Alexandra Villamor P.O.V. Sa pagkakataong 'yon hindi na alintana ang pagod na aking nararamdaman, ang gabing 'yon...ang pinaka kakaiba sa lahat. Pinipigilan ko ang sarili ko na mahulog kay Julian dahil alam kung may kahati ako, ngunit ang diko maintindihan ay kahit alam ko naman na komplikado ang pinasok ko ngunit ito pa rin ako umaasa na...na darating ang araw na magiging totoo lahat ng mga trato namin sa isat-isa. Habang tulala ako at nakatuon ang paningin ko sa maliit na liwanag ng buwan na nanggagaling sa bintana ay hindi ko namamalayan na napapapikit na pala ako at tuluyan na nga akong nakatulog. At sa malalim na pagkakatulog ko'y tila humihiwalay ang aking kaluluwa na tila ay nais nitong maglakbay sa lugar kung saan ay hindi pamilyar saakin. Para akong gising na gising sa pagkakataong 'yon, ngunit ang lugar ay tila unti-unting nagiging malinaw at tila napuntahan ko na ito. Nagulat na lamang ako nang may isang sasakyan ang biglang bumangga sa isang poste na tila nawalan n
Evans Innovation Company Naglalakad noon at tila hinahabol ni Julian ang oras ng meeting nila ng mga investors niya ngunit kaagad na sumulpot ang sekretarya nito at sinabing may isang humabol na business owner upang maka-attend sa conference nila. "Really? That's good to hear, what company?" Tanong ni Julian habang patuloy pa rin silang naglalakad ng sekretarya niya, "Athenian Nexus Corporation Sir, ang CEO po ay ang anak ni Mr. Storne," mabilisang sagot ng sekretarya at nagulat siya nang biglang tumigil si Julian sa paglalakad. "What? You mean...Veronica Storne?" Ulit niya na tila halos hindi makapaniwala sa narinig nitong pangalan. "Yes Sir... It's her," sagot ng sekretarya nito habang hawak ang isang folder, umayos ang tindig ni Julian at napalunok ito ng bahagya. Si Veronica Storne ang ex-girlfriend ni Julian at inakala niyang magiging asawa niya ngunit niloko siya nito at palihim siyang nakipagrelasyon sa kakambal niyang si Eros Evans. Ngunit sa kabila ng pangyayari ay n
EVANS HOUSE MANSION (Greece)Nanonood ng pelikula si Mrs. Evans sa salas nang maingat na lumapit si Julian mula sa likuran. Kagagaling lang niya sa trabaho, at nakasabit pa sa isang braso ang kanyang office suit. Buong ingat niyang tinakpan ang mga mata ng ina gamit ang kanyang mga palad upang sorpresahin ito."Julian? Oh dear, kilala ko ang mga palad na 'to! Hindi mo ako maloloko," sagot ng ina habang hinahawakan ang mga kamay ni Julian.Napatawa si Julian at agad na inalis ang mga kamay niya. Tumalon siya at umupo sa tabi ng kanyang ina sa sofa."Nakakatuwa naman anak at napasyal ka. Bakit biglaan yata?" tanong ng ina habang hawak ang mini remote ng telebisyon."Mom, is Dad home?" seryosong tanong ni Julian, dahilan para mapatingin ang ina sa kanya."Nasa trabaho pa ang daddy mo. Bakit, may problema ba?" tugon ng ina habang inaayos ang pagkakaupo nito.Napansin ni Julian ang braso ng kanyang ina—may namamaga at tila may pasa. Agad niya itong hinawakan nang dahan-dahan upang mas lalo
