Home / Romance / Taming the Casanova Billionaire / Chapter 97: Ang kambal

Share

Chapter 97: Ang kambal

last update Last Updated: 2025-02-16 21:34:10

KINABUKASAN nga ay napagpasyahan ni Mr. and Mrs. McBorne na iwan muna saglit ang mga kambal na bata sa mag-asawang sina Julian at Veca.

"Oh gosh Mom, alam mo naman na mainit ang dugo ko sa mga bastardong bata na 'yan," naiinis na sabi ni Veca sa harapan ng ina nito habang hawak sa kamay ang dalawang kambal na bata.

"Five days lang naman kaming mawawala iha, at si Yaya Mameng nagkataon naman na umuwi sa probinsya. Please Veca, we have to attend our business trip with your dad and this time hindi namin sila p'wedeng isama," pagmamakaawa ng ina.

"Mom, sa isang araw pa nga lang hindi ko na matiis ang kakulitan ng mga batang 'yan, how much more kung dito pa sila mag-stay ng five days?!" saad ni Veca at tila wala itong plano na sumang-ayon sa nais ng kanyang ina.

"Oh c'mon Veca, parang kapatid mo na rin ang mga batang 'to, and maybe ito na rin ang maging daan para sanayin mo ang sarili mo na mag-alaga ng mga bata. Para soon kapag nagka-baby kayo ni Julian ay alam mo na ang gagawin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Taming the Casanova Billionaire    Chapter 98: Romantic dinner date

    "Imposible 'to..." bulong ni Eros sa sarili. At ilang sandali pa lamang ay biglang sinugod ni Veca ang mga bata. Hinawakan niya ang mga braso ng kambal na magkapatid at pinagpapalo niya ito sa puwet. "Stupid! Kahit kailan talaga ay mga pabigat kayo sa pamilya namin!" sigaw ni Veca habang patuloy na pinapalo ang kambal. "No, please stop...it hurts!" saad ng matinis na boses ng batang si Echo. "Veca! Stop it! Ano ka ba mga bata lang ang mga 'yan?!" saad ni Eros at pumagitna ito upang pigilan si Veca. "These kids! J-Julian binasag nila ang antique na vase ko! I bought that for almost a half million!" sigaw nito habang hinihingal na nagsasalita. Patuloy naman ang pag-iyak ng mga bata habang nasa harapan nila si Eros. "Kahit na! Napakainit ng dugo mo sa mga bata! Veca pitong taong gulang pa lang ang mga 'yan? Pagsabihan mo sila ng maayos, hindi 'yong basta ka na lang bumubulusok dahil sa galit!" sigaw ni Eros habang nakayakap sa kanya ang kambal na sina Echo at Recho. "I d

    Last Updated : 2025-02-17
  • Taming the Casanova Billionaire    Chapter 99: She's mine, but she's into you

    BAHAGYA na nagulat ang dalaga sa nasabi ni Brent. Pero mabilis na lumapit si Alex at inayos ang kuwelyo ni Brent. "Uso pa ba ang ligawan sa panahon ngayon Brent? Pero... natatakot ako Brent, takot ako na baka pati lola mo ay hindi ako magustuhan," malungkot niyang saad. Hinawakan ni Brent ang baba ni Alex tsaka ito inangat. "Alex, huwag kang malungkot. Alam kong magugustuhan ka ni Lola, at isa pa hindi namimili si Lola. Kung saan ako masaya, doon siya," wika nito. "Sorry, napagdudahan ko pa tuloy ang lola mo, siguro, sa sobrang dami ng traumatic experiences ko, kaya ako ganito," "Hindi ba sabi ko sa 'yo na 'wag kang mahiya na mag-open sa 'kin. You can lean on me Alex. Tell me, may mga bumabagabag pa ba sa 'yo?" tanong ni Brent habang hawak ang pisngi ng dalaga. "H-hindi lang kasi ako makapaniwala Brent. Inamin sa 'kin before ni Julian na dati na kaming magkarelasyon bago pa ako nagka-amnesia, ngayon, hindi ko alam kung sineryoso ba niya ang sinabi niyang 'yon o sadyan

