"Jothea?"Napatunghay ako sa tumawag sa akin. Nasa unahan ko siya at katulad ko'y naghihintay sa pila. "Jothea!" pagkumpirma niya nang magtagpo ang aming mga mata."Atacia, ikaw pala! Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang mamukhaan ko siya. Siya ang classroom president namin.Ngumiti siya sa akin. "Lumipat na ako rito. Mas malapit kasi ang Marcus University kung dito ako titira. Doon na ako nagtatrabaho ngayon bilang isang part-time instructor," kuwento niya na siyang nagpahanga sa akin. Nakakatuwa namang marinig na isang buwan palang ang nakakalipas nang maka-graduate kami ay nakahanap na kaagad siya ng trabaho. Ang maganda pa ay doon pa sa Alma Mater namin. "Ikaw? Kumusta ka? Kumusta kayo ni Prof?"Nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang tanong niya. "Ha? Ah..." Hindi ako agad nakasagot pagkat wala rin naman akong ideya kung kumusta kami ni Ismael. Kumusta nga ba kami? May kami pa ba? Akala ko ay makakatakas na ako sa pag-iisip tungkol sa kaniya, hindi pa pala."Nakita ko siya nit
Hinawakan niya ang kamay ko. "Professor Mondalla visited Dean Dator a few weeks ago, and I accidentally heard their conversation. He was summoned there to explain everything. Jothea, what he said was a lie. He never used you. Instead, he protected you. Dahil kung aaminin niya ang tungkol sa inyo, ano na lang ang iispin ng marami tungkol sa 'yo? Baka hindi ka rin maka-graduate."Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako nakapagsalita. Ito ba talaga ang katotohanan sa likod ng pagsisinungaling sa akin ni Ismael? Bakit hindi siya nagpapakita sa akin? Kung may paliwanag naman siya, bakit hinahayaan niya pa rin akong mag-isa."Dean Dator was asking him to be back in teaching, but Professor Mondalla turned it down. He said he'd get married soon, so it would be impossible for him to be back."
"Tsk. Who in her right mind would sleep on the grass?" rinig kong sambit ng isang lalaki. I tried to open my eyes, but I couldn't. I really feel sleepy. Maybe this is because of the champagne I bottomed up.Bigla kong naramdaman ang mainit at magaspang na kamay na dumampi sa katawan ko. Napaungol pa ako dahil doon. Binuhat niya ako. "I was supposed to surprise you today by coming here, but look at yourself; you're drunk. You didn't even wait for me to celebrate your birthday. You threw the cake and chugged all the champagne."Tunog ng smart door lock ang kasunod na narinig ko. Pagkatapos ay naramdaman ko na lang na ibinaba ako sa malambot na higaan.I heard him sigh. "You selfish woman. How are you gonna live without me? Are you gonna be like this forever?"
I slowly opened my eyes, and what welcomed me was a heavy headache. Napasandal ako sa headboard at napahawak sa ulo ko, pero natigilan ako nang may makita ako sa kamay ko—necktie. My heart begins to pump like crazy.What is this? Why is this in my hand?Lumingon ako sa tabi ko, pero katulad ng dati ay wala siya. Wala si Ismael, pero ang necktie niya ay narito, pati na ang amoy ng pabango niya ay naiwan sa akin. Ilang beses akong umiling habang nadidismaya. Nakakapit ako sa ulo ko, habang pilit na inaalala ang nangyari kahapon. Ang alam ko, naroon ako sa garden at umiinom, paano ako napunta rito sa kwarto ko?"Look at me. Look at me, Jothea. I am here."Napapikit ako. Narito ba talaga si Ismael kahapon? Bakit wala siya rito ngayon? Wala ba tal
"Ano 'yang naririnig kong maagang uuwi?" singit ni Mill, na kalalabas lang ng office ni Miss Sapphire. Si Mill ay ang aming finance specialist. "Alam ba 'yan ni Miss Ayu?" pagtukoy niya sa brand manager namin. "Oo naman! Matik na 'yon! Kapag sinabi ni Miss Sapphire, makakarating na agad kay Miss Ayu!" sabat ni Erl na ngayo'y dahan-dahang naglalakad dahil may hawak siyang dalawang tasa—isa para sa kape niya, isa para sa tsaa ko. Nagtawanan naman kaming lahat. Kahit papaano ay nakakasabay na ako sa kanila. Lumalabas ang ibang side ng personality ko. Masaya palang magkaroon ng magandang working environment na walang pressure dahil competitive lang sa kaniyang sarili at hindi sa ibang kumpanya. Kapag ganoon pala ang mindset, panatag lang ang takbo mo. "Team! We have a problem!"
I paused. I had never expected their call since the day I applied for the job. I thought I failed, considering that it's been a few weeks since the last time I saw them. Kinalimutan ko na ang makapasok sa LMC dahil pakiramdam ko hindi ako karapatdapat doon."I'm sorry, sir, but I already have a job," matapat na sagot ko. "I don't think I would want to quit there in the near future."Sandaling katahimikan ang pumuno sa aming dala. I was just being honest. Hindi ko naman pwedeng alisin ang bagay na meron ako at tinanggap ako para lang ipalit sa mas maganda o sa pinapangarap ko pa."I understand, Miss Alvandra. Can I ask which company you are with right now?"
"If you don't have any further questions, shall we?" tanong ni Miss Levanier na ngayon ko lang napagtanto na ako pala ang kausap.T-teka!Ano bang nangyayari? Para naman akong kinikidnap dito? Pumasok ako dito sa Safira tapos sa LMC ako mag-oopisina?Naguguluhan ako!Napatingin akong muli kay Miss Sapphire, pati na rin kay Miss Ayu, Mill, Erl, Zedee, and Caylie. Kapuwa silang nakangiti habang tinataboy ako. Ano 'to? Itutulak nila ang isang walang kamuwang-muwang? Sabak agad? Wala man lang orientation? Anong gagawin ko ro'n?"She'll explain it to you on your way," paalam sa akin ni Miss Sapphire habang ipinapagaspas ang kaniyang kamay sa hangin.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod
Muli akong napabuntong hininga, habang pinipigilan ang pagluha. Kailangan kong kimkimin itong lahat. Wala na si Ismael sa akin. Kailangan ko nang tanggapin na puro lang siya paramdam, at kahit kailan ay hindi ko na siya makikita. At isa pa, ikakasal na siya, katulad ng sinabi ni Atacia; at ang babaeng pakakasalan niya ay ang babaeng katabi ko.Napakagat ako sa labi nang makita ko ang building ng Loeisal Malmdan Company. Hindi na ganoon kasaya ang pakiramdam ko ngayong nakikita ko ito.Paano akong matutuwa?Gayong makakasama ko lang naman ang babaeng ipinagpalit sa akin ni Ismael. Kung pwede lang sanang tanggihan ang tadhana, pero parang pinapamukha pa sa akin nito na hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Hindi kami ni Ismael kahit anong gawin kong paghihintay. Mamumuti lang ang mata ko.Tumigil sandali a