"You're talking nonsense!" Kasabay ng malakas na kalabog na nagbigay ng nakakagulat na ingay nang ilapag ni Mr. Wilbert Evans ang kanyang executive case sa mesa. Nagulat si Mrs. Gena Evans, at bakas sa kanyang mga galaw ang trauma na tila sinaksihan ni Julian sa unang pagkakataon. Napansin niya agad ang bahagyang panginginig ng kanyang ina, ngunit pilit itong itinago. Bagama’t pure-blooded American si Mr. Evans, naging fluent ito sa Tagalog matapos manirahan ng ilang taon sa Pilipinas, kung saan nagtayo siya ng kumpanya. Ngayon, ang tonong galit niya ay tila mas nagpapabigat sa tensyon sa buong silid. "You're talking about an ordinary girl?" insultong tanong ng kanyang ama habang dahan-dahan nitong tinanggal ang kanyang outer suit. "C'mon, Julian, kailan ka ba magma-matured? You’re doing well naman sa kumpanya, pero bakit nagagawa mo pang isingit ang mga cheap mong babae?" dagdag nito, puno ng panghuhusga at hindi pagsang-ayon. Napakuyom ng kamao si Julian, at halatang pinipigi
Beverly Hills of Athens Clothes Gallery Habang abala ang magkaibigang sina Alex at Samantha sa pag-iikot sa mga magagarang boutique sa Athens, Greece, hindi sinasadyang mabangga ni Alex ang isang babaeng mukhang may kaya. "Auch! What the hell are you doing!" malditang sigaw ng babae habang hawak ang kanyang tiyan, tila ba sobra ang sakit na naramdaman mula sa bahagyang pagkakabangga ni Alex. "S-sorry... sorry, ma’am," wika ni Alex habang nakayuko, tila natatakot sa magiging reaksyon ng babae. Ang babae’y nag-cross ng kanyang mga braso, at itinaas ang isa niyang kilay, saka tinapunan si Alex ng mapanglait na tingin. "Oh, I wonder kung bakit ganyan ka ka-clumsy. Siguro isa kang domestic helper sa bansang ito, tama? At… hindi bagay sa inyo ang lugar na ’to. Look at yourselves, mga mukha kayong ignorante," sagot ng babae na puno ng panlalait. Hindi na nakapagpigil si Samantha at biglang sumabat, "Hoy! Dahan-dahan ka sa pananalita mo! Hindi porket mukha kang porener mataas na ti
" Oh ano nag-enjoy ka? Diba sabi ko sa'yo mas maganda ang mag-window shopping kaysa bibili bili tayo tapos gastos lang naman," sagot ni Sam habang nakangiti at nakahawak sa braso ni Alex habang kumakain sila ng ice cream. "Oo nga eh, ang ganda talaga ng Greece...sana sa next na sampa natin ng barko at mag-stop over tayo hoping na dito ulit, pangarap ko kasi talagang puntahan 'to eh," sagot nito habang patuloy na pinagmamasdan ang paligid. "Oo nga eh, malapit na din matapos 'tong kunyang time natin kaya sulitin na natin," aniya ni Sam habang dahan-dahan silang naglalakad. Maya-maya pa ay napahinto si Sam nang masulyapan ang isang lalakeng lumabas mula sa isang kilalang boutique at walang iba kundi si... Julian... "S-si...Julian 'yon diba?" wika nito sabay tingin kay Alex na noo'y nakatingin na rin pala sa kinaroroonan ng binata bago ito sumagot ay halos mapahinto si Alex sa pag-attempt na paglapit sa binata nang lumabas ang babaeng hindi nila muling inaasahan na makikita nilan
"Lex! Huy sandali lang naman...okay ka lang ba?!" Curious na tanong ni Samantha habang mabilis pa rin ang bawat yapak ng kaibigan habang nakahawak ang dalawang kamay sa shoulder bag nito. "Oo naman?! Bakit hindi ako magiging okay?" Pabalang nitong sagot habang mabilis pa rin ang paglakad niya. "Ayan kana naman sa isang yardang hakbang mo porket mas matangkad ka sa'kin, hindi ka okay talaga at sobrang halata..." pangungulit ng kaibigan upang siguraduhin kung nagsasabi nga ito ng totoo. "Alexandra Villamor tapatin mo nga ako? Nagseselos ka ba?" Walang preno ang bibig nitong tinanong ang kaibigan, at biglang napatigil si Alex mula sa paglalakad at seryosong humarap kay Sam. "Selos? Kanino? Doon sa babaeng kaharot ng Julian na 'yon?! Huh! Di hamak na mas maganda pa rin ako dun noh? Tignan mo pag nag-suot 'yon ng malabasahang damit wala ng appeal 'yon!" Sa tono ng pananalita ni Alex ay tila may tinatago nga itong hinanakit sa binata kahit pa ipagdiinan nitong wala siyang nararamd
