Share

Kabanata 2

Author: xxavy
last update Last Updated: 2023-02-01 22:23:32

"Tao po? Tao po!?" malakas akong nagsalita upang matawag ang atensyon ng isang kasambahay na nagdidilig ng mga halaman.

Hindi naman ako nabigo dahil lumingon nga si Ateng kasambahay sa akin. Ibinaba niya muna ang hawak na hose at lumapit gamit ang matang puno ng kyuryosidad.

"Ano po iyon? May kailangan po ba kayo?" pagtatanong n'ya. Napakamot naman ako sa batok.

"Uh.. Dito po ba nakatira ang mga Vanhouger?" tinanong ko parin kahit na nakita ko na iyon sa mismong gate pa lamang.

It's better na maging sigurado kaya!

Nakita ko ang pagngiwi ni ate."Opo ma'am, dito nga po. May kailangan po ba kayo sa kanila?" tugon niya tsaka sinuri ako mula ulo hanggang paa.

Hala? May ganoon? Balak niya ba na gawin akong model? Kasi ganito nakikita ko sa mga bakla na nagrerecruit ng mga model. Omygoshie! Magiging model na ba ako? E, paano 'yong trabaho ko bilang designer? Pagsabayin ko nalang kaya? Hays, ang hirap naman nito.

"Gagawin mo po ba akong model?" tanong ko para makapaghanda na ako at masabi kay nanay pagbalik sa bahay!

Kumunot naman ang noo ni ateng kasambahay na parang puzzle ang sinabi ko na hindi nya mabuo-buo.

"Ha? Ano iyong sinasabi mo, ma'am?" kung gulong-gulo siya mas gulong-gulo ako! Haaay.

"Nevermind, ate," ngumuso ako. Akala ko naman magiging model na ako pero hindi pala hmp!"Nandyan ba ang asawa ni Mrs. Soler---I mean si Mr. Vanhouger? Nandyan po ba sya?" sya kasi ang balak kong kausapin tungkol sa deal namin ni Mrs. Vanhouger.

"Si Sir Jershun po?" sagot nya. Ha? Sinong Jershun? Tumango na lamang ako kahit naguguluhan."Kaano-ano po ba kayo ni Sir?" tanong ulit niya. 

Ano ba 'yan! Ang dami naman tanong nitong si ate! Sigurista na talaga mga tao ngayon. Sinasabi ko na nga ba, e. Baka mapagkamalan pa ako rito na budol-budol! Huhu, pero sabi naman ni Mrs. Soler ay kilala naman daw ako ng asawa nya, ah? 

Okay fight, Lei!

Tumikhim ako at tumayo ng tuwid. Sana lang talaga paniwalaan niya ako.

"I'm the future daughter-in-law of Mr. Je.. Jer..." omy! Ano nga ulit pangalan ni Mr. Vanhouger? Jerald? Jeron? Jersey? Ayun alam ko na! Tumikhim ako ulit."I'm sorry. I'm the future daughter-in-law of Mr. Jershun Vanhouger. Pinadala ako rito ni Mrs. Soleriana Vanhouger para pakasalan ang panganay na anak nya." 

Lumalim ang guhit sa noo ni ateng kasambahay at nagsimula na akong kabahan. Magsasalita na sana sya nang pareho kaming matigilan dahil may isang lalaking pumunta sa likuran nya at tinanong sya habang ang mga mata ay nasa akin.

"Agnes, It's fine. I know her. Can you please excuse us?" matigas ang pag-iingles nito at puno iyon ng awtoridad. 

Agad naman na tumalima si ateng kasambahay na Agnes pala ang pangalan.

Sa tingin ko ay nasa mid 50's itong lalaki. He's tall, has a strict and serious face and wrinkled eyes, signs of aging. Overall, he's way too formal. Ngunit ganoon pa man ay pansin kong hindi natakpan niyon ang katotohanan na gwapo siya noong kabataan niya at hanggang ngayon parin naman. Parang panghollywood ang ilong niya, ang tangos!

Bodyguard siguro s'ya ng mga Vanhouger 'no?

"Ms. Belleza." Nqapabalik ang diwa ko nang tinawag niya ang apelyido ko.

Omygoshie! Kilala nga ako ni Mr. Gwapings na bodyguard!

"K-Kilala n'yo po talaga ako, Sir?" Nakakatuwa naman! Sikat ba ako kaya kilala n'ya ako?

"Yes, Ms. Belleza. I know you and your mother Patricia Belleza," Pagkatapos ay inilahad niya ang kanyang kamay sa akin."I'm Jershun Vanhouger, husband of my beloved Soleriana Vanhouger." Pagpapakilala niya at napanganga na ako.

Huwaaat?! S'ya si Mr. Vanhouger?

Akala ko kasi bodyguard s'ya. Shocks, patay!

"Seryoso? Kayo po si Mr. Vanhouger?" tanong ko pagkatapos tanggapin ang kamay niya. Tumango sya."Hala! Sorry po, sorry!" Nagbow ako nang nagbow sa harapan n'ya.

