Nagtataka talaga ako kung bakit ganoon ang ugali ni Kelvin Vanhouger. Mabait naman sina Mrs. Soler at tito Jershun pati si Kiel ay mukhang mabait rin pero bakit ganoon siya? Ampon kaya siya? Siguro hindi magkaanak noong una sina Mr and Mrs. Vanhouger kaya nag-ampon nalang tapos si Kelvin 'yung inampon nila pero hindi nila alam magkakaroon pala sila ng anak at iyon ay si Kiel.
Hmmm, ganoon nga siguro ang nangyari 'no? Ang komplikado naman ng buhay nila kung ganoon! Parang mathematics!
Malakas ang buntong-hininga na pinakawalan ko pagkababa sa tricycle na sinakyan ko pabalik sa amin. Matapos kong maibigay ang bayad kay manong driver ay bagsak ang balikat akong naglakad hanggang sa makarating na sa bahay namin at sinalubong ako ni nanay. Tumigil ako at umiling saka napayakap na lamang sa kan'ya.
"Anong nangyari, anak?" Malambing n'yang tanong at hinahaplos ang aking buhok. Ngumuso ako at naramdaman ang pagtulo ng tubig sa pisngi.
"Kilala nga ako ni tito Jershun, nay..." humihikbi akong pinaharap n'ya.
"Oh? Bakit naiyak ang anak ko kung ganoon?" Pinunasan nya ang luha ko gamit ang hinlalaki.
"Gold-digger po ba ako, nay?" Nanlaki ang mga mata nya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Ano? Hindi ka gold-digger, anak! Sino ang nagsabi sayo niyan? Si Jershun ba, ha?" galit nyang sinabi.
Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri.
"Si Kelvin po..." nag-angat ulit ako ng tingin."Hindi naman po ako nangunguha ng ginto 'di ba? Bakit n'ya nasabi 'yon? Nakakapagtaka nga, ih."
Agad niya akong niyakap muli.
"Oh Lei... napaka inosente mong bata. Iyong Kelvin ba ay 'yung panganay nilang anak ni Soleriana?" tanong n'ya at tumango naman ako. Narinig ko ang buntong-hininga niya."Hayaan mo na anak, sinabi ko naman sa 'yo, e huwag mo nalang ituloy iyang pagpayag na maikasal dyan sa anak nilang wala naman palang modo. Porke mga bilyonaryo sila ay akala nila kayang-kaya na nila ang mga tao sa paligid nila," ramdam ko ang pait sa boses ni nanay.
Kumalas ako at gulat na napatingin sa kanya. Tama ba ang narinig ko?
"Bilyonaryo? Bilyonaryo sila? Bilyonaryo si Kelvin?" nanlalaki ang mata kong tinanong.
Ngumiti naman sya ng tipid saka tumango kaya napasinghap ako.
Hala! Kaya pala ganoon nalang kaganda at kalaki ang mansyon nila pati ang mga postura at galawan. Bilyonaryong-bilyonaryo talaga.
"Oo anak, mga bilyonaryo sila. Kaya nga sa kanila ako nakapangutang ng pera noon para sa gamot ng lola mo at sa tuition mo sa school... 'yun nga lang, hindi ko inakala na iba pala ang naging pagpapalaki nila sa kanilang panganay. Nakakadisappoint at doon ka nila gustong ipakasal." sinabi niya.
Hayyy, speaking of lola, kamusta na kaya ito? Hindi natuloy ang pagbisita ko dito dahil sa aksidenteng nangyari. Pangako sa susunod na mga araw ay bibisitahin ko na ito pero magpapasama na ako kila Eca o Euhan kapag hindi pwede si nanay. Nakakadala na kaya kapag mag-isa bumyahe!
"Nay, balak ko na nga po sana na umurong nalang sa kasunduan namin sa pagpapakasal kay Kelvin..." mahina kong tugon.
Hindi kasi ganoong ugali ang pinapangarap ko sa magiging asawa ko...
Marahan naman na hinawakan ni nanay ang aking kamay."Mas mabuti iyan, anak. Maiintindihan naman siguro iyan ni Jershun Vanhouger pati ni Soler at kung pinoproblema mo ang utang, ako na ang bahalang magbayad niyon.. marami naman na umoorder sa akin ngayon ng cupcake," nakangiting sambit nya na nakapagpangiti na rin sa akin.
"Pahingi akong cupcake, nay. Mayroon pa ba? hehe," bagkus ay iyon ang nasabi ko nalang.
Natawa siya."Naku, ikaw talaga! Oo mayroon pa. Halika na at baka bumalik ulit rito si Eca, maunahan ka niyon." Aniya at pumasok na sa loob.
Nakasunod naman ako sa kanya at inilagay muna ang hawak na bag sa upuan.
"Pumunta rito si freny, nay?"
Lumingon sya."Ah oo kanina lang pero umalis rin kalaunan," sinabi nya. Kumunot ang noo ko.