Napakaripas ng takbo si Alex nang mapagtanto niya kung sino at kanino nanggagaling ang ugong na 'yon. Napabilis ang tibok ng kanyang puso habang mabilis na binuksan ang pinto, at ikinagulat naman ni Julian na kasalukuyang naghihintay sa labas. "Brent..." Bulong niya sa sarili nang makita ang binatang nakasuot pa ng helmet. Agad na tinanggal ni Brent ang helmet, at tila nagulat ito nang makita si Julian na nakatayo sa harapan ng pintuan ng apartment ni Alex. Sa mga sandaling iyon, labis na kaba ang bumalot kay Alex. Ramdam niya ang mabilis na pintig ng kanyang dibdib dahil siguradong mabibisto na siya sa sitwasyong pinasok niya. "Naku, patay..." mahina niyang bulong habang iniiwas ang mga mata kina Brent at Julian. Nagbaba ng tingin si Brent at ngumiti. "Julian? Wow... nandito ka rin pala," masaya nitong sabi habang tinatanggal ang suot na leather jacket. "Binibisita mo rin ba si Sam? Well, bro, that's romantic." Napakagat-labi si Alex. Hindi alam ni Julian na ang kaibigang si
Ngunit sa kalagitnaan ng eksena ay biglang napalingon ang dalawa nang pumasok si Julian. "Dad, w-what is happening here?" nagtatakang sabi ni Julian nang makita ang mga nagkalat at basag na bote sa sahig. "Amh...buti naman at maaga kang nakauwi ngayon. Kailangan ninyong mag-usap na mag-asawa Julian. Kung hindi pa ako napasugod dito ay hindi ko malalaman na may nangyayari na pa lang hindi maganda sa pagitan ninyong mag-asawa," malamig na sagot ng kanyang Ama. "Dad, wala ka dapat ikabahala. Okay kami ni Veca, at isa pa Honey, bakit ganyan ang itsura mo, anong nangyari dito?" wika ni Julian na tila pilit inililihis ang mabigat na sitwasyon. Ngumisi lamang si Veca at tila bahagya pa itong napangiti ng sarkastisko. "You're asking if anong nangyari dito? Huwow! Mag-tu-two months na tayong kasal Julian, pero bakit hindi ko pa rin ramdam na kasal tayo!?" sambit nito at tila may tama na ng alak ang paraan na pagsasalita ni Veca. "Maybe you should talk about this matter na kayo lang
"B-Brent okay ka lang?!" nag-aalalang sigaw ni Alex nang biglang nakaramdam ng kakaiba si Brent na halos mapaupo ito. "Y-yes d-don't worry...I-I think we should go back Alex. I'm sorry...hindi na yata muna kita masasamahan na m-mamasyal..." usal ng binata habang nakahawak sa tiyan nito. "Brent ano ka ba? Iyan pa talaga ang una mong inisip, a-ano kaya mo ba? P-pupunta na ba tayo sa hospital?" sagot nito na dala ang pagka-panic sa tinig ni Alex. "Alex...relax...I-I'm okay," sagot ni Brent na pinipilit pa din na tumayo. "Hindi ka okay Brent, halika na, a-ako na magda-drive ng motor," sagot nito at inalalayan ang binata. "M-marunong ka ba?..." tanong ni Brent. "Oo, kumapit ka lang sa'kin, namumutla ka," muling sagot ni Alex habang naglalakad sila patungo sa motorsiklo ni Brent. Halos hindi maiwas ni Brent na titigan si Alex habang inaalalayan siya at patuloy lang sa paglalakad. Wala siyang kamalay-malay na napapangiti na siya sa pag-aalalang pinapakita ng dalaga. "K
