(Venal POV)“Magpapatawag ako ng tatapos niyan ngayon. Sa ngayon, kailanga niyo sa akin sumama para nga ipagluto ng hapunan si Master Dryzen.”“Ayos lang ba kay Miss Lilith.”“Hindi ayos, kapag hindi kumain ng hapunan si Master Dryzen.” Pagtatama ko kung sino nga ang kailangan niya ipriority.“Ahh. Ganoon po ba?”Kaya wala nang nagawa si Miss Dahlia kundi sumama sa akin. Habang papunta sa kusina, tinawagan ko ang assistant ni Lilith at sinabi dito na kailangan nga nilang tapusin ang pag-aayos ng bodega sa boung magdamag. Worst, sinenyasan ko nga kanina ang mga tauhan ko na guluhin lalo ang bodega. Tss. Sino ngayon Lilith ang kailangan mag-overnight? Tsk.Nang dumating kami sa Kusina, kaagad na isinuot ni Miss Dahlia ang kanyang apron. Wala man siyang pahinga dahil nga sa ginawa ni Lilith, pero sa nakikita ko kusina ang lugar na pinagkaka-enjoyan niya. Hinayaan ko lang si Miss Dahlia sa niluluto niya habang inaatupag ko nga ang mahahalagang papelis na ilalapag sa harapan ni Master Dryz
(Dahlia POV)“Within two weeks, Venal.”Hindi ko maintindihan ang sinabi nito kay Sir Venal at para saan nga ba. Ngunit tumango naman si Sir Venal. Tumayo na si Master Dryzen, at kaagad na sinundan ng mga tauhan niya. Nang makaalis ito, saka ako napa-burp. Napalingon ang naiwan sa silid lalo na si Sir Venal na mayroong ngiti sa kanyang labi.“Nagustuhan niya ang niluto mo Miss Dahlia.”Nahihiya na lang talaga ako tumango. Saka napatayo na din ako dahil nakita kong malalim na ang gabi.“Anong oras na po ba Sir Venal.” Hindi man lang tumitig sa relo niya, kundi walang kurap na sinabing…“Seven, eighteen PM.”“Ka-kailangan ko na umuwi. At hindi ko pala nasabi sa HR na kung maari hangang six PM lang ako dito. Okey lang na maaga akong pumasok, basta maka-uwi ng maaga. Wala akong pagkakataon na sabi—.”“Ibig lang sabihin Miss Dahlia, maaga natin gagawin ang hapunan ni Master Dryzen. Wala kang kailangan na ipag-alala sa Human Resources ng kompanya, naka-direkta ka kay Master Dryzen.”Marami
(Dahlia POV)“Ikaw ang bahala Sir Venal. Binalaan ko na kayo. Hindi kayo nababagay sa palenkeng yun. Para lang yun sa mga mahihirap. Saka sabi mo sa akin babalik ka pa sa kompanya, baka madumihan lang yang damit mo, o mangamoy kayo. Ikaw din.”“Don’t be concerned about that Miss Dahlia. It is a simple thing.”“Ginagawa niyo ito Sir Venal ay dahil kailangan niyo ako makumbinsi? Ang akin lang naman Sir… Tignan niyo naman ako. Isa lang naman akong simpleng babae. Walang pinag-aralan, at isa pong bata na iniwan sa bahay-ampunan. Ang isa kagaya ko po talagang nababagay lang maging taga linis. O mas maganda taga-luto. Pero kahit nga tagaluto dapat may pinag-aralan din. Kaya hangang taga-linis lang talaga ako. Alam kong may kinalaman yang special na trabaho sa kompanya. Sasabihin ko na po ito at parang hindi niyo nakikita, wala po akong alam sa pagpapatakbo ng kompanya.”Hinaluan ko na ng biro saka hinala tungkol sa trabaho.Hehe.Ngunit bilang tugon ni Sir Venal, ngumiti lamang ito sa akin.