"What... are you doing, Ms. Belleza?" natigil ako sa pagbow at tinignan ulit s'ya

"Po? Nagsosorry po. Hindi ko kasi alam na ikaw po pala si Mr. Vanhouger, akala ko kasi bodyguard kayo rito," sinabi ko at tumungo para maghanda na sa ilalabas nyang galit! huhu.

Pero ilang segundo ay narinig ko ang mahina n'yang pagtawa.

"Same old Belleza, I see. You're really funny, hija. May bodyguard ba na nakarolex?" Sinabi niya at doon ay napaangat ang tingin ko saka nakita na nakasuot nga s'ya ng rolex na relo!

Bakit naman kasi hindi ko muna kinilatis ng mabuti ang postura n'ya?

"Ay, sorry po talaga, Mr. Vanhouger! Ano po ba ang kailangan kong gawin upang mapatawad mo ako?" kinakabahan ko nang sinabi.

"Marry my son and I'll forgive you," aniya at nanlaki ang mata ko. 

Seryoso ba siya? Tanggap ako ni future father-in-law!

"Iyan nga po ang ipinunta ko dito, Mr. Vanhouger." Tugon ko. Sumilay ang ngiti sa labi n'ya bagaman seryoso parin at istrikto ang hitsura.

Inanyayahan ako ni Mr. Vanhouger sa loob ng kanilang mansyon at hindi ko maiwasan na mas lalong mamangha at mapanganga nang makita ang bawat detalye niyon. 

Kumikinang ang chandelier na gawa sa mamahaling diyamante. Ang bawat bintana ay may white blinds na hinaluan ng kulay cream kaya mas malinis at sopistikadang tingnan! Puro puti ang kulay ng buong mansyon pero hindi mauumay ang mata mo dahil maraming mamahaling kagamitan ang nakalagay at nakaayos sa bawat sulok at espasyo nito. Katulad na lamang ng malaking picture frame na nakasabit sa dingding hindi kalayuan sa hagdanan nila. Hinaplos ko iyon habang patuloy na humahanga sa ganda ni Mrs. Soleriana Vanhouger.

"That's my wife," rinig kong sinabi ni Mr. Jershun na nasa likuran ko lang. 

Napangiti ako.

"Alam ko po," saka bumuntong-hininga.

"Hanggang ngayon nga po ay nakokonsensya parin ako dahil hindi ko sya nailigtas noon," narinig ko rin ang buntong-hininga niya.

"It's okay, hija. Nakaraan na iyon at hindi na maibabalik pa. Instead, I should be thankful to you because you're here to grant my wife's last wish." Sinabi niya at iminuwestra sakin na sumunod ako sa kan'ya.

Walang tigil sa paglinga ang aking mga mata nang dalhin nya ako sa office niya. Nasa second floor kasi ito kaya umakyat pa kami kanina sa hagdan. Kahit sa opisina ay ang rangya parin tingnan, mula sa mga design na talagang panlalaki hanggang sa mga kagamitan na nasa magandang ayos.

Ibang klase pala ang mga Vanhouger!

"Ano pong ginagawa natin dito, Mr. Jershun?" tanong ko kasi nakakacurious talaga. Itinuro niya ang upuan kaya naupo muna ako.

Pinagsiklop n'ya ang kamay at inilagay sa baba."I want to know why you decided to go here only just by now after one year when the accident happened?" Ngumiti s'ya nang tipid."Just call me tito, by the way."

"E, kasi po Mr--I mean tito... matagal bago ako naging handa para dito. Matagal ko po kasing pinag-isipan ang deal na ito, pasensya na po kayo..." paghingi ko ng paumanhin.

"No, hija. I understand, I just want to know why is that and your reason is valid so there's no problem with me." He assured. Nakahinga naman ako ng maluwag doon.

"Naku! Salamat po, Mr. Jershun!"

Mabait naman pala itong future father-in-law ko. Mukha nga lang strikto.

"It's tito, Leticia." pagtatama niya kaya nagpatango-tango ako kaagad.

"Yes, tito hehehe." Itinama ko naman na. Sasagot pa sana si tito Jershun nang bumukas ang pintuan.

"Yow there, Dad----" pareho kaming natigilan ng lalaking pumasok. Ang gwapo nya! Pero mukhang mas bata sa akin ng kaunti."Woah! Who's this cutie charming lady?" aniya nang makita ako at nanlaki ang mata ko nang kunin nito ang kamay ko at halikan ang likod niyon!

Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni tito Jershun.

"Oh, Kiel my son. She's your kuya's fiancé." Sinabi ni tito at ang lalaking kaharap ko naman ang nanlaki ang mga mata.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi upang iwasan ang humagikhik. Hula ko playboy ang isang ito. Yan kasi, basta basta nalang nanghahalik, e!