"Hindi po kasama si Euhan? Bakit daw umalis kaagad siya?" magkasunod kong tanong saka pinagmamasdan ang pagkuha niya ng dalawang cupcake para sa akin.
"May inaasikaso daw sa kompanya nila si Euhan tapos tinawagan naman siya ng kan'yang mommy dahil isasama siya sa mall," lumapit na s'ya at inilapag sa mesa ang cupcake.
Chocolate and mocha cupcake. Yum!
"Ganoon po ba?" nasabi ko nalang dahil nakuha na ni cupcakes ang atensyon ko.
Narinig ko ang mahinang tawa ni nanay habang pinapanood ako sa pagkain.
Pumunta nalang ako sa kwarto at nagdesisyon na ituloy ang ginagawang poster. Kailangan kasi sa kompanyang papasukan ko ay may mai-present na poster na ang theme ay tungkol sa mismong opinyon ko sa kompanya nila. Ilalagay at ikakapit rin kasi nila kung sino ang mananalo at may pinakamagandang poster.
Napatigil ako sa pagta-type nang tumunog ang cellphone ko na nasa malapit na table lang nakapatong. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si freny pala.
Sinagot ko iyon."Freny? Napatawag ka?"
Naririnig ko ang paghakbang niya, panigurado ay naglalakad sya. Kaya nga nahakbang 'di ba? Hmp.
"Freny! Pumunta ako kanina sa inyo pero wala ka! Magtatagal pa sana ako kaso tinawagan ako ni momsie kasi nagpapasama sa pagshoshopping niya!" matinis ang kan'yang boses kaya napapangiwi ako.
"Nasabi nga sa akin ni nanay, hehehe. Pasensya na freny, may pinuntahan lang ako..." tugon ko.
"Ay weh? Saan naman?" kyuryosong tanong n'ya.
Napalunok ako at kinabahan.
Hindi pwedeng malaman ni freny. Hindi pwedeng malaman ng mga kaibigan ko. Hindi ko hahayaan na madamay sila sa nagulong buhay ko at hangga't maaari ay pananatilihin ko iyong sikreto.
"Wala, freny. Bumili lang ng... uh bagong tsinelas," naiusal ko nalang sabay kagat ng labi.
Omygoshie! Sorry I'm lying to you na, freny huhuhu.
"Talaga?" mukhang hindi siya kumbinsado."Anyways highways, hinahanap ka rin daw ni hantot. Yiiieee!" bigla ay tili niya.
Bagaman kumunot ang noo ay natawa na rin ako. Bakit ba lagi syang ganyan kapag sinasabi n'ya sa akin ang kapatid niya? Ano kayang meron? Hmmm.
"E, diba may inaasikaso siya sa kompanya n'yo?"
"Duh! Alam mo naman 'yon pagdating sayo, kaya n'yang i-set aside ang mga ginagawa para lang kamustahin ka sa akin. Tch! Nakakaasar nga at hindi pa ideretso sa iyo ang pangangamusta gusto sa akin pa idaan para sa yo! Nako, ikinahihiya ko siya bilang kapatid!" mahaba at dere-deretsong sinabi niya.
Bakit hindi ko alam 'yon? Naaalala ko nga minsan na kapag kami lang ni freny ang magkasama, palaging bukang-bibig niya sa akin si Euhan. Tapos may pa sundot-sundot pa siya sa aking tagiliran. Hayyy.
Pilit nalang akong tumawa."Ah?hahaha! Bakit naman niya ginagawa 'yon?" tanong ko.
Rinig ko ang pagsinghap niya."What? Hindi mo knows? Hindi mo feel?" matinis n'yang tanong. Umiling naman ako kahit na hindi niya ako nakikita."Omygoshie ka! Nahihiya 'yon sayo, freny! Alam mo kung bakit?"
Ano daw? Bakit naman mahihiya sa akin si Euhan? Ang gulo naman kausap ni freny.
Mas una ko kasing nakilala at naging kaibigan si Ericka tapos noong super close na kami sa isa't isa ay pinakilala niya ako sa kapatid niya kaya ayon naging magkaibigan na rin kami ni Euhan.
"Hindi ko alam, e." sagot ko.
"Freny naman, e! Nahihiya sa 'yo si hantot kasi---"
"Lei anak! Bumaba ka rito at may naghahanap sa iyo!" pagtawag na sigaw ni Nanay kaya hindi ko narinig ang sinabi ni freny sa linya.
"Opo nay, sandali!" sigaw ko pabalik."Sorry freny, ah? Puntahan ko lang si nanay. Mamaya nalang ulit tayo mag-usap,"
"Sure, sure! Okay lang, freny sige take your time with tita Pat! Mwa mwa!" aniya kaya natawa ako.
"Sige! Byebye!" pinatay ko na ang tawag at nagmadali na sa pagbaba.
Bumungad sa akin ang mukha ni nanay na parang kinakabahan."Nay? Anong problema? Bakit n'yo po ako tinawag?" tanong ko.
