Third person point of viewFinally! Ang araw na pinakahihintay ni Leslie sa lahat ng araw. Ito ang araw na makikita na niya si Alisson kagaya ng napag-usapan ng parents niya at parents nito.Excited na bumangon siya at naligo dahil ngayong araw ang alis nila. Silang buong pamilya ang aalis at gagamitin nila ang private plane na pagmamay-ari ng pamilya nila. Gusto sana niya na sila lang ni Alliyah para magbyahe lang sila pero ayaw pumayag ng Mommy at Daddy niya kaya naman wala siyang choice kung hindi ang pumayag dahil anito ay hindi na siya makakalabas ng bansa kung hindi sila kasama.Gusto naman niyang kasama ang parents niya, ang ayaw niya lang ay hindi sumasakayng passanger plane ang parents niya, wether it's first class or economy. Mas gusto nila ang private dahil may privacy daw sila na magkikilos ng walang pumapansin na iba.I get their point tho, mahirap yung may mga mata na nakamatyag sa bawat mong pupuntahan.Minadali na niya ang pagligo dahil baka mapagalitan na siya ng par
Third person point of view"Bakit ang tahimik mo, may problema ba?" Tanong nito out of nowhere.Napatingin siya dito at magkakasunod na umiling bago ito nginitian, "I'm happy to see you," pagkakaila niya habang pinapanatili ang ngiti. Pero sino ba ang niloloko niya, maniniwala sa kaniya na masaya siya gayong iba ang pinapakita ng expression niya.Sumimangot ito sa kaniya at mahigpit na niyakap ang hubad niyang katawan sa ilalim ng makapal na comporter."Mahal, hindi mo ako maloloko dahil alam ko na hindi ka masaya," sambit nito at nagsimula na naman maglumikot ang mga kamay."Alisson," may pagbabanang tinawag niya ang pangalan nito para patigilin ito.Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga bago tumigil at nag-stay nalang sa pagyakap sa kaniya."What's wrong Love? Tell me kasi kinakabahan ako."Napatanga siya dahil first time niyang narinig mula dito na kinakabahan ito. Wala sa hitsura nito ang may kinatatakutan."Kinakabahan ka? Why?" Hindi maiwasang tanong niya. "Sino ang hi
Third person point of view"Saan mo gustong maglibot anak?" Tanong ni Alisson habang kalong-kalong si Alliyah.Paalis sila ngayon para sa treatment ni Alisson. Sinabi nito kanina na pinayagan lang siya pansamantala na makalabas ng hospital dahil hindi pa naman daw severe ang sakit nito at may progress naman daw ang mga gamot na iniinom nito, pero isa na rin sa naging dahilan ng pagpayag na makalabas ito ay dahil na din sa recommendation ni Elaine. Isa pa iyan sa problema niya, naalala niya na Elaine din ang pangalan nung babae na sumagot one time sa cellphone nito.She was about to ask him pero hindi na natuloy dahil dumating ang anak nila at mga magulang para sabihin na aalis na sila para sa treatment nito.Habang nagbabyahe sila papunta sa hospital ay isang desisyon ang nabuo sa isip niya at iyon ay ang hanapin si Elaine.After almost an hour na byahe ay narating nila ang matayog na hospital. Tiningala niya ito at napakunot ang noo dahil sa liwanag na tumatama sa mga mata niya mul