"Fuck, I didn't know!" pagmumura nito sabay bitaw agad sa kamay ko. Nagpout naman ako nang malaman na nagmumura pala sya.

Gwapo nga pero nagmumura naman, hays. Yung kuya niya kaya nagmumura rin?

"Your mouth, son." warning ni tito na sinang-ayunan ko. Tumango naman na parang tuta si Kiel.

Kasing gwapo rin kaya siya ng kuya niya?

"By the way, Leticia this is my second son, Keiron Vanhouger. Son, this is Leticia Belleza your kuya's fiancé." pagpapakilala ni tito sa aming dalawa. 

"Nice meeting you, Leticia Belleza. What a beautiful name just like you," ani Keiron at kumindat pa!

Uminit ang pisngi ko at natawa."Nice meeting you too, Keiron..." syempre nanatili akong nakangiti sa harap niya kahit na naiilang sa mga inaasta niya.

"Why are you here, anyway?" pagtatanong ni Tito kay Kiel maya-maya lang. 

Napagdesisyunan ko naman na umupo nalang muna ulit at i-admire ang magandang office na ito.

"Well, I just wanna talk to you Dad about the uh... Is it right to say it here?" rinig kong sinabi ni Kiel ngunit nasa iba ang atensyon ko para pagtuunan pa ng pansin ang usapan nila.

"I think it's okay. Leticia seems not to mind though. Look at her, she's too kind and innocent to join our business conversation." Rinig ko naman sambit ni tito na hindi ko na naiintindihan pa dahil mas natutuwa ako sa nakikita kong aquarium na puno ng makukulay na isda!

Hala! Parang gusto ko rin tuloy mag-alaga ng mga isda katulad nito!

"Kuya Reij said the Salberos are slowly quitting from the shares on their company and they are actually planning to abandon the Westelnns! Isn't it shaky and can possibly affect our company?" 

"Why the Salberos are quitting first?"

"Don't you know? It's because of their only son who just died after the calamity happened, dad. I think they are depressed and I feel sorry for them," bagaman nasa mga isda ang atensyon ay naririnig ko parin sila.

Kanina ko pa napapansin, ah. Napapadalas na ang mga englishan nila. Hindi naman sa hindi ako makaintindi ng lenggwaheng iyon pero kasi nakakadugo lang ng ilong!

"Is that so? There's nothing I can see any problem with that. Let's just understand them and respect their decision. Otherwise, It will not affect our company if that's your concern. We will just help your cousin with theirs, okay?"

"Yes, dad. I'll tell that to kuya Reij including Tita Amanda and Tito George," 

"Good. Tell also to the Salberos my deepest condolence----Oh wait, did your kuya already know that?"

"Yes, I already knew that." 

Akala ko ay si Kiel parin iyong sumagot pero nang mapagtanto na baritonong boses iyon at may kakaibang lamig ay naialis ko ang atensyon sa aquarium at napalingon na sa kapapasok lamang na... greek god.

Waaa! Bakit mukha siyang greek god na bumaba rito sa kalupaan para lang maging ganyan kagwapo sa paningin ko?! Kamag-anak ba siya nina Edward Culen?! Parehong-pareho kasi ang tabas ng panga nila tapos samahan pa ng malalalim na mga mata at makakapal na pilik nito pati kilay. Tapos yung kanyang lips... grabe ang nipis! Parang ang sarap halikan? 

Joke! Lagot ako kay nanay neto, nagiging dirty na ang brain ko huhu.

"Narito ka na pala, Kuya." si Kiel na nasa gilid lang. 

Napanganga ako ng hard nang mapagtanto ang sinabi nito.

OMYGOSHIE AGAIN! SYA SI KELVIN VANHOUGER? SYA ANG MAGIGING FIANCÉ KO? HOLY MOLYMOTHER OF CHRIST!

"Who the fuck is she?" bungad niya nang makita na ako. 

Nanginig ang aking mga tuhod sa may pagmura at malamig na tanong nIya.

Pakiramdam ko, nawala ang sigla ko. Hindi naman kasi iyon ang inasahan kong pagbati n'ya sa akin...

"She's Leticia Belleza, Kier. She's your fiancé." Si tito Jershun ang sumagot. Yumuko nalang ako dahil ayaw kong masalubong ang lamig ng tingin ng anak n'ya.

Unti-unting nalusaw ang kaninang paghanga ko at napalitan iyon ng kaba at panlulumo. Bakit ganito siya? Bakit iba siya sa kapatid niya? S'ya ba talaga ang panganay ng mga Vanhouger?

Narinig ko ang sarkastiko n'yang pagtawa na nagpalunok sa akin.

"Are you fucking kidding me? I don't remember I proposed and gave a fucking engagement ring to that gold-digger." Lihim akong napasinghap dahil doon.

A-ako? Gold-digger? Wala naman akong kinukuhang ginto, ah? Hinawakan ko lang naman yung ginto nilang gate, ah. Grabe naman siya magsalita!