    Last Updated : 2025-02-18
  • Taming the Casanova Billionaire    Chapter 100: Engagement ring

    KASALUKUYANG naglalakad na noon sina Brent at Alex na magkahawak kamay papunta sa isang venue kung saan punong puno ng ilaw at malapit pa ito sa karagatan. "Wow, ang romantic ng place. Pero...nasaan ang lola mo?" tanong ni Alex. Ngumiti lang ng matamis si Brent at patuloy na inalalayan ang dalaga patungo sa main venue. "For now, gusto muna kitang masolo. I really want to spend this evening with you Alex. Dahil...dahil ko masasabi kung hanggang kailan tayo ganito. Kung magpapatuloy nga bang ganito habang lumilipas ang araw at patuloy ang paggalaw ng oras," madamdamin na wika ni Brent habang pinagmamasdan ang paghampas ng mga alon sa karagatan. "B-bakit ka naman ganiyan magsalita? 'Di ba sabi ko naman sa 'yo na, papakasalan naman kita? Kaya kahit ano'ng mangyari Brent... sasamahan kita sa lahat, gaya ng pagsalo mo sa 'kin kahit nasa alanganin ako," saad ni Alex at sinadag nito ang kanyang ulo sa braso ni Brent. "Alex...ayaw ko naman na...na napipilitan ka lang mahalin ako dah

    Last Updated : 2025-02-19
  • Taming the Casanova Billionaire    Chapter 101: Foreshadowing the danger

    SA KABILANG BAHAGI naman ay kasalukuyan noon na naglalakad si Julian sa place kung saan inukit niya sa puno ang pangalan ni Alex. "I promise Xarah, after ng recovery ko. Babalik ako sa Greece, babalikan kita at babawi ako. At umaasa akong hindi pa huli ang lahat," wika niya habang hinahaplos ang nakaukit na pangalan ni Alex sa puno. Ngunit labis siyang nagulat nang marinig niyang may tumatawag sa pangalan niya at walang iba kung hindi si Mang Tacio na noo'y mabilis na tumatakbo palapit sa kanya. "Julian! Julian! Magtago ka dali!" sigaw ng matanda. "M-Mang Tacio bakit po?!" "M-may mga armadong lalake ang nakapalibot ngayon sa mansion, buti na lang at hindi nila ako nakita at nagmadaling puntahan ka rito," hinihingal na sagot ng matanda. "P-pero...sino po sila?! Ano'ng kailangan nila?" "H-hindi ko rin alam, basta masama ang kutob ko na may gagawin silang masama sa atin!" Halos matulala si Julian habang nakahawak ito sa kanyang saklay. "T-tumawag na po ba kayo

    Last Updated : 2025-02-20
  • Taming the Casanova Billionaire    Chapter 102: Mailap na katotohanan

    KASALUKUYAN na iginagapos sina Mang Tacio at Julian nang bigla na lamang pumalag ang matanda. "Julian takboooo!" sigaw ni Mang Tacio. Dahil mabilis ang pangyayari ay kaagad na lamang napatigil si Julian sa pagtakbo nang makarinig ito ng malakas na putok ng baril. "M-Mang...Mang Tacio!" ang sigaw nito. "Habulin niyo! Bilisan niyo bago pa makatakas!" pagmando ng kanilang lider at walang nagawa si Julian kung hindi tumakbo ng paika-ika habang nakagapos patalikod ang dalawang kamay nito. Nang mapansin ni Julian na hindi na siya naabutan ng mga armadong lalake ay kaagad itong nagtago sa malaking puno. Habang pinagmamasdan niya ang pagliko ng ibang direksiyon ng mga ito. "Mang Tacio..." Nagngingitngit na bulong niya sa sarili habang namumula ang mga mata niya sa galit. Nang mapansin ni Julian na naglaho na ang mga armadong lalake ay kaagad niyang tinanggal ang tali sa kanyang mga kamay. Hindi ito nag atubiling balikan ang matanda. "Mang Tacio! Mang Tacio!" sigaw nit

    Last Updated : 2025-02-22
  • Taming the Casanova Billionaire    Chapter 103: Photo Album

    "HELLO nandito na siya." "Good, sakyan mo lang para malaman mo ang mga susunod na hakbang niya Sam, ikaw na ang bahalang magbantay sa bawat galaw niya," sagot ng tao sa kabilang linya. "Ano ba ang ginawa mo at biglang napaluwas si Julian dito sa Manila," ang tanong ni Sam. "Nothing. Ikaw ang nandiyan kaya dapat alam mo ang kasagutan sa mga tanong mo," malamig nitong tugon. "May ginawa ka na naman ba?" galit na muling tanong ni Sam. "Sam... you're doubting me again? Tell me, gano'n ba kalakas ang impluwensiya ko para makarating pa diyan? You know me right? I hate violence..." ang sagot nito sa mapreskong pananalita mula sa kabilang linya. "Siguraduhin mo lang, ayaw kong masabit ako sa mga gulong pinapasok mo! At isa pa, matagal ko ng sinusunod ang mga gusto mo, bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin binubura ang video na iyon!" sigaw ni Sam at tila hindi na ito nakapagtimpi sa kasamaan ng kinakausap nito. "Woah...have you ever forgotten? Hindi pa tapos ang pinapatra

    Last Updated : 2025-02-24
  • Taming the Casanova Billionaire    Chapter 104: Eros stealing Julian's Identity

    [Alexandra Point of View] HINDI ko maiwasan na mapaluha sa mga salitang binabanggit ni Brent. Mas lalo kung naaalala ang sakit sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Julian. "Tanggap ko na Brent, tanggap ko na at bukal na sa loob ko ang iniwang sakit sa akin ni Julian. Ang tanga tanga ko lang dahil hinayaan ko ang sarili ko na magpatangay sa kaniya. And it's time for me to move forward, na kasama ka." Ayaw kong maramdaman ni Brent na hindi ko pinapahalagahan ang pagmamahal na ibinibigay niya sa 'kin. At mas lalong hindi kakayanin ng konsensya ko kapag ako ang naging dahilan nang pagkawasak ng puso niya. "Brent, p-puwede ba akong humingi ng favor bago tayo lumipad pabalik sa Pilipinas?" "Favor? Sure, tell me ano ba 'yon." "Gusto kong makaganti kay Julian, gusto kong makaganti sa pamamagitan nang pag-agaw natin sa mga loyal na investors ng company nila. I saw the news sa social media at nabasa ko na humihina na ang hatak ng company nila." "But Alexa, baka maipit ka

    Last Updated : 2025-02-25
  • Taming the Casanova Billionaire    Chapter 105: HER CHARISMATIC VENGEANCE

    INIHAGIS ako ni Julian sa kaniyang kama at nagsimula siyang hubarin ang suit niya. Bahagya akong napaatras dahil tila may mali siyang binabalak. "H-Huwag kang magkakamaling gawan ako ng masama Julian! Sisigaw ako!" "Then do it." Nang tuluyan na niyang hinubad ang mga damit niya at tanging boxer short na lamang niya ang natira ay labis akong nakadama ng pandidiri na imbes sana ay hindi. Hindi ko maaninag ang kabuuan ng reaksiyon niya ng mga sandaling iyon dahil napaka-dim light ng ambiance at dramatic dahil sa pulang ilaw. Hinila niya ang isang paa ko at pilit akong nagpupumiglas. "Julian! Huwag mong gawin sa 'kin 'to!" "Alam kong ito lang naman ang hanap mo 'di ba? Kaya ka pumunta dito dahil ito ang nami-miss mo." He said while his vioce sounds different na tila hayok na hayok sa laman. Naramdaman ko na lamang ang mabilisan niyang pagpatong sa akin. Halos hindi na ako makagalaw habang hinahalikan niya ng marahas ang leeg ko. Mahigpit niya rin na hinawakan ng magkabila a