Third person point of viewMalalim ang nilalakbay ng isip niya habang naglalakad siya papunta sa private room ni Alisson.Isang oras din ang inabot ng pag-uusap nila ni Angela kaya malamang ay tapos na ang trearment ni Alisson.Nagdesisyon siya na makipagkita sa Daddy ni Alliyah at nagpresinta naman si Angela na samahan siya since dito lang naman ito naka-confine. Sinabihan niya nalang ito na mamaya na sila umalis dahil kailangan pa niyang magsabi kay Alisson.Pagkarating niya sa tapat ng pinto ng room 506 ay nakarinig siya ng malakas na tawanan. Nangunot ang noo niya dahil may hindi pamilyar na boses ang narinig niya na nakikisabay sa pagtawa, ang tanging nakikilala niya lang na boses ay boses ng anak niya, ni Alisson at ng parents nila.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng hindi lumilikha ng ingay pero as soon as the door sprung open nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila.Bumagsak ang tingin niya kay Alisson at nakita niya ito na nakangiti habang nakatingin sa anak niya. Suno
Third person point of viewSumapit ang tinakdang oras na napagkasunduan ni Leslie at Angela na pakikipagkita kay Astron.Nilapitan ni Leslie ang anak niya habang naghahapunan sila sa cafeteria nitong hospital.Kaagad na bumaling sa kaniya ang mga mata ng mga kasama niya.Tinitigan niya isa-isa ang mga ito at nakita niya ang mga ito na sabay-sabay na tumango. Kanina bago sila maghapunan ay kinausap niya ang parents niya pati ang parents ni Alisson para sabihin ang tungkol sa Tatay ni Alliyah. Kaagaad naman naintindihan ng mga magulang nila ang sitwasyon, kaya naman sinabi niya ang desisyon niya na ipakilala si Alliyah. Noong una ay tutol ang mga ito since hindi naman sila basically nagkaroon ng ugnayan pero nung nalaman nila na his dying sinoportahan nila ang desisyon niya.Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya si Alisson na humigpit ang hawak sa kubyertos nito habang nag-iiwas ng tingin. Nakaramdam siya ng disappointment. "Baby, may sasabihin sa iyo si Mommy," hindi niya mapigi
Third person point of view"You must be Alisson? Alliyah's Dad?" Nakangiting tanong ni Astron habang nakatitig kay Alisson.Tumango si Alisson bilang sagot sa tanong ni Astron.Sunod na binalingan siya ni Astron, napaawang ang bibig nito pagkakita sa kaniya. Nginitian niya ito bilang pagbati pero nagtaka siya dahil luha ang isinukli nito sa kaniya.Hindi niya napigilan ang sarili na lapitan ito , "what's wrong?" may pag-aalalang tanong niya.Lumuluhang umiling ito, "wala ito, masaya lang ako na nakilala ko na kayo," sambit nito.Napatawa siya at naiiling na ginulo ang buhok nito habang tinititigan ang mukha nito. Ngayon hindi niya maitatanggi na ito nga ang Daddy ni Alliyah, dahil magkamukhang-magkamuha ito at ang anak niya. Magmula sa mga mata na itim na itim pero may shades ng electric blue hanggang sa hugis pusong mga labi nito."Such a crybaby," puna niya habang umiiling.Nagkaroon sila ng mumunting salo-salo pagkatapos magkakilanlan. Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Alliyah habang
Third person point of view"Have you thought about quitting?" Tanong nito out of the blue.Padarag na nabitawan niya ang kubyertos na hawak niya. Dahan-dahan siyang nagtaas ng tingin dito.Pagtama ng mata nila sa isa't-isa ay nakita niya itong inip na naghihintay sa isasagot niya.Napakunot ang noo niya dahil sa paulit-ulit nitong pagtatanong kung kailan siya magreresign sa trabaho."I don't plan on quitting," diretsong sagot niya.Binagsak nito ang kutsara at tinidor na hawak bago tumayo at walang paalam na umalis ng hapagkainan."Mom, is everything alright?" may pag-aalalang tanong ni Alliyah sa kaniya.Tinignan niya ang anak niya at nginitian ito, "yeah everythings fine," sagot niya dito pero kahit siya ay hindi sigurado kung ano ang nangyayari sa kanila ni Alisson.After they came back from us ay nagsimula itong umakto ng ganito. Lagi itong nagtatanong kung kailan siya titigil sa trabaho.Napapailing na ipinagpatuloy niya ang pagkain pero hindi pa siya nakakadalawang subo ay tumay