"Kier, your mouth! Matagal na nating napag-usapan ito 'diba? And she's not a gold-digger for pete's sake!" Mariin at nangibabaw ang boses ni tito.

"Hindi ka na nasanay kay kuya, dad." Tumawa naman si Kiel na hindi yata nakakaramdam ng tensyon or sadyang sanay lang talaga s'ya?

"Oh shut it!" Mas nangibabaw ang sigaw ni Kier kaya natigil ang kapatid niya at bumalik ang kaba ko."Didn't I say that I don't fucking care about this bullshit? Ni hindi ko nga siya kilala tapos ay sasabihin niyong fiancé ko siya? Ginagago n'yo ba ako, dad?" malamig n'yang tanong.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at naramdaman ang pagbabara sa lalamunan ko. Omygoshie... naiiyak ba ako? Napakaiyakin ko naman! Ang sakit kasi, e! Ang sakit n'ya magsalita...

Pinigil ko ang nagbabadyang pagluha at nilakasan ang loob na mag-angat ng tingin sa kanya at saktong tumingin siya sakin kaya nagtama ang aming paningin.

"Kier, I'm warning you. Don't treat her the way you treat all people around you!" 

Sumilay ang ngisi sa labi niya at kinilabutan ako mula ulo hanggang paa dahil doon."She's not even special to be an exemption. I'm warning you, too, dad. I will not marry her and that's final."

Unti-unting nanlaki ang mata ko nang humakbang siya palapit sa akin."A-Anong..." nauutal na ako dahil sa kaba! 

Nakakatakot ang aura nya! Ayaw ko na sa kanya dahil ang sama-sama pala ng ugali n'ya!

"You're pretty but I don't bed girls like you... so skinny and I bet you're not gonna pass on my taste too," nakangising aniya at dahil doon ay nasampal ko siya.

Anong akala n'ya sa akin, narito para magpakama daw sa kan'ya? Wala ba syang pinag-aralan? Mukha naman syang edukado pero grabe, hindi halata sa ugali! Napakasama n'ya!

"Napakasama mo! Kung 'yan ang tingin mong ipinunta ko rito ay nagkakamali ka! Inakala ko pa naman na mabait at marespeto ang panganay ng mga Vanhouger pero hindi pala!" Sigaw ko sa harap niya at kinuha na ang aking bag na nasa upuan."Kung ayaw mo sakin pwes ayaw ko rin sa 'yo! Gwapo ka pero isa kang gago!"

Binunggo ko siyang nanatiling nakapaling doon dahil sa sampal ko at walang lingunan akong umalis sa opisinang iyon para umuwi na sa bahay dahil disappointed ako sa inasal n'ya at sa nangyari ngayon. Hindi ito ang insahan ko at hindi ganoon ang ugaling inakala ko sa ipinapakasal nila sa akin.

Akala ko ba magkakilala kami noong bata pa? Oo hindi ko na siya maalala pero hindi naman ako ganoon umasta o bumati man lang. Wala siyang respeto! Napakasama ng ugali at napakabastos! 

Dapat pala nakinig nalang ako kay nanay. Dapat pala hindi na ako pumunta rito. Nadisappointed na nga ako, nakasampal pa. Gusto kong talikuran ang pangako ko kay Mrs. Soleriana pero ayaw ko naman na habang buhay akong makonsensya! 

Hayyy, bahala na nga. Basta ang alam ko lang ay gago si Kelvin Vanhouger. Oo gago s'ya! Gag---ay hala? Hindi ko sinasadyang magmura kanina! Patay! Huhuhu hate ko na talaga si Kelvin! Dahil sa kan'ya nakapagmura ako! Sobrang hate ko na s'ya argghh!

Related chapters

  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 3

    Nagtataka talaga ako kung bakit ganoon ang ugali ni Kelvin Vanhouger. Mabait naman sina Mrs. Soler at tito Jershun pati si Kiel ay mukhang mabait rin pero bakit ganoon siya? Ampon kaya siya? Siguro hindi magkaanak noong una sina Mr and Mrs. Vanhouger kaya nag-ampon nalang tapos si Kelvin 'yung inampon nila pero hindi nila alam magkakaroon pala sila ng anak at iyon ay si Kiel.Hmmm, ganoon nga siguro ang nangyari 'no? Ang komplikado naman ng buhay nila kung ganoon! Parang mathematics!Malakas ang buntong-hininga na pinakawalan ko pagkababa sa tricycle na sinakyan ko pabalik sa amin. Matapos kong maibigay ang bayad kay manong driver ay bagsak ang balikat akong naglakad hanggang sa makarating na sa bahay namin at sinalubong ako ni nanay. Tumigil ako at umiling saka napayakap na lamang sa kan'ya."Anong nangyari, anak?" Malambing n'yang tanong at hinahaplos ang aking buhok. Ngumuso ako at naramdaman ang pagtulo ng tubig sa pisngi."Kilala nga ako ni tito Jershun, nay..." humihikbi akong p

