Ngunit sa kalagitnaan ng eksena ay biglang napalingon ang dalawa nang pumasok si Julian. "Dad, w-what is happening here?" nagtatakang sabi ni Julian nang makita ang mga nagkalat at basag na bote sa sahig. "Amh...buti naman at maaga kang nakauwi ngayon. Kailangan ninyong mag-usap na mag-asawa Julian. Kung hindi pa ako napasugod dito ay hindi ko malalaman na may nangyayari na pa lang hindi maganda sa pagitan ninyong mag-asawa," malamig na sagot ng kanyang Ama. "Dad, wala ka dapat ikabahala. Okay kami ni Veca, at isa pa Honey, bakit ganyan ang itsura mo, anong nangyari dito?" wika ni Julian na tila pilit inililihis ang mabigat na sitwasyon. Ngumisi lamang si Veca at tila bahagya pa itong napangiti ng sarkastisko. "You're asking if anong nangyari dito? Huwow! Mag-tu-two months na tayong kasal Julian, pero bakit hindi ko pa rin ramdam na kasal tayo!?" sambit nito at tila may tama na ng alak ang paraan na pagsasalita ni Veca. "Maybe you should talk about this matter na kayo lang
Third POVSA KABILANG DAKO naman ay kasalukuyan ng nagpapagalinh si Eros mula sa insidenteng natamo nito. Palagi siyang inaalalayan ni Mang Tacio upang maka-recover ito ng mabilis. "Ganyan iho, pilitin mo lang i-unat ang mga paa mo," anang ng matanda habang inaalalayan si Eros sa dahan-dahan na paglakad nito. "M-Mang...T-T-Tacio..." nauutal at pilit na sambit ni Eros na labis na ikinagulat ng matanda. "Eros! Dios ko! Nakakapagsalita ka na! Maraming salamat Dios ko," nagagalak na sagot ng matanda. "H-hindi...Hindi niyo po ba n-nak-nakilala k-kung sino ako," seryosong wika ni Eros at dahan-dahan siyang pinaupo ng matanda. "Sa katunayan ay hinintay lang kita iho na makapagsalita upang tanungin ang matagal ng gumugulo sa isipan ko. Sana nga...sana nga mali ang iniisip ko," muling saad ng matanda. "H-hindi ako s-si Eros...m-maniwala kayo Mang Tacio..." biglaang pag-amin nito. Halos hindi makakurap ang matanda sa kanyang narinig mula sa kanyang alaga. Hanggang sa ikuwento ng tunay n
[Pagbabalik-tanaw sa kasalukuyan| Third POV] Halos hindi makaimik ang matanda nang marinig ang mga salitang binibitawan ni Julian si Julian na inakala niyang si Eros. "T-too ba ang sinasabi mo iho? S-sinasabi mo ba na pinagtangkaan ka ng kakambal mo?" anang ng matanda. "Mang Tacio, sigurado ako, iba na ang tumatakbo sa isipan ni Eros, at nag-aalala ako sa kalagayan ni Alex. H-hindi ko nga alam kung kamusta na siya ngayon, kaya bukas na bukas din ay lilipad po ako pabalik ng Greece," saad nito. "Pero iho... hintayin mo muna na bumuti ang pakiramdam mo bago ka bumyahe mag-isa at baka mapa'no ka pa. W-wala ka bang balak na ipaalam ito sa mommy at daddy mo?" wika ng matanda. "Hindi po madaling ipaliwanag kung wala ako doon, 'wag kayong mag-alala Mang Tacio, kaya ko na po, at hindi niyo na po ako mapipigilan sa muling pagbabalik ko sa Greece, a-at isa pa, hindi na po ako makapaghintay na makita pang muli si Alex," emosyonal na sagot ni Julian at pinipilit na ilakad ang mga bint
MAKALIPAS ANG ILANG ORAS ay dumating na nga ang doktor ni Brent. Sa mga oras na iyon ay tila may nararamdaman na kaba si Brent. "Mr. Brent Moore?" ani ng pilipinong doktor. "H-hello Doc, kamusta po ang findings, siguro naman ay okay lang po ako di'ba?" Pangiting sagot ni Brent. Nanatiling tahimik si Alex ng mga oras na iyon. Walang pasabi na ibinigay ng doktor ang papel na hawak nito. At kaagad naman iyon tinanggap ni Brent. "Brent, anong nakalagay diyan?" Pag-usisa ni Alex. "Amh, wait lang Alex may pag-uusapan lang kami saglit ni Doc, p-puwede bang lumabas ka muna saglit?" Mapagpasensyang sagot ni Brent. Nagtataka man ang dalaga ay hindi na lamang ito nagsalita at mabilisang lumabas. Habang nasa loob ang doktor ay napagpasyahan na niyang sabihin ang kondisyon ni Brent. "Mr. Moore, lumabas na ang iyong resulta, at natukoy namin na may colon cancer kayo. Alam kong mahirap itong marinig, pero may mga opsyon tayo para sa paggamot," paliwanag ng doktor. Nagkaroon ng s
Eros was sitting alone on the couch nang mag-ring ang cellphone nito. He answered it immediately. "Hello, how's the plan. Gising na ba ang kapatid ko?" kalmadong sabi nito habang kausap ang misteryosong tao sa kabilang linya. "Eros, nakuha mo na ang lahat ng gusto mo, siguro naman titigil ka na sa pagpapanggap mo bilang si Julian," sagot ng babaeng kausap nito sa kabilang linya. "Relax, naguumpisa pa lang ako. At isa pa, kahit naman sumabog ang totoo ay wala na akong pakialam. Sapat na ang perang nalikom ko, para maipagpatuloy na natin ang mga pinaplano natin," saad nito na may mataas na kumpyansa sa sarili. "Eros gising na ang kapatid mo! At...at anong wala ka ng pakialam? Malaking gulo itong pinasok mo, sinasabihan na kita noong una pa na huwag mo ng ituloy!" galit na sigaw ng kausap nito. "Natin. Pinasok natin. Damay ka na dito kaya huwag kang magmalinis, at p'wede ba?! Kung wala kang ibabalitang mabuti ay mas better na lang na manahimik ka diyan at magmasid sa mga
KINABUKASAN nga ay napagpasyahan ni Mr. and Mrs. McBorne na iwan muna saglit ang mga kambal na bata sa mag-asawang sina Julian at Veca. "Oh gosh Mom, alam mo naman na mainit ang dugo ko sa mga bastardong bata na 'yan," naiinis na sabi ni Veca sa harapan ng ina nito habang hawak sa kamay ang dalawang kambal na bata. "Five days lang naman kaming mawawala iha, at si Yaya Mameng nagkataon naman na umuwi sa probinsya. Please Veca, we have to attend our business trip with your dad and this time hindi namin sila p'wedeng isama," pagmamakaawa ng ina. "Mom, sa isang araw pa nga lang hindi ko na matiis ang kakulitan ng mga batang 'yan, how much more kung dito pa sila mag-stay ng five days?!" saad ni Veca at tila wala itong plano na sumang-ayon sa nais ng kanyang ina. "Oh c'mon Veca, parang kapatid mo na rin ang mga batang 'to, and maybe ito na rin ang maging daan para sanayin mo ang sarili mo na mag-alaga ng mga bata. Para soon kapag nagka-baby kayo ni Julian ay alam mo na ang gagawin
"Imposible 'to..." bulong ni Eros sa sarili. At ilang sandali pa lamang ay biglang sinugod ni Veca ang mga bata. Hinawakan niya ang mga braso ng kambal na magkapatid at pinagpapalo niya ito sa puwet. "Stupid! Kahit kailan talaga ay mga pabigat kayo sa pamilya namin!" sigaw ni Veca habang patuloy na pinapalo ang kambal. "No, please stop...it hurts!" saad ng matinis na boses ng batang si Echo. "Veca! Stop it! Ano ka ba mga bata lang ang mga 'yan?!" saad ni Eros at pumagitna ito upang pigilan si Veca. "These kids! J-Julian binasag nila ang antique na vase ko! I bought that for almost a half million!" sigaw nito habang hinihingal na nagsasalita. Patuloy naman ang pag-iyak ng mga bata habang nasa harapan nila si Eros. "Kahit na! Napakainit ng dugo mo sa mga bata! Veca pitong taong gulang pa lang ang mga 'yan? Pagsabihan mo sila ng maayos, hindi 'yong basta ka na lang bumubulusok dahil sa galit!" sigaw ni Eros habang nakayakap sa kanya ang kambal na sina Echo at Recho. "I d
BAHAGYA na nagulat ang dalaga sa nasabi ni Brent. Pero mabilis na lumapit si Alex at inayos ang kuwelyo ni Brent. "Uso pa ba ang ligawan sa panahon ngayon Brent? Pero... natatakot ako Brent, takot ako na baka pati lola mo ay hindi ako magustuhan," malungkot niyang saad. Hinawakan ni Brent ang baba ni Alex tsaka ito inangat. "Alex, huwag kang malungkot. Alam kong magugustuhan ka ni Lola, at isa pa hindi namimili si Lola. Kung saan ako masaya, doon siya," wika nito. "Sorry, napagdudahan ko pa tuloy ang lola mo, siguro, sa sobrang dami ng traumatic experiences ko, kaya ako ganito," "Hindi ba sabi ko sa 'yo na 'wag kang mahiya na mag-open sa 'kin. You can lean on me Alex. Tell me, may mga bumabagabag pa ba sa 'yo?" tanong ni Brent habang hawak ang pisngi ng dalaga. "H-hindi lang kasi ako makapaniwala Brent. Inamin sa 'kin before ni Julian na dati na kaming magkarelasyon bago pa ako nagka-amnesia, ngayon, hindi ko alam kung sineryoso ba niya ang sinabi niyang 'yon o sadyan
[Third POV] KALAGITNAAN ng gabi nang bigla na lamang nagising si Julian. Tila nanggaling ito mula sa isang malagim na panaginip na halos mapasigaw pa ito habang tagaktak sa pawis. "Mom!" Hinihingal itong napabalikwas sa kaniyang pagkakahiga. Nang mapagtanto niyang isa lamang iyong panaginip ay kaagad itong napahawak sa kaniyang noo. "Damn..." bulong nito. Alas nuwebe na noon ng gabi nang marinig ni Julian na tila may kumakalampag sa ibang bahagi ng kanilang mansion. Hindi nag-atubiling bumangon si Julian upang tingnan kung sino ang taong naroroon. Lumabas itong suot lamang ang kaniyang blue jeans. "Mom?" Pagtawag ni Julian na sa pag-aakalang naroroon ang kaniyang ina. Nang masundan nito ang tunog ay biglang naibsan ang kaba ni Julian nang masilayan nito ang kaniyang ama na mag-isang kumakain. Mukhang kararating lamang nito mula sa kaniyang trabaho. Akma na sanang magsasalita si Julian ngunit mas pinili na lamang niyang huwag gambalain ang ama at baka makarinig pa
[Third POV] SINUBUKAN ni Mrs. Elaine na pigilan ang anak sa pag-alis nito. "Anak, please...kumalma ka. Bago mo subukan na hanapin si Alex. Umupo ka muna at magpahinga. After this, mag-uusap tayo ulit. Kailangan ko kayong kausapin ni Eros. Kailangan kong ayusin ang gusot sa pagitan ninyong magkapatid." "Mom...maging ako man ay hindi ko rin naman kagustuhan na maging ganito kami ni Eros. But he left with no choice! He drives me mad! Hinayaan niyang magtanim ako ng sakit na loob sa kaniya!" "Anak, alam ko. Naiintindihan kita, pero huwag ka lamang magpapadala sa galit mo okay? Natatakot lang ako na baka kung ano ang mangyari kapag nagkita kayong dalawa ni Eros. Hayaan mong ako ang magparusa sa mga ginawa niya sa 'yo. Ipaparating ko ito sa daddy mo. Magpahinga ka anak please..." pagmamakaawa ng kaniyang ina. Sa puntong iyon ay naging kalmado si Julian, ang dating naikuyom na mga kamao ay unti-unti nang nagpapakawala ng sakit ng loob at poot. "I'm sorry Mom. Hindi ko na talaga
[ Third POV] KINAUMAGAHAN, bahagyang nagising si Julian dahil sa mga kakaiba at sari-saring huni sa kaniyang paligid. Tumatama na rin mula sa salamin ng kaniyang sasakyan ang mataas na sinag ng araw. Napakusot siya ng kaniyang mga mata at iniinda ang nangawit na katawan nito. He moaned while yawning. Hindi niya lubos akalain na nakatulog siya dahil sa pagod pagkatapos ng naganap kagabi at pagtangka nitong pagtakas. Ngayon ay magkakaroon na siya ng kalayaan upang makauwi sa tinutuluyan nito. Kaagad niyang pinaandar ang makina at bago siya umabante ay siniguro muna nitong walang ibang tao na bubungad sa kaniya lalo na si Veca. Bakante ang daan at mukhang walang paparating kaya hindi na siya nagalangan na paharurutin ang sasakyan nito ng mabilis. SA KABILANG DAKO abala noon si Mrs. Elaine Evans ang ina ng kambal na sina Eros at Julian. Patuloy pa rin siya sa paghahardin hanggang sa biglaang tumunog ang doorbell mula sa kanilang gate. Kaagad na napahinto ang ginang sa kan
[Third POV] SA KABILANG BANDA ng Greece kung saan kasalukuyang nakakulong si Julian. Halos mabagot si Julian sa kakaisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa kinalalagyan niya ngayon. Mautak si Veca at tila pasadya niyang ginawa ang basement na iyon upang hindi makatakas si Julian. "Hindi ako maaaring magmukmok na lamang dito. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas," bulong nito sa kaniyang sarili. Nang maramdaman ni Julian na tila may mga yapak na paparating ay kaagad niyang kinuha ang maliit na kutsilyo at pasadyang sinugatan ang kanang kamay saka mabilisan na ipinahid ang dugo sa may bandang ilong nito at napahiga kaagad sa sahig. Inaasahan ni Julian na ito na lamang ang pinaka-epektibong paraan upang makalabas siya sa basement. Sakto naman noon ang pagpasok ni Veca at labis siyang namutla sa pagkagulat nang makita si Julian na noo'y nagkunwaring nakabulagta at walang malay. "No! This can't be! Julian!" saad ni Veca at patakbong nilapitan si Julian and she
[Third POV] UNANG NASILAYAN MULI ni Alex ang paglubog ng araw sa baybayin ng Greece kasama si Brent. Sa puntong iyon ay hindi mapigilan ni Alex na mapaluha dahil sa kalagayan ng kaniyang fiance. Patuloy pa rin silang naglalakad at magkasamang sinasariwa ang malamig na simoy ng hangin. "Ito 'yong place na dati mong pinupuntahan 'di ba? It's nice to be back, nakakagaan ng pakiramdam mahal," ani Brent habang nakangiti at nakatingin sa bawat paghampas ng naglalakihang alon. Ngunit lingid sa kaalaman ng binata ay pasimple siyang pinagmamasdan ni Alex. Naglalakbay ang paningin ni Alex sa maamong mukha ni Brent, ang laki ng pinagbago niya, bumagsak ang katawan dala ng sakit niya. "Tinititigan mo na naman ako mahal," ani Brent at tila napansin niya ang pasimpleng titig ni Alex mula sa peripheral view nito. Kaagad na humarap si Brent and he gently hold Alex's hand. Napansin ni Brent na ang lungkot ng mga mata ni Alex, na til a ba'y pinipigilan nito ang pag-iyak. "C' mon, tell me. May bu
[ Alex POV] NAHALATA ko ang pagkadismaya sa mukha ng Lola ni Brent habang pinapakiusapan siya ni Mr. Evans na 'wag dapat ma-involve ang usapang negosyo. I saw Mrs. Moore sighed deeply. "Mr. Evans, hindi naman ako 'yong tipong namemersonal, as I've said, ang nakaraan ni Alex at Julian ay matagal ng tapos sa kasalukuyan. Ang akin lang naman, gusto kong tratuhin ninyo bilang miyembro ng company si Alex. She's my son's wife, at kung ano ang way ng pagtrato ninyo sa akin, ay dapat balanse din sa ipinapakita ninyo sa harapan ni Alex, KAHIT PA HINDI KO NAKIKITA," saad ni Mrs. Magda Moore. Deep inside, sobrang saya ng damdamin ko dahil... feeling ko, may kakampi na ako sa lahat. Feeling ko, tunay na pamilya na ang turing sa akin ng Lola ni Brent. After ng salitang iyon ni Mrs. Magda ay may BAKAS ng pagaalinlangan sa mukha nila. Si Veca na noo'y pasimpleng nakatingin sa kawalan habang nakataas ang isang kilay and the rest...parang mga nalugi. "Don't worry Mrs. Magda, asahan ninyo na, f
[Alex P.O.V.] NANG MATAPOS ang mainit na eksena sa conference room ay nagdesisyon akong pumunta saglit sa female comfort room upang maibsan ang kabang kanina ko pa pinipigilan. Habang nakatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin ay unti unting gumuhit ang mapaglarong ngisi sa aking labi. "Tama lang ang ginawa mo Alex. Huwag mo na hayaang tapak-tapakan ka pa nila. Pagkakataon mo na 'to para patunayan sa kanila na mali ang paraan ng panghuhusga nila sa akin noon." Ito na lamang ang mga binitawan kong salita habang inaayos ko ang aking postura. Ayaw ko ng magpaapekto sa lungkot. Hindi na ako papayag na muli pa nila akong maliitin. Habang nakatitig ako sa salamin ay kaagad akong nagulat nang may marinig akong sigawan ng mga bata mula sa labas ng comfort room. Sigaw ng masakit na pag-iyak. Nagmadali akong lumabas, at pagkabukas ko nga ng pinto ay bumungad sa akin si Veca na sinisigawan at sinasaktan ang mga bata. Sumagi sa isipan ko na baka ito na ang mga anak nila ni Julian,
[ Alex P.O.V.] BAGONG UMAGA, BAGONG YUGTO sa aking buhay. Marahan ko noon na inaayos ang aking sarili. Bumagay ba sa akin ang office suit na 'to? Alex magagampanan mo ba 'to? Ito na lamang ang naging tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa salamin. Kasalukuyan ngayon ako nag-s-stay dito sa mansion nina Brent, isa na rin itong hakbang para magpanggap kaming mag-asawa. Maya-maya lamang ay kumatok si Mrs. Magda at kaagad ko naman siyang pinagbuksan ng pinto. "Good morning po," bati ko habang nakangiti. Mrs. Magda was stunned nang makita ang aking itsura. "Oh wow, very strong and sophisticated...ano, ready ka na ba? Huwag kang kabahan hija. For now, itu-tour muna kita sa loob ng company at ipapakilala sa mga board members at sa mga employees ko, cheer up hija, you can do this," ani Mrs. Magda na lalo pang nagpapalakas ng loob ko. "Hindi ko po maiwasan na kabahan." Saad ko. "C'mon hija, mawawala na ang kaba mo kapag ikaw na ang chairwoman okay? Halika, puntahan
[Alex P.O.V.] "Hey Alex... I heard that. Did you just say you love me?" pag-uulit ni Brent habang hawak ang aking mga kamay. Wala akong ibang naging tugon kung hindi ang isang matamis na ngiti at pagtango. After that ay nakita ko rin siyang bumulusok sa tuwa at niyakap niya ako ng mahigpit. "Final na iyan? Sure na ba iyan?" paninigurado niya. "Yes Mr. Moore, sure na sure." "Yes!" aniya. "Parang gusto ko na tuloy na pagkalapag ng eroplano sa bansang Greece ay idederetso na kita sa altar," sabik niyang saad. "Hmm, ikaw talaga. Bago ang lahat ng iyon, gusto ko munang magpalakas ka okay? Huwag kang mag-alala. Nasa tabi mo lang ako," saad ko habang hawak-hawak ng isang palad ko ang kaniyang pisngi. He immediately grab my waist at tila wala ng katapusan ang pagtitig sa akin ni Brent. Ngayon parang mas lumabas ang sweet na side na pag-uugali ni Brent at hindi ko maikakailang nakakaramdam ako ng kilig. "You know what mahal...parang nabunutan ako ng tinik nang pasimpl