Bakas sa mukha n'ya na parang hindi malaman ang sasabihin."May naghahanap sa 'yo," sinabi nya at tumingin sa may pintuan kaya tumingin rin ako doon."Sila..." at napanganga nalang ako sa nakita.
Isa.. dalawa.. tatlo.. apat.. Lima.. anim.. pito.. walo.. siyam... s-sampo? Sampong bruskong lalaki na puros nakaitim!
Bakit may men in black rito sa amin?
"Uh... mga kuya? Namali po yata kayo ng napuntahan? Wala po ritong kulto hehehe" sinabi ko nang lapitan ko sila sa bungad ng pintuan namin.
Akala ba nila may kulto rito kaya narito sila? Sayang naman ang effort nilang all black outfit kung ganoon.
Bagaman naka black shades si kuya na nasa unahan ay kita ko parin ang pagkunot ng kanyang noo."Ikaw ba si Leticia Belleza?" malalim ang kan'yang boses at tunog nakakatakot!
Lihim akong napalunok."A-Ako nga po... bakit po?" ano bang kailangan nila sakin?
"Sumama ka sa amin sa mansyon ng mga Vanhouger." aniya na parang wala ng pagtutol na tatanggapin.
Nanlaki ang mga mata ko at narinig ko ang singhap ni nanay sa likuran ko. Huwaat?! Mga Vanhouger na naman? Hindi ba nila ako tatantanan?!
"Ano? Nakapunta na ako kanina doon at umalis na ako dahil ayoko sa ugali ni Kelvin Vanhouger! Sabihin n'yo 'yan sa kanya, mga kuya!" sinabi ko ngunit hindi s'ya natinag.
"Ms. Belleza, sumama ka nalang sa amin dahil hindi kami aalis rito hangga't hindi ka bumabalik sa mansyon," wika niya sa tuwid na ekspresyon.
"Bakit ba kasi? Nakausap ko na si Mr. Vanhouger at nakapunta na nga ako kanina lang! Balak ko na ngang umatras sa napagkasunduan namin, e..."
"Sumama ka nalang Ms. Belleza dahil gusto ka rin makausap ulit ni master Vanhouger." giit nIya at magsasalita na sana ako muli nang maunahan ako ni nanay.
"Bakit ba ang kulit n'yo? Hindi ba't sinabi na ng anak ko na ayaw na nyang bumalik sa mansyon na 'yon? Umalis nalang kayo at hayaan nyo na kami!" sigaw niya sa men in black ngunit kagaya ng kanina ay hindi parin ang mga ito natinag.
Huminga ako ng malalim."Mga kuya umalis nalang kayo, please. Hindi na po magbabago ang isip ko. Sige na po umalis na kayo," kalmado kong sinabi at nang hindi parin sila natinag ay akmang sisigawan ko na sila nang may nagsalita.
"So here's where my kuya's fiancé lives, huh?" mabilis akong napalingon sa boses na iyon at hindi nga ako nagkamali nang makita si Kiel Vanhouger na cool na cool ang dating habang nasa loob ng bulsa ang mga kamay.
Bumuntong-hininga ako at tumingin kay Nanay na mukhang naguguluhan na. Bumaling ulit ako kay Kiel pero nagulat ako nang makitang nasa harapan ko na agad siya. Ang men in black ay nasa likuran nalang niya na parang nagbabantay nalang sa kanilang boss. Nakatuxedo na may mamahaling neck tie ang suot ni Kiel maging ang sapatos n'yang itim ay nagsusumigaw ang kintab at kinis nito.
Mga bilyonaryo nga naman. Nahiya ang gasgas na flat shoes ko!
"Anong ginagawa mo rito, Kiel?" seryosong tanong ko.
Mukha naman syang na-amuse.
"It's nice seeing you again, Leticia. Hindi mo man lang ako binati bago ka magtanong tsk tsk," naiiling na aniya at bumaling saka ngumiti kay nanay."Good afternoon madamé," may accent na bigkas niya saka hinalikan pa ang likod ng kamay ni nanay!
Aba? Ganito ba talaga s'ya? Lahat nalang ba ng babaeng makakaharap niya ay hahalikan niya ang kamay? Ang sweet naman niya. Mabuti pa s'ya...
Hindi kagaya ng kuya niyang mukhang yelo!
"Naku! Ang bait mo naman, hijo. Isa ka rin bang Vanhouger?" nangingiting tanong ni nanay. Tumango naman si Kiel at ngumiti rin."Ay ganoon? E, bakit parang magkaiba ang ugali nyo no'ng panganay na anak ni Jershun at Soler?" pagtatanong n'ya ulit kaya nanlaki ang mata kong tinignan siya.
Mukha namang hindi naapektuhan doon si Kiel kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi magagalit siya dahil sa sinabi ni nanay sa kapatid niya.
"Actually, I don't know either, madamé. Maybe Kuya is just adopted?" mas nanlaki ang mata ko sa sinagot nya. So tama nga ako? Hala!"Just kidding! I don't wanna die yet," dagdag niya kaya napapout nalang ako.
Akala ko naman ampon nga ang lalaking 'yon. Magpapaparty na sana ako.
Natawa naman si nanay kay Kiel pero sumeryoso rin kalaunan."Pero teka, ano nga ba ang ginagawa mo rito, hijo? Pipilitin mo rin ang anak ko na sumama sa inyo pabalik ng mansyon na iyon?" tanong niya na tingin ko ay tama nang unti-unting tumango ang kaharap.
"Unfortunately, yes. My father wants to talk to her again about what happened between her and my brother earlier," bumuntong hininga siya pagkatapos."Ako na ang humihingi ng paumanhin sa nasabi at inasta ni kuya sayo, Leticia." mukha naman na sincere siya pero...
"Bakit ikaw ang humihingi ng tawad? Bakit hindi ang kuya mo, Kiel?" mahina kong tinanong.
Napahawak siya sa batok niya.
"Kuya Kier doesn't know the word 'sorry'," sagot niya. Bumagsak ang balikat ko at tumango-tango na lamang.
"Kapag sinabi ko bang umaatras na ako sa pagpapakasal sa kuya mo, titigilan n'yo na akong mga Vanhouger?" umaasa kong tanong pero malungkot siyang ngumiti.
"It's a no. Hindi parin kami titigil ni Dad because you wanna know why? Dad and I are the only one who knew what happened year ago. Kuya Kier continued to investigate but there's nothing he got. I know it's unfair for him but Dad believed it's for the better thing to do for kuya. Sa totoo nga niyan ay hindi lang hiling ni mom ang pinanghahawakan sa 'yo ni dad kundi pati na rin ang kapakanan ni kuya Kier," paliwanag at sagot n'ya saka hinawakan ang kamay ko."He needs you."
Pumatak ang luha ko ngunit agad na pinunasan iyon."P-Parang hindi 'nya naman ako kailangan, e. Ganoon ba ang kailangan ako? Ang tawagin akong gold-digger kahit na wala naman akong kinukuhang ginto?"
Pinalobo niya ang pisngi na parang pinipigilan ang pagtawa sa sinabi kong iyon. Tingnan mo, pinagtatawanan pa ako. Nakakainis talaga ang mga Vanhouger!
"I don't know if I should laugh or what but seriously, Leticia I'm telling you the truth. My brother needs you." diretsong tingin nya sa akin.
"E, bakit nga?"
"When our mother died, he was depressed," nanlaki ang mata ko sa sinagot nya."That's why we didn't let him know the accident happened because it will only lead him to a critical condition." Tuluyan n'yang sinabi kaya naintindihan ko na ang lahat-lahat.
Pero hindi parin ibig sabihin niyon ay kailangan na nyang maging ganoon sa harap ko! Wala naman kasi akong ginagawang masama sa kan'ya, e.
Bumuntong-hininga ako."Sa tingin mo... magbabago pa kaya ang kuya mo?" tanong ko.
"Of course he will!" aniya saka ngumiti.
"Lei? Akala ko ba ayaw mo na, anak? Bakit parang..." rinig kong sinabi ni nanay kaya nagpeace sign nalang ako sa kan'ya.
"Sorry, nay. Mukhang iyon na talaga ang kapalaran ko, ih.." nagpailing-iling nalang siya."Siguro nga hindi lang ako sanay sa ganoong trato pero alam ko naman na kaya ko," nakangiting sambit ko.
"Naku ka anak, ang rupok mo naman." aniya kaya napanguso nalang ako kasabay ng mahinang pagtawa ni Kiel.
"Nay naman, e!" natawa rin siya.
"O, sya sige na at mukhang wala na akong magagawa pa," bumaling naman sya kay Kiel."Basta ay ihatid nyo pabalik rito ang anak ko nang ligtas, ah?" habilin niya.
Tumango si Kiel nang nakangiti parin."Surely, madamé."
Hindi na ako pinagpalit pa ng damit ni Kiel at basta na lang sinabi sa akin na maganda na daw ako rito sa suot ko kaya ayos na iyon. Mabulaklak ang bibig ng lalaking ito!
"Nakakatakot naman kasi si Kier..." usal ko nang papasok na sa loob ng kotseng dala niya.
Yiieee! Salamat naman hindi ko na kailangan pa na magtaxi! Tipid sa budget, yeah yeah!
"Don't worry, Leticia. Ako ang bahala kay kuya and I'm very sure, mapapaamo mo rin siya." nakangisi siyang kumindat sa akin.
Sana nga, Kiel. Sana nga ay mapaamo ko siya.
"Welcome again to Vanhouger's mansion," natatawa si Kiel nang sabihin niya iyon pagkalabas namin sa kanyang sasakyan.Samantalang kasunod lang namin na bumaba ang mga men in black sa sarili nilang sasakyan. Oh, 'di ba sosyal?Huminga ako ng malalim at hindi maiwasan na kabahan ulit,"Nandito parin ba si Kier?" wala sa sariling tanong ko.Inakbayan niya ako kaya napatingin ako sa kan'ya,"Probably he's on his office by now," magkasabay na kaming naglalakad papasok sa mansyon. Hindi ko na rin napansin pa ang men in black dahil kaagad na silang nawala sa paligid namin."E, si Mr. Jershun---" naputol ang pagtatanong ko nang hindi ko na pala kailangang hanapin pa ito dahil prenteng nakaupo ang haligi ng mga Vanhouger sa rocking chair na naroon.Inalis kaagad ni Kiel ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Bumuntong-hininga si Mr. Vanhouger bago magsalita."It's tito, Leticia. How many times do I have to tell you that?" aniya saka tumayo mula roon at ngayon ko lang napansin na may iniinom pala s
Halos tulala ako nang makababa kanina matapos ang pangyayaring nasaksihan. Basta ang alam ko lang ay tinawag ako ni Tito Jershun upang magmeryenda daw kaya ngayon ay kasalukuyan kaming nasa hapagkainan kasama si Kiel na hindi ko alam kung saan nanggaling at biglang na namang sumulpot. "Hija, are you okay?" Napabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Tito. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at nakitang pareho na pala sila ni Kiel na nakatingin sa akin."Okay lang po ako, tito. N-Nag-iisip lang po ako kung ano ang masarap na meryendahin ngayon..." Nasabi ko nalang at napakagat-labi."Well, I think we have pizza, raspberry cake, tuna sandwich, cheese chips, french fries and many more. You're free to choose what you want hija or I'll just ask all of those to the maids?" Natakam agad ako sa mga sinabi niya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tumango na lamang."Alright. Agnes! Give us here pizza, raspberry cake, tuna sandwich, cheese chips, french fries and all delicious dishes we hav
Pabalik-balik ako sa paglakad at hindi mapakali habang kinakagat ang kuko. Si Kiel ay kanina pa umalis at sinabi sa akin na may pupuntahan lang daw siya. Si Tito Jershun naman ay hindi pa nakakabalik mula kanina kasama si Kuya Vicente. Samanatalang si Kelvin naman... ewan ko roon. Baka nilamon na ng lupa mula sa kung saan.Charot! Bad!Kanina pa nga ako sinasabihan ng ilang maids rito na kung ano ba daw ang problema ko o kung natatae ba daw ako. Kinakabahan kasi talaga ako at saka patuloy na iniisip ang mga nangyayari. Kung hindi ba ako pumayag noon sa kahilingan ni Mrs. Soleriana ay hindi ako mahihirapan ng ganito?Stop ka nga, Lei! Wala ng puwang ang magsisi kasi nakapayag ka na at nakapagdesisyon, huhuhu."Lei, anak!" Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon at umusbong ang tuwa sa dibdib ko bagaman may pagtataka nang makita ko siya rito."Hala! Nay!" niyakap n'ya ako ng mahigpit at niyakap ko rin siya pabalik. Sa sobrang okupado ko pala kanina ay hindi ko namalay
Halos wala pang isang oras ay tumigil na ang sinasakyan namin. Mula sa dulo ay umusog ako upang sumilip sa tinted na bintana nito para makita ang sinasabi nilang kompanya ng mga Vanhouger. Nanliliit ang mata ko iyong tinitigan at kalaunan ay napanganga ako at nanlaki ang mga mata."Hala?! E, dito ako nag-apply noong isang araw, ah!" Naibulalas ko habang nakanganga parin na nakatitig roon.Napakalaki niyon at hindi mo pa lang nalalapitan ay alam na bigatin talaga ang may-ari. Malawak ang estruktura na may nakalagay na 'DE VNHGRS' sa itaas ng entrada ng kompanya. Gusto kong kutusan ang aking sarili.Bakit ba hindi ko agad napansin 'yon? Inalis lang nila iyong vowels, e!Narinig kong binuksan na ni Kelvin ang pinto at lumabas na siya doon samantalang ako ay naestatwa na lamang habang nalilito sa nakikita. Nagpakurap-kurap nalang ako nang makita s'yang kumakatok sa bintanang katapat ng mukha ko habang magkasalubong ang makakapal na kilay. Nagmadali ko naman binuksan ang pinto nang matauha
"S-Salamat nga pala sa lunch.." Mahina ko iyong inusal habang nakasunod sa likuran ni Kelvin papasok sa elevator. Nagdesisyon kasi siya na umuwi na raw at bukas na tapusin ang trabaho.Tignan mo ang lalaking 'to, may bait rin palang tinatago sa katawan kahit kaunti.Tumikhim naman siya,"It's the first and gonna be the last. Hindi na iyon mauulit kaya dapat ay maaga ka nang gumigising para makapag-almusal at hindi magutom sa oras ng trabaho." Nagpout nalang ako. Grabe, akala ko naman genuine na iyon, 'yun pala parang napilitan lang siya. Hmp!Sa tingin ko ay ala syete na ng gabi. Madilim na kasi sa labas noong mabungaran namin habang naglalakad patungo sa sasakyan. Marami parin empleyado ang sa tingin ko ay mag-oovertime rito. Naaawa ako sa kanila pero wala akong magagawa, hindi naman ako ang boss rito, e. Halos lahat sila ay tumitingin sa amin katulad kanina, ang mga mukhang inaantok nga ay parang sumigla at nagliliwanag ang mukha nang makita si Kelvin na wala namang pakialam sa pal
Mabilis ang aking paghinga dahilan ng pagtaas baba ng aking dibdib. Kinukulong niya ako at hindi ko alam kung paano pa ako makakalayo gayong kahit itulak ko s'ya ay hindi siya matinag. Sa totoo lang ay kinakabahan ako pero hindi ko malaman ang gagawin. Parang naging okupado ako lalo na at hindi n'ya inaalis sa akin ang titig niyang nakakapaso. "A-Ano bang ginagawa mo, Kelvin?" Hindi s'ya sumagot,"L-Lumayo ka nga!" Sinubukan ko ulit siyang itinulak pero wala parin nangyari."I've threatened you so many times but you didn't even listen. Now, face your punishment. You will surely never forget it," Napasinghap nalang ako nang bigla ay alisin niya ang aking suit sa paraan na sinisira n'ya iyon!"Kelvin, huwag!" Pinigilan ko ang kamay n'ya ngunit hinawi niya lang iyon kaya wala akong nagawa at hinayaan nalang s'ya."Ako ang nagbutones kaya ako rin ang magtatanggal," Nakagat ko nalang ang pang-ibabang labi nang sabihin n'ya iyon kasabay nang tuluyang pagkasira ng suit ko. Hindi ko maiwasan
Hanggang sa matapos na ang lunch break ay hindi parin bumabalik si Kelvin sa opisina. Bagot na bagot na nga ako kakahintay dahil ni anino niya ay hindi parin nagpapakita. Wala naman akong magawa kundi magpabalik-balik na lamang kasi sira ang laptop na ginagamit ko sa paggawa ng designs. Nasaan na kaya iyong lalaking 'yun?Napatalon at nagulat nalang ako nang bigla ay tumunog ang telepono. Sapo-sapo ko ang dibdib dahil sa naramdamang kaba,"Jusko naman, akala ko kung ano na!" Dali-dali akong nagpunta roon at kinuha iyon."Hello? Sino po ito?" Maingay na musika at hiyawan ng mga tao ang naririnig ko sa background kaya medyo inilayo ko iyon sa aking tenga. Maya-maya lang ay may malalim na buntong hininga na ang narinig ko."Finish the documents I haven't put my signatures yet. I'm not going back to the office. I'll just send Vicente to drive you home." Medyo paos ang boses n'yang iyon na unti-unting nalulunod dahil sa ingay ng background.Kumunot ang noo ko,"K-Kelvin?" Hindi siya sumagot
Nakahiga na ako sa kama at pinipilit ang sarili na makatulog pero kahit anong gawin ko ay hindi ako mapakali. Kakatapos ko lang magdinner kanina. Ako lang mag-isa kasi hindi pa dumarating hanggang ngayon ang tatlong Vanhouger. Si Tito daw ay may in-attend-an na auction, si Kiel naman ay busy parin roon sa bago nyang proyekto sa kompanya at si... Kelvin, hanggang ngayon ay hindi pa sya umuuwi na hindi ko alam kung nasaan.Pakiramdam ko tuloy, sobrang alone ko.Ilang segundo ay narinig ko ang pagbukas ng gate. Napabalikwas ako ng bangon at dali-daling isinuot ang sapin sa paa saka binuksan ang pintuan at nagtungo na upang bumaba. Tanging chandelier na lamang ang nagbibigay ilaw sa mansyon at isang lamp sa gilid ng television sa may salas. Nagtungo ako sa bungad ng pinto at inabangan kung sino man ang dumating. Pero nang makita ko ang Range Rover na sasakyan ay umusbong ang kaba sa dibdib ko.At sa hindi kalaunan ay lumabas na nga roon si Kelvin Vanhouger. Unti-unting kumunot ang aking n