    Last Updated : 2023-02-21
  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 4

    "Welcome again to Vanhouger's mansion," natatawa si Kiel nang sabihin niya iyon pagkalabas namin sa kanyang sasakyan.Samantalang kasunod lang namin na bumaba ang mga men in black sa sarili nilang sasakyan. Oh, 'di ba sosyal?Huminga ako ng malalim at hindi maiwasan na kabahan ulit,"Nandito parin ba si Kier?" wala sa sariling tanong ko.Inakbayan niya ako kaya napatingin ako sa kan'ya,"Probably he's on his office by now," magkasabay na kaming naglalakad papasok sa mansyon. Hindi ko na rin napansin pa ang men in black dahil kaagad na silang nawala sa paligid namin."E, si Mr. Jershun---" naputol ang pagtatanong ko nang hindi ko na pala kailangang hanapin pa ito dahil prenteng nakaupo ang haligi ng mga Vanhouger sa rocking chair na naroon.Inalis kaagad ni Kiel ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Bumuntong-hininga si Mr. Vanhouger bago magsalita."It's tito, Leticia. How many times do I have to tell you that?" aniya saka tumayo mula roon at ngayon ko lang napansin na may iniinom pala s

    Last Updated : 2023-02-21
  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 5

    Halos tulala ako nang makababa kanina matapos ang pangyayaring nasaksihan. Basta ang alam ko lang ay tinawag ako ni Tito Jershun upang magmeryenda daw kaya ngayon ay kasalukuyan kaming nasa hapagkainan kasama si Kiel na hindi ko alam kung saan nanggaling at biglang na namang sumulpot. "Hija, are you okay?" Napabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Tito. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at nakitang pareho na pala sila ni Kiel na nakatingin sa akin."Okay lang po ako, tito. N-Nag-iisip lang po ako kung ano ang masarap na meryendahin ngayon..." Nasabi ko nalang at napakagat-labi."Well, I think we have pizza, raspberry cake, tuna sandwich, cheese chips, french fries and many more. You're free to choose what you want hija or I'll just ask all of those to the maids?" Natakam agad ako sa mga sinabi niya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tumango na lamang."Alright. Agnes! Give us here pizza, raspberry cake, tuna sandwich, cheese chips, french fries and all delicious dishes we hav

    Last Updated : 2023-02-21
  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 6

    Pabalik-balik ako sa paglakad at hindi mapakali habang kinakagat ang kuko. Si Kiel ay kanina pa umalis at sinabi sa akin na may pupuntahan lang daw siya. Si Tito Jershun naman ay hindi pa nakakabalik mula kanina kasama si Kuya Vicente. Samanatalang si Kelvin naman... ewan ko roon. Baka nilamon na ng lupa mula sa kung saan.Charot! Bad!Kanina pa nga ako sinasabihan ng ilang maids rito na kung ano ba daw ang problema ko o kung natatae ba daw ako. Kinakabahan kasi talaga ako at saka patuloy na iniisip ang mga nangyayari. Kung hindi ba ako pumayag noon sa kahilingan ni Mrs. Soleriana ay hindi ako mahihirapan ng ganito?Stop ka nga, Lei! Wala ng puwang ang magsisi kasi nakapayag ka na at nakapagdesisyon, huhuhu."Lei, anak!" Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon at umusbong ang tuwa sa dibdib ko bagaman may pagtataka nang makita ko siya rito."Hala! Nay!" niyakap n'ya ako ng mahigpit at niyakap ko rin siya pabalik. Sa sobrang okupado ko pala kanina ay hindi ko namalay

    Last Updated : 2023-02-21
  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 7

    Halos wala pang isang oras ay tumigil na ang sinasakyan namin. Mula sa dulo ay umusog ako upang sumilip sa tinted na bintana nito para makita ang sinasabi nilang kompanya ng mga Vanhouger. Nanliliit ang mata ko iyong tinitigan at kalaunan ay napanganga ako at nanlaki ang mga mata."Hala?! E, dito ako nag-apply noong isang araw, ah!" Naibulalas ko habang nakanganga parin na nakatitig roon.Napakalaki niyon at hindi mo pa lang nalalapitan ay alam na bigatin talaga ang may-ari. Malawak ang estruktura na may nakalagay na 'DE VNHGRS' sa itaas ng entrada ng kompanya. Gusto kong kutusan ang aking sarili.Bakit ba hindi ko agad napansin 'yon? Inalis lang nila iyong vowels, e!Narinig kong binuksan na ni Kelvin ang pinto at lumabas na siya doon samantalang ako ay naestatwa na lamang habang nalilito sa nakikita. Nagpakurap-kurap nalang ako nang makita s'yang kumakatok sa bintanang katapat ng mukha ko habang magkasalubong ang makakapal na kilay. Nagmadali ko naman binuksan ang pinto nang matauha

    Last Updated : 2023-02-21
  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 8