    Last Updated : 2025-02-26

Latest chapter

  • Taming the Casanova Billionaire    144: The bait (Pain)

    [Third POV] KALAGITNAAN ng gabi nang bigla na lamang nagising si Julian. Tila nanggaling ito mula sa isang malagim na panaginip na halos mapasigaw pa ito habang tagaktak sa pawis. "Mom!" Hinihingal itong napabalikwas sa kaniyang pagkakahiga. Nang mapagtanto niyang isa lamang iyong panaginip ay kaagad itong napahawak sa kaniyang noo. "Damn..." bulong nito. Alas nuwebe na noon ng gabi nang marinig ni Julian na tila may kumakalampag sa ibang bahagi ng kanilang mansion. Hindi nag-atubiling bumangon si Julian upang tingnan kung sino ang taong naroroon. Lumabas itong suot lamang ang kaniyang blue jeans. "Mom?" Pagtawag ni Julian na sa pag-aakalang naroroon ang kaniyang ina. Nang masundan nito ang tunog ay biglang naibsan ang kaba ni Julian nang masilayan nito ang kaniyang ama na mag-isang kumakain. Mukhang kararating lamang nito mula sa kaniyang trabaho. Akma na sanang magsasalita si Julian ngunit mas pinili na lamang niyang huwag gambalain ang ama at baka makarinig pa

  • Taming the Casanova Billionaire    143: Biggest Fear

    [Third POV] SINUBUKAN ni Mrs. Elaine na pigilan ang anak sa pag-alis nito. "Anak, please...kumalma ka. Bago mo subukan na hanapin si Alex. Umupo ka muna at magpahinga. After this, mag-uusap tayo ulit. Kailangan ko kayong kausapin ni Eros. Kailangan kong ayusin ang gusot sa pagitan ninyong magkapatid." "Mom...maging ako man ay hindi ko rin naman kagustuhan na maging ganito kami ni Eros. But he left with no choice! He drives me mad! Hinayaan niyang magtanim ako ng sakit na loob sa kaniya!" "Anak, alam ko. Naiintindihan kita, pero huwag ka lamang magpapadala sa galit mo okay? Natatakot lang ako na baka kung ano ang mangyari kapag nagkita kayong dalawa ni Eros. Hayaan mong ako ang magparusa sa mga ginawa niya sa 'yo. Ipaparating ko ito sa daddy mo. Magpahinga ka anak please..." pagmamakaawa ng kaniyang ina. Sa puntong iyon ay naging kalmado si Julian, ang dating naikuyom na mga kamao ay unti-unti nang nagpapakawala ng sakit ng loob at poot. "I'm sorry Mom. Hindi ko na talaga

  • Taming the Casanova Billionaire    142: The Biggest Revelations!

    [ Third POV] KINAUMAGAHAN, bahagyang nagising si Julian dahil sa mga kakaiba at sari-saring huni sa kaniyang paligid. Tumatama na rin mula sa salamin ng kaniyang sasakyan ang mataas na sinag ng araw. Napakusot siya ng kaniyang mga mata at iniinda ang nangawit na katawan nito. He moaned while yawning. Hindi niya lubos akalain na nakatulog siya dahil sa pagod pagkatapos ng naganap kagabi at pagtangka nitong pagtakas. Ngayon ay magkakaroon na siya ng kalayaan upang makauwi sa tinutuluyan nito. Kaagad niyang pinaandar ang makina at bago siya umabante ay siniguro muna nitong walang ibang tao na bubungad sa kaniya lalo na si Veca. Bakante ang daan at mukhang walang paparating kaya hindi na siya nagalangan na paharurutin ang sasakyan nito ng mabilis. SA KABILANG DAKO abala noon si Mrs. Elaine Evans ang ina ng kambal na sina Eros at Julian. Patuloy pa rin siya sa paghahardin hanggang sa biglaang tumunog ang doorbell mula sa kanilang gate. Kaagad na napahinto ang ginang sa kan