Pagkatapos mamasyal nina Brent at Alex ay napagpasyahan ni Brent na sabihin ang magandang sorpresa nito sa dalaga. "Amh... Alex, hindi ko alam if papayag ka sa sasabihin ko pero, gusto ko sana na ipasok ka sa company namin ni Lola. Payag ka ba?" wika ng binata. "Brent... mukhang sobra-sobra na ang pagtulong na ginagawa mo sa'kin. Mahirap na at baka masanay ako niyan," nakangiting saad ni Alex."Alex...ayaw ko lang isipin mo na pinapabayaan kita. Gusto ko lang din naman na makatulong sa'yo. At habang nasa kumpanya kita ay siguradong safe ka doon, walang mangangahas na mang-away sa'yo," sinserong sagot ni Brent. "Kahit naman tumanggi ako Brent, for sure, kukulitin mo pa din ako. Sige, papasok ako sa company mo pero please lang hayaan mo na lang ako magtrabaho sa'yo. Hindi mo na kailangan na bayaran pa," aniya habang nakahawak sa kamay ni Brent. "Alex, huwag mong isipin ang mga effort na ginagawa ko sa'yo. Ginusto ko ang ganito dahil mahal kita. Pero bago ang lahat...nais ko munang m
Hanggang sa paatras abante na ito, na-feel ko din na hindi siya wild pagdating sa ganitong bagay. Marahan niyang hinawakan ang aking mukha habang ginagawa niya ang paggalaw at nang malapit na kaming lab*san ay lubha akong nagulat nang biglang. "A-Alex? Hey," sagot ni Brent ngunit tila naririnig ko lamang ang boses niya na umaalingawngaw sa aking isipan. "Hmmm," muli kong ungol at napapakagat pa ako ng labi then suddenly. Napamulat ako, at mula sa harapan ko ay naroroon si Brent--nakatayo at pinagmamasdan akong nakahiga sa kama. Sh*t! Panaginip! Panaginip lang ang lahat! "B-Brent ka-kanina ka pa diyan?" mahiyain kong sabi sabay yuko. Namuo ang mga pilyong ngiti ni Brent habang nakapamewang ito. "Hmm... you're calling my name, while you were sleeping," mahina niyang sabi at kaagad kong kinuha ang unan at dahan-dahan kong itinakip sa mukha ko. "Well, maybe... it's time to wake up! Bangon na Alex, may pupuntahan tayo," muli niyang sabi at banayad na hinila ang i
Habang nasa gig si Brent ay wala siyang kaalam-alam na naparoon pala si Alex, suto nito ang kanyang mapang-akit na casual dress. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang binata na kumakanta habang naggigitara. "Ang ganda talaga ng boses," bulong nito sa sarili habang papalapit ito sa binata. Nang matapos ito kumanta ay kaagad itong bumaba at biglang napansin ang presensya ni Alex na noo'y nakatayo malapit sa kinaroroonan niya at nakikipagpalakpakan din. "Alex? Oh, I didn't expect na...na manonood ka pala ng gig ko and, wow, you look... gorgeous tonight," nakangiting sagot ni Brent kasabay ng paggawi ng tingin nito sa dalaga. "Amh, na-bored ako sa bahay mo eh, tsaka nagawa ko na lahat ng gawaing bahay pero...nababagot pa din ako, kaya nagdesisyon ako na puntahan ka dito," masayang sagot ng dalaga."Oh, tara doon tayo, wait lang kuha lang ako ng drinks natin," sagot ni Brent ngunit kaagad na hinawakan ni Alex ang kamay nito. " Kailangan natin mag-usap Brent," biglang sagot ni Alex n
Ang unang gabi nina Julian at Veca ay puno ng init, nang matapos sa pagligo ang dalaga ay mabilisan itong pumunta sa kama at naroroon naman noon si Julian at nakasandal sa headboard ng kama. "Hi Honey, do I look attractive tonight?" pang-aakit na sagot ni Veca. Suminghap ang binata at tila wala itong narinig habang nanonood lamang sa mobile phone nito. Napansin iyon ng dalaga at banayad na kinuha ang cellphone nito tsaka umupo sa tabi ni Julian. "You should take away that cellphone and focus on me Julian, this is our moment at sana naman huwag kang mag astang parang napipilitan," naiinis na sagot ng dalaga. "Veca... di'ba sinabi ko naman sa'yo, it takes time for everything, hindi pa ba enough sa'yo na kasal na tayo?" diin na sagot ni Julian. "It will never be enough Julian, kapag lagi ganyan ang trato mo sa'kin ay balak mapilitan akong gawin ang nararapat...kahit pa alam kong madami akong masasagasaan!" sagot ni Veca na tila may pagbabanta sa tinig nito. "Don't threaten me
