Share

Chapter 138

Naging seryoso din ang timpla ng mood ko. Pakiramdam ko hindi na lang si Ismael ang haharap sa mga posible pang mangyari kundi pati na rin ako. Seryoso na talaga siya sa akin para isama ako sa ganitong uri ng usapan tungkol sa pamilya niya. Siguro ito na 'yong pagpupuno niya sa mga bagay na hindi ko pa alam tungkol sa kaniya. Hindi ko alam bakit nagkaroon ng dagling takot sa dibdib ko, pero natutuwa ako dahil alam kong kasama ko si Ismael para harapin ang lahat ng ito at kasama niya ako sa lahat ng bagay para suportahan siya.

"Kaya pala mas lalong dumami ang may galit sa 'yo lalo na sa parte ng kapatid ng dad mo," wika ni Danjer na ikinakunot ng noo ko. May mga taong galit kay Ismael?

"Yeah, since then they were mad because I was declining their offer but now that they sensed I am changing my mind, I became a threat to them."

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status