  • Taming the Casanova Billionaire    141: Julian's Escape

    [Third POV] SA KABILANG BANDA ng Greece kung saan kasalukuyang nakakulong si Julian. Halos mabagot si Julian sa kakaisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa kinalalagyan niya ngayon. Mautak si Veca at tila pasadya niyang ginawa ang basement na iyon upang hindi makatakas si Julian. "Hindi ako maaaring magmukmok na lamang dito. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas," bulong nito sa kaniyang sarili. Nang maramdaman ni Julian na tila may mga yapak na paparating ay kaagad niyang kinuha ang maliit na kutsilyo at pasadyang sinugatan ang kanang kamay saka mabilisan na ipinahid ang dugo sa may bandang ilong nito at napahiga kaagad sa sahig. Inaasahan ni Julian na ito na lamang ang pinaka-epektibong paraan upang makalabas siya sa basement. Sakto naman noon ang pagpasok ni Veca at labis siyang namutla sa pagkagulat nang makita si Julian na noo'y nagkunwaring nakabulagta at walang malay. "No! This can't be! Julian!" saad ni Veca at patakbong nilapitan si Julian and she

  • Taming the Casanova Billionaire    140: Love under the sunset

    [Third POV] UNANG NASILAYAN MULI ni Alex ang paglubog ng araw sa baybayin ng Greece kasama si Brent. Sa puntong iyon ay hindi mapigilan ni Alex na mapaluha dahil sa kalagayan ng kaniyang fiance. Patuloy pa rin silang naglalakad at magkasamang sinasariwa ang malamig na simoy ng hangin. "Ito 'yong place na dati mong pinupuntahan 'di ba? It's nice to be back, nakakagaan ng pakiramdam mahal," ani Brent habang nakangiti at nakatingin sa bawat paghampas ng naglalakihang alon. Ngunit lingid sa kaalaman ng binata ay pasimple siyang pinagmamasdan ni Alex. Naglalakbay ang paningin ni Alex sa maamong mukha ni Brent, ang laki ng pinagbago niya, bumagsak ang katawan dala ng sakit niya. "Tinititigan mo na naman ako mahal," ani Brent at tila napansin niya ang pasimpleng titig ni Alex mula sa peripheral view nito. Kaagad na humarap si Brent and he gently hold Alex's hand. Napansin ni Brent na ang lungkot ng mga mata ni Alex, na til a ba'y pinipigilan nito ang pag-iyak. "C' mon, tell me. May bu

  • Taming the Casanova Billionaire    139: Alex the CEO

    [ Alex POV] NAHALATA ko ang pagkadismaya sa mukha ng Lola ni Brent habang pinapakiusapan siya ni Mr. Evans na 'wag dapat ma-involve ang usapang negosyo. I saw Mrs. Moore sighed deeply. "Mr. Evans, hindi naman ako 'yong tipong namemersonal, as I've said, ang nakaraan ni Alex at Julian ay matagal ng tapos sa kasalukuyan. Ang akin lang naman, gusto kong tratuhin ninyo bilang miyembro ng company si Alex. She's my son's wife, at kung ano ang way ng pagtrato ninyo sa akin, ay dapat balanse din sa ipinapakita ninyo sa harapan ni Alex, KAHIT PA HINDI KO NAKIKITA," saad ni Mrs. Magda Moore. Deep inside, sobrang saya ng damdamin ko dahil... feeling ko, may kakampi na ako sa lahat. Feeling ko, tunay na pamilya na ang turing sa akin ng Lola ni Brent. After ng salitang iyon ni Mrs. Magda ay may BAKAS ng pagaalinlangan sa mukha nila. Si Veca na noo'y pasimpleng nakatingin sa kawalan habang nakataas ang isang kilay and the rest...parang mga nalugi. "Don't worry Mrs. Magda, asahan ninyo na, f

  • Taming the Casanova Billionaire    138: Ang pagtutuos.