Third person point of view"Mahal mo pa ba ako?" Tanong ni Leslie pagkarating nila sa labas ng bar.Pinagtitinginan sila ng tao na mga dumadaan papasok at palabas ng bar.Mabilis na nilapitan niya si Leslie at niyakap ito ng mahigpit mula sa likuran."Mahal na mahal kita," sagot niya rito.Humikbi ito."Then why are you hurting me?""Trust me Love, the last thing I want to do is hurt you," sagot niya habang tahimik na umiiyak."But you're hurting me, hindi mo man sinasadya pero nasasaktan pa rin ako."Binabaha ng takot ang dibdib niya dahil baka dumating ang araw na wala na ang pagmamahal nito sa kaniya kasi natabunan na iyon ng sakit.Huminga siya ng malalim at pinaharap niya ito sa kaniya."M-Mahal, hindi ka naman magsasawa na mahalin ako diba?" Napaka-selfish niya para itanong ito dito pero wala na siyang panghahawakan kung hindi ang mga salita lang nito. Dahil sa estado niya ngayon ay hindi niya kaya na maging ang mga ito ay mahirapan.Umiling-iling ito, "never akong mapapagod na
Third person point of viewFive months later..."Alisson!!!" Sigaw ni Leslie ang pumuno sa buong delivery room. "Fvck! Fvck! My wife," malulutong na napamura si Alisson habang kinakabahan na nagpapabalik-balik siya ng lakad sa harapan ng delivery room. Kasalukuyang nasa loob ng delivery room si Leslie dahil manganganak na ito sa bunso nila. Hindi niya alam ang gagawin, kanina pa niya tinawagan ang parents nila pero ang sabi ng mga ito ay nasa cavite pa dahil sa isang business trip. Na-stuck daw ang mga ito sa traffic."Calm down bro," pagpapakalma ni Arisson sa kaniya.Napatingin siya dito at sa asawa nito na kalmado lang na nakaupo sa isang mahabang metal na upuan."Paano ninyo nagagawang maging kalmado? Nasa bingit ng kapahamakan ang asawa ko?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa mga ito.Pinagtaasan siya ng kilay ni Joana Mei bago inirapan, "napagdaanan na ni Leslie iyan sa una ninyong anak kaya pwede ba kumalma ka dahil baka sipain kita palabas!" Singhal nito sa kaniya.Nanghihin
Third person point of view"Mommy, you are so beautiful po."Nakatayo si Leslie sa harapan ng nakasaradong pinto bg simbahan kung saan mangyayari ang kasal niya ngayong araw.Puno ng kasiyahan ang puso niya habang katabi niya ang anak niya pero ramdam niya na parang may kulang. Isa sa mga naging tradisyon ng filipino na kasama ang magulang sa paglalakad sa altar pero ngayon ay iba dahil anak niya ang kasama niya."You are crying Mommy," komento ng anak niya.Pinalis niya ang luha niya at nakangiting tinignan niya ang anak niya, "huwag mong intindihin si Mommy anak miss lang niya yung mga Lolo's and Lola's mo," sagot niya dito.Malawak na ngumiti ang anak niya sa kaniya, "let's go na po Mommy!" Excited na sambit nito at inakay siya.Napapantastikuhan na tinitigan niya ito pero kalaunan ay ngumiti nalang siya at nagpatangay sa ginagawa nitong pag-akay sa kaniya.Nagsimula silang maglakad papunta sa nakasaradong pinto ng simbahan."Mommy wait lang po," anito na pinatigil siya sa paglala
Third person point of viewOne year later..."Alliyah, pakikuha nga anak yung iluluto ni Mommy doon sa ref!"Isang taon na ang nakakalipas simula nung talikuran nila ang marangyang buhay. Kasabay ng pagtalikod nila sa buhay na kinalakihan ay tinalikuran din nila ang mga tao na naging parte niyon.Hindi niya masasabi na naging madali ang buhay nilang mag-anak dahil sa totoo lang ay sobrang hirap. Ilang beses niyang tinangka na magsabi sa mga magulang niya pero hindi niya magawa dahil hindi pa niya kayang harapin ang mga ito.Sobrang sakit nung mga nangyari, marami ang nagbuwis ng buhay at hindi niya matanggap na isa siya sa mga dahilan kung bakit nagawa ng mga malapit sa kaniya ang manakit ng iba.Pero may kasabihan nga na time heal all wounds at masasabi niya na sa loob ng isang taon ay natanggap na niya ang lahat at handa na siyang igawad sa mga nagkasala ang kapatawaran."How are you my lovely fiance?" Bulong nito habang nakaakbay sa kaniya at ginagawaran siya ng magagaang halik sa
Third person point of viewBANG!"Aahh!" Sigaw ni Aragon kasabay ng pagluhod nito sa semento dahil sa tama ng bala nito sa binti."Stop running, because you have nowhere to run," ani West habang pinapanood si Aragon na nagpupumilit makatayo ng tuwid.Dahan-dahang naglakad si Aragon pagkatapos makuha ang balanse na kailangan nito, pero hindi pa ito tuluyang nakakahakbang ay muli itong bumagsak kasabay ng muling pag-alingawngaw ng putok ng baril."Give up already, kasi hindi ka na magtatagal." Napahiga si Aragon sa marumi at magaspang na sementadong kalsada. Nakangiti itong tumingin sa kaniya, "kill me now!" Pang-uudyok nito sa kaniya.Humigpit ang hawak niya sa baril at magkakasunod siyang napailing, "I can't," sagot niya dito.Tumalim ang mga mata nito, "kill me!!" Mas malakas ng sigaw nito na wala na ang pag-uudyok. Nakikita niya ang pagod sa mga mata nito, kung sa ibang pagkakataon lang ito ay baka hindi na nito kailangan na sabihan siyang patayin ito dahil bago pa bumuka ang bibi
Third person point of viewBANG!"Aaahh..." Sigaw ng mga tao na nasa loob ng hospital room ni Leslie kabilang ang mga nurses na nagra-rounds para tignan siya pagkatapos marinig ang alingawngaw ng putok ng baril.BLAG!"UGH!" Dinig nila ang malakas na kalabog ng pagbagsak kasabay ng pagdaing. Dahan-dahan niyang ibinaling ang mga mata niya sa pinanggalingan ng tunog at nahintakutan siya nung makita niya ang isa sa mga nurse na hawak ang tagiliran na punong-puno ng dugo."Mommy!!!" Pagpalahaw ng anak niya na nakatingin sa nurse na nakahiga sa sahig habang naghahabol ng hininga."Sh*t!" Mura ni Alisson at mabilis na niyakap ang anak nila bago itinago sa likuran nila."Bakit niyo ba ginagawa ang bagay na ito!?" Sigaw ni Leslie sa dalawang kabataan na nasa harapan nila at tinututukan sila ng baril.Tahimik lang silang nagkakasiyahan ng pamilya niya ng bigla nalang bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto at pumasok ang dalawang lalaking ito at nagsimulang pagbabarilin ang mga kasangkapan sa k
Third person point of view"Papatayin kitang hayop ka!" Sigaw ni Dominador at mabilis na sinugod ang bagong dating na bisita.Kaagad na pinigilan ni West at Walter si Dominador sa pagsugod nito."Ano ang kailangan mo dito Aragon Costales?" Matalim na tanong ni Prim sa nakangising bisita.Mas lumawak ang ngisi ni Aragon, "chill guys! Masyado kayong mainit," Natutuwang sambit nito habang nagtataas ng kamay bilang pagsuko.Sa halip na matuwa ay nakaramdam ng inis ang mga miyembro ng black organization."Hindi ka pupunta dito para lang sa wala Aragon kaya huwag mo ng aksayahin pa ang mga oras namin at sabihin mo na kung ano ang pakay mo dito?" Inip na tanong ni Nero.Sa lahat ng miyembro ng Black Organization si Nero ang isa sa mga mainipin at literal na mainitin ang ulo at laging napapasama sa gulo.Nagkibit muna ng balikat si Aragon at dahan-dahan na naglakad palapit sa pang-isahang sofa at prenteng naupo doon.Pinanood nila ang bawat galaw nito habang pinapanatili ang pagiging alisto l
Third person point of viewDahan-dahan na nagmulat ng mata si Leslie at kulay puting paligid lang ang bumungad sa kaniya.Patay na ba ako? Tanong niya sa sarili habang iginagala ang tingin sa kulay puting paligid."Love! Thank god you are awake!" Dinig niyang bulalas ni Alisson at mahigpit siyang niyakap.Humiwalay ito sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang balikat at sinuri."W-Where am I?" Tanong niya dito habang iginagala ang paningin sa buong paligid."Hospital, you have been sleeping for forty eight hours," sagot nito."Forty eight hours!?" Hindi makapaniwalang bulalas niya na kaagad naman tinanguan ni Alisson. "No wonder I felt terrible," sagot niya.Habang nakatingin siya dito ay isa-isang bumalik sa kaniya ang mga nangyari. Magkakasunod na tumulo ang luha niya at saka siya magkakasunod na umiling, "Alisson, why is this happening to me or to us? Am I a bad person?" Magkakasunod na tanong niya.Mabilis siyang kinabig ni Alisson at niyakap ng sobrang higpit. "Shh, Love you a
Third person point of viewOne month has passed at nakalabas na si Alisson ng hospital pero hindi pa rin tuluyang naghihilom ang mga sugat nito."Hey, you are always busy. What are you up to?" Tanong ni Alisson sa kaniya.Ngumiti siya dito, "planning our wedding again," she said in a duh tone bago ngumut at dinugtungan, "this time I wanted to make sure na wala ng manggugulo," aniya.Niyakap siya nito mula sa llikuran at ginawaran ng halik sa pisngi pababa sa panga niya hanggang sa leeg.Napahinga siya ng malalim kasabay ng pagtingala niya para mas bigyan ito ng laya na mas mahalikan siya."Date tayo?" Tanong nito."I can't, I have a meeting with the designer in-," she paused to look at her wristwatch. "Oops! Ngayon na pala, bye!" Nakangiting bulalas niya at tumayo na leaving him shocked."Can't the designer wait, can she?" Nakasimangot na pigil nito sa tangka niyang pag-alis.Hinarap niya ito at nakangiti na inilingan, "I can't for now, date later?" tanong niya dito. Wala itong nagawa
Third person point of view"Satisfied?" Nang-iinsultong tanong ni Prim sa ginang na nakaluhod sa bowl habang nakataas ang bestida nitong suot at nakababa ang panloob."Hayop ka!" Sigaw nito habang umiiyak pero nanatili pa rin nakaluho sa harap ng kubeta."Aren't you the same for wanting to kill an innocent Dela Constancia. Did you even know who they are?" Magkasunod na tanong niya habang napapakunot ang noo. Alam niya na may nagawa si Leslie na bagay na masakit para sa pamilya nito pero hindi biro ang pinagdaanan ni Leslie sa kamay ng anak nito at hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa anak ng kaibigan niya."Innocent? You called a killer innocent!?" Hindi makapaniwalang tanong nito habang masamang nakatitig sa kaniya."Then who is innocent to you? Your manipulative daughter, your demonic daughter? Yun ba ang inosente para sa iyo, yung anak mo na nagbayad ng tao para gahasain ang isang sampung taong gulang na bata at ang nanay nito. Iyon ba!?" Galit na tanong niya at bago pa