Officially Tamed.----------------10 years after..."Mommy! Daddy! I'm freak out!"My eyes darted at our son who's running recklessly on staircase. I heard my wife's giggle from kitchen and then her footsteps towards my direction."Azelar, bakit ka tumatakbo riyan?" natatawa paring ani Leticia.I closed our distance and encircled my arms around her waist. She looked at me with her twinkling ocean blue eyes. Damn, that's the best masterpiece I want to look at forever.Tuluyan nang nakababa ang humahangos na anak namin. He ran towards our between space, Leticia wiped our son's sweat on his forehead. "Why are you running like an athlete, son?" I asked while he's busy catching his own breathe."First of all, I'm really an athlete, dad! Second, I'm running because I'm freaking out! Third, I'm freaking out because there's a lasagna on my study table!" he answered continuously.Leticia and I looked at each other and let out a sigh. We don't know how or why but Azelar has this hate issue on
Nginitian ko at kinawayan si Architect Ramos na malawak ang ngiti sa amin mula sa table nila ng mga kasamahan. Gusto ko silang lapitan kaya humarap ako kay Kelvin na kanina pa nakapulupot ang kamay sa aking bewang.Kinulbit ko sya, napatingin siya sakin at nadistorbo ang pag-uusap nila ng business partner niya."Punta muna ako kila Architect Ramos?" pagpapaalam ko with matching puppy eyes.Naningkit muna ang mata nya at tumingin sa direksyon ng mga engineer at architect bago muling bumaling sakin."Alright, mylove." mukhang labag pa sa loob. Tumingkayad ako para halikan sya sa labi."Huwag kang mag-alala, sa 'yong-sa 'yo naman ako mamaya," kinindatan ko sya. Humagikhik ako nang makita ang madilim nyang ekspresyon. Oops.Naglakad ako buhat buhat ang suot ko paring gown. Sa bungad ng mansyon ng Vanhouger ang reception, dalawang long table ang sa isang tabi na may iba't ibang nagsasarapang putahe. Sa gitna niyon ay may dalawang magkatabing cake. Mala-palasyo ang pigura nito, parehong
Nakacross arm ako habang pinagmamasdan ang isa pang tauhan nina Kelvin na inutusan niyang sumundo ng mga pinamili namin. Inilalagay nito sa mini van na dala ang mga baby things."Let's go, mylove," biglang sumulpot si Kelvin sa tabi ko at inilagay ang kamay sa likod ng aking bewang."Okie,"Umupo na ako sa front seat. Nakita kong isinara na rin ang mini van at pumasok na roon ang tauhan. Ini-start narin ni Kier ang makina."Can't wait for our wedding," lumingon ako sa kanya."Baka naman sa honeymoon," tapos ay umismid ako. Bumaling sya sakin."You think so?" nang may madilim na ngisi. Kumunot ang noo ko't hindi na lang sya pinansin.Napapitlag ako nang maramdaman ang kamay nya sa aking hita. Nilingon ko syang muli pero nanatili naman sa kalsada ang kanyang mga mata. Hinayaan ko iyon, namamahinga lang naman ata.Pero nagkamali ako, unti unti kasing humahaplos ang kamay niya doon. 'Yung haplos na parang nang aakit, nagbibigay ng kakaibang sensasyon."Kier.. magpokus ka sa pagmamaneho.."
"Kier, nasaan na ang pinabibili kong rambutan?" taas-kilay kong tanong habang naglilipat ng channel sa tv.Hindi ako lumilingon kasi nakakatamad. Dinig ko ang tunog ng kaniyang sapatos kaya alam kong papalapit na siya sakin. At hindi nga ako nagkamali kasi ngayon ngayon lang ay nasa harapan ko na siya."But my love.." iyong boses niya ay pagod. Nagsimula ko na siyang harapin."Bakit? Wala? Pagod kana ba? Pagod kana sakin?" nangilid ang luha ko sa isiping pagod na siya sakin. Hindi ko naman sinasadya na pahirapan siya sa paghahanap ng dose dosenang rambutan eh!Nagulat siya lalo na nang humikbi ako. Dali dali niya akong dinaluhan. Hindi malaman ang gagawin."H-Hey, nagpadeliver na ako, matatagalan pa raw ang dating but I'll make it fast for you, mylove," sinabi niya at suminghot singhot ako."Talaga? E, bakit mukhang pagod ka na? Ayaw mo na ba sakin ha? Nakakainis na ba ako?" kinagat ko ang ibabang labi dahil tumulo na naman ang luha.Nakaawang ang kaniyang labi. Nainis ako sa reaksy
Gumising ako sa kaparehong silid. Bumungad sa akin si freny at Euhan na nakaupo sa couch, ang aking mga magulang na may kausap na doktora."Tita, Tito! Gising na po si freny!" nagsilapitan kaagad sila sa akin.Naguluhan ako dahil maluha luha ang kanilang mga mata lalo na si tatay daddy at nanay mommy. Ngi? Anong meron?"My princess.." iyon lang ang naiusal ni tatay kasi ang weird talaga, nakangiti silang nangingilid ang mga luha."A-Ano po bang nangyari?" sa pagkakatanda ko ay bigla akong natumba no'ng pumunta ako sa ICU dahil kay Kelvin.Si Kelvin..."Kailangan ko pa puntahan si Kelvin!" akmang babangon na ako pero pinigilan nila ako. "Anak, mas lalong kailangan mo ng pahinga ngayon," nakangiti iyong sinabi ni nanay. Mas nawerduhan ako."Bakit po ba, nay? Maayos naman ako, gusto ko na po makita si K-Kier," nabasag ang boses ko pagkatapos maalala ang kanyang kalagayan."Ms. Belleza, listen to your mother. You really need to take a rest especially now on your condition," si doktora n
Pagkadilat ng mga mata ko, purong puting kwarto ang tumambad sakin. Ang amoy ng silid na ito.. napakapamilyar. Biglang pumasok sa alaala ko ang senaryo pagkatapos ng aksidente no'ng isang taon. Ganitong ganito ang aking sitwasyon.Ang amoy ng kemikal..Puro puting kulay..Pakiramdam nang nag-iisa..Alam ko, nasa ospital ako. Bumaha sa isip ko ang mga nangyari na naging dahilan kung bakit ako narito ngayon. Kidnappers.. Mr. Rezco.. Loriel.. Tauhan.. Bugbog.. Baril.. Pagsabog.. Sina Kiel.. At si.. Kelvin.. nung huli ko siyang nasilayan bago ako mawalan ng malay."K-Kelvin.." pilitin ko man, parang ang hirap hirap magsalita at maglabas ng boses. Pakiramdam ko ay tuyong tuyong ang aking lalamunan.Susubukan kona sana bumangon pero bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si nanay na humahangos akong tinignan nang may nanlalaki ang mga mata. Dali-dali siyang lumapit sakin at pinigilan ako sa akmang pagbangon."Huwag, anak! Hindi mo pa kaya. 'Wag mo pilitin ang sarili at magpahinga ka muna," ag
Pabalibag na bumukas ang yerong pinto. Tumambad doon si Kelvin. Kasunod niya si Kiel, Euhan, Trevor at yung pinsan nilang nagngangalang Reij sa pagkakatanda ko. Pare pareho silang humahangos na tinignan ako. Ngumiti ako kay Kelvin nang magtama ang aming paningin kasabay ng luhang dumalisdis sa pisngi.Silang lima ay nakacorporate attire lahat. Hindi ko alam kung sinadya ba nila iyong pagsusuotin o sadyang kagagaling lang nila sa trabaho. Ang mukha ni Kelvin, umiigting ang panga at madilim ang hitsura habang nakikita ang kalagayan ko. Ang kaibigan kong si Euhan, awang awa sakin at magkasalubong ang mga kilay. Si Kiel at Trevor pati si Reij ay magkakapareho ang reaksyon, mabibilis ang paghingang halos magdugtong ang mga kilay.Magsasaya na sana akong tuluyan dahil narito na sila ngayon sa harapan ko pero sunod sunod na lamang tumulo muli ang mga luha ko nang maramdaman ang malamig na bagay na nakadikit sa sentido ko. Nagbukas ang patay sinding bumbilya. Dumoble ang reaksyon nina Kelvin
"Kamusta ang prinsesa?" pumasok muli ang matandang lalaking kahit sa panaginip ko'y hindi ko hihilingin na makita pa.Namaluktot ako sa isang sulok, nanginginig dahil sa panlalamig at labis na gutom. Hindi ko ginalaw ang pagkaing inilapag nila sa harap ko, tingin ko mas mabuti na ang magutom ako kesa kainin ang pagkain na ibinigay ng mga demonyo."Boss, hindi niya ginalaw ang pagkain. Turuan ba natin ng leksyon 'to?" lumakas ang pangangatal ko dahil sa sinabi nung matabang lalaki. "Dadahan dahanin natin para mas matagal ang sakit."Lumapit sa akin ang tinatawag nilang boss at hinablot ang aking buhok. Napasigaw ako gamit ang paos na boses. Malakas na humaklit ang kanyang malaking palad sa pisngi kong kanina pa'y manhid. Nalasahan ko na ang dugo at nanghihinang yuyuko na sana ang ulo pero hindi niya hinayaan."Ang pag-iinarte ng prinsesa ay hindi pwede sa akin dahil tatamaan ka talaga sakin!" Sunod ay hinampas ng likod ng kamay niya ang kabilang kong pisngi.Wala na akong lakas para t
Pagtama ng sinag ng araw na sumisilip sa espasyo ng kurtina sa bintana ang nakapagpagising sa akin mula sa magandang panaginip. Ganoon ako kasaya, hanggang sa panaginip ay magaan ang pakiramdam ko lalo naman ngayon na nasa reyalidad na ulit ako. Reyalidad kung saan ikakasal ako sa lalaking minamahal ko.For really real!Itinaas ko ang kamay para matitigan ng husto ang engagement ring na suot ko. Napangiti ako ng malawak at hindi maiwasang ang impit na tili, gumulong-gulong pa ako sa kama. Hayyy, ang sarap kapag niyaya ka ng kasal ng isang Vanhouger.Pero naputol ang paghihisterya ko nang biglang tumunog ang disney alarm clock ko. Bumangon ako agad at kinuha 'yon, nanlaki ng superb ang mga mata ko. Omygoshie! May appointment nga pala ngayon with the stockholders of Belleza Inc.!"Anak? Ngayon ka lang? Akala ko may meeting kang dadaluhan?" bungad ni nanay na nagbebreakfast kasama ni tatay matapos kong bumaba."Hindi ko po naalala. Ang sarap ng tulog ko.." sambit ko saka sila hinalikan