    [Alex P.O.V.] NANG MATAPOS ang mainit na eksena sa conference room ay nagdesisyon akong pumunta saglit sa female comfort room upang maibsan ang kabang kanina ko pa pinipigilan. Habang nakatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin ay unti unting gumuhit ang mapaglarong ngisi sa aking labi. "Tama lang ang ginawa mo Alex. Huwag mo na hayaang tapak-tapakan ka pa nila. Pagkakataon mo na 'to para patunayan sa kanila na mali ang paraan ng panghuhusga nila sa akin noon." Ito na lamang ang mga binitawan kong salita habang inaayos ko ang aking postura. Ayaw ko ng magpaapekto sa lungkot. Hindi na ako papayag na muli pa nila akong maliitin. Habang nakatitig ako sa salamin ay kaagad akong nagulat nang may marinig akong sigawan ng mga bata mula sa labas ng comfort room. Sigaw ng masakit na pag-iyak. Nagmadali akong lumabas, at pagkabukas ko nga ng pinto ay bumungad sa akin si Veca na sinisigawan at sinasaktan ang mga bata. Sumagi sa isipan ko na baka ito na ang mga anak nila ni Julian,

  • Taming the Casanova Billionaire    137: The New CEO

    [ Alex P.O.V.] BAGONG UMAGA, BAGONG YUGTO sa aking buhay. Marahan ko noon na inaayos ang aking sarili. Bumagay ba sa akin ang office suit na 'to? Alex magagampanan mo ba 'to? Ito na lamang ang naging tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa salamin. Kasalukuyan ngayon ako nag-s-stay dito sa mansion nina Brent, isa na rin itong hakbang para magpanggap kaming mag-asawa. Maya-maya lamang ay kumatok si Mrs. Magda at kaagad ko naman siyang pinagbuksan ng pinto. "Good morning po," bati ko habang nakangiti. Mrs. Magda was stunned nang makita ang aking itsura. "Oh wow, very strong and sophisticated...ano, ready ka na ba? Huwag kang kabahan hija. For now, itu-tour muna kita sa loob ng company at ipapakilala sa mga board members at sa mga employees ko, cheer up hija, you can do this," ani Mrs. Magda na lalo pang nagpapalakas ng loob ko. "Hindi ko po maiwasan na kabahan." Saad ko. "C'mon hija, mawawala na ang kaba mo kapag ikaw na ang chairwoman okay? Halika, puntahan

  • Taming the Casanova Billionaire    136: The New CEO

    [Alex P.O.V.] "Hey Alex... I heard that. Did you just say you love me?" pag-uulit ni Brent habang hawak ang aking mga kamay. Wala akong ibang naging tugon kung hindi ang isang matamis na ngiti at pagtango. After that ay nakita ko rin siyang bumulusok sa tuwa at niyakap niya ako ng mahigpit. "Final na iyan? Sure na ba iyan?" paninigurado niya. "Yes Mr. Moore, sure na sure." "Yes!" aniya. "Parang gusto ko na tuloy na pagkalapag ng eroplano sa bansang Greece ay idederetso na kita sa altar," sabik niyang saad. "Hmm, ikaw talaga. Bago ang lahat ng iyon, gusto ko munang magpalakas ka okay? Huwag kang mag-alala. Nasa tabi mo lang ako," saad ko habang hawak-hawak ng isang palad ko ang kaniyang pisngi. He immediately grab my waist at tila wala ng katapusan ang pagtitig sa akin ni Brent. Ngayon parang mas lumabas ang sweet na side na pag-uugali ni Brent at hindi ko maikakailang nakakaramdam ako ng kilig. "You know what mahal...parang nabunutan ako ng tinik nang pasimpl

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status