(Dahlia POV)Agad akong bumaba ng sasakyan at muli akong tinulungan ni Sir Venal upang ibaba ang pinamili ko. Nagpumilit pa siyang ihatid ako sa loob ng bahay pero nanindigan na talaga akong tumangi.“Naku po Sir Venal, wag na po kayong mag-abala. Alam ko pong marami pa kayong gagawin sa kompanya. Saka maraming salamat po sa paghatid niyo sa akin at sa pagsama sa pag-go-grocery. Ipaabot niyo rin po kay Master Storm ang pasasalamat ko sa kanyang kabutihan.”“Walang anuman Miss Dahlia.”“Nag-aalala nga po ako na baka nangamoy kayo dahil sa pamimili natin, at saka yung sasakyan niyo dahil sa pinamili ko. Lilinisin ko na lang po—.” “Natutuwa kami Miss Dahlia na mamasukan ka sa kompanya. Kulang pa itong ginawa ko upang masuklian ang ginawa mo.”“Ay, hindi po. Ako po talaga ang dapat magpasalamat.” Ngumiti si Sir Venal sa akin. “Balang araw Miss Dahlia mauunawaan niyo ang sinasabi ko.”Di ko talaga maintindihan ang sinabi ni Sir Venal, baka nga balang araw maunawaan ko.“Sige po. Nga pal
(Dahlia POV)Nang makaalis si Sir Venal nakahinga na ako.Lumapit ako sa switch ng ilaw, dahil ng pumasok ako sa bahay ilaw lamang na nangagaling sa figurine ang nagbibigay ng liwanag sa loob ng bahay. Nang pailawan ko, halos malaglag ang puso ko dahil si grandma naka-upo sa rocking-chair nito, at parang kanina pa niya ako hinihintay.“Ginulat niyo naman ako Grandma.”“Ipaghanda mo na ako ng makakain, kanina pa akong nagugutom.” Medyo magaspang na sinabi sa akin ni Grandma. Tila ba isang dalaga na malapit nang datnan ng kanyang dalaw. Pero hindi ko maitatangi na biglang nagbago ang pananalita niya. Dahil ba sa perang natangap niya sa mayabang na si Kai Carter? Tsk. O dahil late na nga masyado para sa hapunan nito kaya nagagalit na. “Ah opo.” Kaya dumiretso na ako sa kusina. Isinabit ko muna ang aking slingbag sa may dingding.“Parang kakaiba ata ang amoy mo ngayon Dahlia.” Na hindi ko aakalain na sinundan pala ako ni Grandma. Nagulat na naman ako, at tila mahuhulog ang puso ko.Luma
(Yuki POV)“Kuya, minamaliit nila ako. Pinagloloko… Yung ginawa nilang tsaa, kahit katiting hindi tumugma sa tsaang nabibili sa tindahang ito. Ang amoy, napakalayo sa amoy ng paborito nating tsaa.” Reklamo ko at lumapit ako sa kanya, saka niyakap ito. Ngunit hindi niya ibinalik ang yakap, bagkus mas ginusto nitong kumalas at lumapit sa sofa. Hindi ako makapaniwala na hindi niya ako kinumfort muna.Ang mga mata ni Kuya Kai ay abalang pinagmasdan ang bawat sulok ng lugar. Ang mga sirang instrumento, ang mga basura kong nagkalat at ang hitsura ng paligid.“Hindi parin ako makapagsulat ng maayos Kuya Kai.” Amin ko sa kanya. “At sana hindi ka madismaya sa akin. Parang may kulang pa kasi. Bukod sa lugar na ito, kailangan ko ang gumagawa mismo ng paborito nating tsaa. Nasaan ba siya? Nakausap mo ba siya Kuya Kai?”Napabuntong hininga is Kuya Kai. Binigyan lamang ako nito ng malungkot na ngiti. Saka itinuro ang upuan sa kanyang harapan. Nais niyang maupo ako… Ayaw ba niya ako maupo sa kanyang
(Yuki POV)Pero mas lalong uminit ang ulo ko dahil nagsasayang lang talaga ako ng oras. Hindi ko magawa.“P*nyeta!” Suko ko at pinalipad ang lahat ng gamit na makita ko sa kusina. Huminga ako ng malalim at napatitig sa head chef… Yukom ang aking dalawang kamay, na talagang naiinis na ako.“Sabihin mo sa akin sino ba ang gumagawa ng paborito naming Tsaa ni Kuya Kai dito? Ah hindi. Kaladkarin niyo ang taong yun sa harapan ko at wala akong pakialam kung sino man siya!” Titig ko sa mga tauhan na nasa sulok.May alinlangan sa mga mata nila… “Ano pa ang tinutunganga ninyo! Alam kong kilala niyo kung sino ang gumagawa ng tsaang yun! Kumilos na kayo at dalhin niyo siya sa akin ngayon din!”Ngunit biglang bumukas ang pinto, at pumasok ang nanunuyang Secretarya ni Kuya Kai. Si Secretary Ma.“Gusto niyo pa talagang itulak ko kayo isa-isa?!” Wala akong pakialam kung nasa presensya namin si Cedrick. Kahit siya walang karapatan na galawin ako.Nang aktong lalapit na ako sa nagbibingi-bingihan kong
(Yuki POV)“Miss Yuki, time’s up. Malalim na ang gabi para manatili pa kayo dito.” Kuha ni Cedrick ng attention ko. Umangat ang paningin ko sa kanya. Ngumisi ako.“Ang tsaang yun ang importante Cedrick. Dahil kung wala ang tsaang yun, hindi ako makakagawa ng magandang kwento. Ikaw, maari ba kitang sisihin kapag wala na naman akong maisulat?”“Iniisip lang namin ang kalusugan niyo Miss Yuki. Isang nilalang na kailangan imaintain ang maayos na pagpahinga kung hindi baka matuluyan kayong mabaliw. Nagkataon lang na mahalaga kayo kay Master Kai, kaya sana wag niyo na kaming pahirapan. Ayoko din naman na ipakaladkad ka pauwi ng Mansion, ngunit kung kailangan na gawin, bakit hindi. Anong sa tingin niyo Miss Yuki? Nais niyo bang kaladkarin?” Sa mga mata ni Cedrick bakas na hindi siya nagbibiro. Binigyan man niya ako ng pilit na ngiti, ngunit paubos na ang kanyang pasensya.“Fine. But let’s have a deal first, Cedrick. Sasama ako sa inyo ngayon ng bukal sa loob ko, ngunit bukas na bukas ang nai
(Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da
(Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl
(Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog
(Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha
(Dahlia POV)“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang
(Dahlia POV)“Kung hindi ko lang alam na magnanakaw ka Miss Yuki, sa bookstore pa lang lumuhod na ako sa harapan niyo. Ngunit mas mababa ka pa sa mas mababang nilalang, kung hindi ka marunong rumespeto ng pinaghirapan ng ibang tao.”“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala n
(Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama