nais na pumulot ng mga nagkalat na mga papel. At pati ang mga kasamahan niya kanina, nakatayo sa tabi at nangangamoy ang takot nila kay Master Dryzen. Kaya naman senenyasan ko silang lahat na magsilabasan.“Master Dryzen, hindi pa niya narinig ang tungkol sa
(Venal POV)Lumabas ako ng kusina na kampante nga ako sa inutos ko kay Miss Dahlia. Nang sinadyang hinarang ako ni Miss Lilith.“Sigurado ka ba talaga sa ginagawa mo, Sir Venal.” Ngumiti ako sa kanya. Dinaanan ito ng tapik sa balikat at iniwan ang salitang…“Ipapaalala ko lang sayo Miss Lilith, hindi ka na maaring pumasok ng kusina lalo na ang mga alipores mo. Walang magpapaki-alam kay Miss Dahlia, kung mahal mo ang trabaho mo, at kung hindi mo hinahayaan na mapalitan ka sa trabaho mo lalo na ng isang kagaya ni Miss Dahlia.”“Ano ba talaga ang pinaplano mo?” Tumigil ako at lumingon ako sa kanya.“Lilinawin ko lang, hindi ito plano ko, plano ito ni Master Dryzen.” Na parang ikakaluha na ng mga mata ni Miss Lilith sa sinabi ko. “Alam mo ang ibig sabihin niyan.” Nagseryoso na din ako ng aking mukha. “Wag na wag mong susubukan na humarang sa kagustuhan ni Master Dryzen.”Saka tumalikod na ako.“Miss Lilith.” Na bigla atang ikinahilo ni Miss Lilith ng mga sinabi ko para nga manghina siya.
(Dahlia POV)Agad na hinanap ko ang anino ng boss namin, hangang sa tumama ang paningin ko sa isang nilalang na biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Mga mata niya… Ang auwra nito… Sobrang nakakaramdam talaga ako ng kakaibang pakiramdam.At hindi ko inaasahan na magkakatagpo kami ulit ng misteryosong lalaki sa opisina ng boss namin. Kagaya ba ni Sir Venal ang katayuan niya sa kompanyang ito?Ngumisi ito sa akin na kaagad kong ikinalunok laway. Sa totoo lang mabibitawan ko sana ang hawak kong tray. Di man lang sa akin sinabi ni Sir Venal kung ano ba ang hitsura ng boss namin.Nanginginig man ang buo kong katawan dahil sa presensya ng misteryosong lalaki, nagawa ko parin ngumiti ng pilit dito. Alam kong kahit paano naalala niya ang isang kagaya ko diba?“Hello.” Tanging nakuha kong salita at bahagyang na nga akong lumapit dito. “Hindi sa akin sinabi ni Sir Venal kung nasaan ang boss natin, nasaan siya?”Ipinikit nito ang kanyang mga mata, at nagulat na lamang ako ng bigla itong tumawa
(Dahlia POV)Miss Dahlia din ang tawag niya sa akin. Kahit ba ganito ako kababang tao, nakikita parin niyang respetuhin ako? Sinabi ko nga kanina, parang hindi siya isang ordinaryong tao… Nasa kanya na ata ang lahat na hinahanap ng isang babae sa isang binata. Kasama na doon ang pinapakita nga niyang respeto sa isang kagaya ko.“Anyway, sa ayaw mo man o gusto mo, ang tungkulin na yun ay para sa’yo.” Ngumisi siya. Ngising demonyo na hinuli ang paningin ko. “Ngunit sa tamang oras. Mananatiling bukas ang trabahong yun sayo at kung magbago man nga ang isipan mo, bago ako mainip, nakalatag yun sa’yo kahit anong oras.”Kailangan ko na bang kabahan? Bago siya mainip? Anong koneksyon noon sa special na trabahong nais nitong ibigay sa akin?“You may go. Sabihin mo kay Venal na pinapapunta ko siya ngayon din.”Agad akong tumayo, at bago umalis napa-bow ako sa harapan nito.Oo, parang bigla akong kinabahan sa trabahong pinipilit nila sa akin.Lumabas ako sa opisina nito na yakap ang tray. Nadatn
(Venal POV)“Magpapatawag ako ng tatapos niyan ngayon. Sa ngayon, kailanga niyo sa akin sumama para nga ipagluto ng hapunan si Master Dryzen.”“Ayos lang ba kay Miss Lilith.”“Hindi ayos, kapag hindi kumain ng hapunan si Master Dryzen.” Pagtatama ko kung sino nga ang kailangan niya ipriority.“Ahh. Ganoon po ba?”Kaya wala nang nagawa si Miss Dahlia kundi sumama sa akin. Habang papunta sa kusina, tinawagan ko ang assistant ni Lilith at sinabi dito na kailangan nga nilang tapusin ang pag-aayos ng bodega sa boung magdamag. Worst, sinenyasan ko nga kanina ang mga tauhan ko na guluhin lalo ang bodega. Tss. Sino ngayon Lilith ang kailangan mag-overnight? Tsk.Nang dumating kami sa Kusina, kaagad na isinuot ni Miss Dahlia ang kanyang apron. Wala man siyang pahinga dahil nga sa ginawa ni Lilith, pero sa nakikita ko kusina ang lugar na pinagkaka-enjoyan niya. Hinayaan ko lang si Miss Dahlia sa niluluto niya habang inaatupag ko nga ang mahahalagang papelis na ilalapag sa harapan ni Master Dryz
(Dahlia POV)“Within two weeks, Venal.”Hindi ko maintindihan ang sinabi nito kay Sir Venal at para saan nga ba. Ngunit tumango naman si Sir Venal. Tumayo na si Master Dryzen, at kaagad na sinundan ng mga tauhan niya. Nang makaalis ito, saka ako napa-burp. Napalingon ang naiwan sa silid lalo na si Sir Venal na mayroong ngiti sa kanyang labi.“Nagustuhan niya ang niluto mo Miss Dahlia.”Nahihiya na lang talaga ako tumango. Saka napatayo na din ako dahil nakita kong malalim na ang gabi.“Anong oras na po ba Sir Venal.” Hindi man lang tumitig sa relo niya, kundi walang kurap na sinabing…“Seven, eighteen PM.”“Ka-kailangan ko na umuwi. At hindi ko pala nasabi sa HR na kung maari hangang six PM lang ako dito. Okey lang na maaga akong pumasok, basta maka-uwi ng maaga. Wala akong pagkakataon na sabi—.”“Ibig lang sabihin Miss Dahlia, maaga natin gagawin ang hapunan ni Master Dryzen. Wala kang kailangan na ipag-alala sa Human Resources ng kompanya, naka-direkta ka kay Master Dryzen.”Marami
(Dahlia POV)“Ikaw ang bahala Sir Venal. Binalaan ko na kayo. Hindi kayo nababagay sa palenkeng yun. Para lang yun sa mga mahihirap. Saka sabi mo sa akin babalik ka pa sa kompanya, baka madumihan lang yang damit mo, o mangamoy kayo. Ikaw din.”“Don’t be concerned about that Miss Dahlia. It is a simple thing.”“Ginagawa niyo ito Sir Venal ay dahil kailangan niyo ako makumbinsi? Ang akin lang naman Sir… Tignan niyo naman ako. Isa lang naman akong simpleng babae. Walang pinag-aralan, at isa pong bata na iniwan sa bahay-ampunan. Ang isa kagaya ko po talagang nababagay lang maging taga linis. O mas maganda taga-luto. Pero kahit nga tagaluto dapat may pinag-aralan din. Kaya hangang taga-linis lang talaga ako. Alam kong may kinalaman yang special na trabaho sa kompanya. Sasabihin ko na po ito at parang hindi niyo nakikita, wala po akong alam sa pagpapatakbo ng kompanya.”Hinaluan ko na ng biro saka hinala tungkol sa trabaho.Hehe.Ngunit bilang tugon ni Sir Venal, ngumiti lamang ito sa akin.
(Dahlia POV)Agad akong bumaba ng sasakyan at muli akong tinulungan ni Sir Venal upang ibaba ang pinamili ko. Nagpumilit pa siyang ihatid ako sa loob ng bahay pero nanindigan na talaga akong tumangi.“Naku po Sir Venal, wag na po kayong mag-abala. Alam ko pong marami pa kayong gagawin sa kompanya. Saka maraming salamat po sa paghatid niyo sa akin at sa pagsama sa pag-go-grocery. Ipaabot niyo rin po kay Master Storm ang pasasalamat ko sa kanyang kabutihan.”“Walang anuman Miss Dahlia.”“Nag-aalala nga po ako na baka nangamoy kayo dahil sa pamimili natin, at saka yung sasakyan niyo dahil sa pinamili ko. Lilinisin ko na lang po—.” “Natutuwa kami Miss Dahlia na mamasukan ka sa kompanya. Kulang pa itong ginawa ko upang masuklian ang ginawa mo.”“Ay, hindi po. Ako po talaga ang dapat magpasalamat.” Ngumiti si Sir Venal sa akin. “Balang araw Miss Dahlia mauunawaan niyo ang sinasabi ko.”Di ko talaga maintindihan ang sinabi ni Sir Venal, baka nga balang araw maunawaan ko.“Sige po. Nga pal
(Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da
(Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl
(Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog
(Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha
(Dahlia POV)“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang
(Dahlia POV)“Kung hindi ko lang alam na magnanakaw ka Miss Yuki, sa bookstore pa lang lumuhod na ako sa harapan niyo. Ngunit mas mababa ka pa sa mas mababang nilalang, kung hindi ka marunong rumespeto ng pinaghirapan ng ibang tao.”“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala n
(Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama