Wala sa sariling napatitig siya sa dalaga, nang makabawi ay agad siyang tumalikod. “Sorry,” Aniya at yumuko. Ramdam niya ang pamumula ng mukha at magkabilang tenga niya, tahimik siyang nagpakawala ng malulutong na mura at ihinilamos ang mga palad. Agad niyang isinuyod ang tingin at nang makakita ng nakatuping tuwalya na nakapatong sa sink ay inilahad niya ito sa dalaga. “Here,” Usal niya at nanatiling nakatalikod. “Sorry, Tita told me to put your luggage in your room and I needed to go to the bathroom so I came here, I didn't know you'd be undressing as soon as you arrived,” Pagpapaliwanag niya. Marahas nitong hinablot ang tuwalya at itinapis sa hubad na katawan. “You can turn around now and stop blushing like a damn virgin,” Mariin na sabi nito sabay irap. Awtomatikong sumunod siya sa dalaga at binuksan nito ang pinto akmang maglalakad na pababa nang maalala niyang naiwan niya ang selpon sa side table nito. Kakatok na sana siya sa pinto niya pero naalala niya ang naging reaksyo
"Thank you for your help, Avern." Wika ni Sir Cairo sa kaniya at halos di na mapuknat ang ngiti sa mga labi nito. "Walang anuman, Sir. Happy to lend a hand. Siguradong magugustuhan 'to ni Miss Heidi." Ngayon kasi ang 10th anniversary nila ng kasintahan nitong si Miss Heidi. Ang dalaga ay ang tagapagmana ng HL Pharmaceuticals. Tila isa itong anghel na bumaba sa langit dahil sa karisma, kabutihan at katalinuhang taglay nito. Kaya naman bagay na bagay ito sa boss niya. Sa anim na taon na pagtrabaho niya sa Villagracia Towers ay saksi siya kung gaano nito kamahal ang isa't isa. Mapait siyang napangiti. Kailan kaya niya mararanasan ang ganito. Masarap sigurong maalagaan ng isang Cairo Villagracia. Umiling nalang siya sa kabaliwang naisip. Nunkang magugustuhan ka ng lalaking katulad niya. You're not worth it, Av. Palihim niyang sinulyapan si Sir Cairo. He spoils her too much. Avern would bet on her twilight saga collection that her boss will give everything for Miss Heidi. Mahirap makah
“Sigurado ka bang kaya mo pumunta dun mag-isa? Hindi magiging madali ang pumunta sa ibang lugar, apo,” Nag-aalalang turan ni Nanay El habang nagsasalin ng kanin at ulam sa mga maliliit na tupperware. Nakangusong bumaling ako sa kanya, simula ng pagkabata ay siya na ang mistulang naging at ama ko. Iniwan kasi ng Mama ko ay Nanay at hindi na nagpakita, wala ito sa mga panahon na kailangan ko ito kaya ipinaubaya ko nalang sa Diyos ito. “Opo nandun naman po si Helia kaya magiging maayos ako dun, sabi niya may mapagtatrabahuan ako agad,” Lumapit ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. “Para sa ikabubuti po natin 'to, gusto kong bigyan ka ng magandang buhay hindi ganito na nahihirapan pa tayong maghanap ng makakain. Alam mong hindi magiging sapat ang sweldo dito sa probinsiya at isa pa pagnakapag-ipon po ako ay hahanap ako ng matitirhan natin dun, wala na tayong proproblemahin. Hindi ko kasi matiis ang pagtrato nila Tita sayo, Nay matanda ka na po kaya pakiusap wag ka na pong mag-aaksaya ng o
“Ayos na 'to, teh. Kanina ka pa nakatingin sakin, ano ang mali sa suot ko?” Nagtatakang tiningnan ko si Helia na kanina pa nangangalikot sa mga damit ko. Sinamaan ako nito ng tingin bago nagpatuloy sa ginawa. “Lahat! Naku mars tingnan mo nga Ang suot mo! Jeans at tee sa tingin makakapasok ka sa building ng ganyan ang suot mo?! Nakaka-highblood ka gurl,” Her eyes lit up and threw pieces of clothes before she pointed one of her heels. “Yan ang suotin mo para magmukha kang tao, alam ko namang maganda ang lahi natin teh pero hindi sapat yun para makuha mo ang atensyon ng boss natin. Isa sa mga natutunan ko nang lumuwas ako dito ay dapat matuto kang manamit ng pormal, ibang-iba ang mga pamamaraan dito at sa probinsiya kaya kung gusto mong matulungan natin si Nanay ayusin mo ang sarili mo. Lalagyan pa kita ng make-up,” Bahagyang tumaas ang kilay ko sa tinuran niya. “Bakit may pa ganun pa?” “Gaga kailangan yun para magmukhang katanggap-tanggap ka, may tiwala ako sayo Avern. Bilisan mo
Ginawa namin ang lahat upang makontak sila pero wala pa rin kanina pa kami ni Helia nakaabang sa susunod na pagtawag. Sigurado akong namumugto ang mga mata ko, mabuti nga tinulungan ako ni Helia. Hindi naman ako masisisi ng pinsan ko dahil alam niya ang pinanggagalingan ng pag-aala ko. Biglang tumunog ang selpon at agad na sinagot ni Helia ito, nagkasundo kami na siya ang kakausap dahil alam kong hindi ko kakayanin ang maririnig ko. She turned on the loudspeaker so that I can hear it. ‘Hello, Ate. Nasa hospital kami...si Nanay nabaril siya at kasalanan ko,” Humagulgol na sabi ni Ciana. “Bakit ano ba kasi ang nangyari?” “Habang kumakain po kasi kami ay bigla kaming nakarinig ng pagsabog, tinulungan ako ni Nanay na makatakas. Nagpa-iwan siya sandali pero binalikan ko siya, hindi sana siya mapapano pero bigla akong nakita ng nakaitim na mga lalaking may hawak na mga baril at pinaputukan nila kami,” “Makakatakas na sana kami pero may humarang sa daan at muntik na akong barilin, s
Nag-umpisa akong magtrabaho sa Villagracia Tower. Mabuti nalang ay may ni-recruit si Helia na tao para magbantay kay Nanay at Ciana kaya kahit malayo ako ay hindi na ako gaanong nag-aalala sa kanila. Nakalabas na din ang mga ito sa hospital noong nakaraang linggo at sa awa ng Diyos ay bumubuti na ang kalagayan ni Nanay. Patuloy ang pag-contact sakin ni Quira. Halos tatlong linggo na akong nagtatrabaho dito at masaya ako na may naging kaibigan ako. Wala namang problema dahil karamihan mabait at mapagpasensya kahit mainitin ang ulo ng mga nangangasiwa sa mga iba't ibang departamento. Nadiskubre ko na si Jie pala ang anak ni Manong, hindi ko alam kung coincidence lang iyon o hindi. Madalas itong nakikipagdaldal sa mga empleyado kahit magkaiba ang departamento, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya. Tulad ngayon, inimbita kami sa isang malaking pagtitipon para sa kaarawan ng kapatid ni Sir Cairo. Actually, kailangan talaga naming umatend dahil mandatory at masquerade ang theme.
“What in the name of freak was that?! Are you alright, Avern?!” Bulalas ni Helia nang makapunta kami sa veranda. Tinitigan ko siya, hindi ko makalimutan ang nakita ko. My heart felt as if someone used a sledgehammer to smash it into pieces. Wala sa sariling tumango ako at napasandal sa railings, nanghihina na ang mga tuhod ko. “Bakit masakit, Hel?” Itinuro ko ang aking puso, hinding ang aking mukha sa pagitan ng aking buhok. Mahina ko itong pinupokpok, hinablot ni Helia ang braso ko at pinasandal ako sa kanya. She locked her slender arms around me, sharing her warmth. “Nagdadalaga na ang Avern namin,” Helia teasingly muttered, pinching my cheek. I tsked at her, biting my lips. “Natural na sasakit yan, nagmamahal ka na eh,” Pamimilosopo niya.Ramdam ko ang pagtingala niya, ang kanyang tingin ay nakatuon sa mga bituin habang kumikinang ang liwanag ng buwan. “Have you tried it too?” I asked curiosity, looking up to her. “Of course. Malalaman ko ba kung hindi diba? I had boyfriends
Nanlaki ang mga mata ko at muntik mahulog ang panga ko sa gulat. Legit?“Weh? Sure ba yan teh?” Nagtatakang tanong ko sa kanya, tinaasan ko pa ito ng kilay. Marahas ako nitong binatukan at ininguso ang couch. “Ay hindi bhe, keme lang,” Pamimilosopo ni Helia at tumabi sakin. “Ganito kasi yan, nung unang pumunta ako dito sa Maynila ay ilang beses akong nag-apply pero lagi akong nire-reject. Hanggang sa may nakilala akong babae at ang babaeng yun pala ang girlfriend niya, siya mismo ang nagrekomenda sakin kay Dominique. Hindi ko pa alam nun dahil ayun nga baguhan ako,” Tumango ako. “Naging sekretaya niya ako ng ilang taon at sa panahong iyon ay napagtanto ko na nahuhulog na ako sa kanya. At napakatagal ng panahon para malaman ko iyon, nang inimbitahan ako nito sa kaarawan nito ay yun din ang araw na nag-propose ito sa kasintahan nito. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya umalis ako at ilang linggo na hindi nagpakita sa kanya. Nang bumalik ako ay nakita kong may dala-dalang envelope yung