    "S-Salamat nga pala sa lunch.." Mahina ko iyong inusal habang nakasunod sa likuran ni Kelvin papasok sa elevator. Nagdesisyon kasi siya na umuwi na raw at bukas na tapusin ang trabaho.Tignan mo ang lalaking 'to, may bait rin palang tinatago sa katawan kahit kaunti.Tumikhim naman siya,"It's the first and gonna be the last. Hindi na iyon mauulit kaya dapat ay maaga ka nang gumigising para makapag-almusal at hindi magutom sa oras ng trabaho." Nagpout nalang ako. Grabe, akala ko naman genuine na iyon, 'yun pala parang napilitan lang siya. Hmp!Sa tingin ko ay ala syete na ng gabi. Madilim na kasi sa labas noong mabungaran namin habang naglalakad patungo sa sasakyan. Marami parin empleyado ang sa tingin ko ay mag-oovertime rito. Naaawa ako sa kanila pero wala akong magagawa, hindi naman ako ang boss rito, e. Halos lahat sila ay tumitingin sa amin katulad kanina, ang mga mukhang inaantok nga ay parang sumigla at nagliliwanag ang mukha nang makita si Kelvin na wala namang pakialam sa pal

    Last Updated : 2023-02-21
  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 9

    Mabilis ang aking paghinga dahilan ng pagtaas baba ng aking dibdib. Kinukulong niya ako at hindi ko alam kung paano pa ako makakalayo gayong kahit itulak ko s'ya ay hindi siya matinag. Sa totoo lang ay kinakabahan ako pero hindi ko malaman ang gagawin. Parang naging okupado ako lalo na at hindi n'ya inaalis sa akin ang titig niyang nakakapaso. "A-Ano bang ginagawa mo, Kelvin?" Hindi s'ya sumagot,"L-Lumayo ka nga!" Sinubukan ko ulit siyang itinulak pero wala parin nangyari."I've threatened you so many times but you didn't even listen. Now, face your punishment. You will surely never forget it," Napasinghap nalang ako nang bigla ay alisin niya ang aking suit sa paraan na sinisira n'ya iyon!"Kelvin, huwag!" Pinigilan ko ang kamay n'ya ngunit hinawi niya lang iyon kaya wala akong nagawa at hinayaan nalang s'ya."Ako ang nagbutones kaya ako rin ang magtatanggal," Nakagat ko nalang ang pang-ibabang labi nang sabihin n'ya iyon kasabay nang tuluyang pagkasira ng suit ko. Hindi ko maiwasan

    Last Updated : 2023-02-21
  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 10

    Hanggang sa matapos na ang lunch break ay hindi parin bumabalik si Kelvin sa opisina. Bagot na bagot na nga ako kakahintay dahil ni anino niya ay hindi parin nagpapakita. Wala naman akong magawa kundi magpabalik-balik na lamang kasi sira ang laptop na ginagamit ko sa paggawa ng designs. Nasaan na kaya iyong lalaking 'yun?Napatalon at nagulat nalang ako nang bigla ay tumunog ang telepono. Sapo-sapo ko ang dibdib dahil sa naramdamang kaba,"Jusko naman, akala ko kung ano na!" Dali-dali akong nagpunta roon at kinuha iyon."Hello? Sino po ito?" Maingay na musika at hiyawan ng mga tao ang naririnig ko sa background kaya medyo inilayo ko iyon sa aking tenga. Maya-maya lang ay may malalim na buntong hininga na ang narinig ko."Finish the documents I haven't put my signatures yet. I'm not going back to the office. I'll just send Vicente to drive you home." Medyo paos ang boses n'yang iyon na unti-unting nalulunod dahil sa ingay ng background.Kumunot ang noo ko,"K-Kelvin?" Hindi siya sumagot

    Last Updated : 2023-02-21

Latest chapter

  • Taming The Ruthless Billionaire   Wakas

    Officially Tamed.----------------10 years after..."Mommy! Daddy! I'm freak out!"My eyes darted at our son who's running recklessly on staircase. I heard my wife's giggle from kitchen and then her footsteps towards my direction."Azelar, bakit ka tumatakbo riyan?" natatawa paring ani Leticia.I closed our distance and encircled my arms around her waist. She looked at me with her twinkling ocean blue eyes. Damn, that's the best masterpiece I want to look at forever.Tuluyan nang nakababa ang humahangos na anak namin. He ran towards our between space, Leticia wiped our son's sweat on his forehead. "Why are you running like an athlete, son?" I asked while he's busy catching his own breathe."First of all, I'm really an athlete, dad! Second, I'm running because I'm freaking out! Third, I'm freaking out because there's a lasagna on my study table!" he answered continuously.Leticia and I looked at each other and let out a sigh. We don't know how or why but Azelar has this hate issue on