"Hindi maaari...bakit ngayon ko lang ito napansin?" Anang ng matanda nang makita ang suot na singsing ni Eros. "Sa pagkakaalam ko, ang singsing na suot ni Eros ay pagmamay-ari ni Julian," nagtatakang tanong ng matanda at pilit na kinakalkyula kung paano napunta kay Eros ang bagay na iyon. "Dios ko, ano ba itong naiisip ko," muling bulong ng matanda kasabay ng pagtingala nito sa itaas. *** Nakaplano na ang lahat, natapos na din ang decorations ng wedding theme nina Julian at Veca. Nang nasa simbahan na ang lahat ay puspusan ang kasiyahan ng bawat isa.Habang galak na naglalakad si Veca sa altar ay ganon naman ang ngiting ipinupukol sa kanya ni Julian habang papalapit ito. "You've made the right decision son," Anang ni Mr. Evans na noo'y malapit lamang sa tabi ng kanyang anak na si Julian. Natuloy nga ang kasal ng dalawa at habang nagsasaya sila sa loob ng simbahan ay naroroon naman si Alexa at nakamalong ito at naka-shades. " Magsaya ka Julian, pero hindi ako papayag na
"Marry me..." Natameme ng husto si Alex at hindi niya alam kung anong isasagot niya kay Brent. "B-Brent... seryoso ka ba sa pinaplano mo?" nagtatakang tanong ng dalaga. "I'm a hundred percent sure Alex, it's okay if you marry me para lang makaganti sa kanila. Kung iyon ang nararapat at tanging paraan then, let's do it. Alam kong mahirap para sa'yo ang desisyon na ito, pero mas lalo akong mahihirapan Alex kapag hinayaan mo lang sila sa ginawa nila sa'yo," sagot ni Brent sa dalaga. "P-Pero Brent...kapag nagpakasal tayo, baka mas lalo nilang isipin na ginagamit kita para makapaghiganti sa kanila. At isa pa, h-hindi ko maipapangakong magiging maayos ang lahat pagkatapos ng kasal na ito," saad ng dalaga na tila ramdam pa din ang kaba sa kanyang dibdib. "Pinaghahandaan ko na iyan Alex, I'm not expecting in return, I just want to bring the real you, the new YOU. Iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko Alex kaya hindi ko hahayaan na tinatapak tapakan ka lang. Marry me for vengeance," muli
Kinaumagahan ay napansin ni Alex na hindi maganda ang pakiramdam ni Brent kaya kaagad niya itong nilapitan. "Brent? Okay ka lang ba? Ang init mo, sandali lang," saad ng dalaga at nang akma na itong tatayo ay hinawakan siya ni Brent. "D-Don't leave me..." may pag-nginig sa boses ng binata habang nagsasalita. "Stay...with me, please," muling dagdag nito habang nangingitim ang ilalim ng mga mata nito.Kaagad naman napaupo si Alex at hinawakan ang dalawang magkabilang kamay nito at kinumutan habang nasa sofa. "Hindi ako aalis Brent, pero hayaan mo na alagaan kita, hindi ako aalis," sagot ni Alex at habang hinahaplos ang buhok ng binata. At nang mapakiramdaman ni Alex na kumalma ang binata ay kaagad siyang kumuha ng mainit na tubig upang punasan ito. "Hay, kawawa ka naman, buti na lang nagkataon na nandito ako," bulong ni Alex sa sarili habang patuloy na inaasikaso si Brent. Pinagtyagaan niyang bantayan, pagsilbihan ang binata hanggang sa medyo bumaba ang init ng katawan nito. Gabi