  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 50

    Nginitian ko at kinawayan si Architect Ramos na malawak ang ngiti sa amin mula sa table nila ng mga kasamahan. Gusto ko silang lapitan kaya humarap ako kay Kelvin na kanina pa nakapulupot ang kamay sa aking bewang.Kinulbit ko sya, napatingin siya sakin at nadistorbo ang pag-uusap nila ng business partner niya."Punta muna ako kila Architect Ramos?" pagpapaalam ko with matching puppy eyes.Naningkit muna ang mata nya at tumingin sa direksyon ng mga engineer at architect bago muling bumaling sakin."Alright, mylove." mukhang labag pa sa loob. Tumingkayad ako para halikan sya sa labi."Huwag kang mag-alala, sa 'yong-sa 'yo naman ako mamaya," kinindatan ko sya. Humagikhik ako nang makita ang madilim nyang ekspresyon. Oops.Naglakad ako buhat buhat ang suot ko paring gown. Sa bungad ng mansyon ng Vanhouger ang reception, dalawang long table ang sa isang tabi na may iba't ibang nagsasarapang putahe. Sa gitna niyon ay may dalawang magkatabing cake. Mala-palasyo ang pigura nito, parehong

  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 49

    Nakacross arm ako habang pinagmamasdan ang isa pang tauhan nina Kelvin na inutusan niyang sumundo ng mga pinamili namin. Inilalagay nito sa mini van na dala ang mga baby things."Let's go, mylove," biglang sumulpot si Kelvin sa tabi ko at inilagay ang kamay sa likod ng aking bewang."Okie,"Umupo na ako sa front seat. Nakita kong isinara na rin ang mini van at pumasok na roon ang tauhan. Ini-start narin ni Kier ang makina."Can't wait for our wedding," lumingon ako sa kanya."Baka naman sa honeymoon," tapos ay umismid ako. Bumaling sya sakin."You think so?" nang may madilim na ngisi. Kumunot ang noo ko't hindi na lang sya pinansin.Napapitlag ako nang maramdaman ang kamay nya sa aking hita. Nilingon ko syang muli pero nanatili naman sa kalsada ang kanyang mga mata. Hinayaan ko iyon, namamahinga lang naman ata.Pero nagkamali ako, unti unti kasing humahaplos ang kamay niya doon. 'Yung haplos na parang nang aakit, nagbibigay ng kakaibang sensasyon."Kier.. magpokus ka sa pagmamaneho.."

  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 48

    "Kier, nasaan na ang pinabibili kong rambutan?" taas-kilay kong tanong habang naglilipat ng channel sa tv.Hindi ako lumilingon kasi nakakatamad. Dinig ko ang tunog ng kaniyang sapatos kaya alam kong papalapit na siya sakin. At hindi nga ako nagkamali kasi ngayon ngayon lang ay nasa harapan ko na siya."But my love.." iyong boses niya ay pagod. Nagsimula ko na siyang harapin."Bakit? Wala? Pagod kana ba? Pagod kana sakin?" nangilid ang luha ko sa isiping pagod na siya sakin. Hindi ko naman sinasadya na pahirapan siya sa paghahanap ng dose dosenang rambutan eh!Nagulat siya lalo na nang humikbi ako. Dali dali niya akong dinaluhan. Hindi malaman ang gagawin."H-Hey, nagpadeliver na ako, matatagalan pa raw ang dating but I'll make it fast for you, mylove," sinabi niya at suminghot singhot ako."Talaga? E, bakit mukhang pagod ka na? Ayaw mo na ba sakin ha? Nakakainis na ba ako?" kinagat ko ang ibabang labi dahil tumulo na naman ang luha.Nakaawang ang kaniyang labi. Nainis ako sa reaksy

  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 47

    Gumising ako sa kaparehong silid. Bumungad sa akin si freny at Euhan na nakaupo sa couch, ang aking mga magulang na may kausap na doktora."Tita, Tito! Gising na po si freny!" nagsilapitan kaagad sila sa akin.Naguluhan ako dahil maluha luha ang kanilang mga mata lalo na si tatay daddy at nanay mommy. Ngi? Anong meron?"My princess.." iyon lang ang naiusal ni tatay kasi ang weird talaga, nakangiti silang nangingilid ang mga luha."A-Ano po bang nangyari?" sa pagkakatanda ko ay bigla akong natumba no'ng pumunta ako sa ICU dahil kay Kelvin.Si Kelvin..."Kailangan ko pa puntahan si Kelvin!" akmang babangon na ako pero pinigilan nila ako. "Anak, mas lalong kailangan mo ng pahinga ngayon," nakangiti iyong sinabi ni nanay. Mas nawerduhan ako."Bakit po ba, nay? Maayos naman ako, gusto ko na po makita si K-Kier," nabasag ang boses ko pagkatapos maalala ang kanyang kalagayan."Ms. Belleza, listen to your mother. You really need to take a rest especially now on your condition," si doktora n

  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 46

    Pagkadilat ng mga mata ko, purong puting kwarto ang tumambad sakin. Ang amoy ng silid na ito.. napakapamilyar. Biglang pumasok sa alaala ko ang senaryo pagkatapos ng aksidente no'ng isang taon. Ganitong ganito ang aking sitwasyon.Ang amoy ng kemikal..Puro puting kulay..Pakiramdam nang nag-iisa..Alam ko, nasa ospital ako. Bumaha sa isip ko ang mga nangyari na naging dahilan kung bakit ako narito ngayon. Kidnappers.. Mr. Rezco.. Loriel.. Tauhan.. Bugbog.. Baril.. Pagsabog.. Sina Kiel.. At si.. Kelvin.. nung huli ko siyang nasilayan bago ako mawalan ng malay."K-Kelvin.." pilitin ko man, parang ang hirap hirap magsalita at maglabas ng boses. Pakiramdam ko ay tuyong tuyong ang aking lalamunan.Susubukan kona sana bumangon pero bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si nanay na humahangos akong tinignan nang may nanlalaki ang mga mata. Dali-dali siyang lumapit sakin at pinigilan ako sa akmang pagbangon."Huwag, anak! Hindi mo pa kaya. 'Wag mo pilitin ang sarili at magpahinga ka muna," ag

  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 45

    Pabalibag na bumukas ang yerong pinto. Tumambad doon si Kelvin. Kasunod niya si Kiel, Euhan, Trevor at yung pinsan nilang nagngangalang Reij sa pagkakatanda ko. Pare pareho silang humahangos na tinignan ako. Ngumiti ako kay Kelvin nang magtama ang aming paningin kasabay ng luhang dumalisdis sa pisngi.Silang lima ay nakacorporate attire lahat. Hindi ko alam kung sinadya ba nila iyong pagsusuotin o sadyang kagagaling lang nila sa trabaho. Ang mukha ni Kelvin, umiigting ang panga at madilim ang hitsura habang nakikita ang kalagayan ko. Ang kaibigan kong si Euhan, awang awa sakin at magkasalubong ang mga kilay. Si Kiel at Trevor pati si Reij ay magkakapareho ang reaksyon, mabibilis ang paghingang halos magdugtong ang mga kilay.Magsasaya na sana akong tuluyan dahil narito na sila ngayon sa harapan ko pero sunod sunod na lamang tumulo muli ang mga luha ko nang maramdaman ang malamig na bagay na nakadikit sa sentido ko. Nagbukas ang patay sinding bumbilya. Dumoble ang reaksyon nina Kelvin

  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 44

    "Kamusta ang prinsesa?" pumasok muli ang matandang lalaking kahit sa panaginip ko'y hindi ko hihilingin na makita pa.Namaluktot ako sa isang sulok, nanginginig dahil sa panlalamig at labis na gutom. Hindi ko ginalaw ang pagkaing inilapag nila sa harap ko, tingin ko mas mabuti na ang magutom ako kesa kainin ang pagkain na ibinigay ng mga demonyo."Boss, hindi niya ginalaw ang pagkain. Turuan ba natin ng leksyon 'to?" lumakas ang pangangatal ko dahil sa sinabi nung matabang lalaki. "Dadahan dahanin natin para mas matagal ang sakit."Lumapit sa akin ang tinatawag nilang boss at hinablot ang aking buhok. Napasigaw ako gamit ang paos na boses. Malakas na humaklit ang kanyang malaking palad sa pisngi kong kanina pa'y manhid. Nalasahan ko na ang dugo at nanghihinang yuyuko na sana ang ulo pero hindi niya hinayaan."Ang pag-iinarte ng prinsesa ay hindi pwede sa akin dahil tatamaan ka talaga sakin!" Sunod ay hinampas ng likod ng kamay niya ang kabilang kong pisngi.Wala na akong lakas para t

  • Taming The Ruthless Billionaire   Kabanata 43

    Pagtama ng sinag ng araw na sumisilip sa espasyo ng kurtina sa bintana ang nakapagpagising sa akin mula sa magandang panaginip. Ganoon ako kasaya, hanggang sa panaginip ay magaan ang pakiramdam ko lalo naman ngayon na nasa reyalidad na ulit ako. Reyalidad kung saan ikakasal ako sa lalaking minamahal ko.For really real!Itinaas ko ang kamay para matitigan ng husto ang engagement ring na suot ko. Napangiti ako ng malawak at hindi maiwasang ang impit na tili, gumulong-gulong pa ako sa kama. Hayyy, ang sarap kapag niyaya ka ng kasal ng isang Vanhouger.Pero naputol ang paghihisterya ko nang biglang tumunog ang disney alarm clock ko. Bumangon ako agad at kinuha 'yon, nanlaki ng superb ang mga mata ko. Omygoshie! May appointment nga pala ngayon with the stockholders of Belleza Inc.!"Anak? Ngayon ka lang? Akala ko may meeting kang dadaluhan?" bungad ni nanay na nagbebreakfast kasama ni tatay matapos kong bumaba."Hindi ko po naalala. Ang sarap ng tulog ko.." sambit ko saka sila hinalikan

DMCA.com Protection Status